Chapter 21

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


N A M I ' S

Matapos magyakap nina Jeongin at Hyunjin na parang di naman sincere ay hinarap ko sila.

"So ano ngang problema niyo at nagaaway kayo?" tanong ko

"Ikaw." sagot ni Jeongin habang nakatingin ng diretso sa mata ko. Nakakatakot na talaga siya simula pa kagabi.

"Huh? A-anong ako?" takang tanong ko

"Siguro nga manhid ka rin." sabi ni Jeongin

"A-ano bang sinabi mo?" nauutal kong tanong. Déjà vu. Pero this time, ako yung sinasabihan.

"Ang slow mo naman. Hindi mo ba naintindihan? Gusto kita. Matagal na. Pero hindi mo napapansin kasi may iba kang gusto na hindi ka naman gusto." sambit niya na may hinanakit sa bawat salita at sarkastiko pang tumawa

"J-jeongin..." nasabi ko na lang at hahawakan sana siya pero pumiglas siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Manhid na rin ba ako?

Napapikit siya at may tumulong luha sa mata niya "P-pasensya na. Sige alis na lang ako ulit." sabi niya at umalis na nga kagaya ng sinabi niya

Nasasaktan akong napatingin sakanya bago siya tuluyang nawala sa paningin ko. Kailangan niya ring mapag-isa kaya hinayaan ko na lang siya. Nasasaktan ako para sakanya. Pareho kami ngnararamdaman. Bakit kasi hindi na lang tayo maging crush ng crush natin?

"Nami," napatingin ako kay Hyunjin nang tawagin niya ako "Eto oh." sabi niya at inabot sa akin ang panyo niya. Doon ko lang naramdaman na umiiyak na pala ako.

"T-thanks." pasasalamat ko bago ito tinanggap at ipinunas sa pisngi ko

"Welcome." sabi niya at ngumiti

Lalo naman akong napaiyak nang ngumiti siya. Hindi niya ba alam na marupok ako? Ang dami nang nasasaktan dahil sakanya tas ngumingiti lang siya diyan.

"Uy, tama na iyak." sabi niya at tinap ako sa balikat

"Eh, k-kasi eh..." hindi ko na magawang makapagsalita nang tuluyan akong napahagulgol

"Hala, shhhh." sabi niya at niyakap ako "Tahan na." sabi niya pa habang tinatap yung likod ko. Wala na akong magawa kundi umiyak sa dibdib niya at inilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

J E O N G I N ' S   P O V

Dinala ako ng mga paa ko sa mall. Magpapalamig muna ako. Gusto ko ring mapagisa at makapagisip isip. Hindi na rin ako bumalik ng school nang malaman kong pinauwi na rin pala yung mga estudyante.

Nang abutin ng gutom ay pumasok ako sa isang fast food para umorder. Sa kasamaang palad, taken na ang lahat ng tables. Ano ba 'yan? Masyado kasi akong lutang eh. Sana naghanap muna ako ng mauupuan bago umorder.

"Jeongin! Dito ka na lang." napaligon ako sa tumawag sa akin, si Yoona. Magisa siyang kumakain sa isang table at may upuan pa sa harap niya na puro shopping bag niya. Nakangiti niyang inalok yung upuan para sa akin matapos niyang ilapag ang mga pinamili niya.

"Salamat." sabi ko pagkaupo ko sa upuan sa harap niya "Dami mo namang pinamili."

"Yas, para sa prom." sagot niya "Ikaw, bakit magisa ka lang? Nakita ko kanina sila Seungmin sa isang cafe dun sa labas ng mall."

"Ay ganun ba? Umuwi kasi muna ako tas hindi ko na alam kung nasaan sila." sagot ko na lang

Tumingin siya na parang i-smell-something-fishy look at humigop ng coke gamit ang straw niya.

Natawa naman ako sa ginawa niya "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala lang. Parang may something." natatawa niya ring sagot

"Ano naman yon? Ikaw talaga masyado kang maalam sa mga bagay bagay." komento ko

Napakibitbalikat naman siya "Nakikialam lang naman ako pag may pakialam ako sa isang tao."

"What?"

"Never mind."

3 R D   P E R S O N ' S   P O V

"Oh my gosh! Look girls, is that Yoona having a date with Jeongin?"

Napatigil sa paglalakad ang tatlong babae nang magsalita si Ayen at tinuro ang kinalulugaran nina Yoona at Jeongin mula sa glass wall. Matapos nilang kumain ay napagpasyahan nilang magshopping muna.

"Omg yes, take a picture of it!" sambit naman ni Cherry na dali dali namang ginawa ni Ayen.

Natatawa silang nagpatuloy sa paglalakad habang tinitingnan yung litrato. Si Sunny naman ay hindi naniniwala pagkat kilala niya naman si Jeongin kahit paano.

"Ikaw magpost nito Sunny ah." sabi ni Ayen

"What? Bakit naman?" gulat na tanong ni Sunny

"Of course, we should spread the love story of our friend." sabi ni Cherry

Una, pinagkamalan nilang nagde-date, tas ngayon love story. Grabe ang pagkatsismosa ng dalawang ito. "P-pero.." hindi na nakapagsalita si Sunny nang kinuha ni Ayen ang cellphone niya na hawak niya.

Friend? Ano nga ba ang ibig sabihin nito para kay Sunny?





"Wala na pala dito yung bebe mo." sabi ni Jisung kay Seungmin nang mapansing wala na yung tatlong babae sa loob ng cafe

"Pati yung bebe mo." sagot naman ni Seungmin dahilan para mapatigil si Jisung

"Aba't-"

Napatawa naman si Felix "Buti na lang wala akong bebe."

"Talaga lang huh?" sabay na tanong ng dalawa

"Oo naman, kay author lang ako." sagot ni bebe Felix HAHAHHA de charot lang wala yun.
TAKE TWO!!

✁____________

"Talaga lang huh?" sabay na tanong ng dalawa

"Oo naman." proud na sagot ni Felix

"Nga pala, yung bebe mo nagpost." sabi ni Jisung habang nakatingin sa cellphone

"Ano naman sabi?" tanong ni Seungmin

"Relationship status, taken na raw siya. Wawa." asar ni Felix

"Tumahimik ka nga." saway ni Seungmin "Ano nga yun Jisung?"

Pinakita ni Jisung yung cellphone niya sa dalawa.

"Nagdedate sila Yoona at Jeongin?!" sabay na sigaw nina Seungmin at Felix

"Sigaw pa para malaman ng lahat ng tao dito." saway ni Jisung nang mapansing lahat ng tao sa cafe ay nakatingin sakanila.






===================================

Omg mag-1 year na 'to sa Dec6 halaaaaa. May nagbabasa pa ba? Huhu
I'll try my very best para makapagupdate sa Dec 6 hehez at try ko ring tapusin na 'to this year. Baka umabot pa kasi 'to ng 2 years eh hehez
Nahirapan ako mag-update kasi nung nag-back read ako, parang nagkatotoo sakin yung mga pinagtatype ko dito. Una yung akala ng bessy ko na naka-move on na talaga ako sa crush ko kaya naghaharutan sila sa harap ko *roll eyes* pero alam ko namang di nila gusto o yung isa't isa pero kahit na dba? Lel. Tas nung nagconfess ako sa crush ko and napaiyak talaga ako, morelike hagulgol. Tapos ni-hug din ako ng crush ko huhuhu. Bakit ganon, natutuwa ako pag may something tragic pero pag sa real life ayoko? Yoko na tuloy magupdate baka magkatotoo nanaman. Charot hehehehe mahal ko kayo eh kaya tuloy lang sa pagupdate. Gawin ko na lang hapi 'to para pag nagkatotoo, hapi lahat. Skl ko lang naman.
So ayun, i love you all gais! Lovelots from my hypothalamus! See y'all next updates!

12-02-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro