Chapter 22

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sunny Kim
🌏Public

Guess what I just saw? I saw
Yoona and Jeongin dating sa isang fast food.
[picture]

369 Reacts • 69 Comments • 15 Shares

Yoona: so what bitch?
543 reacts34 replies

Yang Jeongin: luh? parang tanga
555 reacts33 replies



J E O N G I N ' S P O V

"Grabehan naman. Bilis kumalat ng tsismis." sabi ni Yoona habang lumilinga sa paligid dahil baka may nagpipicture nanaman samin

"Oo nga eh. Grabe naman si Sunny. Di ko alam na ganyan siya." sabi ko naman

"I don't think na siya nagpost nito. Knowing Ayen and Cherry, obviously sila nagutos nito."

"Kaibigan mo sila diba? Bakit nga pala di na kayo nagsasabay? Pinalit ka na kay Sunny?"

Nagkibitbalikat lang siya bago ubusin ang natitirang pagkain sa plato niya.

"Anyways, tapos ka na ba? Uuwi na kasi ako eh." paalam ni Sunny at kinuha na ang kanyang mga shopping bags

"Tapos na rin ako. Sige sabay na ako sayo." sabi ko at tumayo na rin "Tulungan na kita diyan." sabi ko nang mapansing nahihirapan siya sa mga dala niya

"Ay, salamat." pasasalamat niya


"Maglalakad ka lang ba? Malapit lang naman dito bahay mo diba?" tanong ko pagkalabas namin ng mall

"Ang dami ko kasing bitbit kaya baka mag commute na lang ako." sagot ni Yoona

"Ihatid na lang kita tutal madadaan ko naman bahay niyo paguwi eh. Okay lang ba?"

"Sure, why not?"


N A M I ' S P O V

"Thank you talaga ha?" sabi ko kay Hyunjin

"Pang ilan na 'yan?" natatawa niyang sagot "Pero welcome ulit."

"Kasi- ano- thank- ay hindi. Basta, salamat." Hindi ko talaga alam kung ano dapat kong sabihin ngayon kaya bago niya pa ako ulit sawayin aynagsalita na ako ulit. "Salamat kasi hindi ka lumayo. Salamat kasi hindi ka gaya ng iba na iiwasan yung nagkakagusto sakanila. Salamat kasi we're still f-friends? Basta ayun. Don't worry magmu-move on na ako. Tulungan mo ako ah hehe."

Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko "Ano ka ba? Wala yun. Pareho lang tayong sawi sa pagibig."

Ngumiti naman ako pabalik. Grabe yung puso ko! Kakayanin ko bang mag-move on?

3 R D P E R S O N ' S P O V

"Sigaw pa para malaman ng lahat ng tao dito." saway ni Jisung kina Felix at Seungmin

Napatakit naman ng bibig ang dalawa nang mapansing lahat ng tao sa cafe ay nakatingin sakanila at nagpeace sign pa sa mga ito.

"Pero seryoso nga. Totoo yan? Baka nagkita lang sila." Felix

"Oo nga. Bilis naman maka-move on nun." Seungmin

"Fake news 'to." Jisung

"Report mo." Felix

"Wag naman. Baka nahack lang siya." Seungmin

"Pag tanggol mo pa." Felix & Jisung

"Malay niyo naman diba?" Seungmin

Nagkibitbalikat lang ang dalawa bilang sagot sa sinabi ni Seungmin.

"Teka, sila ba 'yon?" turo ni Felix mula sa window glass ng cafe

"Sila Jeongin at Yoona 'yon ah." sabi ni Seungmin. Mula sa kinauupuan nila ay tanaw nila ang dalawa na naglalakad palabas ng mall.

"Hmmm, I smell something fishy." nasabi naman ni Jisung



S U N N Y ' S P O V

Nagulat ako nang paguwi ko sa bahay ay maraming notifications ang bumungad sa cellphone ko pagkabukas ko nito.

Agad kong dinilit ang post ni Ayen gamit ang account ko nang makitang lahat ng notifs ay tungkol doon. Bigla tuloy akong nakonsensya. Matuturing ko naman silang kaibigan at ayokong siraan sila sa balitang hindi naman totoo. Alam ko namang hindi ako naging mabuting kaibigan both kay Nami at kila Cherry, if we really treat each other as friends, pero hindi naman ako masama diba? Oo na, ang gulo ko na.

Balak ko sanang puntahan si Nami para magkaayos kami ngunit napadungaw ako sa bintana nang makita kong nagbabadyang umulan. Next time na lang siguro. Paghahandaan ko muna.

Babalik na lang sana ako sa pagkakahiga sa aking kama nang umagaw ng pansin ko ay ang ilang bahay mula sa katapat na bahay namin na siyang bahay nila Yoona ay nakita ko siya kasama si Jeongin sa tapat ng gate nila. Nagulat ako nang biglang hinalikan ni Yoona si Jeongin sa pisngi. What?! Totoo ba 'to? Baka sila na nga talaga?








===================================

I know it's supeeeeeer late but belated HAPPY ANNIVERSARY SA LIVING WITH THE MAKNAES!
I love you all guys! Stay with me STAYs!💖
Sorry for wrong grammars and typos. And expect more wrong grammars and typos. Hindi po ako perfect ehehez.
Just chillax and 3 more chapters to go!

12-17-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro