Chapter One

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter One-The Beginning

Mikaela's POV

Hooo! Yes! Party party!

"Ate!! Bagalan mo nga! Baka masagasaan tayo eh!" Reklamo ng kapatid na si Mayka
"Hahahaha!" Tawa ko
Wala silang tiwala sakin. Mayghadd.

Ayyt! My name is Mikaela Gabbi Sablan. 18 years old.
Kasama ko ngayon sa kotse ang kapatid at ang dalawa kong pinsan at pinagti-tripan sila.
"Hoy. Gubat na yan." Paalala ni Mylene

Tinapakan ko na ang preno.

"Hoy! Mikaela huminto ka na nga!" Iyana
"Ayaw nga huminto!"
Shems!
"ANO NA GAGAWIN NATIN ATE?!" Sigaw ni Mayka
Diniretso ko na lang hanggang sa...
Nabunggo kami sa puno at,

-Blackout-

Aray! Eng shakit neng ulow kow!!! Qiqil eqouu!!!
Napahawak na lang ako sa ulo ko.

"Uy! Gising na siya!"

Narinig ko ang isang boses babae, dahilan para dumilat ako.
Nasaan ako? Sino sila?
Teka. Wow ha. Nawala sakit ng ulo ko.

"Teka. Sino kayo? Nasaan kami?" Nag-aalala kong tanong
"Huwag kang mag-alala. Hindi ka namin sasaktan." Sagot nung isa
"Nandito kayo sa dorm namin. Nakita kasi namin kayo sa labas ng school namin. Buti na lang at kami lang ang nakakita sa inyo. Kundi, pinagkaguluhan na kayo." Sagot naman nung isa
Gising na pala si Mylene at Iyana. Si Mayka na lang hindi pa.

Biglang nagising si Mayka.
"Oh! Gising ka na!" Sabi nung isa
Marami sila ehh. Mga 7? Oo 7. Tama lang.
"So. Magpapakilala na kami. ---"
"Pakilala lang walang tayo. Tss." Pambabara nung isa
"Oo na Jen! So. Ako nga pala si Shyna Andrea. Just call me Shy."
"Okay. Ako naman si Jennylyn Anna. Jen na lang." Pagpapakilala nung nambara kay Shy
"Shy Ayra! Ayra na lang."
"Shielyn Hanna naman. Shie na lang."
"Ako naman si Keith Sophia. Keith na lang."
"Venus Mars. Tawag nila sakin Universe kasi nga Venus tsaka Mars. Universe na lang din o Uni."
"At ako si Sienna Smith. Sienna na lang."
"Kayo naman. Ano pangalan niyo?" Sabi ni Shy
"Ako si Mikaela Gabbi Sablan. Mikaela na lang tawag niyo sakin." Sagot ko naman
"Mylene Cezar. Mylene na lang." Pagpapakilala ni Mylene
"Iyana Santiago. Just call me Iyana."
"Ako naman si Mary Mayka Sablan. Mayka na lang."
"Okay so. Mikaela and Mylene. Dito kayo sa dorm namin. Iyana, susunduin ka ni Donna. Ka dorm mo. At Mayka. Susunduin ka rin ni Irene. Ka-dorm mo."
WHATTT??!!
"Magkaka-iba kami ng dorm?! Hindi ba pwedeng i-isang dorm na lang?! Binilin sa'kin si Mayka! Kapatid ko yan!"
"Kung hindi sana kayo nagloko edi wala kayo dito." Pagtataray ni Jen "Wala na kayong magagawa. Pag nangyari na, nangyari na. Kailangan na lang nating tanggapin na wala na. Huli na ang lahat. Hindi na mababago pa ang nakaraan."
At nag diretso siya sa isang higaan.

Malaki kasi yung dorm eh. Sabi ko nga diba, 7 sila. Edi kapag nadagdag kami ni Mylene, 9 na.

Umupo si Shy sa tabi ko, na sa higaan kasi ako eh. Diba galing nga kaming aksidente.

"Pagpasensyahan niyo na si Jen ha. Nagalit kasi yan sa jowa niya eh."
"Hindi. Okay lang." Sabi ko at ngumiti

May kumatok sa pinto at pinagbuksan ni Keith.

"So. Where's Iyana?" Tanong nung kumatok, sa tingin siya yung Donna na ka-dorm ni Iyana.
Pina sama na nila si Iyana dun kay Donna.

"Iyana! Ingat ka ha!" Sabi ko kay Iyana. Gunantihan niya naman ako ng ngiti.

Maya-maya. May kumatok nanaman.

"Hello! Where's Mayka?" Tanong nung babae na sa palagay ko yung Irene.
Nagkatinginan kami ni Mayka. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Mayka mag-iingat ka ha." Sabi ko sa kanya
Ginantihan niya rin ako ng ngiti at niyakap ako.
Tumayo na siya at sumama dun sa Irene.

Hayss.

"So. The reason why we ask the principal for you two to be one of us is because... Ayra." Shie
"We will teach you your powers. Mikaela and Mylene." Ayra
"Wait. Powers? Wala kami niyan. Tao lang kami. Hindi kami kagaya niyo." Mylene
"Korek." Sang-ayon ko
Tumayo naman si Shy sa tabi ko at nag lakad papunta sa tabi ni Ayra. Nakatayo na sila.
"No. You have your powers. Unang kita pa lang namin sa inyong apat, alam na namin na meron. You are immortals too." Shy
"But we choose you because you suits our group." Jen
"Suits your group?" Tanong ko
"Yes. We have our group. Kailangan namin ng nine members. And kulang kami dalawa. So, we choose you." Keith
"Don't worry. Sa klase i-isang class lang tayo. Performers kasi tayo tuwing may event kaya iba tayo ng section. At hindi lang iyon ang dahilan, mas malakas kasi tayo kaya tayo ang pinili na makabilang duon sa section na yun. Don't worry, dahil kasama na kayo sa'min, mas mabilis ang pag-improve niyo. May kasama pa tayong two groups. Kasama sa isa pang group si Mayka. So i-isang class lang din kayo. Ang hiwalay lang, si Iyana. Pero sa kabilang room lang siya. Section natin ay 'Performers Section' at section naman nila Iyana ay 'Actors/Actress Section'." Mahabang paliwanag ni Uni
"Ang klase natin ay from 6:30-11:30. Pagkatapos nun training ng powers. Bawat section may sariling lugar." Paliwanag din ni Sienna
"Gets?" Ayra
Tumango kami ni Mylene.
"Buti." Shie
"Hays! Kapagod!" Sigaw ni Jen habang naka higa at nag i-stretch sa kama niya
"Wait. Kelan start ng classes?" Tanong ko
"Bukas." Sabi ni Uni sabay ngiti
"Siya nga pala. My powers is time traveling." Sabi bigla ni Ayra
"Mine is invisibility!" Sabi naman ni Shy
"Ako kaya kong pahintuin ang oras." Jen
"Ako kaya kong makita ang mga malalayong bagay. 30 kilometers ang limit. Hindi lahat ng tao o bagay nakikita ko kahit di ako naka focus. Kailangan ko mag focus para makita ko yung malayong yun." Paliwanag naman ni Shie
"Akin naman ang telekinesis." Keith
"Ako naman, masyado akong malakas. Kaya kong manapak ng tao at tumalsik hanggang makalabas ng Universe. Cheret. Kahit pader, kahit tiles, pag sinuntok ko, mabubutas." Uni
"Ako naman kaya kong mang-hypnotize. Yung kapatid mo, alam ko parehas kami ng powers eh. Mag-ingat ka dun. Mag-ingat ka sa mga marunong mang hypnotize. But don't worry, ako mapag kakatiwalaan." Sienna
"So, ano powers namin?" Tanong ni Mylene
"Hmm. Sa'yo Mylene, mabilis ka tumakbo, hindi kaparehas ng takbo namin at ng normal na tao. Ikaw, Mikaela, kaya mong padamihin yung sarili mo at kontrolin sila. Not just 2, but more. Limit niya ay 100,000." Ayra
What?!
"Matulog na tayo!" Aya ni Jen
"Hayss. Mamaya na tayo kumain. Lika tulog muna!" Sabi ni Shie
Nagsi higa na sila sa kanya-kanya nilang mga higaan.
"Ah, Mylene at Mikaela, jan na yung permanent niyong higaan ha!" Sabi ni Shy sabay ngiti
Tumango naman ako.

Para sa'kin, mas mabuti na nakasama kami ni Mylene sa grupo nila, dahil magaang ang pakiramdam ko sakanila at mabait din sila. Pero pinag tataka ko, hindi kasama samin yung kapatid ko at si Iyana. Pero ang concern ko talaga si Mayka eh.

"Guys, bakit ba hindi niyo sinaman sa group niyo si Mayka?" Tanong ko
"Magkaka parehas na kasi sila ng powers ni Sienna, eh dapat bawat members magkakaiba ng powers. At---" Ayra
"Shh. Ano ba Ayra!" Galit na sigaw ni Jen "Wala yun. Mikaela wag mo nang isipin yung sigaw ko. At wag mo na rin itanong yung isa pang dahilan."

Tumango na lang ako.
Naguguluhan ako! Ewan ko!
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at natulog.

Mayka's POV

"Guys! She's here!" Sigaw ni Irene pag kapasok namin sa dorm
"Omaygoshh! Newbie! Hello! My name is Lyka Ford. Just call me Lyka! My powers is Telekinesis!" Sabi ni Lyka
"Hmm. My name is Star Anderson, just call me Star. My powers is time traveling." Pakilala nung isa
"And again. I am Irene Rhein, call me Irene. Kaya kong pahintuin ang oras." Pakilala nung nag hatid sa'kin na si Irene "And you are Mary Mayka Sablan. Your powers is hypnotism. Welcome to our group, darling." Sabi niya ulit sabay kindat
Anong meron sa group na 'to?

Pumasok kami sa kwarto nila. Pina-upo nila ako dun sa bakanteng higaan.
Ang laki ng dorm nila ha. Pero mas malaki yung kela ate.

Kasi yung dorm nila ate is may dalawang floor, bale itsura niya condo kasi may second floor. Siguro dinalawa yung floor kasi masyado silang marami. Sa dorm nila ate sa first floor ay kusina, sala at dining room. Sa second floor may dalawang CR tapos yung kwarto nila malaki.
Dito naman, malawak siya, pero  isang floor lang. Bale pag labas mo sa kwarto sala na, tapos yung dining table nasa kusina na rin. Pero maganda naman eh.

My kinuha si Star na something liquid. Kulay violet ito.
"Oh eto bebe Mayka, inumin mo ohh." Sabi ni Lyka
WTF! HANUTO??!!
"A-a-ano ya-y-yan?" Tanong ko
Kinakabahan na ko, baka lason siya or something na makakapatay, o makokontrol nila ako, baka mapatay ko ate ko at mga pinsan ko! Ayoko!
"Wala 'to! Alak lang 'to!" Sabi ni Lyka
"Alak kulay violet? Sorry pero hindi ako umiinom ng alak." Sabi ko
"Sige na! Sign yan ng pag welcome namin sa'yo! Please." Irene
Nanginginig kong kinuha ang baso at ininom ang laman nito. Ewan ko pero inantok ako.
"Sige, humiga ka na! Matulog ka na! Haha!" Star
Shems!
-Blackout-

Mikaela's POV

Ewan ko pero nag-aalala ako kay Mayka eh. Tatanga-tanga pa naman yun. Hindi naman tanga na as in, pero kasi takaw aksidente yung batang yun kaya ayokong lumalayo dun eh! Baka kung anong nangyari dun.

Siya nga pala. Kumain na kami at gabi na, tulog ulit. Patay ang ilaw pero hindi talaga ako makatulog eh! Umupo ako sa higaan ko. Hindi ko alam bakit.

"Mikaela? Gising ka pa?"
Napa-upo si Shy.
"Ba't gising ka pa?" Tanong niya ulit
"Nag-aalala ako sa kapatid ko eh." Sagot ko
"Yung Mayka?"
"Oo."
"Bakit naman? Malalaki na kayo, malaki na din siya, syempre kakayanin niya na mga nangyayari sa kanya 'no."
"Kapatid ko yun syempre mag-aalala ako 'no! Alanga namang pabayaan ko lang 'no!"
"Hay nako! Bahala ka!" Sabi niya
"Basta, hypnotism ang powers niya, mag-ingat ka sa mga may ganong powers, mag-ingat ka sa kapatid mo. Except kay Sienna! Si Sienna mapagkakatiwalaan siya! Si Jen nag palaki dun ehh. Di joke, magkababata kasi sila ni Jen. Kaya nadisiplina siya! Haha!" Dagdag niya
"Eh bakit naman ako mag-iingat sa kapatid ko? Kilala ko yun 'no! Di niya ko kayang saktan! Mahal ako nun!" Sagot ko
"Wag kang magsalita ng tapos, Mikaela. Hindi mo alam ang mangyayari sa future, hindi mo alam kung sino pilit kang pabagsakin, ang pilit kang ibabangon sa pagkadapa mo." Babala niya
"Eh, nakita mo ba yung future?" Ako
Ngumisi siya.
"Future ko hindi, pero future mo..." Sabi niya at ngumisi "Tulog na ko! Tulog ka na rin!"
Humiga na siya.

Ano bang ibig sabihin niya?
Ano bang meron sa future na di ko alam?
Ano bang meron sa kapatid ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro