Chapter Two

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Two-Day 2

Mikaela's POV

"Good morning!!"
Arggghhh! Ang aga-aga naman mag-ingay neto!
"Shy may natutulog diba. Respeto oh!" Galit na sigaw ni Jen
"Edi wag kayong pumasok. Five A.M na oh!" Sagot ni Shy
"Five pa nga lang eh sumisigaw ka na!" Jen
"Ah basta! Magsi-bangon na kayo!" Sabi ni Shy at pinagpapalo kaming lahat ng unan
"Argghh! Eto na! Buset ka!" Sigaw ni Ayra
"Hihi! Come on bamonos!" Shy

-Fastforward-

6:00 A.M na. Andito na kami sa school, sa room namin. Wala silang flag ceremony.
Bakit kaya?

"Bakit naman ang tagal ni prof. Michael(Margaret Michael)? Nakakainip!" Jen
"Tanga! Twenty-eight minutes pa bago mag six-thirty ehh. Late nga yun dumating eh." Shy
"Sino tanga? Paki-ulet!" Jen
"Wala! Joke lang yun enebeh!" Shy
"Tss." Jen
"Edi sana pala nag pa-late na lang tayo." Sagot ni Mylene
"No. Hindi pwede. May punishment." Ayra
"Punishment? Ano? Bawal na mag-perform? Nakakahiya naman sa isang group dyan na hindi pa dumadating. At, palaging late." Shie
"Wow! Inaaway niya group ng boyfie niya eh. Hahahahaha!" Tawa ni Sienna
May humawak sa balikat ni Shie.
O.M.G! Eng fogiii!! Este, ANG POPOGI!!! 7 boys sila. Emegeshh ha!
"Ehem. Sino po ba yung tinutukoy niyo miss Shielyn Hanna?" Tanong nung isang poging lalaki
"Sino pa nga ba? Mister Julian Wilson." Sagot ni Shie dun sa lalaki
"Wag ka na magtampo! Nakaka-inis ka na ah!" Sabi nung lalaking kausap ni Shie sabay pout
"Hehe! Galeng." Sabi ni Shie at umirap
"Uyy! Sornah bebe! Yiiee. Labyah! Wag na tampo!" Sabi nung lalaki at kiniss sa pisngi si Shie
"Unfair naman kasi sa pumapasok ng maaga tas kayo..."
Di ko na sila maintindihan. Kami nga ni Mylene nakatingin lang sa kanila eh.
Si Jen irap ng irap. May kausap siya ehh. Este, may sumusuyo sa kanya. Yun yata yung boyfriend niya. Si Shy tsaka si Keith walang kausap. Nakatingin lang din sa mga kaibigan namin, pero nakikitawa.

By the way, andito na yung group ng kapatid ko, kaya lang, hindi niya ko pinapansin. Ewan ko pero may nagbago sa kapatid ko. Hays.

Yung school nila ang ganda ha! May elevator at escalator, tas may wi-fi buong campus, lahat pede gumamit. May silid-tulugan!! At libre daw ang pagkain sa canteen with drinking fountain na coke ang lumalabas! Yay! Ang saya dito!!!

"Uy! Bago! Annyeong!" Sabi nung kausap ni Sienna at tinuro kaming dalawa ni Mylene
"Napansin ko nga rin." Sabi nung kausap ni Jen
"Ops! Mamaya na sa dorm namin! Para mas private." Sabi ni Shy
Um-agree naman lahat sa kanya.

Tiningnan ko ulit si Mayka. Nahuli ko siyang nakatingin din sa'kin pero umiwas siya ng tingin. Umiwas na lang din ako.
Ano bang nagyayari sa kanya?

-----------

Training of powers na. Dito kami sa parang studio, dito sa pinaka taas, pero hindi pa 'to roof top, may roof top pa din. Dito kami nakatayo.
I'm nervous. Paano ba naman eh di nga namin alam paano gamitin. Huhuhu.

"Cous(cousin), I feel you." Sabi ni Mylene habang tinatapik ang balikat ko
Bumuntong hininga na lang ako.

"Okay so! Sinong mag te-train sa kanilang dalawa?" Shy
"Sila Aeron na lang kaya?" Suhestiyon ni Jen
Sino nanaman 'yon?
"So bale si Matt at Gab magtuturo sa kanila?" Ayra
"Malamang." Sagot ni Jen

Tumayo si Shie at may tinawag.
Pagbalik niya, kasama niya yung pitong lalaki, yung kaklase namin na kasama namin kaninang umaga.

"Oh, bago mag training pakilala na kayo." Sabi ni Shie
"Hello, my name is Aeron Wilsen. Boyfriend ni Jen."
"Hehe. Galeng." Sabi ni Jen sabay irap
"Julian Wilson, boyfriend ni Shie."
"Kenneth Wins---"
"AYOOOO!!" May sumigaw na apat na lalaki
"Yoww! Wazsup guyseu!" Sabi nung isa at a-apir sana dun sa lalaking nagpapakilala, yung Kenneth "Oh, bro. Apir?"
Tinaasan siya ng kilay ni Kenneth.
"Nagpapakilala kami dito mang iistorbo kayo. Tss."
"Ayy. Bro sa bago? Sorry na. Tuloy niyo na." Sabi nung makikipag-apir
"Kenneth Winston, boyfriend ni Ayra."
"Gabriel Red. Wala pa akong girlfriend, haha!"
"Andrew Blue, boyfriend ni Sienna."
"John Michael, boyfriend ni Uni."
"Matthew Anderson. Single."

"Oh, pwede na kaming magpakilala?" Tanong nung naka-away ni Kenneth
Tumango naman sila Shy.
"Okay! Ezekiel Carlos, boyfriend ni Shyna Andrea." Sabi niya at inakbayan si Shy
"Drew Smith, boyfriend ni Keith."
"Miguel Lloyd, single. Hahahaha!"
"Mark Angelo. Single."

"Hoy! Apat na lalake! Bakit kayo nandito? Diba may klase kayo?" Tanong ni Jen
"Absent si prof!" Sigaw naman ni Ezekiel at nagpatakbo-takbo pa. Binato naman siya ni Jen ng ballpen.
"Awttss! Machakit." Sabi ni Ezekiel at umakbay ulit kay Shy
"Sige Matt, ikaw mag tuturo kay Mika. Gab, kay Mylene." Shie

Lumapit si Matt sa'kin.

"So, duplicating din sa'yo?" Tanong niya na dahilan para tumango ako
Ngumiti siya.
"Wag kang mahiya sa'kin. Di ako nangangagat." Sabi niya na ikinangiti ko
"First step. Close your eyes, or kahit hindi na. Pero dahil begginer ka... Hmm, wag na nga lang para masanay ka. First step, pakiramdaman mo ang paligid mo. Kung hindi mo kaya nang nakadilat, pwede kang pumikit. Pakiramdaman mo, kailangan nararamdaman mo ang kilos ng bawat isa pati ang paligid. Dito lang sa studio ah"
Pinakiramdaman kong mabuti.
Inabit din siguro ng tatlong minuto bago ko maramdaman talaga.
"Ngayon, i-imagine mo yung mga gusto mong puntahan dito sa studio. Not one, but many."
Inimagine ko na gusto ko umupo sa isang hilerang upuan. Tapos yung isa nagsasayaw yung isa nag ra-rap, yung isa naglalaro. Yung iba nag lalakad o tumatakbo.
"Dumilat ka na, at tingnan ang buong studio."
Dumilat ako at nilibot ang aking tingin.
Nag ka totoo ang mga inimagine ko.
"Tigilan mo na pag i-imagine mo."
Biglang nawala lahat ng kamukha ko.
Umupo kami at may binigay siya sa akin na libro.
"Nakalagay diyan yung ways kung pano mo ma-kontrol bawat duplicate mo."
"Hi-hindi ba p-pwedeng i-i-ituro m-mo n-na lang sa-sa'kin?" Pautal-utal kong tanong
Ngumiti nanaman siya. Pamatay niya yung ngiti niya ahh.
"Wag kang ma-utal. Haha! Hmm. Basahin mo muna, tas bukas tuturuan kita." Sabi niya at ngumiti ulit
"Sige. Matt." Sabi ko at ngumiti din

"Hoy! Matthew Anderson and Mikaela Gabbi Sablan! Baka naman may ano na diyan ah!" Sigaw ni Shie
"Wala po Shielyn Hanna! Tinuturuan ko lang po siya!" Sabi naman ni Matt
"Oy! Huy Matt joke lang! Eeehhhh." Sabi ni Shie at nag-pout
"Ganda na nung mood eh. Twing training na nga lang ganya yan. Pinasama mo pa yung mood." Sabi naman ni Shy
Humarap nanaman sa akin si Matt. Hindi siya katulad nung kanina. Naging cold yung dating niya. Ghaadd. Paiba-iba mood. —___—
Kinuha niya sa'kin yung libro at may binigay na tatlong bilog na maliliit(kasing laki ng marble) na kulay gold at isang box na naka-tape talaga. As in balot na balot.
"Yung tatlong yan, kapag KAILANGAN. Hindi pag gusto. Kapag kailangan mo mag duplicate, lunukin mo yan. Yung tatlo sabay-sabay ha. LUNUKIN hindi NGUYAIN ha! Tapos mag-isip ka ng number, example, one thousand ang naisip mo, mag kakaroon ka ng one thousand na ano... Alam mo na, tapos kung ano gusto mong gawin nila, edi magagawa nila. Tas etong na sa box na 'to, may mga bote dyan tas may liquid na blue sa loob, kapag naman tatanggalin mo na yung mga dinuplicate mo, iinom ka ng kalahating bote, maluluwa mo na yung mga nilunok mo kasabay ng pagkawala ng mga dinuplicate mo. Tandaan mo yan ha." Sabi niya
Ngumiti naman ako sakanya, pero this time, hindi niya ginantihan.
"Sorry kung bigla akong naging ganito. Ganito kasi talaga ugali ko pero pag training lang umaayos. Eh sinira ni... SHIELYN HANNA!"
"Oy! Ano nanaman yan! Oo na Matt! Ako na may kasalanan!!! Huhuhu." Shie
Haha! Ang kulit.

Mark's POV

Mark Angelo. 18 years old. Invisibility.
Hays. Nandito pa rin kami sa studio. Kwentuhan lang ang ganap. Pero ako, nakatingin sa babaeng mahal ko na hindi na ako kilala, hindi na ako maalala. Si MIKAELA. Mikaela Gabbi Sablan. Na ang tunay na pangalan ay Mikaela Gabriela.
Magkababata kami ni Mika, pero ewan ko anyare, napunta siya sa mundo ng mga mortal at nakalimutan lahat ng tungkol sa amin.
Ganito kasi yan.

Kababata ko silang lahat, pero dahil may lahi akong Dark (ang kalaban nila DATI) pinalayo nila ako sakanila. Pero si Mika, palihim kaming nag-uusap. Natandaan ko pa yung sinabi ni Mika sa'kin dati.
"Kahit pa may lahi kang Dark at kahit pa pinapalayo ka nila sa'min, naniniwala akong mabait ka."
Dahil kay Mika naging magkakaibigan ulit kaming lahat. Pero bigla na lang siyang napunta sa mundo ng mga mortal.

"Bro. Okay ka lang? Kanina mo pa pinagmamasdan yung mahal mo ah." Sabi Miguel habang tinatapik ang likod ko
"Mahal ko na may mahal nang iba?" Tanong ko habang nakatingin pa rin kay Mika
"Hay nako bro."
Bumuntong hininga na lang ako.
Simula bata kami alam ko kung sino mahal niya.
Si MATTHEW ANDERSON.

Someone's POV

"Welcome back! Haha! Tagumpay ang plano! Hahahaha!" Tawa ni bes
"Di ko ine-expect na magtatagumpay ang plano ni bebe gurl." Sagot ko
"Sama niyo sa'kin!" Reklamo ni bebe gurl
"Hahaha!" Tawa naman ni girl
"So asan siya, este, ang KALULUWA niya?" Tanong ko
Pinakita nila sa akin ang isang bote, at nandun siya.
*smirk*
"So, what's the next plan?" Tanong ko
"Off course, aagawin mo ang korona." Sabi ni bes
"Korona? Aagawin? Bakit? May umagaw ba?" Galit kong tanong
"Itago natin siya sa pangalang, Mikaela Gabbi Sablan." Sabi ni girl
"So, siya yon?!" Takang tanong ko
"Yes. But don't worry, tutulungan ka namin, para maagaw muli ang korona." Bes
That girl. She's back! Arrggghh!
----------------------
Kung may nagbabasa:
Reminder:
Yung someone po ay wala sa characters. Pero yung mga kasama niya ay nandiyan. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro