Chapter IX: Shoot that Photoshoot!

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

(Hashtag)LOVE for the Cassanova PrincessHiImFebby
Chapter IX: Shoot that Photoshoot!


"May artista daw ngayon sa gate ng school!"

"Oh, ' di nga? Bakit kaya ang swerte ng school na'to? Laging may artistang dumadalaw 'noh?"

Ibinaba ko na ang hawak kong iPhone at inilagay iyon sa purse ko . I got up from my seat at lumakad palabas ng classroom. Yeah right, that must be him.

Habang naglalakad ako, kabi-kabilang bulungan ang umaalingasaw sa paligid. Leche nakakasulasok sa ingay! Bwisit, tanghaling tapat iniirita ako.

Tumigil ako sa kalagitnaan ng hallway. I closed my eyes to compose myself before giving them an oh-so-nice sermon from me... ngunit lilingon pa lamang ako, agad na silang tumahimik at naglakad palayo sa'kin. Well, that's more like it! All hail to silence!

Sa paglalakad ko, natanaw ko ang open field ng school and I saw my cuckoo-brained friends flirting with the school's football players.

Wow! So ganern? Iniiwan na nila ako sa panghuhunting nila? Tss, medyo baboy. The eff!

I just rolled my eyes heavenward , continue walking and minding my own business.

"Kainis ang init!" I fanned my hands up to my face. This is the disadvantage of having a tropical country, ang init palagi. Tss.

Bago pa man kami magkakatagpo ng sikat ng araw, may nagpayong na sa akin.

"Sayang naman kung maiinitan ang maganda mong balat." Sabi nung lalaki kaya napalingon ako sa kanya. He smiled, a smile that can make many girls crazy just by seeinga glimpse of it, and also his greek godlike features will send shivers to your body.

"Thanks handsome." I smiled and lean toward his smooth cheek and gave him a peck. He seemed to be pleased with my response at ayun, inalalayan na niya ako papunta sa gate. Well, everybody, meet my present, Kennydie Williams---a model.

-----

"Easy girls, isa-isa lang okay?" Just a few yards mula sa kinatatayuan ko, I can see bunch of girls surrounding him and his car. Agad akong pumunta sa kinatatayuan niya at hinawi ang sangkatutak na mga babaeng mukhang mangkukulam sa paligid.

Nasa akto pa siyang hahalikan 'yung isang babae na tinapalan ng light foundation ang buong katawan mula ulo hanggang paa at talagang namumula pa ang hasang ng loka-loka. Grabe, ganyan na ba kababa ang standards niya pagdating sa babae? Pambihira!

Itinulak ko 'yung babae at piningot agad ang tenga ng bwisit na lalaking ito. "Lakas naman ng apog mong gawing kissing booth ang gate ng school ko." I paused, lalo ko pang hinigpitan ang pagkakapingot sa tenga niya. "Kapal, kapal talaga 'noh?" I smirked, he frowned.

"Hey, hey, hey you wicked witch, tigilan mo ang tenga ko!" Pagdadaing niya habang pilit na inaalis ang kamay ko mula sa namumula niyang tenga. "Ow, ow, masakit na!"

Nagbeelat ako. "Ah, witch pala ha?" Kinurot ko pa siya sa braso ng sobrang higpit.

"Tama na kapatid! Masakit na oy! Kakapagpaderma ko niyan kahapon. Have some respect will 'ya?" Inalis ko na ang kamay ko sa kanya at nagcross arms. Nakarinig naman ako ng mga bulungan sa paligid namin. I turned my head to face them.

"So ngayon big issue na kapatid ko siya? Kelangan magbulungan sa tabi namin? MAGSILAYAS KAYO! Bwiset!." They flinched when I raised my voice. Nagscatter naman agad sila kaya kami na lang tatlo nina Kuya at Kennydie ang naiwan dito.

Tumingin ako sa likod niya kung saan siya nakasandal, sa bago niyang kotse. "Nice Ferrari bro." Naghi-five pa ako sa kanya.

"Yeah, kakakuha ko kanina sa kanya. 'Di ba siya na ang pinakamagandang bagay sa mundo? Eris,meet Cecilia." He gestured at his new Ferrari. Charingg, dagdag pogi points na naman ito para sa kumag na 'to.

Ngumuso siya, siguro pinupunterya kung sino din itong nasa likuran ko.

Hinapit ko ang braso ni Kennydie saka ko ulit siya hinalikan sa pisnge. "Ito? Boyfriend ko kuya." Sabi ko na mukhang ikinagulat ni kuya.

Lumapit sa akin si Kuya A tapos hinila ako ng ilang hakbang palayo sa boyfriend ko. "What are you thinking Eris? Di ba engaged ka na? 'Tong batang 'to oh, ano ba ang iniisip mo ha!?"

"Engagement? 'Duh, hindi ko kailanman icoconsider ang engagement na 'yun lalo na at alam kong si Pierre ang papakasalan ako." Tumingin ako ng nakakaloko sa kanya bago ulit magpatuloy sa pagsasalita. "And besides, parang hindi mo ata ako kilala kuya. " I shot him a menacing glare bago ulit ako bumalik sa kinatatayuan ni Kennydie.

Narinig ko pa ang tunog ng pagsapo niya sa kanyang noo nung nakatalikod ako. Naah, this fling is nothing for a Cassanova. Baka bukas nga hiwalayan ko na 'to eh, masyadong paranoid si Kuya, kaasar lang.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik ng campus ni Kennydie pero hindi ko marining ang mga yapak ni Kuya na sumusunod sa'min kaya naman lumingon ulit ako sa kinaroroonan niya. "So ganern, tatanga lang tayo 'dyan Kuya maghapon? Uso ang sumunod sa'kin. Baka nakakalimutan mo 'kung bakit kita pinapunta dito?"

"Oh great, your photoshoot." He started walking like a zombie, frustrated, angry, irritated, bakas lahat 'yan sa mukha ng gwapo kong kuya. Tinawanan ko lang naman siya at lalo pa siyang bumusangot ang itsura ng makita na mukhang natutuwa pa ako sa kalagayan niya. "Bossy as ever, MICHELLE."

Akala niya hindi ko 'yun narinig pero narinig ko talaga. Pinili ko na lang 'wag pansinin ang pagdadabog ni Kuya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Tahimik at wala ng aali-aligid na bruha sa daraanan namin.

-----

"Okay, next is Shannara Canterra's models. Punta na po sa stage." Busy ang photographer, make-up artists at mga P.A sa pag-aayos ng mga model ng mga kaklase ko. Ito namang si Kuya, tuwang-tuwa dahil nasa kanya lahat ang attensyon ng halos kalahati ng tao dito sa loob ng studio na kinaroroonan namin. Tsk, famewhore. ( ̄0 ̄)

"Gusto mo bang lagyan ka na namin ng make-up o magbibihis ka muna?" Tanong nung isang babae na make-up artist yata ang papel ngayon. May lumapit na namang isang babae na may hawak noong finished design ko at ipinagtutulakan iyon kay Kuya... or should I say, pati sarili niya ipinagtutulakan na niya rin.

"Oh gusto mong ako ang magbibihis sayo sa dressing room. Rawr." Nag-rawr pa siya na parang kakalmutin si Kuya. Damn that freakish flirt, hindi na siya nahiya sa mukha niya na parang napisak ng pison. Tao nga naman ngayon, yung mga malalandi, kadalasan panget, hindi marunong tumingin ng maayos sa salamin. Myghad! Hihighbloodin ako sa mga taong 'to!

Nag-excuse muna ako kay Kennydie bago lumapit kay Kuya A at sa sandamakmak na haliparot na nakapalibot sa kanya.

"You, you, you, you and you, all of you!" Pinagtuturo ko ang lahat ng mga babae sa harapan ng Kuya ko. "Wag niyong landiin ang Kuya ko kung gusto niyo pang mabuhay ng matagal. Kung hindi pa kayo titigil 'dyan, pagtatatadyakan ko kayong lahat! Photoshoot ang pinunta ng Kuya ko dito hindi yung para landiin niyo. Grabe mahiya kayo please?!" They were silent for a long moment then they slowly disperse themselves. An evil smile was formed in my face. Maldita as ever Eris, nice job.

Naka-pout si Kuya noong sandaling tiningnan ko siya. "Ang harsh mo Eris, they're trying to help me! Ano bang problema?!"

Tinaasan ko naman siya ng kilay bago magsalita. "Help? Hindi help ang tawag 'dun Kuya, Flirting is the right word." I sighed.

"B-but..."

"Kayo kasing mga lalaki, gustong-gusto pa niyo kapag nilalandi kayo. Argh, bahala ka na nga!" Inihagis ko na sa kanya ang susuotin niya mamaya para sa pictorial at tumalikod na sa kanya. Kennydie watched me carefully as I walk towards him.


"Chill babe." Sabi ni Kennydie noong nakaupo na ako sa tabi niya. He squeezed my hand at inilapit iyon sa mapula niyang labi at hinalikan ang likuran ng palad ko. So far, siya pa lang ang nakaka-fling ko na MEDYO romantic bukod dun sa ex kong barista sa Infinity... so I think papatagalin ko muna siguro itong sa'min ng aking Kennydie babe. Oh myy. ( ̄﹏ ̄)

"Next is Miss Eris Choi's model. Pumunta na po dito para sa pictorial!" Tawag noong photographer sa may gilid namin. Lumingon ako kay Kuya A at saktong nag-aayos na lang siya ng butones ng suit niya. Nag-gesture ako sa kanya na lumapit sa'kin.

"Eto po ang model ko." Hinikit ko ang braso ni Kuya at ipinagsiksikan siya doon sa photographer. Tiningnan niya ako ng masama pero binalewala ko lang. Aww too bad, ang saya talaga kapag feeling mo mas panganay ka, hindi makaangal si Kuya eh. Haha.

Lumingon sa paligid yung photographer na para bang may hinahanap, parang may kulang. "Uhm, Miss Choi... you are supposed to present two models . Where is the other one?" Then he tapped his fingers sa camera na hawak niya.

Pumunta sa unahan si Kuya at ti-nap ng bahagya ang balikat nitong photographer. "Kuya, wait lang. Padating na 'yung isa." Then Kuya A turned to me saka nag-smirk sa harapan ko. Nakakawindang! Bakit sa dinami-rami naman, iyon pa ang naisipan niyang gawing chaperone para sa photoshoot namin? Hay, buhay nga naman... nakakabuang!

A slight knock on the door caught everybody's attention. Lumapit doon yung isang P.A para buksan ito.

Pinihit na nung P.A yung doorknob at unti-unti itong binuksan, "Wala daw po munang manggugulo dito sa---" At ayun na nga si ate natameme na ng makita ang isang lalaki na naka-loose sando at gothic pants. Ako naman, napasapo na lang sa noo. Sabi na eh, siya ang sinama ni Kuya.

Nag-wave yung tao na dumating dito sa direksyon namin. Lahat ng mga mata ay napako sa kanya habang naglalakad naman papunta sa amin.

"Yo! Lalaking mukhang bakla." Pang-aasar ko sa kanya, ngunit... wala, ngumisi lang siya sa'kin.

"So, maooffend na ba ako?" Patuloy pa din ang pagngisi niya sa'kin. Isa pa itong nakakainis eh, alam niyo 'yun?

"Tss, bahala ka nga!" I tried to dismiss him pero nakangisi pa rin siya . Walang'ya sarap lang punitin ng bagang nitong lalaking ito. "Tumigil ka mga sa pagngisi mong 'yan. Nakakairita eh,pwede?"

Pero sa halip na makinig sa'kin, sige pa rin siya ng sige.

Bwiset!


"Shoo, magbihis ka na Sung Jun. Kainis kasi masyadong pa-late." Itinuro-turo ko ang noo niya bago pinanggigilan ang braso niya para kuritin ng todo. "Attention seeker! Lakas maka-grand entrance. KSP!" Then, I glared at him.

"Pasalamat ka pinsan pinagbigyan kita." Inalis niya yung kamay ko sa braso niya. Poor Sung Jun, nag-iwan ng ilang kalmot yung mga kuko ko. "Akin na yung isusuot ko." Pa-cute pa niyang sabi habang nakalahad ang kamay niya na parang may hinihingi.

Nag-gesture ako sa isang P.A para kuhain yung isa kong design na naka-hanger sa dressing room ng models. Kinuha naman 'yung damit na isusuot ni Sing Jun nung P.A na inutusan ko. May laking pagtataka ang makikita sa mata noong inutusan ko nang nakarating siya sa amin.

Paano naman kasi...

Pang-babae 'yung damit na hawak-hawak niya.

"Ah, ma'am tama po ba ako ng nakuha?" Paglilinaw nung P.A at hindi pa rin naaalis ang tingin niya doon sa nakahanger na damit.

I grabbed the hanger mula sa pagkakahawak niya at itinapon 'yun kay Sung Jun. "Oo, bakit may iba pa ba akong dala? Ha? Ha? Ha?"

Umiling lang siya. "Wala na po Ma'am."

"Oh 'yun naman pala eh." Lumingon ako kay Sung Jun na noon ay tinitingnan ng maigi yung damit na hawak niya. " At ikaw, lalaking bakla, magbihis ka na!"

Nagbeelat siya sa'kin bago tumalikod tapos itinaas ang kanyang kanang kamay at ginaya ang paggalaw ng bibig ko. Annoying as ever, ang saya lang talaga siyang ipatapon sa Papua para ipakain sa mga cannibal.

Tumabi ako kay Kuya A at pinagpagan ang suit na suot niya. "Gwapo ng Kuya ko." Tumigil ako ng pagsasalita. Medyo matagal din akong nanahimik pero deep inside humahagalpak na ako ng tawa. Niyakap ako ni Kuya ng biglaan, kaaayos ko nga lang ng suit niya, ginulo agad.

Habang kayakap ko si Kuya, tamang sa direksyon ni Kennydie ako nakaharap. "Uto-uto." I mouthed at him, kaya ayun napatawa na din siya. Aww, ang cute talaga ni Kennydie!

Humiwalay na ako ng yakap kay Kuya at napagpasyahan na pumunta sa dressing room. Langyang crossdresser 'yun ang tagal magbihis. Inuugat na ako!

"Sung Jun! Lumabas ka na! Bwiset ka, ang tagal mo na ngang dumating, inaabot ka pa ng siyam-siyam diyan!" I rammed the door pero wala pa din. Humihinga pa kaya si Sung Jun sa loob?

"Teka pinsan, malapit na!" Sigaw niya mula sa loob. Nagbilang ako ng one to ten sa utak ko.

1...

2...

3...

4...

5...

"Ang bagal talaga. Tsk." I leaned on the door's frame habang binibilangan ko siya. I wonder kung anong magiging reaction ng mga tao dito sa studio matapos makita si Sung Jun.

6...

7...

8...

9...

"This is it." Napa-smirk na lang ako saka naglakad papalapit ulit sa pwesto ni Kennydie. Ilang sandali pa ang hinintay namin para tuluyang lumabas si Sung Jun sa dressing room.

"Oh em Gee." Aniya nung isang model ng kaklase ko.

"Siya ba yung guy kanina?"

"I think so? But gosh... oh my gosh!"

Nabaling ang tingin ko sa kalalakihan na nakalinya sa dinaraanan ni Sung Jun. "Dude! She's beautiful!"

Nakita ko naman ang bahagyang pagtakas ng ngiti sa labi ng pinsan ko, well as usual sabi ko nga, attention seeker ang isang 'to. Enjoy na enjoy sa spotlight ang walang 'yang lalaki. Hahaha.

Lumapit na siya sa photographer at kinausap ito. Pagkatapos 'nun, tinawag na din si Kuya para kuhaan na rin ng ibang shots. Kami naman ni Kennydie, sitting pretty dito sa isang stool habang nakakandong ako sa kanya at nakahilig ang ulo ko sa ulo niya at masusing pinagmamasdan sina Sung Jun at Kuya A sa flatform. Lanjo talaga, hindi mo aakalaing lalaki si Sung Jun sa ayos niya ngayon. Babaeng-babae!

Inilayo ko ang ulo ko mula kay Kennydie at napansing tutok na tutok siya kaya naman pinalo ko siya sa braso. "Uy! In love ka na ata kay Sung Jun." I rolled my eyes dramatically. "Yuck."

Agad naman niyang ipinulupot ang braso niya sa bewang ko tapos tumawa siya ng mahina. "Ano ka ba naman Eris, hindi 'noh. Nabigla lang ako sa pinsan mo. Kanina lalaking-lalaki, ngayon babaeng-babae na."

"Haha, get used to it."

A moment of silence...

Another moment of silence...

Another, another moment of silence...

*BOOOMBOOOMBOOOM*

"Ano 'yun?" Tanong ni Shannara na nasa may entrance ng studio.

"Edi try mong tingnan." Pagmamataray ko, wala naman siyang nagawa kundi pagbuksan na oang 'yung pinto. Pagbukas niya, may babaeng mukhang dinaanan na ng sandamakmak na bagyo. Smudged make-up, tangled hair, lipstick na napapunta sa ilong. Uy! Ngayon lang ako nakakita ng ganun, amazing!

"Alam kong narito siya! Ilabas niyo siya, ilabas niyo!" Ipinagtulakan pa 'nung babae 'yung mga monoblock na nakahilera sa tabi. Problema nito? Sarap ipamental eh.


"Sinong siya?" Tanong ni Jamie habang tinuturo ng dulo ng G-tech yung babae na nanghimasok dito sa studio. "Sino bang hinahanap mo dito? Hindi mo ba nakita yung karatula na nakapaskil sa labas?"

"Wala akong pakialam! Ilabas niyo siya! Ilabas niyo si---" Nagtuon ang tingin ng babae sa akin. Sama ng tingin, parang mangangain ng buhay ah? Pero teka, sino nga ba ang tinakot niya? Baka siya pa nga ang kainin ko eh! *evil laughs*

"You!" Turo ng babae sa akin. "You! How dare you!" Sumugod na siya sa'kin at bantang sasabunutan ako. Agad naman akong nakailag kaya ayan tuloy, si Kennydie ang nasabunutan nitong abnormal slash autistic na babaeng hindi ko alam kung sino at saang lupalop nagmula.

"Oops, my mistake." I let out a soft giggle at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. The eff, she's totally a mess! Kaloka, nagmula yata ang isang 'to panahon pa ng Ice Age.

"You! Eris Choi!" Tinuro-turo ulit niya ako at humakbang palapit sa akin. "How dare you to stole him from me!" Sabay lingon niya kay Kennydie.

I raised my left eyebrow at her. "Inagaw na pinagsasasabi mo? Hindi ko siya inagaw excuse me. Sa ganda kong ito magiging mang-aagaw lang? 'Yang ex mo ang kusang ako ang pinili kaysa sayo."

"Ohhhh." Everybody said in chorus. Namula ng husto ang mukha ni Babae. Pahiya siya onti eh, poor girl. *evil laughs*

"Pagbabayaran mo 'to!"

She launched herself towards me. Iiwas na sana ako pero nakuha agad ang atensyon ko ng sumigaw si Kuya na parang may tinatawag.

"Uy, Pierre! Kanina ka pa 'dyan?"

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit parang naparalisa ang buong sistema ko ng marinig ko ang salitang 'iyon. Si Pierre nandito? Kelan pa?

Napaurong ako dahil alam kong maabot na ako ni Miss Paranoid pero pagkaminamalas ka nga naman, naurungan ko pa eh 'yung lights para sa pictorial kaya ilang sandali pa, natumba ako kasabay din ng pagtumba 'nun sa'kin.

"Eris!" I closed my eyes and I heard his voice. Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig pero hindi ko naramdaman ang pagtama ng kung ano mang bagay sa akin.

Pagmulat ko, mukha ni Pierre ang tumambad sa akin. Mukhang parang may iniindang sakit. Everyone gasped at the sight, kay Pierre pala tumama yung lights at isa pa, nasa ibabaw ko siya!

Nagulat ako ng husto at natouch din naman ako kay Pierre. Ang bagay lang na ikinacoconcious ko, ang lapit ng mga labi namin. Yung tipong 2 inch na lang ang pagitan at... 'yun, alam niyo na.

"Hey get off me!" I tried to push him pero hindi man lang siya natinag sa kanyang pwesto sa ibabaw ko. Tulak ako ng tulak pero bwisit na lalaki, sarap tadyakan eh, ayaw umalis!

Sa kapapalag ko, kumaluskos ulit 'yung mga bagay sa likod niya at sa palagay kp, unti-unting nalaglag iyon isa-isa.

*TSUP!*

At dahil malapit ang mukha namin sa isa't-isa, ng malaglag 'yung mga parts nung lights, tumama iyon sa ulo ni Pierre kasabay ang pagkawala ng malay niya.

But though, I didn't really expect this one...

Nagkalapat ang mga labi namin...

Sa unang pagkakataon.

[A/N: Ayyy! Mababaliw ako sa tagal kong mag-update xD. YEY! 2K na ang reads ng Hashtag LOVE. Thanks for all the readers :)) Love 'yew! LOVE DIN KAYO NI ERIS HAHAHAH! Vote. Comment. Be a Fan. THANK YOU!]

(DOP: March 8,2015)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro