Chapter VIII: Eris In Wonderland

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

#LOVE for the Cassanova PrincessHiImFebby
Chapter VIII: Eris in Wonderland

[A/N: Nakapag-update din after a long time :D Enjoy reading! :()Please do inform me about the typos and grammar errors :) Thank You --Febby xx]

"Mom, can you just cancel that freaking engagement? By the thought of me and him together, talagang nasusuka na agad ako!" Ibinaba ko na ang baso ng tsaa na hawak ko sa lamesa pagkatapos kong uminon dito. I tried to talk to my mother but still, she doesn't even care listening to me. Pakiramdam ko tuloy kay mama ko talaga namana ang buong pag-uugali ko at ngayon ko lang din naramdaman na nakakainis pala pag ako na yung ginaganito. Bakit naman kasi ako tiklop pagdating sa kanya? Silly me. The eff!

Uminom na din siya ng tsaa bago niya ako tapunan ng isang nakakatakot na tingin... nakakapangilabot. "Hindi mo na mababago ang desisyon namin ng Daddy mo. Magpapakasal ka sa isang Martinez! End of discussion. Did you get it Eris?"

I can imagine fire coming from her nose and smoke from her ears. She's angry and I feared it since I was a kid. Tumungo na lang ako. Why can't they give this matter to me? Wala ba silang tiwala sa'kin?

Umirap ako sa kanya at nagsimulang magwalk-out. Bakit naman kasi sa dinami-raming karma na pwede kong maranasan, ito pa? Grabe si Mr. Karma, sagad hanggang bones kung makaganti. Bwiset! Kainis!

*TINGGGGGGGGGGGGGGG*

Lightbulb! Ang ganda mo na nga, ang talino mo pa Eris. Bakit nga ba hindi ko naisip na pwede nga pala ang annulment sa Pilipinas? Oo tama! Kung gusto nila akong magpakasal sa Pierre na 'yun, oh hala sige! Push nila! But after that I'm gonna settle our annulment immediately.

Unti-unti akong napangiti sa ideyang 'yun, that was brilliant!

"Good Morning Ma'am Eris." Aniya ng isang maid namin habang dumadaan ako sa harap niya ngunit binalewala ko lang at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Good Morning Ma'am Eris." And again, ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko. Kinapa ko ang iPhone ko sa bulsa at sinubukang tawagan si Leslie pero cannot be reached ang bruha. San naman kaya naglayas ang isang 'yun at hindi ko ma-contact? Idinial ko din ang number pa nung dalawang babaita pero kagaya ni Leslie, cannot be reached din. Aba! Saan bang bundok sila napadpad?! Mga bwiset, kung kelan kailangan kong magpalipas oras at saka naman sila WALA. Pambihira, kill me now.

"Tss, useless." Ibinalik ko na ang iPhone ko sa bulsa at tumingin ng bahagya sa nilalakaran ko.

"Good Morning Ma'am Eris." Seriously? Kelan pa kami nagkaroon ng triplets sa mga maid namin? Kanina pa 'to ah?

"Will you shut up? Kanina ka pa eh, walang maganda sa umaga okay?!"

"Good Morning Ma'am Eris." The eff, mas lalong nagiging creepy ang mga bagay-bagay habang nagpapatuloy ako sa paglalakad ko.

And then it hit me.

Lahat ng mga maids ay nakaline-up sa daraanan ko like the usual but did you know what triggers me to have goosebumps all over my body?

They're all the same. They have the same uniforms. They all have the same heights, the same features... THEY HAVE THE SAME FACES!


It seems to be endless. Kahit magpatuloy ako ng magpatuloy sa paglalakad, andun pa rin sila, hindi nawawala. But suddenly, one raised her head to face me and it sent shivers all over my body. Her eyes began to turn red and her lips become like one of those lips that Frankeinstein have. The one with stitches and her fair skin turns to bluish with a hint of violets all over her body. In short, she turns into a monster!

I can't stop my hands from shaking continously. Nanlambot na din ang mga tuhod ko at pakiramdam ko nadrain lahat ng lakas na nagtatago sa katawan ko. Makakita ka ba naman ng halimaw hindi ka pa ba matatakot? I was there like a statue watching the monster complete its transformation at habang lalo pang tumatagal, lalo pa siyang pumapanget.

Gusto kong tumakbo pero hindi ako makahugot ng lakas para igalaw ang mga binti ko. I am scared,totally scared at this moment and then, the monster start walking towards my direction.

Sa tingin pa lang sa halimaw sa harapan ko, tumigil agad ang pagdaloy ng dugo ko sa katawan. She's now three meters away from me. Anong gagawin ko? Paano na ako?

I closed my eyes and started to move my left leg and the next thing I know, I was running. I was running until I cannot see the monster's face. I felt a pang of relief in my chest knowing I was safe. Teka, totoo ba ang lahat ng 'to?

Kinurot ko ang pisngi ko. "Aww! Gosh... I'm not DREAMING."

Lalo pa akong natakot ng malaman kong ang lahat ng ito ay hindi panaginip. I just can't believe it you know! And that thing was beyond ordinary!

Patuloy akong dinadala ng mga paa ko sa hindi ko alam. Takbo lang ako ng takbo dahil baka maabutan ako ng halimaw na 'yun tapos namalayan ko na lang na nasa isang kwarto ako. Lahat ay kulay puti at wala ka man lang ni-isang makikitang ibang kulay maliban na lang sa isang maliit na pintuan sa kabilang dingding. Sa liit nga nito, parang daga lang ang pwedeng magkasya eh.

Nilingon ko ang pinanggalingan ko pero hindi ko na makita ang kung anumang pasukan o labasan at ang tanging ang maliit na pintuan na lang 'yun ang mapapansin. Paano na ako makakaalis sa lugar na'to?

Unti-unti na akong pinanghihinaan ng loob at dahan-dahang napaupo sa sahig. Nangingilid na din ang mga luha ko. Totoo bang hindi ito isang panaginip?

*SQUEAK SQUEAK*

Ano 'yung ingay na 'yon?

*SQUEAK SQUEAK*

Lumingon ako sa paligid at tanging isang plato ng ubas lang ang nakita ko. The eff! Kelan pa nagkaroon nito ha? Wala 'to kanina eh!

Then someone appeared out of thin air. Jeez, you must be kidding me!

Kelan pa naging daga si Leslie? "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA!" Napatawa na lang tuloy ako ng wala sa oras. Biruin niyo 'yun? Bumagay sa kanya ang mag-cosplay ng daga, hindi ko tuloy mapigilan ang pagtawa ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay at saka ibinalik ang tingin doon sa ubas na nasa harap niya. Kumuha siya ng isang piraso nito at nagsimulang ngumuya ng dahan-dahan.

Pagkalipas ng ilang segundo, isa na namang beyond my imagination ang nangyari. Biglang lumiit si Leslie at tumakbo agad papunta doon sa maliit na pintuan sa kabilang dingding.

"Hoy! Bruhang daga, bumalik ka rito. Oy!" Pero hindi man lang siya lumingon sa akin. Lumapit ako doon sa maliit na pintuang 'yon pero wala na siya ng silipin ko doon sa maliit na butas nito. Nagpaikot-ikot lang ako sa buong lugar. Nako, paano ko susundan ang isang 'yun? Paano ako makakalabas dito? Paano siya lumii-- Teka...

Tiningnan ko yung mga ubas, andun pa rin siya sa dati niyang pwesto na parang sinasabi sa akin na "Hey Eris, try me!"

Hindi naman siguro lason 'to diba? Kinain nga ni Leslie eh. Lumapit ako doon at pumitas ng isang piraso, agad kong isinubo at biglang nakaramdam ako ng hilo ng lunukin ko na ang katas noong ubas. Parang sasabog ang ulo ko! The eff, parang ang saya na masuka ngayon, daig ko pa yata ang sumakay sa roller coaster ng buong araw. Grabe nakakahilo to the highest level. Shit! Hindi ko na kaya.

Pinikit ko ang mga mata ko baka sakali na mabawasan kahit konti ang pagkahilo ko pero pagmulat ko naman agad... hala! Lumaki yung plato saka... WOW! Kasing laki ko na din yung pinto? Parang bigla akong nabano. ( ̄ˍ ̄)

Humakbang na ako papalapit doon at bigla na namang nagsitayuan ang balahibo sa braso ko. Ang dilim, parang kweba na may pagka-haunted house naman ang dating ng walang'yang pintuan na 'to kaimbyerna. Hindi ba uso dito ang kuryente? Pambihira.

"Balat ng saging?" Napatingin ako sa paanan ko ng may makita akong balat ng saging. Sino namang anak ni KingKong ang nag-iwan nito dito? Pwe! Balahura eh.

Hahakbang na sana ako pero---"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Tapos may parang intercom na nagsalita. "You'll be arriving at the Queen's garden in just a few minutes. Enjoy your trip. Dingdong!"

What the eff is happening here! What kind of transportation is this?! This is absolutely insane! Balat ng saging gawin ba namang parang tren, inuulit ko: TOTOO BA TALAGA ANG MGA 'TO?! 'Nyeta, eto na naman naduduwal ako. Palagay ko ito ang magiging ugat ng pagkakaroon ko ng motion sickness eh.

"Urghf... urghf..." May nakikita na akong ga-tuldok na liwanag sa di kalayuan. Malapit na... konti na lang!

"Urghf... urghf..." And just after I reached the end of the tunnel, I started to throw up.

"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nakarinig ako ng isang pamilyar na boses sa aking likuran. Agad kong ibinaling ang ulo ko at hindi nga ako nagkamali. "Kuya A!"

I hugged him but he just pushed me away. "Arestado ka binibini. Mga kawal! Dalhin siya sa loob ng palasyo." Agad na nagsilabasan ang mga sinasabi ni Kuya na kawal. Hindi ko na naman ulit mapigilan ang tawa ko ng mapagtanto kung sino na naman 'yung mga lumitaw.

"Seriously, baliw na ba talaga ako o kayo ang nababaliw? You three, look at your outfits ang babaduy. Saang panahon ba kayo nabuhay ha? HAHAHAHAHA." Bigla naman silang nagtaka sa sinabi ko kaya nagsitaasan ang kilay nila. Tiningnan ko sina Fria, Caila at Derek mula ulo hanggang paa at agad kong sinapo ang tyan ko. Aba leche, nasa comedy movie kami? Kanina pa kasi ang wierd ng mga suot nitong mga kasama ko at ako lang yata ang nag-iisang matino ang pananamit. They're wearing something like a solitaire card outfit tas parang biglang lumobo sa bandang hita nila--- ang hirap i-describe, basta in short NAKAKATAWA... PROMISE!

"Ano bang pinagsasasabi mo? Dalhin na 'yan!" Agad namang hinawakan ako sa braso nung tatlo ng utusan sila ni Kuya A. Pinilit nila akong dalhin papasok kahit nagpupumiglas ako sa bawat hakbang na tinatahak namin. Hindi ko na lang namalayan na nasa isang selda kami. "Ilagay na 'yan diyan."

Ipinasok na nila ako sabay kinandado ang pinto ng mga rehas. "Oy! Kuya A! Bakit mo ako kinulong?" Tiningnan lang niya ako ng masama.

"Ang halamang sinukahan mo kanina ay ang mga alagang rosas ng mahal na reyna. Isang kayamanan iyon para sa kaharian kaya naman malaking parusa ang naghihintay sa'yo. Patawad binibini, patawad... Eris." Umalis na si Kuya A at naiwan akong nakatulala. Ha? Ano daw 'yun? Parusa? Hala ano 'yun? The eff, this is getting wierder by time!

I decided to sit in the corner and buried my face on my knees. Ano ba talaga ang nangyayari? Kanina halimaw tapos si Leslie tapos yung walanghiyang balat ng saging na naging mala-tren tapos nag-suka ako at biglang hinuli na lang ako nina Kuya dahil nag-suka ako sa rosas 'DAW' ng reyna. Sinong reyna naman kaya 'yun? Arte naman, parang rosas lang. Psh, kalbuhin ko kaya hardin niya. (≧﹏≦)

"Aww, poor little Missy." Tumunghay ako ng may marinig akong magsalita and again, another WIERD CREATURE.

"What now Pierre?" Yes, it's Pierre---but Pierre with whiskers, cat paws and a cat tail. Anong trip naman niya? Taong pusa ganern? Edi WOW.

"Eeenk! You're wrong. I'm not Pierre." And he gave me a wide smile while looking directly at my face.

"Wag mo 'kong jinojoke. Sinong inuto mo? Ako? Dugh! Mukha mo pa lang ebidensya na." I smirked but that doesn't erase the wide smile plastering on his face.

"Looks can be really decieving Honey." She shrugged and still, I saw his wide smile which I find it REALLY, REALLY IRRITATING.

"Quit smiling Pierre. Nakakairita okay." At talagang nang-asar pa lalo. Kumindat pa ang loko. The eff! Sasapakin ko na 'to, pigilan niyo 'ko!

"Sinabi ko naman sa'yo na hindi ako si PIERRE." He emphasized the word PIERRE as if he really intented to make things clearer for me.

"Okay, sabihin na nating hindi ka si Pierre. So sino ka namang taong pusa ka ha? Lakas maka-joke eh lalo na yang costume mo. Tatawa na ba ako? HA-HA-HA."

His face suddenly became serious. "You'll see. I'm not joking ERIS. Not funny." He emphasized my name then he just disappeared in a blink of an eye. Agad kong kinusot ang mga mata ko na nagbabakasakaling namalik-mata lang ako pero hindi, wala na si Pierre sa harapan ko.

Ilang sandali pa, nakaramdam ako ng malamig na ihip na nagmumula sa likuran ng tenga ko. My heart skipped a beat. "I told you I'm not Pierre, quit thinking Eris, it won't help you and by the way... goodluck with your punishment. Adieu."

Lumingon ako pero wala na siya. Where did that Catman go? Nako naman, nasisiraan na yata talaga ako ng bait. Siguro tama lang na magvolounteer na akong pumunta sa mental hospital pagkatapos nitong mga ka-ekekan na 'to. Gosh, I can't believe this is happening to me!

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kulungan ko at ilang mga yapak ng mga tao papunta sa'kin. "Time for the execution. Let's go." Hinablot ako ni Kuya sa braso at hinila papalabas ng selda. Ano kayang punishment ang sinasabi niya kanina? Nanlamig panandalian ang mga kamay ko ng maisip ang ilang bagay na pumapasok sa isip ko. Grabe naman kababaw ang kaso na ipapataw nila. Wala bang lawyer dito ng mapag-usapan ang mga isyu? Execution agad? Pugot-ulo? Wengye mababaliw na talaga ako dito pag hindi pa tumigil ang mga 'to.

"Kuya let me GO! Isusumbong kita kay Mom!" He gave no response. "I said LET ME GO! Bingi ka ba Kuya A?! Isahan mo pa ng hakbang sasapakin na kita." And again, no response. Aba nakakainsulto na kaya.

*PAKKKKKKKKKKKKKKKKK*

"Ouch! Why did you do that?! Another punishment added for hurting the Queen's Royal Guard." Ibinigay na ako ni Kuya A sa isa pa niyang kasama matapos ko siyang sapakin, hindi ko na namalayan na nasa isang malawak na lugar kami at nasa dulo nito ang dalawang malaking upuan. Habang lumalapit kami doon, luminaw na sa paningin ko kung sino ang nakaupo doon.

"Mahal na Reyna, mahal na Hari." Lumuhod ang mga guards-kuno sa harap nila habang naiwan naman akong nakatayo at nakatunganga sa kanila. Ang bongga, may mask pang nalalaman itong mga bwiset na 'to. ( ̄0 ̄)

"Siya na ba ang sinasabi mong lapastangan ha Aries?" Tumango lang si Kuya.

"Opo, mahal na Reyna." Tumingin sa akin ang Reyna-kuno nila kasabay ang pag-halumbaba niya.

"At sino ka namang babae ka?" May ibang tono ang boses niyang 'yun. Yung boses na parang nang-iinsulto, nang-mamaliit. Nako, pigilan niyo 'ko, susugudin ko talaga 'to at sasabunutan. Nakakainis eh, the eff!

"Eris." Patamlay kong sagot.

"Poor creature, let her be executed by noon." Then, I saw her smirked and a smile came across her face na lalo ko pang ikinabwisit.

"Wait, let her explain." With that voice, I quickly recognized him by heart---it was Pierre.

"Pierre?" I turned to him and saw him smile. A smile that weakens me sa tuwing makikita ko ito. But wait, bakit yung kanina purely irritation ang naramdaman ko? Sigurado naman akong siya si Pierre?

Ay lang'ya ang gulo! Balewala na nga lang.

Pakiramdam ko nalagyan ng super glue ang mga paa ko sa oras na 'yun at ang tanging ginawa ko lang ay makipagtitigan kay Pierre. Swerte dahil nakatingin din siya sa'kin pero naputol iyon ng humarang si Reyna-kuno.

"Putulan siya ng ulo, ngayon din!" Ilang kamay ang humawak sa braso ko at nagpumilit na hilahin ako palabas. Gusto kong manatili kung nasaan si Pierre pero hindi ko magawa dahil ang lakas nila.

"You can't do that to her!" Sigaw ni Pierre habang tinataboy yung babae sa harap niya.

"Oh yes I CAN." She emphasized the last words and she slowly removed the mask on her face. Hindi ko na makita kung ano ang itsura niya dahil na rin sa malayo na ako sa kanila. I began screaming until I disappear.

--------

"Ma'am Eris! Ma'am Eris!" I suddenly jolted from my slumber when I heard the maid's voice. Agad na bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Kuya Aries at ilang mga katulong.

"Ayos ka lang kapatid? Binabangungot ka yata." Hindi na ako sumagot pa at bigla ko na lang niyakap si Kuya. Hindi naman siya nabigla sa ginawa ko kaya naman hinagod na lang niya ang likuran ko.

"Calm down Eris, calm down. Everything's gonna be alright okay?"

Tumango lang ako habang patuloy pa rin ako sa pagyakap sa kuya ko. That was a wierd dream.

A WIERD DREAM...Indeed.

(DOP: January 25,2015)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro