CHAPTER 11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ATHENA


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung susunod ba ako kay Courtney na walang paalam na lumabas pagtapos magtaray or manatili dito kasama ng matapobreng nanay ni Zoe at ang dean.


Nahagip ng peripheral vision ko ang pagtayo nina Vivian at Amara, unti-unting lumapit sa akin si Vivian at hinawakan ang braso ko.


"Tara na," bulong niya.


Parang nawala ako sa sarili nang makita ko ang ibang side ni Courtney. Ma-otoridad ang boses niya at walang takot na sinabihan ang dean ng mga ganoong salita. Hindi ko na nga namalayan na nakalabas na pala kami sa office eh.


"Ghorl sana all may Uncle na judge," wika ni Vivian.


"Tanga, walang judge sa pamilya namin. Inimbento ko lang 'yon," natatawang sabi ni Courtney. "It's just my instinct,"


"Walangya ka, akala ko ba naman totoo." ani Amara, pati kami ay natawa rin dahil sa sinabi niya.


"Also, patay na ang Lolo Silverio ko, saka doktor 'yun hindi judge." paliwanag pa ni Courtney.


"Infairness sa'yo Trina Courtney Mari Dizon, bukod sa napaniwala mo kami. Nasindak mo pa ang matapobreng nanay ni Zoe."


"Wala lang talaga akong ibang maisip na sabihin or gawin man lang, sinampal niya si Athena eh," ani Courtney. "Ayos ka lang ba Athena?" nag-aalalang tanong niya.


Marahan kong hinaplos ang pisngi ko, hindi na ito mahapdi na gaya kanina, "Yung suntok at sapak nga ni Barbie at Zoe kahapon natiis ko eh, eto pa kayang sampal. Makapal ang layer ng skin, walang wala 'yan. Mas nasaktan ako noong tinawag niyang 'bitch' ang mama ko."


"H'wag kang mag-alala gagantihan natin 'yang si Zoe. Tatawagin din natin ang nanay niya sa panget na nametag," lakas-loob na sabi ni Vivian.


"Anong gustoong itawag sa nanay niya? Taong wrinkle?" hirit na biro ni Amara.


"Alam mo sa sobrang talino mo Ame, nawalan ka na ng utak," saad ni Vivian na ikinatawa naming lahat. "Pano ba 'yan girls? Mauuna na ako, may tatlong class pa kasi ako na aatendan. Kitakits na lang mamayang lunch," paalam nito, humalik siya sa pisngi naming tatlo bago umalis.


"Bye Vi!!" sabay-sabay naming sabi,


"Tinatamad na ako na umattend sa class, parang gusto kong puntahan na lang si Enrique at bantayan siya all day." wika ni Amara.


Bilib rin ako sa kanya, nabasted na siya ni Enrique kahapon tapos ngayon eto na naman siya mahal niya pa din.


"Ang solid mo Ame, di ka na nga pinapansin mahal mo pa rin," wika naman ni Courtney.


"Hoy atleast ako gumagawa ng paraan, eh ikaw? Umaasa ka na lang sa malayo. First move, first move rin" pagdepensa pa ni Amara sa sarili.


"Wala kasi sa vocabulary ko 'yan eh, feeling ko naman gusto niya rin ako, feeling ko lang," pineke ni Courtney ang kanyang ngiti. "Sobra kasi niyang babaero tas puro sexy pa ang type niya. Eto kang naman ako ako e."

"Sad girl yan?" Pang-aasar pa ni Vivian.


Kung alam mo lang Courtney...


"How about you Athena? May natitipuhan ka ba?" tinitigan ako ni Amara na para bang sinusuri ang ekspresyon.


"Ha? Wala eh..."


Si Sky....


"Talaga ba?" tanong naman ni Courtney, nameywang siya.


"Wala nga..."


Meron...


Si Sky....


"Abnormal daw kapag walang crush." pahayag ni Amara.


"To be honest.... meron pero hindi pwede." mahinang sabi ko.


"Ayyy! Share naman dyan bess." masiglang sabi ni Amara.


"Wala 'yon, hindi importante. Tara na Courtney, bumalik na tayo sa room." Pag-iiba ko ng topic na agad naman nilang nagets


Ayoko talagang pag-usapan ang nararamdaman ko para kay Sky. Wala rin namang patutunguhan eh...


Ang focus ko ngayon ay ang pag-aaral ko, pati na ang pagsabak ko sa karera para hindi ako naka-asa ng naka-asa kay Troy. Nakakahiya na rin, doon na nga ako nakikitira sa bahay niya, nakikikain, sila pa ang nagbabayad ng tuition ko dito.


VIVIAN


Matapos kong magpaalam kina Amara, hindi muna ako dumiretso sa classroom ko. Dadaan muna ako sa gym para i-cheer ang boyfriend ko na nasa practice game. Ang baby Noel ko na mahal na mahal na mahal ko. Si Noel ko na papakasalan ko, magkakaroon kami ng maraming anak, at titira kami sa probinsya.


Maganda sana ang mood ko ngayong araw, pero may mga pangit akong nakita.


"Look who's here Captain,"


"Buti na lang pala dito tayo dumaan,"


"Wuuu! Si Vivian-baby pala ang nandito,"


"Kamusta na baby?"


Maganda na sana ang araw ko, nasira lang nang makasalubung ko ang mga ungas na miyembro ng basketball team, ang Red Eagles.

Agad nila akong pinalibutan na para bang may kung ano silang gagawin.

"Tigilan ninyo nga ako!" mataray kong sabi, akma ko sana silang lalampasan para mag-iba ng direksyon pero hinigit ni Ivan ang kamay ko. Si Ivan ang team captain nila. "Bitiwan mo ako!" sigaw ko.


"No, I won't. Hangga't hindi mo ako pinapatikim," mala-demonyo siyang tumawa.


"Ivan ano ba?!" Pilit akong kumakawala mula sa pagkakahawak niya. Mahigpit ito at pakiramdam ko ay hindi na dumadaloy ang dugo ko sa braso.


"H'wag ka nang magpakipot Ms. Vivian, pagbigyan mo na si Captai," pang uudyok naman ni Jonel.


"Ano kayo sinuswerte?" pilit kong tinatatagan ang loob ko.


"Aba naman, talaga palang matapang ang isang 'to Captain" sabi naman ni Carlos na isa sa mgaa kamiyembro ni Ivan.


Maka-ilang ulit akong pinilit na kumawala mula sa pagkakahawak ni Ivan pero hindi ako nananalo. Malakas siya at mahigpit rin ang pagkakawahak niya sa akin.


"H'wag mo nang subukan Ms. Vivian, isa lang naman eh. Pag tapos nito, wala na." sabi pa ni Ivan, mukha siyang demonyo na hayok na hayok. "Pampaswerte lang Vivian-babe, para naman matalo na namin ang Blue Dragon. Mayabang kasi ang Troy na 'yon,"

Si Troy...

"Tama Ms.Vi, malay mo ikaw pala lucky charm namin," pagsang-ayon pa ni Oscar.


"Ano kayo sinuswerte? Kay Noel lang ako!" sigaw ko pa.


"Ah ganun? O sige," nag-iba ang tono ng pananalita ni Ivan. "Noel pala ha!"


Dug. Dug


Naghurumintado ang puso ko, masama ang kutob ko. Kailangan ko nang makawala mula sa pagkakahawak niya ngayon din. Pinagmasdan ko ang siyan na miyembro na tropa ni Ivan, nakapalibot na sila  saakin ngayon at nagkakatinginan  na para bang may nagbabalak na gawin sa akin na masama


Takot...


Takot na takot ako...


Tulungan ninyo ako...


"Hindi mo ba talaga ako pagbibigyan?" Maotoridad niyang sigaw.


"Hin--- Ahh!" isang malakas ungol ang nasambit ko matapos niya akong sikmuraan. Napapikit ako sa sobrang sakit, kamuntikan na rin akong matumba pero hindi ko hinayaan na matumba ako dahil oras na mangyari iyon, sasamantalahin nila ang pagkakataon para gawin ang masamang balak nila. Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari 'yon.

Napahawak ako sa pader na nasa may kanan ko, mahigpit ang kapit ko dito habang iniinda ang sikmura ko


"Boss, wag ka namang masyadong marahas." Narinig kong sabi isa sa kanila.


"Pagbibigyan mo ba ako o hindi?!" Malakas sigaw ni Ivan. Dumadagundong ang boses niya sa bakanteng hallway.


"Hindi!" I manage to shout...


Hindi pwedeng basta nila makuha ang puri ko. May dignidad akong kailangan iniingatan, hindi ako makakapayag na babuyin nila ako.


"Ah ganon ha!"


Muli kong naramdaman ang kamao ni Ivan at sa pagkakataon nito ay  sa may panga ko.


Tuluyan na akong natumba sa sahig, nanlalabo na rin ang paningin ko. Tanging impit na iyak lang ang kayang mamutawi sa labi ko.


"Pulutin niyo 'yan," utos pa ni Ivan.


Naramdaman ko ang marahas na paghila sa mga braso ko ng dalawa kasamahan pa niya. Pilit pa rin ako na nagpumiglas para makatakas


Gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya, hindi ko alam kung paano... Hindi ko rin alam kung bakit walang boses na lumalabas mula sa labi ko.


Tulungan po ninyo ako....


God, please h'wag po ninyo silang hayaan. Hindi ko na po alam ang gagawin.

Gustong-gusto ko na sumigaw pero sa tuwing gagawin ko 'yun ay walang boses na lumalabas mula sa bibig ko


Nang maitayo ako ay muli kong naramdaman ang kamao ni Ivan na marahas na dumadampi sa magkabilang pisngi ko. Naramdaman ko rin ang malamig na pader matapos akong itulak ni Ivan rito, humampas ang likod ko sa pader. Wala akong nagagawa, tila naging istatwa ang katawan ko.


Mahigpit na hinawakan ni Ivan ang mga kamay ko, na ngayon ay nasa may uluhan ko. Nag-umpisa nang halikan ni Ivan ang leeg ko, naramdaman ko na tila naglalakbay na rin ang isa pang kamay niya sa loob ng palda ko.


Hindi ako makasigaw dahil may isa pang kamay na nakatakip sa bibig ko.

"Hmmp! Hmmmp!"


Hindi ko kaya sumiga ngunit ang mga mata ko ay napupuno na ng mga luha.


"Boss pagtapos mo ako naman!"


"Hooo! Ang galing mo boss!!"


Napuno ng hiyawan mula sa siyam na lalaki ang bakanteng hallway na ito.


Walang estudyante na dumadaan...


Walang tutulung sa akin...


Pakiramdam ko ay ako na ang pinaka maduming babae sa balat ng lupa.


Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman kong tinatrabaho na ni Ivan ang dibdib ko...


Nag-unahan na sa pagbagsak ang mga luha ko....


Nawawalan na ako ng pag-....


"Halika rito!" isang pamilyar na boses ng babae ang narinig ko.


"Amara, ilayo mo na si Vivian dito," muli, isang pamilyar na boses ng lalaki ang narinig ko.


Si Sky....


Hindi ko na alam ang nangyayari, basta nang imulat ko ang mga mata ko...


Si Enrique at Athena ang nakita ko...


Unti-unti nang lumalabo ang paningin ko, hanggang sa mawala na at tanging dilim na lang ang nakikita ko.


NOEL


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Matapos ang matagumpay na practice game namin ay isang masamang balita ang ibinalita sa akin ni Enrique.


"Nasaan ba ang Ivan na iyan! Papatayin ko siya" sigaw ko nang ibalita sa akin ni Enrique ang nangyari.


"Will you please calm down, Noel!"


"Paano ako kakalma Enrique? They almost rape Vivian! Naiintindihan mo ba 'yon!"


I'm shaking...


Galit na galit ako kay Ivan Velez, sa demonyong nagtangkang mangrape sa girlfriend ko.


"Nasaan si Vivian? Nasaan siya?"


"Nasa ospital na siya, she's with Athena. And sabi sa akin ni Athe, maayos niya ang lagay niya." sabi ni Sky.


"Nagtamo ng mga minor injuries si Vivian, mga pasa... Sabi ni Athena mula daw sa suntok."


"F*ck!" Ikinuyom ko ang mga kamay ko. " Papatayin ko siya! Ilabas ninyo si Ivan!"


Hawak ako nina Sky at Troy sa magkabilang braso. Alam nila na anytime susugurin ko ang demony*ng tao na 'yon.


Handa akong makulong maipaghiganti ko lang si Vivian sa hay*p na Ivan na iyon.


"Don't worry Noel, I will stand as a witness. Kung magkakaroon man ng kaso, me and Athena will going to stand as a witness." wika ni Enrique.


"Hindi ko hahayaan na kulong lang ang mangyayari kay Ivan at sa mga hay*p na Red Eagle 'yon," seryoso ang itsura ni Troy.


"Anong ibig mong sabihin Troy?" tanong ko.


"Papakilusin ko na ang mga tao ko, bahag naman ang buntot ng lalaki na 'yon." anito.


"Troy, isa ka pa. H'wag ka nang mangielam. Just let the police do their work." saad ni Sky.


"Wala akong tiwala sa mga pulis na 'yan Sky. Sa mga tao ko siguradong tiklop sila."


Siniyasat ko ang hitsura ni Troy, wala kang mababasa na kahit anong reaksyon mula rito.


"Gawin mo ang dapat gawin, Troy. Hindi ako papayag na hindi makakamit ni Vivian ang hustisya na para sa kanya." tumango lamang si Troy saka kami tinalikuran.


ATHENA


Matapos ang insidenteng nangyari kanina, hindi na ako nag patumpik-tumpik pa. Hindi ko hahayaan na ganon-ganon na lang ang mangyayari kay Ivan. Kasalukuyan siyang nakadetain pero hindi pa sapat iyon.


Naririto kami sa St. Magdalene's Hospital, wala pa ring malay si Vivian. Hinihintay namin ngayon ang mommy ni Vivian na nasa byahe pabalik rito sa Manila ngayon, natawagan na naman ito ni Courtney.


Hindi ako mapanatag, kailangan kong makaganti, hindi sapat ang sapak at suntok na ginawa ko kanina.


"Courtney, Amara, hangga't wala ang parents ni Vivian... Bantayan ninyo muna ninyo siya." ani ko saka ako tumayo.


"Ha? Bakit? Saan ka pupunta Athena?" sunod-sunod na tanong ni Amara sa akin.


"Oo nga, saan ka pupunta? Gabi na ah," gayon rin ang tanong ni Courtney.


"May pagbabayarin lang ako..."


"Teka," napatayo si Courtney mula sa couch na kina-uupuan niya. "Athena please just stay here,"


"Hindi pwede Courtney, hindi pwedeng hindi natin gagantihan si Phoe--- Ivan... Hindi pwedeng makulong lang siya. Kailangan ko siyang pagbayarin."


"Athena No! Hindi kami papayag," matigas na sabi ni Amara.


"Amara hindi mo naiintindihan," wika ko pa.


"Naiintindihan ang ano? Athena we need to calm down, Iam aware na lahat tayo gusto ng justice for Vivian pero please, h'wag mo ngang ilagay ang batas sa kamay mo." litanya ni Amara


"May punto si Amara, let's just stay here and wait for Vivian to wake up..." pagsang-ayon ni Courtney kay Amara.


"I'm sorry girls pero nakapagdecide na ko. Hindi ako ang maglalagay ng batas sa kamay ko,"


"Kung ganoon... Sino?" may pagtataka ang tono ni Amara.


"Si Ava, she was my other side..."


"S-Sino si Ava?" takang tanong ni Courtney. "What do you mean by 'your other side', Athena?"


"Ava? That name sound familliar..." ani Amara.


Inilabas ko mula sa backpack ko ang half black mask na ginagamit ko para maitago ang katauhan ko. Their jaw almost drop ng makita nila ang maskarang hawak ko.


"Wala akong naiintindihan pero... ang ibig mo bang sabihin Athena... that you have an alter ego, ganun ba?" muling tanong ni Amara.


Tumango ako bago muling nagsalita, " Ivan Velez alias Phoenix, he was a member of the mafia organization organize by the Melendez clan. May armas o wala, nasa hq man o wala, hindi dapat manakit o pumatay ang isang miyembro ng El Timur Mafia Org. At iyon ang nilabag ni Ivan, at isa pa hindi ako pwedeng humarap sa kanya bilang Athena because that is a confidential thing. Kaya hahayaan kong si Ava ang kumilos. And another thing, may kutob rin ako na gumagawa na ng hakbang si Troy. Kaya bago pa siya kumilos, uunahan ko na siya..." kinuha ko ang black lipstick mula sa pocket ng uniform ko saka ko inilagay sa labi ko.


"Now we know..." Si Courtney, "Mag-iingat ka Athena, isuntok mo na lang kami para kay Viv."


"I will sure do," ngumiti ako saka ko isinuot ang maskara.


"Here..." iniabot sa akin ni Amara ang itim na cardigan niya. "...for disguise. Any time soon, isa sa kanila ang posibleng makakita sayo. Please take care of that, regalo pa yan ni Enrique sa akin kaya lagi kong dala,"


"Oh my God! Don't tell me hindi mo pa nilalabhan yan since 2015," hirit na biro ni Courtney.


"Tanga ka ba? Bigay ni Enrique mahloves yan. Lagi kong nilalabhan at inaalagaan 'yan." saad ni Amara. "May pangalan pa 'yan, his name is "Enria". I named it after Enrique."


Agad ko namang kinuha ang itim na cardigan at isinuot ito, "thank you Amara..."


"We will going to cheer for you Athena," sabi pa niya.


"Mauna na ako,"


"Mag-iingat ka," they said in unison.


Pagkalabas ko mula sa silid ay tinimbrihan ko na agad si Stella para dalhin si Kenji. Hindi ko muna gagamitin si Silver, saka na lang.

ENRIQUE


Noel, Sky, and I decided to visit Vivian after the practice-game. I admit, this is hard for Noel but he still need to calm down and focus. Hindi pwedeng magpadala siya sa emotions niya just like Troy.


Tsss... hard-headed bastard that loves to be in trouble.


I was walking behind Sky and Noel who's busy chitchattings about thing when someone got my attention. A girl wearing a St. Magdalene's shoes and skirt, and a black cardigan with a hoodie.


I pause for a while to watch and observe that mysterious girl.


"Quen, what's the problem?" that is Sky.


"Nothing..." I answered without looking at him.


"You look unease," he stated. "Let's go, Vivian is waiting"


"You go first, I need to use the rest room." I said, still looking at that girl in black.


"Sure ka ba?" tanong pa ni Noel.


"Yeah, Yeah," I replied as I follow the girl.


The way she walk really remind me of Athena but the cardigan hoodie that she's wearing looked like the same gift that I gave last 2015 to Amara for her eighteenth birthday.


I continue on following the girl in black. She enters the female rest room. I waited for about 10 minutes before she get out...


She changes her outfit...


I was shocked when I saw her without the hood.


Her eyes...


The way she stand....


Ava Titania and Athena...

Iisa sila ....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro