CHAPTER 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ATHENA

Hindi ko naiwasan ang titigan si Sky na kasalukuyan na gumagamot sa mga sugat ko sa tuhod.

"Mga babaeng ire, ayaw ng catfight. Ang gusto pa e mga nababasag mga bungo nila." narinig ko na sabi ni Stella habang hinahandaan kami ng makakain.

Isinara niya ang cake-shop nya para sa amin, the best talaga siya.

"Si Courtney, titignan mong tatahi-tahimik 'yan. Di mo alam nanghahambalos sa mukha 'yan." tumatawang sabi ni Amara.

"Aba! Nagsalita ang ginawang punching bag ang mukha ni Barbie kanina." saad naman ni Courtney bago uminom ng juice.

"Aba! She deserves that, sabi ba naman niya sa akin kanina e hindi daw kami bagay ni Enrique-myloves. Kaya 'yon pinatikim ko ng katotohanan. E di nabasag tuloy ang pangong ilong niya."

"Ah basta ako ginantihan ko lang si Kelly. Malaki atraso niya sa akin," si Vivian naman ang nagsalita.

"Why nga ba? Senior high pa lang tayo, mainit na dugo mo doon." tanong ni Courtney.

"Paanong hindi iinit dugo ko sa bruhang na 'yon, eh siya dahilan ng break up namin ni Noel noon and also ginasgasan nya rin ang baby Pinku ko,"may halong pagka-irita ang boses ni Vivian.

"Eh ikaw naman Athena? Bakit ikaw ata ang trip ni Zoe?" tanong ni Amara.

"Aba malay ko, akala niya yata aagawin ko sa kanya 'tong lalaki na ito." may diin ang bawat salitang binitiwan ko.

"Malamang sa malamang," ani Vivian.

"E tignan mo nga 'yan oh. Ikaw agad nilapitan ni Sky. Samantalang mas malapit siya kay Courtney kanina," wika ni Amara.

Naramdaman ko ang paghinto ni Sky paglilinis ng sugat ko, "Wala na naman kami ni Zoe, wala na rin naman siyang pakielam sa kung anong mga gagawin ko."

"So anong ibig mong sabihin? Dahil break na kayo ni Zoe, si Athena naman ang pupuntiryahin mo?" si Enrique ang nagtanong.

"Well, no one cares if I do naman diba? Athena is single, I'm single too."

Dug.dug

No Athena, no!

"Mag-move on ka muna kaya Sky." sabi ni Stella, "Hindi ako papayag na maging 'the other woman' thinggy ang bessywaps ko, ano?" dagdag pa niya. "FYI Hindi siya rebound girl."

"Yeah right, atsaka alam mo naman na kahapon pa mainit ang dugo ni Zoe kay Athena. Tignan mo nga 'yang ginawa kay Athena." sabi naman ni Vivian.

"And also, kapag niligawan mo si Athena lalo lang lalala ang situation. Napaka-spoiled brat ng ex mo, Sky." saad ni Amara.

"Saka ayoko rin naman, kung isa lang din naman sa mga kaibigan ni Troy ang manliligaw sa akin. Mas mabuti na ang maging single," lakas loob kong sabi.

"Hard naman non ghorl," wika ni Courtney.

"Medyo ouch," ani Sarah at tumawa.

"Try to imagine, si Viv saka Noel diba mag-jowariwaps, tas next na si
Troy at Courtney, tas kung papayag tong lalaki na 'to edi kaming dalawa, tapos si Athena at Sky. Diba squad goals yun, " may kilig ang tono ni Amara.

"Yan ay kung papayag si Enrique," may pangbubuskang saad ni Vivian.

"What can you say about it Mr. Madrigal?" maintrigang tanong ni Sky kay Enrique.

Lahat sila ay napatingin sa gawi ni Enrique, iniintay ang sagot nito sa tanong ni Sky. Pati na rin ako ay nakisali na rin, mukhang naramdaman niya ang pagtingin ko sa kanya kaya naman tumitig rin siya saakin.

"I don't want to sound rude but lovelife is not my thing," anito saka tumayo "Please excuse me," dagdag pa niya saka naglakad palabas.

Natahimik kaming lahat, hanggang sa si Amara na ang bumasag ng katahimikan.

"Ouch! Indirect rejection…." mahinang sabi ni Amara. "Ouch... 1000 times." pineke niya ang pagtawa.

"Okay ka lang?" I looked at Amara, sadness clouded her features.

"I'm fine…" She was fighting back her tears.

Kahit medyo masakit ang mga binti ko ay tumayo ako at ika-ikang lumakad sa direksyon niya. This girl deserves a hug, kaya naman nang makalapit ako ay isang mahigpit na yakap ang binigay ko.

"I s-said I'm fine… sa-sanay na ako na laging nirereject ni Enrique." ibinaon niya ang mukha sa dibdib ko, ramdam ko ang init ng mga luha ni Amara. "Kahit 1 hundred thousand times niya akong ireject, titiisin ko."

"It's okay Amara, marami pa namang iba diyan eh…" sabi pa ni Vivian.

"Pero true love 'yan eh, kahit masaktan ka, tuloy pa rin," pahayag ni Courtney.

"Karupokan na tawag don, sa itsura pa lang ni Enrique mukhang wala talaga siyang balak makipag-relasyon. Ni hindi ngumingiti eh," ani Stella,

"K-Kaya ko pa naman pagtiisan…" mahinang sabi ni Amara.

"Pero hanggang kailan?" si Sky ang nagtanong, "Enrique really got traumatized sa break up nila ni Carrie, kaya siguro ganyan siya. We cannot blame him,"

"Well, he's right we can't blame him naman talaga. Carrie cause him so much hurt, and that's the reason kung bakit nawalan ng gana makipag relasyon si Enrique." ani Vivian matapos uminom ng juice.

"Who's Carrie?" tanong ko.

"His ex," sagot naman ni Sky.

"And then, what happen?" tanong kong muli.

"Nahuli niya na nagpapadilig sa iba," si Vivian ang sagot.

"Nagpapadilig?" takang tanong ko.

"Nakikipagchukchakan..." ani Courtney.

"Nakikipagsex," si Stella ang sumagot.

My jaw almost dropped after hearing that. Nagawa ni Carrie 'yon kay Enrique? Kapal naman ng mukha ng babaeng 'yon.

Habang yakap-yakap ko si Amara ay nahagip ng mga mata ko mula sa labas si Enrique, nakapamulsa siya at nakatingin sa akin.

ENRIQUE

I really don't want to be rude but being straight forward is the only choice that I have. Like what I've said, Amara is just my friend, no romantic feelings, just pure friendship. I do like Athena but it seems like Sky like her too, that's why I don't wanna show it.

Another thing is I dont want to cause an argument between the two girls, Amara and Athena. Obviously, Amara likes me but I couldn't like her back because I have that thing for Athena.

"Bro, yosi" that's Noel, he is offering a cigarette. I lifted an eyebrow, "sabi ko nga hindi ka nagyoyosi eh."

"Bat ka lumabas? Bat di mo samahan si Sky sa loob," Troy asked.

"I'd just rejected Amara, for the 20th time."

"Tapos nag-walk out ka?" He asked, ke-lalaking tao chismoso.

"May choice ba ako?"

"Tang*na bro saludo ako sayo, babae na lumalapit sa'yo ayaw pa mo." that Noel is starting to be his usual self, noisy and annoying. "How to be you Quen?"

"I'm not a playboy like you," I said

"Sabi ko nga eh," he replied.

"Alam mo Noel, dapat mas bumilib at sumaludo ka kay Amara, biruin mo benteng beses na siya narereject, di pa rin nadadala. Mahal niya pa rin ang tropa natin." Troy chuckled.

"Amara is just a sister to me," I declared. "Nothing more..."

"Tangna pre, na-sister zone si Amara. Gago ka, kawawa naman yung tao." Noel said before smoking.

"Kaysa paasahin ko siya, mas mabuti na ang malinaw."

"Bakit sino ba ang mga tipo mo?" Troy asked.

"Athena…" I stated proudly.

Noel and Troy both look at me with a surprised face.

"Seryoso ka bro?" tanong pa ni Noel.

"Yeah,"

"We can all agree na Athena is really nice and pretty," sambit ni Troy.

Nice and pretty? No. She's a wife material. She's not just a pretty face, she also have the intelligence. A firm and proper lady, just like my late mom.

ATHENA

Medyo pagabi na rin nang maka-uwi kami ni Troy, dumaan pa kasi kami sa isang fast food para kumain ng dinner.

Mula kanina at hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Sa itsura ni Enrique, siya pa pala yung niloko. Kaya pala may trauma sa babae…

"Saan na ba napapadpad yang isip mo, Athena?" tanong ni Troy nang ihatid niya ako sa kwarto ko. "Kanina ka pa tahimik ah, hindi ba masarap yung kinain natin?"

"Si… si Enrique pala niloko ano?" wika ko.

Nagkibit balikat lang si Troy saka ibinaba ang bag ko sa kama.

"Sino ba yung Carrie? Bakit ang lakas ng loob niya na mag-cheat?" tanong ko.

"Bakit ka naman interesado kay Carrie?" tanong rin ni Troy saka umupo sa kama ko.

"Wala naman, hindi lang ako makapaniwala…"

"Saan ka hindi makapaniwala?"

"Sa ginawa niya kay Enrique…"

"And?"

"Thats all… Enrique seems to be a good guy naman, hindi nga lang siya pala salita and hindi rin approachable cause he always wear a poker face."

"Alam mo kasi, 2 years ago Enrique lost her mom."

"Ano kinamatay ng mommy niya?"

"Depresion, that leads to suicide,"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong nangyari sa mommy ni Enrique.

"O natahimik na bigla diyan,"

"Wala, nagulat lang ako… tapos nagawa mo pa siyang suntukin kanina. Hayop ka!" kinurot ko sa dibdib si Tro

"Aray!" reklamo niya, "Syempre, kinidnap ka niya. E bakit parang mas kampi ka pa sa kanya? Nag-alala kaya ako para sa'yo baka mamaya may kung anong gawin siya sayo no?"

"Tanga mo! Hindi niya ako kinidnap, nagpasama lang na magluksa. Namatayan ng pusa yung tao, siraulo ka!"

"Pusa lang, ipinagluksa niya pa? Weak!"

"O bakit? Hindi mo ba iniyakan si Toti? Yung hamster mo? Yung hamster mo na kinain ni Patchoy na alagang aso ni Ate Trish. Umiyak ka rin naman ah."

"Bata pa ako non, Athena"

"Sabagay mukha ka nang gurang, ilang taon ka na ulit? 64?"

"Hoy babae, 24 lang ako!"

"Hoy lalaki, wala akong pakielam"

"Anong sabi mo?" tanong niya,

"Wala akong pakielam," matigas na sabi ko.

"Ah ganon? Sige," nakita kong kinuha niya ang cellphone niya

Medyo nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko.

"H-Hoy a-anong gagawin m-mo? " halos utal utal kong tanong.

"Si Tita Aileen parang mas may pakielam, lalo kapag sinabi ko na yung baby girl nya nakipag sapakan," akma siyang magda-dial sa phone niya pero mabilis ko itong inagaw.

"Alam mo ikaw Troy,dapat bumalik ka na lang sa pagiging sperm cell,"

Sh*t!

Ngumisi siya, "Pag ikaw pinasukan ko ng sperm cell dyan mananahimik ka."

Mali yata na binitiwan ko ang mga salitang 'yon.

"Kadiri ka! Doon ka na nga sa kwarto mo!"

"Ayoko! Dito ako matutulog!"

"Troy!!" sigaw ko.

"Bahay ko 'to, ako ang batas dito," unti-unti niyang hinubad ang sapatos at medyas niya saka binalibag sa sahig at humiga sa kama ko.

"Hoy! Amoy sigarilyo ka eh! Maglinis ka muna!" sigaw kong muli.

"Ayoko nga, tinatamad na ako. Tara na dito, humiga ka na rin. Tabi tayo"

"Ayoko nga! Bahala ka dyan!"

Bumangon siya, "Ang arte mo! Wala naman akong gagawin sa'yo. Matutulog lang naman tayo, tara na dito."

"Ayoko nga ng may katabi!"

"Wala kang choice kungdi tabihan ako,"

"Bahala ka, sa sala ako matutulog."

"Hindi nga kita lalagyan ng sperm cell, promise! Mamatay man si Sky at Enrique. Saka na kapag kasal na tayo,"

Naismid ang dila ko nang marinig ko ang mga katagang iyon mula kay Troy.

Oo nga pala…

"Tuloy pa ba ang kasunduan na yon?"

Tumango naman si Troy, bilang sagot. "Akala ko hindi mo alam yon…" aniya.

"Narinig ko eh… kaya ko nalaman…"

Tumayo si Troy mula sa kama at pumunta sa gawi ko.

"Sorry…"

"No… it's okay. Kapalaran ko 'to eh, atsaka tanggap ko rin naman na…" Huminga ako ng malalim "… hindi kami pwede ni Sky. May away sa pagitan ng pamilya namin, tapos si Papa may utang sa family mo, kaya no choice sya at ako ang ipinambayad niya. Kaso… pano kayo ni Courtney?"

Nagkibit balikat siya, "Hindi ko rin alam…"

"I know you like her, and she also feel the same but kailangan mong magpakasal sa kagaya ko, because of that damn contract."

Pareho kaming bumuntong hininga ni Troy. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon, magaling sya magtago eh pero siguro tinanggap niya na rin.

"Tara na, matulog na tayo,"

"Mabuti pa nga siguro,"

"Siya nga pala, sasabak tayo sa race field ulit. Sama ka?"

"Papayagan mo ko?"

"Oo naman…"

"Go, namimiss ko na rin si Silver eh, namimiss ko na rin ilampaso kayo,"

"Alam mo Athena, bukod sa pango ka na, basagulero, mayabang ka rin pala."

"Sira ulo, proud lang ako. Palibhasa weak ka e."

"Tulog na."

"Iniiba ang usapan."

"Sinabing tulog na e,"

SKY

Normal na sa akin ang gumising ng umaga para maaga rin ako ba makapasok sa school. I don't really like being at home kasi puro negosyo ang pinag-uusapan ng Kuya at Dad ko.

"Good morning baby," that's my Mom. I hate to admit pero baby pa rin ang turing niya sa akin, dahil ako ang bunso. "Let's have some breakfast,"

"Hindi na po," humalik ako sa pisngi ni Mommy, "Papasok na po ako,"

"Sumabay ka naman sa amin baby, just for today." My mom begged.

"Sa school na po ako magbe-breakfast, marami pa po akong aasikasuhin."

"Big boy na talaga ang baby ko. By the way kamusta na kayo ni Zoe? Kwentuhan mo naman ako about sa girlfriend mo." si Mommy, desidido talaga siya na aliwin ako para sumabay sa kanila.

"Wala na po kami mommy, nagbreak na po kami." I stated.

Napapalakpak sa tuwa ang Mommy ko, "That's a good news!"

"Loreen, ano ba? Broken hearted ang anak mo." si Daddy. "Hindi ka pwede magsaya habang nalulungkot ang anak mo."

"No Dad, it's okay."

"Edison naman, don't be a killjoy. You know naman how much I hated that Zoe, hindi niya namana ang kahinhinan at ugali ng tita niyang si Merline, manang mana siya sa nanay niyang si Cecil. 'Yang mag-inang Cecil at Zoe, magkaparehong magkapareho, parehong masama ang ugali. Mas gugustuhin ko pa rin na mapangasawa ng anak natin yung anak ni Aileen at Lorenzo, si Athena. Unica hija ni Enzo 'yun, nakikita ko siya sa social media. Ang gandang bata non, lalo na ngayon."

Napangiti ako sa mga sinabi ni Mama, she was talking about Athena.

When I was a child kasi I used to open up every single little things sa mommy ko, even the feeling that I felt for Athena.

"Mula noong nalugi ang mga Aragon sa negosyo nila, nawalan na ako ng balita sa pamilya niya. Malaki pa nga ang utang nila sa atin eh, halos sampung milyon iyon. Nagka-alitan pa kami ni Lorenzo." Litanya ni Daddy. "Pero dahil wala na ang negosyo nila at nalugi na sila baka hindi ko na rin pabayaran. Tulong
ko na rin sa kanila. At saka isa pa, marami pa naman akong negosyo, at marami pa akong idadagdag na negosyo. Hindi ba Storm?"

"Yes Dad, in 2 weeks opening na ng bagong hotel and resort natin. The resort that Sky will manage in 4 years along with Mrs. Elliese Carbonel."

Tsss, their talking about business again…

"Papasok na po ako," pagpapaalam ko.

"Siya nga pala, Sky, Diba na-meet mo na ulit si Athena? Ang sabi mo sa akin schoolmates na kayo.Why don't you invite her here?"

Tinaponan ko nang matalim na tingin ang Ate ko, I can feel na she wants me to be on hotseat. Gawain nila ni Kuya since bata pa kami, wala akong laban dahil mas matanda silang dalawa.

"Really? That's a good news anak, I agree with your Ate Star. Invite Athena and her family here para naman makapag kwentuhan kami ng mama niyang si Aileen," masaya at abot tenga ang ngiti ng Mommy.

"That's a great idea, para naman masabi ko na rin sa kanila na settle na ang lahat at hindi ko na pababayaran ang kahit ano mang utang nila sa atin." Dad said after sipping on the cup of coffee."I'm willing na makipag partner ulit sa Papa niya, wala na rin naman ang past issues namin."

"I'll try to talk to her about that Dad,"

Hopefully I can.

Ang hirap kasi... para akong virus na iniiwasan niya sa hindi ko malamang dahilan.

ATHENA

Kakatapos lang second period, kakatapos lang rin ng quiz at medyo may jetlag pa ako ako sa 100 item quiz. Hindi ko naman kasi naabutan ang mga iyon dahil kalagitnaan na ako ng first sem nag-enroll.

"Sana all sa transferee na halos almost perfect," pangangantyaw ng kaklase naming si Angie.

"Kaya nga eh, tatlong araw pa lang pumapasok, naka 99 agad sa quiz ni Sir Policarpio," pagsang-ayon naman ni Macy.

"Naku tigilan ninyo nga ako, tyamba lang naman 'yon." Natatawang sabi ko.

"Pahiram naman ng utak dyan," kantyaw ng isa sa pinakamatanda sa klase naman na si Mommy Erlyn, 42 na siya pero pinili pa rin na mag-aral para makatapos.

"Athenaaa!!! Thank youu masayang sabi ni Courtney. "Kung hindi mo ako nireview kaninang umaga, baka nakazero ako dito sa quiz,"

"Wala 'yon Court, were friends."

"I'm sure matutuwa si Mama kasi almost perfect ako. Thank you talaga Athenabells." Pasasalamat pa niya.

"Susme, wala 'yon." ngumiti ako at yinakap siya.

Maingay ang paligid, halos wala kasi ang ibang prof at estudyante dahil naghahanda para sa foundation day. Kaya naman eto kami ng mga kaklase ko, nag-iingay, yung iba lumilisaw sa labas. Kahit nga ang class president namin na si Jiesel, pati ang mga kaibigan niyang sina Honey, Meryl, at Jolina na mga class officer, nag-iingay rin.

"Si Sir Andres papalapit!" sigaw ni Jethro

"Guys, tahimik muna tas balik na tayo sa tamang upuan," ani Jiesel.

"Psst Athena," pabulong na sabi ni Courtney

"Terror 'yan kaya tahimik kaming lahat, gwapo kaso nakakatakot, namamahiya ng estudyante" bulong pa niya.

"Kaya pala nagmamadali silang magsi-ayos."

"Nambabagsak kasi yan ng estudyante, lalo kapag may hindi magandang record sa guidance."

Maya-maya pa ay natahimik ang lahat nang makita nila na papalapit sa room namin ang isa sa mga prof na si Sir Andres. Kanya-kanyang transform at ayos ang mga kaklase ko. Ayon na din sa sinabi ni Courtney, terror daw si Sir Andres.

"BSED-English2A tama?" wika ni Sir Andres habang pumapasok. "Where is…" huminto siya at may kinuhang papel sa bulsa niya saka ito binasa, "Where is Trina Courtney Mari Dizon and Athena Valeen Aragon?"

"Kami po 'yun Sir," ani Courtney.

Nasa pangalawang row sa front kami kaya visible kami sa mga faculty.

"Please proceed to the dean's office."

"Dean's office po? Bakit po?" nagtataka ang tono ni Courtney.

Katakataka naman talaga, bakit kami ipapatawag bigla? May nagawa ba kami?

"Just follow my instruction," seryosong sabi ni Sir Andres. "No buts,"

"Yes Sir…"

Lumabas na si Sir Andres mula sa room namin. Napuno ng pagtataka at mga tanong ang mga kaklase ko.

"Anong meron?" tanong ni Honey.

"Hindi ko rin alam…" sagot ko.

"Anong ginawa ninyo? Kasi si Sir Andres ang nagsusundo sa mga violators at bullies pero tingin ko naman hindi ninyo magagawa 'yon…" wika ni Jiesel.

"Susunod na lang siguro kami para malaman din namin ang sagot. Let's go Courtney," saad ko.

"Nasa first floor ang Dean's office, room 98." sabi pa ni Jiesel.

"Salamat…"

Hawak ko ang kamay ni Courtney habang naglalakad patungo sa Dean's office. Hindi ko mapigilan ang magtaka at kabahan. Bakit kami ipapatawag sa dean's office? Anong dahilan?

"Wala naman tayong ginawa diba?" nanginginig ang boses ni Courtney.

"Wala Courtney, wag kang mag-alala." pagpapalakas ko aa loob niya.

Mabigat ang dibdib ko, at marami ang gumugulo sa isipan ko pero kailangan ko na magpakatatag at mapanatag.

Nang makarating kami, kahit na kinakabahan ay marahan akong kumatok sa pintuan. Agad naman kaming pinagbuksan ng pintuan.

"Ms Aragon and Ms. Dizon?" ani ng lalaki na nasa 60s, nakaupo sa isang swivel chair at mahahalata mo na mataas ang pinag-aralan. "Please come in, and have a sit,"

"Athena, Courtney…"

Laking gulat ko nang makita rin naman sina Vivian at Amara na nasa loob.

"Vivian? Anong ginagawa ninyo dito?" mahinang tanong ni Courtney nang maka-upo kami.

"I will be direct to the point ladies, ipinatawag ko kayo dito dahil nakatanggap kami ng reklamo." ani Sir Vicente De Torres, ang Head Dean.

"Ho? Ano pong reklamo?" si Vivian ang nagtanong.

"Bullying."

Kaming apat ay nagkatinginan, mukhang iisa ang iniisip naming apat.

Si Zoe…

"Sir, excuse me po, mukhang mali po yata ang nakarating na balita sa inyo. I am a transferee po and ngayon pa lang po ako nakakakilala ng mga bagong kaibigan. Hirap po ako mag initiate ng small talk tapos mambubully pa po ako, that's ridicolous."

"I'm aware of that Ms. Aragon, that's why I'm also shock nang may mag-report sa inyo, especially you nakita ko ang records mo from your old achool. Malinis ito," wika pa niya.

"I'm also shock ng malaman ko na pati sina Ms. Trinidad,Ms. Dizon, at Ms. Estrada ay kasama sa nambully daw. Ms. Dizon was knowm for being an influencer and pet ambassador, she was also titled as Ms. Congeniality for two consecutive years mula pa noong senior high school, Ms. Trinidad was known for being a Charity Angel dahil sa dami ng foundation ng pamilya niya, the same as Ms. Estrada na ambasadress ng Magdalene for Youth." pagpapatuloy ni Sir Vicente.

"That's not the issue here, Dean."

Lahat kami ay napatingin sa direksyon ng babaeng nagsalita, isang babaeng naka suot ng isang above the knee blue wrap dress, makapal ang make-up nito pero halata pa rin sa mukha niya na maganda ito noong dalaga, nasa 40's na ang edad base sa itsura niya, naka bob cut ito. Mahahalata mo ang estado ng buhay niya base sa mga alahas at paglakad niya. Chanel ang bag niya pati na rin ang sapatos na suot niya.

"And who are you Madam?" takang tanong ng dean.

"Doña Maria Cecillia Rosell," sagot ng babae, may diin ang bawat salita niya… "Bigyan ninyo ako ng upuan," mataray na utos nito, agad namang kumilos ang sekretarya ata ni Sir Vicente at ipinagkuha siya ng upuan, umupo ito na akala mo isang VIP saka kami tinitigan na tila kami na ang pinakanakakadiring nilalang sa balat ng lupa.

Tsk, matapobre.

"Nanay ni Zoe…" bulong ni Courtney sa akin.

Kaya naman pala nakakairita. Nanay pala ng bruha, totoo nga ang kasabihan. "Like Mother, like daughter." Chararat na ang pagmumukha, chararat din ang pag-uugali.

"I am Zoe's mother, are they the ones who bully my dearest daughter?" tanong pa nito, tumayo siya at pumameywang.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagpigil nang tawa nang marinig kong nag-sasalita niya nang english. Malamang ay aware din si Vivian kaya nagkatinginan kami, pareho kaming nakakagat sa mga labi namin. Umiling pa siya at nag-senyas na wag tumawa.

"Allegely madam," sabat ni Amara.

"Allegely? I will see these four in court! I won't allow anyone to hurt my dear daughter. Hindi ako nagbabayad ng milyones dito para lang makaranas ng pambubully ang anak ko! Magkano ba kayo? Para tigilan na ninyo ang anak ko," mataas ang boses nito, kasing taas ng ere niya.

"Excuse me madam," binalak ko na magsalita pero….

Pinandilatan niya ako "Pinayagan ba kita na magsalita ha? Who's your mother? Is your mother a bitch?"

Nagpanting ang mga tenga ko nang akusahan niya si Mama. Hindi ko na napigilan na tumayo at sagutin siya, hindu ko nga hinusgahan ang mali niyang grammar tas huhusgahan niya ang nanay ko na hindi niya kilala. 

"Kaya ko pong tiisin ang maling akusasyon ninyo sa aming apat pero hinding hindi ko kakayanin kung pati ang nanahimik kong nanay babastusin mo. Wala po akong pakielam kahit gaano ka kayaman, wala ka namang manners." ramdam ko ang panginginig ng buong kalamnan ko. "How dare you to disrespect my innocent mother?"

"Matapang ka? E kung ipapatay kita?" pagbabanta pa niya.

"Then do it, hindi ako natatakot sa iyo. Sino ka ba? Entitled oldy na kapit sa make-up, alahas, at pera. Trying hard boomer na mali-mali ang pag-eenglish."

"Athena," pananaway ni  Amara.

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng babaeng 'to. Seryosli dean? Nagpapasok kayo ng utak squatter dito? Bawal sila dito."

"Ah talaga,  so bawal ka rin dito?" ngumisi ako at pinagkrus ang mga braso ko.

"Athena, h'wag ka nang sumagot." pag-aawat sa akin ni Vivian.

"Mrs. Rosell, Ms. Aragon, can you please calm down? Hindi po iyan ang issue natin. Ms. Aragon please have some respect, mas matanda siya sayo."

Itinuon ko ang pansin sa dean, "Respeto? She didn't even respect my innocent mother. Yung respeto ine-earn yan, pero yung kagaya po ninyo," liningon ko ang nanay ni Zoe, "hindi ka karapat dapat irespeto."

"How der you?" sigaw nito at saka matahas na idinampi niya ang marumi niyang kamay sa pisngi ko.

"Athena!!" sigaw nina Amara at Vivian matapos akong sampalin ng nanay ni Zoe.

Ramdam ko ang init ng kanang pisngi ko…

Mahapdi….

"Iyan ba ang dapat respetuhin?  Nang-iinsulto ng tao na hindi niya kilala, manakit ng tao na hindi niya lubos na kilala." Napatayo ako mula sa kina-uupuan ko, "Mrs. Rosell, may pruweba po ba kayo na binully ko…. na binully namin si Zoe?"

"Zoe came home with bruises and wounds, sinong gagawa non sa kanya?" pag depensa pa ng nanay niya.

"Tapos sabi niya po binully siya, at naniwala naman po kayo na binully nga namin 'yang anak mo po? Eh tanga ka," hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pasensya na ha, ang ayoko sa lahat ay 'yung inaapi ako.

"Bastos na bata!"

"Okay, let me rephrase... Eh tanga ka PO."

Nanggigigil ako, pasensya na ha.

"How dare you?" inis niyang sabi akma niya akong sasampalin muli.

"Do it, go! Para ikaw ang ma-sue ko sa court. Go! Saktan mo po ako!"

"Athena please," takot at mangiyak-ngiyak na sigaw ni Courtney.

"Ms. Aragon, Mrs. Rosell, please calm down and let us fix this." wika ni Sir Vicente.

"This is nonsense Sir, sige po… Sabihin na natin na nakipag-away kami sa grupo ni Zoe dahil they initiate it, doon aamin ako. Nagkasakitan po ang parehong grupo namin pero wala pong bullying na naganap. Nauna po sila, binangga nila yung sasakyan ni Vivian, they triggered us para gantihan sila. Tatanggapin ko po na paparusahan or ie-expell ninyo po kami because of the violation that we did pero hindi po namin matatanggap na aakusahan po ninyo kami ng bullying na hindi namin ginawa." saad ko. "That's absurd!"

"Tama po siya, we will accept the punishment sir, but we will keep on insisting na hindi po kami nambully, there is no bullying happen, sila po ang nanguna." pagsang-ayon ni Vivian.

"And sir, hindi lang po kaming apat ang involved sa away. Even Zoe, along with Samantha Conception, Veronica Dela Merced(Barbie), at si Kelly Aracelli. Dapat lahat po kami maparusahan," dagdag pa ni Amara. "Kasi ang unfair po kung  kami lang ang mapaparusahan tas sila hayahay."

"Handa akong magbayad h'wag lang maparusahan ang anak ko Mr. Dean!" naglabas ng cheque at ballpen ang nanay ni Zoe, "Magkano po ba? one million? two million? name your price!"

"Ah sige kausapin ko na din ang Tatay kong Governor kasi perahan at backeran pala ang usapan." sarkastikong wika ni Amara.

"Ah so kung pera pera lang rin naman pala ang labanan dito e magbabayad na lang rin kami." ani Courtney, "But before that let me ask Judge Silverio Dizon, my uncle. Sa kung ano ang kaso na pwede kong isampa sayo Mr. Vicente De Torre and to you also Mrs. Rosell." nag-iba ang tono ng pananalita ni Courtney, mula sa pagiging malambing ay tila ba naging maotoridad ito. Parehong natahimik sina Sir Vicente at ang panget na nanay ni Zoe. "I guess this meeting is over," tumayo si Courtney mula sa kinauupuan, "we will just wait for your announcement sa kung ano po ang punishment. Makikipag-ugnayan muna po kami kay Gov Estrada at sa Tito ko, thankyou for this day sir. Let's go girls,"

Napatingin ako kina Amara at Vivian na parehong nakangisi. Maybe they expected it, malamang sa tagal na nilang magkakasama ay kilalang kilala na nila si Courtney.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro