CHAPTER 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


ATHENA

Sapilitan akong isinama nina Vivian sa tinatawag nilang 'headquarters', mahigpit akong hawak nina Courtney sa magkabilang braso ko, habang si Vivian naman ay nagmamaneho.

Mafia rin ba ang mga ito?

"Blackpink ba ang gagayahin natin or do you want some Western touch?" tanong ni Vivian.

"Wala akong alam diyan," sagot ko.

"Imposible yan, header mo nga sa twitter si Heechul eh." salubong ang kilay na tumingin sa akin si Amara.

"True, tapos ang icon mo sa instagram si Im Nayeon ng Twice, imposibleng hindi ka Kpop fan." sabat ni Courtney.

"Hindi naman porket may icon at header ako na kpop ay sumasayaw at kumakanta ako ala kpop," pagmamatigas ko pa.

"H'wag kang ano dyan, nakita ko youtube account mo. Nagcover ka ng kanta ni Celine Dion. Dalawa pa 'yon" pamimilit ni Amara.

"Si Amara pa hinamon mo, nanay 'yan ni detective Conan. Yung mga tagong picture nga ni Enrique na naka topless meron 'yan eh." natatawang wika ni Vivian.

"Trueness pati yung mga baby picture ni Enrique ninakaw nya noong nagkaron kami ng activity nung grade 10," pagsang-ayon pa ni Courtney.

"Hoy hindi ko ninakaw! Binalik ko rin kaya! Pero syempre ini-scan ko muna para may copy ako." nagmakeface pa si Amara.

"Kaya nakakatakot awayin yang si Amara, magugulat ka na lang mag nakapost na an epic na litrato mo online."

Tumaas ang isang sulok nang labi ni Amara nang marinig ang sinabi ni Vivian. "Gawain mo rin yon Viviyana kayong dalawa ng jowa mo!"

"By the way ilang taon na kayo ni Noel na in a relationship?" tanong ko kasi bigla akong nacurious, sa itsura kasi ni Noel mukhang hindi sanay magseryoso.

"Four years, four years nang naglolokohan," natatawang sagot ni Vivian.

"Ang tagal na rin pala, ano?" naaamaze na tanong ko.

"7 years na sana kaso tinaymer ako may Kelly, tang*na nong lalaki na 'yon eh." sagot naman ni Vivian.

"Eh ikaw Amara---" hindi pa man ako nakakapagtanong ay humirit n ng sagot si Amara.

"Aba apat na taon na rin," aniya

"Apat na taon na ano?" sabay naming tanong ni Courtney

"Apat na taon na akong umaasa na liligawan ako nang lalaking iyon, hinay*pak naman. Enrique galaw, galaw, at ako ay handa na din sa iyo ay magpagalaw," sagot ni Amara.

Susme! Ang halay ng bibig ni Amara.

"Eh Ikaw Court---"

"Nasa head quarters na sila Enrique, Troy at Noel. Don't worry Athena, alam narin ni Troy na kasama ka namin." pag-iiba ni Courtney nang topic.

"Si Trina Courtney Mari umiiwas, and by the way speaking of Troy, siya itong makulet na paulit-ulit ito na nagsasabi na iwelcome ka namin at entertainen ka namin," maintrigang saad ni Amara. "Mukha nga kayong may something, ano bang meron?"

"Pero mas mukhang kayo ni Sky ang may something, kaya mainit dugo ni Zoe girl sayo," sabat ni Vivian

"True gurl, may tension between the two of you." pagsang-ayon ni Vivian.

"War yung family namin naya bawal magkasomething," sagot ko

"Ay taray! Romeo and Juliet," sumulyap si Vivian sa akin saka bumalik sa pagmamaneho.

"True ba? Eh diba nagkakababata kayo nila Sky?" tanong ni Amara na ikinagulat ko.

"Ha? Paano mo nalaman?" pagtataka ko.

"Sabi ko sayo Nanay siya ni detective Conan eh," ani Courtney.

"True---Aww!!!" sigaw ni Amara nang may naramdaman kami na parang may bumonggo sa kotseng sinasakyan namin.

"Dahan-dahan naman Viviyana!" reklamo ni Courtney.

Para kaming naalog sa loob dahil sa lakas ng impact, inihinto ni Vivian ang pagmamaneho.

"That's not me," seryoso ang pagkakabitiw ni Vivian ng salita na iyon. Lumabas siya sa kotse, ganoon din ang ginawa naming tatlo.

"Labas!" kinalampag ni Vivian ang isa pang kotse na nasa likoran ng kotse niya.

Isang Porsche Carrera S na nagkakahalagang P12,000,000 ang kotse ni Vivian kaya siguro ganoon na lang ang pagkainis niya. Mas mahal ang kotse na iyon kaysa sa kotse kong si Silver.

4 na babae ang lumabas sa kotse, si Barbie Dela Merced a.k.a Aqua kapag nasa race field, kasama niya si Samantha Conception a.k.a Musa, may isa pa silang kasama na babae na d ko kilala… at si.…

"Zoe?" sabay-sabay na nagsalita sina Courtney, Vivian at Amara.

"Hi girls," ani Zoe at nginitian kami "and hi to you Athenang ahas…"

Tinawag niya akong ahas?

"Ahas?" takang tanong ni Courtney. "E hindi ba si Medusa ang may ahas at hindi ai Athena?"

"Athena ba dapat? Mukhang mas bagay ang Medusa, what do you think Zoe?" yung isang babae na may pink na buhok ang nagsalita.

"Better," ngumisi pa si Zoe.

"Anong trip ninyo sa buhay?" tanong ko.

"Ikaw, pagtripan namin gusto mo?" tanong ni Barbie.

"Go, nang matikman ninyo ang impyerno." sagot ko.

"Ooooh~ matapang," si Samantha ang nagsalita.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan, Beware of dog, nangangagat" ani Zoe saka sila sabay sabay na nagtawanan.

"H'wag na nating patulan, nag-aaksaya lang tayo ng oras dito, I'm not really unto warfreak girls na walang magawa sa buhay," wika ni Amara

"Yeah right," pagsang-ayon ni Courtney.

"Hey Amara-girl! Diba gustong gusto mo si Enrique? And I know, you will do everything just to be with him diba?" humihirit na naman yung babaeng pink ang buhok.

"H'wag mo kong simulan Kelly, hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako," seryosong sabi ni Amara.

"So nakakatakot ka na niyan?" maarteng tanong ni Samantha.

"Mas nakakatakot mukha mo," gatong pa ni Vivian.

"What did you just say?" inis na tinignan ni Samantha si Vivian.

"Bingi ka ba? O sadyang gusto mo lang iflex at ipagsigawan na pangit ka?" humirit na ako para sa akin mapunta ang atensyon nila. Kargo ko ang tatlong 'to, isa lang sa kanila ang masaktan, lima ang papatayin ko.

Nakita ko ang pagkibot ng labi ni Samantha, nagkatinginan silang apat.

"Sabunutan na lang, ang dami ninyo pang satsat," mapanghamon akong tinignan ni Barbie na para bang sinisipat niya ako.

"Weak, suntukan na lang. Masyadong pang weak ang sabunutan at catfight," naging mabagsak ang kaninang maamong awra ni Vivian.

"Tara na," pinatunog pa ni Amara ang mga daliri niya

"W-Wait guys? Seryoso kayo?" may pag-aalala ang tono ni Courtney.

"Yeah," ako ang sumagot.

"Oh bakit Ms. Cogenital, nababahag ba buntot mo?" tanong ni Samantha na may halong pang-aalaska.

"Anong congenital?" tanong naman ni Kelly.

Maging ako ay napa-isip sa itinawag niya kay Courtney.

"Congenital, yung palakaibigan, Ms. Friendship ganern," paliwanang pa ni Kelly.

"Hindi congenital, congeniality…" sabat ko.

"Magkaiba ba 'yon?" takang tanong pa niya.

Nagkatinginan kaming tatlo at sabay-sabay na tumawa.

"Ang bobo!" ani Vivian habang humahagikgik.

"Conginetal daw hay*p" napahawak na sa tiyan habang tumatawa si Amara.

"Siya ata ang meron noon, CongiMental disease," hirit pa ni Courtney na balak ata magmaldita.

Tumigil ako sa pagtawa at hinarap sila, "Saka na kayo makipagsuntukan kapag hindi na bobo yang kasama ninyo," seryosong sabi ko.

"Anong saka na? Iam all fired up! Tara na away na!" panghahamon pa ni Barbie.

"Inagawan mo pa si Natsu ng line, all fired up all fired up ka pa dyan." busa ni Vivian

"O sige mapilit ka," lumapit ako sa kanya saka ko siya inambahan ng suntok sa mukha.

Masyado nang mabilis ang pangyayari, hindi ko na alam kung ano na ang mga susunod pa, basta ang alam namin nakipag basag ulo kami sa grupo nila Zoe.

TROY

Magkakasama kaming apat nina Sky, Noel at Enrique, dito sa condo unit ni Enrique. Nagka-ayos na kami ni Enrique, may tiwala naman ako sa taong 'to. Takot niya lang na magwala si Amara sa harapan niya.

May isang oras na rin mula nang i-seen ni Courtney ang message ko sa kanya. Hindi na siya nagreply eh, medyo kinutoban na ako.

"Nasaan na daw sila Troy?" tanong ni Noel, boyfriend ni Vivian…"hindi na kasi nagreply si Viv," dagdag pa niya.

"Si Courtney rin, and even Amara naka-off ang phone nila," si Sky tumayo ito at kumuha pa ng bote ng beer.

Sinubukan kong tawagan rin si Athena pero hindi ito sumasagot, naka ilang ring din pero wala talaga.

"Ano na kaya ang nangyari sa mga 'yon?" tanong pa ni Sky bago lumagok sa bote ng beer.

Ibababa ko na sana ang phone ko nang biglang mag ring eto.

Incoming Call…. Stella

Bakit kaya siya napatawag? Anong meron?

Bago pa ako makapagsalita ay agad nang nasagot ang mga tanong sa isipan ko.

"Nasaan ka? Si Athena nakipagbasag ulo, kasama ang tatlong iba pa. Tang in* ka! Pinapaalagaan sa'yo ni Tita Aileen pinabayaan mo naman, hinayaan mong makipag-suntukan. Andito sila sa cake shop namin."

F*ck! Umiiral na naman ang tigas ng ulo ni Athena, napahilamos ako bago ko ibaba ang tawag. Ibinulsa ko ang telepono ko at agad kinuha ang susi ng motor ko na nasa coffee table.

"Saan ka pupunta tol?" tanong ni Noel.

"Sila Athena nakipag-away daw," sagot ko saka nagmamadaling lumabas. Sumunod rin sina Noel sa akin.

"Sila? You mean, kasama sina Vivian, Amara at Courtney? Kasi sila ang magkakasama." nagtataka ang tono niya.

"Sinagot mo na ang tanong mo," saad ni Enrique.

Halos nagkasabay-sabay kami sa pag-alis dahil sigurado kaming puro sugat at pasa na ang mga dadatnan namin sa lugar na sinabi ni Stella.

Si Enrique ay solong sumakay sa kotse niya, sina Sky naman ay kasama si Noel sa kotse niya.

Mabilis pa sa alas kwatro na hinarurot ko ang motor ko, baka wala nang dugo si Athena na dadatnan ko. She's anemic, hindi sya dapat pasain or what dahil baka maglead ito sa leukemia.

Wala kong pakielam kung nakapula ang traffic light, emergency ito.

Naaaninag ko na ang cake shop nina Stella, at nang makarating ay hindi na inalala kong babagsak ba ang motor ko or what. Iam really worried about Athena, kakagaling nya lang sa clinic kanina tas heto naman.

Pumasok kaming apat sa loob ng cake shop, sa may dulong parte ko sila nakita. Nadatnan namin na nilalapatan na ng first aid ni Stella si Amara, si Sarah naman ang naglalagay ng first aid kay Vivian, si Athena naman ay nililinis ang parteng tuhod ni Courtney.

"This is unbelievable!" iyon ang unang reaksyon ni Noel matapos niyang makita ang ulo ni Vivian na may bandage.

"I'm sorry love, kinailangan kong gumanti. Love mo pa rin naman ako kahit may sugat ako diba?"

Tsss… Lovers…

"Ano bang pumasok sa isip mo at pati ikaw nakipag-away Amara?" walang emosyon at hindi mo rin alam kung concern o nangungensensya itong si Enrique.

"Sorry…" lumiit ang boses niya, nagpapacute talaga siya kapag si Enrique na ang nagtatanong sa kanya.

"Ayos ka lang?" tanong pa ni Enrique kay Amara.

"Malayo naman 'to sa bituka, don't worry." sagot ni Amara.

"Tsk, hard-headed"

"Ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Noel.

"May kaaway sila na apat na babae rin, isang short hair na singkit, yung isa may kulay ang buhok tas naka brace, tapos yung dalawa si Barbie at Samantha, ewan ko kung ano ang pinag-ugatan."

"Sky tapatin mo nga ako, talaga bang may sapak sa ulo yung girlfriend mo?" seryoso ang tono ng pagtatanong ni Athena.

"Who?" tanong rin ni Sky.

"Adik ka rin ba? Bakit? Ilan ba ang girlfriend mo bukod kay Zoe?" inis na si Athena. Pikonin talaga ang babaeng 'to.

"Zoe did this?"

"At talagang may gana ka pa na magulat," iritable na si Athena, masama na rin ang tingin niya kay Sky.

Ramdam namin ni Stella na nagsisimula nang mapikon si Athena kay Sky kaya umentrada na si Stella.

"Athena, mas better siguro kung umuwi na kayong dalawa ni Troy. I promise not to tell this sa Mama mo." ani Stella.

"No, ayokong umuwi hanggat hindi okay sila Courtney." pagmamatigas pa niya.

"We will be fine, ikaw nga itong hindi ayos eh. Mas inuna mo pa akong gamotin kaysa sa sarili mo." nakangiti pero halata pa rin na ang sakit sa mukha ni Courtney.

"Pati ikaw Courtney nakipagsapakan rin?" namilog ang mga mata ni Noel dahil sa gulat, tumawa lang si Courtney.

"Ang galing nga ni Courtney eh, humambalos yung mukha ni Zoe sa windshield nang sasakyan," natatawa pa habang nagkukwento si Amara.

"At talagang natatawa ka pa sa ginawa ninyo," medyo pikon na ang tono ng pananalita ni Enrique.

"Eh kasi naman--- Aww! Kahit mahal na mahal kita Enrique, hindi pa rin ako papayag na diinan mo yung noo ko," reklamo ni Amara matapos dutdutin ni Enrique ang noo nitong may sugat.

Pinagmasdan ko si Athena, dumudugo ang noo at ilong niya. May pasa rin siya sa may bibig pati na sa braso, may mga galos din pati ang tuhod niya. Itim ang uniform namin pero kitang-kita pa rin ang mga marka ay bahid ng dugo.

Akma sana akong kukuha nang bandage but I stop when I saw Sky. May hawak siyang alcohol, cotton balls, at band aid.

"Anong ginagawa mo?" mataray na tanong ni Athena. Hindi nagsalita si Sky, kinuha lang niya ang panyo mula sa bulsa niya saka inilapat sa dumudugong ilong ni Athena.

"Mawawalan ka ng dugo kapag di mo inasikaso ang sarili mo,"

"Sira kasi ang ulo ng girlfriend mo,"

"Ex-girlfriend…"

"Nagbreak na kayo?" sabay-sabay naming tanong kay Sky.

He just nod then continue on curing Athena's wounds, na dapat ako ang gumagawa but hahayaan ko muna, ibabalato ko na lang sa kanya in the end naman, sa akin ikakasal si Athena.

"Magyoyosi lang ako," pagpapaalam ko, " tara Noel," pinandilatan ko si Noel na katabi ngayon ang girlfriend niya

"Love, yosi lang rin ako."

Nauna na akong lumabas, mahaba-habang pilitan pa kasi ang mangyayari sa dalawa sa loob.

Sinidihan ko agad ang sigarilyo saka ko hinithit. Kailangan kong kumalma saglit, nakatikim na ng sapak si Enrique kanina ayoko nang makasakit pa ng iba at baka iwasan ako ni Athena.

"Bro, anong balak mo?" bungad na tanong ni Noel. "Bat hinayaan mo si Sky?"

Nagbuga ako ng usok bago ko sinagot ang tanong ni Noel, "Well pigilan or hayaan ko man si Sky, hindi pa rin naman mababago ang pinaniniwalaan ni Athena. Kalaban pa rin naman ang tingin niya kay Sky,"

"Hanggang kailan mo lolokohin si Athena?" tanong ni Noel bago humithit ng sigarilyo.

"Hanggang nabubuhay si Lorenzo Aragon, mananatiling kalaban sa mga mata ni Athena ang pamilya ni Sky, samantalang ako? Mananatili akong mabuti sa mga mata niya."

"Di ko na gusto ang mga pinaplano mo Troy…"

"Hindi ka mapapahamak dito Noel, basta't wag mo lang akong ikakanta."

"Pasalamat ka kaibigan kita,"

"Bukas nang gabi, ituloy ninyo na ang planong pagbebenta ng bahay ng mga Aragon sa mga Yu pero bago 'yun linisin ninyo na muna ang loob, kuhanin mo lahat ng mga importanteng bagay pati mga ebidensya."

"Noted boss!"

Matalim ko siyang tinignan, "Oras na pumalpak ka, sisiguraduhin kong maagang mabubyuda si Vivian,"


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro