CHAPTER 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


VIVIAN

Nang imulat ko ang mga mata ko, ang tahimik at tulog na mukha ng taong minamahal ko ang bumungad sa akin, nahihimbing siya at pakiramdam ko ay pagod siya kakabantay sa akin. Pinagmasdan ko ang paligid, puro puti ang nakikita ko sa maliit na kwarto na ito. May maliit na sofa, maliit na coffee table at night stand, merong tv at isa pang pintuan na sa palagay ko ay cr.

I woke up feeling a huge pain inside my body, para bang kinarate ako ng mga malalakas na karate players. Marahan kong isinandal ang likod ko sa headboard ng kama, habang nilalaro ang mga hibla ng buhok ni Noel.

"You awake," sabi nang pupungas-pungas na gwapong lalaki sa tabi ko. "Good morning baby, how's your feeling?"

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako paghapdi sa mga mata ko, nanlabo rin ang paningin ko dahil sa mga luha na nag-uunahan na rumagasa sa pisngi ko.

Unti-unting nanumbalik sa aking haraya ang kadem*nyohang ginawa ni Ivan sa akin.

Yung dem*nyo niyang mukha…

Yung pambubuyo ng mga kasama niya

Yung pananakit niya sa akin…

I don't think…

I don't think I can face the world knowing that I was a victim of attempted rape.

I am scared…

"Baby, don't cry please. Tapos na, okay? Nasa kulungan na siya, ginagawan ng paraan ni Troy para maipaghiganti ka niya."isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin.

"P-Pakiramdam ko… Ang dumi-dumi ko…"

kumalas si Noel mula sa pagkakayap sa akin, hinawakan niya ng magkabilang kamay ang magkabikang balikat ko saka ako sinserong tinitigan.

"No Viv, hindi ka marumi okay? Mahal na mahal kita."

I couldn't say any word, I feel like I'am stupid and naive.

"Shhh… baby, everything will be fine okay? Let's trust Troy, trust me too, and trust yourself also." sincere ang bawat salita na nanggagaling kay Noel. Kaya mahal na mahal ko ito eh, although madalas kaming nag-aaway dahil sa dami ng babae niya noon. Nananatili siyang loyal sa akin.

"B-Baby… s-si Mommy? S-Si Daddy? Alam na ba nila ang nangyari sa akin."

Matagal bago nakasagot si Noel…

"Yeah but they can't go home, pinilit naman ng mommy mo eh… kaso hindi sila makapagbook ng flight busy pa siya sa business tour niya,"

"And what about my dad?"

"Nasa flight pa ang dad mo,"

"Wala na naman sila…"

Masakit sa dibdib na malaman na sa panahon na kinakailangan ko ang mga magulang ko, wala sila. Maybe kapag si Ate Vienna ang nasa posisyon ko baka maghadali pa silang pumunta…

"Vivian Hilary Quizon Trinidad, ano 'yan? Sabi ko sa'yo ayokong nalulungkot ka eh, pumapangit ka eh."

Tumayo si Noel mula sa kinauupuan saka pinunasan ang mga luha ko, saka ako muling yinakap.

"Ang aga naman niyan," isang pamilyar na tinig ng isang babae ang narinig ko, Si Coutney matapos iyon ay tunog ng isang sumarang pinto.

"Good morning Viviana, kamusta ang pakiramdam?" Si Amara…

Naghiwalay kami ni Noel mula sa pagkakayakap.

"Maayos na ako… sana…" isang pekeng ngiti ang ipinakita ko.

Nangunot ang noo ni Amara at pagka ay pinitik ang ilong ko.

"Stop faking it Vivian Hilary Trinidad, alam kong hindi… sobrang traumatic ng nangyari sayo…" sinsero at nag-aalala ang tono ng pananalita niya.

"Ayaw ko na sanang pag-usapan pa… And sana rin although public figure ako, h'wag na sanang makarating sa media."

Parehong iminuwestra nina Amara at Courtney ang kanilang kamay na para bang sini-zipperan ang bibig.

Ngumiti ako pero this time, totoo na. Alam ko kasi na mapagkakatiwalaan ko ang dalawang ito.

"Teka…" Luminga-linga ako dahil kailangan kong makita ang isa sa mga tao na nagligtas sa akin…

"Are you looking for Athena?" tanong pa ni Courtney, napansin niya yata ang pagiging ligalig ko.

"Y-Yeah…"

"Kahapon pa siya wala eh, hindi rin siya nagrereply sa mga text at calls ko." Courney said…

"Even sa social media, she never answer my dm's and pm's" Amara stated.

Nasaan na kaya si Athena?

"Gusto ko sana na magpasalamat sa kanya for saving my life kahapon, I witnessed it. Kung paaano niya lampasuhin yung mga lalaki na mas malalaki pa sa kaniya, pinakain niya ng alikabok si Ivan. Even Enri---"

Napatigil ako nang marinig ko ang kalabog ng tray na nasa may side table. Nabangga yata ni Noel, pero ang boyfriend ko hindi niya yata napansin, madilim ang mukha niya habang nakatitig sa cellphone niya

"Babe, whats the matter?" takang tanong ko

Blanko niya akong tinignan, "It's nothing babe," sagot niya

"Really?" tanong kong muli.

"Yeah," hinagkan niya ako sa noo, "Court, Ame, kayo muna ang bahala sa Vivian ko, may aasikasuhin lang ako na importante." anito saka kinuha ang bag niya sa may couch.

"Saan ka pupunta?" tanong ko,

"I'll be right back babe," sabi niya na hindi man lang tumitingin sa akin, dire-diretso siya na lumabas.

Bigla akong nag-alala sa ikinilos ng boyfriend ko, hindi siya ganon. Usually, he always drop a joke or a cheesy line, maingay siyang lalaki.

"Anong problema non?" tanong ni Amara.

"He acted weird," puna pa ni Courtney.

"Indeed…" mahiksing sabi ko.

ATHENA

Nagising ako mula sa sinag ng araw na dumadampi sa balat ko, iminulat ko ang mga mata ko. Kinusut-kusot ko ang mga mata ko saka ako nag-inat.

Si Enrique ang unang bumungad sa akin, nakatayo siya sa may pintuan, half-naked at isang above the knee na kulay puting shorts lang ang suot, lumalakad siya papunta sa akin habang may hawak-hawak na serving try.

Dapat itong makita ni Amara, sana nakikita ito ni Amara.

Yung six pack abs niya, yung maputing skin niya, every inch of Enrique's body. Siguradong dudugo ang ilong ni Amara.

Nag-iwas ako ng tingin, ewan hindi ko matagalan ang mga hubaderong lalaki. Kurutin ko mga nipple nila eh.

Sa mukha niya na lang ako tumingin, para hindi nya ako pag-isipan ng kung ano.

"Good morning," nakangiti siya, at nangniningning ang mga mata. "Here's your breakfast in bed, my lady…"

"Enri---" he cut me off. Pagsasalitain mo ako o susuntukin kita?

"I will keep your secret just let me do whatever I want, okay?"

Oo nga pala, yung agreement. Pero teka, hindi naman ako pumayag ah. Hayy! hahayaan ko na nga lang. Nandito na rin naman kami e.

Pero tekaaaaaa Athenaaaa!! Teka laang! Wala ka bang pagtataka? Bakit natutulog ka sa ibang bahay? Ibang bahay yung kina Troy pero mas ibang bahay to.

Vintage ang lahat, antique, ultimo kama na hinihigaan ko. Isa siyang canopy bed, yung bed na may kurtina, yung kwarto napupuno ng ginto at itim na kulay. Yung side bed, lamp shade, mga tokador, trouser, may couch rin, at marami pang iba. Para akong nabuhay sa ibang panahon.

"Masyado kang humahanga sa mga nakikita mo, eat first baka lumamig ang food. Lolo cook this for you natatawa nga siya sayo kasi tinulugan mo daw siya kagabi pero he understand naman…" ani Enrique.

Nakakahiya ka Athena! Pero teka…

Sinilip ko ang suot ko, ganon pa rin yung usual suit ko. Good!

Oo nga pala, nakalimutan ko… Si Lolo Joe nakilala ko kagabi, siya ang Jose Enrique JR. Isang retired naval officer na may mataas na ranggo, nag-iisang sundalo sa pamilya.

Naalala ko, napagkamalan niya akong si Patricia, ang late grandmother ni Enrique kagabi. Kwento pa niya, si Lola Patricia ang kaisa-isahang babae na iniyakan niya at minahal niya ng sobra, nagbunga iyon ng 4 na supling. Si Ma. Lorena Madrigal-Yu, ang mama ni Sky, si Jose Enrique III ang papa naman ni Enrique at sina Paulina at Celestina. Marami pa siyang ikinwentong bagay, pero ang pinaka natandaan ko ay ang malaman na sina Sky at Enrique, magpinsan pala…

Hindi ko alam kung pareho ko ba silang kamumuhian, walang kinalaman si Enrique maging ang pamilya niya ang kaso pareho ang dugo na nanalaytay sa kanila.

"Athena… bat ba ang layo ng iniisip mo? Pwede bang ako naman…. Alam kong corny pakinggan pero…" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, sincero ang tinging iginawad niya sa akin. "Ako naman sana ang isipin mo, pipilitin na kita…"

"Enrique, ano ba 'yang sinasabi mo?" takang tanong ko, hindi siya sumagot ngumiti lang siya saka itinuon ang atensyon sa pagkain na nasa kama….

Napansin ko na kinuha niya ang tinidor at nagslice sa french toast na nasa pinggan. Tinuhog niya ang parteng hiniwa niya gamit ang tinidor saka itinapat sa bibig ko.

"Eat…" nakangiting sabi niya, "Please…" muli niyang sabi.

Ibinuka ko ang bibig ko para kainin ang french toast na na inaalok ni Enrique.

"Noong mga bata tayo, alamo mo ba na inggit na inggit ako kay Troy? Kasi he can do everything for you, tapos ako natotorpe. Titingin-tingin… Nakakahiya rin kasi, burol 'yon tapos mag-iinitiate ako ng kung ano," mahina siyang tumawa habang muling hinihiwa ang french toast.

I have no choice kungdi makinig na lang sa mga sinasabi niya, at hayaan rin siya na pagsilbihan ako sa pagkain.

Well, ewan may pakiramdam ako na baka pag tumanggi ako, bukod sa ilaglag niya ang identity ko, magtantrums siya.

"Enrique!" napahiyaw ako nang naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa ilong ko.

"Sorry, I can't help it… ang cute kasi ng ilong mo." he cupped both of my cheeks,

"Alam mong hindi 'to pwede… ayokong masira ang friendship namin ni Amara." sabi ko saka tinanggal ang kamay niya at tumwyo mula sa kama. "Uuwi na ako, baka hinahanap na ako ni Troy,"

Tumayo rin si Enrique mula sa kama at hinarap ako,"Please stay here Athena… I wanna be with you." Muli niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Enrique, kidnapping ito kung maituturing."

"I know… at saka isa pa, halata ko naman na, na wala akong pag-asa sayo ni katiting…"

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib ko, pakiramdam ko kasalanan ko kapag nalungkot siya. He doesn't deserve it, no one deserves to be rejected. Pero sa ginagawa ko, wala pa man din nirereject ko na siya…

"Athena, please stay with me… Kahit ngayon lang. I promise bukas na bukas uuwi na rin kita, I will accept what ever the punishment na ibibigay ni Troy. Gusto ko lang makasama ka. Gusto kong makasama na kumain ng breakfast, ng lunch at dinner…" he paused for a while, tinanggal niya ang pagkakahawak sa pisngi ko, magkabilang kamay ko naman ang hinawakan niya,

"… gusto kong manood ng movie kasama ka… gusto kong kantahan ka… gusto kong pagsilbihan ka. Gusto kong pagmasdan ka, habang tulog ka.  Gusto kong gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa noon kasi nga bukod sa mga bata pa tayo… alam ko kasi na si Sky ang gusto mo noon pa…"

Wala akong masabi, natulala ako sa mga narinig kong salita mula kay Enrique. Alam niya rin pala na may nararamdamn ako para kay Sky, sa pinsan niya…

Nararamdaman ko ang eagerness ni Enrique, sobra niya akong gusto pero kasi hindi ko masusuklian iyon.

Kaibigan lang ang pwede kong ibigay sa kanya, wala nang iba…

Ang pokus ko kasi, maipaghiganti ang pamilya ko, at mabawi ang lahat ng ari-arian namin mula sa mga Yu.

"Athena, please… kahit ngayon lang. Kasi baka mabaliw ako, kapag hindi ko pa nagawa 'yon sa'yo. After this, after this iuuwi na kita, tapos lalayo na ako… and I will promise to keep your secret…"

Lalayo siya after niyang gawin ang mga bagay na gusto niya kasama ako… pero bakit?

Tinitigan ko ang mga mata ni Enrique, puno ito ng pagmamahal at pagmamaka-awa…

I don't really know how to respond…

Saglit rin akong nakatitig sa mga mata ni Enrique dahil inagaw ang pansin ko ng cellphone ko na tumutunog, nasulyapan ko ang caller ID ng incoming caller… Si Troy…

"Athena…."

Muling ibinalik ko ang atensyon kay Enrique, wala naman sigurong masama kung pagbibigyan ko si Enrique, kahit pa isa siyang hubadero, mukha nama siyang isang disenteng lalaki…

"Sige…" bukal sa loob kong sabi, "Gagawin natin lahat ng gusto mo, okay?"

Nakita ko ang biglaang pagningning ng mga mata nu Enrique. Mukha talagang gusto niya ako…

Hindi ko na muna papansinin ang mga tawag ni Troy, saka na lang. Iuuwi din naman ako ni Enrique bukas. Madadadaan ko naman sa paliwanagan si Christian Troy Melendez.

Ang iniisip ko ngayon ay ang mararamdaman ni Amara….

Batid ko kasi na gustong gusto niya si Enrique pero kasi ako yung gusto ni Enrique…

TROY

SHE'S NOT ANSWERING MY CALL! Nasaan na ba si Athena? Saan ba siya dinala ng punyetang Enrique na 'yon?

"Boss, ano na ba ang gagawin natin kay Ivan?" tanong ng isa sa nga tauhan ko na si Berting.

Nandito ako sa basement ng headquarters nagpaparusa ng demonyo. Tinira niya pa talaga ang girlfriend ni Noel, wala kang isip Ivan Velez.

"Gawin ninyo ang gusto ninyo, basta si Noel ang huling titira diyan," sabi ko matapos kong magbuga ng usok ng sigarilyo.

Wala ako sa sarili, bote ng alak at sigarilyo lang ang magpapakalma sa akin sa ngayon. Ang malaman na hindi iniuwi ni Enrique si Athena s bahay ko ay sadyang nakakatangina at nakaka-init ng ulo.

"Chill ka lang brother, baka naman pinapasyal lang ni Madrigal si Athena," pagpapakalma sa akin ni Mattias.

"Pinapasyal? Magdamag? Putngina Mattias, nag-iisip ka pa ba? Umamin si Enrique na gusto niya si Athena! Anong gusto mong isipin ko? Na pinapasyal lang ni Enrique si Athena habang naglalaro sila ng bato, bato, pik? Mattias lalaki si Enrique! Pag inataki ng kademnyhan at libg 'yon, baka ibang bato bato pik na ang gawin nilang laro ni Athena!" sigaw ko matapos kong ibato ang bote ng alak.

Matapos kong pyansahan para itorture at pahirapan si Ivan, si Enrique naman ang pagtutuunan ko ng pansin, tanggalin ko ng kargado ang lalaking 'yon sa oras na makita ko siya. Ang ganda-ganda pa ng pakiusap ko sa kanya kahapon para mailayo si Athena, tapos iiputan niya ako sa ulo. Hay*p siya!

"Maya-maya lang iuuwi na ni Enrique si Athena, saka isa pa hindi naman ikaw si Enrique, kung ikaw kaya mong hubaran si Athena in just one blink of an eye, eh ibahin mo ang tropa mo. Ako nga na naghuhubad sa harapan niya, ayaw niya eh." sabat ni Karina "Carrie" Albert alyas Santana, ang ex girlfriend ni Madrigal.

"Lalaki rin si Enrique, di ka lang niya talaga type Karina," isang masamang tingin ang iginawad ko kay Carrie.

"Kasalanan mo rin kasi,Troy" sabat naman ni Asiana Aragon alyas Sally, nagbuga siya ng usok, "Aware ka naman pala na gusto niya si Athena eh, tapos sa kanya mo pa ipinagkatiwala."

"Hindi ko hinihingi ang opinion mo," wika ko saka ako lumagok mula sa bote ng alak.

"Ayaw mo pakinggan ang opinion ko kasi tama ako. Mano ba naman na ika ang mag-uwi kay Athena at ipinatrabaho mo sa iba si Ivan, edi sana hindi ka nababaliw ngayon kakaisip kung saan dinala ni Ice si Athena," ani Asiana,

"Kaya nga, inuna mo pa yung shota ni Noel," pagsang-ayon naman ni Carrie.

"Yung tatay ng shota ni Noel, supplier natin ng nga armas. Kaya ko inuna, nag-iisip ka ba?"

"Ah ganun, ah so matimbang pala ang armas kaysa babae, osige, bahala ka ngayon na mabaliw sa kakaisip kung saan dinala ni Ice si Athena mo, bahala ka na dyan" umalis yung dalawang put*ng babae, iniwanan ako at si Mattias.

Tumayo ako para isalin sa daha s ang frustration ko.

"Tabi! Ako naman ang magpapahirap sa dem*nyo na 'yan." utos ko sa mga tauhan ko saka ko kinasa ang baril.

Lupaypay pero humihinga pa naman si Ivan, inuunti-unti ko lang ang pagpapahirap. Si Noel ang bahalang tumrabaho dito.

"H-Hoy M-Melendez!"

"H'wag ka nang magsalita! Naiinis ako!"

"Tinira na ni Ice ang Athena mo!" ngumisi pa siya, dahilan para iputok ko sa mga paa at hita niya ang mga bala ko.

Athena is mine, papatayin ko ang mga tao na magtatangkang agawin siya sa akin.

Marami na akong isinakripisyo para sa kanya, hindi ako makakapayag na mauwi sa wala, lahat ng iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro