CHAPTER 18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SKY

Patuloy lang sa mahinang pag-iyak si Athena, mula pa kanina. Sobrang gusto ko na siyang tanongin pero I don't really have the guts, hinayaan ko na lamang siya.

Nakaka-curious ang sinabi ni Quen.

Hindi ko maintindihan.

Gustong gusto ko siyang tanongin pero ayoko namang makadagdag sa pinoproblema niya.

"I know you're not okay, you can tell me what's bothering you," I said…

"W-Wala…" mahina niyang sagot.

"Pwede mo naman akong pagkatiwalaan pero ikaw pa rin ang masusunod…"

"Saka ko na lang siguro sasabihin sayo…"

Iyon ang huling kataga na narinig ko sa kanya bago siya muling tumahimik.

Naghari ang di makabasag pinggan na katahimikan sa paligid naming dalawa. Narinig ko na lamang ang mahina niyang hilik na nakapag-pangiti sa akin.

"Nakatulog na siya,"

Ewan ko ba kung bakit kahit na walang ginagawa si Athena ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa tuwing tinitignan ko siya ay para bang ako na ang pinaka maswerteng tao aa buong mundo.

"Athena… i like you …"

Wala akong lakas ng loob para sabihin sa'yo to harapan kaya susulitin ko na ang pagkakataon habang hindi ka pa bumabalik sa wisyo mo, habang hindi pa ikaw ang Athena na mailap at laging nanlilisik ang mata.

Huminto muna ako sa side rode sagkit, at maingat kong ikinabit at iiniayos ang seatbelt sa katawan niya. Naglagay rin ako ng maliit na unan para hindi siya mangalay.

"I really wanna kiss you pero hindi pa pwede… I'll wait Athena, I'll wait hanggang sa pwede na at tama na ang panahon…"

Abala ako sa pagtitig sa nahihimbing na si Athena but my ringtone ruined it. It's my mom whose calling.

"Mom---"

"Where are you? Nahatid mo na ba si Athena? Sana hindi pa, idaan mo sa Edsa para traffic, bigyan ko na ako ng apo Sky baka naman. Ano ba naman Sebastian? Kilos-kilos rin! Baka maunahan ka pa ni Noel!"

"Mom--"

"Plano mo ba ako suwayin? Ginagawan na nga kita ng paraan anak eh,"

Nakakarindi ang boses ng mommy ko, mahimig siyang manermon and such pero eto na yata ang pinakamagandang sermon na narinig ko kay Mama.

Ang kaso lang ayoko talagang madaliin, gusto kong daanin sa old-fashion na panliligaw ang gagawin ko kay Athena.

"Mommy chill, darating tayo diyan."

"Anak naman, baka bukas patay na kami ng papa mo tap--"

"Ma kumalma ka nga, masyado pa kaming bata ni Athena, kung ano-ano na naman ang iniisip mo. Ihahatid ko lang po siya, that's it."

"Thats it?"

"That's it."

"Sky naman eh,"

"Mommy please give me some time, darating tayo dyan."

"Sky, kumilos ka kung hindi ako ang kikilos para sayo."

"Mommy I'm driving, mamaya na lang po tayo mag-usap." sabi ko after that I hanged up the call.

Sobrang boto si Mommy kay Athena compare kay Zoe at talagang lahat gagawin niya para lang maging kami.

I admit I want it too pero hindi sa ngayon, masyado pang maaga…

ENRIQUE

After what happen a while ago in the restaurant. I went to Ady's house, he's a friend of mine and the owner of the restau. And the saddening thing is, he's also my cousin.

I don't really wanna end up here but I don't have any choice…

"What? Enrique you're a lucly bastard! Biruin mo nakabingwit ka ng babaeng birhen."

"That's not the point here Ady, she's Amara's friend… and you know how much Amara admire and love me. Ayokong dumating ang araw na malaman niya ang nangyari sa amin ni Athena, alam ko kung paano magalit si Amara baka kung anong gawin niya kay Athena." I said as I drink the beer from the glass.

"Sabi ko naman sa'yo ibalato mo na sa akin si Amara,"

"Ady just this time be serious,"

"Sorry na, eto na nga eh."

"Ayokong mapahamak si Athena, after nang nangyari sa amin. Mas lalo ko siyang nagustuhan, I think this isn't just "crush" or something, I love her…"

"Tarakya! Inlababo na Ken-Ken namin,"

"And another thing, baka mabuntis ko siya… "

"F*ck Enrique!? Pinutok mo? Pinutok mo sa loob? Aba! Iba ka talaga, mas matinik ka pa sa kung anong isda na maraming tinik."

"H'wag kang OA please, nagpunta ako dito to seek help. I feel anxious sa mga posibleng mangyari."

"Dalawa lang naman 'yan, una yung pagiging creepy ni Amara, pangalawa yung iniisip mo na baka maging tatay ka sa edad na 21, bukod dun wala na Quen."

"Meron pa…"

"Ano naman 'yon?"

"Si Sky…"

"Si Sebastian? E diba nga may Zoe na siya. Saka puppy love lang naman yung kanila ni Athena, sure ako na wala na 'yon."

"No, Sky broke up with Zoe because of Athena."

"E hanep pala kayong magpinsan! Dehado na si Sky kung ganon, naputukan mo na eh."

"Kilala mo si Sky, ipaglalaban niya kahit alam niyang talo na siya."

"Kaya nga siya mag-aabogado eh."

"I don't know kung tama ba na lumapit ako sayo Ady or dapat kay Vivian or Courtney na lang ako lumapit eh. Atleast si Vi at Court may sense ang sinasabi,"

"Tarakya ka tol! Heto na nga akong pinsan mo nakikinig sa mga hinaing mo tas ipagpapalit mo naman ako sa dalawang maingay na 'yon."

"H'wag na, nagbago na ang isip ko Ady." linagok ko ang huling alak sa bote saka umalis sa bahay ni Ady.

ATHENA

Nagising ako nang maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan ni Sky, kinusot kusot ko pa ang mga mata ko.

"Gising ka na pala, mabuti 'yan nakapag pahinga ka na." mahina niyang sabi habang nakangiti.

Dug.dug

H'wag puso please, h'wag. Kaaway siya, alalahanin mong pamilya niya ang dahilan kung bakit nakikitulog ka kina Troy ngayon.

"How's your feeling?"

"Ayos na ako Sky, salamat sa paghatid. Baka hinahanap na ako ni Troy,"

"Yeah, wala 'yon. I'm willing to do everything for a friend."

Friend?

Oo Athena, Friend…

"Salamat ulit, sige na bababa na ako. Gabi na, baka hinahanap ka na ng mommy mo." sinubukan ko na tanggalin ang seatbelt na nakakakabit sa katawan ko pero medyo mahigpit ito

"Wait lemme help with that," ani Sky saka marahang tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa akin.

"Thank you Sky,"

"That's the third time Athena, enough for that" wika ni Sky saka binuksan ang pintuan ng sasakyan. "Sa uulitin,"

Nginitian ko siya bago pa ako makababa sa kotse.

"S-Sky, ayaw mo ba na magpakita kay Troy? Para makapag-kape kayo? Tuloy ka muna sa loob."

Athena, bahay mo ba 'yan? Kung makapag-invite ka, akala mo sayo.

"If you're asking me for a coffee, better kung tayong dalawa lang. Let's have a coffee date tomorrow. 10am sharp okay?" anito saka isinara ang pintuan, at pinaandar ang sasakyan.

Fuck

Fuck

Fuck

AHHHHH!!

Gusto ko sumigaw, humiyaw at gumawa ng nakakahiyang bagay pero hindi pwede.

Hindi pwedeng kiliging sa kaaway, matagal nang patay ang kwento nina Romeo at Juliet. Hindi 'yun totoo, gawa-gawa lang ni Shakespear 'yun.

Naglakad na ako papasok sa gate nina Troy, sa di kalayuan napansin ko ang isang kotse na pag-aari ni Stella.

"Anong ginagawa ng bruha dito?" bulong ko sa sarili.

Naglakad pa ako papalapit at namataan ko ang dalawang pigura ng tao na nakatayo sa may pool area at nag-uusap.

Si Troy at si Stella…

Lumapit ako dahil medyo nacurious ako sa pinag-uusapan nang dalawa.

"Hindi ako aalis, I'll help Athena no matter what."

"Stella pag-iisipan mo mabuti, alam ko naman na kaibigan mo si Athena pero nandito naman ako to help her. At saka isa pa, magkaibigan sila ni Courtney, Stella. Hindi pwede na magkrus ang landas ninyo ni Courtney, alam mo kung gaano ko kagusto si Courtney. Ayokong maturn off siya kapag nalaman niya na nabuntis kita…"

Shet!

Buntis si Stella at si Troy ang ama…

Kailan pa?

Kaya ba madalang na lang na magpakita sa akin si Stella?

Kaya ba hindi na siya lumalaban sa karera?

"Itian please…"

"Paninindigan ko naman ang pagiging ama ko dyan sa anak natin Stella pero sa ngayon hayaan mo muna ako na sumaya mahal ko si Courtney."

"Sige… kung diyan ka masaya… hahayaan kita."

Putek na Troy 'to, dalawang kaibigan ko pa ang pinagsabay. Playboy talaga!

Hindi na ako makatiiis kaya nilapitan ko na silang dalawa.

"Athena?" sabay nilang sabi.

"Ah so ganon na pala 'yon? Matapos mo buntisin si Stella gaganyanin mo?" pinagkrus ko ang mga braso ko saka sila matalim na tinignan. "Alam ba ni Tito Alejandro ang kalokohan mo Christian Troy?"

"Athena please allow me to explain,"

"Explain what Troy? Narinig ko na naman na lahat."

"Lahat?" nabakas ko ang takot sa mga mata ni Troy, nagkatinginan sila ni Stella na labis kong pinagtaka.

"Oo, na nabuntis mo si Stella, na mas mahal mo si Courtney kaysa sa kanya. Para kang hindi lalaki Troy, ano 'yun after mo magpakasaya with Stella si Courtney naman ganon? Mabuti pang sabihin mo kay Courtney 'yan. Bago pa mahuli ang lahat Christian Troy,"

"Is that all? Walaa ka na bang ibang narinig."

"Meron pa ba akong ibang dapat na malaman?"

Muli silang nagkatinginan na dalawa.

Weird.

"Wala na Athena," si Stella ang sumagot.

"Umuwi ka na Stella, masama sa buntis ang ginagabi. Congratulation by the way," yinakap ko siya bago ako bumaling kay Troy. "Ihatid mo ang bestfriend ko, pag may nangyaring masama dito ipapagarote ko kita."

"Magpahinga ka na Athena,"

"Alam ko,"

Humalik ako sa pisngi ni Stella bago ako pumasok sa loob.

TROY

I'm having a sweet dinner with my Courtney pagkakataon ko na to have some time with her ang kaso nga lang umeksena ang nga alagad ng Daddy ko.

"Dad dapat nagtext ka na lang or something kaysa ganito na binibigla ninyo ang anak ninyo na nakikipagdate. Ganon ba talaga kayo kabitter?" It was supposed to be a joke but since my dad is a monster, hindi niya nagets.

"Tigilan mo ako sa mga corny mong jokes Christian Troy, akala mo ba hindi ko alam ang mga pinaggagagawa mo while Iam out of the country? "

"So ikinanta na pala ako ni Uncle Dennis, ang daldal talaga ng matandang 'yon dapat nang itum---"

"Christian Troy Melendez!"

Ayan na nagsisimula nang magbuga ng apoy ang matandang dragon.

"Dad chill! Ito rin naman ang gusto mo diba? Ang makuha ang pera at ari-arian ng mga Aragon, ayan na sila step by step ko nang nakukuha Dad. Ang galing ko diba? Purihin mo naman ang unico hijo mo."

And again with that eyes… nanlilisik na naman ang mga mata niya.

Di ko rin gets 'tong si Alejandro Melendez eh.

"Nahihibang ka ba Troy? Hindi sa ganitong paraan. First, nagbayad ka ng mga pekeng investor para mabankrupt at maipagbili mo ang Dragon Empire, tapos sinunud mo ang Aragon's group of company. Second, pinalabas mo na mga Yu ang may kasalanan kahit na inosente sila. And third nagbayad ka ng mga tao sa mafia para takutin, saktan, at bigyan ng trauma ang pamilya ni Aileen. Si Lorenzo ngayon nandoon sa ospital naka-commatose, at hindi pa rin gumigising." litanya ng ama ko.

"Hindi lang naman 1,2, and 3 ang numbers diba? Infinite 'yan, just wait for my next step pa. Atsaka diba, matagal ka na rin naman na may gusto kay Tita Aileen? I'm not just doing it for me, ginagawa ko rin 'to para suportahan ang naudlot na lovelife ninyo."

"That's not the point here! Lalo mo lang pinagulo ang lahat."

"No Dad, in fact inaayos ko pa nga po eh."

"Ayos? Sa tingin mo pag-aayos ito Troy"

"Yes, mukha lang siyang magulo for you. Ganon naman talaga kapag sa umpisa, you'll start from scratch."

"Ano ba talaga ang plano mo Troy?"

"Edi kung ano ang gusto ninyo at ni Lolo noon pa, ang maungusan ang mga Aragon. Ang kaso lang in this juncture, hindi lang dapat ikaw at si Lolo ang makinabang, dapat meron din ako kahit si Athena lang. Ang tagal ko nang gustong gawing sex slave ang babae na 'yon."

"Troy!"

"Wag mo kong pipigilan Dad, hindi pwedeng kayo lang ang makikinabang. Hawak na natin ang Dragon Empire at ang isa pang kumpanya ng nga Aragon, ang kaso nga lang wala pang pirma from Lorenzo, hindi pa gumigising ang kumag eh. Saka ko na siya papatayin kapag nakapirma na siya sa kontrata na naglalayong ipasa sa pangalan mo ang lahat ng ari-arian niya."

"Troy isa kang kahi--"

"Kahihiyan? Ako? Oo Dad, pareho lang naman tayo. Ikaw ang nagtrigger sa akin, so don't blame me. May amabag ka din sa lahat ng 'to. Wala na ba tayong pag-uusapan? Aalis na ako, itutuloy ko lang ang date ko with Courtney."

"Naiisip mo ba na masisira ang reputasyon natin?"

"Naisip ko na 'yun Dad! Kaya nga diba pinapasa natin sa mga Yu lahat? Ultimo galit ni Athena, napunta kay Sky, napunta ang galit ng nag-iisang anak ni Lorenzo Aragon sa pamilya ni Edison Yu. H'wag mo na akong kontrahin Dad, at hayaan mo na lang ako. I promise to make our family name clean and humble up to the final day. Kaya ikaw, magpahinga ka na Dad. At hayaan mong ako ang kumilos ng lahat " nginisian ko ang tatay ko saka ako lumabas ng bahay.

"Troy…."

"Anong gingawa mo dito?"

"I heard everything…"

"Wala kang pagsasabihan okay?"

"You're evil…"

"Sa'yo siguro…"

"Paano mo nagawa kay Yna 'to? Pinagkakatiwalaan ka niya…"

"Mabuti pang manahimik ka na lang bumalik ka sa France o kung saan ka man lupalop nanggaling…"

"Itian, alam mo kung gaano ka pinagkakatiwalaan ni Tita Aileen, ni Tito Enzo, at mas lalo ni Athena.…"

"Pamilya sila ng mga tanga Stella. Kaya kung ako sayo Stella kung ayaw mong matulad sa kay Ivan at sa mga napatay ko tatahimik ka."

"Itian hindi pwede,"

"O sige, gusto mong patayin kita? Damay 'yang anak natin sa tiyan mo, gusto mo 'yun?"

"Itian…"

"Ituloy mo ang pagtatago at pag-iwas mo kay Athena, that's it Iyan ang magiging ambag mo, delete Athena's number, deactivate your social media account, get lost Stella."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro