CHAPTER 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Nagkaroon rin tayo ng time para makapag-usap ng masinsinan, Athena." Nakangising sabi ni Ava habang nananalamin si Athena.

"Ano na naman bang kailangan mo?" matigas na tanong ko.

"Do you really want know?" mapanghamong sabi ni Ava. "Lemme control your whole life Athena, para naman hindi puro drama at aksyon ang buhay mo. Kailangan mo rin ng romansa,"

"Tigilan mo ang kahibangan mo, Ava. Umalis ka na sa isipan ko! Umalis ka na!"

"At bakit ako aalis? Wala namang dahilan Athena, hindi ako aalis! Not now, never."

"Please Ava, h'wag mo akong guluhin!"

Napasabunot na lang ako sa sarili...

Naguguluhan ako sa nangyayari...

"Oh and wait, I forgot something. Diba tinatanong mo ako kung ano ang gusto ko? Gusto ko ng dilig Athena, dilig mula kay Enrique. Alam ko naman na gusto niya rin 'yon. Or maybe kahit sinong lalaki, gamitin mo ang kamandag mo."

"Tumahimik na Ava! Hindi mo makukuha ang gusto mo!"

"What Ava wants, Ava gets Athena. If you think that you are stronger than me, think again Athena."

Malakas ako...

Mas malakas ako kaysa sa isipan ko...

No Athena, hindi ka malakas.

Malakas ako!

Hindi Athena!

"Kung mas malakas ka, hindi mo hahayaan na may mangyari aa pagitan mo at ni Enrique."

"Hindi, hindi ako makikinig sa'yo."

"Ginusto mo 'yon, rumupok ka Athena. Kahit na alam mo na ang kaibigan-kuno mo na si Amara ay may gusto sa kanya."

"Tumigil ka na please!"

"Hindi ako titigil, hinding hindi"

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang pilit ko na nilalabanan ang sariling isipan ko na animoy gumagawa ng sariling katauhan na ang pangalan ay Ava.

Nagising ako nang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha , mukhang nakalimutan kong isara ang malaking glass door kagabi.

"Umaga na pala..." mahinang bulong ko sa sarili habang sapo-sapo ang dibdib ko.

Bumangon ako mula sa kama at nag-inat inat habang inaalala ang tagpo kagabi.

"Walang Ava..." mahina kong sabi, "Walang Ava..." muli kong sambit saka bumuga ng hangin.

"Knock, knock, ang 'yong poging best friend dinadalan ka ng pagkain." nakita ko mula sa repleksyon ng salamin na bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Troy na nakasuot ng tshirt na asul at tokong shorts. "Good morming madamoiselle,"

"Morning..." mahiksing sabi ko nang harapin ko siya. "Wala si manang?" takang tanong ko, usually kasi si manang ang nag-aakyat ng pagkain sa kwarto ko.

"Nagday-off sila...Si Manong Bing lang ang andyan saka yung hardinero natin na si Bok" ani Troy habang nilalagay ang tray na may lamang pagkain sa isang maliit at bilugang lamesa. "Siya nga pala..." animo'y nag-iba ang tono ng pananalita ni Troy.

"Bakit?"

"May nangyari sa inyo ni Enrique, anong plano ninyo? Mag-on na ba kayo? Paninindigan ka ba niya? Paano kung mabuntis ka?"

"Ang OA, ang OA Troy..." iyon lang ang naisagot ko.

Sa totoo lang hindi ko rin alam...

"Paano si Sky? Feeling ko gustong-gusto ka pa naman ng mo--"

"Troy..." pinandilatan ko siya "..ki-kinamumuhian ko ang pamilya nila. Alam mo kung gaano kasakit at kasama yung ginawa sa akin at sa pamilya ko. Kung kinakailangan gamitin ko ang nangyari sa amin ni Enrique para makaganti, why not? Isasapalaran ko ang lahat."

"Bakit si Enrique pa? Pwede naman si Sky diba? Wag ka nang lumayo, grasya ang lumalapit sa'yo Athena. Kuhanin mo ang lahat, gusto ka ng mommy ni Sky diba? Use that as an advantage Athena, kung kinakailangan na mabuntis ka para magkaroon ka ng alas, go! Isipin mo sina Tita Aileen at Tito Enzo, magiging proud sila sayo."

"Inaya ako ni Sky..." out of the blue na sabi ko, nangunot ang noo ni Troy ngunit kalaunan ay nawala ito at napalitan ng isang ngiti.

"Dress up, seduce him. Gawin mo ang lahat para maging sunod-sunoran siya sa 'yo Athena. With that, mababawi mo ang kinuha nila sa'yo."

"P-Pero..."

"No buts, nagawa mo ngang akitin si Enrique in just span on one day. Youre beautiful, you had a body that can make a man drool. Ako na ang nagsasabi sayo, libugin mo, akitin mo, nang sa ganun pare-pareho tayong magwagi," hinawi ni Troy ang buhok ko at hinagkan ako sa noo bago niya nilisan ang kwarto ko.

Tama si Troy pero natatakot ako na magtake risk. Paano kung mangibabaw ang feelings ko? Baka mabigo ako...

Muli akong humarap sa salamin...

"Do you need my help?"

"Ava..."

"Just call my name and I'll be there..."

"Hindi ko alam kung magagamit ba kita or ikaw ang sisira,"

"Pss, h'wag ganun sister. Tayo na lang magkakampi."

Umiling-iling ako para iwagli sa isipan ko ang isang katauhan ng sarili ko.

Katawan ko ito, isipan ko walang pwedeng kumontrol dito liban sa akin.

Naghanap ako ng isang malaking tela para takpan ang malaking salamin dito sa kwarto, bago ako kumain ng agahan.

Nang matakpan ko ito ay medyo naibsan ang pag-aalala ko. Ibinaling ko ang atensyon sa pagkain ng agahan, matapos 'yon ay naligo na ako at nagbihis. Inaliw -aliw ang sarili at ibinaking ang atensyon sa ibang bagay na makakapagpalayo sa akin sa pag-iisip na may isa pang tao na kumokontrol sa akin, maaring konsyensya ko pero hindi si Ava, o kung ano man ang pangalan niya.

Napagpasyahan ko na ibaba ang pinagkainan ko, ngunit sinalubong agad ako ni Troy at kinuha ang tray, nakabihis ito.

"Aalis ka?" siyang tanong ko.

"Business meeting... alam mo naman, tagapag-mana." sagot naman niya saka akmang kukuhanin ang tray.

"Ako na, sige na baka mahuli ka pa." nginitan ko siya.

"Athena..."

"Bakit?"

"Wala kang kasama dito... mag-aalala ako."

"Aalis rin naman ako diba?"

"Wala akong tiwala kay Sky, o kahit kanino..."

"Pagkatiwalaan mo ako, Troy."

"I trust you pero yung mga tao sa paligid mo hindi," hinagkan niya ako sa noo. "Yung sinabi ko kanina, pag-isipan mo. Aalis na ako, I don't know kung makaka-uwi ako ng maaga pero don't wait for me okay?"

"Take care,"

Ngumiti siya bago niya ako talikuran at bumaba ng hagdan. Ako naman ay dumiretso na sa kusina para hugasan ang pinagkainan ko, at ilan pang kasangkapan.

After that nagpunta ako sa sala para manood ng t.v. Walang magandang palabas e kaya tamang pindot sa remote at lipat ako sa mga channel.

"Kabagot!" bulong ko saka nag-inat. Maya-maya pa ay napukaw ng nagwawalang tunog ng telepono ang atensyon ko.

Tumayo ako at saka kinuha ang wireless telephone.

"Hello, Melendez Residence."

"Hi Athena?"

That voice...

"Sky?"

"Yeah, good morning?"

"Ano namang good sa morning?" iritableng saad ko.

"Ayan, nag-uumpisa ka na naman na sungitan ako. Tapos na ba ang free trial ng pagiging mabait mo kagabi?"

"Ang daldal mo," panunuya ko.

"Nakalimutan mo na ba? May date tayo ngayon."

"Anong date? Date mo mukha mo!"

Ewan, hindi ko lang mapigil na mainis sa kanya. Nag-iinit ang ulo, ko.

"Inaya mo ako magkape kagabi Athena ang kaso lang sobrang late na kaya sabi ko bukas na lang, which is ngayon."

"Mukha mo! Manigas ka, ibaba ko na bye--"

"Teka lang naman, nagsusungit ka na naman eh, papunta na ako dyan."

"What?"

"Nagpa-gas lang ako,"

"Umuwi ka na sa inyo!" Oo, sumisigaw na ako sa telepono.

Hindi ko ata kakayanin na makasama pa sya ng isa pang araw, kahapon pa nga lang hindi na ako makahinga.

"Ayoko! Ang alam ni Mommy may date tayo."

"Sky naman parang awa mo na!"

"Sige na, papunta na ako dyan. Magbihis ka na, wag ka na masyadong magpaganda. Simplicity is beauty,"narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa bago niya ibaba ang telepono.

Bagsak ang balikat na napaupo ako sa sofa, mukhang mapapasubo ako.

Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko, para itong lalabas na sa dibdib ko.

Pilit kong pinakalma ang sarili hanggang sa mapako ang tingin ko sa sarili kong repleksyon.

"Ano pang hinihintay mo Athena? Pasko? Gosh! August 23 pa lang ngayon, malayo layo pa. Tumayo ka na dyan at mamaya madidiligan ako."

"Ano bang sinasabi mo dyan?" napairap ako.

"Tanga ka ba talaga? Valedictorian ka diba? Kapag ang babae at ang lalaki, nagsama, nagdate, after no'n hot and steamy s*x naman."

"Tumigil ka! Hindi ka lalabas okay?"

"Aww... I really want to taste Sky lalo kapag nilabasan na siya."

"Ahhh!!" sigaw ko habang sinasabunutan ang sarili. "Tumigil ka na! Hindi ka totoo! Walang Ava! Si Ava identity mo lang pag nangangarera ka, okay? Kalma Athena, kalma..."

"Tama si Troy, Athena. Seduced Sky, akitin mo, hayaan mong maglaway siya sa'yo. With that magagamit mo siya, para makaganti ka."

"Walang Ava, wala, kalma Athena.. Kalma"

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko, habang pinipilit iwagli ang katauhang gawa-gawa ng isipan ko.

SKY

I'm so excited as in super mega excited, although sinungitan niya ako kanina sa phone at ayaw niyang sumama. Hindi siya makakahindi kapag nandoon na ako sa bahay ni Troy.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko matapos kong makabili ng bulaklak at stuffed toys para sa date namin ni Athena.

Alam ko naman na masyado pang maaga pero hindi na kasi ako makapaghintay. I really want Athena to be part of my family, kahit na ganon niya ako itrato amd such.

"Troy?" sabi ko nang sagutin ni Troy ang tawag ko. Ipapaalam ko si Athena.

"Sky? Bro, ano atin? Bakit ka napatawag?"

"Ipapaalam ko lang sana si Athena, I invited her for a date. I hope you'll allow her."

"Ofcourse, sino ba naman ako para pigilan ang love. Alam mo naman na noon pa pang boto na ako sa'yo" I heard him laugh. "O siya, magdate na kayo. I'll hang up na, ayoko maka istorbo." anito saka ibinaba ang telepono.

Malapad akong ngumiti habang nagmamaneho. I can't wait to meet Athena.

Nang makarating ako, ipinarada ko ay maayos kong kotse malapit sa gate, pagkababa ko ay agad akong nag-doorbell.

Nagtaka ako nang makailang beses ko nang pinindot ang doorbell pero wala pa ring nagbubukas ng gate.

"Tao po!" sigaw ko "Tao po!" inalog-alog ko pa ang kulay puting gate, and I find out na hindi pala naka-lock.

While walking, para bang nakaramdam ako ng kung aning kakaibang kaba.

Hindi ko naman ito pinansin, at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Bukas ang glassdoor, kaya madali akong nakapasok.

"Athena!" sigaw ko nang maabutan ko si Athena na naka-upo sa sahig.

She's hurting herself, sinusuntok niya ang sariling ulo at sinasabunutan.

Naihagis ko ang bulaklak at stuffed toy sa kung saan nang tumakbo ako papunta sa kanya.

"Athena calm down..." Hinawakan ko ang parehong kamay niya at pinigilan siyang saktan ang sarili.

She's crying and fear crossed her face.

"Calm down okay? Just call down..." I wrap her arm on my waist then hug her while rubbing her back, habang nakabaon ang mukha niya sa dibdib ko.

I don't know what happen, she's just crying and sobbing. She keeps on mumbling a name but I couldn't understand it.

"Athena may nangyari ba? Sabihin mo sa akin,"

Huminto siya sa paghikbi, narinig ko lang ang malalim na bunting hininga niya. I can feel the warnth on her breath, that makes me turn on.

"S-Sky..." she said while carressing my back.

"Y-Yes?"

Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya mula sa bewang ko papaakyat sa dibdib ko.

"Athena what's wrong?"

"Sky..." iniangat niya ang ulo niya at tumitig sa akin.

Her hands also move from my chest to my cheek, she stared on me for about a second.

I can feel a very strange sensation on my spine.

"Kiss me..."

My eyes widen when I hear Athena speak...

"What?"

"Kiss me Sky..." she said softly. "Please..."

Iba ang tono niya sa normal, malambing ito at puno ng pagnanasa.

"H-Hindi, h-hindi pwede.."

"Pwede, its just you and me... Walang nagbabawal sa atin."

"B-Bu---"

I attempted to speak but Athena snatched it by pressing her lips on mine.

"Don't you like me?" hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Hindi, hindi sa ganon"

"Kung ganon, bakit ayaw mo akong halikan?"

She sounds desperate...

Pakiramdam ko ay ibang tao ang kasama ko.

"Athena, hindi pwede... Wala tayong relasyon"

"Hindi ka ba nagagandahan sa akin? Pangit ba ako sa paningin mo? Te me..."

"Maganda ka Athena, sobrang ganda mo."

Muli niya akong tinitigan, nakakapang-akit ang mga mata niya.

"Look at me, and tell me you want me... Tell me Sky"

"Athena..."

COURTNEY

I'm busy doing my morning routine, balak kong mag-upload ng vlog. Kailangan maganda ako kahit na stressful ang mga nagdaang araw.

Make-up tutorial ang ia-upload ko para maiba naman, naka-upo ako sa dresser ko habang inaayos ang mga make-up na gagamitin ko.

"Hi cornflakes! It's your cornflake angel, Courtney." masigla kong sabi habang naka-tapat ang camera. "So for today's vid---" naputol lang ako nang mag-ring ang cellphone ko. "Pss.. istorbo naman." inis kong sabi saka padaskol na kinuha ang cellphone ko.

Incoming Call... QuenQuen

"Bakit tumatawag ang 'sang to?" tanong ko sa sarili. "Hello?"

"Courtney sorry biglaan, busy ka ba?" tanong nito mula sa kabilang linya.

"Hindi naman, why?" sagot ko.

"Pwede ba tayong magkita? Kayo sana ni Vivian. Don't worry my treat.."

"Game, saan ba?"

"Sa Taste of Sweets sana.."

"Go lang, o e teka naka-usap mo na ba si Viv?"

"Yea, dadaanan ka daw niya."

"Mag-aayos lang ako, kitakits"

"Before lunch okay? Thankyou, bye,"

I ended up the call, tumayo na ako at nagpunta sa walk-in closet para maghanap ng damit.

"Ano kayang pumasok sa isip ng taong 'yun? Himala ata..." mahinang sabi ko.

After dressing up ay bumaba na ako. Naabutan ko si Kuya Charles at ang hald sister ko na si Marees sa sala.

"May lakad ka?" tanong ni Kuya.

"Oo, magkikita kami ni Vivian. Kuya, gagamit ko yung isang toyota ah." pagpapaalam ko.

"Bakit di ka na lang makisakay kay Vivian? Mas maganda ang kotse non. Atsaka isa pa, diba nasira mo na yung isang BMW last month. Baka maulit na naman." pagmamaldita ni Mareese.

Ayaw ko na lang magtalk.

Inirapan ko na lang siya saka ako lumabas ng bahay at naglakad papunta sa kotse.

Pagkasakay ko ay biglang nagmessage si Vivian...

From: Vi

Girl! Di na kita madadaanan ha? Sinundo kasi ako ni Noel at hinatid dito sa TOS, nandito na rin ang ating Lover Boy na si Quen. Bilisan mo ma bakla! May pasabog siyaaaa😂❤️

"Luka talaga," bulong ko saka ko ini-start ang engine ng sasakyan.

Nagmamadaling minaneho ko ang sasakyan papunta sa Taste of Sweet Shop.

Naglalaro pa rin sa isipan ko ang mga posibleng dahilan kung bakit kinailangan makipagkita si Enrique sa amin.

"Courtney!" masayang sabi ni Vivian na ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga tao.

"Uy si Cornflakes andyan na!"

Great! ngayon pati ako pinagkaguluhan na din. Napakagaling Vivian, halika rito yakapin kita sa leeg.

Matagal-tagal bago kami tigilan ng Ba-Viys na fandom ni Vivian at Cornflakes na fandom ko. Naka-order na nga rin si Quen ng kakainin namin.

"Finally! Tapos na din sila." wika ko saka umupo.

"Perks of being famous," ani Enrique na nasa harapan ko saka mahinang tumawa.

"Aba! Isang milagro yata ang nangyayari."

"Kailan ka pa natuto ngumiti aber?" intrigerang tanong ni Vivian nang makaupo siya sa tabi ko.

"When Athena came," his lips form a smile after saying Athena's name.

"E tama nga, lover boy ka nga." buyo ni Vivian. "Ganyan ba talaga kapag nakaka-score?"

"Vi," ani Enrique saka umiling-iling.

"Sorry," kinagat ni Vi ang pang-ibabang labi. Tumikhim si Vivian bago muling nagsalita, "So, what's the purpose of this meet-up?"

"Well... you guys know how I like Athena, diba? And..."

"And..?" ginaya ko siya. Wala lang para may ambag

"And Athena and Amara join the same squad." pagpapatuloy ni Enrique.

"So this is about the 'love triangle' thinggy?"

Nag-jump ulit ako sa conclusion. Bat ba? P.O.V ko 'to. Charot!

"Yea...halos sa ating 8 si Amara na lang ang hindi nakakaalam. And I'm scared sa kung ano ang pwede niyang gawin kay Athena."

"Same feels, actually knowing Amara... mapapatawad ka niya Quen but not Athena. Kayang-kaya niyang sirain si Athen." thats Vivian.

"And another, alam rin ni Amara ang about sa "Ava Titania" kyenemey ni Athena. Baka ibulgar niya 'yon. Problema din namin 'yon e," sabi ko naman

"Hmm... siguro sikapin natin na h'wag malaman ni Amara, hanggat maari umiwas ka kay Athena..." suhestion ni Viv.

"I can't..." diretsang sabi ni Quen.

"Then pretend..." out of the blue kong sabi.

"How?" they asked in unison.

Sht! Paano nga ba? Hala ggi hindi ko din alam.

"Hmmm..."

Haaay!! Hindi ako makapag-isip wait lang. Ampakadaldal mo nman kasi Courtney...

"What if maging sweet ka kay Amara..." ani Vivian.

"Maging sweet? Kay Amara?*

"Oo... Pretend na... na gusto mo siya, pretend na hindi mo na siya irereject. Even in the short period of time, para lang... para lang hindi siya magtaka."

"That's too risky Viv,"

"I know... pero diba magbebenefit si Amara dito? I mean, hello si Quen na ang lalapit sa kanya."

Hindi ko magets ang tinutukoy ni Vivian... to be honest...

"I'll help you Quen,"

"Pero Vi..." balak ko snanag tumutol.

"Courtney, we are protecting both Athena and Amara's feeling. Tingin ko naman si Sky babakuran niya si Athena eh, hello? First love niya si Athena!"

"Hindi ba masasaktan si Amara?" tanong ni Quen.

'Yan din yung tanong ko, sa totoo lang. Worried ako eh...

"Actually kapag naparamdam mo na interested ka din sa kanya, balewala ang sakit. Enrique pwede mo naman totohanin... Teach your heart to love Amara, and forget things that happen between you and Athena."

"Totohanin..." Enrique mumble. "I'll think about that,"

"Hindi niya naman pwedeng kalimutan 'yun Vi. What if mabuntis si Athena? We're aware na may nangyari sa kanila ni Quen, diba Quen?"

Quen just nod.

"Like what I've said, nandyan si Sky. Pwede naman niyang ipaako kay Sky 'yon."

"Teka Vi..."

"Gumawa tayo ng paraan to fix everything, kung kinakailangan iset up natin yung dalawa. Gawin natin..."

"I can't agree with that Vivian, " Enrique and I said again in uniso.

"Hindi ba ninyo ako pinagkakatiwalaan?"

"Vi, we trust you. Kaso bebe girl, ang crucial ang, ang risky. Isasacrifice mo 'yung feelings ni Amara at Sky..."

"Gets ko... gets ko kung bakit. Pero isipin ninyo, anong mararamdaman nung dalawa? Ni Amara at Sky, diba?Wala na tayong choice..."

She got a point...

Kailangan may magsacrifice talaga...


TROY

No business meeting, no business meet-up at mas lalong mo business shenanigans. Palusot ko lang 'yon kay Athena.

Last night, nakatanggap ako ng message from Asiana. Gising na daw si Lorenzo,ang Papa ni Athena.

Hindi naging maganda ang kutob ko, kailangan maidispatya ko siya agad bago pa mahuli ang kahat.

After kong makipag-usap sa aspiring buyer ng Dragon Empire na si Mr. Adrian Valencia, at asikasuhin ang ilang papeles ng mga ari-arian ng mga Aragon ay agad kong pinuntahan ang ospital kung saan nakaratay si Lorenzo Aragon.

Walang tao nang pumasok ako, gising siya pero nakatungo lang at nakatingin sa kawalan.

"How are you my soon to be father-in-law? Masarap ba ang tulog mo? Well, get used to it dahil masasanay ka na din. Bilang na ang mga araw mo Lorenzo Aragon, bilang na bilang."

"T-Troy..." anito saka dahan dahan na tumingin

"H'wag ka nang mag-attempt, pinapatrabaho na kita. Lalo ka lang mahihirapan,"

"M-Ma...Magbabayad ka.."

"Mama? Hinahanap mo ang Mama mo? Oh well, malapit na kayong magkita," I said then chuckles. "Hay Lorenzo, kung binigay mo lang sana sa Daddy ko ang Dragon Empire, o edi sana masaya tayo ngayon. Happy family tayo ngayon kaso nagmatigas ka, baon ka naman sa utang."

"A-Ath-thena..."

"Oh your princess? Don't worry Pa..Pa, hinding hindi ko pababayaan ang tagapamana mo."

"A-Ath-thena... Athena..."

"Future Papa, sayang nga lang hindi mo makikita mo ang mga future apo mo kay Athena, kasi malapit ka nang kunin ni Lord."

Nagsindi ako ng sigarilyo saka ibinuga ang apoy sa mukha ni Lorenzo.

"Pinagod mo ako, nag-imbento pa tuloy ako ng kwento. Nadamay pati ang nanahimik na mga Yu, ikaw kasi Future Papa napakatigas mo. Ayan tuloy, ayan ang napapala mo."

"A-Athena... A-Athena..."

Nakita ko ang mga luha sa mga mata niya na lalo pang nagpasaya sa akin.

"Pirma mo na lang future Papa ang kailangan, pirma mo na lang. Kaya magpagaling ka, kasi saglit ka na lang. Sabik na rin ako na parusahan si Athena, pagod na ako na magpanggap na mabait aa harap niya. I don't really care about her,"

"Athena...a-anak k-ko.."

"Anak mo na magiging asawa ko, at magiging parausan ko. Hayaan mo Lorenzo, hindi lang ang tagapagmana mo ang paglalaruan ko. Gusto mo idamay ko pati si Aileen?"

"T-Tumigil k-ka..."

"Why would I? Kasalanan ninyo kung bakit kami nagkaganto. Kayong mga Aragon, kasalanan ng ama, anak ang magbabayad. Damay pati ang apong si Athena.."

"T-Tu..mi..gil.. k-k.."

"Wala kang pakielam tanda hm? Mahiga ka na lang diyan at panoorin ang teleseryeng isinulat ay dinerekta ng iyong mamanugangin na si Mr. Christian Troy Melendez. Ang title nito ay "The Downfall of the Aragon" gusto mo ba 'yun?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro