CHAPTER 25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


ZOE

I was really upset after seeing Tita Loreen's instagram post a while ago. They warmly welcome Athena on their family na never nilang ginawa sa akin.

That bitch, ano bang agenda niya? Wala pang isang linggo mula nang maghiwalay kami ni Sky pero umeksena na agad siya. Galawang malandi.

"OMG Zoe! When did you learn to drink alcoholic beverages? That's bad!"

That's Martha, my oh-so- annoying half sister, anak ng daddy ko sa unang asawa niya. Technically, ate ko siya by age but who cares? I'm the biological daughter and the legitimate heiress of the Rosell's group of company.

"So?" I raises an eyebrow.

"Throw that drink away, Zoe. Is this because of Sky again?" she asked.

Ugh! She's really annoying. I don't really want Martha to be my sister, dahil sobrang pakielamera niya. Kaso wala akong magagawa.

"Don't you dare meddle with my life, mind your own Martha."

"Zoe Rapha---"

I snatched bago niya pa banggitin ang tunay kong pangalan.

"Hindi ba dapat nasa ballet class ka ngayon? What are you doing here?" I asked.

"I cancelled my schedule to check on you, that's Aunt Cecilia's order. Baka daw kung ano na namang kalokohan ang gawin mo,"

Another annoying person on earth, my mom. So ano? Ganun na lang 'yon? So binuhay pala ako para maranasan na ma-annoyed ng mga tao sa paligid ko?

First, that freaking ugly triplets na sina Courtney, Vivian and Amara, tapos sinundan ng very malandi at annoying na si Athena na umagaw sa Sky ko, next is this Martha na kapatid ko sa Ama, and then my very pakielamerang Mom.

Oh God! Is this the punishment for being very maganda?

"I don't need anyone Marth, just go away. Leave me alone!" I shouted then I throw away the goblet of wine on her.

Saddening, hindi siya tinamaan sa mukha.

"Kung si Sky na naman ang problema, tara let's go somewhere. Mag-boy hunting tayo, sa ganda nating dalawa maraming maglalaway sa atin,"

I looked at her from head to toe.

"Are you serious?" I rolled my eyes. "Sky is the only one that I love, siya lang ayoko nang iba Sadyang may malandi lang dumating kaya iniwan niya ako, tskk pathetic!" I shouted before drinking from the bottle of wine.

I'll just make ubos this wine at pagkatapos, I'm gonna visit my dearest Sky. Ipapamukha ko sa Athenang purita na 'yon na indestructible at Queen ang binabangga niya.

I promise to make Athena's life a living hell.

SKY

It is my nature to really woke up early but it wasn't my nature to woke up with a big smile on my face, and Athena is the main reason. It was really unbelievable…

"M-My Athena…" I mumble as I turn to face my lovely Athena. "Good morning sleepy head…" I said as I pinch her small nose.

"Mamaya mo na ako guluhin, antok pa ako" anito saka humarap sa kabilang side ng bed.

"Athenaaaaa~" mahabang pagtawag ko sa pangalan niya saka ko siya yinakap. "Gising na, magbreakfast na tayo. Kapag di ka gumising ikaw kakainin ko sige ka,"

"Ang aga-aga Sky, pinapairal mo kamanyakan ng utak mo." may bakas ng pagka-inis ang tono ng boses niya.

"I love you…" wika ko saka ko siya hinalikan sa leeg.

Wala na akong narinig na sagot mula sa kanya, mukhang bumalik na talaga siya sa pagtulog.

Natutuwa ako sa mga nangyayari sa amin ni Athena, parang ambilis umayon sa akin ng tadhana. Ni hindi man lang ako nahirapan na makuha siya…

I release a sigh of relief…

Hindi na ako makapaghintay na makuha ang basbas ng Papa at Mama niya. Si Athena na ang babae na nakikita ko na pakakasalan ko, at makakasama ko sa habang buhay.

Marahan kong pinikit ang aking mga mata, pinili ni Athena na matulog muna kaya baka iyon na rin muna ang gawin ko. Paggising namin saka ko siya aayain na dalawin ang Papa niya sa ospital, excited ako na ma-meet ang parents nya.

Hinanap ng mga mata ko ang orasan para malaman ko kung anong oras na para makapaghanda na ako ng breakfast namin ni Athena.

7:30 am na, bumangon ako at nagtungo sa banyo para maligo na. Saturday ngayon, himala yata na wala akong narereceive na school works mula sa mga instructor ko.

I took a quick shower, brush my teeth and gargle some mint. Syempre kailangan kong magpagwapo sa harapan ng Athena, para naman hindi na siya maghanap ng iba.

Pagbukas ko ng pintuan ng bathroom, nadatnan ko si Athen na nagsusuklay ng buhok niya nakaharap siya sa malaking salamin na nakakabit sa cabinet ko. Mataman ko siyang tinitigan, mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko.

Marahan akong lumakad papunta sa kinaroroonan niya, nang makalapit ako ay ipinulupot ko ang mga braso ko sa beywang niya at hinalik-halikan ang leeg niya.

I can't help it…

"S-Sky…" sinubukan niya na magpumiglas pero mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahapit sa beywang niya. "It's too early for this, hindi pa nga ako nagtotoothbrush…"

"S-So?" I asked as I breath on her skin.

"M-Mamaya m-mahuli tayo ng p-parents mo.."

I chuckled nang mabakas ko ang panginginig ng katawan niya na visible din sa boses niya.

"W-What?" aniya, sinusubukan niyang patapangin ang boses niya but then she failed.

I continue on kissing her neck while my hands starts to explore her other part. She shakes even more and froze, sa kinatatayuan niya.

"S-Sky stop it!" she begged but I just ignore it and I keep on teasing her.

I keep on teasing her, I love how her body react whenever I touched it.

"S-Sky!"

"What?" natatawa kong sabi. "Bakit ka nanginginig?"

"B-Baka m-mahuli n-nila tayo,"

"W-Who? My parents? So what? Kaya naman kitang panindigan, hindi ak kagaya ni Quen na iniwan ka bigla tapos hindi na nagpakita,"

Her face went blank, I saw it on her reflection.

"Bakit naman napunta si Quen sa usapan? We're talking about your parents reaction kapag nakita nila tayo, and then out of nowhere you mention his name."

I keep on kissing her neck again to ignore on answering her question. I really hate answering questions about Quen.

"Magbreakfast na tayo kungdi ikaw ang gagawin kong breakfast sige ka,"

"Paka manyakis mo," I saw her rolled her eyes. "Bitiwan mo ako, magtotoothbrush muna ako para makapag breakfast na tayo kasama ang parents mo."

"Wag na, ako na lang ang gawin mong breakfast," I jokingky said. "Aray!" reklamo ko nang suntukin niya ang braso ko, dahilan para mapabitaw ako sa kanya. "Nagiging bayolente ka naman,"

Tuloy-tuloy lang siya na naglakad papunta sa banyo at naglock ng pinto para hindi ako makapasok.

"Okay Athena, dahil sa pagiging bayolente mo minsan at pagtataray mo sa akin. I'll make sure that you're going to pay."

Napangiti ako sa pilyong idea na naglaro sa isipan ko.

ATHENA

Pumasok ako sa loob ng banyo para makapaghilamos at makapagtoothbrush. Hinandaan na nila ako kahapin ng mga gamit na nagagamit ko para sa personal use. Sobrang bait ng pamilya ni Sky, hindi ko maimagine na gagawin nila ang minsan kong ibinibintang sa kanila.

Mataman kong tinitigan ang sarili sa salamin nang makapaghilamos ako at makatapos magtoothbrush.

"What are you looking at? Miss mo ako?"

"Ava.."

"The one and only…" a flirty smile form from her lips. "Lalabas ako kapag kailangan mo Athena,"

"I don't need your help, kaya ko ang sarili ko."

"H'wag kang pakasiguro, I have a bad feeling na may dadating na bruha ngayon mismo sa bahay na ito at manggugulo."

"Sino naman ang tinutukoy mo?"

"Sino ba ang sagabal sa buhay mo bukod sa nag-uumapaw mong pride? E diba ang nagkatawang taong labanos na si Zoe? Siya lang naman ang karibal mo sa pagmamahal kay Papa Sky."

"Kung sa suntukan lang, hinding hindi ko siya aatrasan."

"Girl! Yuck! Really suntukan? OMG hinayaan na nga kitang makipagbasag-ulo gamit ang pangalan ko noon eh, sana naman this time wag nang suntukan. Sabunutan at kalmutan 'yon pwede pa, make sure na ibabalato mo sa akin ang mga ganung eksena."

"Like what I've said, kaya ko ang sari--" napahinto ako nang makarinig ako ng ilang mga katok mula sa pintuan.

"Aths, are you done? Breakfast is ready, tara na at naghihintay na sila Mama sa baba."

Si Sky…

"At home na at home ka dito sa bahay ng future in laws mo Athena, sana all." sabi pa ni Ava.

Umiling-iling ako saka nagpunas ng towel sa mukha bago lumabas ng banyo.

"Sorry kung napaghintay pa kita,"

"I waited for 5 years just to see you, I will love to wait for you forever hanggang sa maging handa ka…" aniya at walang ano-anong idinampi ang labi niya sa akin.

I've left stun and frozen because of what he did.

Pilyo siyang ngumiti at umakbay, "Get used to it, araw-araw kitang pupupugin ng halik."

"Ganyan ka ba talaga ka kamanyak?" tanong ko habang papalabas kami ng kwarto.

"What did you just call me? Ako? Manyak? No!" anito sa mataas na tono.

"You sounds defensive Sebastian Klark," pang-aasar ko pa.

"I'am not Ms. Athena Valeen,"

Naramdaman ko ang pagpisil niya sa beywang ko dahilan para pandilatan ko siya ng mata, pilyo siyang tumawa. Napa-iling na lang ako sa naging aksyon niya. Nang makababa kami sa hagdanan ay tinanggal niya ang kamay sa balikat ko, hinawakan niya ang kanang kamay ko at pinisil-pisil ito.

"Weird…" bulong ko sa sarili.

Inilayo ko ang atensyon sa aksyon na ginawa ni Sky, balak kong sanayin ang sarili ko sa ginagawa niya. Aaminin ko na gusto ko ang mga ginagawa niya pero there's a part of me na nagrereact ng taliwas sa gusto ko.

Nang makarating kami sa dining area, nadatnan namin ni Sky si Tita Loreen at Ate Star na abalang naghahain.

"Good morning to you both, have a sit at nang makakakain na tayo." pag-imbita ng Papa ni Sky.

"Athena!" isang garalgal na boses ang umagaw sa atensyon ko. Boses ng isang matandang lalaki. "Ikaw nga!" anito, nagmamadali siyang kumakad papunta sa akin at yinakap ako.

"Lolo Joe…" sambit ko.

"You met her already Dad?" tanong ni Tito Edison.

"Oo naman, matanda lang ako Edison pero malinaw pa ang memorya ko." anito nang kumalas sa yakap. "Asawa siya ng apo kong si Quen-Quen"

"Asawa?" takang tanong nila Tita Loreen at Tito Edison.

"Hindi po Papa," ani Tita Loreen, "Nobya po siya ni Sky,"

"Hindi! Asawa siya ni Quen-Quen, alam ko 'yon! Asawa siya ni Quen-Quen! Hindi ba hija?" tanong ni Lolo Joe aa akin.

Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam kung papano sasagutin ang tanong niya.

"Nurse Cynthia, pwede po bang pakidala muna si Papa sa kwarto niya," utos ni Tito Edison sa Nurse na katabi ni Lolo.

"Bakit Edison? Bakit ninyo ako pinapalis?" takang tanong ni Lolo Joe. "Hindi pwede, h'wag kang pumayag Athena," anito na animoy nakiki-usap sa akin.

"Tara na po Lolo Joe," agad inakay ng nurse si Lolo sa kwarto malapit sa kusina bago pa man ito makapagwala.

"Athena, h'wag mo na lang sigurong pansinin ang Papa. May sakit na siya, nag-uulyanin." wika naman ni Tito Edison, tumango lamang ako.

"Bakit ka kaya niya tinawag na asawa ni Quen?" siya namang tanong ni Kuya Storm.

"Are you having an affair with my cousin Athena? Pinagsasabay mo ba sina Sky at Enrique." maintrigang tanong ni Ate Star

"H-Hi--"

Sasagot na sana ako ngunit naramdaman ko ang pagtapik ni Sky sa balikat ko, napatingin ako sa kanya nang magsalita siya.

"Ate ofcourse not, alam mo naman na 'yang si Quen mas importante diyan ang pag-aaral kaysa mag-girlfriend." pagdepensa sa akin ni Sky.

"I'm not asking you Sky, si Athena ang tinatanong ko," mataas ang tono ng boses ni Ate Star, kunot ang noong tumingin siya sa akin. "I'm watching you Athena."

"Enough for that Kristalla Rihan!" may pagka-iritableng pagputol ni Tita Loreen sa nagbabadyang away ng mga kapatid niya.

"Loreen kumalma ka, ang blood pressure mo tataas na naman. Mabuti pang kumain na lang tayo at nang makadalawa na tayo kina Lorenzo," wika naman ni Tito Edison, at pagka ay sumimsim ng kape.

"Nawalan na ako ng gana Dad, let's go Yumi. Umuwi na tayo," padabog na tumayo si Ate Star sa upuan niya. Kaagad niyang binuhat ang anak na si Yumi at naglakad palabas ng dining area.

"Kagaya ng dati, matigas pa rin ang ulo." saad ni Kuya Storm habang ngumunguya.

"Arashi Crey h'wag ka nang magsalita, kumain ka na lang diyan." pananaway naman ni Tita Loreen kay Kuya Storm. "Kayo namang dalawa diyan kumain na din kayo dito. Let's just pretend that nothing happen okay? Ayokong magdala ng negative energy sa ospital mamaya, mini-pamamanhikan na ang gagawin natin eh tutal doon din naman ang punta ng dalawa."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Sky, pilyo nya akong nginitian at pinindot ang ilong. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kami naglakad papunta sa mahabang mesa, ipinaghila niya ako ng upuan at nang maka-upo ako ay siya naman ang naghila ng upuan para sa sarili niya at doon ay umupo.

"Let me serve my Queen," aniya at
ipinagsandok niya ako ng fried rice, bacon, egg, at hotdog, nilagyan niya rin ng iced tea ang baso ko.

"That's my son, sanayin mo ang sarili mo na ikaw ang pinagsisilbihan dito Athena. 'Yan ang turo namin sa mga anak kong lalaki, I want them to serve their future wife," seryosong sabi ni Tita Loreen matapos sumimsim ng kape.

Saktong umiinom ako ng iced tea ng sabihin niya iyon kaya naman nasamid akong bigla.

"Hey you okay?" tanong ni Sky at nag-aalalang tumingin sa akin. Kinuja niya ang napkin table at pinunasan ang parte ng katawan ko na nabasa. "Be careful next time, okay?" anito, tumango lamang ako.

"Ang sweet naman nila, naaalala ko ang kabataan natin Edison." may kilig ang tono ni Tita Loreen.

"Mama, h'wag mo na pong ikwento." may inis naman ang tono ni Kuya Storm.

"Shut up Storm!" ani Tita Loreen at pinandilatan si Kuya "but anyways, get used to it Athena, pasasaan pa at magiging Yu na din naman ang surname mo."

"Yeah, just feel at home Athena, sa kasal rin naman ang tuloy ninyo ni Sky diba? Hindi naman kayo matutulog sa iisang kwarto kung wala kayong balak na magpakasal sa hinaharap diba?" usisa ni Tito Edison.

Mula sa ilalim ng lamesa ay naramdaman ko ang pagdampi malikot na kamay ni Sky sa hita ko, kaagad ko itong pinalo, tinignan niya lang ako at pilyong tumawa.

"Isang soon to be lawyer at isang soon to be teacher, what a good match, diba Edison?" masayang sabi ni Tita Loreen

"Yea, oo nga pala Sky anak, matanong ko lang ha. Nagliligawan na ba kayo ni Athena?"

Muli kaming nagkatinginan ni Sky pareho naming pinapakiramdaman ang sarili kung sino ang unang magsasalita.

Ang totoo kasi ay wala pa namang ligawan na nangyari…

Pero nay namagitan na sa aming dalawa…

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko ibinigay ang buong sarili ko sa taong 'to. Basta ang alam ko lang mahal ko si Sky, that's all. Nothing more, nothing less.

"Well the truth is, wala na pong ligawan na mangyayari. Aware naman po ako sa nararamdaman ni Athena, and aware din naman po siya sa feelings ko. Kaya bakit pa maglikugawan kung pwede naman pong diretsuhin ninyo na po ang isa't-isa, saka ko na po siya liligawan kapag kasal na po kami. With that maipapakita ko kung gaano ako ka-eager na makasama siya, till death do as part." mahabang eksplanasyon ni Sky habang patuloy pa rin na nakatingin sa mga mata ko. "I don't really believe in courtship Dad, waste of time lang po 'yun. Kapag mutual na po ang nararamdaman ninyong dalawa and then be it."

Hindi ko napigilan ang sarili na ngumiti, we share the same thought pala when it comes to romantic loge Me either, I don't really believe on courtship. Kasi sa mga naoobserbahan ko, mas tumatagal pa ang courtship ng ilan kaysa relationship. Sky really had a great point of view, bukos sa gwapo at mabait, matalino dun siya.

"Hello my future in-laws!!!"

Isang matinig na boses ng isang babae ang umagaw sa atensyon naming lahat. Isang babae na may matapang na pabango, na kasing sangsang ng ugali niya.

"Good morning Daddy Edi, good morning Mommy Lors!" masiglang bati ni Zoe, malandi siyang lumakad papunta sa mag-asawang Yu, bumeso siya. Ganun din ang ginawa niya kay Kuya Storm na halatang nagulat. "Hello baby!" si Sky naman ang nilapitan niya at hinalikan sa labi

Really? Kissing torridly in front of me. What a shame?

"Z-Zoe, Anong ginagawa mo dito?" narinig kong tanong ni Sky.

"Hindi ba ako welcome dito? I was a member of this family too, right?" ani Zoe na animoy nagpapabebe sa tono ng pananalita niya.

Hindi nakasagot si Sky, si Zoe naman ay animo ngiting asong tinignan ako na tila nanunuyam. Gayon din naman ang ginawa ko, nagpalitab lang kami ng mga tingin hanggang sa siya na mismo sumuko.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko ng almusak at hindi ko pinansin ang dalawang naglalandiang hayop--- este tao sa gilid ko.

Si Zoe ay nakaupo sa kandungan ni Sky at sinusubuan ito, ramdam ko na hindi na komportable si Kuya Storm kaya naman agad siyang nagpaalam na papasok na sa opisina. Matamang tinitigan ni Tito Edison ang magkakandong na sina Zoe at Sky bago pa man siya nagsalita.

"Mabuti pang maligo at mag-ayos ka na Athena para makasabay ka na namin sa pagpunta sa ospital. Ubusin mo na 'yang natitirang pagkain sa plato mo, and if you want pagka-uwi natin galing sa ospital dadaan na lang tayo sa restaurant para makakain ka ulit," tuloy tuloy na sabi ni Tito Edison, ramdam ko ang pagka-asiwa niya sa ginagawang paglingkis ni Zoe sa anak niya.

"Opo Tito…" sagot ko saka nagmamadaling inubos ang pagkain sa plato ko.

"Mauuna na kami sa kotse," ani Tita Loreen. "We'll wait for you Athena," aniya saka naglakad papalabas ng dining area. Sumunod naman sa kanya si Tito Edison.

"Babe, aalis yata sila Tito edi masosolo pala kita ngayon. Yey! Exciting!" excited pa ang gaga at pumapalakpak pa.

Really? Mag-aabogado ang isang 'to? Parang kakailanganin ko yata si Vivian today para check up-in ang isang 'to.

Ininom ko ang huling patak ng iced tea sa baso ko bago ako tumayo.

"Z-Zoe p-please get off me, may importante akong lakad." narinig kong pakiusap ni Sky.

"No, mas importante ako Babe diba? Ipagpabukas mo na 'yan, may gagawin tayo maghapon sa kwarto mo." pilyang sabi ng babaeng labanos at saka malamang tumitig sa akin. "Gusto mo bang maging videographer namin? Para naman may remembrance ang pag me-make love namin ni Sky "

"Zoe stop!" pagpigil ni Sky kay Zoe pero bingi yata talaga, natakpan na ng mga piercing niya sa tenga ang eardrums nya.

"Magkano ka ba? I'll buy you, kuhanan mo lahat ng position na gagawin namin Athena-girl. Am gonna post it online, ipagmamalaki ko sa buong world kung gaano kagaling sa kama ang Baby Sky," maarte pa itong tumawa.

"I don't wanna waste my time by doing such crazy thing," sambit ko bago ko sila lisanin.

Nang makalabas ako ng dining area ay nagsimula na akong lamunin ng inis at pagkapikon dahil sa ginawa ni Zoe.

Really?

Naisip niya pa na gawin akong videographer ng kung ano mang milagro na gagawin nila?

Like the f?

Hindi na ba siya nahiya, nakakadiri, disgusting, walang delikadesa.

Padabog akong umakyat papunt a sa kwarto ni Sky, nagmamadali akong naghanap ng damit at panloob na susuutin ko at nang makahanap ay sinabayan ko ng pagpasok sa banyo at pagligo.

"Galit ka na naman Athena, kumalma ka nga!"

"Paano ako kakalma Ava? Andyan na naman yung babaeng higad!"

"OMG! I smell something fishy. Nagseselos ka ba?"

"Bakit naman ako magseselos aber? Sino ba sila? Wala akong pakielam sa kanila."

"Sa akin ka pa talaga nagsinungaling? I know you more than you know yourself Athena. Just look at you, maganda ka, sexy ka, bo*bs lang ang lamang ni Zoe sa'yo."

"Ewan ko, ayokong isipin. Wala akong pakielam." Umiling-iling ako saka muling pinagpatuloy ang pagligo ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro