CHAPTER 26

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


COURTNEY

As usual I'm having my usual routine after ko makapag-yoga every morning, ang mag-vlogs, hoping this time wala nang asungot ang tumawag.

"So ayun my cornflakes, maglalagat na tayo ng eyeshadow, yung gliterry cause as a fan of Britney I've seen sa kanyang Toxic music video na she wears a glit---"

Hindi pa man ako nakakatapos magsalita ay agad na nag-ring ang telepono ko. Napa-irap ako sa sandaling narinig ko ang ringtone ko na "Womanizer" ni Britney Spears.

Superstar Where you from, how's it going?
I know you
Got a clue, what you doing?
You can play brand new to
All the other chicks out here

Padabog kong pinatay ang camera at saka ibinaling ang mga mata sa nagri-ring kong cellphone.

Who is it this time?

Agad kong kinuha ang cellphone mula sa side table at binasa ang caller Id.

Incoming Call…. Troy Melendez

Kusang kumurba ang mga labi ko sa isang ngiti ng mabasa ko ang pangalan ng caller ID. Kung araw-araw ba namang siyabg tatawag, okay oang kahit walang vlog.

"Hello?"

"Courtney…"

Wait… his voice… Is he crying? Ano kaya ang nangyari?

"Troy? Umiiyak ka ba? Anong nangyari?"

"Pwede mo ba akong puntahan, I just want someone to accompany me…"

Dug.Dug

OMG…

Am I just dreaming? Totoo ba 'to? Troy wants me to accompany him…

"Uhm… N-Nasaan ka ba?"

"Sa bahay… Please Courtney…"

"Sige, just wait for me magbibihis lang ako."

"Thankyou…"

Nakakapagtaka ang tono ng boses ni Troy, at isa pa usually kapag gusto niya ng kasama he will call Noel…

Anong meron?

Iwinagli ko ang mga tanong sa isipan ko, pinili ko na lang na h'wag pansinin. Nagmadali na akong tumayo at napagdesisyonan ko nang hindi muna magvlog.

Troy needs someone today…

ATHENA

Nang makapaligo at makapagtoothbrush ako ay agad akong nagbihis, isang simpleng Tshirt na plain at kulay puti ang suot ko at pantalon ang napili kong suotin at sneakers.

"I wont allow you to wear that Athena, masyadong out of style. Kaya ka nalalamangan ni Zoe eh."

"Ano namang pakielam sa kanya?"

Mataman kong tinitigan ang sarili sa salamin, pangit nga ang suot ko, wala sa uso at mukha akong tomboy. Hinalukay ko ang laman ng maleta ko para makahanap ng magandang susuotin. Isang pink na sunday dress ang nahagip ng mata ko, off-shoulder dress ito at above the knee ang haba, simple lang at may maliita na mga bulaklak na nakaburda. Pinarisan ko ito ng peach na flat shoes.

"You look good with that, now with your face,"

Inilabas ko ang mga pangkolorete ko sa mukha, hindi ko alam kung bakit meron ako nito pero bahala na. Soft girk make up ang pinili kong ayos sa sarili, peach at brown na na eye shadow, rosy blush on at pinkish na lipstick. Kinuha ko rin mula sa loob ng maleta ang mga pang-ayos ko sa buhok na hindi ko rin alam kung bakit meron rin ako. Sinuklay ko ang buhok ko at inayos na mistulang bun.

"Actually, bibisita lang naman ako sa ospital pero bakit need ko pa mag-ayos ng ganito?"

"Bobo ka ba? Natural, hindi ka lang pupunta don just to visit. Pupunta ko doon para ipakita na better ang anak nila, na hindi nagpapalunod sa lungkot despite of everything."

"Okay sabi mo eh,"

"Athena?"

Nakita ko mula sa repleksyon ng salamin ang pagbukas ng pintuan, iniluwa nito sina Zoe at Sky.

"What are you doing here in Sky's room?"

Mataman ko siyang tinitigan at nginitian.

Let me tease her, Athen. Just a mild one, I promise not to make an action na labag sa loob mo.

"Obviously, I sleep here my dear, right Sky?" inilipat ko ang tingin kay Sky .

"Yeah we sleep together," ani Sky at nginitian ako.

"You two sleep together? Wait, don't tell me may nangyayari na rin sa inyo?"

Marahan kong kinibit ang balikat , at inuyam siya sa pamagitan ng mga tingin ko.

"I better go, mukhang may gagawin pa kayong dalawa. I promise to keep it, hindi ako magsusumbong kay Daddy Edison," I winked on them as I walk toward Sky and wrapped my arms around his neck. I looked at him seductively, mukhang nagulat siya sa ginawa ko.

"After Zoe, ako naman. Aalis lang ako saglit." I said as I pecks on his lips, I looked at Zoe hindi maipinta ang reaction niya.

This is Ava's style of teasing, manigas ka diyan.

"What's really going on here? She called your father 'dad' and then you two sleep on the same room. Umamin ka nga Sky, kayo na ba ni Athena?" narinig ko pang sabi ni Zoe.

Napangiti ako nang marinig ko ang pagka-inis sa tono ni Zoe.

"I told you to trust me Athena, appetizer pa lang ito. Kung baga sa kwento, spoiler pa lang."

I slowly flips my long hair as I walk downstair. I couldn't stop myself from smiling from ear to ear.

"Hija bakit ngiting-ngiti ka yata diyan? Hindi ba dapat na-iinis ka or nagseselos ka kasi andyan si Zoe flirting with my son?" siyang bungad na tanong ng Mommy ni Sky.

"Bakit naman po ako magseselos? Wala naman pong dahilan." pagsisinungaling ko.

"Your eyes can't lie Athena…" hinawakan ni Tita Loreen ang braso ko at marahang pinisil. "Don't worry, I got your back."

Tumikhim ako bago nagsalita, "Halika na po tita, hindi na po ako makapag-hintay na makasama sina Papa at Mama."

Takang sumulyap ang mga mata niya at tumango na laman.

Sinadya ko na umiwas, ayokong pag-usapan.

Bahala na…

Naunang maglakad papalabas ng bahay si Tita Loreen ako naman ay kasunod niya.

Lumilipad ang utak ko habang papalabas ng bahay, iniisip ko kung ano ang gagawin nina Sky at Zoe..

Kung tama ba ang ginawa ko na pag-iwan sa kanilang dalawa.

Kung tama ba na ipaubaya ko si Sky kay Zoe kahit na masasaktan ako.

Hindi ko alam…

Nagsisimula na namang gumulo ang lahat.

Ang gulo din kasi ni Sky, ang sabi niya mahal niya ako pero hinayaan niya na landiin siya ni Zoe sa harapan ko. Right in front of my bacon and egg, balak balak ko talagang ibuhos ang isang pitsel na ice tea sa kanila kanina.
Kagigil rin kasi 'tong si Sky eh, pinapagulo ang isip ko. Hindi ko na alam ang totoo, hindi ko na rin alam ang paniniwalaan ko.

"Enrique you're here! Susunduin mo na ba ang Papa?"

Naagaw ng nagsalitang si Tita Loreen ang atensyon ko, napalingon akong agad nang marinig ko nang tawagin niya ang pangalan ni Enrique.

"No Tita, I came here just to check Lolo Joe. Dad's order…" anito habang nakapaskil ang ngiti sa labi niya na lalong nagpagwapo sa kanya.

"Oh… is that so? Mabuti na din, aalis kasi kami saglit. Do you remember Athena?" masigla ang boses ni Tota Loreen.

"Athena?" takang tanong ni Enrique.

"Yeah 'yung kababata ninyo nila Troy. She live here, and ngayon we're going to visit her father. Tamang-tama ang pagpunta mo kasi we will be celebrating, baka ngayong araw rin madischarge ang Papa niya sa ospital…" kwento pa ni Tita Loreen saka luminga-linga, mukhang hinahanap niya ako. "Athena came here, nariyan ka lang pala. Halika rito, tanda mo pa ba si Enrique? Sky's cousin.."

Sumulyap at tinitigan ako ni Enrique habang papalapit sa direksyon niya, lalong lumaki ang ngiting nakapaskil sa mga labi niya, isang ngiti rin ang isinalubong ko sa kanya.

"Hey!" bati ko nang makalapit ako.

"Hi…" mahiksing pagbati niya rin habang nakatingin sa akin. "You look good on that dress…"

"Quen-Quen wawarningan lang kita, property na ni Sky si Athena ha? Know your place pamangkin, okay lang sa akin kung grades ang pag-aawayan ninyo ni Sky. Wag lang babae, understand?" ani Tita na tila binabanataan si Enrique.

"I understand po…" sagot naman ni Enrique na patuloy pa din ang pagtitig sa akin.

"Good, ayaw ko na pati babae pag-aawayan pa ninyo. Wala na nga kayong pinagkakasunduan na dalawa, o siya, mauuna na kami. Magkita-kita na lang tayo mamaya." pagpapaalam ni Tita bago pa sumakay ng sasakyan. "Athena get inside," aniya nang makasakay.

"A-Ah opo…" akma ko sanang bubuksan ang pintuan sa backseat nang higitin ni Enrique ang braso ko.

"I miss you…"

"Enrique…"

"I'm glad that youre here, mukhang mapapadalas ang pagpunta ko dito. I don't care kung may kayo ba ni Sky or what."aniya at hinalikan ang likod ng kamay ko.

"Athena, I said get inside." matigas na sabi ni Tita Loreen habang nakasilip sa bintana ng kotse.

"O-Opo Tita…" nauutal kong saad saka marahang tinanggal ang braso ko na hawak hawak ni Enrique. "I'm sorry, I have to go."

Ngumiti lang siya ng matamis at marahang pinisil ang kamay ko nago niya ito bitawan.

Si Enrique ang nagbukas ng pintuan para makapasok ako, isang malawak na ngiti pa ang ipinabaon niya sa akin nang makapasok ako bago niya isinara ang pinto. Isang nakakabinging katahimikan ang naghari nang magsimulang umandar ang kotseng sinasakyan namin ni Tita Loreen osang bunting hininga ang pinakawalan ko habang tahimik na ipinaagdadasal na sana hindi niya napansin ang mga tingin ni Enrique sa akin.

"Athena, I want you to be loyal with my son…" ani Tita Loreen sa maotoridad na tono. "I want you to avoid Enrique."

"H-Ho? B-Bakit po?" takang tanong ko.

"I saw the way he stares at you, his eyes were sparkling. I think he likes you too."

Alam ko po, tama po kayo Tita… I'm fully aware sa nararamdaman ni Enrique para sa akin.

"Does you feel the same way?" tanong nito.

Natahimik ako nang marinig ko ang tanong ni Tita Loreen, sa totoo niyan ay wala talaga akong nararamdaman.

Hindi..

Sa tingin ko meron…

Sa tingin ko meron…

Wala…

Wala Athena…

Wala kang nararamdaman para kay Enrique.

Si Sky ang mahal mo.

Si Sky lang…

"Hija kung meron man, avoid it, remove it. Gusto kong kayo ni Sky ang magkatuluyan. Nagkaka-intindihan ba tayo?" tanong pa ni Tito Edison.

"O-Opo Tito…" sagot ko.

May namuong takot sa dibdib ko na lalo pang sumidhi nang magpalitan sila ng tingin sa isa't isa.

Takot na kailanman hindi ko naramdaman nung nasa poder ako ng mga Melendez, sa poder ni Troy. Tama ba ang ginawa ko?

Tama ba nainiwanan ko si Troy?

Hay naku, I' ll just warned you Athena. Kesa nag-aanxiety ka dyan at nag-iisip ng kung ano-ano, use your Ava Titania skills. Be observant, obserbahan mo ang mga matatandang hukluban na mamanugangin mo. Mapanatag ka pero h'wag mong hayaan na abusuhin ka. Be mindful and be aware, kung kinakailangang dumanak ang dugo. Do it!

Muli akong napabuntong hininga nang umentreda ang kakaibang boses sa utak ko.

Tama…

Kailangan kong mag-obserba at kailangan ko ding tibayan ang loob ko.

Tahimik kong inaaliw ang sarili sa pamamagitan ng pagdutdut sa cellphone ko, maingay ang ginawang group chat ni Vivian kaya naman, nalibang ako kahit papaano. Nagsimula din si Courtney ng isang video call.

"Ah so ano? Ako na lang virgin sa atin ganun? Edi sana all!" ani Courtney.

"Hoy I exist pa kaya!" reklamo ni Amara, " mabagala bebe ko Enrique eh, mukhang gusto ako pa ang mangrape."

"Just wow Trina Courtney Mari talaga lang? Athena is still here, anong tingin mo kay Athena? Titigan lang 'yan ng lalaki nanapak na agad 'yan eh. Saka ikaw Court, di ako naniniwala na virgin ka sa dami ng nakamomol mo," entrada naman ni Vivian.

"Wag kang epal Viviana," napipikon na sabi ni Coutney.

"Ah basta ako, once na inaya ako ni Enrique go gora bells na ako, bibigyan ko siya ng tatlompung anak." proud pa na sabi ni Amara. "Oh ikaw Athena, anong kwento mo? Balita ko lumilive na kayo ni Sky ah, ambilis. Buti pa 'yang si Sky ambilis eh. Enrique ko babagal-bagal."baling naman ni Courtney.

"Oo nga, kung hindi pa nagpost si Tita Loreen hindi namin malalaman." pagsang-ayon naman ni Vivian.

"Mahabang kwento eh," lihim akong napangiti.

"Is it just me or dahil lang ba sa filter kaya namumula ka." pang-aasar pa ni Courtney.

"Uy uy sana all!" Vivian and Amara said in unison.

Nagpatuloy ang mahabang kwentuhan naming apat, tungkol sa mga lalaki na tinatangi naman. But I will admit, nag-stutter ako kapag nababanggit ni Amara si Enrique.

I really don't know why, maybe because guilty lang ako dahil sa namagitan sa amin ni Enrique. Alam kong walang lihim na nabubunyag but then, I will still try to keep it until the day I die.

Sumilip ako sa bintana ng kotse, malapit na kami sa ospital. Makikita ko na ang mga magulang ko, pinatay ko na ang cellphone ko at inilagay sa loob ng sling bag ko. At nang huminto ang sasakyan ay bumaba na ako.

"Hindi sumunod si Sky, nakarag na nan ni Zoe." inis na sabi ni Tita Loreen habang papasok kami sa ospital.

"Don't worry, nagtext na naman ako sa bunso natin. I knew my son, hindi niya hahayaan si Zoe." wika naman ni Tito Edison saka tinapik ang balikat ko.

Nauuna sila na naglakad ako naman ay nakasunod lamang sa kanila, nakaramdam ako ng pagkabalisa. Magkasama sina Zoe at Sky ngayon, nasa iisang bahay at nasa loob ng kwarto. I'm scared na may mangyari sa kanila…

Wait…

No…

Wala…

Wala Athena, hayaan mo sila! Pakielam mo ba kung may mangyayari sa kanila?

Nandoon din naman si Enrique, use him. Para naman magselos 'yang Sjy na 'yan.

No.

Wala.

Wala kang gagawin.

"Hija?"

Napahinto ako nang tawagin ni Tita Loreen ang pangalan ko.

"H-Ho?"

"Are you okay?" tanong ni Tita Loreen. "Mukhang malalalim ang iniisip mo…"

"A-Ayos lang po ako." pagsisinungaling ko.

"Let's go inside," hinigit ni Tita Loreen ang kamay ko. "Naghihintay ang parents mo sa loob."

Tinanguan ko lang siya saka sumunod sa kanya sa pagpasok sa loob ng kwarto ni Papa.

"Guest whose here Enzo, ang inyong unica hija." wika ni Tito Edison.

Isang mahigpit na yakap ang isinalubong ko sa mga magulang ko, pati na kay Tita Clara at pinsan kong si Asiana na naroroon din sa loob ng kwarto. Si Asiana at Tita Clara ang una kong yinakap, sumunod si Papa at Mama.

"Anak patawarin mo kami…" wika ni Mama na ipinagtaka ko. "Hindi namin alam…"

"P-Po? Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong ko nang maghiwalay kami ni Mama mula sa pagkakayakap.

Nagkatinginan silang lahat na naroroon, si Papa, si Mama, Si Tita Clara, si Tito Edison, si Loreen at maging si Asiana. Nakakapgtaka ang palitan nila ng mga tingin.

"Ma, may alam po ba kayo na hindi ko alam?" tanong ko sa aking ina. "Tita Clara," lahat sila ay hindi makatingin sa akin. "Asiana, tell me…" pagmamaka-awa ko.

"Sa tingin ko ay kailangan niya nang malaman Aileen," wika ng Tita Clar na mas lalo kong ipinagtaka, tumayo siya sa mini-sofa at lumapit sa tabi ni Mama.

"Tama si Clara, Aileen mas makakabuti iyon." ani Tito Edison na nakaupo sa isa pang monoblock na medyo malapit sa kama ni Papa, muli silang nagkatinginan.

"Anak…" panimula ng Papa ko, lumakad akong muli at umupo sa monoblock na nasa tabi ng kama niya.

"Ano po 'yon?" siyang tanong ko nang maka-upo ako at makalapit.

Hinaplos niya ang buhok ko bago nagsalita, "Nagkamali kami ng tao na pinagkatiwalaan, hindi ka namin dapat hinayaan na mapunta sa poder nila."

Muli akong naguluhan sa mga sinabi ni Papa…

"Ano pong ibig ninyong sabihin?"

"Anak, ang mga Melendez… Sila ang kumamkam sa mga ari-arian natin at nanakit sa atin. Si Troy at ang ama niya na si Alejandro, sila ang dahilan kung bakit naririto tayo at walang wala."

Ikinagulat ko ang sinabi ng Papa, hindi ko akalain na magagawa nila 'yon. Hindi ko akalain na ang taong itinuturing kong kakampi sa lahat ay ang siyang gagawa ng mga bagay na iyo.

Hindi ko mapigilan ang pagsidhi ng halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Ikinuyom ko ang mga mga kamay at pinanggigilan ang pagkakahawak sa laylayan ng damit ko.

"Mabuti na lang nga at nagawan agad ng paraan nina Sky at Asiana na mailabas ka sa poder ni Troy. Kung hindi ay baka may ginawa na sila sa'yo." ani Tita Clara.

"Kaya ikaw anak, mag-iingat ka sa Troy na 'yon. Nasa iisang eskwelahan kayo…" huminto ang Papa sa pagsasalita. "Loreen, Edison, kayo na muna ang bahala sa unica hija ko, hanggat nakaratay pa ako."

"Pasensya na talaga, wala na kaming mapagkakatiwalaan sa ngayon." wika naman ni Mama.

"Ano ba kayong dalawa? Ofcourse, Athena is very welcome sa bahay namin, syempre kayo din. Pasasaan pa at magiging in-laws na din naman kami ng anak ninyo." abot tenga ang ngiti ni Tita Loreen habang sinasabi niya iyon.

"Siya nga pala Loreen, nasaan ang anak ninyo?" siyang tanong ni Mama.

"Papunta na 'yon, may inaayos lang sa bahay." sagot naman ni Tita Loreen.

May inaayos na asungot.

"Ganon ba? Sana naman ay maayos niyang itinatrato ang anak ko." wika ni Mama at inakbayan ako. "Mahal na mahal ko 'tong si Ten-Ten ko."

"Hay naku Aileen! Sa harap mo tatadtarin ko ang anak ko at ibabalik sa sinapupunan ko subukan niya lang na saktan si Athena." pabirong sabi ni Tita saka nagpeace sign. "Kung ang Storm ko lang walang asawa baka ako pa ang gumawa ng paraan para 'yang si Asiana naman ang maligawan." dagdag pa nito.

Nakita ko ang pagngiwi ni Asiana, she's not really unto guys. Mas lalaki pa kaysa kay Noel 'yan, I swear.

"No thanks po Mrs. Yu, I can manage my life. Si Athena na lang po, patay na patay po si Sky diyan." ani Asiana, saka ipinagpatuloy ang pagbabalat ng dalandan.

"Loka!" sambit ko, tinungo ko si Asiana at tinabihan siya sa mini-sofa na inuupuan niya. "Penge ako niyan ha,"

"Patay na patay?" takang tanong ng Papa ko.

"Patay na patay, as in gustong gusto ni Sky ang anak mo. Eh mukhang sa pamamagitan nilang dalawa, matutuloy ang love story ninyong naudlot ni Loreen." entrada ni Tito Edison.

What did he just say? Naudlot na love story ni Papa at ni Tita Loreen? That does mean, mag ex ang Papa ko at Mama ni Sky?

"H'wag nang balikan ang nakaraan, dito na tayo tumingin sa hinaharap. Ang Athena ninyo at ang Sky namin, sa bilis ba naman ng panahon ay baka mamaya ibalita na lang ni Athena na buntis na 'yan." saad ni Tita Loreen na ikinasamid ko.

Lahat sila ay napatingin sa akin, saka sabay-sabay na nagtawanan.

"Late na po ba ako para sa pagbabasbas?" isang pamilyar na boses ang narinig ko at dahilan ng paglayo ng tingin ko mula sa kinakaij na dalandan.

"Finally youre here" si Tito Edison ang nagsalit.

"What took you so long?" ani Tita Loreen, " This is Athena's family, go have some respect para makuha mo na 'yang basbas na pinagsasasabi mo." pagmamando pa nito kay Sky.

Inobserbahan ko lang ang gagawin ni Sky nang makapasok siya, pinagmanuhan niya ang Mama ko pati na ang Tita Clara ko na parehong nakaupo sa isang sofa. Lumapit rin siya sa Papa ko at nagmano, sabay pasimpleng tumingin sa akin.

"Siya na ba ang bunso mo Edison?" tanong ni Papa, tinitigan niya nang maigi mula ulo hanggang paa si Sky. "Piercing?" ani Papa, bakas sa mata ni Sky ang pagkagulat nang medyo umawang ang ibabang labi niya.

"P-po?" takang tanong nito

"May piercing ka ba?" tanong muli ni Papa.

"Wala po Tito," sagot naman ni Sky.

"Wag mo ko ma-tito tito, di kita pamangkin." saad ni Papa.

Halatang nagulat at natakot si Sky sa baritonong boses ni Papa, sinulyapan niya ko na yaring nanghihingi ng tulong . Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang pansin sa pagkain ng dalandan.

"Tattoo?"

"W-Wala po…"

"Ramdam ko ang panginginig sa takot ng Prince charming mo Ten-ten," bulong ni Asiana sa akin

"Hayaan mo siyang matakot, let him face his consequences." sagot ko

"Bakit? May ginawa ba siya sayo?"

"Meron." matigas kong sabi sa mahinang boses.

"And what is that?" maintriga akong tinitigan ni Asiana.

"Dinala nya si Zoe sa bahay, tapos naglandian sila sa harapan ko."

"Ah, so in short nagselos ka."

Nanlaki ang mga mata ko at wala sa oras na nalunok ko ang dalandan na kinakain ko.

"Sasha…"

I got caugh off guard, tinawanan lang niya lang niya ang naging reaction ko.

Nagselos ba ako?

Yup Athena, you are, as in.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro