CHAPTER 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


VIVIAN

"Hello Philippines and hello world! It's your VV girl reporting for duty! So ayon, ilang weeks ako walang vlogs kaya naman babawi ako sa inyo aking mga Baviys. So by the way, I'm here pala sa aming beloved school. Today is foundation day kaya naman, walang stress ngayon. Magsasaya muna ako at maghihihiyaw sa mga nagagwapohang mga basketball player, and one of them syempre ay ang baby Noel ko--HOOOY!" Hiyaw ko nang hawiin ni Amara ang kamera na hawak-hawak ko. Muntikan na itong mahulog buti na lang at mabulis ang reflexes ko. "What's your problem ba?"

"Shhh! Shut up Viv, naiinis ako." aniya at inis na ibinagsak ang cellphone niya.

Aba! Atichona ang bruha. Ano na naman ba ang drama nito?

"Hello, Ms. Estrada? I'm your bestfriend kaya. You can tell me  anything, ano ba kasing nangyari?"

"Si Quen kasi hindi na nagreply. Last seen niya kahapon pa ng 8:30 am." anito saka pinahaba ang nguso niya.

"C'mon  Angelica Mariam Estrada, para namang hindi mo kilala si Enrique Jose. Once in a blue moon lang 'yon mag-online, akala ko ba naman kung ano 'yang pinoproblema mo. Chill! Maya-maya lang tamo, andyan na 'yang bebe mong walang alam gawin kungdi kumain ng libro." wika ko habang tinatapik-tapik ang balikat niya.

"Hello girls," nadinig kong bati ng baby Noel ko kakadating lang. Nakasuot siya ng pulang jersey na may naka-imprint na "Red Eagle Ranger" sa harap. Humalik ito sa pisngi ko at nakipag-apir kay Amara. "Manood kayo mamaya, kami ang unang laban after ng parade." aniya at umupo sa pagitan namin ni Amara.

"Ikaw pa ba? Syempre, ichecheer ko ang baby ko." mayabang ang pagkakasabi ko.

"Diba dapat Green Tigers ang ipinagchecheer mo, kasi green tigers ang pambato ng College of Arts and Science? Taksil ka Vivian." pambubuyo pa ni Amara.

"Wala naman akong pakielam sa kanila, kay Baby Noel ko lang ako may pakielam. Eh ikaw, sino bang ichecheer mo sa swimming competition mamaya? Diba Grey Bulls kasi andun si Enrique?" Pinanlakihan niya ako ng mata. "It's a tie," natatawa kong sabi.

"Siya nga pala, bat kulang ata kayo? First time ata malate ni Courtney Mari ah" siyang sambit ni Noel.

"Kaya nga eh, malapit na magstart ang parade pero wala pa si Courtney. Hidni naman nagrereply ang bruha, si Athena din wala pa eh." aniko saka sumulyap sa cellphone ko para tignan kung nagreply na si Courtney.

"Kanina pa nandyan si Athena, kasabay ni Sky dumating."  pahayag pa ni Noel saka umakbay sa akin at muling humalik sa pisngi ko.

Welp, hindi naman na nakakagulat na sabay sila na dumating. Knowing naman na nagmamahalan ng patago yung dalawa na 'yon.

"O e teka, ano ba kasi talaga ang nangyari sa kanila ni Troy? Bakit biglang bigla  si Sky naman ngayon ang sinasamahan ni Athena?" may pagtataka ang tono ni Amara.

"Galawang malandi sis, kung sa bagay hindi mo pa naman kilala ng lubusan ang Athena "hoe" Aragon na 'yan."

Dalawang nakakairitiang mga tae eate tao ang um-appear sa harapan ko. Mukhang kailangan ko yata na magrecharge at mapapasabak ako sa umaaatikabong sapakan.

"Excuse me, belong ka ba?" pagtataray ko.

"Vivi chill ka lang, I don't want to start a fight between us. Besties tayo diba?" ngumisi pa ang babaeng labanos.

"Besties?" aniko at pinagtaasan siya ng kilay.

"Viv, hayaan mo na siya. Just don't mind her. Zoe, please umalis ka na. Kung wala ka namang magandang gagawin dito." pag-aawat ng boyfriend ko.

"Oh no no no, Nomer. Like whatI've said, ayoko ng gulo. Nandito lang ako para balaan kayo na iwasan si Athena, baka kasi isunod ka na niya Noel. Right Amara?"

Irap lang ang isinagot ni Amara kay Zoe.

"Bahala kayo,basta ako binalaan ko na kayo. Especially you Amara, baka mabigla ka na lang. And you too,Vivian."

Sa sobrang inis "Wag ka nang epal Zoe leave us alone," pagtataas ko ng boses. Inirapan niya lang ako saka siya umalis.

"Baby,hayaan mo na siya." Tinapik ni Noel ang balikat ko. "Pupunta na ako sa gym, ayokong iwanan ka dito na mainit ang ulo mo. Kasi hindi ako makakapag-focus sa laro ko mamaya."

"Eto na nga po," humarap ako sa kanya at nginitian siya. "Kakalma na po ako,"

"I love you Vivian Hilary Trinidad." pahayag niya sabay halik sa noo ko.

"I love you so much, Nomer Elmo Angeles." muli niya akong hinalikan sa noo.

"Respeto po sa di nireplayan ng bebe,"

Sabay kaming napalingon sa direksyon ni Amara na nakapeywang at nakakunot ang noo.Sabay din kaming nagkatitigan ni Noel at tumawa, at matapos 'yon ay magpaalam na siya para attendan ang practice game nilang dalawa.

May 10 minutes din mula nang umalis ang boyfriend ko ay dumating naman si Courtney at kasama niya si Troy, pero nagpaalam din dahil may training din si Troy para sa race mamaya. Si Courtney naman nang maiwan kaming tatlo ay  excited na nagkwento tungkol sa milagrong nangyari sa kanilang dalawa ni Troy.

"WHAT?! REALLY?!" Amara and I said in unison.

"Oo nga, bakit ba ayaw ninyong maniwala?" natatawa pang tanong ni Courtney.

"Like OMG, all of the sudden nangyari 'yon ng ganon kabilis.Ay iba ka talaga Courtney, ikaw na."in-shock pa din ako at ayaw pa magsink in sa akin ang nalaman ko.

"Alam na ba 'to ni Athena girl?" tanong naman ni Amara.

"Warla sila ni Troy, but I'll tell this to Athena naman. Kasi she's one of our friend naman." pahayag ni Courtney.

"So ano, ilang inches ba?" tanong ko. Bakit ba? Masama ba maging curious.

"7…8… basta," ani Courtney sabay hagikgik.

"Attention to all the students and faculty members. Please enter your respective classrooms, we will be starting after 20 minutes. Again,attention to all the students and faculty members. Please enter your respective classrooms, we will be starting after 20 minutes.Please be guided, thank you"

Announcement mula sa announcement booth, at boses ni Leslie na Student Government P.R.O ang pumutol sa kalaswaang pinag-uusapan naming tatlo. Magkasabay na umalis sina Amara at Courtney dahil nasa iisang building sila. Ako naman ay dumiretso na din sa classroom ko.

ATHENA

Matapos ko na madinig ang announcement mula sa announcement kanina ay agad akong nagpaalam kay Sky na babalik na sa classroom ko. Sabay kami ni Sky na pumasok kanina, nagdecide na di ako na tumulong sa pagdedecorate sa mga float na gagamitin sa parade mamaya. May dalawang oras na din akong naggugupit at nagdidikit ng mga crept paper.

Habang papunta ako sa College of Education building ay may isang tao akong hindi inaasahan na makadaupang palad. Nakasadal sya sa pader sa may hagdanan.

"Athena…" aniya.

"Ayoko pag-usapan Troy, please. Ayokong istressin ang sarili ko." mariin kong sabi bago ako magtake ng step sa unang baitang ng hagdan.

Hindi ko kayang tignan si Troy, nakaramdam ako ng pagkamuhi sa kanya. Pamilya ko ang kinanti niya, kaya ako nagkakaganito.

"Athena please, mag-usap tayo. Bakit mo ba ako iniiwasan? Bakit bigla mo na lang akong iniwanan na para bang wala tayong pinagsamahan."

"N-Nagmamaang-mangan ka pa Troy, na kunwari wala kang alam. Na kunwari, hindi mo alam kung ano ang ginawa mo sa pamilya ko." Sa pagkakataong ito ay hinarap ko na siya."Nag-agaw buhay ang Papa ko sa ospital dahil sa kagagawan mo!"

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan."

"Oh c'mon Troy, stop fooling around! Alam ko na ang katotohanan,ikaw at ang ganid mong pamilya ang dahilan kung bakit nasaktan ang Papa ko, kung bakit kung kani-kanino ako nakatira, kung bakit muntik na mamatay ang Papa ko!"

"Athena hindi 'yan totoo, please listen to me."

Mariin niyang hinawakan ang magkabilang braso ko, sinubukan ko na magpumiglas pero malakas siya at mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Bitiwan mo ko!"

"Athena listen first, iyon ba ang sinabi ng mga Yu sa'yo? To tell you the truth, Athena. Wala kaming alam, hindi ko alam ang sinasabi nila. Inosente ako, inosente ang pamilya ko."

Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Gustong-gusto ko siya saktan ngayon din, gustong-gusto kong sapakin ang pagmumukha niya.

"Ang kapal ng mukha mo na sabihin na inosente ka, matapos mong tangkang patayin ang Papa ko."

Unti-unting nag-unahang lumabas ang mga maiinit na likido mula sa mga mata ko patungo sa pisngi ko.

"Athena, sila ang nag-sisinungaling. Makinig ka sa akin, please. Best friend mo ako, never akong nagsinungaling sayo."

Tinanggal na niya ang pagkakahawak sa braso ko at inilipat niya ito sa magkabila kong balikat.

"Please Athena, makinig ka sa akin. Nagsisinungaling si Edison at Loreen Yu, ako, ako ang nagsasabi ng totoo."

"Shut up!" galit akong sinigawan siya. "H'wag mo nang bilugin ang utak ko Troy," aniko at napahilamos sa mukha ko. Sinuntok suntok ko ang dibdib niya. Kailangan kong gumanti kahit sa ganitong paraan.

"Tama na ang pagsisinungaling, ayaw ko makinig sayo. Hinding hindi kita pakikinggan! Masamang tao ka Troy! Masamang tao ka! Sinaktan mo ang Papa ko!" malakas na sigaw ko habang lumalakas din ang mga suntok na pinapakawalan ko

"Athena look at me" Sinubukan niyang pigilan ang mga braso ko. "Please look at me. Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari, naguguluhan ka lang. Ayos lang 'yan okay? Nandito lang ako, nandito lang si Itian okay? Nandito lang ako para sayo. Sige, suntoking mo ko, hindi ako lalaban. Ilabas mo lahat ng galit mo, lahat lahat. Para naman maibsan ang nararamdaman mo."

Nakatindi lang siya, habang hawak ang mga braso ko na sumusuntok sa dibdib niya. Nang makaramdam ako ng pagod ay saglit akong tumigil, naramdaman ko ang pagbitaw niya sa mga braso ko. Naramdaman ko din ang mga bisig niya na sumasakop sa buong katawan ko.

"Shhhh… kumalma ka na. Baka himatayin ka, or may masamang mangyari sayo. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari yon," aniya habang hinahaplos ang likuran ko. "H'wag ka nang umiyak,tumahan ka na. Ihahatid na kita sa classroom mo okay?"



COURTNEY

Pagdating ko sa school kanina ay abot tenga ang ngiti ko. Sa wakas ay nagrant na din ang matagal ko nang wish na uWu ang mag-make love kami ni Troy. Ang saya sa pakiramdam na gumisings sa umaga tapos si Troy pa ang una kong nakita paggising ko. Siya ang naghanda ng breakfast ko, siya din ang naghatid sa akin papasok sa school.

"Oo na, kayo na ang nag-sex. Nakakailang kwento ka na, paulit-ulit tayo, Trina Courtney Mari? Di ka makamove-on?" bakas ang pagkapikon sa tono ni Amara.

Pang-apat na beses ko na kasing kinukwento mula pa kanina ang nangyari sa amin ni Troy,bwiset na bwiset na siya pero di pa din ako tumitigil.

"Kayo ni Vivian, nadiligan na. Ako when kaya? Taena kasi netong si Enrique, napakabagal. Gagayumahin ko na talaga yon, tas kikidnapin ko. Ako na ang gagawa ng first-- oh bakit ka huminto sa paglakad?"

Nang papasok na kami ni Amara sa building, napahinto ako nang makita ko sina Troy  at Athena. Sinusuntok ni Athena si Troy sa dibdib,habang umiiyak. Tago ang lugar kaya wala masyadong nakakakita at dumaraan.

"Si Athena at Trot yun diba? Anong meron? Bakit sinasaktan ni Athena si Troy?" tanong ni Amara.

"Hindi ko din alam, wala namang nabanggit si Troy. Basta ang alam ko lang, umalis si Athena at iniwanan si Troy nang walang dahilan. Tapos sumama si Athena kay Sky, 'yun lang." sagot ko. 

"Hindi kaya may relasyon silang dalawa?" awtomatikong kumilos ang kamay ko para hampasin ang braso ni Amara. "Aray!" anas niya. "Bakit ka nananakit?"

"Alam mo naman na may nangyari sa amin, saka diba ako ang gusto ni Troy. Tapos si Athena naman si Sky ang gusto."

"Tanga ka, parang di mo kilala si Troy.Dakilang cassanova yan, atsaka hindi porket may nangyari sa inyo tapos sinabi niya na gusto ka niya eh totoo na yon. Knowing Troy for how many years, masasabi kong magaling siya magpa-ikot ng tao. Hello, ilan na ba ang naging babae ni Troy? Twenty? Twenty five? Gusto mo isa-isahin ko pa. O teka, ipapamukha ko lang sa'yo. Si Phoebe, si Myka, si Angela, si Sha---"

"Will you please shut your fucking mouth!" inis na sugaw ko.

Ewan ko ba, bigla akong nakaramdam ng pagka-inis dahil sa sinabi ni Amara. Mas lalong sumidhi ang nararamdaman ko nang makita kong yinakap ni Troy ang umiiyak na si Athena.

So ano? Ganon na lang 'yon. After what happend between Troy and I last night, babalik ulit sya sa paghahabol kay Athena. Gusto ba talaga ako ni Troy? Or nag-aassume lang ako. Isa ngalang ba ako sa mga babae niya? Dagdag lang ba ako sa mga collection niya?

ATHENA

Kahit labag sa loob ko, hinayaan ko si Troy na ihatid ako sa classroom namin. Matapos niya na masure na okay na ako, at tumahan na ako saka siya nagpaalam na pupunta na sa buulding nila.

"Sis, ano mo si Troy? Jowa mo?"

"Bakit mugto ang mga mata mo?"

"Nag-away ba kayo?"

Usisa ng mga kaklase ko, hindi ko sila sinagot. Yumuko na lang ako at hindi sila pinansin. Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Baka she needs privacy, wag muna natin chikahin."

"True girl, mamaya na lang."

"Oo nga, saka baka confidential."

Pinakiramdaman ko ang mga yabag nila na papaalis sa pwesto ko. Hinintay ko muna ang ilang saglit bago ko ibinangon ang ulo ko na naka patong sa armrest.Saktong pagbangon ko ay nakita ko si Courtney na papasok, seryoso ang mukha niya. Wala ang usual na abot tengang ngiti na parati kong nakikita.

"C-Court---" Dinaan niya lang ako, ni hindi niya ako nginitian. Dire-diretso siyang umupo sa respective sit niya.

Inobserbahan ko ang galaw niya, hindi siya yung usual na Courtney na kilala ko. Tahimik lang siya at walang imik, ni hindi ngumingiti.

"Attention everyone this is your Student Council Secretary speaking, in 10 minutes we will be starting our traditional opening parade. Please fall in line outside of your respective classrooms and proceed to the complex, please be guided thank you. Again,  in 10 minutes we will be starting our traditional opening parade. Please fall in line outside of your respective classrooms and proceed to the complex, please be guided thank you."

Tahimik akong sumusunod sa mga kakalase ko sa unahan, habang sila ay nakikipagdaldalan sa kanya-kanya nilang kaibigan. Nanibago akong bigla sa ikinilos ni Courtney.

"Baka may period lang, kalma Athena," bulong ko sa sarili.

Paano mo nasabi?

"Ava please not now.."

Why not? Ang hirap kasi sayo, napakadali mong makipag-kaibigan.

"Please Ava, stop."

Balang ara matatauhan ka Athena at masasabi mo na ako lang ang kakampi mo. 'yang sina Courtney, iiwan ka din nila.

"Ang sabi ko manahimik ka!"

Wala sa sarili akong sumigaw, naghari ang katahimikan. Nang iligid ko ang mga mata ko,lahat sila nakatingin sa akin.

"Ayos ka lang?" tanong ni Honey sa akin.

"O-Oo… p-pasensya na. H-Hindi ko sadya, may gumugulo lang sa isip ko."

Naging tuliro ang isipan ko habang naglalakad kasunod ng mga float na inililibot namin sa mga karatig na lugar ng scho namin.

"Pasensya na, pasensya na, pasenya na hindi ko sadya," siyang mga nasasambit ko sa tuwing nakakabangga ako.

Nag-umpisa na naman na gumulo ang isipan ko nang muli kong makita si Troy, tapos inatake pa ako ng parang anxiety ko dahil sa ikinilos ni Courtney kanina.

"Ouch! Are you blind?"

"Pasensya na Zoe, hindi ko sinasadya."

"As if naman na nagsasabi ka ng totoo,gigil na gigil ka ba sa akin Athena?" Tinitigan niya ako na para bang tinutuya niya ako.

"Wala naman akong ganong sinabi,"

"Oh, loom who's lying? Naiinsecure ka ba sakin kasi mas malaki ang dibdib ko kaysa sayo?"

"Exactly, kaya ka siguro niya binangga." panggagatong ni Kelly.

"No, it's not that. Bakit naman ako maiinsecure kay Zoe?"

"Eh kasi maganda siya, tapoa ikaw pangit ka." sabat naman nu Samantha.

"Sige," mahiksing sabi ko.

Sabunutan mo na Athena, go! Hanggat busy ang lahat.

"What? 'Yan lang ang sasabihin mo?" tanong naman ni Barbie.

"Hindi ka magyayabang? Nakakapanibago yata, or baka naman umurong na ang dila mo?" panunuya pa ni Zoe na para bang pinipilit niya akong labanan siya.

Hindi, hindi ko ibibigay ang gusto niya. Hindi ko siya papatulan.

Why not? Pinipilit ka niya.

Hindi ko siya ka-level, Ava.

H'wag mong kimkimin, Athena. Ikaw din ang mapapahamak

Mabuti na ito, kaysa madungisan na naman ang reputasyon ko dito sa eskwelahan.

Tigas ng ulo mo Athena.

"Ahh!" sigaw ko nang hiklatin nina Samantha at Kelly ang magkabilang balikat ko. Naramdaman ko na para bang nagsitunugan ang mga buto ko.

"Hoy! Anong ginagawa ninyo?" narinig kong Sigaw ni Vivian.

"Really Zoe? Gagawa ka talaga ng eksena sa gitna ng parada?" si Courtney naman ang nagsalita. "Bitawan ninyo si Athena!"

"Kahit kailan papansin ka," sambit naman ni Amara.

Kami ang mga nasa hulihang bahagi ng pila sa parada kaya walang nakakapansin na kahit sinong faculty staff.

"Bitiwan ninyo si Athena!" sigaw muli ni Vivian.

"Eh kung ayoko?" pantutuya ni Kelly.

"O edi sapakan na!" sigaw ni Vivian at saka inatake ng suntok sa mukha si Kelly.

"Hoy!" sigaw ni Samantha.

Sina Courtney at Amara, nakipagsabunutan naman kina Barbie at Zoe.

Ang ending, nasira ng pag-aaway namin ang traditional parade na dapat sana pagsisimula ng masayang foundation day at intramurals.

"Ms. Trinidad, Ms. Estrada, Ms. Dizon, Ms. Aragon, Ms. Rosell, Ms. Dela Merced, Ms. Aracelli, and Ms. Conception. What happen? Bakit ninyo ginulo ang parade na pinaghandaan ng mga kaeskwela ninyo?" tanong ni Sir Vicente.

"We are really sorry, Sir. Sila Athena po talaga ang nagsimula, mababait po kami nila Kelly. Promise po 'yan Sir." pagpapa-awa ni Zoe.

"Wait, what? Ikaw mabait? Who said that? Bibigwasan ko lang ng mag-asawang bigwas." matapang na sabi ni Vivian.

"Sabi ko po sa inyo sir, masama talaga ugali nila." ani Zoe at nag-iyak iyakan pa.

"Oh my God, I can't believe it." napatampal na lang sa noo si Vivian.

"Siguro naman po sir, may mga witness sa lugar na nakakita kung ano po ang tunay na nangyari kanina." ani Courtney. "We're not really the first one who initiate the commotion earlier, it was Zoe and her delusional friends."

"Did you just call us delusional?" pikong tanong ni Samantha.

"O bakit hindi ba?" si Amara ang humirit.

"Girls, girls, calm down. Mag-cease fire muna kayong lahat, hindi tayo matatapos kung lahat kayo maiinit ang ulo.To be fair. Lahat kayo mapaparusahan but before that I want to talk to your gurdian and parents tomorrow morning. Para masettle ang punishment na ipapatang sa inyo. Do you understand?" sambit ni Sir Vicente.

"What? Pati ako mapaparusahan? That's not fair." reklamo ni Zoe.

"We understand sir, just don't mind Zoe. Baka naalog lang po ang utak kanina." saad ko.

"Sige na, bumalik na kayo sa mga classrooms ninyo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro