CHAPTER 29

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


ATHENA

"What did you just said?" Gulat na gulat ang Mama ko nang i-kwento ko sa kanya ang nangyari kanina. "Athena, ano bang nangyari sayo anak? Bakit ka naman nasangkot sa away?"

"Pasensya na po Ma,sorry po. Pinagtanggol ko lang po yung sarili ko, saka yung mga kaibigan ko. Natrigger po kasi ako eh," paghingi ko ng tawad.

Kanina, matapos ang day 1 ng intrams. Dumiretso agad ako dito sa ospital para ipaalam kay Mama na kailangan niyang pumunta sa school bukas. Nagpaalam naman ako sa mga magulang ni Sky, si Sky din ang naghatid sa akin dito.

"Wala namang masama sa paganti anak, ang kaso nga lang tignan mo ang nangyari sayo puro ka galos." si Papa ang nagsakita.

"Ayos lang po ako, malayo po sa bituka." saad ko para pagaangin ang loob ng Papa ko. Bakas kasi sa tono niya na nag-aalala siya.

"Ikaw naman Sky, bakit hindi mo naman binantayan ang anak ko? Aba! E paano ko siya ipapakasal sayo kung hindi mo siya kayang ipagtanggol?"

Walang imik at napakamot lang si Sky sa likod ng ulo niya. Ang totoo ay ngayon niya lang din nalaman ang nangyari sa parade kanina.

"Sorry po Uncle, the truth is ngayon ko lang din po malaman yung incident kanina. Naging super busy po ako, sa susunod po itatali ko na po 'yang si Athena para hindi na makawala at hindi na magkaroon ulit ng ganito." wika ni Sky at umakbay sa akin. "I promise to be Athena's knight in shining armor po." tinignan at nginitian ako ni Sky, ako naman ay inirapan lang siya.

"Alam mo ba Sky, dati din may batang babae nanangako na maging knight-in-shining armor ng anak ko. Kapit-bahay nila Troy sa dati nilang bahay, sayang nga lang at namayapa na ang batang 'yon." pagkwento ni Mama.

Hindi ko aware tungkol sa batang babae na binabanggit niya. Matagal na panahon na din kasi ang nakalipas, at nabanggit rin ni Mama na wala na ang bata na sinasabi niya.

"Mama, sino po siya? Tanda ninyo po ba ang pangalan niya?" curious kong tanong.

"Aby, hindi parang Ada, hindi ko ma-recall yung pangalan niya…" Huminto si Mama sa pagkukwento at hinawakan ang kamay ko "… pero alam mo ba anak, siya yung batang babae na nagsacripisyo para hindi ka magahasa ng mga lalaki."

"Muntik na po magahasa si Athena?" bakas sa reaksyon ni Sky ang labis na pagkagulat.

"Oo, awa ng Diyos may isang anghel siya na ipinadala para iligtas si Athena." si Papa naman ang sumagot.

"Kaya pala ganon na lang ang reaksyon mo nung muntikan na din magahasa si Vivian. Now I know the reason" ngumiti si Sky at ginulo ang buhok ko.

"Nagligtas ka? Aba! Para yatang hindi ko alam 'yan." namamanghang sabi ni Papa.

"Hindi naman po kasi dapat pinagyayabang ang kabutihan Papa, diba po kayo ang nagsabi non?" saad ko.

"Aba'y kahit na,mga magulang mo kami anak. Dapat lang na alam namin na may anak kaming bayani." buong pagmamalaki ni Papa.

"Nagulat nga po kami, nang nalaman namin na si Athena po yung sumapak sa lalaking muntik na gumahasa sa kaibigan po namin na si Vivian.I couldn't even imagine her punching a bunch of man." may pagmamalaking kwento ni Sky sa mga magulang ko.

"Kaya proud na proud ako dyan sa anak ko, proud ako na ako ang Tatay ni Athena Valeen Aragon." maluha-luhang sabi ng Papa ko.

"Papa…" tumayo ako mula sa monoblock na kinauupuan ko at yumakap sa Ama ko. "Saan pa po ba ako magmamana diba po? Ikaw lang naman po ang nagturo sa akin eh."

"Proud ako sayo anak ko pero sana sa susunod wala na sana akong madinig na balita na nakipagsapakan ka okay? Nakapagligtas ka nga, napahamak ka naman." Si Mama na halatang proud pero kinailangan akong sermonan.

"I promise po, huli na po 'to." yumakap din ako kay Mama nang mahigpit.

"O siya anak, magkita na lang tayo bukas. Aattendan ko yung meeting para mapag-usapan yung gulo na kinasangkotan mo." ani Mama nang maghiwalay kami mula sa pagkakayakap. "Sky, iuwi mo na si Athena. Ikaw na muna ang bahala sa anak ko," habilin ni Mama.

"Sky hijo, alagaan at ingatan mo 'yan. Nag-iisa lang 'yang si Athena, nagkakaintindihan ba tayo?" paghahabilin din ni Papa.

"I promise to take care of Athena, mahal ko po ang anak ninyo. I won't make her cry po." sinserong wika ni Sky at hinawakan ang kamay ko.

"Ang akala namin, hindi na makakapag-asawa 'yang anaka namin kasi nga sobrang tapang." natatawang sabi ng Papa, "O siya, umuwi na kayo bago pa kayo gabihin."

"Mauuna na po kami," aniko, humalik ako sa pisngi ni Mama, si Papa naman ay humalik sa noo ko.

Tahimik kami na bumyahe ni Sky papauwi, nakatyngo lang ako sa bintana at tinitignan ang bawat lugar na dinadaanan namin. Although ayos naman ang lahat, bigla akong binagabag ng maalala ko ang ikinwento ni Mama tungkol sa isang batang babae. Ang batang babae na tumulong at nagligtas sa akin mula sa mga gagahasa sa akin.

"Sino kaya siya?" bulong ko sa sarili.

"Are you saying something?" napatingin ako kay Sky nang biglang siyang magsalita.

"W-Wala wala naman, don't worry." sambit ko.

"Athena hindi na tayo iba sa isa't isa diba? You can share anything and everything to me." sinsero niyang sabi.

Binitaw niya ang isang kamay mula sa manibela at kinuha ang kamay ko. Hinalik-halikan niya ito at pinisil pisil.

"Sky…"

"Kung ano man ang bumabagabag sa'yo, don't be shy to tell me. Nandito lang ako for you mahal ko,"

"Thank you,"

"I love you," aniya at sinulyapan ako
--

Maingay ang paligid, halos lahat ng estudyante nagsisilisawan sa iba't ibang parte ng eskwelahan. Maririnig mo ang sigawan at mga cheer sa loob ng gymnassium dahil sa nagaganap na basketball, sa complex naman ay sigawan ng mga tagahanga ng mga babaeng volleyball player.

Napagpasyahan ko na lumisaw na din tulad ng iba,matapos akong ihatid ni Sky ay nagpaalam siya para umattend ng meeting saglit. Kanina pa nag-iinit ang pwetan ko sa kakaupo dito sa student lounge, hindi ko makita sina Vivian, baka nanonood ng laban. Parte kasi ng basketball team si Noel, si Courtney naman baka kasama ni Vivian ganun din si Amara.

Naglakad-lakad akong saglit, wala naman kasi akong masyadong kakilala dito kung kaya't nag-iisa ako. Mamaya ko pa makakasama sila Vivian, mamayang 1:00 pm kasi ang nakatakdang oras para magmeet ang dean at ang mga parents namin.

"Hey, nag-iisa ka…" isang pamilyar na tao ang naaninag kong nakatayo sa may harapan ko. Si Enrique,

"Quen i-ikaw pala.." wika ko

"Mind if I sit here?" tanong niya, hinila niya ang upuan na opposite sa kina-uupuan ko.

"Sure, have a sit." pagsang-ayon ko naman.

"Nabalitaan ko 'yung kahapon, Zoe is such a mean girl. And I can't still believe na niligawan siya dati ni Sky." seryosong sabi niya, tumango lamang ako. "You know what, buti na lang matapang ka Athena. Kasi kung hindi, baka hindi siya magtanda."

"Ang kaso nga lang, pare-pareho naman kaming parurusahan." natatawa kong sabi,

"I'm sure hindi naman kayo bibigyan ng mabigat na parusa. Maybe they will just ask you to have a social work or something," aniya.

"Sana nga ganon lang,"

"Well kahit naman anong parusa 'yan, I'm sure malalampasan mo. You're not Ava Titania for nothing," sinsero siyang ngumiti at hinaplos ang pisngi ko. Dahil maliit lang ang lamesa na nasa pagitan namin ay madali niya akong naiabot.

"Q-Quen," hinarang ko ang isang kamay ko para hindi niya muling mahaplos ang pisngi ko.

"What? Naiilang ka ba?" tanong nito at pilyong ngumiti.

"No, it's just that hindi ito tama." sambit ko.

"What's wrong with this?" kinuha niya ang kamay ko na ipinangharang ko at saka ito hinalikan. Mula naman sa ilalim ng lamesa ay naramdaman ko na gumagapang ang kamay niya papunta sa loob ng palda ko.

"Enrique ano ba? Itigil mo 'yan." pinandilatan ko siya ng mata, hindi siya natinag ipinagpatuloy niya ang ritual na ginagawa ng kamay niya.

"We're not strangers anymore, Athena. Remember…" tumingin siya sa paligid bago muling nagsalita, "…we already make love." mahina niyang sabi, naramdaman ko na ang pagpasok ng kamay niya sa loob ng pangloob ko.

"Q-Quen…"

"Gusto mo ulitin natin? A quickie might do, good luck charm lang para sa competition ko mamaya." tumawa siya na para bang nanunuya na sinabayan niya pa ng kindat.

"Enrique ano ba?" sa sobrang inis ko at hiya ay napatayo na ako dahilan para mapatigil sya sa ginagawa niya sa ilalim ng mesa. "Hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo?"

"Anong nangyayari dito? Enrique, Athena, nag-aaway ba kayo?"

Sabay kaming napalingon ni Enrique sa babaeng nagsalita, si Amara.

"Athena, bakit mo pinagtataasan ng boses si Enrique?" tanong ni Amara nang makalapit siya sa amin.

"I'm sorry,it's my fault. Hindi ko naman alam na mao-offend siya sa sinabi ko." ani Enrique habang tumatayo. "Athena I'm really sorry," nawala ang pilyong ngiti at titig ni Enrique, bumalik siya sa usual self nya na walang reaction.

Weird.

"Wag mo nang isipin 'yon, pasensya na din. Nabigla lang ako," pagsakay ko sa kung ano man ang tumatakbo sa isip ni Enrique.

"Kayo namang dalawa, pinag-alala ninyo ako," ani Amara saka kumapit sa braso ni Enrique.

"Sige, mauuna na ako. Kita na lang tayo mamaya Amara," kinuha ko ang mga gamit at bumeso ako kay Amara saka ko sinabayan ng mabilis na paglakad papalayo sa student lounge.

Humanap agad ako ng isang private at safe na lugar, ang kaso nga lang comfort room lang ang nakita ko.

"Pwede na dito," aniko nang maisara at masigurado ko na nakalock ang pintuan ng comfort room. Ang pagharap sa salamin ang una kong ginawa.

"Anong kagagahan na naman ang nasa isip mo? Quikie lang ang gusto ni Enrique, tinanggihan mo pa. And the worst is sinigawan mo pa siya, wala kang awa Athena."

Nakakrus ang magkabilang braso at bakataas ang kilay ni Ava.

"Pwede ba Ava, h'wag kang sumabay. Marami akong inisiip, wala akong panahon sa gusto mong mangyari. Eh kung gusto mo ikaw na lang, magpakasaya ka, magquikie kayong dalawa."

"Hello Athena, nakadrugs ka ba? Iisa kaya tayo, as if naman papayag ka." anito at umirap pa.

"Tumahimik ka dyan,"

"Bakit ako tatahimik? Hindi naman pwedeng---" napahinto ako nang makadinig ako ng katok mula sa pintuan. "istorbo,"

Agad kong tinungo at binukasan ang pintuan, si Vivian ang tumambad sa akin.

"S-Sinong kausap mo?" takang tanong ni Vivian at sinupat-sipat ang loob ng CR. "Hindi ako pwedeng magkamali," bulong pa niya.



Nadinig niya…

"H-Huh? Nag-iisa ako dito Viv, w-wala, w-wala akong kausap." pagsisinungaling ko.

"I swear nadinig kita na may kausap, it's not like soundproof ang CR na 'to." aniya na tila pinagdududahan ako.

"U-Uh.. I was watching a teleserye kasi kanina, baka… baka iyon ang nadinig mo."

Tumango-tango siya, "Well anyways baka gusto mo sumama sa amin ni Amara, we're going to watch Enrique's game. Courtney is with us too."

"Uhm…"

Sige, tanggihan mo at nang magduda siya sa ikinikilos mo Athena. Nadinig niya tayo kanina, pagdududahan ka nyan lalo. Gumawa ka ng paraan para mawala sa isip niya ang nadinig niya kanina. H'wag ka ngang tanga, sumama ka.

"S-Sige, sasama ako."

"Great!" ani Vivian at napapalakpak pa, "tara na!" masayang sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Sa school pool ako dinala ni Vivian. Pumwesto kami sa bleacher na kung saab madali naming makikita si Enrique na kasalukuyan raw na nasa locker room at nagbe-briefing.

"Saan ka ba nagpupupunta ghorl? Kanina ka pa namin hindi mahagilap eh, even Troy hinahanap ka niya kanina." ani Courtney nang makaupo ako sa may baba ng inuupuan niya.

Liningon ko siya bago ako nagsalita," Wala, hindi lang kasi ako interesado sa intrams. Mas gusto ko mag-aral na lang kaysa ganto. At saka isa pa, akala ko galit ka sa akin."

"Yang si Courtney may sayad talaga 'yan, bigla-biglang hindi namamansin." si Vivian ang sumagot.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo? May period lang ako, malakas kaya mainit ang ulo ko kahapon. By the way, ready ka na ba na harapin ang punishment natin?" pag-iiba niya ng usapan.

"Bahala na," mahiksing sagot ko.

"Aba kumpleto ata ang Royal Angels," si Noel kararating lang kasama ni Troy at ng isa pang lalaki.

"Nandito ka din pala Athena," ani Troy,

"Hi girls! Hi Ms. Amara!" bati ng isang lalaki na kasama nila Noel at nagpacute pa kay Amara.

"Oh please Ryan, maganda ang araw ko h'wag na h'wag mong sisirain. Respeto naman sa baby Enrique ko," pagtataray ni Amara.

"In 5 minutes we will be starting our swimming competition, Ready na ba kayo na malaman kung sino ang mananalo ngayong taon? Mananatili kaya ang ating 3rd time hall of famer na si Enrique Jose Madrigal IV o mapapalitan na siya bilang 3-timed defending champion?" pag-aanunsyo ng announcer na si Sir. Phil.

"GO BABY ENRIQUE!!!" sigaw ng grupo ng babae na nasa likod namin. May dala-dala silang banner na may nakalagay na mukha ni Enrique at naka-inprentang "Enrique's Angels". Lahat sila ay nakakulay grey na t-shirt, Grey and official color ng House of Bulls na kinabibilangan ng mga architecture students.

"Enrique! Enrique! Enrique!" sabay-sabay na hiyawan ng mga babae.

"Aba! Nagkakagulo na ang supporters ni Enrique!" natatawang sabi ni Sir Phil.

"Try harder, fans lang kayo. Soon to be girlfriend ako," pahayag ni Amara. Tumayo ito at naglabas ng tarpaulin.

"Luh kailan ka nagkaroon niyan?" gulat na tanong ni Vivian.

"Girl scout ako, atsaka isa pa hindi pwedeng sila lang ang mapapansin." aniya,

"Seryoso ka dyan?" tanong ni Troy.

"Sasamahan kita!" tumayo pa si Courtney at hinawakan ang kabilang dulo ng tarpaulin. "Go Enrique!" sigaw ni Courtney.

"Sampal sa akin 'yon," bulong ni Ryan na di nakawala sa pandinig ko dahil nasa may likuran ko din ito at katabi nina Amara, at Courtney.

"Loyal kasi 'yang si Amara kay Quen, kaya kung ako sa'yo iba na lang tol." ani Noel na katabi naman namin nina Vivian at Troy.

Kaming lahat ay nakaupo si bleachers, sina Courtney, Amara, at Ryan ang nasa ikatlong baitang ng bleachers. Si Troy, Noel, Vivian at ako naman ay nakaupo sa sa ikalawang baitang.

"Proud girlfriend here! Go Enrique!" sigaw ni Amara, lahat ng mga nasa bleachers ay napatingin sa kanya.

"Ako ang nahihiya para sa babaeng 'to." napatampal na lang si Vivian sa noo niya.

"Good morning to all of you, on the behalf of the coaches and the Oceanic Club organization and committee, we are please to welcome all of you  for this year competition. Without wasting our precious time, allow me to introduce our contestants from different houses!" masiglang pag-aanunsyo ni Sir Phil dahilan para magsigawan ang lahat. "Mag-ingay para sa representative ng College Computer Engineering, BSIT, BSCPE, Accountancy at Business Management, BSIS at BS STATS. Representing Red Eagles, please give a round of appplause to Mr. Jio Rivera!!"



Lalo pang nag-ingay ang mga tao nang banggitin pa ang ibang representatives ng Green Tigers na si Aron Pineda, Blue Dragons na si Kiel Bautista, White Wolves na si Josia Alcaraz, Blue Aligators na si Viel Advincula, Pink Cat na si Kristof Ching, Yellow Tamarraw na si Argie Yao, Grey Bulls na si Enrique. Tumagal din ng dalawang oras ang laban dahil sa  tatlong rounds hanggang sa tanghaling champion si Enrique, 1st price si Josia, at 2nd price naman si Jio.

"Ang ganda talaga ng katawan ni Enrique ano?"

"Oo nga, ang yummy yummy,"

"Choke me Enrique Madrigal!"

Naririnig mo ba sila Athena? Sila hanggang tingin lang sa katawan ni Enrique, habang ikaw bukod sa natikman mo na 'to. Hinahanap-hanap ka pa niya, ganon ka kaswerte Athena-girl kaya h'wag kang tatanga tanga dyan.

"Tama na Ava," bulong ko at tinapik-tapik ang ulo ko.

At bakit ako titigil? Totoo lang naman ang sinasabi ko.

Tama na please, tumigil ka na.

Sinubukan kong takpan ang magkabukang tenga ko pero sa tuwing sinusubukan ko na h'wag pansinin ay lalong lumalala si Ava.

"Hey Athena, okay ka lang?" tanong ni Noel. 

"O-Oo don't worry, please excuse me."

Tumayo ako at tumakbo papalabas ng school pool, kailangan hindi sila makahalata sa nangyayari sa akin. Baka isipin nila nababaliw na ako at kinakausap ko ang sarili ko.

Sa paglabas ko sakto naman na nakasalubong ko si Mama na may mga kasama , tumakbo ako papunta sa kanya at yinakap ko siya. Bakas sa mukha ni Mama ang pagtataka ngunit kalaunan ay hindi na niya pinagtuunan ng pansin

"Ladies, please meet my daughter Athena." ani Mama nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.

"Oh ikaw pala 'yun," ani ng babaeng naka suot ng office suite, mahaba ang buhok at mukhang sopistikada, "the girl na laging ikinukwento ng pamangkin kong si Vivian. The one who saves her, maraming salamat ulit Athena sa pag-save mo sa pamangkin ko. I'm Mary Rose, Vivian's aunty," nakipagkamay ako sa tiyahin ni Vivian.

"Nice to meet you po," aniko.

"I'm Charles, Courtney's brother," nakipag-kamay din ako sa matangkad na lalaki na nakasuot ng asul na polo at itim na pantalon, gwapo ito at mukhang matalino.

"And I'm Zary, cousin ni Amara. So tell me, anong kalokohan ang pinasok ninyo ng pinsan ko?" halatang mataray ang babaeng nakasuot ng green na dress, naka-bob cut at naninigarilyo pa ito.

"Smoking is not allowed, nasa school zone tayo Zary." pananaway ng Kuya ni Courtney. Inirapan lang siya ng pinsan ni Amara na Zary ang pangalan.

Nag-aya na si Mama na pumasok sa loob ng student affairs office para daw matapos na ang dapat matapos.

"Good afternoon, parents and guardians. Maraming salamat sa pagpapaunlak sa munti naming kahilingan. Una sa lahat nais naming sabihin na nandito tayo upang magkasundo-sundo, kanina pong umaga ay nagkaroon ng meeting ang faculty staff. Napagdesisyonan na po namin na ang lahat ng kabataan at estudyante na sangkot sa kaguluhan kahapon ay haharap sa isang parusa, isang parusa na maglilinis ng kanilang pangalan." litanya ni Sir Castor, ang Principal.

"I'm sure nadamay lang si Zoe ko, kaya dapat sila lang ang parusahan." mataray na sabi ng Nanay ni Zoe.

"Even my daughter Kelly, she's not a war-freak." panggatong ng Nanay ni Kelly.

"Yeah, I agree with them. This meeting will be nonsense kung pati anak namin ay madadamay." pagsang-ayon naman ng mga nanay ni Samantha.

"Mommies this meeting won't be nonsense, we just want to be fair sa lahat ng students. Kaya po walang special treatment na magaganap, lahat ay dapat maranasan ang punishment." ani Sir Vicente.

"Babayaran ko na lang ang bail, magkano ba? Name your price," mayabang na sabi ng Mama ni Zoe.

"Mrs. Rosell kahit milyon o bilyon pa po ang ibayad ninyo, magiging void po 'yan. A rule is a rule po tayo dito, at isa pa hindi po kami mukhang pera." saad ni Ms. Keren Dalisay na School Directress.

"Loko, edi nabara ka." bulong ni Vivian na katabi ko, impit kami na natawa nina Courtney.

"What's funny?" inis na tanong ng panget na nanay ni Zoe.

"Okay enough for that, ganito mo ang napagdesisyonan namin. Magkakaroon po ng Leadership training ang iba't ibang university, instead na student council ang ipapadala namin. I'll let Ms. Rocell, Ms. Dela Merced, Ms. Aracelli, Ms. Conception, Ms. Aragon, Ms. Trinidad, Ms. Estrada, at Ms. Dizom attend that training. Don't worry, Mr. Sebastian Klark Yu, Mr. Giovanni Peñaflor, our Student Council President and VP will going to assist them, along with Mr. Christian Troy Melendez and Nomer Elmo Angelea fourth year representative, Ms. Laniel Loyzaga from third year, and  Mr. Enrique Jose Madrigal IV from second year. Madami sila kaya you don't have to be worried kung sakaling may magsimula na naman ng gulo. Ms. Joymie Valerio and Mrs. Rosanna Cortez will going to accompanied them too."  litanya ni Ma'am Dalisay, kaming apat ay nagkatinginan nang marinig namin ang sinabi ni Ma'am.

"Kung magiging maayos naman po ang lahat at magkakaroon ng pagbabago sa mga anak namin, that would be okay." ani Ma'am Mary Rose.

"Siyang tunay, hindi naman pala mabigat ang parusa. Ayos na po 'yan." pagsang-ayon ni Mama.

"Great, mabuti na po at lahat tayo ay nagkakasundo." ani Sir Vicente.

Matapos ang meeting ay naiwan kaming lahat na isasama sa leadership training para malaman kung ano ang mga dadalhin namin. Sagot ng eskwelahan ang bayad sa bus, pati na mga tshirt na gagamitin namin. Kailangan lang namin magdala ng mga extra pang damit, pagkain, mga gadgets for emergency purpose, at mga personal hygiene kit. Mangyayari ang leadership training matapos ang intramurals.

"Akala ko paglilinisin tayo ng buong school," natatawang sabi ni Vivian. "Sa bahay nga tamad na tamad ako eh, buti na oang hindi talaga."

"Tamad ka naman talaga, anong bago doon?" pambabara ni Amara.

"Hindi ko kailangan ng opinion mo Amara Estrada." pikon na sabi ni Vivian.

"O tama na 'yan, baka mag-away 'yan." pumagitna na si Courtney sa dalawa. "Tignan ninyo si Athena chill chill lang,"

"Wala naman kasing maidudulot kung iistressin ko ang sarili ko, baka maging kamukha ko ang nanay ni Zoe." napatampal ako sa bibig ng marealize ko ang sinabi ko dahilan para magtawanan sila Courtney.

"Thuglife talaga 'tong si Athena," tumatawang sabi ni Vivian habang nanghahampas.

"Taena ng mannerism ni Vivian e, mapanakit." inis na sabi ni Amara na ginawang pangharang ang kaninang hawak na tarpaulin para maiwasan ang hampas ni Vivian.

"Athena maiba tayo, warla pa ba kayo ni Troy?" out of the blue na tanong ni Courtney, hindi ako agad nakasagot.

Hindi required na sagutin mo ang tanong ng babaeng 'yan, wag ka agad magtitiwala Athena. H'wag kang boba okay?

"U-Uh, ang hirap kasi magsalita ng tapos." aniko.

"Patawarin mo na lang kasi," ani Courtney.

"Hindi mo naiintindihan Court,"

"Ano bang rason? Bakit kayo nag-away?" usisa ni Amara

"Confidential kasi…" mahiksing sagot ko.

"Kaibigan mo naman kami, sabihin mo na lang. Promise we won't spread it sa lahat." pamimilit pa ni Amara.

"Hindi talaga pupwede I'm sorry,"

"Dali na, mapagkakatiwalaan mo naman kami."

"Bingi ka ba o sadyang hindi ka nakakaintindi Amara? Sinabi ko nang hindi pupwede."

Nagulantang ako nang makita ko ang pagkabigla sa mga hitsura nina Amara, mukhang hindi nila inaasahan ang pagsigaw ko. Maging ako man, hindi ko inasahan na mapagtataasan ko siya ng boses.

"I-I'm sorry, h-hindi ko sinasadya Amara." nangangatal kong sambit, hinawakan ko ang mga kamay ng nabiglang si Amara.

"Ano ka ba? Wala 'yon, kasalanan ko din. Pasensya na napilit pa kita, alam mo na chismosa 'tong kaibigan mo." pilit itong tumawa,

"Pasensya na talaga Amara,"

"Gagang 'to 'yang si Amara manhid na manhid na 'yan. Don't worry hindi masasaktan 'yan." biro pa ni Vivian.

"Athena, anak tara na!" sigaw ni Mama mula sa di kalayuan.

Uwian na din kasi, isasabay na namin ni Sky si Mama sa ospital para makipagpalit jay Tita Clara. Nagpaalam na ako kina Vivian at bumeso bago ako umalis.

In three, two, one, pariringgan ka ng tatlong bruha.

Tumahimik ka Ava.

Sige, ayaw mong maniwala. Edi wag, wait and see.

"Dapat kasi hindi mo na pinilit, nagalit tuloy."

Si Courtney,

"Malay ko ba na magagalit siya, saka isa pa ikaw ang nauna Court."

Si Amara,

"May ugali din pala si Athena, akala ko isa siyang anghel kasi niligtas niya ako. Atichona din pala siya pag may time."

Si Vivian.

"Lahat naman tayo as tao, may sama ng ugali na itinatago. Si Athena kasi nakulitan lang kanina," Si Courtney ulit,

"Alam ko naman, kaya lang nagulat ako kay Athena." Si Vivian ang muling nagsalita.

Sabi ni Courtney, masama daw ang ugali mo Athena. Sabi naman ni Vivian, atichona ka daw. Papayag ka ba ng ginaganon ka nila? Aba kung ako sa'yo hindi ko na sila kakaibiganin.

"Pwede ba tumahimik ka na lang, normal lang 'yan sa pagkakaibigan. Normal lang na may mga side comment sila sa'yo."

Anong normal? Kaplastikan ang tawag sa ginagawa nila. Hindi sila totoo sa'yo, sana man lang harapan nila sinabi sa'yo diba.

"Oh shut up!" sigaw ko.

"Anak bakit? Anong problema? May nasabi ba ako na masama?" bakas sa mukha nina Sky at Mama ang pagkabigla.

Tumingin ako sa paigid ko, nasa loob ako ng sasakyan ni Sky at bumabyahe kami papauwi. Katabi ko si Mama sa backseat habang si Sky ay nagdadrive naman.

"M-Ma, M-Mama sorry po hindi ko po sinasadya." yinakap ko si Mama at hinalik-halikan pa.

"Kanina ka pa wala sa sarili Athena, ayos ka lang?" si Sky ang nagtanong, sumulyap siyang saglit saka bumalik ang tingin sa kalsada.

"O-Oo o-oo ayos lang ako, pasensya na po ulit Mama…"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro