CHAPTER 30

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


-five days after-

ATHENA

Ngayong araw kami nakatakdang umalis papunta sa leadership training na gaganapin sa Skies and Ocean Resort, alas-4 pa lang ng umaga ay nakaligo at naka-ayos na kami ni Sky. Inaantay na lang namin ang van ni Noel na sasakyan namin papunta sa school. Kahapon kasi habang namimili ng mga gamit at pagkain nag-decide sila na sabay-sabay na kami na pumunta sa school para less hassle at isang hintayan na lang ang mangyayari. P.E shirt, jeans at white rubber shoes ang naka-assign na suot namin sa unang araw namin sa resort.

Siya nga pala, nakalimutan kong banggitin kahapon din nadischarge ang Papa sa ospital, dito kami pansamantala naninirahan kina Sky habang inaasikaso ang mga dokumento para mabawi namin ang mansyon namin.

"Kayong dalawa mag-iingat kayo doon, Sky lagi mong babantayan si Athena h'wag na h'wag mong hayaan na mawaglit ka ng tingin." maka-ilang ulit nang banggit ng Daddy ni Sky.

"Dad I knew it, hindi ko naman talaga hahayaan na mawala sa paningin ko si Athena. That would be the end of me," seryosong sabi ni Sky at inakbayan ako. "This girl is mine,"

"Wala na ba kayong nakalimutan?" siyang tanong naman ni Mama. "Athena yung inhaler mo ha, tapos kakain ka sa tamang oras mahirap na malalayo ka na naman sa akin. H'wag ding kakalimutan inumin ang mga gamot, okay?"

"Wala po akong nakalimutan, unang-una ko pong nilagay ang inhaler ko sa maleta." ngumiti ako at yinakap ang Mama.

"How about the foods? Baka nakalimutan ninyo, Sky i-double check mo. Ayokong makaranas ng gutom ang future daughter-in-law ko." nakataas ang isang kilay ni Tita Loreen at nakapameywang ito.

"Secured po lahat ma, don't worry. Lahat ng pagkain na binili namin ultimo buong mall binili ko na---Ah! Mama naman e." reklamo ni Sky nang bigla siyang hampasin ng pamaypay ni Tita Loreen na ikinatawa naming lahat.

"Nagagawa mo pang mamilosopo talaga, ha Sky?" inis na tanong ni Tita Loreen.

"Joke lang eh, malaki na ko mama. Nakakahiya kay Athena o, baka iwanan niya ako " ani Sky.

"Athena! Sky! Tara na!" sigaw ng nga babae na nakasilip sa bintana nang kararating lang na itim na van. "Good morning po Tito Edison, good morning po Tita Loreen ans Tita Aileen!" sabay-sabay nuoang bati.

"Good morning din, mag-iingat kayo ha!" paalala ni Tita.

"Opo!" sigaw ni Courtney at nag thumbs-up pa.

Bago kami sumakay ay humalik muna ako at yumakap sa mga magulang ko, nagmano din ako sa mga magulang ni Sky.

Isinakay na ni Sky ang mga maleta namin sa likod ng van at matapos ay kami naman ang sumakay. Sa parteng likuran din kami napunta, katabi namin sina Troy at Courtney. Sa may bintana ako pumwesto, nasa harapan naman namin sina Noel, Vivian, Amara, at Enrique. Isang nasa mid-40 na lalaki ang driver namin, may katabi siya na isa pang lalaki na hindi pamilyar sa akin.

Nang masigurado na lahat kami ay komportable na sa mga pwesto namin ay nagsimula nang umandar ang van na sinasakyan namin. May 2 oras ang biyahe mula dito papunta sa school, 5:00 am pa lang naman at 8:00am ang takdang oras ng pag-alis kaya makakatulog pa ako.

Sumandal ako sa may bintana at ipinikit ang mga mata ko. Maingay sa loob ng van kaya naman pinipilit ko na matulog, naramdaman ko ang mga kamay ni Sky na ipinapatong ang ulo ko sa balikat niya, kinabitan niya din ako ng airpods sa magkabilang tenga ko. Naramdaman ko din na sinusuotan niya ako ng jacket. Hindi ako gumagalaw, hinahayaan ko lang siya. Dumampi din ang labi niya sa noo ko, at matapos iyon ay tuluyan na akong nakatulog.

Nang magising ako ay nasa loob na ako ng bus, katabi ko Sky na naka-upo sa may bintana, nakayakap siya sa akin at tulog din.

"Nilalanggam na dahil sa ka-sweetan yung nasa likod natin," hagikgik ni Vivian ang nakapagpagising sa diwa ko.

"Bakit ganon? Wala naman silang ginagawa kinikilig ako." siyang wika naman ni Courtney.

"Tsss anong nakakakilig diyan? Binuhat lang kanina pagpasok ng bus kasi nag-iinarte tas ngayon magkatabi lang at natutulog, kinikilig na kayo? Duh! Mas nakakakilig pa din kami ni Sky." hirit ng babaeng may masangsang na ugali.

Hindi ko siya nakikita dahil nasa may bandang likuran sila pero nakakaramdam ako ng inis.

"Pag-inggit pikit, walang humihingi ng opinion mo." pag-hirit ni Vivian.

"Girls, girl, alalahanin ninyo ang purpose kung bakit kayo ang inatasan para mag-participate dito." Boses ng isang babaeng guro ang pumagitna sa nagbabadyang away na maganap.

Humikab ako bago ko inayos ang ulo ni Sky sa balikat ko, tulog na tulog ang lalaking 'to. 'Yung totoo pumunta lang kami dito para matulog.

Nakaramdam ako ng gutom kaya naman naghalungkat ako backpack na dala-dala namin ni Sky. Cookies lang at brownies ang nahalungkat ko, baka nakalagay sa isa sa 3 bag pa na dala namin ang ibang pagkain na dala namin. Habang nasa biyahe ay nilalantakan ko ang isang kahong cookies na nakuha ko sa bag, habang umiinom ng hot chocolate na nasa stainless na tumbler.

Ang sabi mahaba-haba pa ang biyahe namin mga 12 na kami ng tanghali makakarating.

Sa loob ng 2 oras na pagbyahe, napapansin  ko ang mga titig mula sa katapat nami na upuan. Doon naka-upo sina Troy at Courtney, titigil lang siya saglit kapag may itinatanong si Courtney tapos babalik ulit sa pagtitig sa akin.

Habang tumatagal na ang byahe ay umiingay na sa loob ng bus. May nagpapatugtug, may nagkakantahan, may nagdadaldalan, may kumakain at may mga naglalaro. Ngayon ko lang napansin na mahigit 20 or 30 ata kami sa loob ng bus mula sa iba't ibang mga section at courses.

Naramdaman ko ang muling pagpuluput ng nga bisig ni Sky sa may bandang tiyan ko. Gising na ang loko pero nakapikit pa.

"Gutom ka na?" siyang tanong ko.

"Gusto ko kiss," aniya saka mahinang tumawa, tunog bagong gising ang tono ng boses niya.

"Hoy Sky, bawal mag-PDA dito." sabi ng nakadungaw na si Noel na nasa harapan namin at katabi si Vivian. "Antayin ninyo na makadating tayo sa place tas hanap ka agad ng private na lugar."

"Eto naman tinuruan pa, sumuka ka na ulit dyan." pabirong sabi ni Vivian.

"Ikaw naman nainggit pa, h'wag kang mag-alala tayo din hahanap din tayo ng place." sabi pa ni Noel.

"Athena, i love you," mahinang sabi ni Sky na may paglalambing.

"Gutom ka na ba?" tanong kong muli.

"Gusto ko nga kiss," sabu niya ulit at ibinaon ang mukha niya sa tiyan ko.

Hinaplos-haplos ko ang buhok niya, wala lang natripan ko lang.

"Wala naman nagsabi na required magdala ng boyfriend, edi sana sinama ko jowa ko." pagbibiro ni Ate Laniel na nasa bandang likuran nila Courtney.

"Respeto po sa walang jowa," sigaw naman ng isang babae na nasa may bandang likuran namin.

"Wag kang mag-alala Clarisse baka mahanap mo sa training ang bubuo at sisira sa buhay mo," biro naman ng isang lalaki.

"Eh kung ikaw sirain ko buhay mo, laglag kita sa bus." sigaw ni Clarisse na pinagsimulan ng ingay.

"First time mo ba aattendan ng leadership training, Athena?" tanong ni Courtney.

"Nope, naka-attend na naman ako dati. Hindi nga lang out of town, at sa ibang school lang." sagot ko naman.

"Masaya 'to promise, di ka magsisisi." Si Amara naman ang sumagot,

"Ikaw lang naman ang masaya kasi kasama mo si Enrique," pang-aasar naman ni Noel.

Nag-stop over muna ang bus para makagamit ng banyo ang ilan sa mga kasamahan namin. Kami naman ay nagdesisyon na magpa-iwan na lang at antayin ang iba, si Sky ay hindi pa din natitinag sa pagkakayakap sa akin, gising siya pero wala syang imik.

"Ngayon ko lang nakitang ganyan si President," puna ni Giovanni.

"Kaya nga, mas kilala natin 'yan na strict tapos medyo ilag sa lahat." pagsang-ayon naman ni Leslie. 

"Ganyan ba talaga pag nasa tamang tao ka na?" si Courtney ang nagtanong.

"Hindi ka sigurado kung tamang tao siya Athena, marami ka pang makikilalang iba." sabat ni Troy dahilan para mapabangon si Sky mula sa pagkakagiga sa tiyan ko.

"Sinasabi mo ba na maling tao ako?" seryosong tanong ni Sky.

"Sa iyo nanggaling iyan Sky, hindi sa akin."

"Troy," akmang pagpigil ni Courtney kay Troy.

"Courtney don't try to stop me." ani Troy.

Bago pa man magkagulo ay nagsimula na ang pagpasok ng mga kasamahan namin sa loob ng bus,nagsimula na ding muling umandar ang bus. Mabuti na lang talaga, kung hindi baka dumanak na ang dugo, I know how deadly Troy is.

"Palit tayo ng upuan," bulong ni Sky, "kailangan kita protektahan."

"I'll be fine, hindi ako masasaktan ni Troy," saad ko.

"How sure are you?" nag-aalalang tanong ni Sky.

"Just trust me with this, okay?" humalik ako sa labi niya. Hinawakan naman niya at hinaplos ang magkabilang pisngi.

"Nagkakatukaan na dito," natatawang sabi ni Vivian.

Ilang stop-over at ilang traffic pa ang dinaanan namin bago kami nakarating sa resort. Pagdating namin ay i-ginrupo agad kami according sa school, gender, at year namin. Pare-pareho kami nila Vivian, Amara, at Courtney na second year kung kaya't kami ang magkakasama sa villa. Villa number 19 ang napili namin, maliit itong bahay na may dalawang  kama, at isang banyo.

"Luckily, tayong apat ang magkakasama.Kasi kung makakasama ko ang isa sa apat na babaeng mukhang eye liner, hindi ko kakayanin." wika ni Vivian nang makapasok kami sa loob ng villa. "Dito ako sa  ah sa may gitna ah, matatakutin ako." wika pa niya.

"Ano namang connect?" takang tanong ni Amara.

"Last year kasi diba sumama din ako, ang daming chika na may mumu daw dito." kwento pa ni Vivian.

"Ang childish masyado, di naman totoo ang mga multo." saad naman ni Amara.

"Hoy teka ako din, sa gitna din ako pupwesto. Mamaya kunin ako ng multo sayang beauty ko," ani Courtney saka nagmamadaling umakyat sa kama.

"Ikaw Athena, sinong gusto mong katabi? Ako o si Courtney?" tanong ni Vivian.

"Wala sa choices mamsh, si Sky ang gusto niyang katabi?" wika ni Amara habang umuupo sa kama at binubuksan ang maleta.

"Sad naman no'n pero sana all may Sky," saad ni Vivian na nag-uumpisa na di na maglagay ng mga damit sa maliit na cabinet na katapat ng kama sa may bandang unahan.

"Ano 'yon? May Noel ka na tas gusto mo may Sky ka pa, sugapa mo naman." hirit ni Courtney habang naglalagay ng moisturiser sa mukha.

"Alam mo Courtney maganda ka eh, tanga ka lang minsan." pikon na sabi ni Vivian. "Ang ibig kong sabihin, sana all may Sky. Kasi diba si Sky parang sobrang perfect, mayaman, matalino, sobrang gwapo pa. Tas parang lahat gagawin niya para sa babaeng mahal niya." paliwanag ni Vivian.

"Sabagay may point ka," sabi naman ni Courtney. Tumigil siya sa paglalagay ng moisturizer saka tumingin sa akin."Huy bat wala kang imik dyan?" tanong nito.

"Oo nga, kanina ka pa tahimik. Lagi ka bang ganyan? Magkano ba ang pagsasalita mo?" pabirong sabi ni Amara.

"Zoe ka girl? Anak ka ba ni Cecilia Rosell?" kunot ang noong hinarap ni Vivian si Amara. "O so ano nga? Wala kang balak na mag-ayos ng gamit? Ako na ang magdedecide para sa'yo  tabi tayo tapos si Amara at Courtney sa isang kama. Deal?" taning ni Vivian habang kinukuha ang mga gamit ko.

"Deal," mahiksing sagot ko.

"Good, maupo ka na muna at mamahinga. Ako na ang bahala sa gamit mo," pagpepresinta ni Vivian.

"Ay hindi na, ako na Viv. Maraming salamat," pagtutul ko, nakakahiya naman kasi kung siya pa ang gagawa.

"Mamahinga ka na lang dyan, isipin mo na nagbabayad lang ako sa utang ko sa pagligtas mo sa akin." anito, habang inaayos ag mga gamit ko.

"Hindi naman ako nagpapabayad, Viv. Magkakaibigan tayo dito," pahayag ko.

"Shhh, tama na hayaan mo na lang ako." ngumiti ito at tinapik ang balikat ko.

Tumango na lang ako at nagtungo sa bed na hihigaan namin ni Vivian at doon ay umupo. Silang tatlo ay abala sa kani-kanilang gawain. Si Courtney naglalagay ng make-up sa mukha, si Amara busy magselfie, si Vivian naman ang naglalagay ng gamit ko aa loob ng maliit na cabinet.

"Miss ko na agad si Noel," ani Vivian matapos niyang isara ang  cabinet. "Sana walang babaeng magpacute sa kanya,"

"Di ka sure," biro ni Amara. 

"Batuhin kita ng sapatos sa mukha tamo," pagbabanta ni Vivian sa akmang ibabato ang kahuhubad lang na na 2-inches stilleto.

"Manhid na ako, kaya kahit--Aww!" sigaw ni Amara nang tamaan siya ng sapatos na ibinato ni Vivian."Napakamo Trinidad di ka naman inaano diyan." anito saka ibinato pabalik ang sapatos.

"Akala ko ba manhid ka na?" tanong ni Courtney habang tumatawa.

"Ikaw kaya tamaan ng takong sa pisngi hindi ka aaray?" matining ang tono at bakas na ang pagka-inis sa boses ni Amara.

"Oh tama na, baka maiyak ka." ani Vivian na tila nanunuyam. Umupo ito sa edge ng kama at ainuklay ang buhok gamit ang kamay. "Labas tayo, mamaya pa naman ang assembly eh. Libot tayo tas hanap tayo ng mga boys."

"Tignan mo 'tong babaeng to, kanina ang sabi sana walang lumapit na babae kay Noel. Tas ngayon nag-aayang mag-boys hunting, yung totoo Vivian?" natatawang sabi ni Courtney.

"Ikaw porket nadiligan ka na ni Troy gumaganyan ka na--"

What?

Tama ba ang nadinig ko?

Nadiligan ni Troy?

That means, may nangyari kina Courtney at Troy?

"Sige ilakas mo pa, gusto mo mag-mic ka pa eh." may pagka-pikon ang pagbitiw ni Courtney sa mga katagang iyon.

"Hindi pa 'yon alam ni Athena, bruha ka talaga. Paka-daldal mo Viv," wika ni Amara.

"Hindi naman ako interesado kung involve si Troy, galit ako sa kanya. Masamang tao siya Courtney," wala sa sariling wika ko.

"What do you mean?" takang tanong ni Vivian.

"Hindi ang pamilya ni Sky ang totoong kalaban, kungdi sila Troy. Ang mga Melendez ang muntikan nang pumatay sa Papa ko, sila din ang kumamkam ng ari-arian namin." seryosong sagot ko.

"You must be kidding," bakas ang pagkagulat sa tono ng pananalita ni Amara.

"Sana nga Amara, sana nagbibiro lang ako. Sana hindi totoo," napasinghap na lamang ako.

"My god," siyang sambit ni Courtney.

"That means nagkagusto si Courtney at nagpadilig sa isang attempted murderer," wika ni Amara.

"I-I don't know kung paano magrereact," napatigil si Courtney sa paglalagay ng foundation sa mukha niya. "I swear Athena, hindi ko alam kung paano o ano ang sasabihin ko. Tell me, gusto mo ba na iwasan ko si Troy?"

"No Courtney, gusto ka ni Troy. And I'm sure wala naman siyang gagawin sa'yo, issue namin 'to, gusot ng parehong pamilya namin. Labas kayo sa issue na 'yon," tumayo ako at nagtungo sa kamang kinauupuan ni Courtney. "You don't have to worry."

"Please don't hate me," ani Courtney at yumakap sa akin.

"No, why would I hate a precious girl like you? Nagmahal ka lang naman, at walang mali don." yinakap ko din siya at hinaplos ang buhok niya.

"Sali naman kami dyan!" sigaw ni Amara at Vivian, saka sabay na yumakap sa amin ni Courtney.

Matagal-tagal din kaming naggroup hug, naghiwa-hiwalay lang kami nang dumating si Ma'am Rosanna at ipinatawag kami para attendan ang assembly. Sabay-sabay kami na nagpunta sa assembly hall pero nagkahiwalay-hiwalay din dahil ginawang alphabetical ang sitting arrangement. Itinabi din kami sa hindi namin ka-school, kasalukuyang nagbibigay ng speech noya ang owner ng resort na si Mr. Yohan Carbonel. Aaminin ko na hindi ako interesado sa mga pa-seminar na ganito, nandito lang naman ako para harapin ang kasalanan ko na pagpatol kina Zoe.

Nagpaalam ako kay Ma'am Rosanna na magsi-CR lang saglit pero sa totoo lang gusto ko lang takasan ang boredom na nararamdaman ko. Medyo malayo ang rest room, matatagpuan iyon likod ng chapel, madali ko naman itong nahanap at agad kong isinara ang pinto ng rest room pagp-pasok ko.

"Buti naman at nakaramdam ka ng boredom Athena, akala ko ilang oras pa akong uupo doon at makikinig sa mga shenanigans nila."

Napa-irap ako sa biglang ibinungad sa akin ni Ava pag harap ko sa salamin.

"Wala naman tayong magagawa eh, kailangan harapin natin ang consequences natin---Nila,anong natin? Consequences lang nila, Athena. Nadamay ka lang naman kasi, sa totoo lang dapat ang kasama lang dito ay ang malditang Zoe pati na yung mga alipores niya."

Napahilamos na lang ako sa mukha ko at tinapik-tapik ang magkabilang pisngi ko.

"Alam mo Athena, minsan kasi magpa-girl ka, paawa effect ganern. Para naman minsan hindi ka mai-involve sa mga ganitong mga kyeme nila, naiintindihan mo ba ako?"

Mataman kong tinitigan ang sarili ko sa salamin, kusang gumalaw ang mga kamay ko at tinanggal ang buhok ko mula sa pagkaka-pony nito. Sinuklay ko ang buhok ko saka ko inayos ito at nilagyan ng kulay pink na hairpin.

"That, and to complete your look," inilabas ko ang pulang lipstick mula aa bulsa ng jacket at inilagay sa labi ko. "Perfect!" ani ko bago lumabas ng comfort room.

Laking gulat ko nang paglabas ko ay tumambad sa akin ang nakasandal sa pader na si Enrique.

Sinusundan niya ba ako?

Obvious ba?

"Girls' restroom ito," pahayag ko.

"I know, pero hindi naman ako nagpunta dito oara nagCR, I went here just to see you. I just want to talk to you kasi oarang iniiwasan mo ako, did I do something wrong?" anito aa sinserong boses.

"Uhm… bukod dun sa paghawak mo sa maselang parte ng katawan ko… sa tingin mo ano pa bang dahilan kung bakit kita iniiwasan?"  siyang pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

"I'm really sorry Athena," aniya at hinawakan ang kamay ko. "Nagbakasakali lang ako na maalala mo kung gaano tayo kasaya nung araw na---"

"Enrique stop, ayokong madinig ang sasabihin mo. Please, kalimutan na natin ang minsang pagkakamali na 'yon." pagputol ko sasasabihin niya.

"Pagkakamali…" pag-uulit niya sa sinabi ko. "Kung para sayo isang pagkakamali 'yon, sa akin Athena hindi."

"Enrique magka---"

Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paglapat ng mga labi ko sa mga labi ni Enrique. Segundo lang ang binilang  bago pakawalan ni Enrique ang labi ko.

"Athena mahal kita and I want you to feel that," sinsero nitong sabi.

"Enrique, alam mo naman na---"

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.

"I know and I'm fully aware, si Sky, si Sky ang mahal mo." bumuntong hininga siya at muling hinawakan ang kamay ko. "I won't lose, sa race kaya kong tanggapin na natalo mo ako. This situation is different, I don't accept defeat." yinakap at muli niya akong hinagkan, this time sa noo naman.

"Alam mong gusto ka ni Amara, mali, mahal ka ni Amara."

"Hindi ko siya gusto, hindi ko kayang turuan ang puso ko na mahalin siya. How many times do I have to tell you, Athena? Ikaw ang mahal ko, ikaw lang." walang reaction ang mukha niya pero ang mga mata niya, yaring nagmamaka-awa na pakinggan ko ang sinasabi niya.

"Enrique, Athena, tama na 'yang forbidden affair nyo. Magsisimula na ang unang activity." pahayag ng kararating lang na si Noel. "Enrique, hinahanap ka na ni Amara. Ikaw din Athena, hinahanap ka ni Sky. Don't worry, maaasahan ninyo akong dalawa. Ititikom ko ang bibig ko, tara na." kumindat ito at sinabaya ng pagtalikod at paglakad.

Nagkatingininan kami ni Enrique, ngumiti siya at binitiwan ang kamay ko na kanina pa niya hawak. Magkasabay namin na sinundan ang nangungunang si Noel.

"Okay, seems like complete na ang Magdalenians. Simulan na natin ang first team building and leadership activity natin." pahayag ng isang babae na naka-tayo sa stage nakasuot ito ng itim na rushguard at jeggings. Hindi ko siya masyadong maaninag pero tiyak ko na siya ang head ng mga gagawing activities.

Nang dumating kami sa grounds, nakagrupo na at nakabilog habang nakaupo sa damohan ang bawat estudyante. Naging atraksyon sa mga beki at babae na taga ibang school si Enrique, lahat sila ay nakatingin sa kanya at para bang pinagpapantasyahan nila.

"Saan ba kayo nang-galing?" siyang tanong ni Vivian nang makaupo ako sa tabi niya. 

"Si Enrique nakita ko sa may mini-library, si Athena naman kakalabas lang ng CR nung naabutan ko." si Noel ang sumagot, tumabi siya sa nakaupong si Troy na nasa unahan namin.

Si Enrique naman ay umupo sa tabi ko. Nakita kong lumingon at sumulyap si Sky na nasa may bandang unahan nila Troy. Nginitian niya ako, at ganon din ang ginawa ko.

Nagsimula na ang unang activity namin. Hindi ko gets kung paano gagawin kasi di naman ako nakinig talaga, pasensya na ha.

Si Sky ang tumayong leader ng grupo namin, hinati kami sa 3 grupo na may 10 miyembro. Si Troy, Noel, Sky, Enrique, Ako, si Amara, Courtney, si Vivian, si Giovanni, at si Zoe ang babaeng maldita ang magkakagrupo.

Bawat grupo ay may nakatalagang lugar para makapagplano, malapit sa may pool area kami nagplano. May lamesa at mga upuan na nalililiman ng malking puno ng akasya.

"They gave us 5 minutes each group, to plan kung ano ang gagawin natin to get the flags. Ganito ang plano natin, since ang goal ng grupo ay makakuha ng 5 asul na flags, magpapartner- partner tayo. Si Enrique at Amara, Si Giovanni at Zoe, si Troy at Courtney, ako at si Athena ang---"

"Wait a minute!" sabat ni Zoe, "that's unfair! I want you to become my partner, Sky. Si Giovanni na lang ang ipartner mo kay Athena."

"Ano naman ang naging unfair doon? Eh lahat naman tayo may partner, papansin." inis na sabi ni Vivian.

"Akala mo siguro JS Prom 'to o kaya flirting games. Tanga, hindi kalandian pinapairal dito. Strategic skills at team work, 'yun ang kailangan." saad naman ni Amara.

"Sa akin, ayos lang kahit sino i-partner sa akin. Kahit nga ako na lang mag-isa eh." wika naman ni Giovanni.

"Ayoko kayong maging partner, si Sky lang an gusto ko." Pagtataray ni Zoe.

"Sino bang may sabi na gusto ka naming ka-partner? Sige, kami na lang ni Giovanni ang magiging partners." Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at lumapit kay Giovanni. "Partner tayo Giovanni," ani ko.

"Sure ka ba?" tanong naman nito, bakas sa kanya ang pagkagulat.

"Oo naman," ngumiti ako ganon din siya

"Salamat," anito sabay apir sa akin.

"O tapos ano na ang plano?" siyang lingon ko sa nakatitig sa aking si Sky.

"Ano na Sky?" si Noel ang nagtanong.

"A-Ang sabi kasi," tumikhim siya bago pinagpatuloy ang pagsasalita. "Ikinalat nila ang mga flag, 5 grupo lang ang posibleng maka-apak sa next round. Sa laki ng resort, kailangan natin na maghiwa-hiwalay. And make sure na makukuha natin ang limang asul na flag." paliwanag pa niya.

"Okay! Simula na natin, tara na Enrique! Kuhanin na natin ang lahat ng flags!" masiglang sabi ni Vivian.

"Let's go team!" sigaw naman ni Courtney.

"Galingan natin Athena," masayang ngumiti si Giovanni.

"Gagaling din natin Sky, we won't lose. What Zoe wants, Zoe gets." mayabang na sabi ni Zoe at talaga namang tumapat pa sa akin.

"Ipapaalala ko lang na team tayo," mahiksing sabi ni Enrique na ikitawa naming lahat.

"Ayan, ayan, yabang pa. Na-critical damage ka tuloy." wika ni Vivian.

Naghiwa-hiwalay na kami matapos namin na amrinig ang gong na hudyat na kailangan na naming magsimula sa paghahanap ng mga flags para sa unang activity namin. Bago kami naghiwa-hiwalay napansin ko ang kakaibang emosyon ni Sky, halata ko na wala pa man na ginagawa si Giovanni ay nagsisimula nang magselos si Sky.

Wala naman akong magagawa, umiiwas lang ako sa gulo dahil may maldita kami na kagrupo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro