CHAPTER 31

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ATHENA

Nagsimula na kami ni Giovanni na maghanap ng mga flags na part ng activity namin. Hindi kami naghihiwalay ni Giovanni, although hindi kami masyadong nag-uusap ay sigurado akong nagkakaintindihan kami.

"Flags! Flags!" masayang sigaw ni Giovanni nang makakuha kami ng dalawang watawat na kulay asul sa parang kweba na pinasukan namin. "Nakadalawa na tayo!" anito at bigla akong yinakap. "Sorry, naexcite lang ako." sabi pa niya.

"No it's okay, h'wag kang mag-sorry." wika ko.

"Pasensya na ha, kung feeling close ako sa inyo. Wala kasi akong kaibigan eh and you guys seems so nice kaya nakiki-fit in ako." ani Giovanni saka naupo sa may malaking bato.

"Feeling close? Parang hindi naman, don't worry mababait kami. Ewan ko lang kay Zoe," sabay kaming natawa sa nasabi ko.

"Si Enrique, mabait ba siya?" tanong nito.

"Si Quen? Oo…" wala sa sariling saad ko.

Tumango-tango siya, "Ang gwapo niya din at matalino pa. Senior niya ako pero mas mataas pa ang gwa niya kaysa sakin. Galing siya sa mayamang pamilya,"

Anong meron? Bakit niya itina-topic si Enrique.

"Athena, okay lang ba na magkwentuhan tayo?" tanong niya, "upo ka dito," tinapik nya ang isa pang bato na katabi ng batong inuupuan niya. 

Umupo naman ako sa tabi niya at hinanda ang sarili ko para makinig sa kwento niya.

"Alam mo ba na matagal na akong humahanga kay Enrique? Don't get me wrong, hindi ako bisexual, hindi din ako gay. Humahanga ako sa kanya kasi kahit wala pa siyang ginagawa, kilig na kilig na agad at hangang-hanga na agad sa kanya ang mga babae. Lalong lalo na ang babaeng gusto ko," sasanaysay niya.

Wait, babaeng gusto? Hindi kaya si Amara ang tinutukoy niya? Si Amara lang naman ang kilala ko na may gusto kay Enrique.

"Matagal ko na siyang gusto, first day of school pa lang. Siya nga ang dahilan kung bakit ako nag-aral sa St. Magdalene kahit di naman dapat. Gusto kong mag-doctor but because of Amara eto ako nasa College of Education." pagpapatuloy niya.

Patuloy lang ako na nakinig sa mga kwento ni Giovanni tungkol sa paghanga at nararamdaman niya para kay Amara. Matagal na pala ito ang kaso dahil nga mahal ni Amara si Enrique hindi niya masabi.

"Pasensya ka na Athena ah, wala akong mapagsabihan eh. Saka wala din naman akong masyadong kaibigan,"

"Ano ka ba? Wala 'yon, we're friends. And I promise to keep you secrets no matter what." pahayag ko.

"Thank you Athena, tara na siguro bumalik na tayo. Baka hinahanap na nila tayo," aya ni Giovanni, tumayo siya mula sa bato na kinauupuan niya. Tumango lang ako at sinundan na siya sa pag-alis ng cave.

Sa paglabas namin ng cave napamulagat ako nang makita namin sina Zoe at Sky na may ginagawang kung ano man sa labas ng cave.
Nakasandal si Sky sa mga batuhang na parang pader habang si Zoe naman ay hinahalikan siya, pareho silang nakapikit at animoy ninanamnam ang labi ng isa't isa.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, sinubukan kong kalmahin ang sarili ko aa mga oras na 'yon habang pinanonood ang dalawang taong tila mga ibong nagtutukaan.

"I hope makatulong," bulong ni Giovanni saka tinakpan ang mga mata ko gamit ang mga kamay niya.

Naramdaman ko ang maiinit na likido na nagpapahapdi sa mga mata ko at ngayon ay tinatahak ang mga pisngi ko. Patuloy sila sa pagragasa na animo'y ulan mula sa kalangitan.

"Woah!" isang pamilyar na tinig ang nadinig ko, kasunod noon ay mga yabag ng mga paa.

"Shit…"

"Sky, what did you just do?"

"Guys, Athena.."

Lakas loob kong tinanggal ang mga kamay ni Giovanni na tumatakip sa mga mata ko at kumaripas ng takbo papalayo sa lugar na 'yon.

"Athena wait!"

"H'wag mo na siyang sundan!"

'yung ganitong pakiramdam, ang isa sa mga pakiramdam na ayokong maramdaman.

VIVIAN

Matapos namin makakuha ng isang flag ni Noel sa may mini-forest ay nagdecide kami na maglibot-libot dahil may isadg oras pang nalalabi bago matapos ang unang activity.

"Ano by? Bilib ka na ba sakin? Ako ang nakahanap ng flag natin," pagyayabang ng boyfriend ko habang kami ay naglalakad.

"Gusto mo iwanan kita dito? Dami mong say, ako kaya ang nakahanap niyan, ikaw lang ang nag-abot kasi nasa mataas." inis na sabi ko, pikonin ako bat ba?

"Luh di porket mahal kita pagbibigyan na kita, teka---" Napahinto kami sa paglalakad matapos namin na masaksihan sina Sky at Zoe na naghahalikan sa may cave.

Nandoon din sina Giovanni na tinatakpan ang mga mata ng umiiyak na si Athena,sa likod nil ay kararating lang din na grupo nina Courtney, Troy, Amara at Enrique.

"Shit…" ang unang lumbas mula sa bibig ko.

"Sky, what did you just do?" tanong ni Troy, bakas sa kanya ang halong gukat at pagka-inis

"Guys, Athena.." sambit ni Sky matapos nilang maghiwalay mula sa paghahalikan ni Zoe, bakas din sa kanya na nagulat siya.

Akma sana akong lalapit kay Athena ngunit hindi ko naituloy nang bigla siyang tumakbo papaalis ng cave.

"Athena wait!" sigaw ni Sky, akma niyang hahabulin si Athena pero hinarang siya at yinakap ng malanding Zoe.

"H'wag mo na siyang sundan!" anito at ibinaon ang panget na pagmumuka sa likuran ni Sky.

"Enrique!" sigaw ni Amara matapos tumakbo ni Enrique, for sure susundan niya si Athena.

"Napakagaling naman Zoe," pang-bubuyo ko habang pumapalakpak. "Ano feeling ibon ka na tumutuka ng prutas?"

"Vivian enough," pagsaway sa akin ni Noel.

"What? Bulag ba kayo? Parang hindi ninyo naman nakita 'yung nangyari. At parang hindi din ninyo alam kung bakit tayo andito, Amara, Courtney. It is because of Zoe and her  fucking alipores.Tapos ang galing pa niya gumawa ng fcking eksena na ganito."

"No! It's not my fault at all."

"Oh shut up Zoe," napa-iling-iling na lang ako habang pinagkukrus ang braso ko.

"Kung ako sa'yo Sky, lalayuan ko si Zoe. At kung ako naman sa'yo Zoe, lalayuan ko si Sky. Ex ka na, wala ka nang karapatan." si Courtney ang nagsalita.

"I'm still Sky's girlfriend hindi ako puma--Sky what are you doing?" reklamo ni Zoe matapos marahas na tanggalin ni Sky ang pagkakayakap ni Zoe kanya.

Hindi ako maldita or what, gusto ko lang talaga makitang nahihirapan ang main reason kung bakit nandirito kami. Way of revenge na din.

"I'm going to find Athena,"

"What? Athena again? Sky ayaw niya sa'yo." pag-iinarte nitong Zoeshit na'to.

"Tanga ka, ikaw lang ang nag-iisip no'n. Kasi akala mo makukuha mo pa si Sky sa malanding paraan,"

"Shut up Vivian! Hindi ko kailangan ng opinyon mo."  inis na sabi ni Zoe.

"Guys chill, isang team tayo dito. Hindi dapat tayo nag-aaway. si Giovanni pumagitna sa amin ni Zoe. "Sky, if you need to fix things out fix it now. I can tell you na sobrang nasaktan si Athena. And bro, if you want to be committed kay Athena don't make things na makakasira sa inyong dalawa."

"Ako ang girlfriend niya!" sigaw ni Zoe.

Wait lang, di talaga ako makapaniwala na may nag-eexist na ganitong tao. Really? How desperate?

"Pigilan ninyo ko sasapakin ko talaga 'tong babae na 'to," pahayag ko ng pagbabanta.

"Baby tama na," pag-aawat ni Noel hinawakan na niya ang kamay ko. "H'wag ka na makisali "

"Mabuti pa bumalik na kayo sa grounds, ako na ang maghahanap at magbabalik kina Athena at Enrique. Saka ninyo na pag-usapan at ayusin ang dapat ninyong ayusin Sky. Mataas ang pride ni Athena, I knew her. Kakausapin ko muna siya,"  Si Troy naman ang nagsalita.

"Tingin mo makikinig siya sa'yo?" tanong ni Courtney.

"Kilalang-kilala ko si Athena, maaaring galit siya sa akin pero hinding hindi niya matitiis na hindi ako kausapin." humalik siya sa noo ni Courtney, "Vivian, Amara, kayo na muna ang bahala kay Courtney." anito at sinabayan ng alis.

Kami na mga  naiwan ay mistulang nag-papakiramdaman sa kung sino ang unang mag-sasalita kaya naman inunahan ko na at iniba ang topic.

"Ilan na ba ang flags na nahanap nyo?" tanong ko sa kanila.

"Nakakuha kami ni Troy ng isa," sagot ni Courtney at itinaas ang flag na hawak niya.

"Same, may nakuha din kaming isa." si Amara naman ang sumagot.

"May nakuha din kami ni Athena na dalawang flag," proud na sabi ni Giovanni.

"Hala true? Dalawa agad ang nakuha ninyo? Tas samantalang kami tag-iisa lang. Galing naman ninyo," pamumuri naman ni Courtney.

"Magaling na leader si Athena, siya ang nakakuha ng dalawang 'yan. Buti na lang siya ang partner ko." proud at ngiting-ngiting sabi ni Giovani.

"Nakakuha lang ng dalawang flags, magaling na agad? Pathetic." mayabang na sabi ni Zoe.

"O e bakit? Ilang flags ba ang nakuha ninyo ni Sky?" mapang hamo kong tanong.

"Wala…" sagot niya na para bang napahiya.

Nagkatinginan kami nila Amara at sabay-sabay na tinawanan si Zoe.

"Puro yabang wala naman palang nakuhang flags, tara na nga girls. Medyo naaalibadbaran ako sa view dito." saad ko habang natatawa pa din.

"Anong medyo? Nakaka-alibadbad talaga." mahinang sabi ni Courtney na hindi nakaligtas sa pandinig ko. 

Sabi sa inyo marunong mag-maldita si Courtney eh.

Iniwanan namin si Zoe na mag-isa, magkakasama kami nila Giovanni na umalis. Pati si Sky na binitbit ni Noel para lang maiwasan si Zoe.

Inaamin ko nakaramdam ako ng kaunting inis kay Sky, kasi naman kung committed na siya kay Athena 'di na dapat siya nakikipag chukchakan kay Zoe. Iyon lang naman ay opinion ko, ganon kasi si Noel eh. Kahit loloko-loko eh mahal na mahal ako ng Nomer Elmo Angeles na 'yon.

ZOE

They really unto that Athena girl that makes me feel more annoyed. What's special with that girl ba? She's just nothing, she doesn't have anything to prove herself.

"Hey Z, what's the matter? Seems like pinagbagsakan ka ng langit at lupa sa ayos mo." Barbie asked, we're here sitting on a cottage.

"Yea right, let me guess is that because of that Athena girl?" that's Kelly.

"What's new? Bukod sa triplets, siya lang naman ang major antagonist sa buhay ni Zoe." And that's Samantha.

"So, do you wanna had your revenge? We're ready naman, habang wala siyang kasama." Barbie said.

"Nasaan siya?" I asked after sipping my buko juice.

Barbie used her lips to point out the lonely Athena. The poor little bitch is sitting beside the pool area.

"I can't wait to make her life a living hell," I smiled joyfully on my friends, they do the same naman.

"I found a place kung saan natin pwedeng ikukong ng wakang nakakakita kay Athena." Kelly said,

"What do u mean? What's your plan?" I asked.

"Our plan, Zoe, our plan."

They spilled the tea na nag-palaki sa ngiti ko. That's a very great idea..

ATHENA

After nang nangyari kanina, I don't think na kaya kong harapin si Sky. Bigla kasi akong napa-isip, he told me that he love me pero bakit hinahayaan niya pa din si Zoe na makipag-flirt sa kanya.

Hindi ko ma-gets, sobrang gulo niya. I don't have a trust issues pero baka magkaroon na ako dahil sa ginawa nila. Pinalampas ko na nga yung nangyari noon sa bahay eh, that day when Zoe came.

"Hey Athena, bakit nag-iisa ka?" tanong ng kararating lang na si Kelly. "Where is your friends? Iniwanan ka ba nila?" tumabi ito sa akin.

Hindi ko alam kung karapat-dapat ko bang sagutin ang tinatanong niya, Kelly looks like harmless naman. At nagtatanong lang nan siya, wala naman siyang ginagawa.

"Uhm, gusto ko kasing mapag-isa. Ayoko muna ng kausap," siyang sagot ko.

"Ganun ba? Pasensya na ha, ako din eh gusto ko din mapag-isa, nasusuka na kasi ako sa mga shenanigans ni Zoe. Nabalitaan ko na nakita ko daw sila ni Sky na nagP-PDA tapos nagwalk out siya. Like, the nerve proud pa siya---"

Patuloy lang sa pagkukwento si Kelly kung gaano siya naiinis sa ugali ni Zoe, ako nanman ay nakikinig lang dahil ramdam ko ang inis at galit na hindi niya mailabas kasi nga natatakof daw siya na baka one day mapatalsik na lang siya aa school.

Reallt Athena? Naniniwala ka sa tao na 'yan? Paano kung plano nila 'yan? Mag-isip ka nga, sinasabi ko sa'yo pag tayo napahamak hindi talaga kita mapapatawad.

"Uhm by the way Athena, pwede mo ba akong samahan? Nagugutom na kasi ako, don't worry my treat. Nagke-crave lang kasi ako sa mango soda, and nakakita ako ng vending machine sa may likod ng pasalubong house, samahan mo naman ako."

"H-Huh? A-Ahm… A-Ano kasi…"

"Nagda-doubt ka ba sa akin bessy? Nadinig mo naman na nag-rant ako sa'yo about kay Zoe. We share the same feelings toward her, naiinis ka kay Zoe kagaya ko."

"P-Pero kasi…"

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita hinigit niya ang kamay ko at isinama ako papaalis ng pool are at papunta sa sinasabi niyang vending machine kung saan siya nakakita ng mango soda.

Mango soda? Meron ba no'n sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nadinig ang pangalan ng inomin na 'yon.

"Teka Kelly, hindi naman 'to papunta sa pasalubong house ah." wika ko nang mapansin ko na imbis na lumiko kami ay dumiretsyo kami sa paglalakad.

Hindi sumagot si Kelly, nakaramdam na ako ng kakaibang kaba. Kaba na tila ba sa sandaking oras lang may kahaharapin akong kapahamakan.

Lalo pa itong tumindi noong hindi sagutin ni Kelly ang tanong ko bagkua ay humigpit lang ang pagkakahawak niya sa braao ko.

Papunta sa hallway ng assembly hall ang ruta na dinaanan namin. Bawat ruta na dinadaanan namin ay tila ba dumidilim.

Nagsimula nang kumabog ang dibdib ko at sumikip ang paghinga ko. Sinusubukan ko na makawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Kelly sa kamay ko.

"Kung ako sa'yo hindi na ako magtatangka pang tumakas." matigas na sabi ni Kelly.

"Ano bang sinasabi mo? Ano bang balak mo?" tanong ko habang sinusubukan pa din na kumawala.

"Bakit ko naman sasabihin sayo? Hindi ako kasing tanga mo, Athena. Magtiwala daw ba sa akin." Tumawa siya na animo'y baliw.

Minsan mukhang kailangan kong pakinggan si Ava…

Dinala ako ni Kelly sa isang parang bodega, doon ay nakita ko ang tatlo pang babae na sina Zoe, Samantha, at Barbie.

"Oh great!" masayang sabi ni Zoe nang makita niya ako.

"Magaling talaga, hindi pa kinakalawnag ang acting skills mo Kelly." pamumuri pa ni Samantha.

"Ahh!" impit kong sigaw matapos akong ihagis nu Kelly sa sahig.

"So, what are we gonna do now?" tanong  ni Samantha.

"Oh! Ako na sa buhok!!"

Hindi ko na maalala kung gaano karamung sampal, kalmot at sabunut ang napala ko sa tatlong bruha na bumubugbug sa akin.

Hindi ko alam kung bakit tila nawalan ako ng kakayahan lumaban at gumanti. Nakakapagtaka na tila nawala ang tapang ko at ang lakas ng katawan ko na makipagsuntukan o gumanti.

Lupaypay ang katawan ko na bumagsak sa sahig. Hinang-hina ako at di ko na maramdaman ang sarili ko.

"Final blow," naramdaman ko ang paghila ng mga kamay nila sa akin.

Tunog ng pagbukas ng pinto ang tila nagpabukas sa isipan ko. Ipinasok nila ako sa isang maliit na espasyo.

"Bye bye loser!" may ngiting isinara ni Zoe ang pintuan.

"Zoe! Zoe! H'wag ninyo akong iwanan dito! Zoe! Zoe please! Zoe!" sigaw ko habang kinakalabog ang parang  pintuan.

Madilim, masikip, at mahirap huminga 'yon ang nararamdaman ko habang nakakulong sa  loob ng lugar na iyon

"Tulong! May nakakarinig ba sakin? Pakiusap tulungan ninyo ako!"

Patuloy ako sa pagsigaw hanggang sa maramdaman ko ang pagbigat ng mga mata ko at pagtigil ng pagtibok ng puao ko. Hinang hina ako att nanginginig, wala na din akong naaaninag naiwanag.
--
"Sasha wag mo nang gawin 'yan," pigil ko kay Asiana.

"Masaya 'to Athena mageenjoy ka," sagot naman ni  Asianna.

"Nakakatakot kaya 'yan, nakita ko yung sa tv, sa mga closet daw lumalabas ang mga mumu."

"Hindi naman 'yun totoo, pumasok ka na diyan. Dali na!"

"Ayoko nga Sasha!!!!"

Bata pa ako, mahina ang katawan ko kung ikukumpara kay Asiana, matangkad pa siya kaya madali para sa kanya ang maipasok ako sa loob ng cabinet.

Gusto niya na gulatin ko si Troy, kaya itinago niya ako sa closet at unti-unti akong lalabas pag nadinig ko na ang yabag ni Troy.

"Asiana andyan si Lyka, hinahanap ka." nadinig kong sigaw ni Tita Clara mula sa labas ng kwarto.

"Athena dito ka lang pupuntahan ko lang si Lyka saglit,"

"Asiana h'wag mo kong iwan dito!" sigaw ko, hindi aiya sumagot nadinig ko na lan na parang kumandado ang pintuan. "Asiana! Tulong! Tulongan ninyo ako! Asiana!!"

Ilang minuto akong nagsisisigaw sa loob ng mainit, masikip at madilim na cabinet. Walang nakakadingi sa akin, walang pumupunta para tulongan ako. Hanggang sa tuloyan nang manlabo ang paningin ko."
--
VIVIAN

Kaming lahat ay napatigil sa pagtapos sa second activity nang magsalita ang Head Security ng resort.

Isang babae daw na nakasuot ng uniform ng St. Magdalene ang nakita sa loob ng lagayan ng mga mop at pang-linis ng janitor,na walang malay . Lahat kami ay nagkatingininan, alam kong iisa ang nasa isipan namin. Alam ko na si Athena na kanina pa nawawala ng bandang 2:30 ang babaeng tinutukoy ng head chief.

Pinabalik sa mga kwarto ang lahat ng mg estudyante na taga ibang school at pinaiwanan kami sa activity area.Ipinatawag naman ang dalawang guro na kasama namin para makita ang sinasabing babae  na nasa infirmary na.

"Hindi ba't sinundan mo si Athena?" siyang tanong ko kay Enrique.

"I do, but I couldn't find her." bakas ang pag-aalala sa mukha ni Enrique.

"Ako din, hindi ko siya nakita. Dalawang beses naming sinuyod ni Enrique ang buong resort." sagot naman ni Troy na nag-aalala na din. "Hindi ko alam kung paano siya napunta doon pero fck! may trauma sya sa masisikip na lugar. Pagbabayarin ko ang sino mang tanginang gumawa non!"

"Troy, kumalma ka." saad ni Noel.

"How could I calm down? She's fcking unconscious." May diin ang bawat salitang binibigkas ni Troy.

Here comes the beast.

"Bandang 2:30 nawala si Athena, 4:30 na ngayon. Almost two hours na syang nawawala…" wika ni Gavin."Wala man lang nag-alala or what kasi lahat tayo busy."

"Ang ipinagtataka ko ngayon, paano mapupunta si Athena sa lugar na 'yon?" siyang tanong ni Sky.

Luminga-linga ako sa paligid, mukhang alam ko na kung sino ang salarin sa nangyari kay Athena.

Lahat sila ay ngiting aso,wala silang pakielam at nagagawa pang magsaya habang ang lahat ay nag-aalala.

"Viv," si Amara, tumayo siya at itinigil ang pagbuo ng puzzle. Napatingin din siya sa direksyon nila Zoe.

"Sinadya talaga nila na nag-iisa si Athena," inis kong binagsak sa sahig ang hawak kong mga piraso  ng puzzle.

"Mr. Melendez!" wika ng kararating lang na si Ma'am Joymie. "Ikaw ang tumatayong guardian ni Ms. Aragon 'di ba?"

"Yes Ma'am," sagot naman ni Troy.

"Come with us, Athena needs you." ani Ma'am Joymie.

"Sasama po ako,please Ma'am Joy" si Sky na nagpupumilit sumama.

"Hindi po pwede Mr. Yu, tanging guardian niya lang po ang pupwedeng sumama. Magbibigay na lang po kami ng notice kapag pwede ninyo na siya puntahan probably bukas po. Let's go Mr. Melendez," ani Ma'am Joymie at sabay sila na lumabas ni Troy sa activity area.

Nang makaalis sila ay tinyempohan ko na para gantihan sina Zoe. Agad kong sinugod ang direksyon nila.

"Hoy Zoe!" sigaw ko sabay sipa sa puzzle na ginagawa nila. "Kulang ka talaga sa pansin ano? Hindi ka talaga titigil?"

"Baby, ano ba 'yan? Tara nga dito," sinubukan akong hilahin ni Noel pabalik sa area namin pero di ako naglatinag.

"Tangin* ka Zoe Rosell! Wala kang awa!" sigaw ko kay Zoe, tinawanan niya lang ako na parang lalo akong iniinis.

"Ano bang sinasabi mo?" patay malisya nitong sagot.

"H'wag kang mag maang-maangan, hindi uubra 'yan sa akin." inis na sabi ko saka ko muling sinipa ang puzzle ng grupo nila.

"Wag kang bintangera," si Barbie ang sumagot.

"Isa ka pa taong butiki, kayong apat. Kayo lang naman ang gagawa nang ganun. Wag ninyo na i-deny."

"Oo nga, bakit ba galit na galit ka kay Athena? Dahil ba si Sky? Gusto mo si Sky? Sa'yo na! Isaksak mo sa baga mo."

Lahat kami ay nagulat nang magsalita ang kanina'y tatahi-tahimik lang at busy sa pagbuo ng blocks na si Courtney. Tumayo pa ito mula sa kinauupan at lumapit kay Sky na nakasalampak sa sahig.

"Ayan!" ani Courtney at itinulak si Sky sa area nila Zoe. "Magsama kayong dalawa,"

"Court tama na," pag-awat ni Enrique kay Courtney. "Let's go outside," ani pa ni Enrique at hinigit ang kamay ni Courtney papalabas ng activity area.

I looked at Zoe, there's a smug look on her face.

"What?"

"I'll make sure na mae-expell ka, ikaw pati na ang mga alaga mong aso." dinuro-duro ko sila saka ko sinabayan ng walk-out. Sumunod din sa akin si Noel pati na si Amara

Nang makalabas kami sa activity area ay agad akong yinakap ni Noel. Doon na bumuhos ang kaninang luha na pinipigilan ko dahil sa inis.

"Nalingat lang tayo saglit, tapos ganito na. Sana pala kanina, ako na lang ang naging partner ni Athena,"

Nakaramdam ako ng pag-kadismaya sa sarili, naiinis ako kay Zoe pero mas naiinis ako sa sarili ko. Gusto kong protektahan si Athena, gusto kong makabawi dahil sa pagliligtas niya sa akin.

Kung hindi siya dumating ay baka tuluyan na akong na-rape ni Ivan. Ngayong siya naman ang nangangailangan, hindi ko man lang siya natulungan.

"H-Hindi ko man lang siya natulungan Noel, wala akong kwentang kaibigan," wala akong magawa kungdi umiyak na lang sa bisig ng boyfriend ko.

"Vivian, hindi natin alam. Walang nakaka-alam na may ganitong mangyayari, kung alam lang natin edi sana napigilan na natin. Edi sana hindi 'to nangyari kay Athena." wika naman ni Amara.

"Tama si Amara baby, kaya tumahan ka na." pagpapakalma sa akin ni  Noel.

"Sana naman may cctv ang buong area para naman malaman natin kung sino ang gumawa noon kay Athena, kasi impossible naman na siya lang ang gagawa noon sa sarili niya," wika ni Amara.

"Ako na ang bahalang mag-asikaso noon," sabi ng kararating lang na si Sky.

"Aba dapat lang! Tangin* ka isa ka sa major reason bat nagkaka-ganyan ex mo eh!"  angil ni Amara.

"Guys, I'm really sorry. Kinausap ko na si Zoe about this. Hindi na siya muling makakalapit pa kay Athena, sisiguradohin ka iyon." sinserong sabi ni Sky.

"Aba dapat lang! Sinasabi ko sa'yo Sky, 'yang maamong mukha ni Zoe. Mapapalitan 'yan ng mukha ng aso, gigilin niya pa ako." muling angil ni Amara.

Nanatili ako sa bisig ni Noel habang nakabaon ang mukha ko sa dibdib niya. Ayokong makita ang pagmumukha ni Sky, baka doblehin ko ang ginawa ni Courtney sa kanya kanina.

Mabait si Sky, maaasahan na kaibigan. Kung kabutihan ang pag-uusapan, pasok na pasok siya, mabuting tao siya. Ang kaso lang sa sobrang bait niya hondi niya kayang iwasan man lang ang obsess na ex niya.

TROY

Nang malaman kong may nangyaring di inaasahan kay Athena, awtomatikong nabuksan ang halimaw sa loob ko. Inaamin ko na masamang tao ako dahil sa pag-aasam ko sa pera nila, ngunit hindi rin maaalis sa akin ang pagiging maawain lalo na pag dating kay Athena.

Isa sa mga kahinaan ko, bukod kay Courtney ay ang malagay si Athena sa kapahamakan. Alam kong wala akong kasalanan sa nangyari sa kanya, hindi ko lang maiwasan na sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari sa kaniya.

"Nang nakita siya ng maontenance personel ng resort kanina, ang sabi mabigat ang paghinga niya. Puro pasa at galos din siya, nagkaroon siya ng panic attack habang nasa loob ng maliit na storage room. Ang kaso yung mga galos at kalmot na nasa katawan niya, ibang tao ang gumawa noon," paliwanag ng nurse.

Isang tao lang naman ang nasa isip ko na gagawa ng ganyan, si Zoe. Ang nakapagtataka, kayang kaya ni Athena na balyahin siya pero bakit ganito.

"Here we go again," bulong ko nang iwanan na kami ng mga nurse na mula sa kabilang school matapos niyang ipaliwanag ang nangyari kay Athena. Hinaplos ko ang pisngi niya, si Athena naman ay mahimbing na natutulog.

Bakas sa mukha niya ang labis na takot, napansin ko din ang sinasabing mga kalmot sa brason ni Athena.

"Alam mong 'di ko kayang gumanti, lalo't babae si Zoe. Hindi ko alam kung paano siya sasaktan, babae pa din siya. Kung lalaki ang gumawa nito sa'yo, pinaglalamayan na siya ngayon pero kasi babae si Zoe, kaya ngayon nag-iisip ako kung paano." Umupo ako sa monoblock na katabi ng higaan ni Athena, nag-cause siguro 'yun ng ingay kaya naman ay nagising siya.

"T-Troy…" aniya nang imulat niya ang mga mata niya, nangingilid ang mga luha at nanginginig si Athena." Natatakot ako, kumapit siya sa kamay ko nang napakahigpit. "Natatakot ako, natatakot ako," paulit-ulit niyang sabi.

Lumalambot ang halimaw na nasa puso ko kapag nakikita kong nagkakaganito si Athena.

"Shhh…" I mumbles and hug her. "Don't worry, everything will be fine. Don't worry okay?"

"N-Natatakot ako," paulit-ulit niyanga banggit.

"Ayos lang 'yan, matapang ka Yna diba? Sobrang tapang mo. Ayos lang 'yan, you just need to contain your self." aniko habang hinahaplos ang likuran niya.

May ilang minuto din siyang nakayakap aa akin habang umiiyak hanggang sa naramdaman ko na tumigil na siya, nakatulog si Athena.

"Mabuti na rin ito, nang makapagpahinga ka." marahan kong inihiga si Athena sa kama at inayos ang posisyon niya.

"Troy," liningon ko ang pamilyar na boses ng lalaki sa nay pintuan. "Ayos na ba siya?"

"Ayos lang siya, traumatic lang talaga ang nangyari aa kanya." sagot ko.

"What do you mean?"

"Possible na natrigger ang trauma ni Athena nang makuling ulit siya for the third fuckng time. At dahil 'yon sa kagagawan ng Zoe na 'yan. Pakikiusapan ko bukas ang head ng school para maialis si Athena dito, kung alam ko lang na mangyayari 'to. Hindi ko na sana siya hinayaan na mag-aral sa St. Magdalene. Ilayo mo 'yan girlfri--"

"Ex-girlfriend,"

"Wala akong pakielam basta ilayo mo siya sa paningin ni Athena. Alam mo ang mga kaya kong gawin, Sky. Kapag napuno ako sa kanya, baka siya ang unang babae na mapatay ko."

ASIANNA

Naisipan kong dumalaw kasama ang Mama sa bahay ng mga Yu. Kahapon kasi ay lumabas na mula sa ospital ang Tito Enzo kaya naman sa mansion ng mga Yu kami pupunta ngayon.

"Kamusta na po Tito?" tanong ko nang maiwan kami ni tito sa garden area.

"Ayos naman Sasha, kailangan lang magpagaling at magpahinga pa." sagot naman ni Tito na may ngiti sa labi. "Mabuti na nga lang at may mga Yu na kumupkup sa amin ng pamilya ko."

"Malaki nga po ang pasasalamat ko sa kanila kasi po naging mabuti po sila kay Athena," wika ko naman.

"Kaya nga e, panatag ako na mabuting tao ang mapapangasawa ng anak ko. Mabuti din ang pamilya na tatanggap sa kanya. Siya nga pala Asianna, uutosan kita saglit pwede ba?" siyang tanong ni Tito.

"Oo naman po, ano po iyon?"

"Pwede ba na mautusan kita na gawan ako ng juice? Orange juice sana." pakiusap ni Tito.

"Syempre naman po, huhulaan ko po Tito. Nami-miss mo na po ang own- recipw ng fresh juice  ni Athena ano?" biro ko pa, tumawa lang si Tito. "Sige po, gagawan ko na po kayo ng juice."

Dagli akong naglakad papunta sa loob ng bahay ngunit napatigil ako nang may nadinig akong nag-uusap.

"Hindi natuloy ang plano ni Troy na mapa-amo si Athena, mabuti na nga lang ay may  Sky pa." si Edison Yun ang nagsalita. "Mabuti na lang at gumana ang plano natin na maglapit silang dalawa. Kungdi pare-parehi tayong nga-nga "

"At ang maganda pa diyan, hindi na mahihirapan si Sky na mapa-amo ang anak ng Aragon. Ang kailangan na lang ay mabuntis o di kaya naman ay maipakasal sa lalong madaling panahon ang anak natin at si Athena. With that magiging madali na para sa atin na makuha ang Dragon Empire, ang Aragon corporation, at pati na ang mamamana ni Athena sa angkan ng Mama niya. Sa mga Mercado," si Loreen Yu naman ang sumagot.

Anong sinasabi nila? Hindi kaya..

"Kasabwat din sila ng mga Melendez."

Nagsimula nang kumabayo ang dibdib ko nang dahil sa nadinig ko. Muli ko pang pinakinggan ang usapan nila.

"Palpak ang plano ni Troy, mabuti na lang matalino ang Lolo niya."

"At matalino din tayo Edison, dahil may anak tayo na pain natin para maging maayos ang lahat. Lagot talaga 'yang Troy na 'yan kapag nagkita kami."

"Kumalma ka Loreen, hayaan mo na. Wala namang alam si Troy sa tunay na plano ng lolo niya. Palabas lang naman ang may Troy, para si Troy ang lumabas na masama. Para si Troy ang kamuhian ni Athena."

Shit.

Hindi ako makapaniwala sa mga nadidinig ko. Agad kong kinuha ang telepono ko para tawagan si Athena pero hindi siya sumasagot ganon din si Troy. Kaya naman si Stella, ang isa aa nga kaibigan namin ni Athena ang nasabihan ko.Atleast dalawa kami na makakapag sabi kay Athena at sa pamilya niya.

"Totoo ba ang sinasabi mo?" hindi siya makapaniwala.

"Oo Stella, heto pa pakinggan mo." Ini loudspeaker ko ang telepono para marinig ni Stella ang mga susunod pang usapan ng mag-asawang Yu.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro