CHAPTER 32

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


CHAPTER 32

AMARA

Maaga kaming nagising dahil sa nakaka-alarmang wake-up call. Binigyan din kami ng tig-5 minutes na ligo at ayos. Nang naka-ayos na kami ay ipinatawag by school sa assembly hall.

"Ayos na kaya si Athena? Kagabi sana ang first night natin na sabay-sabay matulog kaso may epal." ani ko pagka-upo ko sa grounds.

"Hopefully," mahiksing sagot ni Courtney. "Nandoon naman si Troy, 'di siya pababayaan non." 

"Speaking of Troy, nasaan na nga pala yung mga boys natin?" tanong ko at pagka ay luminga-linga. Walang bakas ni Enrique, wala ding Sky, walang Noel at walang Giovanni. 

"Baka nasa villa pa nila, tingin mo Viv?" tanong ni Courtney kay Vivian. 

"Tara puntahan na lang natin, baka hindi pa gising yung mga 'yon." aya ni Vivian, tumayo ito at hinila ang braso namin ni Courtney. 

Mahaba-habang lakaran na sinabayan pa namin ng jogging habang tinatahak namin ang landas papunta sa villa na tinutuluyan nila Enrique. 

Miss ko na agad bebe Enrique ko, ang dami kasing nagkalat na epal dito. Hindi tuloy kami makapag-bonding ng ayos. 

Sa paglalakad namin ay nakasalubong namin si Giovanni kasama sina Renz at Xyron. 

"Hi girls!" bati nito, "Saan punta ninyo?" 

"Susunduin namin sina Noel, late na kaya kayo," si Vivian ang sumagot.

"Hindi kasi umabot yung wake-up call sa villa namin, kaya lang naman kami nagmadali kasi ginising kami ni Ma'am Joy," paliwanag ni Renz.

"Sila Noel nga nasa kwarto pa nila eh," wika naman ni Xyron. 

"Kaya nga kakaladkadin na namin papuntang assembly hall," sahot ni Vivian na may halong gigil.

Kagabi pa high blood 'yan kung ako dito sa mga lalaki na 'to mauuna na ako at baka makasama pa ako sa mga kakaladkadin ni Vivian.

"Mauuna na kami sa inyo Viv, ayokong makaladkad." natatawang sabi ni Giovani. "Kita na lang tayo mamaya, bye girls!" paalam pa niya.

Ewan ko kung namalik mata lang ako pero bago siya tumakbo kasunod nila Renzo ay kumindat pa si Giovani sa akin. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin cause I have important things to do, ang sunduin ang baby Enrique ko. 

When we finally arrive on their villa, si Troy at Noel lang ang naabutan namin.

"Where's Enrique and Sky?" tanong ko agad. 

"Nakipagpalit muna ako, siya ngayon ang nagbantay kay Athena. Nagpaalam naman na kami kay Ma'am Joy." Si Troy ang sumagot.

"Himala yata na pinagkatiwalaan mo si Quen," may laman ang binitiwang salita ni Courtney kaya naman napatingin ako sa kanya. 

Huminto sa pagsisintas ng sapatos si Troy, "Subukan niya lang,"  matalim na saad ni Troy, mabagsik ang mga mata niya. 

"Si Sky naman ipinatawag to attend a meeting, lahat ng student president."

Hindi ko gets ang sinasabi nila na para bang sila lang ang nagkaka-intindihan. Hindi ko na lang pinansin, bahala sila. Ayokong obligahin ang sarili ko, kasi baka once I ask a them hindi naman nila ako sagutin. 

"Saan dito natutulog si Enrique?" dagli kong tanong.

Itinuro naman ni Noel ang  kama nasa may pader. Agad akong lumapit at umupo doon.

"Parang medyo unfair bat ganun tatlo ang kama ninyo?" ani Vivian.

"Hindi kasi kasya si Troy kung dalawa kami sa isang kama," natatawang saad ni Noel, sinamaan naman siya ng tingin ni Troy. "Bro nagsasabi lang ako ng totoo, no hard feelings."

"Ibabaon kita diyan tamo," inis na saad ni Troy. 

"So bale paano pala ang ayos ninyo?" tanong ni Courtney, umupo siya sa kamang nasa gitna. 

"Si Enrique nag-iisa dyan sa dulo, dyan naman sa gitna kami ni Sky. Tapos si Troy diyan siya nakahiga" paliwanag ni Noel habang itinuturo ang tatlong kama na magkakahilera. 

"Mga gamit ba 'to ni Enrique?" tanong ko, ang linis niya sa gamit. Lahat sorted, nakatiklop ng ayos, may baon din siyang mga moisturiser, powder, at facial cleanser.

Hindi ko napigilan ang sarili ko, agad kong kinalkal ang bag niya. Sa dami ng dala niya, isang bagay ang umagaw sa pansin ko. 

Isang itim na cardigan…

"Paano napunta kay Enrique ang cardigan ko?" tanong ko, liningon ko sila. 

I saw how Troy and Courtney exchange their gazes, it seems like may alam sila. 

"O wala akong alam diyan," itinaas ni Noel ang dalawang kamay niya sa ere. 

"Baka naman naiwan mo nung time na nag-date kayo?" saad ni Vivian. 

"No, I wasn't wearing this cardigan. Ipinahiram ko 'to kay Athena, that time na sinugod niya si Ivan. After the incident na nangyari sayo." sagot ko, lahat sila ay tinignan ko isa-isa.

I saw how Courtney's body trembled, I can fully sense na aware siya sa nangyayari. The way  she stares at Troy and the way Troy responded to her's para bang may something. 

"What's going on here? May alam ba kayo na hindi ko alam?" kalmado kong tanong. 

No one dares to answer, lahat sila parang hindi ako pinapakinggan. I understand kung maguguluhan din si Vivian gaya ko, she's unconscious that time.

"C'mon guys! Spill it now!" Nagsimula na akong makaramdam ng inis at the same time ay frustrations.

"Students, ano pang ginagawa ninyo diyan? Nagsisimula na ang activity, hurry up! Proceed now to the assembly hall."

"Yes ma'am, pasensya po." sabay na sabi namin ni Courtney. 

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. May kutob ako na meron silang alam, especially Troy and Courtney. Ang kaso, bakit parang hindi nila masabi sa akin? 

"Oh bat tahimik ka?" tanong ng kararating lang mula aa pagwo-wall climb na si Vivian. "Iniisip mo pa sin yung kanina?"

"Hindi lang ako mapalagay Viv,"

"Ame h'wag mo nang isipin 'yon, baka naman nalaglag lang ni Athena tapos si Quen ang naka-pulot ganun," anito, umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. "May Sky na si Athena, saka tignan mo naman ni hindi nga kinakausap ni Athena si Quen."

"Iba yung pakiramdam ko, naging weird lalo nung nagreact si Courtney. Alam mong hindi marunong magsinungaling ang babaeng 'yon." hindi mapalagay na sabi ko habang isinasandig ang ulo ko sa balikat niya.

"Bakit hindi mo tanongin mismo si Enrique? Kasi si Athena, alam mo na ang isasagot non. Si Enrique, bukod sa tahimik ay mailap din siya." 

"Puntahan ko kaya sila ngayon?" tanong ko.

"H'wag!" daglaing sabi ni Vivian na ipinagtaka ko.

"Bakit hindi?"

"H'wag ngayon, I mean… mahina pa si Athena. H'wag muna tayong sumabay. Saka na lang siguro.A-Ahhm.. Mauna na ako, t-tapusin ko yung… y-yung tower natin" nagmamadali itong tumayo at kumaripas ng takbo

"Ano bang meron?"

TROY 

Courtney and I were left here inside the activity area to finish our own tower that made from wooden-blocks. I can feel that after Amara find out her cardigan inside Quen's bag, naging unease and anxious siya.

"Hey sweetie, you okay?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin, imposible naman na di niya ako nadinig dahil magkalapit lang ng area na pinagagawaan namin. "Courtney, Courtney!"

Naka-ilang tawag ako sa kanya but still she doesn't answer thats why I've decided to stop my business and walks toward her.

"Hey! Kanina pa kita tinatawag. Are you okay?" 

She stop from building her group's tower. "T-Troy…" she looks at me na parang takot na takot.

"Why? Ayos ka lang ba?"  

"Masisira na ba yung friendship natin? Malalaman na ba ni Amara? Troy, natatakot ako." tears filler Courtney's eyes, hindi ko akyang makita siyang ganyan.

"No, walang masisira. Please don't cry Courtney…"

After that night na napagkamalan ko na siya si Athena, I already make-up my mind na hinding hindi ko hahayaan na masaktan si Courtney. I promise to myself nakasabay ng pagprotekta ko kay Athena ay ang pagprotekta ko sa puso ni Courtney.

Si Stella, alam niya ang nararamdaman ko para kay Courtney. Salawahan ako kung maituturing dahil sa tatlong babae sa buhay ko, si Athena, kakalimutan ko na ang masamang balak ko sa kanya. Babalik ako sa dati na Troy na tagapag-tanggol niya, si Stella naman gaganapan ko ang pagiging ama sa anak namin. At si Courtney, ipinangako sa sarili ko na hindi ko na tatakbuhan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Yinakap ko si Courtney habang siya ay umiiyak, masyadong malambot ang puso niya. Ayokong maramdaman na mag-isa siyang maiipit sa gusot ng grupo namin, masyado siyang mahalaga para sa akin.

ATHENA

Nang magising ako mula sa mahabang pagkakatulog ay mukha agad ni Enrique ang unang bumungad sa akin. Malawak ang ngiti nito at maaliwalas ang maamong mukha, malayo sa Enrique na nakilala kong tahimik at walang reaksyon.

"Good morning," bati niya.

"Enrique…" mahinang banggit ko sa pangalan niya.

"Kumain ka na para makabawi ka ng lakas, hindi ka naglunch, hindi ka din nag-dinner." 

Sinubukan ko na bumangon at umupo man lang pero nanghihina pa din ako. Mabuti na lang at nandito si Enrique at tinulungan niya ako na maka-upo. 

"Heto, kumain ka muna. Natandaan mo ba yung french toast na niluto ni lolo joe noon? Dinala ko siya dito, buti nga pinayagan ako ni Yohan na lumabas eh. Kaninang madaling araw kasi hindi ako mapakali, I'm worried about you. Mabuti na lang at kakilala ko ang manager at owner ng resort para makalabas at makabili ng mga pagkain mo, I also bought your favourite. May cake ka na kakainin mamaya," Masaya niyang kwento habang hinihiwa at nilalagyan ng syrup ang french toast.

"Hindi mo naman kailangan gawin 'to Quen, nandyan namn si Troy siya ang guardian ko." 

Iniabot niya sa akin ang platito na may lamang french toast saka siya umupo sa monoblock na nasa tabi ng bed ko. 

"Let me serve you my Queen…" muli siyang ngumiti, "Say ahh.." anito itinatapat niya ang tinidor na may nakatusok na french toast. 

"Kaya ko na…"

"Please Athena," 

Labag sa loob kong  sinunod ang gusto ni Enrique, nakakatakot ang tao na 'to baka kung ano ang gawin niya sa akin. Baka maulit na naman ang minsang pagkakamali naming dalawa kapag hindi ko sinunud ang gusto niya. 

Tahimik akong kumakain at siya naman ay abala sa pag aasikaso sa akin. 

"Mag-kwento ka naman, gusto kong madinig ang boses mo." anito habang nagbabalat ng tangerine. 

"Ano naman ang sasabihin ko?" siya namang tanong ko,

"Anything about you, your favourite color, favourite genre of music, how many children do you want to have in the future?"

Saglit akong napahinto dahil sa huling salita na sinabi niya. Pinandilatan ko siya at siya naman ay tinawanan lang ako. 

"By the way, maya-maya lang pwede na kitang ihatid sa villa ninyo. Gusto mo ba na mag-swimming? Para ma-freshen up ka, I can rent their private pool and jacuzzi just say it. Delikado kasi kung sa public pool ka maliligo. Baka mabastos ka ng mga manyak sa tabi-tabi." siyang alok niya, umiling lang ako at saka pinagpatuloy ang pagkain ng mga prutas na inihain nya sa serving tray. "Hindi ko alam kung umiiwas ka ba, or ayaw mo lang akong kausap. Athena kaya ko naman magtiis, mag hihintay ako. Gusto ko lang maging okay tayo, if naiilang ka just because sa nangyari last week. I'am sorry, hindi ko na uulitin. Gusto ko na maging okay tayo, ayoko maging awkward tayong dalawa."

"Ikaw ba kumain ka na?" 

Don't blame me, wala akong maisip na sabihin eh. 

"Hindi pa, kasi makita lang kita na… na kumakain busog na ako." sagot niya. 

"Here," iniabot ko sa kanya ang kalahati ng apple na hiniwa niya kanina. "Pasensya na naubos ko yung french toast." 

May ngiti sa labi niyang kinuha at kinagatan ang mansanas. "Thank you," aniya habang ngumunguya.

"Siya nga pala, ano na ang nangyari sa leadership training?" siyang tanong ko. 

"H'wag mo nang alalahanin 'yon, wala din naman akong pakielam sa kung ano ang nangyayari. Sumama lang naman ako dahil kasama ka," sagot niya, na malayo sa i-tinatanong ko. "Anong gusto mong gawin kay Zoe? Do you wanna take your revenge? Gusto mo ba ma-expell na sila?"

Muntik ko nang makalimutan, sila ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Bakit nga ba ako nagtiwala sa kanila?

"Wala, hayaan mo na lang sila. Ayoko na lang silang pagtuunan ng pansin." muli akong kumuha ng strawberry sa serving tray. "Buti pinayagan ka na lumabas?" 

"Well kinakapatid ko si Yohan, yung may-ari ng resort. Kinausap ko siya at sinuhulan na din." anito habang hinahawi ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko. "Nagpareserve  na din ako ng hotel room para makaligo at makapagpahinga ka na pagtapos mong kumain. Ayokong maliligo ka sa mga cubicle lang thats why even without your consent dahil alam kong tatanggihan mo, nagkusa na ako." 

"Enrique like what I've said hindi mo kailangan gawin 'to." 

"Gusto ko 'to Athena, gusto ko ang ginagawa ko. I can do and I will do everything for you," he cupped both of my cheeks as he sincerely stares on my eyes. "Ich liebe dich.(I love you)" he mumbles.

"A-Ano?" confuse kong tanong. 

"Don't mind it, kumain ka na lang. Nag-text na ako kay Courtney para dalhin  ang damit pati na ang mga hygiene kit mo. Ubusin mo na 'yan." anito habang inaalis ang mga kamay niya sa pisngi ko. 

"Thank you for this, sa lahat…" 

"I dont wanna hear your thank yous," 

Pinapasalamatan na nga ayaw pa, ano ba ang gusto niyang madinig?

Umiling-iling ako at pinagpatuloy ang pagkain, at nang maka-ubos ako ay inalalayan na ako ni Enrique na makapunta sa private  room na sinasabi niya. Mahaba-habang lakaran ang ginawa namin, hanggang sa makarating sa main hotel ng resort. 

Hindi ko alam kung bakit nag-aabnormal ang katawan ko, pakiramdam ko ay hinang-hina ako sa di ko mawaring dahilan. 

Nang makarating kami sa hotel room, kaagad akong pumasok sa banyo. Habang iniwan ko si Enrique sa may kama.

COURTNEY

I was not in a good mood right now, I'm still thinking about Athena and Enrique and ofcourse Amara. 

"Huy, ayos ka lang? Isa ka pang tulala. Wala namang nagsabi na tulala day ngayon, edi sana nakitulala na lang ako sa inyo." dahling biro ni Vivian. 

"Viv, aware ka naman diba?" panimula ko.

"Saan?" ibinaba ni Vivian ang wooden blocks na hawak-hawak niya at umupo sa may harapan ko. "Spill the tea,"

"About Quen and Athena…" 

"Ah so you're still anxious kasi Amara found her cardigan na ipinahiram niya kay Athena sa bag ni Enrique, tama ba ako?" tanong niya, tumango lamang ako. "We knew Amara right from the start, kaya hanggat maari ilayo natin si Athena sa landas ni Amara. Alam natin ang mga kayang gawin ni Amara, mas malala siya kay Z---" 

Naputol ang dapat sasabihin ni Vivian nang tumunog ang phone ko. Agad kong tinignan kung sino ang nag-message.

"Who's that?"

"Enrique,"

"Bakit daw?" 

"Need na maligo ni Athena, she need some clothes and ofcourse her hygiene kit. Dalhin ko daw sa room 407 ng main hotel."

"What? Room 407? Akala ko ba nasa infirmary room si Athena." gulat na sabi ni Vivian.

"Welp, kapag heir ang nagmahal walang impossible. Baka nakakalimutan mong Madrigal si Enrique." 

Umalis na kami sa activity area at mabilis na nagpunta sa villa na tinutulugan namin. Naabutan namin si Amara na nanonood ng television.

"Tapos na ba 'yung tower natin?" tanong nito nang makita niya kami na papasok sa pinto. 

"No pa, 50 feet pa lang 'yon. 100 feet yung target." si Vivian ang sumagot.

"Eh bat nandito kayo?" tanong pa ni Amara.

"Andito ka din eh," pamimilosopo ni Vivian.

"Loko mo, bakit nga?" tanong pa ni Amara.

"Dadalhan namin ng damit si Athena saka mga hygiene kit. Need na daw maligo eh," sagot ko.

"Kasama niya si Enrique ko diba?" nagniningning ang mga mata nito at nagmamadaling lumapit sa amin ni Vivian. 

"Oo," mahiksing sagot ni Vivian habang iikinukuha ng damit si Athena. 

"Ako na lang magdadala niyan, pwede? Pwede? Please! Please!" 

Nagkatinginan kaming dalawa ni Vivian, pareho kaming nagpapakiramdaman sa kung sino ang unang magsasalita at sasagot sa tanong ni Amara.

"Viv? Court? Please, ako na lang magdadala kay Athena ng mga damit niya. Pumayag na kayo," pangungulit pa ni Amara.

"Sige," 

Ikinakabog ng dibdib ko ang biglang pagsagot ni Viv. 

"Yehey!" Tila isang batang nagtatalon sa tuwa si Amara habang kinukuha ang mga gamit ni Athena.

"Room 407 sa main hotel," wika pa ni Vivian.

"Notes!" masayang sabi ni Amara saka nagmartsa papunta sa pinto. 

"Vivian! Bakit mo ginawa 'yon?" sigaw ko. 

Nagkibit balikat lang siya at umupo sa kama. Nadinig ko pa siya na bumuntong hininga.

"Vivian I'm talking to you," inis na sabi ko.

"Nagpumilit siya Court, hindi na natin kasalanan 'yon." walang gana ang tono ng boses niya. 

"What are we gonna do?" 

She just shrugs her shoulders then lay on the bed. I release a deep sigh because of frustration.

AMARA

Nagtaka ako kung bakit sa hotel imbis na sa infirmary ako itinuro ni Vivian pero inalis ko ang pagtataka na 'yon. To think na I'm going to meet Enrique, kahit ano mang ka-negahan hindi ko maiisip. I was freaking in love with Mr. Jose Enrique Carbonel Madrigal IV no one comes clost to him. Although marami na din ang naging suitors ko, at nagtangka na ligawan ako. Anak ng mayor, artista, even mga business man but I rejected them kasi nga si Enrique ang gusto ko,anf mahal ko. Kay Enrique lang ako period. periodic table. periodical test. periodicm. 

Masaya akong lumukso-lukso habang tinatahak ang landas papunta sa hotel, papunta sa kinaroroonan ng my one and only ko. 

Kahit sa pagsakay ko ng elevator ay di ki maalis ang ngiti sa mga labi ko, nakakalalay pero keri lang. 

"Eto na, room 407." bulong ko sa sarili ko nang makarating ako. 

Nang hawakan ko ang kulay silver na door knob ay parang may kung ano akong naramdaman. Kumabog nang napakalakas ang dibdib ko na para bang lalabas na ito. 

Dinahan-dahan ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ito naka-lock kaya madali para sa akin na buksan ito. Ang kaso ay may parang kung ano na nagsasabi sa akin na dapat dahan-dahanin ko ang pagbukas. May malaking awang na ang pinto, ngunit imbis na pumasok ako ay pinigilan ko ang sarili.

Sumilip ako nang paunti-unti hanggang sa makita ko ang kabuuan ng kwarto, pati na ang dalawang tao na hindi ko inaasahang may gagawing milagro. 

I feel betrayed and cheated ng sarili kong kaibigan…

Nanikip ang dibdib ko at humapdi ang mga mata ko habang ang mga maiinit na likido mula roon ay nagbabadyang kumawala. 

Hindi ko inaasahan na ang kakaibang kaba at kutob ko mula pa kanina ay eto pala ang ipinaparating. 

"Hmmm… E-Enrique…" halinghing ni Athena habang nasa ibabaw niya ang taong mahal ko.

Si Enrique… nasa ibabaw siya ni Athena, wala siyang saplot na pang itaas. Si Athena naman ay bathrobe lang na puti ang suot.

Nasasaksihan ko kung papaano nila lasapin ang labi ng isa't-isa, kung paano yaposin at haplosin ni Enrique ang katawan ni Athena, habang ang mga kamay niya ay tinatanggal mula sa pagkakataki ang robe na suot ni Athena. 

Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, sa totoo lang ay gustong gusto ko na tumakbo. Hindi ko lang alam kung papaano ikikilos ang mga paa ko na parang nakaglue na sa sahig. 

"Athena i love you, more than anything else in thia world." bakas na bakas sa boses ni Enrique na hinahabol niya ang kanyang hininga ngunit may bakas din ang saya sa tono niya.

Pinunasan ko ang mga luhang tuluyan nang kumawala mula sa mga mata ko. Pinilit kong ipaskil ang kaninang ngiti sa labi ko. Maingat kong ibinalik  ang pinto para hindi magcause ng ingay mula sa pagkakasara. Kumatok ako, di alintana ang kaninang nasaksihan ko.   

Patay malisya ako sa nasaksihan ko, kailangang tiisin ang sakit na nararamdaman ko. 

Tumagal ng ilang minuto bago buksan ni Enrique ang pintuan. Mabilis siyang nakapagbihis, ang galing.

"Amara?" bakas sa kanyang gwapong mukha ang pagkagulat.

"Hi Enrique ko!" masaya kong bati.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong pa niya,

"Ayaw mo ba ako na makita ako?" tanong ko, matagal bago siya nakasagot or should I say hindi na talaga siya sumagot. "Joke lang!" peke akong tumawa para hindi siya makahalata.

"Ikaw ba ang inutusan ni Courtney para dalhin ang mga damit ni Athena?" 

Ni Athenang malandi, ahas, linta. Oo ako nga.

"Nope, actually nag-presinta ako na dalhin. By the way where is she?" Sumulyap ako sa loob ang kaso lang hinarangan niya ako.

"In the bathroom," anito. Wala siyang emosyon, pero ramdam ko na parang inis siya.

Mukhang nabitin yata ang Enrique ko…

"Okay na ba siya?" Sana nga hindi eh.

"Yeah, kukuhanin ko na yung mgaa damit niya ah." 

"Ay sorry eto oh," aniko sabay abot ng  damit at mga hygiene kit ni Athena.

"Thank you, paano I'll see you later." sabi niya at pagka ay pumasok sya aa loob at isinara na ang pintuan.

Muling bumuhos ang mga luha sa pisngi ko. Mukhang tama nga ang kanina pang kutob na namumuo sa akin. Kumaibagan ako ng ahas na siyang tutuklaw sa akin…

"Gaganti ako Athena, hindi ako makapapayag na ikaw lang ang masaya."

VIVIAN

Matapos kaming makapahinga at makakain ng pananghalian, hinayaan kami ng pamunuuan ng leadership seminar na mag-swimming. Kaya naman heto kami ni Courtney, pinagtitinginan ang maganda naming katawan. 

Agaw pansin kasi ang pink na bikini ko, labas na labas ang clevage na ipinagmamalaki ko. Ganun din si Courtney na nakasuot ng purple na banana-shaped one piece.

Pero kung agaw pansin ang katawan namin ni Courtney sa mga lalaki ay agaw pansin naman ang hubad na katawan nina Sky, Noel, at Troy na pare-parehong mga naka-trunks lang. 

Sa di kalayuan ay nakita namin na paparating sina Enrique at Athena, magkasabay sila na naglalakad papunta dito. At as expected nang makita ng Kuya mo Sky ang Athena niya ay agad niya itong nilapitan at inilayo kay Enrique.

Si Enrique ay naka-suot  lang ng gray na swimming trunks si Enrique at talaga namang maglalaway ka sa 6-packs well-toned abs niya.

Talaga namang head turner itong si Enrique na ultimo mga faculty staff ay napapatingin sa kanya. Habang ang kaamaa niyang babae, ang aming baby Athena ay nakasuot naman ng ruffled polka dot skirtini na nagpalaway din sa mga lalaking nandito.  

"Flat chested siya perk ang ganda ng katawan niya," nadinig kong bulong ni Kelly. 

"Be ang sexy niya," bulong din ni Samantha. 

"Iba talaga si Athena sis," nakangiting sabi ni Courtney.

"Ako ang pumili niyan," mayabang kong sabi.

"Hey guys!" nakangiti itong lumapit sa amin kasama si Sky na todo harang sa katawan ni Athena gamit ang isang tela.

"Okay ka na ba?" may oag-aalalang tanong ni Courtney.

"Maayos na maayos na," sagot naman ni Athena.

"Good, ano reresbak na ba tayo?" tanong ko naman

"Nope, hayaan na natin silam"

"Si Sky parang may toyo, hayaan mong maexposed yan." pabiro kong sabi.

"No way, sa akin lang 'to." sabi naman ni Sky. 

Naging center of attraction ang grupo naming walo lalo nang dumating si Amara na nakasuot ng sking bikin na lalong nagpalaway sa mga lalaki. Sa aming tatlo kasi, si Amara ang may magandang hubog ang katawan. Mas maganda ang hubig ng katawan ni Athena, ang kaso nga lang kinulang talaga siya sa dibdib, compared kay Amara na malusog lahat.

Ang kaso lang, may kapansin-pansin kay Amara. Medyo ilag siya sa aming lahat...

Naang makakuha ako ng tyempo ay kinausapi ko si Amara, sinadya ko na busy ang lahat sa paglangoy. 

"Hoy!" wika ko at tinapik ko ang tuhod ni Amara. Naka-upo siya sa pool side katabi ni Courtney habang ako naman ay nakalubog sa tubig ang kalahati ng katawan. "Spill..." 

Wala pa man siyang sinasabi ay umiyak na siya, agad naman siyang yinakap ni Courtney.

"Anong nangyari?" sabay naming tanong ni  Courtney. 

"H-Hwag tayo dito..." sabi niya at kumawala sa pagkakayakap kay Courtney. Tumayo siya at hinila ang magkabilang braso namin. 

Dinala niya kami sa isang bakanteng cottage at doon ay ngumawa siya ng ngumawa. 

"Ano ba talaga ang nangyari?" takang tanong namin ni Courtney.

Sino bang hindi magtataka diba? Dumating siya na parang ilag sa lahat tapos biglang ngangawa ng ganto.

"N-Nahuli...nahuli ko sila..." 

"Sinong sila?" sabay naming tanong ni Courtney. 

"Sila..."

"Sino ngang sila?"

"Si Enrique at Athena, naghahalikan..."

"K-Kailan? Saan?" tanong kong muli, hindi na siya sumagot at nagpatuloy lang sa pag-iyak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro