CHAPTER 33

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

VIVIAN

Hapon na ng matapos si Amara  sa pag-iyak niya. Sobrang wasted niya, mugtong-mugto ang mga mata niya, sobra sa dalawang dram ng tubig ang iniyak niya. Sobra siyang nasaktan sa nakita niya.

Dinala muna namin siya sa loob ng villa para makapag pahinga saglit, pinakain muna namin siya at pinatulog.

"Dami na agad ganap 'no? Dadalawang araw pa lang tayo tapos eto na… Para na tayong pinagsasakluban ng langit at lupa." exaggerated na sabi ni Courtney habang kumakain kaming dalawa ng hapunan.

"Umpisa pa lang 'yan, kumbaga sa pagkain appetizer pa lang. Pagtapos nating kumain sasabihan ko si Noel na tapusin yung tower natin, kasi yung kanila patapos na." sumubo muli ako ng pagkain bago itinuloy ang pagsasalita. "Taposh babalikan nachen si Amara, kilala naten 'yon lalo kapag shobrang nasaktan. Baka kung anong gawin niya kay Athena sa sobrang galit."

"Kung ako lang Viv, hindi ko kayang sisihin si Athena. I mean she'd been ignoring Enrique ang kaso si Enrique patuloy ang paglapit sa kanya. Just look on your back," ininguso ang niya sa bandang likod ko ang grupo nina Athena, Sky, Clarice, at Enrique na nasa may bandang likuran ko.

Liningon ko ang direksyon nila, I saw how desperate  Enrique is to get Athena's attention. Unfortunately, abala si Athena na asikasuhin ang pinakamamahal niyang si Sky.

"He'd been peeking on Athena for about an hour kaya hindi siya matapos sa pagkain."

"Wala tayong magagawa," napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

"He's madly in love with her…"

"Indeed…"

AMARA

I feel betrayed and cheated, I remember the day when Athena came. I hate how Enrique smiles and glance at her. The way Enrique talks to Athena makes me feel uncomfortable. I also remember the day when I saw them talking while sitting on the student lounge. I hate how close Enrique's face on her na para bang maghahalikan sila, at alam mo ba ang pinakamasakit nakita ko na nasa loob ng palda ni Athena ang kamay niya.

I thought that was the worse thing na masasaksihan ko between them kaya pinalampas ko, baka ka namalik mata lang ako or what. I madly convinced myself para wag ma-paranoid.

Yung nakita ko kanina that's more than worst, para akong sinaksak ng kutsilyo sa puso ko na hindi nakuntento sa isang saksakan lang inulit pa ito hanggang sa tuluyan na dumugo.

"Hindi ako ayos, masakit Enrique sobrang sakit ng ginawa ninyo. Athena will going to pay for that, I swear. Fuck Athena! Curse that girl who stole my man! She'll going to pay… she'll going to pay… Alam ko na ang pakiramdam ni Zoe, alam ko na ang pakiramdam ng inagawan. Hindi ako papayag na ganon na lang 'yon, dodoblehin ko ang sakit at pighati na dinulot sayo ni Zoe!" marahas kong ibinato ang mga unan na nahawakan ko.

Ibinuhos ko ang galit na nararamdaman ko sa pagkakalat at paghahagis ng mga gamit na nakikita ko dito. Wala akong pakielam kahit may mabasag ako, kayang kaya kong bayaran lahat ng 'yan.

Nang makahinga na ako ng ayos, inayos ko ang sarili ko at hinilamosan ang mugto kong mga mata.

"Umpisa na ng paniningil ko…"

Mabilis akong naglakad papunta sa pool area, nakita ko doon si Zoe na parang nakikipagtalo kay Athena.

"Kayo na nga 'yung gumawa ng masama tapos ngayon nambibitang pa kayo. Bakit ko kukuhanin ang blocks ninyo? Ni hindi ako pumapasok sa activity area."

"Oh God Athena, don't lie ikaw lang naman ang gagawa non kasi gusto mong makaganti."

"No Zoe you're wrong, wala sa isip ko na gantihan kayo. Stop blaming me sa bagay na hindi ko ginawa."

"Oh please shut up! Ibalik mo na lang ang blocks namin!"

"Anong ibabalik ko sa inyo kung wala naman akong kinuha?"

It's time for my lime light…

"What's going in here?" aniko habang naglalakad papunta sa kanila.

"Isa pa'to panigurado ako kasabwat ka din ni Athena." dinuro ako ni Zoe.

"Ha? Anong pinagsasasabi mo?"

"Maang-maangan pa, Angelica lang ang pangalan mo pero hindi ka anghel." tinaasan niya pa ako ng kilay

"Zoe h'wag mong idadamay si Amara, wala siyang kinalaman"

Pero ikaw meron Athena, may kasalanan kang dapat mong bayaran. May kasabihan nga tayong "Keep your friends close and your enemy closer,"

"Stop playing dumb will you? Hindi pa nga tapos ang atraso mo kay Athena! Hindi pa kayo napaparusahan dahil sa ginawa ninyo, and now gumagawa na naman kayo ng eksena. Baka naman mahiya na at umakyat na sa langit si Satanas dahil sayo Zoe-Tan." pinagkrus ko ang dalawang braso ko nang makalapit ako.

"Amara h'wag mo nang patulan," wika ng ahas na katabi ko.

"No Athena, she want's fight I'll give her. What Zoe want, Zoe get diba? Tara, sabunutan na lang basta walang sumbungan." panghahamon ko kay Zoe.

"Aba matapang 'tong si Amara," buyo ni Kelly.

"O baka tapang-tapangan para mapansin ni Enrique." mataray na sabi ni Barbie na nagpapanting sa tenga ko.

"Don't you dare mention Enrique's name or even touch him and if you do I'll kill you," pagbabanta ko at pasimpleng liningon si Athena. "Dami ninyong satsat, sapakan na lang!"

"Fine!" ani Zoe at sinugod ako madali niyang nahawakan ang buhok ko dahil nakalugay ito.

This is intentional, sinadya ko na itrigger si Zoe to make a scene. I have a plan na niluluto sa isipan ko, kung ano 'yon you'll find out.

Hinayaan ko na lumamang si Zoe, hinayaan ko na sabunutan niya ako at sampal-sampalin. Akala niya siguro mananalo siya kasi hindi ako gumaganti but she's wrong.

Habang hawak namin ang buhok ng isa't isa ay nakahanap ako ng tyempo para iuntog siya sa nakita kong pader malapit sa pool. Sinadya ko na maging malikot hanggang sa magawa ko ang pag-umpog ng pag-umpog sa ulo niya nataranta ako nang makakita ako ng dugo. Nang hindi na siya gumagalaw ay binitiwan ko siya, nahulog siya sa pool. Ang asul na kulay ng pool ay naging kulay pula dahil sa dugo ni Zoe, lahat ng mga tao na nanonood kanina ay napa-ahon at takot na takot na nagsigawan para humingi ng tulong.

"Anong ginawa mo Athena?" paninisi ko kay Athena, nanlaki ang mga mata niya at nagulat nang sisihin ko siya.

"A-Ano?"

"Pinatay mo si Zoe! Pinatay ni Athena si Zoe!" sigaw ko.

"H-Hindi… H-Hindi ko ginawa… Ano bang sinasabi mo Amara?"

"Pinatay mo si Zoe! Mamatay tao ka!"

"Oo nga! Ikaw ang pumatay kay Zoe!" nadinig kong sigaw ni Barbie. "Athena the killer! Athena the killer!"

"Hindi! Hindi ako! Hindi ako ang pumatay kay Zoe! Hindi Amara, hindi ako ang pumatay!"

Nanginginig siya, natatakot si Athena. Umiiyak siya, umiiyak ang babaeng umagaw sa taong mahal ko at nanakit sa puso ko. Umiiyak siya.

-- -- -- --

"Nasaan ang batang 'yan? Nasaan ang batang pumatay sa anak ko? Ilabas ninyo Aileen! H'wag ninyong itago si Athena!" galit na galit si Jonalyn nang malaman na napatay ng mga lalaking lasinggero ang nag-iisa niyang anak na babae. Sinugod niya ang bukod tanging tao na huling nakasama ng anak niya bago ito bawian ng buhay.

"H'wag kang mag-iskandalo dito Jonalyn! H'wag mong pagbintangan ang apo ko!" sigaw ni Don Ronaldo Mercado,

"Hindi porket mayaman kayo wala na kayong takas sa batas! Kailangan kong ipaghiganti ang anak ko Don Ronaldo!" galit na galit ito at tuloy tuloy na pumasok sa mansion ng mga Mercado na kahit pinipigilan na siya ng mga security guard ay hindi siya nagpatinag. "Ikaw!" sigaw nito nang makita ang takot na takot at nagtatagong si Athena.

Hinablot niya ang braso nito at dinuro-duro.

"Dahil sayo namatay ang anak ko! Nang dahil sa'yo nagluluksa ako! Hindi mo ba alam na mataas ang pangarap ko para kay Ava. Tapos papatayin mo lang! Wala kang awa! Demonyo ka! Demonyo ka!"  galit na galit na sigaw nito.

Walang nagawa ang batang si Athena umiiyak lang siya at paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang, "Hindi ko po pinatay si Ava, hindi po ako ang pumatay… Hindi po ako Aling Jonalyn…"

"Pinatay mo si Ava! Mamatay tao ka!"

Pinatay mo si Ava! Mamatay tao ka!"

"Pinatay mo si Ava! Mamatay tao ka!"

"Pinatay mo si Ava! Mamatay tao ka!"

--

"Anong nangyayari dito?" takang tanong ni Noel

"Oh my God Zoe!!" sigaw ni Courtney nang makita ang lumutang na katawan ni Zoe sa mapulang pool.

"Pinatay ni Athena si Zoe!" sigaw ni Amara.

"What? Athena kill her? Sigurado ka ba?" di makapaniwalang tanong ni Vivian.

"Hindi! Wala akong pinatay! Wala akong pinatay! Wala akong pinatay!" nanginginig at takot na takot na tumakbo si Athena papalayo sa pool area.

"Tumawag kayo ng medic!" sigaw naman ni Samantha.

ATHENA

Kanina lang kalmado akong nakikipagtalo dahil umiral ang pagka-immature ni Zoe. hanggang sa dumating si Amara at nakipag-away kay Zoe. Ang buong akala ko ipagtatanggol niya ako but I'm wrong. Amara blame me for killing Zoe na hindi ko naman ginawa.

Mabilis akong umalis mula sa pinangyarihan ng insidente at humanap ng matataguan, sa isang di ginagamit na banyo ako napunta.

"Sinabihan na kita, hindi ka nakinig sa akin Athena. Anong nangyari ngayon? Ikaw ang sinisisi sa bagay na hindi mo ginawa, sarili mong kaibigan tinraydor ka." pagharap ko sa salamin ay ang ibang sarili ko ang nagsalita. "Ang bilis mo kasi magtiwala, ano ka ngayon? Automatic na wanted ka kapag nag-kataon."

"Hindi ako yung gumawa, h-hindi ako yung pumatay…"

"Alam ko Athena, alam na alam ko at alam din ni Amara 'yon. Ngayon itatak mo sa sarili mo 'to, ako lang ang pagkakatiwalaan mo."

"Ava natatakot ako baka ikulong nila ako, ayokong makulong Ava…"

"Kalmahin mo ang sarili mo, wala kang kasalanan Athena 'yan ang tandaan mo."

Walang tigil ang pagragasa ng maiinit na likido mula sa mga mata ko, naninikip ang dibdib ko dahil sa nangyari kanina.

Tinraydor ako ng sarili kong kaibigan…

"Killer ka Athena!"

"Pinatay ni Athena si Zoe!!"

"Killer ka Athena!"

"Pinatay mo si Zoe!"

"Pinatay mo si Zoe!"

"AHHH!! TAMA NA! TAMA NA! TAMA NA! Hindi ko pinatay si Zoe, hindi ako ang pumatay,h-hindi…" sigaw ko habang tinatakpan ng mga kamay ko ang magkabilang tenga ko.

Nanghina ang mga tuhod ko at napasalampak ako sa sahig ng banyo. Nagpatuloy pa din ang mga kataga na lalong nagpatakot sa akin

"Mamatay tao ka!"

"Pinatay mo si Zoe!"

"Pinatay ni Athena si Zoe!"

"Killer ka Athena, killer!"

"Wala akong pinatay… wala akong pinatay. Hindi ako… Hindi ako…"

Ipinikit ko ang mga mata ko at patuloy na winawagli ang mga boses sa isip ko. Idiniin ko lalo ang mga kamay ko sa tenga ko para hindi ko madinig ang mga boses nila na sumisisi sa akin sa isang kasalanan na hindi ko ginawa.

Yinakap ko ang mga tuhod ko at ibinaon doon ang mukha ko. Habang paulit-ulit kong binabanggit ang mga katagang. "Hindi ko pinatay si Zoe…"

"Shhh… I know…" Naramdaman ko na mayroong mga bisig na bumalot sa katawan ko. Pamilyar ang mabango niyang amoy. "H'wag ka nang matakot, I'll be here for you. Ako ang bahala sa 'yo."

Si Enrique…

Inalis niya ang mga braso niya na nakayakap sa akin at ibinalot niya ng makapal na tela na parang pangginaw ang katawan ko, muli niyang ipinalupot ang mga braso niya sa akin. "Let's stay here, delikado kapag lumabas ka. Mainit ka sa mga mata nila, saka tayo lalabas kapag wala na sila."

Hindi ko alam kung maniniwala at magtitiwala ako kay Enrique, dalawang beses na akong naloko. Si Kelly at si Amara, pareho nila akong niloko.

"I promise, I will take you away from here."

"Enrique, h-hindi ako… h-hindi ako ang pumatay…"

"Shhh… I know, you can't do that. I've witness everything." bulong nito.

"H-Hindi ako ang pumatay E-Enrique, h-hwag mo akong ipakulong."

"Naniniwala ako sa'yo, hindi kita ipakukulong. Sa ngayon, ako lang ang kakampi mo. Put your trust on me, hindi kita pababayaan Athena."

Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib ni Enrique, sinapo ng damit niya ang mga luhang patuloy na pumapatak sa mga mata ko.

TROY

"Athena what?" nanlaki ang mga mata ko nang madinig ko na pinag-uusapan nina Virgillio at John Mark ang insidente kanina.

Based on their story, si Athena daw ang salarin sa nangyari kat Zoe na kanina lang ay dinala na  ospital. Iyon ang naging dahilan para ihinto ang leadership training. Kasalukuyan ding may nagaganap na meeting ang management ng resort kasama ang mga faculty staff.

"No! No! No! Athena won't do that. I've witness how she grew up, she won't kill anyone! Don't put the blame on Athena." angil ko sa kanila.

"Bro 'yun lang naman ay nadinig ko sa kanila, h'wag kang magalit." wika ni Jhon Mark na parang natatakot sa akin.

"And who said that?"

"Sabi ni Amara," sagot ni Virgillio.

"No, Athena won't do that. Amara might be lying."

Mas kilala ko si Athena kaysa sa kanila, bakit napakabilis nila yata na pagbintangan ang taong hindi naman nila kilala?

Umalis ako sa villa namin para pumunta sa villa nila Amara, I was seeking for an answer. Bakit niya sasabihin na pinatay ni Athena si Zoe? How dare she?

Sa ngayon nawawala na naman si Athena, at wala na naman akong magawa dahil bawal lumabas ng villa. Kung lalabas man hindi pwedeng lumampas sa boundary ng villa at ng resort.

"Amara!" sigaw ko nang makapasok ako sa villa nila.

"Bro nabalitaan mo na ba?" bungad ni Noel.

"Oo pero hindi ako naniniwala na ginawa ni Athena ang bagay na binibintang ng lahat." matigas ma sabi ko.

"But she really did  that Troy!" mataas ang tono pero halatang nanginginig at parang may tinatago ang boses ni Amara.

"How dare you to accuse her?"  galit na wika ko, hanggat maari pinipigilan ko ang sarili ko na manakit ng babae.

"She was on the scene Troy," Courtney said na para bang pinagtatanggol niya si Amara.

"Courtney h'wag kang mangielam. Hindi ninyo kilala si Athena, she might be reckless but she won't kill anyone." mariing sabi ko.

"Nandoon na nga tayo because of her recklessness, nasaktan niya si Zoe."

Ang kaisa-isang tao na inaasahan ko na magtatanggol kay Athena ay pumanig sa madla na humuhusga sa babaeng mahal niya.

"Sky pati ba naman ikaw,"

"Sinong gagawa non kay Zoe diba? Sadista si Athena, binabalya niya lahat."

"Bawiin mo ang sinabi mo Sky!" sigaw ko at akma ko siyang susuntukin ang kaso pinigilan ako ni Noel.

"Bro, bro, kalma, kumalma ka lang." ani Noel.

"How dare you to judge Athena? Courtney, Amara, Vivian, Sky, Noel…" tinitigan ko sila isa-isa walang makatingin sa akin ng diretso.

"Ku-kung h-hindi siya, b-bakit siya nagtatago? Nasaan siya ngayon?" tanong pa ni Amara.

"Eh kasi nga natakot siya! Ipinagsigawan ng lahat na pinatay niya si Zoe! Panong hindi siya magtatago? Isipin nga ninyo, kung kayo ang nasa kalagayan niya." sigaw kong muli, prustasyon, prustasyon at pag-aalala ang bumabalot sa akin.

"How sure are you na hindi niya ginawa? Nandoon ka ba?" that was Sky.

"Ibabalik ko ang tanong mo, how sure are you na ginawa niya nga? Nandoon ka din ba?"

He just stood in silence, he didn't answer my question.

"I am very disappointed Sky, how could you do this? Nasisikmura mo 'to? Nasisikmura mo na sinisisi ng lahat si Athena?"

"Ofcourse not!"

"Ah not, kaya pati ikaw nakiki-sisi na din. Ang gagaling ninyong lahat, after everything that she did for you, mas pinili ka niya over me." I looked at Sky, "After saving your life sa rapist mo," and then Vivian, "After making you feel that you're her friend despite of your rude commentaries on Athena the first time you saw her," and then Amara, "and ofcourse you, Noel, kung di naman dahil kay Athena hindi mo magagantihan si Ivan diba? At kung di rin dahil kay Athena hindi tataas ang grades mo diba Courtney?"

Lahat sila ay nakayuko lang, pwera kay Amara.

Tumayo si Amara at tiningala ako, "I am the witness sinabi ko lang ang totoo.

"But I have this part of me saying na fake ka Amara." I look at her straight in the eyes, takot ang mga mata niya.

"I have an evidence, Troy."

"What evidence? Your fiction story, c'mon Amara. Ipapaputol ko lahat ng daliri ko sa kamay kapag may pinakita ka na konkretong ebidensya. Show me the cctv."

Namilog ang mga mata niya, seems like she's hiding something. And I desperately wanna know what it is.

"Scared?" buyo ko.

"N-No! W-Why would I?" She really sounds deffensive.

"Sumama sa akin ang naniniwalang inosente si Athena?" I looked at them, hindi sila makatingin ng maayos. "Wala? Okay, siguro si Enrique na lang ang kakausapin ko. Matic 'yon kahit na wala pa man akong sinasabi, si Athena na agad ang kakampihan niya." I smirked while glancing on Sky. "Let's just meet kapag napatunayan na natin na inosente si Athena."

I turned my back and left them.

ATHENA

Enrique didn't leave me, he stayed beside me kahit na basang basa na ang t-shirt niya dahil sa pag-iyak ko. He stay kahit na alam niya na madadamay siya.

Kausap niya kanina si Sir Yohan, kinakapatid niya at ang may-ari ng resort. In-explain niya dito ang nangyari, sinabi din niya na wala akong kasalanan. Mabait naman si Yohan, ipinagamit niya pa ang private house na matatagpuan sa likod ng main hotel. Malayo-layo ito kaya pinaalalahanan niya kami na mag-ingat, sinabihan niya din kami na ang asawa niyang si Ms. Elle ang lapitan. Natimbrehan niya  na ito para tulungan kami.

Maganda ang 2-storey private house ni Sir Yohan. May tatlo itong kwarto at pulos mamahalin ang mga gamit. Sa master's bedroom kami nag-stay at dito rin kami magpapalipas ng gabi.

"Enrique… Salamat…"

"No, don't thank me. I'm just doing what I think is right." anito at umupo sa edge ng kama. "Magpahinga ka, bukas aalis tayo."

"S-Saan… S-Saan tayo pupunta?"

"Mainit ang mga mata nila sa'yo, it's too dangerous here kaya we need to leave."

"B-Baka lalo lang lumala ang kaso ko,"

"No, ako ang bahala sa'yo. Trust me Athena, you are safe with me."

"Hindi ko alam kung paano masusuklian ang kabaitan mo sa akin, despite sa past natin…"

"Forget it if you want but I won't. I'm fully aware that whenever you see me, you feel disgusted but it's okay. I won't stop loving you," sinsero niya akong tinignan. "Remember this, everyone will judge and leave you but I won't. Mananatili ako kahit ipagtabuyan mo ako. I want you to be happy, even with Sky. I know how much you love my cousin that's why I'm cherishing every single moment, every single chances, na nakaka-usap kita, na nakikita kita. Everytime I see you kahit puyat ako kakagawa ng plates, nawawala ang puyat ko because of you…" he paused for a while and held my hands. "I know someday you will be marrying Sky and I will be left alone or probably I will serve as one of the groom's men. I will accept it wholeheartedly…"

I stare at his eyes, he was about to cry but he's holding it back. Ayaw niya siguro na makita niya na umiiyak siya sa harapan ko. Ayaw niyang sabayan ang problemang kinakaharap ko.

I reached his left cheek and touch it…

"Cry, tayo lang nandito."

He shakes his head and forced himself to smile.

"Cry Enrique, that's okay…" I said while caressing his cheek.

He held my left hand that I'm using to caress his cheeks. He gently place small kisses on it. I let him, hindi ko alam kung paano babawi kaya hinayaan ko siya na halikan ang kamay ko.

"How I wish I was Sky para lagi kong nahahawakan ang kamay na ito, natititigan ang mga mata mo,at nahahalikan ang mga labi mo."

Bigla kong naalala yung kanina matapos kong maligo…

Sinunggaban niya ako ng halik at kamuntikan nang may mangyari sa amin. Mabuti na lang at kahit papaano, kontrolado ko ang katawan ko.

"Athena… I love you, I won't be tired of saying and proving it to you… I wanna share you everything. You know what kung nabubuhay ang Mama ko, I swear magugustuhan ka niya. You're not just a pretty face you also had a good heart. Lalo akong na-in love sa'yo when you fought against Ivan's group to save Vivian and---" saglit siyang napahinto nang tumunod ang wireless telephone na nasa night stand.

He reaches it nang hindi tumatayo, hawak niya sa kanang kamay niya ang kamay ko habang sa kaliwa niya ay ang telepono

"Hello, yes this is Jose Madrigal… and please no shrimp and no wine. Can you please add a sliced of strawberry cake? Yes, thankyou. We'll be waiting" anito sa kausap sa telepono.

Pinanood ko lang siya habang may kausap, gwapo ang mukha niya, mabait pero napaka-misteryoso, paiba-iba din minsan ang ugali niya. Unpredictable ang mga kilos niya pero sa ginawa niyang ito sa akin, masasabi kong mabuting tao siya.

"I'll melt if you keep on staring at me…"

Kinapitan ako ng hiya nang mapansin niya na nakatitig ako sa kanya…

"Sorry…" aniko at nag-iwas ng tingin.

"No, I like it… Just stare at me, hindi kita pipigilan. Kasi alam kong minsan lang 'to, ang swerte ni Sky…"

Si Sky, wala akong balita sa kanya  Hinanap niya man lang ba ako? O isa din siya sa mga mag-aakusa sa akin… Minahal niya din naman si Zoe.

"Bat natahimik ka?" tanong ni Quen, umiling lang ako. "Hindi ka ba nilalamig? Gusto mo magpalit? Ang sabi ni Yohan, you can free to use Elle's clothes since hindi niya naman ginagamit. Magbihis ka para hindi ka magkasakit."

"Salamat talaga Quen,"

"Shhhh… don't mention it. Gusto mo ba ako ang pumili ng damit na susuotin mo?"

"No, kaya ko na. Tatanggalin ko muna ha…" paalam ko , nakahawak pa din kasi siya sa kamay ko.

"Oh sorry my bad," anito at tinanggal ang kamay niya.

"Bihis lang ako," tumayo ako mula sa kama at tinungo ang isang malaking closet, agad kong binuksan ito at tumambad sa akin ang napakadaming mga damit.  Namangha ako sa dami ng pagpipilian ko, sorted ang lahat. Naka ayos kung pang-alis, pambahay, pantulog o pang jogging at iba oang okasyon.

"Elle owns that, binibili siya ni Yohan kahit na ayaw niya. Gusto kasi ni Yohan i-ispoil si Elle…" wika ni Enrique na nasa may likuran ko.

"Mahal na mahal siguro ni Sir Yohan si Ma'am Elle."

"Indeed…" mahina siyang tumawa.

Wala akong makita na pajama puro silk-nighties ang nakalagay sa section ng mga pantulog. Ayoko naman na isipin ni Enrique na inaakit ko--

Baka nakakalimutan mo na kasama mo ako Athena, kahit hindi ka magsuot ng ganyan maakit mo si Enrique. Hibang na hibang sa'yo yon.

"Wala siyang pajama set…" saad ko.

"Mukhang kailangan mong mag-tiis sa nighties…"

Liningon ko si Enrique na naka-upo sa kama, nakangisi siya at mukhang may binabalak.

"No Quen wala tayong gagawin."

"What? I didn't say anything."

"What's the purpose of your smirk?"

"C'mon I'm just teasing you,"

Umiling-iling ako at kinuha ang pulang nighties sa loob ng closet saka ito isinara.

Pumasok na agad ako sa loob ng bathroom at naglinis. Kahit labag sa loob ko ay tiniis ko na tanggalin ang skirtini na suot ko. Nabasa ito ng tubig at natuyo na sa katawan ko, ayokong mangati.

"Hindi naman niya malalaman na wala akong panloob,"  wika ko habang nakaharap sa salamin.

"He will know it, alam mo kung gaano ka-desperado ang lalaki na 'yan Athena. He badly wants you,"

"Ava, please just this time. I want some peace, marami akong iniisip…"

"Opo kamahalan pero sa susunod pagbibigyan mo ko ha?"

"Para namang may choice ako."

Matapos kong isuot ang robang ka-partner ng nighties ay lumabas na ako ng cr matapos kong. Nakabihis na din si Enrique ng pajama at inaasikaso ang pumasok na mga staff na dala ang pagkain namin.

"Walang shrimp to ah," narinig kong sabi niya.

"Wala po," sagot ng abbaeng staff.

"Good, here's your tip." ani Enrique at nag-abot ng pera.

"Salamat po sir,"

"Thank you for your service…" anito bago umalis ang mga staff.

"Ang dami  naman, dadalawa lang naman tayo."

"Tatlo tayo, baka kako nagkalaman yan." anito saka itinuro ang tiyan ko.

Nagpatay-malisya ako na kunwari hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Ano?"

"Wala, nevermind it. Let's eat." aniya at ngumiti.

Iniisip niya pala na magkaka-anak kaming dalawa  dahil sa nangyari sa pagitan namin. Hindi ko na matandaan ang mga detalye, basta ang alam ko lang may namagitan sa amin na hindi naman dapat mangyari.

Habang kumakain ako ay napapansin kong sumusulyap-sulyap siya sa akin. Gusto niya siguro na magkwento ako,

"Nadinig ko kanina na ayaw mo ng shrimp, allergic ka?" panimula ko.

"No I do love shrimps pero naalala ko noon na bago ilibing yung Mom ni Troy muntik kang di makasama sa pakikipag-libing. Kumain ka kasi ng okoy na may shrimps and nagkaroon ka ng madaming pantal." sanaysay niya.

"You do remember it?"

"Ofcourse, why would I forgot that? Ako ang unang nakakita sa'yo na umiiyak kaso nahiya ako, that's why I immediately walks to Tita Aileen and told her what happen to you."

Tumango-tango ako nang matapos ang kwento niya, sa totoo lang hindi ko na 'yon tanda. Natutuwa ako na mayroon siyang mga detalye na natatandaan mula sa past.

"Athena do you remember this?" may kinuha siya mula sa bulsa ng pantalon na suot niya kanina. Inilabas niya ang bracelet na gawa sa beads. "You made this, for me, for Troy, for Sky, and for Noel"

"Nakakatuwa naman at naitago mo na 'yan, actually after the incident that happen after ng libing wala na akong natatandaan."

"It's okay, you don't have too. Basta ang importante ngayon, you are safe."

"Enrique sobrang salamat kung di dahil sa'yo baka napilitan akong akuin ang kasalanan na hindi ko naman ginawa…"

"Bakit mo aakuin? Wala kang kasalanan, si Amara siya ang dapat sisihin."

Naalala ko ang pambibintang na ginawa ni Amara kanina na muling nagpasikip ng dibdib ko. Humapding muli ang mga mata ko at isa-isang nag-unahan ang mga luha.

"Shhh…" ani Enrique habang pinapahiran ang mga luha sa pisngi ko."Don't cry Athena, I'll make sure that the truth will prevail."

"Wala akong ginawa, I will admit naiinis ako kay Zoe to the point that I want to hurt her badly. I have choice and chance to do that pero mas pinili ko na manahimik at hindi gumanti despite everything that she did."

"Shhh… stop Athena, if you keep on thinking that you will just end up loosing your appetite. Hayaan mo na sila, kumain ka na diyan." mahina niyang sabi.

Whenever I look at his eyes, nababakas ko sa kanya na sobra siyang nag-aalala. Kaya nagi-guilty ako sobrang pag-iwas na ginagawa ko kapag nagkikita kami.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa maubos namin ang lahat ng nakahain. Ipinakuha na ni Enrique ang pinagkainan namin, nagpahinga kami saglit saka nagtoothbrush at naghilamos ng sabay. Nauna siya na lumabas ng bathroom ako naman ay nagpahuli,

"Oh ano? Wala kang gagawin, puro thank you? Hindi naman nakakain ang thank you na 'yan."

"Ava…"

"Athena do it quickly, its not like napakahirap no'n. Tignan mo si Enrique, he's sacrificing everything just to hide and save you from them. Alam mo kung pwede lang, I will wish that you would rather fall for him than for Sky, nasaan ba si Sky ngayon? Natutulungan ka ba niya? Kasa-kasama mo ba siya? Wala, nganga si Enrique ang nandyan."

"Magkaibigan lang kami ni Enrique,"

"May magkaibigan ba na nagki-kiss? Nag-s*x? Na magkasama ngayon sa iisang kwarto."

"Tama na," tumalikod na ako sa salamin at dire-diretsing lumabas ng bathroom.

"H'wag mo akong talikuran kinakausap pa kita Athena,"

Naabutan ko si Enrique na may kausap sa phone niya sa kabilang side ng kama, habang nakaharap siya sa may balcony.

"She is safe don't worry, iaalis ko siya dito bukas. How about Sky? What? Pumanig siya sa mga nag-aakusa kay Athena! How dare he? Ang kapal naman ng mukha niya,"

Mahinahon ngunit bakas sa tono ng boses niya na dismayado siya…

Maging ako din, parang pinigaan ng sili at calamansi ang puso ko nang madinig ko na pati si Sky sinisisi ako.

Huminga ako ng malalim at pinigil ang nag-babadyang mga luha ko…

"Okay Troy, babalitaan na lang kita. H'wag ka nang mag-alala, I won't surrender Athena cause I believe na wala naman siyang ginawa, bye."

Ibinaba na niya ang cellphone niya at dahan-dahang humarap sa akin. Namilog ang mata niya at umawang ang bibig nang makita niya ako.

"K-Kanina ka pa?"

"Yea, I heard everything…"

"I'm sorry about Sky…"

"Ba't ka nagso-sorry? Hayaan mo na, hindi ko naman siya masisisi…"

Dahan-dahan ko siyang nilapitan, at nang makalapit ako ay ipinuluput ko ang mga braso ko sa batok niya. Lalong namilog ang mata niya dahil sa ginawa ko.

"A-Athena…"

"Matulog na tayo, h'wag na natin silang isipan. I can't blame Sky, minsan niya nang minahal si Zoe. And I hate myself foe loving him too…"

"I'm disappointed Athena, of all people siya pa…"

"…and of all people na mananatili sa tabi ko, ikaw pa na iniiwasan ko. Sana una pa lang, ikaw na 'yung minahal ko. Kung alam ko lang…"

He cupped both of my cheek and stares on my eyes…

"Just let me love you Athena, I won't force you to love me back" he place small kisses on my forehead and on my nose, then to my cheeks and chin. "Matulog na ta---"

I snatched his words by claiming his lips. That's the last thing I remember before we fall into the trap of lust and passion and the rest is ecstasy 

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, madilim pa sa labas...

Mukha ng natutulog na si Enrique ang una kong nakita pagkagising ko, nakayakap siya sa akin at nahihimbing pa.

Nangyari na naman ang iniiwasan ko na mangyari aa pagitan namin, ang magising kami na parehong kumot lang ang balot sa katawan.

Alam kong hindi ko dapat iniisip 'to dahil sa laki ng kinakaharap kong problema. Ang kaso hindi ko mawagli sa isipan ko at hindi ko din naman mapigilan ang katawan kong may kumokontrol na iba.

Sumulyap ako sa digital clock na nasa nightstand, 3:00 am na ng umaga. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paggalaw ni Enrique, kaya liningon ko siya. Malaki ang ngiti niya sa labi at nagniningning ang mga mata.

"Good morning bati niya sa akin,"

"Good morning too.."

"Ready ka na ba? Aalis na tayo."

"Kung ito ang makakabuti, bakit hindi?"

Hinawakan niya ako sa pisngi at siniil ako ng halik sa labi at nang matapos ay tinignan niya ako ng diretso na parang sinusuri ang kabuuan ng mukha ko.

"Napakaganda mo, hindi ka dapat sinasaktan. Ang tanga ni Sky, isa siyang malaking tanga."

"H'wag na nating isipin, mag-ayos na tayo at umalis."

"We will," muli niya akong hinagkan. "Take a bath, susunod na lang ako. Ipapahanda ko ang sasakyan natin."

Tumango ako at bumangon mula sa kama, tinungo ko ang banyo at doon naligo na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro