CHAPTER 34

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


CHAPTER 34

TROY

Hearing the news about Enrique hiding Athena is a relief for me, tama ang kutob ko kahapon na bukod sa akin ay si Enrique lang ang kakampi kay Athena. 

Ngayon ang araw ng alis nilang dalawa, I didn't sleep para maisaayos ko ang gamit ni Enrique at madala ko sa kinaroroonan nila. I even secretly ask Noel to bring Athena's things here with the help of Vivian.

Actually, Noel didn't really blamed Athena wala lang siyang choice kungdi magpanggap na nakikisimpatya, the same as Vivian.

"Sigurado ba si Enrique sa gagawin niya?"

"We can't blame him Noel, sobra niyang mahal si Athena and the fact na hahayaan niya na madamay siya sa kaso ni Athena, wala na akong masabi. I hate to admit pero pinagsisisihan ko na sinaktan at binugbug ko si Enrique noon, kaya nga as an apology tinutulungan ko na silang dalawa."

Napa-iling si Noel, hindi siya satisfied sa sagot ko. Abnormal eh,

"Iniiling mo dyan? Gusto mo ipakita ko kay Vivian yung video mo at ni Sheryl?" pagbabanta ko,

"Ay wala namang ganyanan bro, sige na eto na nga tutulung na." takot na sabi ni Noel at ipinagpatuloy ang pagtiklop sa mga damit ni Athena, habang ako naman ay inilalagay ito sa loob ng maleta niya. 

"Umayos ka, kung ayaw mong kaladkadin ka ni Vivian palabas ng resort nang nakahubo't hubad."

"Alam ko naman, mahal ko 'yun.Hindi na talaga ako magloloko Troy, last na 'yung kagabi." aniya matapos isara ang maleta. Iniabot na niya ito sa akin.

"Pupunta ako sa private house, bantayan mo lahat sila. Kapag may naghanap sa akin, sabihin mo wala kang alam." kinuha ko ang dalawang maleta at sumulyap sa tulog na si Sky, "especially this man."

"Noted!" sumaludo pa siya sa akin.

Nagmartsa na ako papaalis sa villa namin, dahan-dahan at palinga-linga para matiyak ko na safe sina Athena at Quen at walang sumusunod sa akin. Ayokong mapahamak silang dalawa, sa ngayon I will put my trust on Enrique, ewan ko ba there's a part of me na sobrang napapanatag na si Enrique ang kasama niya. Siguro kasi nadismaya ako sa inasal ni Sky kahapon kaya ganito ako. 

Sa paglalakad ko, madali kong naaninag ang pigura ni Enrique na may kausap. Maya-maya pa ay may inabot ang lalaking kausap niya, sa tingin ko ay susi. Nag-apir silang dalawa bago umalis ang lalaki. 

Maya-maya pa ay nakita ko nang lumabas si Athena mula sa bahay, balot siya ng jacket na makapal pero alam kong si Athena 'yon tindig pa lang.

Lumakad na ako papalit nang makita ko sila na nag-uusap. 

"Hey!" bati ko sa kanila

"T-Troy?" gulat na wika ni Athena, liningon niya si Enrique. Tumanngo lang ito sa kanya, muli niya akong tinignan. "H-Hindi mo ako sinisisi?"

"Mas kilala kita kaysa kay Amara, mas paniniwalaan kita kaysa sa kanila." 

"T-Troy…" 

She was about to cry, kaya naman bago pa siya ngumawa ay ikinulong ko na siya sa mga bisig ko.

"Kami ni Enrique, kami yung huling tao na maniniwala sayo. Patawarin mo ko sa mga nagawa ko noon, alam ko na binigo kita at nadismaya ka. This time hayaan mo akong bumawi sa iyo, alagaan mo ang sarili mo ha? Kumain ka ng madami, matulog ka ng maaga, mag-vitamins ka kasi nangangayayat ka na, yung mga gamot mo iinomin mo parati ha? Sa ngayon, kailangan natin magtiis."

"Troy hindi ko na alam… pagod na ako, hindi ko alam kung bakit ganito. Troy gusto ko lang ng maayos na buhay, tapos mangyayari pa 'to."

"Tumahan ka na, maayos din ang lahat. Kapag nagtanong sila Tito, ako na ang bahala na magpaliwanag sa kanila. Sasabihan ko si Stella, pumanatag ka Athena. Aayon din sa 'iyo ang mundo." 

Wala na akong nadinig na sagot mula sa kanya, hikbi at tunog ng pag-iyak na lang ang isinagot niya sa akin. 

"Troy, kung gusto mong puntahan kami nasa Baguio kami. Alam mo naman 'yon, hiniram ko yung rest house ni Tita Celes." wika ni Enrique.

"Alagaan mo si Athena, ikaw lang ang kaya kong pagkatiwalaan." nag-fist bump kaming dalawa bago ako kumalas mula sa pagkakayakap kay Athena. "Sige na, umalis na kayo bago pa lumiwanag. Aalis na din ako,"

"Troy, ikaw na ang bahala…" 

"Noted Ms. A." aniko at hinagkan ko siya sa noo. "Enrique, alis na ako. Mag-iingat kayong dalawa," paalam ko bago ko sila tinalikuran. 

Sa totoo lang, isa sa kahinaan ko ay ang madinig at makita na umiiyak si Athena. Inaamin kong pinag-isipan ko, pinagpantasyahan ko pero  nung nakita ko na siya na lumalayo. Nagsisi akong bigla, pakiramdam ko tinraydor ko ang nag-iisang kakampi ko.

VIVIAN

Hindi pa din ako makapaniwala na  kaya ni Athenang manakit ng tao na ganoong kalala, wala nang malay nang iahon kahapon si Zoe sa pool, sa dami ng dugo imposibleng buhay pa siya.

Nakahiga ako sa kama ay nakatingala lang sa kisame, hindi pa ako dinadalaw ng antok.

"Viv, bat gising ka pa?" rinig kong tanong ni Courtney, tumagilid ako papaharap sa kanya. 

"Naalimpungatan lang…" sagot ko. "Ikaw, bakit gising ka pa?"

"I'm having an anxiety attack, actually I was thinking about Troy's reaction last night. Nakakatakot siya…" pag-amin niya.

"He's a mafia boss Court, anong aasahan natin?" 

"Given the fact na mafia boss siya, I mean just look how he react towards Athena's case. Hindi siya naniniwala na kayang pumatay ni Athena, which is nagawa na nga pero ayaw niya pa din maniwala."

"Courtney, sinabi niya naman na nasaksihan niya kung paano lumaki si Athena. He knew Athena the most," 

"Pero nagawa na nga ni Athena, diba? Bakit ayaw niyang maniwala?"

"Paano kung hindi talaga? Wala tayo noong nangyari ang aksidente. We cannot jump unto conclusion that easily,"

"Are you saying na hindi ka naniniwala kay Amara?"

"Possible…" 

"What do you mean?" 

"Di ba nga Amara told us na nakita niya si Athena kissing Enrique? Malay mo gumanti siya. She did to that to  Zoe and then  puts the blame on Amara."

"You knew Amara that much, she can't do that Viv."

"Tinutukan niya nga ng baril si Mariko noon diba?" pagpapa-alalal ko sa kanya.

Mariko is one of the prettiest student noon sa St. Magdalene, Enrique once court her tapos nung nalaman ni Amara 'yon. Nagalit si Amara, she even brought her Dad's gun sa school to scare Mariko. After that, Mariko didn't come to school, she also drop all of her subjects. I am Amara's friend pero minsan hindi ko maatim ang ugali niya especially when it comes to Enrique. She's kinda obsess…

Bumangon ako mula sa kama at naupo dito, wala na talaga ako sa mood para matulog. Kinuha ko ang bag ko at hinanap doon ang cellphone ko, nawawala pa din si Athena palaisipan pa din kung nasaan siya even Enrique. Magbabakasakali lang ako na baka nahanap niya na si Athena kaya naman hinanap ko agad ang profile ni Enrique.

"Active 10 minutes ago…" bulong ko. 

"Who?" takang tanong ni Courtney, bumangon din siya sa kama at umupo. "Enrique?" tumango ako."Bakit? Iniisip mo ba na kasama niya si Athena?"

"Oo, di ba nga ilang beses na 'tong nangyari? Whenever Athena was lost, si Enrique lagi ang kasa-kasama niya." 

"Kaya you are assuming na si Enrique nga ang kasa-kasama ngayon ni Athena?" 

Nagkibit-balikat na lang ako saka itinuon ang pansin sa cellphone ko. Maya-maya pa ay biglang umilaw ang kulay berdeng bilog sa tabi ng pangalan ni Enrique. Tila tumalon ang puso ko at nagkaroon ng pag-asa na maka-usap si Enrique. 

Nag-umpisa na akong tumipa sa keyboard at agad na pinindot ang send button. Kumurba ang labi ko sa isang ngiti nang makita kong ni-seen na ni Enrique ang message na ipinadala ko. Nag-antay ako ng ilang minuto pero hindi siya nag-reply. 

    Quen Madrigal IV              (active now)
Vivian Trinidad:Hey?
Vivian Trinidad: Quen, can we talk?

Sa ikalawang pagkakataon ay na seen niya lang ang message ko at hindi nireplayan. 

"Enrique just reply," mahinang usal ko.

"Viv, mabuti pa ay mamahinga na lang tayo. Masyadong madaming nangyari, we deserves to rest."

"Courtney if you want to rest then rest, hindi ako mapanatag. Hinahanap ng isipan ko si Athena…" 

"Viv, I want you to be honest with me…" Courtney stared at me. "Kaya ka ba ganyan kasi may utang na loob ka kay Athena?"

"No, hindi ako nagkakaganito just because of the utang na loob Courtney, Athena is still our friend. I need to talk to her, I need to ask her about this case. I need to hear every detail, every truth coming from her own mouth."

"Gumagana na naman ang psyche instinct mo, tama ba ako?" Tumango ako bilang sagot sa tanong niya, "Kaya pala kagabi wala yung usual Vivian, si psyche Vivian pala ang nandito." 

"Court, gets mo naman siguro kung ano ang pinangagalingan ko diba?" 

"I do, hindi kita pipigilan kung feeling mo 'yan ang totoo."

"Matulog ka na Court, mag-usap tayo mamaya."

"Good mornight Vi,"

"Good mornight"

ATHENA

Kasalukuyan kaming bumabyahe ni Enrique papunta sa Baguio, sa rest house ng Tita niya. Kanina pa kami walang imikan, nakatuon ang mata niya sa kalsada, hawak niya ang manibela sa kaliwang kamay habang hawak niya sa kanang kamay niya ang kaliwang kamay ko.  

Sa ngayon, tahimik pa ang isipan ko. Gusto kong mapanatag kahit ngayon lang, gusto kong lumayo kahit ngayon lang. Ipinapanatag ko ang loob ko kahit na nag-aalala ako kina Mama at Papa. Ayoko na silang bigyan ng sakit ng ulo, kailangan kong ayusin ang gusot na ipinataw sa akin.

Ang masakit pa dito, yung bukod tanging tao na inaasahan ko na tutulung sa akin, ay isa din pala sa tatalikod sa akin.

Isang  buntong hininga ang pinawalan ko…

"What's the matter?" ani Enrique.

"Wala," sagot ko habang nakatanaw sa bintana. 

"Tell me, don't be shy. Tayo lang naman ang nandito, let me guess… Are you thinking about Sky?" anito, umiling lang ako. "C'mon Athena, just tell me. Hindi ako mapapanatag kapag di mo sinabi." 

"Kalimutan mo na, wala lang 'yon. Just focus on the road baka maaksidente tayo,"

He just glance at me then he gently place small kisses on my hand. 

"Enrique…" out of the blue I called his name.

"Hmm?" mahiksing sagot niya. 

"Ni minsan ba naisip mo na magkakagusto din ako sa'yo?" I don't know why I am asking him a stupid question. Wala lang siguro akong maisip na topic, hayaan ninyo na.

His eyes sparkled, his mouth formed into a smile, and his whole face lit up. 

"No, cause I already accepted that you love Sky but I would love to, aside on finishing my engineering course, marrying you is one of my dream that I want to fullfill." He glance at me then back to the road. "But I know that's purely impossible…"

Muling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. May dalawang oras na kaming bumabyahe ni Enrique, nakakaramdam na ako ng gutom pero hindi ko alam kung may dala ba kaming pagkain. 

"Quen, may madadaanan ba tayong fast food?" paglalakas loob kong tanong.

"Hungry?" tumango lang ako.

"I'll find a drive thru para hindi na natin kailanganin pa na bumaba," wika niya. "Oh great," aniya na may malaking ngiti. Nakakita kasi siya ng kumakaway na clown.

"Good morning Sir," bati ng babaeng crew. "Can I take your order?" 

"Hala be ang gwapo," rinig kong sabi nang isa pang babae sa loob. 

"Oo nga be mukhang foreigner," 

"Magpapa-anak ako dyan, kahit bente."

"Ang gwapo sis,"

Sumulyap siya sa akin, at ngumisi na para  bang may iniisip na kung ano.

"What do you wanna eat babe?" anito na ikinakunot ng noo ko, kumindat lang siya.

"Ay may jowa,"

"Sayang."

Sigurado ako na nadinig niya ang usapan ng mga babae kaya siya nagkaganyan.

"Ikaw na ang bahala," sagot ko, tumango lang sya at ibinalik ang focus sa babae sa drive thru. 

"Give her everything on your breakfast menu," anito,

"Enrique, nag-dedesisyon ka na naman."

"What?" he chuckles at liningon ako, "Anong sabi mo kanina? Diba sabi mo ako na ang bahala?"

Inirapan ko siya saka ko tinignan ang babae, "for a while Miss, pasensya na." 

"Take your time po, here is the menu po," iniabot niya ang menu. Kinuha naman nito ni Enrique.

Hotcake ang unang nakatawag ng pansin ko, ang kaso lang nagdesisyon na naman itong si Enrique.

"2pc. Hotcakes with Sausage, sausage McMuffin with Egg, cheesy Eggdesal, hash Browns, egg McMuffin, and sausage Platter with Rice. Give us also 2 McCafe hot chocolate, and 2 McCafe frappe chocolate chip. banggit ni Enrique saka ibinalik ang menu sa babae.

"Is that all po Sir?" taning ng babae.

"Available ba ang McFlurry? If yes, give me 2." sagot pa niya.

"Noted po, Php 3,587 po," wika pa ng babae.

Agad na binunut ni Enrique ang wallet niya sa bulsa at binayaran ang mga order namin. 

"Thankyou po, next window na po para po ma-claim ang order ninyo." masayang sabi ng babae.

"Dadalawa lang tayo, ang dami ng inorder mo." reklamo ko nang umaandar na muli ang van.

"Ayokong nakakaramdam ka ng gutom sa byahe,"  aniya.

Na-claim na namin ang mga pagkain na inorder ni Enrique. Habang sarap na sarap akong kainin ang hotcake siya naman ay sumusulyap sulyap lang dahil nagmamaneho siya.

"Ah…" ani ko itinapat ko sa bibig niya ang tinidor na may nakatusok na piraso ng pancake. Agad niya namang ibinukas ang bibig niya at kinain ang pancake, ganun ang naging set up naming dalawa hanggang sa maubos namin lahat ng inorder niya at ang natira na lang ay ang dalawang mcflurry. 

Saktong naipit kami sa mahabang traffic nang may naramdaman akong kung ano.

"Shit…" usal ko nang maramdaman kong naiihi na ako. 

"What's the matter?" 

"Naiihi ako…" dire-diretso kong sagot. 

"Oh damn it!" usal niya. "Fck the traffic!" inis niyang sabi. 

Talagang lalabas na siya at hindi ko na kayang pigilan pa. Luminga-linga ako at nakita ko ang mga cups na pinag-inoman namin kanina. Nilingon ako ni Enrique at parang na-gets niya na ang gusto kong mangyari para makarao. 

"Go use it," aniya 

Bigla akong kinapitan ng hiya sa katawan ko pero kailangan kaysa maihi ako sa pantalon. Agad kong kinuha ang cup at saka nagtungo sa backseat doon iniraos ang nararamdaman ko. 

"Satisfied?"

"O-Oo…"

"Good,"

"S-Saan naman natin itatapon 'to?" 

"Put it back in the plastic bag, we're gonna look for a trash bin." aniya, "Use this," iniabot niya ang wet tissue na agad ko namang kinuha. "Clean yourself."

Agad ko naman siyang sinunud, at nang makakita kami ng basurahan ay bumaba siya at itinapon ang mga basura.

Muling naghari ang katahimikan sa buing biyahe, sa maiksing panahon namin na nagakakasama. Unti-unti kong natuklasan ang iba pang ugali ni Enrique, ibang-iba siya talaga sya kay Sky. Misteryoso ang taong ito, hindi kagaya ni Sky na outgoing. Mas lalo akong na-curious sa agenda niya sa akin. 

"Athena, did you already had you period?" pag-babasag niya sa katahimikan.

"Ha? Bakit mo naman natanong iyan?" 

"Just wondering…" 

September 5, 2018 na nga pala, dapat kahapon nagkaroon na ako. Baka naudlot kasi may nangyari sa amin kagabi, i'll just wait for three days. 

"Hindi pa nga, dapat kahapon pa." 

"I'll be honest with you, to be honest I really want to make you pregnant. With that, may alas ako para habulin ka."

A-Ano?

G-Gusto niya na mabuntis ako para may alas siya.

Hanep.

Doon pa nga lang sa dalawang beses na may nangyari sa amin nakalamang na siya eh. Tapos hihiling pa siya ng anak…

"Quen pagod ka na ba? Gusto mo ako na lang muna ang mag-drive." 

"Siguro, medyo nakakaramdam ako ng antok."

"Ilang oras pa ba bago tayo makapunta sa destinasyon natin?"

"3 hours…"

"Magpahinga ka muna, itabi mo ang sasakyan at ako na diyan."

Agad niya namang ginawa ang iniutos ko, ako ang naka-upo sa driver's seat. Panaka-naka din akong sumusulyap sa waze para malaman ko kung tama ba ang dinaraanan namin.

"Athena, can I ask a favor?" tanong niya,

"Ano 'yun?"

"Habang magkasama tayo, pwede mo ba akong hayaan na hawakan ang mga kamay mo, yakapin ka, at halikan ang labi mo?"

Hindi kaagad ako nakasagot nang madinig ko ang pabor na hinihingi niya. Eto ba ang kapalit ng pagtulong niya sa akin? Kaya niya ba ako tinutulungan at ginagastosan ay para mahalikan ata mayakap ako?

"Athena?"

"Sige."

"What?"

"Sige, hahayaan kita na gawin lahat ng gusto mo."

"Are you sure about that?"

"Pwede mong gawin lahat, hindi kita pipigilan."I said out of nowhere.

Nahawa na ako sa padaskol na pagdedesisyon ni Enrique pero hayaan na, nasabi ko na. Kita ko naman na masaya siya, malaki na ang sakripisyong ginagawa niya para sa akin. With that, siguro naman mababayaran ko na lahat 'yon. Mukhang hindi ko na kakailanganing gumastos para bumili ng sanitary napkin sa susunod na siyam na buwan.

"Gutom ka na ba? Mag early lunch na tayo,"

"Nope, ikaw ba?" 

"Ikaw nga ang tinatanong ko, kasi ako hindi pa."

"Galit ka ba Quen?"

"No, why would I?" 

"Wala…" aniko sabay buntong hininga.

Saktong 8:00am ng umaga nang makarating kami sa rest house ng Tita ni Enrique. Tahimik ang lugar, maraming puno, at sariwa ang malamig na simoy ng hangin. 

"Si Señorito Ken-Ken!" sigaw ng isang matandandang babaeng naibalibag pa ang hawak na walis tingting nang makita kaming bumababa sa sasakyan. 

Agad nitong binuksan ang kulay puting tarangkahan at nilabas kami. 

"Señorito Ken-Ken! Mabuti naman at napasyal ka dito matapos ang matagal na panahon." masayang wika nito at lulukso-luksong  lumapit sa amin

"Manang Osang, mano po." agad na nagmano sa kanya si Enrique, ganoon din naman ang ginawa ko.

"Aba'y sino ang magandang dilag na ito. Nobya mo? Aba'y napakagaling mo naman pumili, napakaganda niya aba'y nung kabataan ko'y kasing ganda kita!" masayang kwento ng matandang babae. 

"Athena si Manang Osang, siya yung nag-alaga sa akin nung maliit pa ako. Manang si Athena po," pagpapakilala sa aming dalawa. 

Muli akong nagmano kay Manang Osang, "Kinagagalak ko po kayong makilala manang," 

"Athena, napakagandang pangalan." ani Manang habang nakatingin sa akin

"Salamat po,"

"Kumain na ba kayo? Mag-luluto ako ng almusal, halika at pumasok muna kayo sa loob ng bahay." aya ni Manang Osang. "Pedring, Melvin pakikuha ang mga gamit at dalhin sa kwarto nila." utos pa nito sa dalawang lalaki. 

Nauna si Manang na pumasok sa loob ng malapalasyong bahay, malapalasyo ang disenyo ng rest house na ito. Bago ka makapasok ay may dalawang fountain kang madadaanan, may mahabang baitang ka ding aakyatan bago mo marating ang loob ng bahay. Ang hirap ipaliwanag pero mas malaki pa ito kung ikukumpara sa bahay ng mga Yu, bahay ng mga Melendez, at bahay ng Lolo Ronaldo ko. 

Sa sala kami namahinga muna ni Enrique, naka-upo ako sa mahabang sofa habang nakahiga siya sa dalawang hita ko. 

"Hay naku! Ang Ken-Ken ko, parang kailan lang nakasabit ka pa sa beywang ko ngayon umuunan ka na sa kandungan ng nobya mo." 

Mabilis pa sa alas-kwatro na napabangon si Enrique nang madinig ang boses ni Manang Osang. 

"Oh heto, magkape muna kayong dalawa." hinain ni Manang ang dalawang tasa ng kape at dalawang sliced ng cake na nasa platito.

"Salamat po," wika ko, nginitian naman ako ni Manang. 

"Athena tama?" 

"Opo," 

"O e paano? Mukhang hindi na ako kakailanganin ni Ken-Ken, nariyan ka na. Alagaan mo ang batang 'yan, para ko nang tunay na anak 'yang si Enrique." anito, tumango ako bilang sagot bago ako sumimsim ng kape. "Siya nga pala, anong sabi ng mga magulang mo nang malaman nila na magsasama na kayo?" 

Halos muntik ko nang maibuga ang kapeng iniinom ko nang marinig ko ang sinabi ni Manang Osang, buti at napigilan ko. 

"H-Ho?" 

"Manang," mahinanong saad ni Enrique, liningon ko siya. Parang sinesenyasan niya si Manang na h'wag na magtanong. 

"Nakalimutan kong may gagawin pa pala ako, maiwan ko muna kayo ha. Tawagin ninyo na lang ako kapag may iuutos kayo," ani manang saka nagmamadaling umalis

"Quen, anong ibig sabihin ni manang?" 

"Sorry, hindi ko kasi pwedeng sabihin yung totoo. Kaya nag-imbento ako ng dahilan,"

"Sa dinami dami ng pwedeng dahilan Quen,"

"I'm really sorry,"

"Hayaan mo na nga," daing pagsuko ko. 

"Do you wanna rest? I'll bring you to our room."

"Our room?"

"Yeah…"

"Quen,"

"What?"

"Magkatabi na naman ba tayo?" he didn't answer, wala ding emosyon ang mukha niya. "As if my choice ako…" 

"Temporary lang naman, hanggat hindi pa umaamin si Amara."

Oo nga pala, si Amara…

Hindi ko alam kung ano ang naging dahilan kung bakit ako 'yung sinisi niya… 

Pala-isipan pa din sa akin kung bakit sa dinami-dami ng gaong nandun, bakit ako ang tinuro niyang salarin? 

Sa totoo lang, there's a part of me na umaasa na buhay si Zoe. I'm still hoping that she'll wake up and she'll going to tell the truth.

Naramdaman ko ang mainit na mga bisig na umangkin sa katawan ko, maging ang mga kamay na humhaplos sa likod ko.

"Don't worry and don't lose your hope. Troy and I believe that you can't  do that. I'm sorry I shouldn't talk about that."

"Ayos lang, wala naman akong takas. Kahit pa malayo na tayo sa kanila, takot pa din ako. Napahiya ako Enrique…" 

"Shhh… don't say that."

Kumalas mula sa pagyayakapan namin si Enrique at pinunasan ang pisngi ko.

"Magpahinga ka na," anito habang hinahawi ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko. "I'll bring you now to our room,"

Dinala ako ni Enrique sa malaking kwarto, na ang sabi niya ay kwarto niya noon. Kwento niya pa, anak ang turing sa kanya ng Tita Celes niya dahil baog ito at ang nag-aalaga lang ay ang adopted son nito na si Gilbert. Kaya naman dahil legitimate siyang Madrigal at nag-iisang apong lalaki na di nabago ang apelido, malaya siya na magpabalik-balik sa mga rest house nila. May karapatan din siya na pakielaman ultimo bank account  na nasa pangalan ng mga pinsan niya. 

Marahan kong ipinikit ang mga mata ko nang makahiga ako sa panel bed. Siguro ay may limang minuto na nang ipikit ko ang mga mata ko, naramdaman ko na may parteng dumantay at humaplos sa bandang tiyan ko at nang nagmulat ako ay si Enrique ang nakita ko.

"Anong ginagawa mo?" 

"Gusto ko ng anak, Athena."

"Huh? Enrique ano bang sinasabi mo?"

"I know this isn't the right time but this is the only choice that I have." 

Marahan akong bumangon, nanatili ang ulo niyang nakadantay sa tiyan ko.

Kailangan ko siyang pagbigyan, sa ganitong paraan masusuklian ko ang pagtulong niya. Kahit dito man lang, sa yaman niya kasi baka hindi niya  tanggapin kapag pera ang ibinayad ko. 

"I love you, i love you so much," usal niya habang ipinupulopot ang mga braso sa beywang ko. 

"Magpahinga ka na din kaya, matulog ka. Ang laki ng space ng bed,"

"Ikaw ang pahinga ko," anito at ipinikit ang mga mata niya. "Ikaw ang pahinga ko Athena," mahinang usal niya.

Wala akong ibang nararamdaman bukod sa takot at pag-aalala. Hindi pa palagay ang loob ko kahit pa puro kabutihan ang ipinapakita ni Enrique sa akin.

"Athena, when my Mom passed away and my ex, Carrie cheated on me… I never really understood what it meant to feel alive until you came to my life. Despite the fear and uncertainty, I want you to know that I love you, I’m here, and I’m willing to see all of it through as long as you’re by my side." he murmured as he lifted his head. 

He cupped both of my cheeks and stares directly unto my eyes. He softly caresses my cheeks while giving me a half smile. "Don't leave me Athena…" 

"I wont Enrique, gaya ng hindi mo pag-iwan sa akin ngayon." 

"Is it possible to love someone too much? Because I feel like, I love you more than my body can contain."

"Thank you for loving me, Quen." 

"Do I need to repeat? I don't wanna hear you thanking me, Athena. I'm doing what my heart wants." 

We stared on each others eyes,and in just a split of second he claimed my lips passionately.It feels like time stopped when his lips met mine. My heartbeat beats intensify inside my chest as my body weaken. I could only focus on how soft Enrique's lips felt against my mouth and how addictively he invaded all my senses.As if time had sopped right there, as we share our feelings while sitting on his soft bed, glued to one another. As if no one else existed.

STELLA

I am busy decorating the cake that I baked here in my cake shop, when Sarah calls my name and told me to enter my office. I asked Melai to continue on decorating then I head to my office.

"Tumawag si Troy," she said nang makapasok ako. 

"O anong sabi niya? May balak ba siya na samahan ako para ma-check namin kung buhay pa ba ang anak namin sa sinapupunan ko?" sarkastiko ang tono ko. 

"Iste, alam kong mahalaga at kinakailangan mo si Troy para masuportahan ang pangangailangan ninyong mag-ina pero hindi ka man lamg ba nag-aalala kay Athena?" anito, 

Bumaha ang takot sa mukha ni Sarah na ikinakabog ng dibdib ko.

"Bakit? Anong nangyari kay Athena?" ani ko nang maka-upo ako sa swivel chair. 

"Bukod sa badya ng kapahamakan sa mga magulang niya, nasa bingit din siya ng kapahamakan Stell,"

"Diretsohin mo na Sarah!" sigaw ko

"Eto na nga," huminga siya ng malalim bago muling magsalita. "Ipangako mo sa akin na kakalma ka at hindi ka gagawa ng kung ano man."

"Just spill it Sarah!" singhal ko kasabay nun ay ang paghurumintado ng puso ko.

"Ang sabi ni Troy, naakusahan na nanakit at pumatay ng tao si Athena."

"What?" sigaw ko nang dahil sa gulat. "Inakusahan siya na pumatay? Athena wont do that!" 

"Ayon na nga ang problema Stella, hindi niya ginawa pero binintang sa kanya."

"Kamusta daw si Athena? Nasaan daw si Athena?" 

"Sa ngayon itinago nung kaibigan niyang si Enrique si Athena, dinala sa malayong lugar." 

"L-Ligtas ba siya?" 

Hindi ko mapigilan ang maging emosyonal dahil sa narinig ko, idagdag pa na nagdadalang tao ako kaya mataas ang hormones ko. 

"Sa ngayon, ayos na si Athena pero hindi natin alam sa mga susunod na araw."

"Bakit daw? S-Sino… Sino daw? Bakit si Athena?"

"Iste, kumalma ka baka mapaano ang anak mo."

"Paano ako kakalma? Diyos ko ano na ba ang nangyayari sa pamilya niya?"

"Tawagan kaya natin ang Don Rogelio Aragon? Yung Lolo ni Athena, nabalitaan ko mula kay Manang Saleng na nandito na daw sa Pilipinas si Don Rogelio kasama si Helga,"

"Sarah, mataas ang pride ng Sir Lorenzo. Saka away ng pamilya nila iyon hindi tayo pwedeng mangielam,"

Sabay naming nilingon ni Sarah ang lalaking nagsalita, si Homer ang nobyo ni Sarah. Isa siyang dating empleyado sa Aragon Group of Company na pinapatakbo ng Don Rogelio Aragon. 

Tama naman si Homer, may punto siya. Problemang pamilya nila 'yon at ang tanging magagawa lang namin sa ngayon ay magdasal at makisimpatya.

Kung nasaan man si Athena, sana ay ligtas siya. Tiwala akong hinding-hindi niya gagawin ang alinmang inaakusa sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro