CHAPTER 36

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


CHAPTER 36

VIVIAN

Matapos naming makuha ni Courtney ang flashdrive na naglalaman ng cctv footage ay agad na kaming dumiretso sa villa namin. Mabuti na lang talaga at hindi ako umaalis ng bahay na hindi ko dala ang mahiwagang laptop ko, always ready sa mga ganitong pangyayari.  

"Kinakabahan ako Viv," ani Courtney habang nakatitig sa monitor ng laptop.

"Court, relax ka lang. Wala naman tayong gagawin na mali diba? This is the right thing Court, bakit ka naman kakabahan while doing this? We will serve justice, pure and innocent justice." sumulyap ako sa kanya at ngumiti bago ako muling sumulyap sa monitor. 

"I'm not sure about this talaga, mapapahamak si Amara."

Napatigil ako mula sa pagtipa sa keyboard, napabuntong hininga ako dahil sa nadinig ko mula kay Courtney. She really care 'bout Amara despite of what happened.

"Court---"

"Viv, alam kong mali ang ginawa ni Amara pero let's give her a chance. Baka naman magbago pa siya, di ba nga? You always say before na "everybody deserves a second chance", Amara deserves it too…"

"Not this time, may taong nadamay at nasa critical condition because of her obsession kay Enrique." wika ko at bumalik sa pag e-examina ng cctv footage 

"She's still your baby AA, diba? Our baby AA…" 

"Silence…" tipid kong sabi. 

"Sorry…"

Madali kong na-access ang loob ng flashdrive, madali ko din na nahanap ang totoong pakay namin ni Courtney.

"V-Viv…" may halong takot ang boses ni Courtney. "S-Si Amara…" 

Napapanood namin ngayon ang video na kung saan malinaw na malinaw na si Amara ang naka-away ni Zoe ng araw na 'yon at hindi si Athena. Kitang-kita sa video kung paano iumpog ng malakas ni Amara ang ulo ni Zoe na halatang nanghihina na.

"I-I can't believe it…" sambit ko.

"I… I feel betrayed…" naramdaman ko ang paghawak ni Courtney sa balikat ko. Humigpit ito at animoy nanginginig pa.

"You okay?"

"I-I'm not, paano ako magiging okay? Pinag-isipan ko ng masama si Athena at kinampihan ko ang mali. Ang sama ko Viv, ang sama-sama ko."

"Kung meron man na masama dito, hindi ikaw 'yon Coyrtney. It's Amara, she's the one who hurt Zoe badly."

"Anong sinasabi mo Vivian? We all know na si Athena ang gumawa no'n, nagtestify na nga ako as a witness." pagsisinungaling ng kararating lang na si Amara.

Tumayo ako at nilingon ko ang direksyon niya. Bigla akong nakaramdam ng labis na pagka-inis, gusto ko manapak.

"Quit lying Amara! We already knew the truth!" sigaw ng nagpipigil na si Courtney. 

"What are you saying? That's absurd Courtney, don't accuse me of doing something, malinis akong tao." paninindigan ni Amara sa kasinungalingan niya.

"Bakit mo ginawa 'yon  kay Zoe? Bakit mo sinisi si Athena sa kasalanan na di niya ginawa? Tell me!" galit na galit si  Courtney, mataas ang tono niya at nakakuyom ang mga kamay. 

"Wala akong ginagawamg masama."

"Just fucking answer it Amara! Don't you ever lie again."

"Wala akong ginagawang masama, Courtney. Wag mo akong sisihin!"

"Tang*na Amara! tama na ang pag-sisinungaling mo kotang-kota ka na. Alam na namin ni Vivian ang totoo. Bakit hindi ka na lang umamin? Bakit hindi mo na lang patahimikin ang mga isipan namin? Bobo ka ba?" 

Pakiramdam ko ay ibang Courtney ang nakikita at nadidinig ko ngayon, nagmumura siya at galit na galit. She's far from the Courtney that I met 6 years ago. The Courtney that I know is calm, cheerful, and innocent that makes her admirable. But yung Courtney na nagsasalita ngayon

… is totally different..

"Wala kayong pruweba Courtney!"

"Look!" itinuro niya ang laptop na nakapatong sa kama. "Gusto mo isampal ko sa'yo 'yan? Gusto mo Amara? Para naman magising ka na sa katotohanan. My God! You are insane, ano ba ang pumasok sa kokote mo?"

Namilog ang mga mata ni Amara nang dumako ang mata niya sa monitor ng laptop. Kasalukuyan na nagpe-play ang video niya habang inuumpog ang ulo ni Zoe. Kitang-kita ko ang pag-awang ng pang-ibabang labi niya. 

"T-That's a lie! Edited yan!"

"Mukha mo! Sinong ginago mo?" sa pagkakataon na ito ay nakapagsalita na din ako. 

"Viv…"

"Ano na namang kasinungalingan ang bibitawan mo? May pa-testify testify ka pang nalalaman na sinungaling ka. Bakit hindi ka na pang mag-aplly bilang tester?" 

Lumapit siya kay Amara, hinawakan ni Courtney ang magkabilang balikat nito.

"Where did you get your courage to manipulate everyone? Tell me, hindi ka naman ganito diba? Hindi ka ganito Amara, akala ko last na si Mariko. Sabi mo hindi ka na uulit, then why did you do this? Sagutin mo ako!" galit na galit siya habang inaalog-alog ang balikat ni Amara. Mababakas  din ang galit at  panginginig sa boses nito.

"Courtney tama na," pag-awat ko sa nanggagalaiting si Courtney.

"No!" sigaw nito at liningon ako. "Bakit mo ko inaawat? H'wag mo akong awatin, ginawa tayong tanga ng babaeng 'to. Ang galing nito gumawa ng kwento." aniya at hinarap muli si Amara. "Bakit hindi ka na lang maging writer? I-publish mo sa wattpad 'yang kasinungalingan mo."

"Courtney enough!"

"No! Ginag* ako ng babaeng 'to. Nakinig ako sa mga gawa-gawa nitong kwento  para i-blame ko din si Athena."

"L-Let me explain…"

"Hinihingi ko ba ang opinyon mo Amara? Nagsasalita pa ako diba? Saka ka na magsalita kapag pinayagan na kita!" sigaw muli ni Courtney.

"C-Court, h-hayaan mo ako na magpaliwanag. N-Na…Nagselos lang ako." 

"Oh, so this is about Enrique again?" 

"Nadala lang ako ng emotions ko. Alam ninyo naman how much I love Enrique diba?" 

"Hindi ko mahanap ang connection ni Zoe kay Enrique," wika ko.

"Hindi naman dapat madadamay si Zoe, hindi ko lang alam kung paano makakaganti kay Athena. Ito lang ang naging option ko," 

"Ang saktan si Zoe at i-blame kay Athena?" tanong ko.

"At paniwalaan kami sa mga fictions story mo?" sabat ni Courtney.

Hindi sumagot si Amara, humagulgul lamang siya ng iyak at napalupasay. Pareho kaming nagkatinginan ni Courtney, malaman ang mga tingin niya na para bang may pinlano na siya. She looked down on Amara, she crosses her arms and then spoke.

"Speak, I want you to spill the fcking truth." aniya,

"C-Cou--" akmang pigil ko sa kanya.

"I said speak! Bingi ka ba?" singhal ni Courtney.

Tumango at tumayo mula sa pagkakalupasay si Amara at nang maramdaman ko na magsasalita na siya ay agad kong kinuha ang cellphone ko at isinet sa voice recording. Muli kaming nagkatinginan ni Courtney at nagkaintidihan.

"I don't know if I am going to believe you or not, Amara. Nagkaroon ako ng trust issue bigla but I will let you speak. May puso pa naman ako at image na pinoprotektahan, unlike you. " muling wika ni Courtney. "You will just stay sa image mo na anak lang ng governor."

Amara sniffs then wipes her tears before speaking,"T-That day nung nakita ko na nakapatong si Enrique sa ibabaw ni Athena habang magkahalikan sila, sobra akong nasaktan and you guys knew it diba? Umiyak pa ako sa inyo and ni-console nyo ako. And after that nung okay na ako, tumahan na ako, naisip ko na gumanti. Nagpadala ako sa emosyon ko, hindi ako nakapag-isip ng tama kaya nung nakita ko na nagtatalo si Athena at Zoe. Naki-eksena ako, I used their misunderstanding as an opportunity para kunwari kinakampihan ko si Athena but I have a hidden agenda. And that was hurting Zoe and turn the blame to Athena, akala ko kasi kapag ginawa ko 'yon…" she paused and sniffs.

"What? Continue!" iritableng sabi ni Courtney.

"Courtney, don't pressure her. Let her tell everything."

"A-Akala ko… kapag ginawa ko 'yon, aayon sa akin lahat. Magagalit kayo sa kanya, magagalit si Troy, si Sky, at lalo na si Enrique."

"Kaso hindi nangyari, alam mo ba kung nasaan si Enrique ngayon?" panunuya ni Courtney. Umiling lang si Amara na animo'y kawawang bata na sumisinghot. "I'm sure he's with Athena, making out. Oh my bad, probably they're making love."

Pinatay ko ang cellphone ko matapos kong i-save ang recording saka ko hinarap si Courtney, "Courtney that's enough!"

"Why Vivian? Parang wala kang alam ah, parang hindi mo alam." she even fake her laugh. "Hey Amara-girl, want me to tell you a story?"

"Courtney tama na," saway ko kay Courtney. "This is not you,"

"Hindi nila first time maghalikan, madaming beses na. May nangyari na nga sa kanilang dalawa, sex? Yes, they already do that. Kinwento sa akin ni Enrique kung gaano siya nasarapan at kung gaano niya hinanaphanap ang katawan ni Athena. He's madly in love with Athena. He is, Troy knew it, I knew it, even Vivian knew it."

Liningon ko ang walang imik na si Amara, bumaha ang lungkot sa mukha niya. Halatang nagulat at dumoble pa ang sakit na nararamdaman ni Amara matapos niyang marinig ang kwento ni Courtney.

"Courtney I said stop it! This isn't you! Tama na 'yan, umamin na si Amara. H'wag mo na siyang saktan pa." sigaw ko. 

Nanlaki ang mga mata ni Courtney at napatakip sa kanyang bibig, tila nagulat din siya nang marealize niya ang mga sinabi niya.

"Oh my God, what did I said?" hindi makapaniwalang sabi niya."A-Amara I-I'm sorry, V-Vivian I-I'm sorry." Maka-ilang beses niyang tinampal  ang kanyang bibig.

"T-Totoo ba 'yon?" basag ang tinig ni Amara. "T-Totoo ba na may nangyari na sa kanilang dalawa?" 

Hinarap ko siya at tinitigan. Tutal nasabi na din naman ni Courtney, may maitatago pa ba kami? Kaya naman bilang sagot ay tumango ako. 

"W-Wala na talaga akong pag-asa Viv…" muli siyang napasalampak sa sahig. "Ang tanga mo Amara! Ang tanga tanga tanga mo!" paulit-ulit niyang sabi. 

"Sorry, sorry, sorry…" lumapit at yumakap sa kanya si Courtney. 

"N-No Courtney, h-h'wag kang mag-sorry, okay lang mabuti nga iyon. Natauhan na ako, atleast alam ko na wala na akong hahabulin."

"I'm sorry Ame…" 

"Nagmahal lang naman ako eh," humikbi siya. "Nagmahal ng tao na di ako kayang mahalin pabalik."

Hinayaan ko muna ang dalawa na umiyak at mag-usap, si Courtney nabigla sa nakita niya kaya siguro ayon nagpadala sa emosyon niya. Dinaldal niya ang mga bagay na 'di dapat  idaldal. Same as Amara because of her obsession kay Enrique, nakagawa siya ng mali. Hay buhay parang life. 

Nang matansya ko na ayos na silang dalawa ay nag-umpisa na akong magtanong about sa plan ni Amara towards her accusation kay Athena. Pareho silang naka-upo ngayon sa kama, habang napatong ang ulo ni Courtney sa balikat ni Amara. Habang ako naman ay nakatayo at nakasandal sa may cabinet.

"Anong plano mo? Kailan mo babawiin ang false accusation mo kay Athena?" tanong ko. 

"I'm scared… ano na lang ang sasabihin ng Daddy ko?" sagot ni Amara. "Nasa legal age na ako, makukulong ako."

"Be nagawa mo nga 'yon nang hindi inaalala ang sasabihin ng Dad mo eh." 

"I have a suggestion, what if mag-sorry ka muna kay Athena?" suhestion ni Courtney "Tapos saka mo isipin kung paano babawiin yung false testimony mo," 

"P-Paano? Ni hindi nga natin alam kung nasaan siya and I caused her too much, wala akong mukha na maihaharap sa kanya."

"Kaya nga gagawin mo 'to, to correct your mistake. Sisimulan lang natin sa mas simple," aniko.

"Simple? Hindi 'to simple Vivian, nasira ang image ni Athena because of me na I think deserve niya naman kasi inagaw---"

"Gusto mo ba maayos 'to Amara? I think not kasi iniisip mo pa din na inagawan ka niya. I am your friend Amara, at hindi ko ito-tolerate ang maling ginagawa mo. Now, I want you to call Athena, face time her, video call her on messenger or what so ever. Just do it at mag-sorry ka sa kanya." nameywang ako at umiling-iling. 

"Kailangan ko ba talagang gawin 'to?" 

"Gusto mo h'wag na, ako na lang ang gagawa tapos ako ma din ang magsasabi sa lahat na hindi si Athena ang gumawa non kay Zoe. Baka nakakalimutan mo na I own a cctv footage na magdidiin sa'yo. In just one click, madali kong mai-aupload 'yon at mas lalala pa ang situation. Do you want it?" 

"Viv, are you really my friend?"

"Sorry but your friend who tolerate you and your wrong action aren't actually your real friend," pangangaral ko sa kanya.

"Makukulong ba ako?" 

"Probably, attempted murder ang ginawa mo and also false accusation." sagot ni Courtney. 

"Yung false accusation posible mong malusotan pero yung attempted murder, duda ako dyan." saad ko. "Wag mo kaming libangin, gumawa ka ng paraan para ma-contact mo si Athena"

"I'll ask Troy baka may alam siya. Alam ninyo naman how much he cares for Athena," tumayo si Courtney mula sa kama at isinuot ang sapatos.

Mataman kong tinitigan si Courtney, shock pa din ako sa inasal niya kanina sa totoo lang.

"Gusto mo lang yata puntahan si Troy eh." buyo ko,

"Baliw hindi, tumutulong lang ako. Saka gusto ko bumawi eh, ilang araw akong di kinausap ni Troy kasi inaway ko baby sister niya."

"Baka naman tama ka," saad ni Amara.

Pareho kaming napatingin ni Courtney sa kanya at takang tinignan siya. 

"I'm sorry, what is it?" ani Courtney.

"Baka nga tama ka, baka nga kasama niya sa Enrique. And look, nung pumutok yung issue kasabay ng pagkawala ni Athena ay ang pagkawala ni Enrique…"

"Yeah naisip din namin 'yan." napapatango na lamang ako. "Enrique is Enrique,"

"Tatawagan ko si Enrique ngayon, pero may ipapaka-usap ako sa inyo." aniya.

"Go on," mahiksing sabi ko.

"I want to settle thing with Athena in private, pwede bang iwanan muna ninyo ako?" paki-usap niya.

Muli kaming nagkatinginan ni Courtney, sabay din kaming humarap kay Amara at tumango bilang sagot 

"Lalabas kami saglit, we'll give you some time para maayos mo ang dapat mong ayusin. We will going to proceed on fixing thing by correcting everything."

Nag-group hug kaming tatlo, kinuha ko ang laptop at flashdirve bago kami umalis ni Courtney sa villa. 

ATHENA

Iminulat ko ang mga mata ko, mukhang napahaba ang tulog ko. Kinusot-kusot  jo ang mga mata ko saka ako nag inat-inat. Mag-isa lang ako sa kwarto, walang bakas ni Enrique. Tahimik ang apat na sulok ng silid

"Kapayapaan…" bulong ko sa sarili matapos kong humikab. 

Bumangon ako at nagtungo sa labas ng kwarto. Abala ang lahat ng kasambahay na nandirito sa bahay, isang babaeng naka violet floral dress na fit at above the knee ang haba, kulot ang buhok, at may suot na makapal na kolorete sa mukha ang namataan kong papaakyat ng hagdan. Matangkad ito at medyo malaman, mukha siyang bata but she kinda looks matured too probably nasa 26-27 ang age niya. 

"You must be Athena, right?" aniya nang makalapit sa akin. "I'm Gretchen, right hand ako ng Don Jose Jr. And I'm here para bantayan ka,"

"Bantayan ako?"

"Yeah baka daw kasi palitan mo ang unico hijo ng mga Madrigal,"

"Huh? Anong sinasabi mo?" 

"I'll make sure na di ka gold digger,"

"Ofcourse I'm not, hindi ko peperahan si Enrique. I can work naman to have my own money,"

"Siguradohin mo lang, inaasikaso na ang kasal ninyo."

"Kasal? What do you mean by that?"

"Ayaw mo pakasalan si Sir Enrique no? Pera lang yata ang habol mo sa kanya," akusa niya.

"Ano bang sinasabi mo?" 

"Gretchen, makakaalis ka na." Tinig ni Enrique habang papalapit sa amin. 

"Pero young master pinapunta po ak--"

"Get out!" walang emosyon ngunit matigas ang pagkakasabi ni Enrique. 

"Masusunod po young master," ani Gretchen bago kami talikuran at bumaba sa hagdan.

"Weird…" sambit ko. 

"Just don't mind her, kung ano man ang sinabi niya sa'yon forget about it. O teka kumain ka na ba? Are you hungry? Magpapaluto ako."

"Hindi ako gutom, m-maglalakad lakad lang ako sa labas ha. Uhm… Gusto mo sumama?" 

Magtatanong sana ako about sa kasal na sinasabi ni Gretchen pero kay Enrique na nanggaling na h'wag siyang pansinin kaya naman hindi ko na tinanong, iniba ko na lang ang usapan. 

"I'll just change," He caresses my right cheek then place small kisses on my foregead. "I'll follow na lang okay?" 

"Gusto mo antayin na kita?"

"Sure, if you want too. Ayoko din naman na umalis ka mag-isa, baka agawin ka nila sa akin." aniya habang kumukurba ang labi sa isang matamis na ngiti habang naktitig sa mga mata ko.

May ilang segundo din kaming nagkatitigan bago mabaling ang atensyon niya sa tumutunog niyang telepono.

Kinuha niya ang telepono mula sa bulsa ng pantalon, matagal niyang tinitigan ang screen ng cellphone. Maging ako ay napatingin din at nabasa ko ang pangalan ni Amara mula dito. 

"Sasagutin mo ba?" aniko.

"I don't want, I know bawal magtanim ng galit but yung ginawa niya sa'yo kagalit-galit 'yon."

"Baka naman may importante siya na sasabihin."

Umiling-iling siya sakabako yinakap ng mahigpit. "I love you Athena, kahit ano pang sabihin ni Amara o nang kung sino pa man. Hindi ako maniniwala sa kanila, handa kong talikuran ang lahat makasama ka lang." aniya saka hinagkan ako sa ulo.

"Enrique, tinatanong ko lang naman kung sasahutin mo ba ang tawag or hindi." 

"I want you to answer this for me, gusto kong ipamukha kay Amara na kahit siraan ka niya sayo lang ako kakampi."

"Hindi mo naman kaikangan gawin 'yon e. Nandito ka na nga kasama ko Quen,"

"Kailangan, just do it." anito at siniil ako ng halik.

Nang maglayo ang mga labi namin saka ko lamang napagtanto na nasagot na pala ang tawag ni Amara. Nakavideocall ito kaya naman nakita niya ang paghahalikan namin ni Enrique. 

"A-Amara…"

"Just say everything that you wanted to say, Amara." walang emosyong saad ni Enrique.

Huminga nang malalim si Amara, halata ang nangingilid niyang mga luha mula sa kabilang linya. Nakatitig lang siya sa amin na sa tingin  ko ay pinipigilan ang sarili na umiyak. 

Sinulyapan ko ang walang emosyon na si Enrique, hindi ko mabasa ang nasa isipan niya. Misteryoso na animo'y pati mga mata niya ay itinatago ang tunay na nararamdaman niya.

"Athena, I-I'm sorry…" sa wakas ay sambit ni Amara. "Alam ko na malaki ang kasalanan at mabigat ang accusation ko sayo regarding Zoe." Huminto siya at bumuntong hininga. Yumuko siya at muling tumingin sa amin.

Ang kaninang maamo at tila nakiki-usap na mukha ay napalitan ng galit at pagkadismayang reaksyon.

"If you were thinking na babawiin ko 'yon. Pwes nagkakamali kayo, wala akong balak bawiin 'yon. Makukulong ka Athena, hindi mapapasa'yo si Enrique."

"Fine, if that's what you want Amara. Akala mo naman magpapatinag ako, I will do everything makulong ka lang." seryoso at may diing wika ni Enrique. "Hindi ako mapapasayo, si Athena ang mahal ko."

"Sinaktan ninyo akong dalawa! Akala ko gusto mo rin ako pero hindi pala. Ilang beses tayong nagdate Enrique! Ano 'yon? Pinapa-asa mo lang ako?" bakas ang galit sa boses ni Amara. 

"Kung meron man na mas nasasaktan dito, it's not you Amara. It's Athena, ginulo mo ang buhay niya."

"Nararapat lang kay Athena ang nangyayari sa kanya! Inagaw ka niya sa akin Enri--"

Hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Amara ay   pinatayan na siya  ng telepono ni Enrique. Ibinulsa niya ang telepono saka muli akong yinakap. 

"She's nonsense, everything about her is nonsense. Don't worry Athena, I have my ways para makulong siya. Darating ang araw na hindi na tayo magtatago, but for now let's just enjoy the company of each others arms."

TROY

Namilog ang mga mata ko nang ipakita sa akin ni Vivian ang actwal na pangyayari sa aksidente ni Zoe. And I'm not wrong sa accusations ko kay Amara, siyaa nga talaga ang salarin and not my dear Athena. 

"P*t*ngina..." 

"I can't believe it, so si Amara nga talaga? Ayaw pa mag-sink in sa akin pero gagi. Just because of Enrique magkakaganun siya?" that's Noel.

"Ako hindi na ako nashock, expected ko na 'to I stay in silence pero hindi ibig sabihin no'n wala na akong ginagawa." it's Vivian.

"Dalhin na natin kay Mam Joymie yung footage,siguro naman mapapawalang sala na si Athena at para na din maka-uwi na tayo." suhestiyon ni Noel. 

"Bago natin gawin 'yan, tuturuan ko muna ng leksyon 'yang babaeng 'yan. Ang kapal ng mukha niya!" 

"Troy huminahon ka, hindi ginusto ni Amara ang nangyari. Nagmahal lang nan siya," it's my Courtney in her usual self, humble and innocent.

"Courtney," I cupped both of her cheek. "I love you and you knew it diba? I told you naman na mamahalin ko din lahat ng tao sa paligid mo na nagmamahal sa'yo but Amara is an exception. I hope you understand..."

"I do understand Troy but she's our friend. Ayoko siya makulong, she's my little sister Troy." 

"Pero Court, hindi natin hawak ang batas. Another thing is, yung family ni Zoe pa rin naman ang masusunod."

Did I hear it right? Aba walang hirit na kalokohan si Noel ngayon. 

"He's right sweetie wala tayong magagawa for Amara pero kay Athena meron, kailangan natin linisin ang pangalan ni Athena." pagsang-ayon ko. 

"How 'bout Amara? Kaibigan din naman natin siya. Kahit naman nagagalit ako sa kanya, that doesn't change the fact na kaibigan ko sya, kaibigan natin." paninindigan ni Courtney. 

Aww, my baby Courtney. I can't help but to be convince sa mga sinasabi niya. Hindi ko siya kayang tiisin but I need to save Athena...

I feel like I was thorn between Athena and Courtney. They're both precious to me but Athena needs me more. Baka ma-depress na 'yon sa nangyayari sa kanya. Wala pa namang alam sina Tito sa nangyayari dito.

I caresses her cheeks and place small kisses on her forehead.

"Vivian, Noel, kayo na muna ang bahala kay Courtney." 

"Troy, please give Amara some time para makapagnilay sa mga ginawa niya. I'm sure ngayon kausap niya na sina Enrique. I'm sure nagsosorry na sya and... a-and..."

"Courtney enough, matitiis mo ba na maghari ang kasinungalingan? Nadamay si Zoe na wala naman kinalaman kay Enrique. Mahal kita Courtney pero mali kapag lalo nating pinagtakpan si Amara. Kung kinakailangan ko na mamili ngayon din..." I pause for a while and held her hands before letting it go. "I'm sorry Courtney, mahal kita pero mas pipiliin ko na iligtas si Athena kaysa sa kaibigan mo."

Pagkasabi ko noon ay tumalikod na ako at naglakad papaalis. Narinig ko pa ang maka-ilang pag tawag ni Courtney sa akin ngunit hindi ko pinansin.

Gusto ko makabawi kay Athena, sa lahat ng ginawa ko sa pamilya. Hindi pa naman siguro  huli ang lahat.

---
AUTHOR'S NOTE:

HELLO PO!!! PASENSYA NA PO SA SOBRANG BAGAL NA UPDATE. NAWA PO AY MAINTINDIHAN PO NINYO :(( SISIKAPIN KO PA NA MAKAPAG-UPDATE AFTER PO NG FINALS PO NAMIN.

SIYA NGA PO PALA, PWEDE PO BA AKO MAKAHINGI NG FEEDBACK? ABOUT PO SANA SA STORY NI ATHENA.

SINO PO PINAKAMAMAHAL NINYING CHARACTER?

SINO PO ANG PINAKA KINAIINISAN NINYO?

+ MARAMING SALAMAT PO SA PAGSUBAYBAY SA LHOS. MAKAKA-ASA PO KAYO NA MAGIGING MAGANDA ANG MGA SUSUNOD NA CHAPTER. WAG PO KAYO BIBITAW MGA KAPATID. ILOVEYOUU ALL GODBLESS💜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro