CHAPTER 37

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ASIANNA

Abala ako na nagsasaulo ng mga aralin ko para sa darating na final exams namin nang bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Troy. Isinara ko muna ang libro na binabasa ko saka ko inabot ang tumutunog kong cellphone na nakapatong sa kama.

"Hello?" aniko nang masagot at mailapat ko sa tainga ko ang cellphone.

"Sasha..." mahinang sabi niya.

"Itian, bakit ka napatawag?"

"Nasa bahay ka ba? Nandyan ba si Tita Clara."

"O-Oo, wala dito si Mama. Dumalawa kina Tita Aileen. Bakit ano bang meron?"

"May problema tayo, ayoko sanang malaman ninyo pero kinakailangan." ani Troy sa mahinang tinig.

"And what's that?" usisa ko.

"It's about Athena..."

"Spill, let's get straight to the point."

May ilang segundo bago muling nakapagsalita si Troy. Ikinabigla ko ang inihayag ni Troy mula sa kabilang linya,na-involve si Athena sa isang insidente na kung saan siya ang tinuro na primary suspect which is hindi nan dapat. What's worse here bukod sa critical ang lagay ng ex ni Sky na si Zoe ay, itinuro siya mismo ng so-called friend niya na si Amara bilang salarin.

"The hell! Kayang gawin ni Amara 'yon?" hindi makapaniwalang sabi ko nang matapos ang tawag.

Kailangan malaman 'to nila Tito Enzo at Tita Aileen, kaya naman dali-dali akong nagbihis ang sinukbit ang sling bag ko at bumababa sa ground floor ng apartment namin.

"O Sasha saan ka pupunta? Bakit parang madaling-?madali ka?" syang bungad sa akin ni Mama nang makasalubong ko sya sa tarangkahan ng bahay namin.

"Ma, mahabang kwento po pero kailangan na po ito malaman nila tito Enzo." aniko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ma nasa panganib po si Athena ngayon,"

"Anong sinasabi mong nasa panganib? Teka nga, " ani Mama saka sinalat salat ang leeg at noo ko. "Di ka naman nilalagnat."

"Ma, I'm serious nasa panganib si Athena. Sinabi sa akin ni Troy, mabuti na lang daw na may Enrique na nag-eexist kasi kung hindi baka nasa kulungan na ang pinsan ko." Paglalahad ko na ikina-awang ng bibig ni mama.

Ikinwento ko sa kanya ang pangyayari na base sa kwento ni Troy. Gulat, galit, at pag-aalala ang naramdaman ng Mama ko. Sinubukan niya na tumawag sa mansyon ng mga Yu ngunit walang sumasagot bukod sa operator. Kaya naman nag-decide na ako na umalis, naiwan si Mama sa bahay.

Lulan ng owner ko ay may kaba aking nararamdaman sa loob ko. I can't help but to feel bother, parang may maling nangyayari. Sinubukan kong tawagan si Sky, ngunit hindi naman niya ito sinasagot.

Nang makarating ako sa mansyon ng mga Yu ay agad din naman akong pinapasok. Si Tita Aileen ang nag-estima sa akin. Mas lalo akong kinabahan nang makaharap ko si Tita.

"Ano bang meron? Bakit parang sugod na sugod ka?"

"Tita makinig ka po, hindi na po ako magpapatumpik-tumpik pa. Nanganganib po si Athena ngayon, kailangan nya po ang tulong naten. Nasangkot po sya sa krimen na hindi naman dapat sya sangkot, nasisi po sya sa bagay na hindi niya ginawa."

"Ano bang sinasabi mo? Hija kasama niya si Sky, tiwala ako na hindi nya pababayaan si Athena."

"Diyan po kayo nagkakamali, kasi tita si Enrique po ang tumulong kay Athena para magtago. Isa din si Sky sa sumisisi sa kanya."

"A-Ano?"

"Yun po ang totoo Tita, mabuti na lang po at may Enrique na nagmamahal kay Athena. Itinakas nya po si Athena, sa ngayon nasa mabuting kalagayan po siya pero sa mga susunod na araw. Hindi na po natin al ang mangyayari."

"Diyos ko po, Sasha ang anak ko. Bakit naman ganito ang nangyayari sa pamilya natin?" nangingilid ang mga luha at basag ang boses ng tiyahin ko.

"Hindi ko din po alam tita, naguguluhan na din po ako at natatakot. Na baka hindi pa ito ang pinakamalala na baka may susunod pa. Ayoko pong magsalita mg ganito pero wala po tayong magagawa." aniko ng yakapin ko si Tita Aileen.

"Kawawa naman ang anak ko, kawawa naman ang Athena ko."

"Magdasal po tayo tita, wala naman pong imposible sa Diyos."

"Don't worry Asianna, kami na ang bahala." boses ni Ma'am Loreen ang narinig ko nang maghiwalay kami mula sa pagkakayakap. "Makaka-alis ka na, wag ka na mag-alaa pa sa pinsan mong si Athena."

"Nandito po ako para samahan ang tiyahin ko," aniko.

"Bukod sa presence mo, pa ba ang maiaambag mo? May pera ka ba? May mga tauhan ka ba? Wala, mahirap ka lang. Kaya hayaan mo na kami ang gumawa ng paraan para mailigtas si Athena."

Natameme akong bigla nang marinig ko ang sinabi ni Ma'am Loreen...

"Bebang, pakilabas na ang babaeng 'to." ma-otoridad na utos pa ni Madam Loreen.

"Teka lang Loreen, bakit mo naman pinapaalis si Asianna?" halata sa boses ng tita ko na na-shock din sya sa ginawa ni Ma'am Loreen.

Hindi na ako nagulat pa, maitim ang budhi ng babaeng 'to. Hindi ako pwedeng umalis dito, masama ang kutob ko.

"Hindi po pu-pwede e, kailangan ko pong samahan ang Tiyahin ko."

"Asiana sinusuway mo ba ako? Pamamahay ko diba? Karapatan ko kung sino ang paaalisin ko."

Puti lang ang LV dress na suot niya pero hindi talaga matatago ng damit nya na 'yon ang maitim na budhi niya.

May ilang segundo niya akong sinubukan na sindakin gamit ang mataray niyang mga mata. Noong una ay balak ko pa siya na asarin ngunit nangaramdaman ko ang pagpisil ni Tita Aileen sa kamay ko ay sumuko na rin ako.

"Balitaan mo na lang ako sa mangyayari Sasha," ani Tita Aileen.

"Opo Tita, mauuna na po ako."

Dahan-dahan akong maglakad papalabas sa bahay ng mga Yu, may kaba na naman akong nararamdaman pero sinubukan ko na munang huwag intindihin.

Mag-iisip muna ako ng paraaan bago ako kumilos, hindi pwedeng magpadalos-dalos.

"Asiana,"

Napahinto ako mula sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Loreen Yu.

"Sa palagay mo ba talaga, hahayaan ko na makalabas ka nang buhay dito sa teritoryo ko?"

"A-Ano hong sinasabi ninyo?" aniko saka dahan-dahan ko siyang liningon.

"Oh c'mon don't fool me Asiana Mercado alias Sally, agent 204 trained gunman at head ng Delfin Team ng El Timur Mafia Organization. Am I correct or am I correct?" anito at maya-maya pa ay dahan-dahan na niyang itinutuk ang baril sa akin.

"M-Ma'am..." napa-atras ako nang nakita ko na nasa gatilyo na ang isang daliri niya.

"Amo mo si Troy diba? Isang Melendez, isa sa nag-traydor sa mga Aragon."

"Wala po akong alam Ma'am,"

"Really, huh?"

"M-Ma'am Loreen..."

"Bago ka pa man kumanta at pumiyok, puputulan na kita ng dila,"

Isang mahapding sensasyon ang naramdaman ng buong katawan ko. Nakapanlalabo ng paningin at nakakapanghina ng mga tuhod.

"You should stay in silence, kaso hindi e dinaldal mo pa sa kung sinomang poncio pilatong kausap mo sa telepono. Kasabwat ka e, kailangan ka linisin."

Siyang mga katagang narinig ko bago pa man mandilim ang paningin ko.

AMARA

Nakakapang-gigil, they really make-out in front of me. Mabuti na lang talaga na I'm smart, akala talaga nila susuko ako. Ano sila sinuswerte? Mas lalo ko silang ididiin, isa akong Estrada. My father is a governor, babayaran ko lahat malinis lang amg pangalan ko.

"What? You really did that? Amara ano bang pumasok sa isipan mo? Kaalyado ng Papa mo ang Lolo ni Zoe baka nakakalimutan mo," sigaw ng aking paranoid na pinsan from the other line.

"You shut up Zary,mamaya marinig ka ni Mommy dyan. Ma-unsyami pa ang mga plano ko."

"Cous, stop this. Sumuko ka na lang, magagawan naman ng paraan ni Tito 'yan thru negotiation diba?"

"Tanga ka ba Zariana? Edi nasira ang pangalan ko sa buong Magdalene, damay pati ang pangalan ni Daddy. Alam mo naman na tatakbo si Daddy sa next election for his last term diba?"

"Oh God Amara, so what do you want me to do?"

"Tell this to Dad, alam niya na 'yon. Di niya naman ako papagalitan no matter what, I'm his daughter kaya."

"The spoiled one..."

"Shut up! So here's the plan, you'll going to tell what I told you to my Dad. Tell him na gawan ng paraan para makalusot ako sa gulo na 'to. And tell him also na utusan ang mga tao nya to find Athena, siya ang tinuro ko na may gawa. I want her to put in jail as soon as possible, Zary."

"Ewan ko sayo Angelica Mariam, you did a crime just because of Enrique.Nandamay ka ng nananahimik na tao, tapos you want me to help you I won't tolerate this evil act."

"Just do it!"

"But Amara..."

"Osige, if you won't help me. Mapipilitan ako na sabihin kay Tito Ross na hindi ka talaga nagkaroon ng miscarriage but in reality pinalaglag mo ang anak mo kasi 'yon ang utos ni Ric sayo. Gusto mo 'yon?"

"You're crazy Amara!"

"Do it now or else, your darkest secret will be revealed."

"Fine!" she said in disgust before hanging up the call.

Magsaya ka na ngayon Athena habang kasama mo ang pinakamamahal kong si Enrique. Your later days will come, kung hindi mapupunta sa akin si Enrique. Mas lalong hindi siya pupwede maging sa'yo.

"Ms. Estrada, pinapatawag po tayo sa activity area. Tara na anak, ikaw na lang ang wala."

Liningon ko kung saan nanggaling ang boses. To find out na si Ma'am Joymie pala ang tumatawag

Narinig kaya niya?

"I'll follow po ma'am, I'm just looking for my earrings nalaglag po kasi." I lied.

"Okay, just hurry up." she said before leaving.

"Yes ma'am."

I breath heavily, my heart begun to beat rapidly. This is strange, sana hindi narinig ni Ma'am.

"You have to calm down Amara, hindi niya narinig okay? Hindi niya narinig." I said before walking out of the room.

While walking, I'm still uneasy. Paano kung narinig ni Ma'am Joy ang usapan namin ni Zary? Lagot ako pag nagkataon, papalpak ang mga plana ko. And the worst scenario here is baka imbis na si Athena ay ako ang makulong. I won't let that happen, not now and never.

I immediately looked for Vivian and Courtney when I already arrived in the activity area but I couldn't find them. Isa pa sila sa kinatatakutan ko, baka mamaya ilaglag din nila akong dalawa. While searching for Vi and Court, I accidentally bump unto someone.

"Oh sorry--Sky.." I mumble when I saw his face.

Nakakapanibago, he's not the usual Sky that I knew. Sobrang cold ng expression nya which is very evident thru his eyes.

"Y-You okay?" He didn't answer he just stared at me, blankly. "S-Sky... A-Anong prob--Aww!" I shrieked when he grabs my arms harshly. "Get off me nasasaktan ako!"

"Sky, what are you doing? Bitawan mo si Amara," thats Samantha.

"Walang mangingielam dito!" Sky said in a cold tone

"Sky ano ba? Nasasaktan ako!" pagpupumiglas ko, hinila ako ni Sky papalabas ng activity area. He's doing it harshly, ano bang problema ng lalaking to? "Bitawan mo ako Sky, nasasaktan ako!"

He didn't listen the more na nagpupumiglas ako, mas lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Sky ano ba?"

He brought me on the mini forest, he pushes harshly inside the cave.

"Ano bang problema mo Sky?"

"Tell me, ginawa ba talaga ni Athena 'yon kay Zoe?"

"Of course Athena did it! I saw it with my own eyes Sky. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Knowing Athena, she might be reckless but I know she can't do that."

"Sky nagawa niya na nga, I'm the witness, and I've witness it all." pagmamatigas ko. "Kaya niyang gawin 'yon. She already did it to Ivan diba? After the raping incident of Vivian, Ivan became missing diba? Athena killed Ivan para maipaghiganti nya si Vi."

"Shut up!"

Napapikit ako nang makita ko ang kamao niya na papalipad sa pisngi ko. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang ilang segundo pa ay narinig ko ang pag-atras ng mga yabag niya.

"S-Sky..."

ATHENA

Kasalukuyan kami na kumakain ng tanghalian ni Enrique. Kwento siya ng kwento tungkol sa mga bagay-bagay samantalang ako ay hindi mapakali.

I'm still bother sa naging expression ni Amara kanina. Sobrang galit na galit siya sa amin ni Enrique.

Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong mali sa kanya?

In the first place hindi ko inagaw si Enrique,hindi lang ako makawala sa ngayon dahil sa krimen na ibinintang niya sa akin.

"Hey, are you okay? Kanina ka pa tulala dyan."

Natigil ako mula sa paglalakabay ng haraya nang maramdaman ko ang pagpisil ni Enrique sa kamay ko.

"What's the matter?" seryosong tanong niya.

"Matter is anything that occupies space and has mass." syang mumutawi sa bibig ko, na agad ko nang tinampal nang makita ko na namilog ang mga mata ni Enrique.

Kumurba ang labi niya sa isang ngiti saka mahinang tumawa. "I love you," he said as he extend her left arm to reach my cheek. He gently caresses it. "So ano nga 'yon? Bakit tulala ka?"

"I'm thinking bout Amara, galit na galit siya sa atin e. And sabi niya, never siya susuko, Quen ayoko makulong."

"You will never be in jail, ako ang bahala. Sa ngayon, inaayos na ni Daddy ang lahat ng kailangan natin. Sila Troy, I'm sure they're doing everything to protect you. Marami kami na naniniwala sa'yo."

"Paano kung bumalik na lang tayo sa Tagaytay? Lilinisin ko ang pangalan ko, ayoko magtago habang buhay."

"But Athena it's too dangerous."

"I have no choice, Quen. Kungdi bumalik don at linisin ang pangalan ko."

"Are you sure about that?"

Napatigil akong bigla nang marinig ko ang tanong ni Enrique sa akin.Sigurado nga ba ako?

"Pag-isipan mo muna Athena, don't decide recklessly. But for now we have to eat okay? Then I'll let you take a rest, matulog ka . Do whatever you want, basta I'm always here for you."

Matapos namin na kumain ng nang pananghalian ay agad na akong natungo loob ng kwarto. Habang si Enrique nagpaalam na magsuswimming lang daw.

Pag-upo ko sa dresser ay nakasimalmal na hitsura ko ang bumungad sa akin sa salamin.

"Nag-iisip ka ba? Did you really think that I will let you do dumb things Athena? Susuko ka even alam mo sa sarili mo na lalo lang gugulo."

"Hindi ko na nga itinuloy Ava,"

"Kasi alam mong pipigilan kita, mag-isip ka nga! Di pa nga tayo nakakaganti sa pesteng Amara na 'yan."

"Hindi naman natin siya pwedeng gantihan,"

"Says who?"

"Athena, sinong kausap mo?"

Napatahimik ako nang marinig ko ang boses ni Enrique, nakita ko rin mula sa reflection ng salamin ang paglapit niya. Basa ang buhok niya at nakasuot lang siya ng puting bath robe.

"Q-Quen, ikaw pala." May pag-aalangan ko siyang nilingon. "W-Wala 'yon, may ginagaya lang akong scene sa palabas na pinapanood ko.

"Hmm?" aniya saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Balak din pala mag-artista ng reyna ko. That's cool pero alam mo kung ano ang mas cool?"

"Hmm, ano naman 'yon?"

Ipinadausdos niya ang kanang kamay mula sa balikat ko papunta sa tiyan ko.

"Guess it, I'm pretty sure it's obvious but don't mind it. May gusto ka bang gawin? May gusto ka bang kainin?" aniya saka inalis ang mga kamay na kaninang nakahawak sa akin.

Umiling lamang ako that makes him creased his forehead. "What? I know I'm kinda boring. Gusto ko lang talaga mahiga maghapon." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at humarap sa kanya.

"Nope, your cool. We're kinda similar pala in some aspects. We both enjoy the company of these bedroom's 4 corners." Quen smiles from ear to ears. "Athena I love you," he said softly. "Alam ko sobrang redundant na but that's the truth. The first time that I saw you, I know you're the one. Kaso hindi ako yung the one mo." he laugh bitterly. "But never mind it," he release a deep sigh. "As long as you're here with me.I just want to stay be with you until the end, no matter what, even if it meant ripping my heart out. I want you to be mine, I want you to be by my side no matter what, and I'll be yours no matter what even if it meant having to face everyone that hates you I honestly dont care who or what it is I just wanted to he there for you until the end."

Woah...

Here we go again, dumadaldal na naman siya. And it's kinda rude kung pipigilan ko siya or some--

"Careful!" mahinahong paalala ni Enrique matapos sumabit ng porselas na suot ko sa may hole part ng dresser. Hindi ako nasaktan pero nakalas ang mga pulang beads ng pulseras.

Nakaramdam ako ng tila paghapdi at pagsikip ng dibdib ko na tila ba may masamang nangyari. Umiling-iling ako saka yumuko at isa-isang pinulot ang mga beads, tinulongan naman ako ni Enrique sa pagpulot.

Isa-isa naming pinulot ang mga beads na nalaglag sa sahig at pumasok sa mga sulok at singit-singit ng dresser.

"15... 16... 17... 18... kulang ng dalawa pang beads and yung pang-lock wala den." pagbilang ko sa mga beads na napulot nin.

"Let's just find it tomorrow, magpapalinis naman tayo kay Manang Osang."

"But I need to find it now, sobrang sentimental ng polseras na 'yan e."

"Let me guess, did Sky give that to you?" aniya, umiling lamang ako.

"That's a gift from Sasha, my cousin. Promise bracelet 'yan..."

"O-Oh, I'm not really good in guessing but yeah. Ganito na lang, bukas na bukas din magpapalinis na ako dito sa kwarto para makita natin agad yung mga nawawalang part. Okay lang ba 'yon?"

"Tha--"

"I don't wanna hear it, okay?" aniya. "Let's go downstair, magswimming tayo. H'wag ka nang mag-alala, if ever na di natin mahanap. We will going to buy na lang, for you and for Sasha."

"Pero mas maganda siguro kung mahahanap natin 'yung ibang piraso. Sobrang special ng bracelet na 'yan."

He cupped both of my cheeks, "Don't worry my queen, I'll find it okay? H'wag ka nang mag-alala dyan, just relax baby. Sobrang dami mo nang iniisip, sobrang naiistress ka na and I hate it kasi wala akong magawa. Hindi ko alam kung paano ka tutulungan,"

"Ano ba ang sinasabi mo dyan, Quen? Ayos lang naman ako."

"Your eye don't lie," anito saka hinagkan ako sa noo at matapos ay hinila ako papalapit sa dibdib niya at ikinulong niya ang katawan ko sa mga bisig niya.

"Quen,"

"Shhh... i love you," he whisper.

SKY

Magulong-magulo na ang isipan ko kung paanong ang iniisip kong masayang leadership summit na 'to ay nauwi sa ganitong pangyayari. Naipit ako sa dalwang nag-uumpogang bato, naipit ako sa dalawang babaeng parte ng buhay ko. Si Zoe na minsan kong nagustuhan at si Athena na mahal na mahal ko.

Athena is kinda reckless sometimes, she seldom act like and act like someone who doesn't give a damn. But to I swear, she's an angel. Athena had a pure innocent heart, it is imposible na ginawa niya 'yon kay Zoe. At kung nagawa niya nga 'yon, alam ko na malalim ang rason ni Athena.

"Ang lalim ng iniisip mo, may problema ba?" that's Noel, he is sitting on my right side.

Kasalukuyan kaming nandirito sa loob ng activity area. Lahat kami ay dadaan sa interogation bago kami maka-uwi bukas. Ang kaso lang, ayoko pa umuwi. Wala pa si Athena, ilang araw na siyang nawawala simula noong mangyari ang insidente.

"Sky bro, panatagin mo ang loob mo. Kung nasaan man si Athena, sigurado akong ligtas siya." Noel said while tapping my shoulder.

"Bakit ba kasi hindi na lang sumuko ang babaeng 'yon?" tanong ni Kelly na nasa may bandang likuran namin.

"E ikaw babaeng mukhang sisiw, bakit di ka na lang manahimik dyan?" and that's Vivian.

"Pasukuin ninyo na kasi 'yang si Athena para wala nang problema. Gagawa gawa ng krimen, ngayon nagtatago. And the worst part here, nakalabas pa ng resort. Ang lakas naman ng kapit niya. " narinig ko pang sabi ni Barbie.

Napag-alaman ng pamunuan ng resort pati na mga pulis kanina lang na wala na si Athena sa loob ng resort. Pati na si Enrique, na sigurado akong kasama niya sa pagtakas.

Wala akong galit kay Enrique, nagpapasalamat pa ako sa kanya kasi inilayo niya si Athena. Ang kaso baka magkakaroon din siya ng kaso kapag nagkaroon na ng man-hunt operation.

"Listen student's, papayagan na kayo maka-uwi bukas. We already talk to the resort's owner para hindi na kayo madamay at maging mapayapa na ang lahat but please, makikiusap kami na kung ano man ang nangyari sa loob ng resort na ito. Wala sanang makalabas, this is sensitive and a very confidential thing. Bigyan po natin ng respeto ang pamilya ni Ms. Rosell gayon din ang pamilya ni Ms. Aragon at---"

"Bakit naman po namin rerespetohin si Athena? Nakagawa nga siya ng krimen e." paglalakas loob na sabi ni Kelly.

"I agree, siya ang may dahilan kung bakit andito tayo sa sitwasyon na 'to." pagsang-ayon ni Barbie.

"Bwiset talaga 'tong mga babaeng ampalaya na 'to." inis na saad ni Vivian at akmang tatayo pero napigilan siya ni Troy na katabi niya.

"Just let them, hayaan mo na sila. We knew the whole truth Viv, it's not Athena." Troy said in a calm tone.

"Pero Troy hindi mo ba sila naririnig? They throwing hate kay Athena and I fcking hate it." basag ang boses ni Vivian na para bang iiyak na siya.

She really care for Athena...

"Maingay ang lata kapag walang laman Viv, let them throw hates toward Athena. Sila din naman ang mapapahiya kapag naipalabas na ang video." Troy said with a smug look on his face.

"Video?" Vivian and I asked in unison. "Anong video ang sinasabi mo?" tanong ko.

"Don't tell me..." si Vivian.

"That's the only thing that we can do," Noel said saka tumayo. "Pano Troy? You owe me your grey Jaguar na si Pamela ha."

"Teka, ipapalabas ninyo ang cctv footage?" Vivian asked.

"Teka, anong footage ang sinasabi ninyo?" tanong ko pero hindi nila ako pinapansin.

"Sit back and relax, Sky," ngumiti pa si Noel bago naglakad papalis.

"Nagplano kayo nang hindi man lang kinokonsulta samin ni Courtney."

"Para namang makikinig sa atin 'tong si Troy," kibit balikat na sabi ni Vivian.

"Pati ikaw Courtney alam mo?"

"Girl, wala naman tayong magagawa. Naaawa ako kay Amara but what's the purpose of confronting her kung 'di naman pala natin kayang panindigan."

"Anong alam ninyo na hindi ko alam?" tanong ko. "Vivian, Courtney, Troy," sabay-sabay sila na liningon ako. "Guys, ano ba?"

Nagkatinginan sina Troy at Vivian nang ilang saglit, bago ako hinarap ni Vivian.

"Like you, we doubted Athena too. And it turns out na hindi naman pala si Athena ang gumawa noon. It's Amara who did that too Zoe and not Athena." pagpapahayag ni Vivian na ikina-awang ng bibig ko.

"Nagselos lang si Amara kaya niya nagawa 'yon. Alam kong mahirap paniwalaan but that's the truth, Sky." Courtney added.

"H-How?"

Hindi na sila sumagot, naramdaman ko na lamang ang pagtapik ni Vivian sa balikat ko.

On that moment, nahagip ng mga mata ko si Amara na paparating. She's walking directly on our side, hindi na ako nag-atubili na tumayo para kornerin siya.

"Sky," hinigit ni Vivian ang braso ko. "Please, hayaan mo muna si Amara."

"No Vivian, kailangan nya managot."

"Sky please listen to me, mananagot naman si Amara e," lalo niyang hinigpitan ang kapit sa braso ko. "Mapapa-walang sala si Athena, 'yon naman ang gusto natin diba?"

"Vivian if you are thinking na sasaktan ko si Amara dahil sa nalaman ko, you're wrong. Hindi ko ilalagay ang batas sa kamay ko." I smile at her.

"Viv, hayaan natin si Sky. Karapatan niya 'yon since isa siya sa nalinlang ni Amara." si Troy,

"Pero Troy,"

"Kumalma ka lang dyan,"

Binitawan na ni Vivian ang braso ko, tinigan niya ako na para bang binabantaan nya ako na h'wag sasaktan si Amara.

"I won't hurt her,"

"Siguradohin mo lang Sky," matigas na sabi niya.

I won't promise Viv, hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko. Pinagdudahan ko ang babaeng mahal ko tapos ngayon imbes na ako ang kasama ni Athena ngayon, sigurado ako na ginagamit ni Enrique ang sitwasyon para makalapit sa Athena ko.

Bakit ba napatkatanga mo Sky?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro