CHAPTER 38

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Amara

Matapos akong iwanan ni Sky sa loob ng cave ay napagdesisyonan ko na din na umalis doon at bumalik sa activity area. Tahimik akong naglalakad at ine-enjoy ang tahimik na paligid. Ngunit nang mapadaan ako sa grupo ng nga maintenancr staff na naglilinis, bigla na lang akong nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan ko, mabigat din ang bawat yabag ko na dulot ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Weird," I mumble to myself.

Ipinagsawalang bahala ko ang itinuturing ko na "strange feeling" para naman mapanatag ang loob ko. Nang maaninag ko na ang gusali ng activity area ay mas lalong tumindi ang kavang nararamdaman ko. I can even feel my own cold sweat.

"Hindi nga pupwede! Giovanni bulag ka lang! Alam na alam natin na hindi si Athena ang gumawa non. Hindi ka man lang ba napapa-isip, na baka na dumadaan siya ngayon sa matinding anxiety dahil sa nangyayari."

Ang mala halimaw na baritonong boses ni Troy ang narinig ko nang makapasok ako sa activity area. Nagkakagulo ang lahat, maingay at para bang nanonood ng wrestling.

"Hindi pwede Troy, hindi pwedeng malaman nila ang totoo. Ayokong mapahamak siya, mahal ko siya." sigaw ni Giovanni na umiiyak at nakaluhod. "Parang awa mo na, hayaan mo na na si Athena ang magbayad ng kasalanan niya."

"No freaking way! Ano ako baliw? Bakit ko naman ipapahamak si Athena? Get out of my sight baka di kita matansya Giovanni."

"Troy," nakita ko ang ginawang pagluhod ni Giovanni sa harapan ni Troy at ng mga kaibigan ko. "Parang awa mo na."

"Kayo ba naawa kayo kay Athena? Nung ipagsigawan ninyo at maniwala kayo sa kasinungalingan ni Amara? Nawawala ngayon si Athena, Giovanni. Hindi natin alam kung nasaan siya, kung buhay pa ba siya. Takot na takot siya Giovanni. TAKOT NA TAKOT SI ATHENA!"

"Troy tama na, tama na please." Si Courtney pumagitna na siya at yumakap kay Troy.

"Mr. Melendez," si Ma'am Joymie, lumapit siya at may dalang kung anoman. Kasunod niya sina Noel at Vivian. "Ayos na, naka-usap ko na din ang mga magulang ni Ms. Estrada at handa silang humarap dito."

What!?

My parents?

O MY GOD ...

This can't be happening...

Hindi pwedeng malaman nila na ako ang gumawa. Hindi ako pwedeng makulong, kailangan kong gumawa ng paraan.

Agad akong tumakbo papalabas ng activity area. Kailangan ko nang makapag-impake agad at nang maka-alis na ako dito.

"Akala mo ba makakatakas ka? Wala naman magagawa 'yang pagtakbo mo. Buking ka na be, wala ka nang magagawa. Yung cctv nasa kanila na,"

Napahinto ako nang madinig ko ang boses ni Barbie mula sa likuran. Hindi ko siya nilingon, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Sarili mong mga kaibigan nilaglag ka." gatong ni Kelly.

"E kawawa ka naman pala," dagdag naman ni Samantha.

I release a deep breath before facing them. "Wala akong panahon na makipag plastikan sa inyo."

"Ay wow!" panunuyam pa ni Barbie. "Ganda ka? Parang di ka humingi ng tulong sa amin nung nakagawa ka ng crime." She paused for a while para tignan ako mula ulo hanggang paa, "Hot topic ka ngayon girl, nilaglag ka ni Vivian. E diba best friend mo 'yun?"

"Kapag hindi ka umalis dito ngayon baka bukas, imbis na camera at make-up ang hawakan mo ay baka maghimas rehas ka." sabi pa ni Samantha.

"No! Hinding hindi mangyayari ang sinasabi ninyo. My dad will going to do everything para lang mapawalang sala ako!" I shouted.

"What to expect? Anak ka nga pala ng governor, syempre trabaho ng daddy mo na linisin ang image mo para mabango siya sa susunod na halalan. Poor Amara, walang sariling pangalan. Mananatiling nakakabit sayo ang tag name na 'anak ng governor'. Yes, anak ka lang ng governor. The naive and dumb, daughter of the governor. Oh I forgot to mention, you are a killer too."

Hindi ko napigilan ang sarili ko, nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Barbie.

"Oh you shut up!"mabilis kong hinablot ang mahaba niyang buhok at iwinasiwas ito.

"Help! Help! Yung killer ni Zoe, nandito!" sigaw ni Samantha.

"Help! Balak niyang isunod si Barbie!" sigaw din ni Kelly.

Agad kong binitiwan ang buhok ni Barbie para sawayin ang dalawang impakta. Pakabitaw ko sa buhok ni Barbie ay agad ko siyang itinulak.

"Oh my God! Ms. Dela Merced!"

Napamulagat ako nang makita ko ang paglabas ni Ma'am Joymie at ng mga school mates ko mula sa activity area.

Agad nilang nilapitan si Barbie na nakahandusay ngayon sa may sahig.

"Oh my..." bulong ko... "B-B-Barb, Barb I-I'm sorry."

"First Zoe, tapos si Athena, and now si Barbie. Sino pa bang isusunod mo Amara?" nilingon ko ang babae na sumigaw, only to find out na si Camille pala 'yon.

"C-Cams, maniwala ka hindi ko sinasadya. N-Nadala lang ako ng emosyon ko." sinubukan ko na magplease sa kanila but...

"Paano pa kami maniniwala sa 'yo? E yung incident nga kay Zoe na ikaw ang may gawa isinisi mo sa nananahimik na si Athena e." that's Ate Laniel.

"M-Maniwala kayo sa akin, p-please..."

"Sinungaling ka!"

"Dapat sa'yo mabulok sa kulungan e."

"Influencer ka pa naman pero mamamatay tao ka."

"Hindi ka dapat tularan."

"Makinig kayo sa akin, hindi ko sinasadya. Please hear me out, please listen to me just for once."

Pagmamaka-awa ko, luminga-linga ako, mula sa umpakan ay nakita ko sina Courtney at Vivian, agad ko silang nilapitan sa pag-asang ipagtatanggol nila ako "C-Courtney, naniniwala ka naman sa akin diba? I'm your baby AA, diba?" ani ko. "Vivi please, help me. I need you guys."

"Tama na Amara, I am might be your friend pero I don't tolerate evil actions." walang emosyong sabi ni Vivian umalis ito na habang hawak-hawak ang kamay ni Courtney.

ENRIQUE

I am busy creating a miniature mansion while sitting on the floor here in the living room, I made myself busy so I could able to avoid on thinking about what I witnessed and heard yesterday.

And I still can't believe that I saw Athena talking to herself while facing the mirror.

She was calling herself Ava, And as far as I know, Ava Titania is her codename but that doesn't make any sense at all. Wala kami sa racing field, and she doesn't even wear her signature black mask. The tone of her voice changes, her reflection on the mirror changes.

It's kinda weird and it also remind me of a documentary that talks about the mental disorder,which is the split personality. But no matter what happens, my love for Athena will not and will never change. I will accept whatever she is, siya man si Ava or hindi. I love her and thats the only thing that I know.

"Hanggang kailan mo itatago ang babaeng 'yan? Insan baka mamaya maging wanted ka na din." That's Gilbert, he rose from the dead.

"Wala kang pakielam, Athena is mine. She's stuck with me,"

"Kalma lang, nagtatanong lang ako." He said as he sat on the single sofa chair across my direction.

"How I wish Amara would not have confessed so that I could be with Athena much longer."

"What? Bro, hindi ka pa naman nasisiraan ng ulo diba? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo."

"I'm still sane Gil, I'm just madly in love with her. I am madly in love with Athena despite the reality of her being in love with Sky."

I continued on making the upper top of the miniature house.

"Bro chill ka lang, madami pang iba diyan. At isa pa sa'yo na din nanggaling, inlove si Athena kay Sky. Pinsan natin 'yon bro, wag mo nang taluhin."

I gave him a death glare, "Shut up! You are fully aware how deadly I am. Ilalaban ko nang patayan ang pagmamahal ko kay Athena."

"Kahit sariling kadugo mo?"

"Ke kadugo, ke hindi. It doesn't matter, I'll kill all of them. I will kill everyone who will try to snatch Athena away from me."

And that's my real agenda on helping her, sa tingin ninyo ba tutulungan ko lang siya ng libre? Well, helping "free" is not really my thing.

"Siya nga pala, 'yung pinapa-ayos mong dokumento naasikaso na ni Chie, tuloy na din ang bidding next week. Si Mr. Jung naka-usap ko na din, binawi niya na ang share niya sa mga Yu." he stated.

"That's good, how about the Dragon Empire?"

"Si Cynthia na ang inutusan ko to fix it, medyo mahigpit ang kalakaran sa loob ng mansyon ng mga Yu pero hawak niya na. Madali nang mababawi ng mga Aragon ang mga ari-arian nila. Aware na rin si Lolo Joe sa plano nating pagbawi sa ari-arian ng mga Aragon,tho medyo pagod na ang Lolo umarte na may sakit. He'll do whatever daw nang sa gayon bumalik na ang Prinsesa ng apo niya sa kaharian."

I smiled at the every good news that Gilbert stated. Since then, I really wanted to help Athena's family, the Aragon's and their endless problem. I was quiet but that doesn't mean that I didn't know what was going on. I know the plan of Yu and the Melendezes, I knew it very well. I'm also aware of Troy's pretense back then to get Athena. Edison Yu is the mastermind of everything that happens to Athena and her family. And I will not allowing that to happen again.

"Kapag nakuha na ni Cynthia lahat ng dokumento, sabihan mo siya na ilayo ang parents ni Athena. Doon kamo niya dalhin sa rest house ko sa Laguna. Kapag nagkaproblema, magpatulong ka na kina Tito Vincent at Tito Ruel." utos ko pa.

"You really sure about that Quen? Sobra-sobra na ang pagtulong mo sa pamilya ni Athena. Ganon ka ba talaga kabaliw sa babae na 'yon?"

"Ewan ko ba diyan sa pinsan mo Gilbert, dapat labas tayo sa away pamilya nila e. Pati tuloy tayo nadadamay, simula nung nalaman niya ang kwento ng buhay ni Athena. Hindi na napakali 'yan."

I looked on the direction of the woman who spoke.

"Jazille, what are you doing here?" I asked.

"Edi ano pa, I'm going to report something. Napag-alam ko mula kay Cynthia na binaril ni Loreen Yu ang pinsan ni Athena na si Asianna Santibañes Mercado, tapos ayun. Pinalabas ng mga Yu na nagpakamatay si Asianna."

"Are you serious?"

"Sa tingin mo ba Quen, pupunta ako dito para mag-imbento lang ng mga kwento-kwento? Of course it's true," she said angrily. "Ang daming problema sa buhay ng babae mo Quen, una inagawan ng kayamanan, pangalawa pinagka-isahan at patuloy na nililinlang ng dalawang pamilya, tapos pinagbintangan na nanakit, tas ngayon eto pinatay ang pinsan. Ano susunod dyan? Quen naman ano na? Wake up! Naging knight in shining armor slash admirer slash stalker ka na ng babae na yan."

"So? Baka nakakalimutan ninyo na hawak ko ang last will and testament ng Lolo, magagawa ko ang lahat ng gusto ko. At kayo, susundin ninyo lahat ng utos ko. O sige, h'wag ninyo nang sundin basta magbalot-balot na kayo. At wala na kayong aasahan na mana." I said as I walk toward the stairs.

"Alam mo naman na kapag usapang mana talo kami sayo e, wala kaming choice. Ayaw namin maging homeless, Quen. Fine! ano ba ang gusto mo na gawin namin?" with a blink of an eye, Jazille changes her mind.

Money and wealth really can change everything.

I turned around to face them as I stated everything that I want to happen, as soon as possible.

"I want you to -- hold on, I just need to pick up this call." I got interupted by my phone. It was ringing and ringing nonstop. "Troy..." I mumbles as I read the caller I.D. "Hello," I said as I pick up the call.

(Quen, I have a good news. Dapat kahapon ko pa 'to sinabi sayo kaso sobrang gabi na and I dont want Athena to be sleepless. That's why, I've decided na ngayon na lang sabihin.)

I can sense the glimpse of excitement and happiness on his voice. That makes me a bit uncomfortable.

"And what is it?"

(Bumalik na kayo ni Athena dito, tapos na ang pagtatago ninyo. Umamin na si Amara, may mga ebidensya na din kami na nakuha.)

And with that, my monster self has came to life.

(May mga media nga dito e, tignan ninyo. Panoodin ninyo nasa mga tele---)

After hearing the news from Troy, I hang up the call and immediately  ask Jazille to turn on the television.

"J-Jazille, c-can you please turn on the television."

"H-Huh? Bakit?" she cluelessly asked.

"Just do it!" I shouted
angrily.

Jazille grabs the remote from the couch and cluelessly turned on the flatscreen television.

"Nahaharap ngayon sa kasong attempted murder at serious physical injury, ang Ms. Teen Manila 2016, vlogger, at anak ni Marikina Governor Ramon Estrada na si Angelica Mariam Lorena Estrada o mas kilala bilang Amara Estrada. Dahil ito sa tangkang pagpatay sa kanyang kaeskwela, na kinilalang si Zoe Rosell na isang runaway model. Anak ng may-ari ng Rafaella's group of company na si Dr. Rafa Rosell at dating Mrs. World Philippines na si Cecilia Fuego-Rosell. Nasa kritikal ngayon na kalagayan ang 20 anyos na biktimang si Zoe Rosell at kasalukuyang nasa ICU. Sinubukan naming hingan ng panayam ang kampo ng 21-anyos na Estrada ngunit tumanggi ang  kampo nito. Samantala makaka-usap naman natin si Ms. Barbie Dela Merced, isa sa---"

I immediately grab the remote from Jazille and turns off the television.

"That girl is insane, di niya na binigyan ng kahihiyan si Ninong Gov."

"Diba crush mo 'yan Gil?"

"What? No way, hindi na ngayon. Kinikilabutan ako Jaz,"

I feel like I'm hopeless right now, after hearing the news about Amara. I really want to save Athena from the crime that Amara made. I want to clear her name but I also want to be with her forever. The day I dread has come.

And the only thing that I can do right now is this...

I immediately ran to the second floor of the house and went to Athena's room. I caught her leaning her back on the headboard, while reading a book.

"Good morning Quen,thank you sa masarap na break fast." She glance at me as she notice me , then she sweetly smiled.

I felt a glimpse of guiltness inside me but I had to do this. I walk towards her direction and gives her a peck on his lips. As I whisper "I love you" you on her ears.

"Dito ka lang ha, h'wag mo akong iiwanan."

"What are you talking about?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Tinalikuran ko siya at agad na nagtungo papalabas ng kwarto. I immediately closed and locked the door.

"Quen," I heard her footsteps "Enrique! Enrique! Enrique buksan mo 'tong pinto. Enrique!!" sigaw niya habang  kinakalabog ang pintuan. "Quen palabasin mo ako dito! Enrique!!"

VIVIAN

We woke up early para maagang makapag-ayos ng gamit at para na din maka-iwas sa traffic jam sa Manila. Pagkalabas ko pa lang ng villa ay ramdam ko na ang mabigat na atmosphere dala nang nangyari kahapon.

"Wala na si Amara, nasa kulungan na siya
" ani Courtney, kumapit siya sa braso ko. "Vivian, I feel guilty..."

"Guilty saan?" siyang tanong ko.

"Sa nangyari kay Amara, we're her bestfriend pero tayo pa mismo ang naglaglag sa... sa kanya." she was about to cry.

"Ako din naman pero Coco, isipin na lang natin na ginawa lang natin kung ano ang tama."

"Makukulong siya Viv, nakakatakot sa loob ng kulungan. Madumi, mainit, masikip, hindi makakatagal si Amara doon."

Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala ni Courtney para kay Amara pero ano pa ba ang magagawa namin? Ginawa lang naman namin ang tama. Nag-aalala din naman ako para sa safety ni Amara, kaibigan ko pa din naman siya.

"Viv, dalawin natin siya ha. Bago tayo umuwi sa bahay natin, nami-miss ko siya agad e. Please Viv," pakiusap ni Courtney.

"Sure," I doubt na gusto niya tayo makita, after what we did to her.

Kahapon, bago mareveal ang katotohanan. Matagal pa namin na pinag-isipan, tinimbang namin e. Para akong naipit sa choices na parehong may masasaktan. Noel told me naman na he will going to protect me, whatever happens naman daw.

"Viv, Courtney, tara na. Kayo na lang ang hinihintay sa bus." sigaw ni Laniel habang kumakaway mula sa di kalayuan.

"Susunod na po kami," sigaw ko pabalik.

"Tara na Courtney?" wika ko, sabay kami na naglakad papa-alis sa villa, mabigat ang bawat hakbang namin. Mabigat din kasi ang karanasan namin dito.

"Hoy Angeles! Bakit hindi
man lang kami sinundo?" busa ko sa boyfriend ko nang makita ko siya na inaakyat ang gamit ni Sheryl sa bus. "Tapos lakas pa ng loob mo na tulunhan 'yan. Siya na ba ngayon ang girlfriend mo?" tumawa lang siya nang nakakaloko na ikinainis ko.

"Let him, ako na ang bahala."

Nilingon ko ang lalaki na magsalita, only to find out na si Troy pala. Agad niyang kinuha ang maleta ma dala-dala namin ni Courtney at iniakyat sa bus.

Mabigat na ang atmosphere dito sa resort pero mas mabigat ang aura ni Troy. Bakit kaya? Nakapagtataka.

I just shrugged both of my shoulder saka may pagtataka ma umakyat sa bus. Sa tabi ako ni Courtney umupo, badtrip ako kay Noel. Wag niya ako kakausapin, mumurahin ko talaga siya.

"Nasaan si Mr. Madrigal at Ms. Aragon?" syang tanong ni Mam Joymie matapos niya kaming bilangin isa-isa.

"Really Ma'am? Ngayon ninyo lang napansin na nawawala ang dalawang 'yon? E simula kaya nung accident ni Zoe nawala na sila." siyang sagot ni Kelly.

"Hindi pwedeng may maiwan na dalawa Ms. Joymie, kailangan kumpleto tayo well except kay Ms. Estrada at Ms. Rosell." si Ma'am Rosanna ang sumagot. "Mr. Melendez baka naman may contact ka sa kanila."

"Susubukan ko po ulit na contac-in si Enrique. Pero Ma'am, pwede po ba akong humingi ng pabor? Kilala ko naman po ang may-ari ng resort na ito, magpapa-iwan po sana ako para hanapin sila."

"Sasama po ako Ma'am," nabigla din ako nang bigla akong tumayo mula sa kina-uupuan ko at magpresinta ma samahan si Troy.

"Ms. Trinidad, Mr. Melendez sigurado ba kayo? Baka may mangyari sa inyo, kargo pa din kayo ng school."

"I am a 24 years old grown up man Ms. Joymie, I can handle myself." paninindigan ni Troy. "You don't have to worry about me or even kay Vivian. Ako na po ang bahala sa kanya."

"Sasama din po ako," si Sky.

"Hindi, umuwi na kayo. Kaya na namin ito ni Vivian." si Troy ang sumagot, kinuha niya ang gamit ko at pati na ang kanya. "Noel, Sky, kayo na muna ang bahala kay Courtney." humalik pa ito kay Courtney.

"Troy boyfriend ako ni Athena and I'm worried about her." pagpupumilit ni Sky.

"At ako ang guardian niya Sky. Nasaan ka ba nung kasalukuyan na kailangan ka ni Athena? Wala ka naman diba? So don't act na nag-aala ka para sa kanya." mababakas mo ang pagka-inis mula sa tono ng pananalita ni Troy.

Hindi pa man pumapayag sina Ms. Joymie at Ms. Rosanna ay bumaba na si Troy mula sa bus dala-dala ang luggage naming dalawa.

"Babe, ako na lang ang sasama kay Troy. H'wag nang ikaw, lalaki ako mas kaya ko." tumayo si Noel mula sa kinauupuan niya.

"Don't you dare invalidate my capability, Noel. " wika ko saka ako bumaba mula sa bus.

"Mag-iingat kayong dalawa," sabay na sabi ni Ms. Joymie at Ms. Rosanna bago sumara ang pintuan ng bus at magsimula na itong umandar papa-alis.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa main building ng resort. Hidnj ko din alam kung bakit sinusundan ko lang si Troy.

"Thank you for coming with me, Viv." malumanay na sabi ni Troy.

"Kaibigan ko din naman si Athena, saka isa pa amg dami nang nangyayari sa buhay niya. Kahit naman na sabihin niya na kaya niya 'yon mag-isa, darating ang panahon na kakailanganin niya pa din ang tulong natin."

"I'm counting on you Viv,"

"Tayo-tayo lang naman ang magakkaibigan, tayo tayo lang din ang magtutulungan. Siya nga pala, I'm sorry pero you acted strange kanina. May... may nangyari ba Troy?"

"Tinawagan ko si Enrique kanina, excited pa nga ako to tell him the good mews. To tell him what happened here. Mukhang hindi siya natuwa,"

"Ha? Bakit naman?"

"Viv, mukhang nasa panganib si Athena. I don't know pero ayun ang nararamdaman ko."

"Anong ibig mong---" napatigil ako nang bigla akong hilahin ni Troy sa may mga halaman. Tinakpan niya ang bibig ko at ismo kaming mga spy na nagtatago sa likod ng mayabong na halaman.

Isang pamilyar na itim na van ang nakita namin na pumasok mula sa main gate ng resort. Bumaba dito ang pinsan ni Enrique na si Gilbert, bumaba din si Enrique mula sa van. May tatlo pang mga sasakyan ang sunod-sunod na dumating. Bumaba ang may labing-dalawang lalaking naka-itim na may mga dalang baril mula sa sasakyan.

"Search the entire resort, make sure not that there are no student from Santa Magdalena is left here." narinig kong utos ni Enrique aa mga lalaki. Agad naman silang kumalat at naghiwa-hiwalay. Lahat sila ay para bang may hinahanap.

"Stay still," bulong ni Troy. "Hindi nila tayo dapat makita. Kapag nakalampas ang isang pulutong na 'yan, saka tayo lalabas"

Natatakot ako, para bang anytime isang malaking gulo ang papasukin namin. Isang gulo na hindi namin alam kung kailan magsisimula o matatapos.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro