CHAPTER 39

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ATHENA

Ano ba 'yan? Kanina ka pa ikot ng ikot para kang turumpo. Umupo ka nga at pumirmis.  Siyang utos ng utak ko sa akin. 

"Kailangan ko nang makatakas." siya namang sagot ko.

I know, I'm not that dumb. May ini-isip na akong paraan. 

"Ano naman 'yon?"

Just stay still, hayaan mo na ako ang kumontrol sa katawan mo. 

"Ha? Anong sinasabi mo?"

Hindi mo maiintindihan kasi tanga ka, ang tanga tanga mong babae ka, I told you not to trust anyone aside from me. Tapos ano 'tong ginawa mo? Sumama ka kay Enrique  dito sa kawalan tapos ngayon para tayong preso na nakakulong at hindi natin alam kung paano tayo makakatakas!

"Eh bakit parang kasalanan ko? Kung hindi naman ako naipit sa gulo, hindi naman ako sasama kay Quen. Wala lang akong choice, Ava. Alam mo 'yan." 

Naramdaman ko ang paghapdi ng mga mata ko, pati na ang nagbabadyang pagpatak ng mainit na likido mula rito. 

Don't tell me iiyak ka? Oh c'mon Athena. H'wag lahat idinadaan mo sa iyak, kaya ka pinagkakaisahan ng lahat e. Kaya ka nila inaabuso kasi pinapakita mo sa kanila na mahina ka. Si Amara, si Courtney, si Vivian. Lahat 'yan mga traydor, ako lang ang kakampi mo.

Huminga ako ng malalim saka marahang isinandal sa pader ang likuran ko. 

Walang mangyayari kahit kalabugin natin ang pinto o kahit magsisigaw tayo dito. The only choice that we have is to take an action. Naiintindihan mo ba Athena? O kailangan ko pang tagalugin o isalin sa sign language para sa'yo.  Gagantihan natin 'yang Enrique na 'yan. 

"Akala ko ba may naiisip ka nang paraan? Bakit hanggang ngayon nandirito pa tayo?"

H'wag mo kong minamadali Athena, hindi ako natutuwa. Mag-hintay ka lang diyan.

Maya-maya pa ay narinig ko ang unti-unting paglangitngit ng pintuan na animo'y may nagbubukas. Isang babae na may mahiksing buhok at nakasuot ng asul na croptop shirt at puting pantalon ang iniluwa ng pintuan na 'yon. May hawak-hawak siyang metal na serving tray at may laman ito na pagkain. Si Jazille Sevilla, pinsan ni Enrique. Madalas siyang nandito kaya kilala ko na siya, tho di kami nag-uusap.

"Kumain ka na Athena, baka kasi isumbong mo pa ako kay Enrique. Mawalan pa ako ng pera at yaman nang dahil sayo." anito at inilapag niya ang tray na may lamang pagkain sa may dresser.  "Kumain ka dyan, at mag behave ka."

"Inuutusan mo ba ako?" sarkastikong tanong ko. "Walang sino man ang pwedeng mag-utos sa akin, naiintindihan mo ba?"

"Anong sinabi mo?" Bakas sa mukha ng babae ang labis na pagkagulat nang marinig niya ang sinabi ko. 

"Are you deaf? Kailangan ko pa ba ulitin? Oh poor you, panget ka na nga bingi ka pa."

"Aba tarntad to ah! Hinahamon mo ba ako ha babae?" angil nito at mabilis na kinuha ang baril niya nakasuksuk sa pantalon niya. "Isa pa na pang-iinsulto mo sa akin bubutasan ko yang bungo mo."

"Bakit? Ayaw mo ba na pinagsasabihan ka na panget ka? Takot ka sa katotohanan?" 

"Alam mo pasalamat ka na hibang sayo si Enrique e, kung hindi baka kanina pa sumabog 'yang bungo mo."

"Oh!" I said as I laugh, " then do  it, h'wag kang puro salita. As if naman kaya mo kong patayin."

"Hindi ka ba natatakot sa baril ko?" itinaas niya sa ere ang baril at iniwasiwas.

"Why would I? Ikaw na  nga ang nagsabi kanina diba? Hibang si Enrique sa akin, at once na mawala ako. Good bye ka na rin sa marangyang buhay mo, gusto mo ba 'yon? Ako, ayoko non. Hindi ako bagay sa squatter, ikaw lang ang bagay don. Tignan mo nga 'yang suot mo--" she cuts what I have to say

"Kumain ka na nga lang! Puro ka dakdak!"  anito saka padabog na inilagay sa kama ang tray

Matagal kong tinitigan ang pagkain na nasa try. Endives at shrimp salad ang naka-serve sa tray,  apple juice, tig-kalahating parte ng  mansanas, at 2 slice ng chocolate cake.

"Ayoko ng pagkain,  papalitan mo 'yan. "

"Ang arte mo naman! Alam mo ba na ang mahal mahal ng pagkain na 'yan. Sinugod ko ang ulan para lang mabili 'yan."

"I have a shrimp allergy! Kapag nangati ako dahil sa pagkain ng hipon, I'm sure malalagot ka kay Enrique." Pinagkrus ko ang mga braso saka ko siya tinuyam gamit ang mga tingin ko.  

Nagsalubong ang mga kilay ni Jazille nanlaki rin ang butas ng ilong niya. Bakas sa kanya na  hindi siya natutuwa sa pag-iinarteng ginagawa ko. Who cares?  

Padabog niyang kinuha ang tray mula sa kama at pati na ang baril na kanina lang ay ipinantutok niya sa akin. Isinusuk niya iyon sa likod na bulsa ng pantalon niya bago siya lumabas ng kwarto at ikandado itong muli. 

May ilang segundo akong binilang bago ako kumilos at simulan ang planong kanina pa naglalaro sa isipan ko.

Nagtungo muna ako sa sa closet para kuhanin ang ilang mga mahahalagang gamit ko, gaya ng cellphone, inhaler, charger, powerbank,  at wallet na may lamang pera. Kahit papano ay may naitabi naman ako na maliit na halaga. Agad ko itong inilagay sa isang maliit na kulay peach na sling bag. Nagpalit na rin ako ng damit, ang suot kong pajama na pantulog ay pinalitan ko ng kulay itim na sando, maong na jeans, sapatos na puti at maong na jacket. Pagkabihis ko ay agad kong isinukbit ang bag sa katawan ko.

Luminga-linga ako para maghanap ng anomang bagay na pwede kong magamit sa pag-takas na gagawin ko. Hindi pupwedeng ma-stuck pa ang beauty ko dito. 

Sa paghahanap ko ay isang flower vase na may ornament design ang nakatawag pansin sa mga mata ko. Dali-dali akong naglalakad papunta sa side table na kinaroonan ng vase saka ko kinuha ang base.

May kaliitan ang vase ngunit hindi ito kagaangan kaya maingat ko itong inalis mula sa kinapapatungan at pumorma na ako sa may likod ng pintuan.

May ilang minuto ang lumipas bago ko naramdaman na tila ba may nagbubukas ng pintuan, maya maya pa ay unti-unti itong lumangit-ngit iniluwa muli ang babaeng panget.  Natakpan ako ng pintuan kung kaya naman ay hindi niya agad ako nakita. 

"Athena!" sigaw nito. "Athena nasaan ka?" anito saka luminga-linga at nag-umpisa akong hanapin. "Baka naman nag-CR," bulong pa niya.

Nakita ko siya na akmang pupunta sa loob ng bathroom, kaya naman umaksyon na ako bago niya pa malaman na wala ako roon. 

Mabilis ngunit maingat ang paglapit ko, hanggang sa makatyempo ako ng lapit. Hindi na ako nagdalawang isip na pukpukin siya gamit ang vase na hawak ko.

Dahan-dahang humandusay ang katawan niya sa sahig malapit sa bathroom, wala na siyang malay-tao.  Agad ko siyang kinapkapaan at hinanap ang baril na kaninang pagma may-ari niya, natagpuan ko ito sa bulsang pinagsiksikan niya. Kinuha ko ito bago ko hilahin ang walang malay na si Jazille sa loob ng banyo, binuhat ko siya at inilagay ko siya sa loob ng bath tub. 

"Panget ka na nga tanga ka pa,"  dahan-dahan kong itinutuk ang baril, akma ko na kakalabitin ang gatilyo. "H'wag!" 

Anong h'wag ang sinasabi mo d'yan?

"Parang awa mo na Ava, kapag ginawa mo 'yan parang wala ka na rin na pinagkaiba kay Amara. Ayokong madumihan ang kamay ko, hindi ako mamatay tao."

Fine! Masusunod po but we really need to get out of here quick. 

Mabilis kong inilagay sa loob ng bag ang baril saka ako nag madaling  kumaripas ng takbo papalabas ng kwarto.  Sa di kalayuan ay nahagip ng mata ko si Manang Osang at Ate Maria na papalapit sa direksyon ko. Agad akong nagtago sa isang bukas na kwarto at marahang isinara ang pintuan. Inawang ko ng kaunti ang pintuan para makita ko kung maari na ba akong lumabas. Nang mawala sila sa paningin ko ay hindi na ako nagdalawang isip na lumabas  at tinungo ang hagdan.

Hindi pa man ako nakakababa ng ayos ay agad ko naman na narinig ang malakas na sigaw ni Ate Maria mula sa kwarto na pinanggalingan ko. 

"Nakatakas si Athena!" anito kung kaya naman ay mas lalo ko pang binilisan ang pagkaripas ng mga  paa ko. 

Sa may harapan ko ay naaninag ko sina Mang Berting, ang hardinero nila Enrique at dalawa pang lalaki na may malalaking katawan. Muli kong itinago ang sarili ko, this time ay sa likod ng malaking sofa.  Naghintay ako hanggang sa makalampas sila, bago ako gumalaw sa kinatataguan ko. Saglit ako sumilip  para matignan kung nakaalis na sila.

Tila dinaga ang dibdib ko  nang mapalingon sa kinaroroonan ko ang isang lalaki na naka itim na leather jacket. Mabilis pa sa alas kwatro na iniyuko ko ang ulo ko.

Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ako muli kumilos. Sinigurado ko na kalmado ang sarili at bago ako gumalaw sa likod ng sofa.  Wala na akong naaaninag na kahit sino dito. Inihanda ko ang sarili saka dali-dali na ikinilos nang mabilis ang mga paa hanggang sa makalabas ako ng mansyon ng mga Madrigal. 

Wala na akong pinalipas na oras para makatakas sa lugar na ito, Enrique will be here any moment and I'm afraid sa kung ano ang posible niyang gawin. Hindi ako pwedeng maabutan ni Enrique na nandirito. Naaaninag ko na ang tarangkahan, bukas ito at walang bantay. Pagkakataon ko na, hindi na ako magsasayang pa ng oras.

Nagtataasan ang mga balahibo ko, blangko ang isipan, tanging kabog lang ng dibdib at ang bawat pagtapak ng mga paa ko sa lupa ang naririnig ko. Pigil ang bawat paghinga ko habang tinatahak ang daan papalabas sa tarangkahan.

VIVIAN

Nanatili kami ni Troy na nakatago sa likod ng mga malalaking halaman dito sa loob ng resort. Hindi ko alam ang nasa isip ni Troy sa ngayon, I glance at him once a glimpse off worrying and sadness flooded his whole face. And I can guess that it's about Athena, I can really feel how worried Troy is. He really love Athena.

"Don't move," he whisper, he even held my arms. 

I'm really willing to help him to settle things out pero hindi ko na matiis ang kati ng mga dahon. At kailangan ko na talagang kamutin ang leeg ko. 

"Hindi ako aalis, magkakamot lang ako. Kanina pa ako nangangati sa mga dahon." ani ko.

"Just don't, pigilan mo muna Viv. Ngayon lang naman 'to, hinihintay lang naman natin na maka-alis ang mga tauhan sa paligid e saka tayo lalabas." sagot ni Troy, dahan-dahan pa  siya na yumuko at inabot ang maleta niya.

Binuksan niya ito at may kinuha na parang kung ano sa loob ng bag, maya-maya pa ay inabot niya sa akin ang isang maliit na baril.

Isang pistol gun…

"Hold it, incase na may kumilos ng masama don't hesitate na kalabitin 'yan."

"What? Are you kidding me Troy? Hindi ako papatay ng tao, that's not my thing." 

Inilagay niya sa kamay ko ang pistol 

"Not in this case sweetheart," anito bago isara ang maleta niya. "Not in this case, kaya hawakan mo na 'yan. Forget about the sweet-girl Vivian. Isipin mo na lang, bida ka sa pelikula. Matagal mo nang pangarap na maging star diba? Imaginin mo na lang na ako si Ji Chang Wook at ikaw si Im Yoona and we are the lead star sa isang KDrama na action ang genre," ngumisi siya at mahinang tinapik ang balikat ko.

Napa-awang ang pang-ibabang labi ko sa narinig ko mula kay Troy, sa pagkakakilala ko sa kanya hindi siya ganitong tao. Athena and Troy, they often share the same brain cell. Kumbinsido na ako, hindi inlove si Troy kay Athena. Kambal silang dalawa, reckless pero may soft at dorky side.

Courtney at Sky, yung mga bebe ninyo matitino naman pero parang may mga kung ano. 

"Viv, pagaga-angin ko lang ang sitwasyon. Hindi lang si Athena ang poprotektahan ko sa pagkakataon na ito, pati na rin ikaw. Kaya h'wag na hwag kang aalis sa tabi ko. " ani Troy saka marahang  hinigit ang braso ko.

Sabay kami na lumabas sa likod ng malalaking halaman, pareho naming haharapin si Enrique. Saktong paglabas namin ay siya namang pagharap ni Enrique sa direksyon namin.

"What are you doing here? Hindi ba dapat umalis na kayo?" siyang wika ni Enrique.

"Dapat nga kami ang nagtatanong ng tanong na 'yan sa'yo. What are you doing here? And where is Athena?" angil naman ni Troy.

"She's safe, don't worry about her."  sagot ni Enrique.

"I'm asking you, nasaan si Athena? Saang lugar mo siya dinala?"  bakas ang pagka-inis sa tono ni Troy. 

"H'wag kang mag-alala Troy, nasa pangangalaga ko siya. H'wag mo na siyang hanapin." 

"Gago ka ba? Gago ka ba? Tinatanong kita, gago ka ba? Ilabas mo si Athena ngayon din!" itinaas ni Troy ang hawak niyang baril sa ere saka itinutuk kay Enrique. "Ilabas mo si Athena, sasabog ang bungo mo sinasabi ko sayo." 

"Oh scary, tingin mo ba natatakor ako sa baril?" anito at ngumisi. "Christian Troy  Melendez, hayaan mo na ako. Ipagkatiwala mo na sa akin si Athena, alam mong mahal ko siya. Sue me but Im territorial, I won't let you lay your hand on my Athena."

"Hindi ko aagawin si Athena sa'yo!" humigpit ang pagkakahawak ni Troy sa baril, nanatili itong nakatutok kay Enrique. "Kailangan ko lang siyang protektahan, wala kang alam tungkol sa kanya."

"Maybe not you Troy, may Courtney ka na pero si Sky? Sue me but I can kill him, kahit na magkadugo pa kami. Once I bring Athena here, Sky will going to snatch her away from me. Magiging masaya silang dalawa and I won't let that happen. At sinasabi mo na wala akong alam about Athena? Baka ikaw ang walang alam."

Bumitiw ako mula sa pagkakahawak ni Troy at pumagitna sa dalawa. "Quen alam mo naman na hindi natin pwede ipilit ang gusto mo saka isa pa---" 

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita…

"She's my life Viv, m-mahal na mahal ko siya. Kung hindi lang din naman mapapasaakin si Athena, patayin ninyo na lang ako. Shoot me, kill me, I don't care. Akin lang si---" 

Naputol lang ang dapat sanang sasabihin niya nang tumunog ang telepono niya. Kinuha niya ito at matapos ay mataman na tinitigan ang screen bago niya itapat sa tainga niya.

"Jazille, what happen?….WHAT?" Nanlaki ang mga mata at napa-awang ang labi niya. "Hanapin ninyo, hindi siya pwedeng maka-alis!"

Nagtaka ako sa naging reaksyon ng mukha ni Enrique nang sagutin niya ang cellphone, para ba siyang nagulat at nataranta. 

"Enrique anong nangyari?" tanong ni Troy na may pag-aalala.

"Nawawala si Athena," mahiksing sagot lang ni Enrique saka naghahadaling tumakbo papunta sa direksyon ng sasakyan.

"Enrique wait!" sigaw ni Troy, isinuksuk niya ang baril sa may pantalon niya, hinigit ang kamay ko saka kami sabay na tumakbo habang sinusundan si Enrique. "Enrique sandali lang!"

"Enrique wait!"

Nakapasok na si Enrique nang van nang maabutan namin siya. 

"Anong sinasabi mo na nawawala si Athena?" tanong muli ni Troy. 

"Get in the car," walang emosyon nitong sabi. 

For the nth time, hindi na naman niya sinagot nang tama ang tanong ni Troy. 

"What?" takang tanong ni Troy.

"I said get in the car!" 

Ilang segundo kami na nagkatitigan ni Troy bago niya buksan ang pintuan ng back seat.

Sinuri ko ang repleksyon ni Enrique mula sa salamin na nasa loob ng kotse. Takot, bumabaha ng takot at pag-aalala ang ekspresyon niya. Saglit siya na tumulala bago niya sinimulang imaneho ang sasakyan. 

"Ano ba ang nangyayari Quen? Paanong nawawala si Athena?" muling tanong ni Troy. 

"Hindi ko rin alam, basta ang alam ko nakakandado ang kwarto niya no'ng iniwan ko siya kanina, bago ako umalis."  sagot naman ni Enrique. 

"Putngin ka!" malakas na sabi ni Troy mabilis  pa sa alas kwatro niya na hinablot ang kwelyo ng itim na polong suot ni Quen. "Kinulong mo si Athena ha! Gago ka!"

"Troy! babangga tayo!" sigaw ko nang maramdaman ko ang pag-gewang ng van na sinasakyan namin. "H'wag na kayong mag-away utang na loob, isipin ninyo na kailangan natin maiwasan ang aksidente para maabutan natin si Athena. Iwasan ninyo muna ang pagiging bayolente, please! Please lang para kay Athena." 

Agad naman na bumitaw si Troy mula sa pagkaka-kwelyo nay Enrique, nilingon niya ako na animo'y humihingi ng tawad sa pamamagitan ng mga mata niya. Tinanguan ko na lamang siya saka ako sumandal sa sandalan habang ang mga mata ko ay iginala ko sa labas ng binatana ng umaandar na sasakyan.

"I just want to be with her, that's the only thing that I want Troy. " sinserong sabi ni Enrique. 

"Kung ako lang, hahayaan kita h'wag mo lang siyang sasaktan. Marami ka na din naman nang sakripisyong ginawa para sa kanya pero Quen may sariling desisyon si Athena.  She's old enough to decide for herself, for her own welfare. " sinserong wika rin ni Troy.

"Bakit kasi si Sky pa? Bakit sa sariling kadugo ko pa nahulog ang babaeng mahal ko?" 

Taimtim akong nakinig sa usapan ng dalawang lalaki na nasa may unahan. Medyo corny pakinggan at awkward 'tong sitwasyon dahil hindi talaga sila nag-uusap  tungkol sa mga ganitong bagay. Although ilang taon na silang magkakaibigan, this is the first time na nakita ko sila na ganito kasinsin mag-usap.  Mabuti na rin ito, kaysa maaksidente kami dahil sa pagigung bayolente ng dalawang 'to.

SKY

Given the fact na nasaktan ko si Athena nang dahil sa pagkampi ko sa totoong salarin sa aksidente ni Zoe, nag-doubt ako sa kanya. Pinagdudahan ko at pilit na kinalimutan ang babaeng laman ng puso ko mang dahil lang sa isang pagkakamali.

Pakiramdam ko,  hindi ko deserve si Athena. Hindi ko deserve ang pagmamahal niya, dapat siguro magparaya na ako. Dapat siguro, ipaubaya ko na siya kay Enrique.

"Sky, ayos ka lang?" isang magandang babae na may magandang ngiti at malumanay na tono ng  lumapit sa akin. Umupo siya sa bakanteng side ng bleacher na kina-uupuan ko. 

"Courtney, ikaw pala…" aniko, sinulyapan ko siya at sinalubungan ng mahiksing ngiti. 

"Miss mo na siya no? At nag-aalala ka rin sa kanya. Ilang araw mo na rin kasi siyang di nakikita at nakakasama e. Pero…" kinuha niya ang kamay ko at pinisil-pisil. "Don't worry Sebastian Klark Madrigal Yu, makakasama mo na si Athena.  Andon ang Troy ko e, he will going to save her. Malapit mo na makasama  ang love of your life. Sagot ko na ang pag-oorganize ng kasal ninyo. I can't wait na makita si Athena na naka-wedding gown." masaya niyang sabi habang pinanggigigilan ang kamay ko habang winawasiwas sa ere.

Nakakatuwang isipin na ikakasal ako sa kanya, kay Athena. Ang kaso lang hindi ko alam kung ako pa ba ang mahal niya, matapos ang lahat nang nangyari. 

"Courtney, tingin mo mahal pa ako ni Athena?" 

Napatigil siya sa pagwasiwas ng kamay ko at napatingin sa akin na para bang hinihintay niyang bawiin ko ang itinatanong ko sa kanya.

"Sky… A-ano bang klaseng tanong 'yan? Ofcourse she loves you, hindi ka lang niya mahal. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na  mahal ka niya Sky.  Ano ka ba? Don't overthink,  given  na nga na si Quen ang kasama niya but that doesn't change the reality na ikaw ang mahal niya.  Boto ako sa SkyThena, ako kaya ang presidente ng fandom ninyo. Kalma ka lang diyan," marahan niyang winagwag ang balikat ko. As she plastered a bright smile on her face. 

"SkyThena," banggit ko sa pinaghalong pangalan namin ni Athena. 

"Nagustuhan mo? Ang witty ko diba? I'm not just a pretty face, I'm smart and sexy too. Kaya h'wag ka na magluksa d'yan, maya-maya lang tatawag na si Troy para sabihin na kasama na nila si Athena." 

Saktong pagkasabi niya nang mga katagang iyon ay tumunog ang telepono ko. 

"O diba? I told you, sagutin mo na." excited niyang sabi. 

"Fine, I'll pick it." natatawa kong sabi. 

Kinuha ko mula sa bulsa ng pantalon ko ang telepono ko, nang mabasa ko ang caller ID ay pangalan ng Ate Star ko ang naka-imprenta dito.

"Hello," sambit ko nang itapat ko ang telepono ko sa tenga ko. 

(S-Sky…)

Malalim ang paghinga ng ate, para bang may ibabalita siya na hindi maganda.

"Ate anong meron? Ate anong problema? Ate…" sunod-sunod kong tanong sa kanya. 

(Sky susunduin kita ngayon, n-nasa… nasa school ka na ba?)

"Ate okay ka lang ba? "

(Papunta na ako ah, mamaya ko na lang sasabihin sa'yon. Diyan ka lang, h'wag ka munang uuwi.) 

Maya-maya pa ay narinig ko na ang mahabang beep sound indikasyon na ibinaba na ni Ate ang telepono niya.

"What's the matter?" siyang tanong ni Courtney. 

"I-I don't know pero may kakaiba sa tono ng pananalita ni Ate. Seems like something is bothering in her." 

"Ano daw? Sinabi niya ba?"

"Hindi, wala siyang sinabi nakakapagtaka nga e." sagot ko habang nilalagay ko ang telepono sa bulsa ng pantalon ko. 

"Hmm… hindi ko alam kung paano tutulong e. Gusto mo ba ilibre na lang kita? Kain tayo  sa labas ng school, maraming street foods stall sa tapat e. Sabihin mo sa anxiety mo, mamaya na magstart ah. Kain muna tayo."  anito saka hinigit ang kamay ko. 

Impit akong natawa sa sinabi niya tungkol sa anxiety. "I'll treat you,  hindi ako sanay na babae ang nanlilibre sa akin." 

Nagdecide ako na sabayan ang trip ni Courtney, tho I admit nag-aalala ako sa Ate ko. Nakakapagtaka kasi ang tono ng boses niya, usually her tone is kinda sarcastic and serious. I don't really know on what happens inside my own home since I was far away.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro