CHAPTER 40

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

NOEL

Wala akong  kalokohan, might be kapansin-pansin ang pag-iwas ko kina Troy and even sa pinakamamahal ko na si Vivian, it's just that I need to figure out something own my own. I don't really wanna meddle with Troy's business but I'm still his only true friend that's why I'm doing this even without his consent. He's busy worrying about Athena at ayoko nang makadagdag pa ang El Timur sa iniisip niya.

Isa sa mga miyembro ng El Timur Mafia Organization ang tumawag sa akin the same day na nangyari ang aksidente ni Zoe. Hindi na lang ako masyadong magsasalita ay umaktong may pakielam sa nangyari despite the fact na malayo ang isip ko. Sinamantala kasi ni Tito Alejandro, ang Papa ni Troy pati na ng Ninong Dennis na ibenta ang El Timur kay Edison Yu na Papa naman ni Sky. Welp, matagal na naman na ding issue yun sa loob ng El Timur pero hindi ko akalain na mangyayari pala 'yon ngayon. 

Minabuti ko na muna na iwasan sina Troy para naman makapag-isip ako ng ayos at makatulong sa kanila kahit papaano. I even used Sheyl para isipin nila na gumagawa ako ng kalokohan well in fact, hindi.  Mahalaga ang El Timur para kay Troy at sa kay Don Salvador. 

"Nasaan si Asianna?" bungad ko kaagad ko sa playhouse.

Sa palyhouse kung saan pansamantalang tumutuloy ang mga dating member ng El Timur na piniling maging loyal kay Troy. 

"Hindi mo pa nababalitaan? She's dead, pangalawang gabi ng lamay niya mamaya." sagot ni Carrie bago hithitin ang sigarilyo sa bibig at bumuga ng usok.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Paano na 'yan? Wala tayong magaling na hitman."

"Nandiyan naman si Mattias matagal na 'yan nag-aasam na maging hitman." suhestiyon ni Bernie.

"E bakit kasi hindi mo pa ipaalam kay Troy?" ani Terra. "Im sure madami siyang magagawa."

"No, hindi pupwedeng malaman niya. He already have a lot on his plates na, wag na tayong dumagdag. So Mattias, tell me about everything that you know." umupo ako sa dining chair, habang sinisindihan ang sigarilyo ko. 

"From what I heard, sabi ng Papa ni Sky. Bobo daw si Troy," ani
Mattias.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. At mabilis na itinutuk sa kanya ang 9mmm na baretta parabellum na inilapag ni Terra aa lamesa. "Gusto mo iputok ko 'to sayo?"

"Bro wala nang ganyanan," nanginginig niyang sabi habang itinataas ang dalawang kamay sa ere. "Ayon ang unang nadinig ko noong pumasok sila sa HQ. Masisisi ninyo ba ako?" 

"Ituloy mo na Mattias, huwag ka na magpatumpik-tumpik."  utos ni Leigh sa pinsan. 

"Eto na nga e pero walang tutukan ng baril, ibaba mo na 'yan Noel." nanginginig pa rin na sabi ni Mattias. 

"Really? Si Mattias ang ipapalit ninyo kay Asianna? That's a lame idea Bernie," ani Carrie matapos sumimsim ng wine sa kopita.  "If I were you Mattias, magtitiis na lang ako sa pagiging messenger ni Troy."

"Shush! Silence! Back to the topic," pagpapatahimik ni Rose sa mga kasama namin. "Sige na Matty, just don't mind them."

"So eto na nga, magkukwento na nga ako. Pero ibaba  mo muna yung baril, pamilya tayo dito." nangingnig pa din ang kup*l. 

Ibinaba ko na ang baril na pinantututok ko sa kanya, lumunok siya bago nagsimulang magkwento.

"So ganito 'yun, naiwan kasi kami nila Ric noong time na dumating ang mga Yu kasama yung tatay ni Troy. Tapos ayon, narinig namin na nagkakaroon ng negotiation sa pagitan nila. Kung naaalala mo yung pagsugod sa bahay nila Athena? Tapos diba pinagkukuha yung mga dokumento, pati volt ng mga Aragon. Ginamit lang pala na bait si Troy kasi may ibang plano si Tito Alejandro. Nakipag-sabwatan siya together with the Yu," salaysay nya. "Ang kaso, ang problema nila kahit na nasa kanila na ang mga papeles ay kailangan nila ng pirma ni Lorenzo Aragon, bago tuluyang maging kanila ang Aragon Group of Company, at iba pang mga pag-aari nila."

"Tingin ninyo may alam si Sky?" tanong kong bigla.

"Ikaw ang laging kasama, bakit kami ang tinatanong mo?" pamimilosopo ni Carrie.

" I doubt," sabi ng kakarating lang na si Jie. Isa siyang empleyado sa Star n' Sky, ang luxury fashion brand na pagmamay-ari ng pamilya Yu. "Wala ngang pakielam ang batang 'yun sa negosyo nila. So I doubt na may alam siya,"

"Are you sure about that?" tanong ni Terra.

"Matagal na akong nagtatrabaho sa Star n' Sky, and I never saw  him visits their own company. And I also heard from the Vice President, Star Yu herself na ayaw ni Sky na maging President ng Star n' Sky."  sagot ni Jie pagka-upo sa couch. 

Nagsimula na akong bumuo ng pattern kung paano mareresolba ito. Gusto ko sana na bago pa malaman ni Troy ay may nakahanda na kaming plano para wala na siya iisipin pa. 

Alam ko naman na problema niya ito at wala akong karapatan na mangielam pero hindi ko alam kung paano tutulungan si Troy.

"So paano gagawin natin?" tanong ni Carrie. 

"Hindi ko pa alam," sagot ko naman. "Hayaan ninyo ako na mag-isip ng kongkretong plano."

"Ikaw? Mag-iisip?" natatawang sabi ni Carrie. "I'm out of here." aniya habang tinutuyam ako gamit ang mga tingin niya.

Napa-iling na lamang ako at hindi siya pinansin. Kaya siya iniwanan ni Enrique dahil sa ugali niya, kung pwede lang talaga manakit ng babae.

SKY

Habang hinihintay ko ang Ate Star na sunduin ako dito sa  school ay nanatiling nasa tabi ko si Courtney, ilang beses na din siyang tinatawagan ng Mama niya at Kuya pero hindi pa rin siya umuuwi.

"Dito lang ako, hindi rin naman ako mapapakali kung uuwi ako. Kaya mas mabuti 'to, sasamahan mo ko, sasamahan din kita." nakangiti niyang sabi. 

"Thank you Courtney,"

"Uum.. Don't mention it, tayo na lang kasi ang naiwan. Mag-iiwanan pa ba tayo?" aniya habang nginunguya ang Ossobuco na kinakain niya. 

Hindi kami natuloy sa pagkain ng streetfoods dahil umulan, kaya  naman inaya ko na lang sya sa malapit na Italian restaurant .  

"Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo, ang sarap-sarap ng Lasagna nila dito e. Ayaw mo naman kainin," 

"It's okay I'm fine, hindi naman ako gutom. If you want, you can get it." ngumiti na lamang ako. "And if you still hungry, you can order anythinng you want."

"Ginawa mo naman akong matakaw," She release a deep sigh, she held my hand and gently squeezes it. "I know you misses her very much, and I promise magkikita rin kayo. Let's put our trust on Troy and Viv, yung dalawa pa na 'yon? Parehong competitive at hindi pumapayag na maisahan sila." 

"I trust them both… but the thing that makes me worried a lot is the fact that she's with Enrique."

"Hindi ko din alam kung bakit e pero don't worry wala namang gusto si Athena kay Enrique e."

"Pero yung pinsan ko meron, Courtney siya pa nga ang naka-una kay Athena e."

I heard her gasp, her eyes widen too. "You knew it?" she asked and I can sense that she' still in shocked.

"Wala namang maitatago si Enrique sa akin e, magkasama na kami noon pa. Kahit na sabihin mong tatahi-tahimik siya."

"How? I mean, ang alam ko lang na nakaka-alam ng nangyari na 'yon between Quen and Athena… ay ako, Vivian, and Troy. And Amara, kasi nadulas ako bigla kaya naikwento ko."

"Si Lolo Joe, naikwento niya. I don't know kung sinasadya niya or hindi niya lang namalayan. Pinagmamalaki niya na tunay ba lalaki raw ang apo niya. I even saw Enrique's Ig story. Kaya ko nalaman… Welp, wala naman akong pakielam kung siya ang nauna. Ako yung mahal ni Athena e, kaso nga lang… kaso nga lang…" napatigil akong biglang ng makaramdam ako ng parang may tumatak sa puso ko. 

"Shush! Don't overthink too much, mahal ka ni Athena. Sobra pa sobra, imagine pinili ka niya over Troy. She never leave you kaya, atsaka kahit na noon na pinaniwala na siya ni Troy na kasalanan ng family mo yung nangyari sa family niya. Hindi niya magawa na magalit sayo, nangibabaw yung feelings niya… Yung pagmamahal niya sayo Sky." aniya bago bitawan ang kamay ko

"Pero paano… paano kung sa three days niya na pamamalagi na kasama si Enrique, mafall siya sa pinsan ko? Hindi naman kasi imposible 'yun e." 

"I don't think na mapofall siya kay Enrique ng ganung kadali. I'm sure, no choice lang si Athena kaya siya napilitan na sumama kay Quen. Kasi naman, diba?  Super bilis ng mga happenings. Wala lang siyang choice, kasi nadiin siya."

"Sana nga Courtney, sana nga pagbalik niya ako pa rin."

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

"M-Meron pero…"

"Shush! Just trust me, hindi ako marunong magsinungaling Sky. Like what I've said ako ang President ng SkyThena fandom, now and forever. SkyThena lang sakalam, walang titibag peksman." 

"I---" napahinto ako nang muling tumunog ang telepono ko. "Wait, I'll just pick up the call."

"Yea sure, take your time." aniya bago sumimsim ng green tea. 

"Hello Ate,"

(Sky, nasaan ka? Nandito ako sa labas ng campus.)

"Nandito kami sa Pianono, Italian Restaurant, yung katabi ng boutique ni Ms. Erin Jean. Nagutom kasi si Courtney e,"

Pagkasabi ko nun ay bigla niya akong hinampas ng kutsara sa braso. "Epal ka Sky,"

(Pupuntahan ko na lang kayo, by the way si Courtney. Sinong susundo sa kanya?)

"Courtney? Don't worry about her. She just want to accompany me ate."

(Ayoko siyang madamay Sky)

"Madamay saan ate?" 

(Basta, kailangan hindi siya mainvolve ha.) 

Sumulyap ako sa kaharap ko na si Courtney na malaki ang ngiti habang nagseselfie, ayoko sana na masira ang mood niya kaya naman hindi ko na sya inabala pa. 

"S-Sige ate, mabait naman siya  Baka mapaki-usapan ko." may pag-aalangang sabi ko. 

(S-Sige, maghahanap lang ako ng parking area) 

Agad niyang pinatay ang tawag matapos niyang sabihin na maghahanap siya ng parking. 

"O ano daw? Susunduin ka na daw ba ni Ate Star? Huy sabay ako ah."

"Yes," sagot ko saka binulsa ang telepono ko. "Ano nga pala ang address ng bahay ninyo para maihatid ka na namin pauwi?" 

"Hmm… sasabihin ko na lang sa ate mo mamaya. Hmmm… Sky anong problema?  Bukod sa nami-miss mo si Athena, worried ka dahil sa iniisip mo si Enrique. Ano pa ang gumugulo sa isip mo? I know I'm not smart enough to give advises ah, I'm not even smart like Vivian or Athena but I wanna help you. Kanina kasi  weird ang ikinikilos mo e," 

Hindi ko alam kung paano o ano ang isasagot ko sa tanong ni Courtney, base din sa sinabi ni Ate. She doesn't want Courtney to he involve with the situation. I don't really know what my sister is talking about that's why I become unease.

"Sky, Courtney," 

I looked in the direction where I heard my sister's voice.I saw her walking on our side.

"Hi Ate Star, tara kain po tayo."Courtney invites my sister while smiling kindly.

Ate Star just nodded, then looked at me. I couldn't read the expression on her face "Let's go Sky, we have to go."  Ate Star said. "Would you like to come with us so you can go home too Courtney?"

"Sure po," she smile bitterly, I can feel as if she was embarrassed because my sister did not respond on her invitation to join us.

"Magbabayad lang ako, ate." wika ko.

"No, just keep your money. I will pay for what you ate." seryosong sabi ni Ate. "Waiter! Where's the bill?" pagtawag niya sa attention ng waiter, agad namang lumapit ang isang waitress at inabot ang bill sa ate ko. Tinignan niya lang ang receipt, saka niya kinuha ang wallet mula sa bag niya at nag-abot ng PHP 4,00 bill sa waitress. "Let's go," aniya saka kami tinalikuran at naglakad papalabas. 

Nagkatinginan lang kami ni Courtney saka kami sabay na tumayo, kinuha ko ang gamit niya at sabay kami na lumabas mula sa restaurat. 

Tahimik kaming sumakay sa asul na van ng Ate. Nasa backseat si Courtney ako naman ay katabi ni ate sa front seat. 

"You have to be brave, Sky. This is the world we grew up in, this is where we lived." Walang emosyong sabi ni Ate habang diretsong nakatuon ang tingin sa

"What do you mean?"

"For you to find out,"  mahiksing sabi niya.

I just shrugged and didn't ask my sister again.

VIVIAN

Exactly 2:oo pm nang makarating kami sa rest house na tinutuluyan ngayon ni Enrique. Naabutan namin na ginagamot ng isang matabang babae ang pinsan niyang si Jazille na nakaupo sa single na sofa. May bandage siya sa ulo at may hawak na cold-compress bag. 

"Where is Athena?" agad na tanong ni Enrique. 

"Wow ha? Athena agad, hindi mo man lang ba tatanungin kung kamusta ang kalagayan ko. Hello? Pinalo ho ako ng matigas na bagay ng hinahanap mong babae." reklamo ni Jazille.

Impit na natawa si Troy sa sinabi ni Jazille. Halatang proud siya aa ginawa ni Athena. 

"Anong nakakatawa?" iritableng tanong ni Jazille. 

"Ikaw," sagot ni Troy. "Ang laki mong babae hindi ka nakalaban kay Athena." 

"Malay ko bang anak pala ni Satanas 'yang Athena na 'yan. Muntik kaya ako mamatay, binuhat pa ako papunta sa bathtub balak ata ako lunurin, kinuha pa ang baril ko."

"Melvin did you already check the cctv cameras? Baka hindi pa siya nakakalabas ng subdivision."  si Enrique na halatang worried sa pagkawala ni Athena. 

"Hoy! Hindi mo man lang ba ako aasikasuhin?" pagkuha ni Jazille aa atensyon ni Enrique pero di pa din niya ito pinapansin.

"Ken-Ken ko, ginawa na namin kanina, kaso mukhang wala na siya dito. Mukhang nakalabas na," sagot ng matabang babae.

"Manang Osang, I need to find Athena as soon as possible!" magkahalong prustrasyon at pag-aalala ang mababakas sa boses ni Enrique. 

"Hayaan mo na lang siya Ken-Ken ko baka hindi talaga kayo para sa isa't isa." ani Manang Osang.

"If we weren’t for each other, I would still insist. If I need to expedite the recovery of their property, I will as soon as possible. If I had to sacrifice my life, I would. I don't want to lose Athena, she's already with me. I don't want her to lose anymore. I don't want her to find  someone else, specially if it's Sky." anito at napalupasay. Bumaha na rin ng luha ang mga mata niya.

I’m not used to this Enrique that shows his emotion. I’m more used to him being quiet, mysterious and silent. Love really do something different. He loves Athena so much, ang kaso lang si Sky ang gusto ni Athena. And I can't blame her naman...

I feel bad for Enrique, he loves her so much, he loves the person that  cannot reciprocate his love.

Enrique stood up from the slump on the floor and spoke, "I want to be alone. Manang Osang, just bring me some wine in my room. Ate Vicky, please prepare a snack for Troy and Vivian. Ate Maria, kindly prepare the two guest rooms for them." He turned his back on us and hurried up to the stairs.

"Hayaan muna natin ang alaga ko, mabuti pa at maupo muna kayo. Ikukuha ko lang ng alak si Ken-Ken ko." sabi ni Manang Osang saka pumasok sa kusina. "Sige na Maria, Vicky sundin na ninyo ang utos ni Ken-Ken ko."

"Ano nang gagawin natin?" tanong ko. Umiling kamang si Troy, "Mukhang patay na patay si Enrique kay Athena noh?"

"Sino ba namang hindi? Kung hindi lang talaga kapatid ang turing ko sa kanya, baka pati ako in-love na rin sa kanya." sagot ni Troy at umupo sa mahabang sofa. "Pahinga ka muna dito," sabi niya saka itinap ang kamay sa bakanteng space.

Agad naman ako na umupo sa space sa tabi niya. Naghari ang nakakabinging katahimikan sa mahiksing oras, bago ko maramdaman ang ulo ni Troy na nakapatong sa balikat ko.

"Sana nasa maayos na kalagayan si Athena para naman mapanatah ang loob ko. Simula noong umalis siya sa poder ko, hindi na ako napanatag."

"I will pray for her, Troy. I wish she was in good shape. We know naman that woman. She's a survivor, kahit anong pagsubok 'yan. Makakaya niyang lampasan, basta wag nayin siyang iiwanan. Lagi lang tayong nasa likod niya, susuportahan natin siya "

"Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko Viv, kapag may nangyaring masama sa kanya."

"Shush! H'wag ka munang advance mag-isip, alam ko naman na nagsisisi ka na e.  Basta h'wag ka lang mapapagod na tumulong, I'm sure na napatawad ka na naman niya."

"Tingin mo?" iniangat niya ang ulo niya at nilingon ako.

"Hindi ka naman matitiis ng babaeng 'yon. Kung si Amara nga for sure napatawad niya na rin e. Sa short period of time na nakasama ko siya, ramdam ko na  agad na she have a good heart. Kaya don't think negatively, let's put our trust on Athena."

"Thank you Vivian," he smile softly as he kisses my forehead.

"Hoy! Offlimits!" sigaw ko. 

"Wala naman si Noel," ngumisi siya. 

Sinamaan ko siya ng tingin habang pinagkrus ko ang dalawang braso sa dibdib ko.

"It's just a forehead kiss, a sign of gratitude and uhm... respect. Don't take it negatively, we are both loyal naman kina Noel at Courtney." 

ATHENA

Matapos kong makalabas sa mansyon ng mga Madrigal ay nagpatuloy  lang ako sa pagtakbo, hanggang sa makalabas ako sa subdivision. Masakit na ang mga paa ko at nakakaramdam na din ako ng hilo ngunit hindi ko ito ininda, ayaw ng isip ko na magreklamo ako.  Tila hindi pinapansin ng isip ko ang bawat pagtibok ng mga ugat-ugat ko sa ulo. Nanlalabo na rin ang paningin ko, at nagdidilim ito. Nagpatuloy ako sa pagtakbo at paglayo, ayokong mahuli nila. Nang kahit sino sa kanila

"M-Magpapahinga muna ako, hindi ko na kaya." aniko nang makaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

NO! PAANO KUNG MAABUTAN KA NILA? NAG-IISIP KA BA ATHENA?  GUSTO MO BA MA-STUCK KA NA LANG DOON. HALA SIGE! TUMAKBO KA H'WAG NA H'WAG KANG TITIGIL.

"Ava  hindi ko na kaya, pagod na pagod na ako. Saglit lang naman e."

HINDI! MAKINIG KA SA AKIN. WALA KANG MAPAPALA KUNG  MANGHIHINA KA. Gusto mo makatakas kay Enrique diba? Tinutulungan na kita. 

"Alam ko 'yun pero hindi sa ganitong paraan." Huminto akong saglit para huminga. 

What are you doing? Bakit ka huminto? Bobo ka ba? 

"Parang awa mo na, I really need to breath. Papatayin mo ba ako?" 

Now taste your own medicine, alam mong ayokong umalis sa poder ni Enrique pero pinilit mo akong gawin 'to. 

"Ano bang sinasabi mo?" 

Don't mind it! Maglakad ka na!  Bilisan mo. 

"Ava hindi ko nga kaya, I want to rest, kahit 10 minutes lang." 

No and I will keep on saying no, kaya magsimula ka nang maglakad. I don't wanna hear any complain coming from you.

Huminga ako ng malalim at sinimulan na ang muling paglalakad kahit pa hindi ko na maaninag pa ang daraanan ko.  Kinusot-kusot ko ang mga mata bago ko muling inilakad ang mga paa ko.

Hindi pa man ako nakaka-alis sa kinatatayuan ko ay bigla na lamang nandilim ang paningin ko. Matapos iyon ay  isang malakas na tunog ng busina ang narinig ko. 

"Yung babae! Yung babae!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro