CHAPTER 43

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


VIVIAN

Tanghali na pero pareho pa rin kaming nakahilata ni Troy sa kama peroo wait… before anything else, wala kami sa iisang kama. Iisang room, oo but we sleep in different bed. Yung guest room na tinutulugan namin ay may dalawang bed na magkalayo, loyal ako kay Nomer Elmo Angeles. At isa pa, ang dahilan ng puyat ko ay si Courtney, magdamag kaming magka-face time. Tanong siya ng tanong about Troy, kasi si Troy nakipag-inoman kay Enrique so nag-iisa ako dito kagabi. Kaninang 4 am lang sila natapos tas ako natulog ako ng 4:30, tapos ngayon eto magaala-una ng hapon, wala pa akong ligo, toothbrush, at hilamos. Bigla akong tinamad…

Nagkaroon na ako ng balita tungkol kina Sky at Courtney, even kay Amara na nasa loob ng prison pero sa boyfriend ko wala.  Husay diba? Hindi pa siya tumatawag or ni message, wala. Naka 15O missed call at 200 text na yata ako sa kanya e kaso ni tuldok na reply… wala. I couldn't avoid being anxious but I choose to be not… 

Bumangon na ako mula sa kama at nag-inat, ilang ulit din akong humikab. Ramdam ko na biglang nahapo ang katawan ko kahit wala pa akong ginagawa.

"Good morning," bati ng nakahiga pa rin na si Troy. 

"Morning, masakit ulo mo no?" pambungad na tanong ko. Nakatagilid ang paghiga niya na papaharap sa akin.

"Obviously, naka-ilang bote rin kami ni Enrique kagabi. By the way, may balita na ba kay Courtney? Kamusta raw siya?" tanong nito.

"Uy nami-miss niya," pang-aasar ko pa. Ngumiti lang siya sa akin saka nag-iwas ng tingin.

"She's my everything… Courtney is my everything…" mahinang sabi niya.

"How bout Athena? Alam mo ba dati, akala ko may 'thing' between the both of you." usisa ko pa.

"Importante siya sa akin, inaaamin ko I used to like her but after what I did sa family niya. Nakonsensya ako… ang gusto ko na lang gawin ay ang itama ang pagkakamali ko. Pagkakamali ng pamilyang kinabibilangan ko, gusto ko na lang  ngayon ay protektahan siya." seryosong sabi niya. 

"Woah…" siyang tanging nasambit ko. 

"Si Courtney ang mahal ko, siya 'yung dahilan kung bakit nagpupursige ako na magbago. Hindi ko nga lang alam kung matatanggap niya ako…" 

"Tanggap ka niya Troy, patay na patay kaya sayo ang babaeng 'yon." 

"No, you didn't understand Viv."

"Then explain it," napakibit-balikat ako.

"May anak ako.." 

What? Tama ba ang nadinig ko? Sinabi ba niya na may anak siya?

"M-May… may anak ka?" 

Tumango siya, "anak ko ang pinagbubuntis ni Stella, pangalawa na 'yon. 'Yung nauna, nagkaroon  siya ng miscarriage, minahal ko naman si Stella pero simula nung namatay yung unang anak namin. Kinamuhian ko siya, hindi 'yon alam ni Athena. Basta ang alam niya nabuntis  ko si Stella…" 

Nakakaramdam ako ng kakaibang kilabot sa katawan ko, ewan ko ba kung bakit nagkukwento ng ganito si Troy. Nagtanong lang naman ako about Athena tas biglang umamin na siya about sa affair niya kay Stella…

"Kung hindi mo mahal si Stella, kahit yung bata na lang ang tignan mo. Lalaki 'yun ng walang ama, kung si Courtney ang iniisip mo I'm sure she'll understand it. She will going to accept your kid and even Stella. Maintindihin si Courtney at isa pa sobrang mahal ka niya." saad ko. 

"Ikaw Viv…." naputol ang isipan niya nang biglang tununog ang phone niya. "Wait a minute," anito saka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa night stand, ilang segundong rin siyang nakatuon ang pansin sa cellphone bago siya nagsalita. "Si Sky…" 

"Sky? Anong sabi niya?" tanong ko, iniabot niya sa akin ang cellphone na agad ko naman na kinuha. 
--
From: Sebastian Yu
May natuklasan ako tungkol sa parents ko at Papa mo, tawagan mo agad ako kapag nareceive mo ang message ko na ito
--

"Kumilos ng sarili ang Papa ko, sigurado akong nasa kapahamakan ngayon ang parents ni Athena."  seryosong sabi niya.

"Anong gagawin natin?" tanong ko naman.

"Can I borrow your phone?" anito, wala sa sariling napatango ako saka ko kinuha ang cellphone na nasa maliit na drawer ng night stand at iniabot sa kanya. "Anong pangalan ni Noel dito?"

"Baby Loves," sagot ko naman, nanlaki ang mga mata ni Troy na tila hindi makanipaniwala. "Bakit parang may violent reaction ka Melendez?*

"J-Just… just don't mind me." sabi niya saka tumayo mula sa kama. "Magpalit muna tayo ng phone, wala naman akong gagalawin dito. Safe ang sex video ninyo."

"HOY!" malakas na sambit ko. "Wala kaming ganun! Hindi naman ako kasing rupok ni Courtney."

Ngumisi siya, "Virgin…" 

"So? I'm proud and loud!" mayabang kong sabi, tumayo ako at pumameywang.  Magsasalita pa sana ako nang bigla akong natigilan dahil sa pagtunog ng  cellphone ni Troy.  "Si Athena…" sambit ko saka ko pinindot ang answer icon ng cellphone at itinapat ito sa tenga ko. 

(Hello! This is Dra. Rina Maga of De Villa Medical Hospital. Si Mr. Troy Melendez po ba ito?) Boses ng isang babae ang sumagot mula sa kabilang linya.

"Ikaw ang hinahanap Troy," ibinigay ko kay Troy ang cellphone na agad niyang kinuha, pinindot niya ang loudspeaker saka nagsalita.

"Hello, this is Troy Melendez speaking. Sino ka? Bakit hawak mo ang cellphone ni Athena."

Ito talagang si Troy laging  gusto ng basag-ulo. E kung ako na kang bumasag sa ulo nitong lalaki na 'to, napaka bayolente.

(Relax lang po tayo Sir Troy, isa po akong ob-gyne doctor from De Villa Medical Hospital.  Ms.Athena is currently confined here and kayo po ang una niyang hinanap noong nagising siya kaya naman po tinawagan po kita.)

Mahinahon ang babae, mainit lang talaga lagi ang ulo ni Troy, ewan ko ba sa taong ito.

"Anong nangyari sa kanya? Nasaktan ba siya? Kamusta siya?" sunod-sunod na tanong ni Troy.

(Maayos naman po ang kalagayan niya, kailangan lang po niya ng pahinga at mag-doble ingat dahil sa bata sa sinapupunan niya.)

"Bata? You mean, buntis siya?"  hindi-makapaniwalang tanong ni Troy.

Buntis si Athena… 

Malakas ang kutob ko na anak ni Enrique ang dinadala ni Athena…

(Room 411 po ang room niya, itetext ko po ang address ng hospital.)

"Just text me the address, we're going right away."

(Sige po ib--)

Hindi pa man natatapos sa pagsasalita ang babae ay pinatay na ni Troy ang tawag, konti na lang talaga manununtok na ako.

"Maligo ka na, use the bathroom here, I'll just use the bathroom downstair. Para mapadali tayo and para hindi na rin tayo ma-hassle."  aniya saka naglakad papunta sa kinaroroonan ng maleta niya para kumuha ng damit. "Saka na muna natin intindihin si Noel at Sky, unahin natin si Athena." nagmamadaling sabi niya.

"Hindi ba natin sasabihin kay Enrique?"

Napansin ko ang paghinto niya sa ginagawa niya, mukhang ayaw niya… 

"Siya ang ama, Troy…" 

"I know…" aniya at pinagpatuloy ang pagkuha ng mga damit. "Sabihin natin pagtapos natin na makapag-ayos, si Enrique pa hindi naman 'yon papayag na hindi niya makita si Athena." sabi niya habang naglalakad papalabas ng kwarto. 

Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ko bago ako kunka at kumilos. Kumuha na ako ng  nga damit na susuotin ko, pati namga toiletries bago pumasok sa loob ng bathroom. Hindi ko na ginamit ang bathtub para hindi na ako matagalan sa pag-aayos. 

Itim na croptop  na pinarisan ko ng denim jacket, itim na  high waste jeans, at puting sneakers ang isinuot ko.  Matapos akong maligo, magtoothbrush, at magbihis ay inayusan ko na ang sarili. 

Bago ako lumabas ay in-update ko muna si Courtney sa kung ano ang nangyayari dito. Ibinalita ko rin sa kanya ang tungkol sa nalaman namin ni Troy na pagbubuntis ni Athena.

"Really? OMG! Magkakaroon na tayo ng inaanak. Nasasabik na akong bilhan siya ng gucci, louis vitton, blanc n eclare, at chanel. I'm going to spoiled my first inaanak!" excited niyang sabi habang ka-face time ko.

"Kumalma ka Courtney, hindi pa nga lumalabas e." saad ko.

"E kahit na, the fact na may baby na sa womb ni Athena that means may future inaanak na ako. But wait a sec, sino daw ang tatay?"  tanong naman niya habang nagbo-blower.

"Obviously, it's Enrique that's the undeniable fact." sagot ko naman 

Ngumuso siya at tila may pagtatampo nang marinig niya ang sagot ko.

"O bakit may bibe na naman diyan?" pamimikon ko. 

"Bakit siya pa? Siya na nga ang dahilan kung bakit nakulong si Amara e, hindi siya deserve ni Athena… And another thing, hindi naman siya mahal ni Athena…"

"May magagawa ba tayo?" siyang tanong ko.

"Kung pwede lang diba?" aniya.

"Vivian,"  boses ni Troy ang naulinigan ko sa may pintuan. "Nakabihis ka na ba?" 

"Si Baby Troy ko ba 'yun?" tanong ni Courtney, tumango ako. "I wanna see my baby, please open the door." 

"Teka lang," sabi ko sabay tayo at naglakad papunta sa pintuan. Binuksan ko ito at itinapat ko agad ang cellphone sa mukha ni Troy. "Bebe mo miss ka na." 

"Hi baby!" ang seryosong mukha ni Troy ay napalitan nang ngiti. "Kamusta na ang Courtney ko?" 

"I miss you,  kailan kayo uuwi?" tanong nito agad.

"Malapit na, aasikasuhin lang namin si Athena. After nito, uuwi na kami. Don't worry magkikita rin tayo baby " sambit ni Troy.

"I love you," 

"I love you too, my Courtney." 

"Sige na baby, mag-asikaso ka na diyan. I'll see you soon, babye!" 

"Bye!" 

"Tapos na kayo? Right in front of my crop-top, dyan pa talaga kayo naglandian." wika ko. 

"Ikaw naman, minsan lang e. Siya nga pala, nagtext na ba?" tanong niya

Bumalik ako sa loob ng kwarto at kinuha ang phone niya para tignan kung nagmessage na ba si Dra. Rina.

"Oo, heto na 'yung address." wika ko, pumasok si Troy sa kwarto saka prehong kinuha ang mga maleta namin. "Bakit mo kinukuha 'yan?"

"Uuwi na tayo, iuuwi na rin natin si Athena." sagot naman niya. "Kunin mo na yung shoulder bag mo para makaalis na tayo." anito saka dire-diretsong lumabas ng pintuan. 

Napakibit-balikat na lang ako  saka ko kinuha ang bag at nilagay ang mga gamit, lumabas na rin ako ng kwarto. Nang pababa kami ni Troy ay nakasalubong namin si Manang Osang ma may dalang bowl na puno ng ice cubes.

"Aalis na ba kayo agad? Hindi man lang ba kayo magpa-paalam kay Ken-Ken ko?" anito.

"Nasaan po ba si Enrique?" tanong ko naman. 

"Nasa balkonahe si Ken-Ken ko at nagpapahangin may mga kausap din siya na mahalagang tao sa telepono, sumasakit ang ulo niya dahil sa dami ng nainom na alak kagabi." mag pagka-inis na sabi nito saka umakyat sa hagdanan papunta sa third floor. Huminto siya sa pag-akyat saka nagsalita ulit. "Magpaalam muna kayo kay Ken-Ken bago kayo umalis." wika pa nito saka humakbang ulit.

Tinignan ko ang nasa hagdanan na si Troy, pinapakiramdaman ko kung magsasalita ba siya o hindi. 

"Tara na, isama na natin. Saka wala din naman tayong gagamiting sasakyan." sabi niya saka naglakad sa hagdan  papunta sa second floor. Sumunod na lang din ako sa kanya, well actually si Manang Osang talaga ang sinusundan namin. 

Natagpuan namin si Enrique  na nagkakape, naka-upo ito sa isang sofa-bed habang  abala sa pakikipag-usap sa telepono. Naka-suot siya ng puting polo shirt na naka unbutton ang unang dalawang button at puting pants. 

"Quen…" sambit ko, nilingon niya lang ako saglit saka bumalik muli sa sa ginagawa niya.

"I'll talk to you later Cynthia, just make sure na maibabalik lahat ng papers and titulo sa mga Aragon, thank you." sabi niya sa kausap bago ibaba ang telepono niya  "Are you going home?" tanong niya.

"Not really, pupuntahan lang namin si Athena…" sagot ko naman.

Muli niya akong nilingon, nakapaskil ang isang malawak na ngiti sa kanyang mukha. "Really?" tanong niya. "Where is she?"

"Nasa ospital siya," si Troy ang sumagot. "Susunduin namin siya, sasama ka ba?"

"Hospital? What happened to her? Was Athena hurt? Tell me!"

"Chill bro, ayos lang siya." ani Troy.

"Ayos? If she's  really okay, why is she in the hospital?" tanong muli ni Enrique.

Valid naman na nag-aalala siya kaya wala akong violent reaction sa napakaraming tanong niya.

"She's pregnant," ako ang sumagot.

Namilog ang mga mata ni Enrique at napa-awang ang pang-ibabang labi niya. "P-Pregnant?"  Napatayo siya mula sa kinauupuan at lumakad papunta sa amin na may malaking ngiti. "Is Athena really pregnant?"

Tinapik ni Troy ang balikat niya, "Congratulation pare," sinserong sabi nito. "Worth it ang pagsapak ko sa'yo."

Impit akong natawa sa sinabi ni Troy kay Enrique, loko talaga ang lalaking 'to. Worth it daw ampusa…

"What are we waiting for? I can't wait to see her. " masiglang sabi nito.

Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nakita na sobrang genuine ng pag-ngiti ni Enrique, sobrang refreshing at inaamin ko na mas gwapo siya kesa sa boyfriend ko lalo pag naka-ngiti siya.

Si Enrique ang nagsilbing driver namin papunta sa De Villa Medical Hospital, medyo malayo ang hospital dahil tago ang rest house na tinutuluyan namin. Ayos lang naman dahil nakatulog ako sa buong byahe namin, habang sina Troy at Enrique ay nagkukwentuhan tungkol kay Athena at sa baby niya na hindi pa nasisilang.

"If Athena and I will have a son, I will name him after me, Jose Enrique Aragon Madrigal IV…" narinig kong sabi ni Enrique na nasa driver seat. "And if girl, I will going to name her Aaliyah Emery…" 

"Pala-desisyon tayo ah, how sure you are that Athena will agree?"

Hindi siya nakasagot, umiling lang si Enrique at pinagpatuloy na ang pagdadrive. Mukhang na-offend siya sa sinabi ni Troy, gago talaga ang lalaking to.

Insensitive shit…

Nakapikit lang ako kaya dinig ko ang usapan nila, idinilat ko ang isang mata saka ko sinipa ang likurang bahagi ng inuupuan ni Troy. 

"Aray!"  reklamo niya, nang naramdaman kong lilingonin niya ako ay nagtulog-tulogan ako. "Hoy Vivian, alam kong gising ka. Anong problema mo ha?" 

"Don't wake her up," narinig kong sabi ni Enrique. "Let her sleep, maybe she just accidentally hit it. And Vivian didn't really mean to hurt you,"

Hindi ko alam kung tama ba ang naririnig ko pero pinagtanggol at pinagtakpan niya ako kay Troy. Iba talaga nagagawa kapag inlove, bukod sa  nakakangiti na siya nagkaroon din siya ng pakielam sa mga tao sa paligid niya which is very rare.

"We are here!" masiglang sabi ni Enrique. "De Villa Medical Hospital, you are now my favourite place." anito at excited na bumaba mula sa sasakyan.

Natawa ako nang marinig ko ang sinabi ni Enrique kaya naman napadilat ako. Hindi ko napansin ang dalawang pares ng mata na nakatingin sa akin.

"May kasalanan ka sa akin, h'wag kang tatawa diyan." anito.

"Ilalayo ko si Courtney sa'yo kapag inaway mo ko."

"Ginamit talagang panangga si Courtney pero teka, nasan si Enrique?" luminga-linga pa siya.

"Ayun o!" itinuro ko mula sq loob ng kotse si Enrique na papasok na sa loob ng hospital.

Bumaba na rin kami ni Troy mula sa sasakyan at tinungo na ang kwarto ni Athena na matatagpuan sa ika-apat na palapag ng nasabing ospital. Isang matangkad na lalaki ang naabutan namin pagpasok sa kwarto, tahimik niyang pinagmamasdan ang natutulog na si Athena. Pagka ay nilingon niya kami nang marinig niya ang pagsara ng pinto.

"Athena's friend?" tanong niya. "I'm Elias, I'm her cousin."

"Troy pare," pagpapakilala ni Troy ay nakipagkamay kay Elias.

Pare? Close kayo?

"Hi, I'm Vivian…" pagpapapakilala ko nang magkamay kami.

"BaViys? I'm a fan!" nakangiting sabi niya. "You look  prettier in person," sabi pa niya.

"Thank you," ngumiti ako matapos naming magkamay.

"You must be Enrique," wika ni Elias nang makipagkamay kay Enrique. Tumango lamang si Enrique. "You are a lucky bastard,"

"How's Athena?" tanong ni Enrique.

"She's asleep and resting, her pregnancy is really that sensitive." So she need to double her cautiousness." wika niya, "Well, since you are all here. Mind if I have to leave, I need to finish some stuff e." dagdag pa niya.

"Go on, kami na ang bahala sa kanya." sabi ko naman, tumango lang siya at naglakad papalabas ng kwarto. 

Lumapit si Enrique sa natutulog na si Athena at hinalikan ang noo nito, hinawakan niya ang mga kamay nito at hinalikan rin. 

"You never fail to make me happy Athena…"

Mababakas mo sa mga mata ni Enrique ng labis na kasiyahan, nagniningning ang mga mata niya sa sobrang saya. 

"I'm so happy for the both of you," sinserong sabi ni Troy. "Enrique, alam ko naman na alam mo na ang gagawin mo pero please take care of her and the baby, h'wag mo na ulit siya ikukulong ha! T*ngn ka! Tignan mo o, paano kung sa pagtakas niya may nangyaring masama sa kanya at sa baby ninyo." 

"I did that on purpose Troy, ayoko lang siya mawala. I wanna protect her and my baby."

"Good afternoon, nandito na pala kayo." isang babaeng blonde ang nagsalita.

Dalawang babaeng naka suot ng lab-gown ang pumasok, isang babaeng matangkad, morena, at nakabob-cut at isang medyo maliit sa kanya na babae na mestisa at blonde ang buhok niya na mahaba. 

"I'm Stacy Ruais, Tita ako ni Athena," sabi ng blonde na doctor.

"And I'm Dra  Rina Maga, ako ang kausap ninyo sa phone." pagpapakilala ng matangkad ma babae. 

"Long time no see, inaanak." sambit ng isang babae na nakatingin kay Troy.  Kamot-ulong lumapit si Troy sa babaeng blonde at nagmano rito. "Ikaw ang una niyang hinanap kanina, close pa rin pala kayo hanggang ngayon despite sa nangyari."

"Alam mo?" 

"Nasa malayo lang ako pero alam ko ang lahat ng nangyayari Troy. Ngayon nga, nag-aalala ako sa kung anong pwedeng gawin ng Papa mo lalo't nasa poder ng mga Yu ang parents ni Athena."

"Teka, excuse me po… makikisali lang po ako. Ano pong connect ni Ninong Edison sa Papa ni Troy?" 

"Dati silang magkakaibigan.. Si Kuya Lorenzo, si Alejandro, at su Edison pero nasira sila dahil inakala ni Alejandro na inagaw ni Kuya si Aileen… Yeah, dahil kay Aileen. Naging maayos naman sila pero may lamat na, and another issue pa is yung 'panunulot' daw ng Kuya ko ng investors sa company ng mga Yu. Kaya ayon nagkalamat ang Yu at Aragon, marami pa silang issue. Nagkaroon mg kampihan kaya lalong lumala…"

Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Troy, hindi siguro siya makapaniwala. Baka maling version ang maikwento sa kanya…

"Gusto ni Alejandro Jr. pati na si Alejandro Sr. which is si Don Francisco na makuha ang Dragon Empire pati na iba pang kumpanya na pag-aari ni Mr. Lorenzo Aragon," si Enrique ang sumagot. "But base on my investigation, wala nang pag-aari ang mga Aragon, ultimo manufacturing company nila. Wala na…"

"W-Wala na? A-Anong ibig mong sabihin Quen?" 

Lahat kami ay sabay-sabay na napalingon sa nagsalita, ang kagigising lang na si Athena. 

"I talked to my informants earlier, based on them the assets and wealth of the Aragons are gone." wika pa ni Enrique. "All of Lorenzo Aragon's property has been sold to a man named Adrian Valencia"

"H-Hindi… P-Paano? 'Yung mga  pinaghirapan ni Papa…" basag ang boses ni Athena.  "Dugo at pawis niya 'yon…"

"I know and I understand, don't worry I can handle it. Tutulungan ko ang Tito na makabangon," ani Enrique habang pinapakalma si Athena.

"H-Hindi ninyo naiintindihan…" sambit pa ni Athena.

"I'm sorry Athena, I'm so sorry…" wika ni Troy saka nagmamadaking lumabas ng kwarto.

Luminga-linga ko napagdesisyonan na sundan ang nag-walk out na si Troy.

"Excuse me," wika ko at lumabas din ng kwarto.

NOEL

Bumalik ako sa play house kinabukasan para i-meeting ang natitirang tauhan ng El Timur na piniling sumama kay Troy, labing lima na lang kami wag na aanang mabawasan pa.  May plano akong buong gabi ko na pinag-isipan para kahit paano ay   Inaasahan ko na may labindalawang tao na sasalubong sa akin ngunit nadismaya ako nang dalawang tao lang ang nakita ko.

Si Carrie at si Matias…

"Nasaan na sila?" tanong ko naman.

"Ayaw na nila," ani Carrie. "Kung ano man daw ang pinaplano mo, ikaw na lang daw ang gumawa. Ayaw na nila masangkot."

"Paanong ayaw? Iiwan nila si Troy ganun?" 

"Parang ganun na nga." Sagot ni Mattias.

"Sige, ako na lang ang kikilos."  isang buntong hininga ang pinakawalan ko saka ko itinuon ang mga mata sa malaking telebisyon. 

"Sa ibang mga balita, mag-asawang Edison at Loreen Yu hini pa di  lumalabas mula sa kanilang mansyon. Dalawang araw mula ng maakusahan sila ng kasong pagpatay sa isang 22 anyos na dalagang nagngangalang  Asianna Nicole Morales Mercado. Isa pang kaso ang muling ibinabato sa mag-asawa matapos naman na mawala ang mag-asawang Lorenzo Aragon, edad 52 anyos na dating CEO ng Dragon Empire at Athenas at kanyang may bahay na si na si Aia Lienel  "Aileen"  Mercado na edad, 45 anyos. " iyon ang narinig ko na ibinabalita sa telebisyon. Ipinakita din doon ang mansyon ng mga Yu na pinapaligiran ng mga tauhan ni Tito Alejandro. 

"Ayaw nilang ilabas ang kapatid ko at bayaw ko, 'yung hustisya sa anak ko hindi ko pa nakakamit! Kayong mga Yu mga demonyo kayo!" ang galit na galit na tiyahin ni Athena ang nagflash sa screen. Nasa likod niya si Stella at Sarah pati na sina Homer at Azzy. 

"Alam na ba 'yan ni Troy?" tanong ni Mattias. 

"Hindi pa, abala siya sa paghahanap kay Athena, change of plan. Mattias samahan mo ko sa bahay nila Sky, sigurado ako na nandoon na siya at pinapakiusapan ang parents niya."

"Pass bro, ayoko na rin madamay. Iba na 'to, away pamilya na 'to." wika ni Mattias na ikinabigla ko.

"Ano? Ganon na lang 'yon? Iiwanan ninyo si Troy?" siyang tanong ko.

"Nung una kasi maganda pa ang pamamalakad sa org pero simula nung nagkaroon ng insidente na sangkot ang Yu, Melendez, pati na Aragon. Wala na, pumangit na hindi na rin maganda ang nangyayari." litanya ni Carrie.

"Pati ikaw?" tumango lamang ito. "Bakit… Ugh.. Nevermind, kung iyan gusto ninyo. Sino ba naman ako to stopped you." 

Muli akong nagpakawala ng isang buntong hininga, isang tapik ang iniwan ni Mattias bago sila sabay na umalis ni Carrie.

"Guess I need to do this own my own," wika ko saka ako lumabas mula sa playhouse.

COURTNEY

After ko matawagan at masure na okay sila Vivian at Troy, nag-bihis na ako at sumakay ng taxi. Papunta ako ngayon sa jail to visit Amara, I really missed her na kais  Her joke, her fangirling, her sudden mood swings. I missed everything about Amara…

Nagbake ako kagabi ng Banana cake, which is Amara's favourite. I want to cheer her up kasi.

Maiba lang ako, I've heard the news about Athena's pregnancy…
It was  indeed a very good news for everyone pero alam mo 'yun sa tuwing naiisip ko na yung tatay ng bata ang dahilan kung bakit nakagawa ng mali ang kaibigan ko…

Hindi ko talaga maiwasan na malungkot, yea…

Mas feel ko yung sadness rather than anger…

Kasi to think na parehong mahalaga sa akin ang naging love-rivals, nakakabaliw kaya. Si Zoe nga lang e, naloloka na ako tapos dumagdagdag pa si Amara.

Nang makababa na ako mula sa taxi ay agad akong pumasok sa loob ng precint. Agad akong iginaya ng isang officer sa visitation area, maya-maya kang ay nakita ko na si Amara na nakasuot ng orange old and weird-looking na tshirt. She's in her signature fish-tail braid and no-make up look.

"Courtney!" masayang sigaw ni Amara habang papalapit sa akin. 

We hugged each other as tight as we could. 

"How  are you? Nakakakain ka ba ng ayos. Masarap ba yung food dito?"  tanong ko nang maka-upo kami sa opposite sits. 

"Actually I dont't eat the food here, nagpapadala naman si Mom daily."  sagot niya. 

"Sana makalabas ka na..." 

"Kung iaatras ni Tita Cecilia yung kaso posible pa akong makalabas pero I doubting it. Nagkaroon ng traumatic head injury si Zoe and hindi pa alam kung kailan siya gigising or kung magigising pa ba siya. Pinagsisisihan ko na naman yung ginawa ko, ayoko na dito Courtney." Tears shimmered in her eyes as she narrate everything.

"Shush don't cry AA, everything happen for a reason naman. I admit that what you did is bad kaya you have to face the consequences of it. Trust me, makakalabas ka rin dito."

"I don't think na mapapatawad pa ako ni Zoe..." 

"Pero si Athena, I think she will... 'yung kapatawaran na lang ni Athena ang hintayin mo. 'Yun pa lang gagaan na ang loob mo." saad ko.

"Si Athena... my love  rival."

"No and never,"

"What do you mean?" 

"In thr first place hindi naman naging kayo ni Enrique, we all know na si Athena talaga ang mahal niya."

"Pumunta ka ba dito para ipamukha sa akin 'yan? I thought you were going to visit to spend your time kasi you missed me." Amara is deadass serious... and thats make me flinched a little.

"I-I'am sorry my bad...Uhm... Kumain na lang tayo? May dala akong banana cake, I baked it last night. Hope magu--" 

She cut me off...

"No thanks, hindi ako gutom. Salamat sa pagbisita, mabuti pang umuwi ka na."

"Pero Amara this is for you..." 

"I don't care, ibigay mo na lang 'yan sa Athena mo."

"I'm really sorry A..."

"Bumalik ka na lang don sa marangya mong buhay. Babalik na ako sa selda ko..." tumayo siya at iniwanan na ako.

Hindi ko na siya hinabol, iniwanan ko na lang din ang banana cake sa lamesa at umalis na. 

Hindi ko rin alam kung bakit ko na-bring up ang tungkol doon  pero I swear, I didn't mean to hurt her feeling...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro