CHAPTER 44

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


ATHENA

Pagka-windang. Iyon ang aking naramdaman nang marinig ko ang katotohanan, tungkol sa mga pinaghirapan ng ama ko. Wala na, nabili na ng isang tao na hindi ko kakilala...

Para saan pa ako lalaban? Para sa wala...

Para bang gumuho bigla ang mundo ko, hindi sa ayaw ko maghirap, hindi sa ayaw ko mawalan ng pera. Kungdi dahil, dugo at pawis ng Papa ko ang pinuhunan niya sa mga negosyo at lupain na inagaw sa amin...

Hindi ko maintindihan.

Bakit?

"Hey," pagpukaw ni Enrique sa atensyon ko. "Are you okay? You have been thinking deeply since a while ago..."

Hindi ako tumugon, nakatitig lang ako sa mukha niya. Sa mukha ng lalaking ama ng magiging anak ko...

"If you're thinking about your property, don't worry I'm already working my way up." hinawi niya ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko. "You don't have to worry, I've already talked to Mr. Valencia's lawyer."

"Anong kapalit?" wala sa sariling tanong ko.

"What?"

"Do I need to translate it in English?" malakas na pagkakasabi ko.

"Alright! Chill Athena, you don't have to. Nagulat lang ako and walang kapalit..."

"Wala?"

"I know you don't like me and I accept it but even so, that doesn't mean I won't stand for being a father to our child. I promise that I will be a good father even if I am not your husband... I acc--"

Napahinto siya nang ilapat ko ang sariling labi sa mga labi niya. Nakatulala lang siya, nakatitig sa mga mata ko.

Hindi ko rin alam kung tama ba ang ginawa ko pero pinanidigan ko na. Tinugon din naman niya ang paghalik ko.

"Shush," wika ko nang maglayo ang mga labi namin. "Hind ko naman ipagkakait sa'yo ang pagiging ama kung doon kita mapapasaya, kung doon ko mababayaran lahat ng sakripisyo mo."

"I don't need anything Athena, aside from loving you. I just want to love you, I just want to prove that I am worthy for you and for our future child. That's all I want,"

Tumango na lamang ako, habang siya ay nakatitig lang sa mga mata ko habang hinahaplos ang pisngi at hawak niya ang mga kamay ko.

"Napakatamis naman," sabi ni Dra. Rina na kararating lang. "Ikaw pala ang salarin, ikaw ang naging dahilan ng pagkakaroon ng bata sa tiyan ng Athena namin." pabirong wika niya.

"Rina," pananaway ni Tita Stacy sa kaibigan niya umiling ito bago humarap sa amin. "Enrique, we need to talk to you about my niece' case, hindi kasi basta-basta ang pagbubuntis niya lalong lalo na ang kalagayan niya."

"She's right, Athena's pregnancy is very sensitive you need to be extra careful para hindi mapahamak ang mag-ina. May mga nireseta akong mga gamot para sa kanya," iniabot ni Dra. Rina ang 4 na papel ng reseta kay Enrique na agad naman niyang kinuha. "Bilhin mo na lang, there's a pharmacy downstair and outside. Pero I would suggest na bumili ka na lang outside, Elias is still here pwede mo siya utusan."

"And another thing Enrique, Athena is suffering from Dissociative Identity Disorder."

"Wait... what is identity disorder?" hindi makapaniwalang wika ni Enrique.

"It is a mental disorders that involve experiencing a disconnection and lack of continuity between thoughts, memories, surroundings, actions and identity. It is a mental disorder characterized by the maintenance of at least two distinct and relatively enduring personality states. The disorder is accompanied by memory gaps beyond what would be explained by ordinary forgetfulness." paliwanag ng Tita. "Ibig sabihin noon ay mayroong isa pang katauhan sa loob ni Athena. Another thing the exact cause of dissociation is unclear, but it often affects people who have experienced a life-threatening or traumatic event, such as extreme violence, war, a kidnapping, or childhood abuse. In these cases, it is a natural reaction to feelings about experiences that the individual cannot control. In Athena's case, nagkaroon siya ng traumatic childhood kaya nabuo si Ava sa isipan niya. Ava is her other side, Athena's alter. Her coping mechanism to escape some events in her life."

"Is there a cure for Athena's case? A tratment or a theraphy. I am willing to pay a lot just to make her feel better." ani Enrique.

"Unfortunately, DID is very rare. The disorder affects between 0.01 and 1% of the population. At wala pang naiimbentong gamot para sa DID. Most people will manage the disorder for the rest of their lives. But a combination of treatments can help reduce symptoms. Athena will learn to have more control over her behavior. Over time, she will function better at work, at home and on her surrounding thru treatment. Treatment can also help identify triggers that cause personality or identity changes."

"Gagaling ba siya?"

"Possibly, some medications may help with certain symptoms of DID, such as her depression and anxiety but the most effective treatment is psychotherapy. Pero alam mo Enrique, ang pinaka-epektibong paraan para mamanage ni Athena ang DID niya ay ang pagkakaroonng solid support system. A strong and solid support system can make living with DID more manageable." paliwanag ng tiyahin ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti, "h'wag kang mahihiya na magsabi ng problema kay Enrique, sa akin, kay Troy, kay Vivian."

"At sa akin, I'm you fairy godtita." sambit pa ni Dra. Rina.

"I promise..." ngumiti rin ako.

Nilingon ako ni Enrique at hinagkan ang likod ng kaliwang kamay ko. "Whatever it is, normal man ang mental health mo or not, I'll be loving you. I love you and that would never change. I will keep on loving you, I will love even your other side. I'm willing to pay a lot for the treatment, you'll be fine. Don't worry, I will never leave you." sinserong wika niya.

"Sana all talaga may jowa, ayoko na nga naiinggit na ako. Maghahanap na talaga ako ng lalaki para di na ako naiingit sa dalawang 'to." pabirong banat ni Dra. Rina.

"Sabi ko naman sayo noon, humarot ka na. Tignan mo ngayon, naunahan ka pa ng batang alaga lang natin dati." ani ng Tita, "O siya, maiwan na namin kayo ritong dalawa," pagpapaalam ni Tita saka svay sila na lumabas ng pintuan ng kwarto.

"Athena, may I ask something?" wika ni Enrique.

"Kailan lumalabas ang alter mo? I mean is there a specific time where in siya ang nagkokontrol sayo."

"I-I really don't know pero the thing that I can remember na involve siya ay yung time na may nangyari sa atin." sagot ko.

"H-Hindi ikaw 'yon?" muling tanong niya.

"That's Ava..."

"Kaya pala right after it, iniwasan mo ako...." he paused for a while before releasing a soft sigh. "Okay, I'll be honest. One time, I saw you facing the mirror while you were talking to yourself ... I thought, I thought ... it was just my imagination."

"I'm sorry..."

"No, don't apologize. You don't have to apologize, it is something you can't control. Never apologize to a certain things that you cannot control."

"Still... I'm sorry... baka kasi nasira ko ang pangarap mo e. Gusto mo maging isang engineer diba? Baka hindi mo na magawa 'yon kasi magiging sagabal kami ng anak ko."

"Anak natin," pagtatama niya. "No, you will never be a hindrance for me to be able to reach my dream. You are here, our child is already in your womb. Ikaw, ikaw pati na ang maging anak natin. Kayong dalawang ang pangarap ko,"

Nakaramdam ako ng labis na kasiyahan ng marinig ko 'yon mula kay Enrique, hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman kong ito pero hinayaan ko na lang. Ayokong agawan ng kasiyahan ang anak ko, ayoko rin na lumaki siya na walang ama. Masaya ako para sa anak ko, magkakaroon siya ng buong pamilya.

Hindi ko lang alam kung kaya kong maging masaya para sa sarili ko, iniisip ko pa lang na hindi si Sky ang makakasama ko at magiging ama ng anak ko ay nasasaktan na ako. Pero masaya pa rin ako, masaya ako para sa anak ko lalaki siya na may mapagmahal at mabuting ama...

NOEL

Napagdesisyonan kong tawagan si Sky at humingi ng tulong, sumang-ayon naman siya. Ibinalita niya rin sa akin na nasa basement pala nila ang mga magulang ni Athena. Hindi sang-ayon si Sky sa binabalak ng mga magulang niya, kaya naman tama lang din na magtulongan kaming dalawa.

Nang makarating ako sa lugar kung saan naroon ang bahay ng pamilya ni Sky ay naabutan ko ang ilang mga press na nagpa-pack up na ng gamit nila. Sa gate naman ay nakita ko ang Tiyahin ni Athena, si Stella, si Sarah, ang apatid ni Asianna na si Azzy at si Homer. Bumaba ako sa kotse

"Noel," ani Stella nang magtagpo ang mga tingin namin. Patakbo siyang lumakad papunta sa akin, isang mahigpit na yakap ang isinalubong niya. "Tulungan mo naman kami, gusto ko lang namin ng hustisya para kay Asianna. Pati na kalayaan para kina Ninong Enzo at Mama Aileen na nasa loob ngayon ng bahay ng mga Yu." wika niya nang magkalas kami mula sa pagkakayakap.

"Susubukan ko, gagawin ko ang makakaya ko." wika ko. "Homer, Azzy mabuti pang iuwi ninyo na sina Aling Clara at Stella, delikado para sa kanila ang magpunta pa dito. Ako na ang bahala,"

"Magpapa-iwan ako Noel, gusto kong makasigurado na maayos ang lagay nila Ninong," ani Stella na tinutulan ko.

"Stella masyadong delikado, buntis ka pa. Alalahanin mo ang magiging anak ninyo ni Troy," pagtutol ko

"Tama siya, tara na Stella." pagsang-ayon ni Marlon.

"Heto," iniabot ko ang susi ng sasakyan kay Azzy. "Gamitin ninyo ang sasakyan ko, madilim na baka kung ano pa ang mangyari sa inyo. Ako na ang bahala dito."

Hinintay ko na maka-alis ang sasakyan na lulan sila bago ako magsimula sa mga hakbang na gagawin ko. Agad ko na din na tinawagan ko ma si Sky na kasalukuyang nasa loob ng malaking bahay. Hindi ako basta-basta makakapasok roon, puno ng mga armadong lalaki ang labas ng bahay. Umiikot at nagmamasid...

"Sky, papasok na ba ako?" tanong ko nang sagutin nito ang tawag ko.

(Don't, stay away from the house. Delikado Noel, sisignalan na lang kita. Tinawagan ko si Courney, she also lives here malapit sa subdivision namin diba? Doon na muna sa kanila, tatawagan na lang kita.)

"Teka, bakit kasama si Courtney? Delikado 'tong gagawin natin Sky."

(I know kailangan mo lang talaga ng place to stay for the mean time. Just go with it, wala namang mawawala and if you're worried about Courtney's sake. Don't worry hindi siya madadamay.)

"Siguradohin mo lang Sky, nalagasan na tayo ng dalawa. Wala na sanang sumunod pa kina Amara at Zoe."

(I trust Courtney, she might be fragile but I know she also had a courage hidden behind her fragile heart. Nasa pangangalaga ko siya, takot ko lang kay Troy.)

"Speaking of Troy, dapat ko bang sabihin 'to sa kanya? I'm sure ngayon nakita na nila sina Athena at Enrique. Sigurado ako na magkakasama na sila."

(Kay Troy lang, sa kanya na lang. Gusot ng pamilya namin 'to kagagawan ng mga magulang namin. H'wag na sanang madamay si Enrique o kahit si Vivian, lalong lalo na si Athena... Ayokong mapahamak sila...)

"Pero involved din si Athena, parents niya ang biktima. Family niya, she had every right to know.)

(Alam ko pero gawin mo na lang ang iniuutos ko.)

Matapos iyon ay isang mahabang tunog ng 'beep' ang narinig ko mula sa kabilang linya. Ibinababa na niya ang tawag...

"Sino ba siya sa akala niya? Inutusan ako." wika ko sa sarili habang napapakamot sa ulo.

"If I were you, susundin ko na lang si Sky." isang pamilyar na tinig ang narinig ko mula sa likuran ko. Agad ko itong liningon, isang babae na may mahabang buhok at bangs ang tumambad sa akin. Nakasuot siya ng pink na skirt at puting crop-top at sneakers na puti rin. "Let's go, pinahanda ko na ang kwarto na tutulugan mo for the mean time."

"Thank you Courtney, just excuse me for a minute tatawagan ko lang si Troy. Sasabihin ko lang sa kanya ang mga nangyayari dito."

"Sure, I'll just wait inside the car." ngumiti siya bago tumalikod at pumanhik sa itim na van.

VIVIAN

Hindi ko mahanap si Troy, kanina pa ako paikot-ikot dito sa loob ng ospital. Sa laki nito, imposible yata na mahanap ko ang taong 'yon. May nalalaman-laman pa kasing pagwo-walk out e.

"Asan na ba ang gag*ng 'yun?"

Alas 4:00 ng hapon ng mag-walk out ang gag*. Ngayon ay mag 6:30 na ng gabi, halos dalawang oras nang nagtatago ang sira ulong Troy.

Muli akong naglakad para ikutin ang buong ospital at nang mahanap ko si Troy. Hanggang sa makarating ako sa labas ng hospital, sa may smoking area. Doon ko natagpuan na humihithit ng sigarilyo ai Troy, mugto ang mga mata niya.

"Nandito ka lang pala, halos kanina pa kita hinahanap ah." siyang wika ko habang papalapit sa kanya.

Tumingin lamang siya sa akin at matapos ay tinanggal ang tila kakabukas lang na sigarilyo sa bibig, pinatay nya rin ang sindi nito at saka itinapon sa basurahan.

"Ano bang ginagawa mo dito? Puntahan mo na sila Athena, bantayan mo muna." anito saka nag-iwas ng tingin.

"Bakit ka muna nag-walk out?"

"Wala, hindi mo rin naman maiintindihan."

"Pipilitin kong intindihin Troy, gaya ng lagi kong ginagawa." sinserong wika ko.

Gaya ng lagi kong ginagawa, gaya ng lagi kong pag-intindi noon sa kanya, pagtanggap sa pagloloko niya, pagtanggap sa bisyo niya, at pagtanggap sa kung ano siya Noong kami pa, noong ako pa ang mahal niya at siya pa ang mahal ko.

Matagal na panahon na 'yon, bakit ko nga ba binabalikan? Pareho na kaming masaya sa kanya-kanya naming buhay pag-ibig.

Ibinalik niya ang mga titig niya sa akin, bakas sa mga mata niya ang pamumugto nito. Huli kong nakita na nagkaganito si Troy ay noong mamatay si Ninang Hilda, ang mama niya...

"Viv..."

"Alam ko na ayaw mo nang pinipilit ka pero Troy magkaibigan tayo diba? Tayo-tayo lang din ang magtutulungan. Kaya sige na, sabihin mo na. Hindi kita ija-judge, never will, never would."

"Ako ang nagbenta ng mga properties nila..." pag-amin niya.

Napa-awang ang pang-ibabang labi ko nang marinig ko ang pag-amin ni Troy.

"Ikaw? Bakit mo naman ginawa 'yun?"

"Alam mo naman na dismayado ang Papa ko dahil hanggang ngayon nasa college ako diba? Gusto ko lang naman na mapatunayan ang sarili ko sa Papa ko e. Matagal nang may lamat ang pagkakaibigan ng pamilya namin ni Athena, alam ko naman na mali pero desperado ako na magka-ayos kami ng Ama ko. Kaya ginamit ko ang pagkakataon na 'yon, sa pag-aakalang magiging okay kami. 'Yun pala ayaw niya ng mga ginawa ko, tinutulan niya. Nagsisisi na ako Vivian, hindi na dapat ako mangielam e."

"Saan mo dinala lahat ng napagbentahan mo?"

"Nasa akin, nakatago, hindi ko ginagalaw."

"Dapat siguro malaman na ni Athena 'to." ani ko.

"Magagalit na naman siya sa akin... Ang laki-laki na ng kasalanan ko sa kanya at sa pamilya niya."

"Troy, lahat naman tayo may kasalanan sa kanya..."

"Dra. Stacy? /Ninang?" sabay kaming napatingin sa babaeng nakasuot ng lab gown at papalapit sa amin.

"Ang Papa, ang lolo mismo ni Athena at Tatay ni Lorenzo. Isa siya sa katulong ng Papa mo at ni Edison Yu para pabagsakin ang kuya ko. Hindi lang naman si Alejandro ang nagplano ng lahat ng 'to, pati na ang Papa ko."

"Ano pong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Lahat ng 'to, ang pagsugod sa sa bahay nila Kuya, pagbenta sa Dragon Empire, lahat... kasama ang Papa."

"P-Paano po? Bakit?"

"Gusto ko nang Papa, umuwi ang kuya. Gusto lang ng Papa bumalik ang Kuya Lorenzo sa amin, gusto niyang makasama ang Kuya. Kaya lahat ng pagpapahirap, ginawa ng Papa, nakipagsabwatan pa siya sa mga Yu at pati kay Alejandro at kay Don. Francisco na lolo mo, Troy." pag-amin ni Dra. Stacy.

"So ang ibig sabihin, all this time ang utak sa lahat ng 'to ay ang Lolo mismo ni Athena?" pagka-clarify ka. Kasi ako mismo medyo naguguluhan na sa mga nangyayari.

"Tama ka Vivian. Yung lamat na sinasabi mo? Matagal nang tapos 'yun, ang Papa lang ang nagbabalik. Ginagamit niya 'yon para pahirapan ang Kuya ko."

Nabalot nang katahimikan ang paligid namin nang marinig namin ang kwento ni Dra. Stacy, bakas kay Troy ang labis na pagkabigla. Maging siya na mismo na minsan nang nakagawa ng kasalanan kay Athena ay hindi makapaniwala sa narinig.

Nabasag lang ang katahimikan nang tumunog ang cellphone ni Troy na nasa loob ng bag ko. Agad kong kinuha ito at binasa ang nasa caller ID, si Noel. Iniabot kong agad ang cellphone niya kay Troy, hindi na ako nagtanong kung bakit.

"Buti naman naisipan mong tumawag," ang kaninang mahinahong tono ay bumalik sa pagiging halimaw. Troy is Troy, as usual. "Ano?"

Nagkatinginan kami ni Dra. Stacy nang marinig namin ang malakas na boses ni Troy, napatayo kasi ito mula sa kinauupuan niya.

"Bakit kailangan ipagpabukas pa? Pwede naman ngayon, babyahe kami ni Vivian.... Anong hindi pwede? Hindi ko isasama si Vivian, o sige."

"Anong nangyayari?"siyang tanong ni Dra. Stacy.

"Kailangan ko nang bumalik sa Manila, Vivian dito ka lang. Itago mo si Athena, haharapin ko lang ang magaling kong ama."

"Bakit? Ano ba ang nangyari?" tanong ko naman.

"Si Daddy pati na si Edison Yu, itinali sa basement nila ang parents ni Athena. Utos pa ba 'to ng Papa mo?"

"H-Hindi ko alam pero sasama ako sa'yo Troy. Kakausapin ko rin ang Papa ko, kukuhanin ko lang ang bag ko sa opisina ko, here's my key." Iniabot ni Dra. Stacy ang susi ng kotse niya kay Troy. "Ikaw Vivian, bantayan mo muna sina Athena, ikaw na muna ang bahala sa dalawa."

"O-Okay po..." wala sa sariling wika ko. Sa totoo lang ay naguguluhan din ako aa mga nangyayari.

Naiwan ako dito sa gitna ng parking lot nang mag-isa, may clue naman pero mukha akong clueless sa nangyayari. Kibit- balikat akong naglakad papaalis ng parking lot. Maghahanap ako ng malapit na fast food, nag-wawala na ang dragon sa tiyan ko. Nang makapaghanap ako ng malapit na fast food ay nag-order na agad ako ng 6 pieces super meal, na may 6 na chicken joy, 6 na rice, 3 large coke, 4 large fries, 2 spaghetti, 3 jollyhotdogs, 4 na large sundae, at 3 mcfloat. Bumalik na ako sa ospital nang makapag-order ako, naabutan ko na tulog si Athena, habang si Enrique ay nakatutok naman sa cellphone niya habang naka-upo sa couch.

"Kain tayo," wika ko nang mailapag ang mga inorder ko sa maliit na lamesa.

"Oh God! You are a life saviour Viv." masayang wika ni Enrique. "I've been looking for a fast food hotline online for a while but I couldn't find anything. Athena really needs to eat because she needs to take her medicine."

"Wala pa bang nagdadala ng hospital food?" tanong ko habang iilalabas ang mga pagkain mula sa paper bag.

"Actually, there is but she can't eat it. She is allergic to shrimps, so I just gave it to the kid in the other room" wika niya habang tinutulungan ako na maglabas ng mga pagkain sa paper bag. "She's starving kasi and her father cannot afford the food fee here. I'll be a father soo that's why I understand how he feel for her daughter.* kwento niya.

Napangiti ako sa narinig ko mula kay Enrique, ewan, never ko pa kasi na-feel ang pagmamahal ng isang ama. Ang swerte ng magiging anak nila ni Athena, may mabuting puso ang ama niya. I swear, he will be a good father.

"Ohhh, siya nga pala nakabili ka na ba ng gamot ni Athena? Kung hindi pa, ako na lang ang bibili." pagpe-presinta ko

"Yeah nakabili na ako kanina, while she's asleep. Sobrang dami niyang iinoming gamot and I really need to take an extra care ." wika niya habang naglalakad papunta sa bed ni Athena. "Hey sweety wake up, may dalang food si Vivian." malambing na pangiggising niya kay Athena.

Dahang-dahan na iminulat ni Athena ang mga mata niya, isang forehead kiss mula kay Enrique ang bumati sa kanya.

"Mamaya na lambingan, kumain na muna kayong dalawa." sambit ko, pareho silang tumingin sa akin na parang nahihiya.

"Gutom ka na ba?" tanong ni Enrique kay Athena.

"Gutom na ang baby natin," sagot naman nito at sabay sila na tumawa.

Inilapit ni Enrique ang overbed table sa tabi ni Athena saka inilagay ang ilang pagkain na binili ko. "Vivian bought our food, may utang tayo sa kanya."

"Tanga, utang ka dyan. Walang ganun Enrique." wika ko naman.

Lumapit naman si Enrique sa direksyon ko saka inilapit ang maliit na lamesang pinaglagyan ko ng iba pang pagkain sa tabi nila ni Athena. Ganun din ang monoblock na dapat sana ay uupuan ko. Inakbayan ako ni Enrique saka iginaya na maupo sa monoblock sa tabi ng bed ni Athena.

Nag-umpisa na akong lantakan ang mga pagkain na nakahain, syempre inuna ko na kainin ang fried chicken. Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasan na panoorin si Enrique habang sinusubuan ng pagkain si Athena.

Nagniningning ang mga mata ni Enrique, halatang masaya siya sa ginagawa niya. Si Athena naman, halos wala kang mararamdaman na kahit anong emosyon.

Sobrang blanko ng ekspresyon ng mga niya, posibleng ngumingiti siya pero hindi ito kasing sincere noong si Sky ang kasama niya. Ayokong magkumpara pero ayon ang nakikita ko at mukhang iyon din ang katotohanan...

"Huy! Bakit ka tulala diyan?" siyang tanong ni Athena.

"H-Ha? Ah... wala..." Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya, mas lalong hindi pwede kay Enrique. Masasaktan siya...

"Ganun ba? Siya nga pala, nasaan si Troy?" muling tanong niya. "Hindi man lang kami nakapag-usap..."

"Bumalik siya ng Manila e, tinawagan kasi siya ni Tito Alejandro, importante daw." sambit ko.

"Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam, galit ba siya sa akin kasi nabuntis ako?" basag ang boses niya.

"Hindi, h'wag mong iisipin 'yun. Masayang- masaya nga si Troy e, diba Quen?" pagkuha ko ng simpatya kay Enrique.

"She's right sweety, don't overthink too much. Makakasama 'yan sa baby natin, if you were worried about Troy. He's not mad, in fact he's the first one who told me the news about your pregnancy. And all I can say is, he's more excited than me." wika naman ni Enrique.

"Isang malaking check Athena!" ngumiti ako bago sumimsim ng coke mula sa cup. "Kumain ka na lang dyan, mas lalong magagalit 'yon kapag hindi ka kumain. Alam mo naman si Troy pagdating sayo, nagiging halimaw."

Impit na natawa si Athena ngunit dama ko na hindi talaga ito sincere, nag-aalala pa rin siya at pakiramdam ko ay puno ng mga tanong ang isipin niya ngayon. Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain at nang matapos kami ay pinainom na ng gamot ni Enrique si Athena.

Nakakaramdam ako ng pagka-awa sa sitwasyon ni Enrique sa totoo lang, he doesn't deserve to be treated like an option but I couldn't blame Athena. Pareho lang man silang nagmamahal, ang kaso nga lang si Athena... Nananatiling si Sky ang mahal niya.

ZOE

All I can say is, I'm alive and still beautiful. Epal talaga ang Amara na 'yan, nang dahil sa kanya nagkaroon ako ng head injury that lead me to sleep for freaking 3 days. Mabuti na lang talaga at minor injury lang talaga ang natamo ko. Magbestfriend nga sila ni Athena, isang ahas at isang kriminal. Athenang Ahas, Amarang Kriminal. Both A's that I hate

"Martha where's my iced coffee?" tanong ko sa ugly half-sister ko.

"Zoe, sinabing bawal nga sa'yo. H'wag ka munang makulit, nagpapanggap ka nga na nasa critical condition diba?"

"Whatever! Sundin mo na lang ang utos ko Martha! Isusumbong kita kay Mommy kapag hindi mo ko sinunud."

"Fine!" pasigaw niyang sabi, aba bruhang 'to.

"Sinisigawan mo ba ako?"

"Anong flavor?" pag-iiba niya ng topic, oh great! Ayaw mapagalitan.

"Lasang Sky meron ba? Syempre the usual flavor that I always order chocolate... Oh! And speaking of him, dumalaw na ba ang boyfriend ko?"

"Ex,"

"Boyfriend with a big period."

"Hindi pa siya dumadalaw, since that day na naaksidente ka."

"Really? Itext mo nga! Tell him that I need him, tell him na delikado ang lagay ko."

"Zoe please, stop being desperate. Ayaw na nga niya sa'yo."

"I don't care kung ayaw niya sa akin, I want him! Paano ako gagaling kung walang Sky? He's my medicine, mamatay ako pag wala siya." sigaw ko while throwing everything that I can reach.

"Ako na ang bahalang magpalibing sayo Zoe, sige na. Sagot ko na ang kulay pink na kabao mo! Pati na everyday OOTD mo habang nasa loob ka ng kabao na may aircon sa loob at pinaglalamayan. Sagot ko na lahat ng kailangan mo, pati na bonggang korona ng patay. Iuumpog na lang kita ulit ng mas malakas, kaysa sa ginawa ni Amara nang magising ka na sa katotohanan. Gusto mo ba 'yun?"

Okay. Creepy as hell.

I honestly admit that I got scared when Martha shouted. I swear, Martha she's a monster whenever she shouts and it will totally scared me to death, I swear.

"Maawa ka sa sarili mo Zoe! Please, have mercy on yourself. Shame on yourself, that's too much." gigil na gigil niyang sabi.

"Okay chill Martha, chill. I'm fine, I just love Sky. You know that, you are fully aware I about how I feel."

"No, that's not love, obsess ka na. You are obsess, Zoe. And I won't tolerate it, ayaw kong matulad ka kay Amara."

"Amara? Anong meron sa criminal girl na 'yon?"

"Her cousin, Zarian Rosalie Go."

"O ano namang meron kay Zari?"

"She told me na super obssess si Amara kay Quen kaya niya ginawa 'yan sa'yo."

"What does that have to do with me? Gwapo si Enrique, I admit pero sobrang overrated ng kagwapuhan niya. Unlike Sky na low-key lang."

"Amara is into Quen but Quen is into Athena, Amara want her revenge."

"Pero bakit niya sa akin ginawa?"

"Nadamay ka lang actually, kasi ikaw 'yung nandoon. The day you had the accident, everyone knew that Amara did that to you. The case here is she did blamed Athena to cover up what she did, ilang araw naging wanted si Athena. Until Noel showed up with the footage, kaya 'yon. Nahuli rin si Amara, in end siya na ang nasa jail." she stated.

"And what happen to Athena?"

Martha just shook her head as she picked up the things that I had thrown away earlier.

Alas, I just missed a very touching drama Why do I have to lose consciousness for fucking three days?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro