CHAPTER 46

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


STELLA
Ilang gabi nang hindi maayos ang tulog ko, ilang gabi na rin na hindi ako mapanatag sa kabi-kabilang nangyayari sa buhay namin. Sobra-sobrang gulo na ang kinahaharap naming lahat, hindi ko na nga alam kung paano ito lulusutan. 

"Wala pa rin bang balita kay Athena?" tanong ko kay Sarah na kasalukuyang nagluluto ng mani para sa mga taong nakikiramay. 

"Wala pa nga e, e hindi ba ikaw ang may contact kay Troy? Malay mo naman kasama nya ngayon si Athena, bakit hindi mo tawagan?" pagbabalik niya sa akin ng tanong.

"Ayoko kung sa kanya lang din naman ako aasa, h'wag na." tumayo ako mula sa monoblock na kinauupuan saka sinukbit ang sling bag ko.

"O saan ka pupunta?" tanong niyang muli.

"Gagawa ng paraan para mahanap si Athena,"

"Nang ikaw lang mag-isa?" Padabog niyang ibinagsak ang sandok sa kawali. "Sira ba ang ulo ml? Ikaw nga'y tumigil-tigil Stella, maawa ka naman sa sarili mo pati na dyan sa limang buwang gulang na bata na nandyan sa sinapupunan mo." Panenermon pa niya sa akin.

"Kung hindi ako kikilos, sino? Walang nakaka-alam kung nasaan siya, e paano kung napahamak siya? Hindi kakayanin ng konsensya ko kung mangyayari 'yon."

"Hindi lang naman siya ang nangangailangan ng tulong Stella, ikaw rin. Marami naman siyang mga kaibigan, pupwede nilang pagtulong-tulongan ang paghahanap sa kanya. Saka isa pa, hindi mo naman sila kaano-ano e. Dapat nga labas ka sa kung ano man ang gulong kinasasangkutan ng pamilya nila." Litanya ni Sarah.

"Sarah, alam mo naman na parang pamilya na ang turing ko sa kanila, nung nagpariwara ako sila ang tumanggap sa akin. Kaya kung ano man ang problema nila, problema ko na din." Siya namang saad ko.

"Hindi ka na talaga papapigil?" Muling tanong niya, tumango lamang ako. "O sige, kung 'yan ang desisyon mo. Nay kinuha siya mula sa bulsa niya at nang ilabas niya iyon ay agad niyang iniabot sa akin. Isang susi, susi ng kotse. "Kay Noel 'yan, alam ko naman kung saan ka paparoon e, ikaw na lang din ang mag-abot sa kanya. Mag-iingat ka, Stella."

Mahigpit akong yumakap kay Sarah, ramdam ko ang pag-aalala niya para sa akin at sa anak ko. May choice ako na hindi gawin pero hindi pwedeng wala akong gawin. Hindi pwexeng tutunganga lang ako habang naghihintay ng masamang balita tungkol kay Athena, best friend ko siya at para na rin kaming magkapatid. Kung ano man ang problema niya ay problema ko na rin…

Bago ako umalis ay nagpaaalam muna ako kay Asianna, humalik ako sa kabaong kinalalagakan ng katawan niya. Nagpaalam rin ako kay Aunty Clara, binilinan ko si Azzy na siya na muna ang bahala kay Aunty habang wala ako. 

Tinahak ko ang wlanag kasiguraduhang landas, lulan ng kotse ay dinala ko ang sarili ko sa mansyon na walang kasiguraduhan. Ang mansyon ng mga Yu, malakas ang kutob ko na makakakuha ako ng impormasyon tungk kay Athena pati na kina Ninong Enzo at Ninang Aileen.

Naabutan ko na bukas ang tarangkahan ng mansyon, inihinto ko ang sasakyan ngunit hindi muna ako bumaba. Ilang minuto pa ang hinintay ko, tinatansya ko kung may taong lalabas mula sa bahay ngunit makalipas ng sampung minuto ay wala pa rin na lumalabas mula sa loob. Nagpasya na akong bumaba mula sa sasakyan, tinahak ko ang pathway na papunta sa loob ng mansyon. Walang tao, ultimo mga kasambahay nila ay wala rin. Tahimik ang loob ng bahay, alam kong trespassing ang ginagawa ko pero wala naman akong pagpipilian..

"S-Stella…" isang bulong mula sa hindi kalayuan ang narinig ko. Kasabay noon ay isang pagsutsut, luminga-linga ako hanggang sa maaninag ko ang pigura ng isang babae na may kulay kalawang na buhok. Nakatago siya malapit sa may hagdan…

"C-Courtney?" mahinang usal ko nang makita ko siya. Itinapat niya ang hintuturo niya sa pagitan ng mga mata niya na para bang pinatatahimik ako. Iminuwestra niya ang kamay niya na animo'y pinapalapit ako sa kinaroroonan niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, maingat ang bawat paggalaw ko. Nang makalapit ako sa kanya ay nanlaki ang mga mata ko nang makita  ko sa likod niya ang isa pang hagdanan pababa nitong bahay. 

"Ang sabi ni Sky, nandirito daw sina Tito Lorenzo at Tita Aileen, mabuti na lang at nandito ka. May makakatulong ako para maitakas sila," aniya. Itinali niya ang buhok nang papony, hinubad niya rin ang stilletos saka bumaba sa hagdanan papunta sa basement nga bahay. "Tara na Stella," sambit niya pa.

Liningon ko ang paligid at ipinagala-gala ang mga mata ko para matiyak na walang tao sa paligid at wala rin na makakakita sa amin.

"Stella, let's go." pag-aya niya sa akin saka dire-diretzong bumaba sa hagdanan na papunta sa basement. 

"Oo, sandali lang." Sambit ko saka dahan-dahang bumaba at sumunod sa kanya. Maingat kong inilalapat ang paa sa bawat baitang ng bakal na hagdanan. "Sigurado ka ba na ikaw ang gagawa nito? Bakit hindi si Noel o si Troy?" 

"Yeah, ako na 'yung nagvolunteer. Nandito na nga ako, tayo."

"Courtney, delikado 'to. Paano kung may mga armadong lalaki sa baba?"  Nag-aalala ako sa kung ano ang pwedeng sumalubong sa amin sa pagbaba namin sa basement. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa direksyon ko,

"Shhh! Don't worry too much, just trust me." Nakangiti niyang sabi habang may binubunot na kung ano mula sa sling bag niya na may mukha ni hello kitty. Halos lumuwa ang mata ko nang ilabas niya mula sa  bag ang isang kulay pink na caliber 45 na baril.

"Bakit meron ka niyan?" Legit, hindi ako makapaniwala.

"In case of emergency," ngumiti siya nang napakatamis. "Actually, nakita ko lang 'to online. Naisip ko na si Troy nga marunong  gumamit ng baril kaya dapat ako rin para it's a match talaga kami."

Alright… So dahil ito kay Troy… Well, it's Courney's life after all. It is her life choices, wala akong karapatan na tutulan 'yon.

"Okay…" napipilitang sagot ko. "Ituloy na natin 'to."

"Alright! Let's go!" Excited niyang sabi sa mahinang boses. Muli siyang nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan hanggang sa makarating kami sa pinakababa which is the basement.

Madilim ang paligid, ni wala kang madidinig kungdi mga yabag ng paa namin. Wala rin na tao o bantay, mukhang safe kami ni Courtney. Malawak ang basement kung kaya't napagdesisyonan namin ni Courtney na maghiwalay. Sa kanang bahagi ako dumiretso, sa kaliwa naman si Courtney. 

Dahan-dahan lang ang bawat pag-kilos ko, iniiwasan ko na mag-create ng anumang ingay. Hindi ko kasi tansyado ang isip ng mga tao rito baka anytime may bumaril na lang sa likod ko. 

"HMMM! HMM!" 

Luminga-linga ako sa paligid nang may narinig akong mga boses, hindi ko maintindihan ang sinasabi nila ngunit malakas ang kutob ko na sina Ninong Enzo ang naririnig ko. Saglit akong huminto upang pakinggan ng maiigi kung saang direksyon nanggagaling ang mga boses. Nang malinaw na sa akin kung saan nanggagaling ang mga boses ay hindi na ako nagdalawang isip na puntahan ito. 

Madilim ang paligid kung kaya't ginamit ko ang flashlight ng cellphone ko para magsilbing ilaw sa daraanan ko.

"Hmm! Hmm! Hmm!" Muli kong narinig ang mga boses, habang palit ako ng palapit ay siya namang palakas na palakas ang impit na paghingi nila ng saklolo. 

"Ninang! Ninong!" Malakas kong sabi nang maaaninang ko na silang dalawa, kapwa sila nakaupo sa malamig na sahig ng basement.  Nang makarating ako  sa kinaroroonan nila ay aad kong tinanggal ang duck tape na nakadikit sa bibig ni Ninang Aileen at pati na blindfold nito sa mata.

"S-Stella…" wika niya nang matanggal ko ang duck tape. "Salamat sa Diyos," 

"H'wag ho kayong mag-alala, ligtas na po kayo." Sambit ko habang tinatanggal ang lubid na nakapalibot sa katawan niya. 

Matapos kong matanggal ang lubid sa katawan ng Ninang ay siya namang dating ni Courtney, nagtulong kaming dalawa na tanggalin ang lubid na nasa katawan naman ng Ninong. Yinakap ko ang dalawa na parehing umiiyak, bakas ang takot at labis na pagkalungkot sa mga mata ko.

"Ligtas na po kayo," sabi ni Courtney habang inaalalayan sa pagtayo si Ninong Enzo, marahan at maingat niya itong iniupo sa wheelchair.

"Nasaan si Athena?" Siyang tanong ng Ninang nang makatayo ito. Hindi ako nakasagot dahil maging ako man ay iyon ang tanong ko. Hindi ko rin alam mung nasaan siya…

"May mga tagapagligtas pala tayo," isang baritonong boses ng lalaki ang narinig ko mula sa likuran.

"Tama na Alejandro, maawa ka na sa amin ng asawa ko."  Siyang wika ng Ninong Enzo. 

"Awa? Kaya ko naman ibigay 'yan e, ewan ko lang kay Don Ronaldo kung kaya niya." 

"Ano namang kinalaman ng Papa ko rito?" Siyang tanong ng Ninong Enzo. 

"Bakit hindi ikaw mismo ang magtanong sa kanya?" Sarkastiko ang tono ng pananalita ng Tatay ni Troy. "Dahil kayo ang nagpakawala sa dalawang 'yan, kayo na rin ang mag-akyat sa kanila. Tutal nagpapaka-superhero naman kayong dalawa," wika pa niya. Itinuun niya ang paningin sa akin, animo'y tinutuyam niya ako sa pamamagitan ng mga tingin niya. "Ikaw 'yung nabuntis ng anak ko hindi ba?" 

"H-Ho?" Siyang tanging nasambit ko, naramdaman ko ang pagtuon ng tingin aa akin ni Courtney. Saglit ko rin siyang nilingon.

"Alagaan mo na ang nasa sinapupunan mo, pangalawa na 'yan Stella." anito ay tinalikuran na kami. "Sumunod na kayo papaakyat." Wika nito bago lisanin ang basement. 

"S-Stella… Totoo ba?" Naramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Courtney sa balikat ko. "T-Totoo ba?" Muling pag-uulit niya sa tanong na basag ang boses. 

Pikit-mata kong sinagot ang tanong niya sa pamamagitan ng isang tango, hindi ko siya nilingon dahil nahihiya ako. 

Narinig ko ang malalim na pagsinghap niya ay pagbunot ng hininga, wala na akong narinig mula sa kanya. Naramdaman ko na lamang na itinutulak niya na ang wheelchair ng Ninong papaalis sa lugar. Mistula akong naging istatwa habang nakatayo, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.

Naramdaman ko ang mainit na bisig na sumakop sa katawan ko, si Ninang Aileen. Mahigpit niya akong yinakap at hinaplos ang likuran ko, saglit kaming nagyakap bago kami tuluyang magkalas. 

"Ayos lang 'yan anak, magiging ayos lang ang lahat."  Tanging tango lamang din ang naisagot ko sa kanya. 

COURTNEY

I woke up  and did my every morning routine early, I really don't know why I feel very excited that morning. Sobrang parang nagkaroon ako ng sudden eagerness ang sarili since that day na tumawag si Sky to asked for help. Mas lalo pang nadagdagan ng excitement ang eagerness ko after meeting Troy. Even with the fact na he will going to marry Athena dahil sa kasunduan ng pamilya nila, it freaking hurts pero ano pa ba ang magagawa ko? Wala naman akong choice e, saka sa Dad na rin ni Troy nanggaling na 'mamanugangin' niya nga si Athena. 

Sa case ko, wala akong galit na nararamdaman. Hindi naman kasi ako si Amara o si Zoe na gagawin ang lahat kahit pa makasakit ng tao para lang makuha ang gusto nila. I'm not that desperate, I have pride and dignity. He loves me too, that's all I hold on to. It was enough for me to experience his love.

Ano pa bang ipaglalaban ko? Kung una pa lang pala talo na ako. 

Nagpa-iwan ako sa living room habang silang lahat ay nagpunta sa garden area, naroon daw kasi ang taong kailangan nila. Hindi pa naman nawawala ang eagerneas ko, bigla lang akong napagod kaya umopo muna ako sa puting sofa habang nakatungo sa kawalan.

"Courtney," narinig ko ang boses ng papalapit na si Sky. 

Ini-angat ko ang ulo at ngumiti ng matamis nang magtagpo ang mga mata namin. "Oh hi!" Siyang bati ko nang makalapit siya. 

"You okay?" May pag-aalalang tanong niya. Tumango lamang ako at pinilit ang sariling ngumiti, "Yung Courtney na kakilala ko, hindi marunong magsinungaling."

"What are you talking about? Ayos lang kaya ako," pineke ko ang pagtawa na ikinataas naman ng kilay niya. "Fine, I'm sorry… Hindi ako okay, Sky. And I know we both feel the same way." H walk towards me and locked me in his arms… "S-Sky…" Siyang tanging nasambit ko nang mga oras na'yon. 

"Hayaan mo akong yakapin ka, pag-isahin natin ang mga puso nating parehong nagluluksa."

"Sky, ayokong umiyak. Tanggap ko, tinatanggap ko at patutuloy kong tatanggapin. Mahal ko si Troy, iyon ang panghahawakan ko habang nabubuhay ako." 

Humalik si Sky sa ulo ko ko bago siya kummalas smula sa pagkakayakap sa akin, tinapik niya ang balikat ko saka pinahid ang mga luhang nagbabadyang rumagasa sa mga mata ko.

"H'wag muna nating isipin ang mga puso natin, maghiheal din naman sila." Pineke ko ang pagtawa. "Maghihilom din ang mga sugat natin, sa ngayon… acceptance … I-accept natin, yun ang pinakamahalaga. Nagmahal tayo diba? Normal lang na makaranas tayo ng pain kasi nga nagmahal tayo. It is better to have loved and lost, than never to have loved at all."

"C-Courtney…"

Mapait akong ngumiti at sinabayan ng pagtawa… "Life goes on," I breath heavily, "hwag na nating pag-usapan. 

"Yeah right…" mapait siyang ngumiti.

"Magpaka-superhero muna tayo, i-save natin ang parents ni Athena, 'yun naman ang goal natin dito right from the start diba? Bonus na lang siguro yung lovelife natin na… waley." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. 

"Alright," luminga-linga si Sky sa paligid habang may binubunot mula sa bulsa. Iniabot niya ang key sa akin,"sa likod ng stair may isang room 'dun and another stair pababa ng basement.  Mag-iingat ka," aniya.

"May fight fight ba na  mangyayari?" Pagbibiro ko, tumaas ang kilay niya kaya naman nag-peace sign ka na. "Sowwy, I'm just trying to make the scene lighter. Sobrang bigat kasi e," wika ko nang kinuha ko ang key mula sa kanya. 

"Be careful," 

"Aye! Aye captain!" Wika ko habang nakasaludo. 

"I'll just talk to them, guguluhin ko. I'll start a commotion or debate para hindi sila makahalata sa gagawin mo. Please take care of them, mahalaga sila sa akin." 

"No promises pero I'll do my best." Confident ko na sabi.

"I wish you good luck,"

"Good luck sa atin!" wika ko saka naghahadaling pumaroon sa lugar na itinuro ni Sky. 

I'm a bit clumsy and careless, mukha lang mahinhin pero hindi talaga. That's why I'm doing my best to avoid showing my clumsy said. I'm too old for that childish thing, I'm a grown up lady. A future educator, a vlogger, and a beauty queen aspirant. Kaya kailangan sanayin ang sarili para hindi maapi, o diba nag-rhyme?  

Pero wait, balik tayo sa original goal ko here. I wanna save Athena's parents, her beloved Mom and Dad. I walked carefully papunta sa may staircase, madali kong nakita ang sinasabi ni Sky na door. I inspect the place muna bago ako mag-start kasi you know, baka magkabarilan. Ayoko ma-Cardo Dalisay nang wala sa oras, I looked around, turn around every now and then I get a little… wait bakit ako kumakanta? Pero eto na nga, when I already figured out na walang tao  at safe naman ang lugar ay sinimulan ko nang tanggalin ang stilletos ko. I was busy working on my stilletos when I sight someone na pumasok from the main door. 

Pinakiramdaman ko 'to ng mga two minutes tapos sumilip ako from the wall na nagdi-divide sa staircase at another pathway papunta sa kusina. I saw a familliar face that makes me feel happy talaga that time. Nakita kong pumasok'yung common friend nila Athena at Troy, natatandaan ko siya. We already met na nang maring beses kasi she works on a cake and pastry shop na tinambayan namin. 

"S-Stella…" Mahinang pagtawag ko sa pangalan niya.

Huminto siya sa paglalakad at luminga-linga, until magtagpo ang mga mata namin. 

"C-Courtney?" Mukha siyang nashock nng makita niya ako.

She walked slowly towards me at nang makalapit ay agad kong dinaldal sa kanya yung plans ko. I even show him my Peggy. 'Yung name ng Pink Gun ko, she was shocked pero mukhang same agenda kami kaya sinabayan niya na ang trip ko.

May kalakihan ang basement kaya we have decided na maghiwalay for a while, I used my little flashy na keychain ng bag ko as a light sa daraanan ko. Sobrang dilim dito ay medyo scary, matagal-tagal din akong naghanap. Paminsan-minsan ay tinatawag ko ang pangalan nila, from what I heard and remember are Lorenzo and Aileen. 

Tumatakbo at naglalakad ako paminsan-minsan pero noong na-realize ko na wala sila sa path na dinadaanan ko ay sinundan ko si Stella. She was releasing Athena's mom nang maabutan ko siya, hindi na ako nag-dalawang isip pa at agad ko na rin na pinuntahan ang Dad ni Athena.

"May mga tagapagligtas pala tayo," I was busy untying the rope from Tito Lorenzo's body nang marinig ko ang boses ng Dad ni Troy. 

"Tama na Alejandro, maawa ka na sa amin ng asawa ko."  Sabi ni Tito Lorenzo nang matanggal ko ang tali niya. Hindi ako lumilingon, natatakot ako na baka may gun siya na hawak.

"Awa? Kaya ko naman ibigay 'yan e, ewan ko lang kay Don Ronaldo kung kaya niya." 

Ronaldo who?

"Ano namang kinalaman ng Papa ko rito?" Si Tito Lorenzo again, bakas ang pagkagulat sa voice niya.

"Bakit hindi ikaw mismo ang magtanong sa kanya?" Ang lakas maka villain ng tono ng pananalita ng Dad ni Troy, and that thing really made me a bit scared 2x. "Dahil kayo ang nagpakawala sa dalawang 'yan, kayo na rin ang mag-akyat sa kanila. Tutal nagpapaka-superhero naman kayong dalawa," He said pertaining to us, Stella and me "Ikaw 'yung nabuntis ng anak ko hindi ba?" I don't what he's talkung about cause I'm not pregnant pero… I don't know I feel  a sudden chest pain..

"H-Ho?" That's Stella… Her voice was trembling.

"Alagaan mo na ang nasa sinapupunan mo, pangalawa na 'yan Stella." Inaalalayan ko ang Tito sa wheel chair nang marinig ko 'yun. "Sumunod na kayo papaakyat."Troy's Dad as I heard his foot steps walking way from us.

I felt even more tightness in my chest because of what I heard. Humarap ako sa nakatalikod na si Stella, "S-Stella… Totoo ba?" I still managed to us even with a cracked voice.  "T-Totoo ba?" I asked again, asking for assurance. 

She took a deep breath before nodding…

Akala ko masakit na ang malaman na ikakasal sa kaibigan mo ang taong mahal mo, hindi pala. Mas masakit pala malaman na ang taong mahal mo bukod sa'yo ay may kinama pang iba.

Pakiramdam ko, mas kaya kong tanggapin 'yung sa arrange wedding nila ni Athena kasi alam kong tututol at tututol si Athena. Ipaglalaban niya yung love niya for Sky, pwede rin na kay Enrique siya ipakasal kasi nga may baby sila. 

But for Stella, it's too painful. Besides what happened to the two of them, they had sex, and the worst part here is…

Troy made her pregnant.

Tanggap ko naman na playboy si Troy e pero… ewan ko ba. Sobrang tanga ko talaga sa part na 'to.

ATHENA

Hindi ko namalayan na matapos pala na mag-almusal kami ay nakatulog ako, kagigising ko lang at pupungas-pungas pa ako habang kinukusot ang mga mata ko at naghihikab. Pagdilat ko sa mga mata ko ay namataan ko si Vivian na nakatutuk sa cellphone niya at nagtitipa. 

"Vivian," sambit ko sa pangalan niya. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo at animo'y takot na takot na tumingin sa akin.

"A-Anong k-ailangan mo?" Pautal-utal niyang wika. 

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko. 

"S-Si Athena ka na ba  ulit?" Paninigurado niya.

"Anong sinasabi mo? Si Athena naman talaga ako."

Mabilis siyang tumayo mula sa couch at patakbong nagtungo sa akin at mahigpit akong yinakap. 

"Oh my God! You're back!" Mangiyak-ngiyak niyang sabi. "You're back! You're back!"

Nakapagtataka ang ikinilos niya, hindi ko ma-gets kung bakit paulit-ulit ang pagbangigit niya sa mga katagang "You're back". First of all hindi ako nawala, second ayokong mapahamak ang baby ko, ansd third naka-suero ako.

"Viv, ayos ka lang ba?" Siyang tanong ko.

"I-I'm really fine, sobrang natakot lang talaga ako," aniya.

"Natakot saan?"

"Si Ava, nakakatakot siya! Ayoko na muli ma-encounter siya."

Si Ava…

Ibig sabihin… Alam niya na rin ang tungkol sa spli personality ko. Kaya pala mukhang takot na takot siya nang tignan ko siya kanina. Hindi maipinta ang reaksyon niya at parang ilag na ilag sa akin.

"I-I'm sorry…" wika ko nang maghiwalay kami mula sa pagkakayap. 

"Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan, kay Ava ako natakot at hindi sa iyo."

"P-Pero nasa katawan ko siya, iisang katawan ang gamit namin na pareho." 

"Hindi mo naman siya kontrolado, may sarili siyang isipan at magkaibang tao kayo. Kaya hindi mo kailangan humingi ng sorry," aniya habang papa-upo sa gilid ng kama. "At saka isa pa,  harmless ka Athena. Hindi katulad ni Ava na mukhang laging naghahamon ng away,"

"Pero kahit na Viv, iisa---"

"Shush! Enough Athena," pagpigil niya sa pagsasalita mo. "Inaamin ko, nakaramdam ako ng takot dahil sa kanya pero hindi ibig sabihin nun ay katatakutan na kita. Maaring iisa ang katawan ninyo o ang mukha pati na boses ninyo pero hinding-hindi ka malalamangan ni Ava, Athena. Iba ka sa kanya, ibang-iba ka. "

Kumurba ang labi ko sa isang natamis na ngiti matapos ko na marinig ang tinuran ni Vivian, mula naming ikinulong ang mga katawan namin sa bisig ng isa't-isa. 

"Pwede ba ako sumali?" wika ni Enrique na kararating lang. 

"Shush! Kota ka na, yakap nga lang ang meron ako makikisali ka pa." wika ni Vivian nang muli kaming maghiwalay sa pagkakayap. "Saan ka na naman ba galing? Lagi mo na lang iniiwan si Athena," pasimple niyang akong kinindatan.

"Nagbayad ako ng hospital bill, ang sabi kasi kanina nung doctor na nag-rounds kanina pwede na daw madischarge si Athena maya-maya. Let's just wait for Dra. Maga," anito habang inilalapag ang dala niyang fruit basket sa side table. 

"Hay salamat makaka-uwi na rin tayo… pero teka. Saan ka nga pala uuwi?" 

"Sa Marikina, gusto ko na kasi makita sila Mommy at syempre gusto ko na rin ipaalam sa kanila ang good news tungkol sa pagbubuntis ko." 

"How 'bout Sky?" Pareho kami ni Vivian na napalingon kay Enrique na seryosong nakatitig sa akin. "How 'bout him?" 

"A-Anong ibig mong sabihin?" 

"Mahal mo siya and he also feel the same way, thats the undeniable fact."

"Kahit itago ko man ang pagbubuntis ko, malalaman at malalaman niya rin. Sabihin mo man o hindi, walang mababago. Lalaki ang tiyan ko, manganganak ako, walang mababago." I said with a straight face. 

"I see..." mahiksing sagot niya. 

"Hello! Good morning!" Siyang bati ng kararating lang na si Dra. Maga,  kasunod niya ay isang nurse na lalaki na nag-abot sa kanya ng ianag metalic-hospital chart. "Lalabas na pala ang Athena namin,"  masayang sabi niya habang may isinusulat sa chart. "Kamusta na ang pakiramdam mo? Balita ko umataki ang alter mo kanina, ayos ka na ba?" Tanong niya nang makalapit sa akin.

"Maayos naman po ako," mahiksing sagot ko.

"Maayos ba ang may benda sa ulo?" may pagka sarkastikong tanong niya habang papalapit sa akin. "O Keith, paki-tanggalan mo na siya ng suero at uuwi na ang Athena namin. " Siyang utos niya sa Nurse na lalaki na kaagad naman nitong sinunud. 

"Si Dra. Stacy po at Troy, dumating na po ba?" tanong ni Vivian. 

"Hindi pa nga e, kahapon pa ako nag-tetext kay Stacy pero wala akong reply na natatanggap. Magkasama naman ang mag-ninang na 'yon, sure ako na nakarating na sila sa pupuntahan nila."

"Saan po ba sila nagpunta?" Hindi ko napigilan ang sarili na hindi magtanong, bn-curious akong bigla  e. Ang sabi kasi ni Vivian sa akin, umalis si Troy dahil may aayusin na importante pero hindi niya nabanggit na magkasama pala sila ng Tiyahin ko.

"Wala naman siyang nabanggit na lugar pero ang sabi niya ---" Napahinto sa pagsasalita si Dra. Maga nang aksidenteng matabig ni Vivian  ang bote ng suero pati na maliit na tray na pinaglalagyan ng benda at medical tape ng nurse. 

"Hala Kuya nurse sorry, hindi ko sinasadya." ani Vivian habang pinupulot ang mga nalaglag na gamit. "Sorry talaga, sorry, sorry." Paulit-ulit nitong sambit.

"Ayos lang po Ma'am." Mahiksing sagot ng lalaking nurse.

"So ayon nga, itutuloy ko ang sinasabi ko. Bago---" 

"Dra. Rina, mga anong oras po madi-discharge si Athena?"

Muling naputol ang sasabihin sana ni Dra. Maga nang magtanong si Vivian, may namuong kutob sa dibdib ko ngunit hindi ko ito pinansin. Baka kasi nami-misinterpret ko lang or nagkakataon lang ang pagtatanong niya.

"Right away, since bayad na naman ang hospital bills ni Athena at pwede na naman siyang mag- bed rest  sa bahay."Siyang pag-sagot ni Dra. Maga sa tanong ni Vivian. "Oh so eto na nga balik tayo  sa sinasabi ko---"

"Pwede po ba na halimbawa, diba po uuwi si Athena sa Manila. E di ibang ob-gyne ang magtitingin sa kanya, magiging okay lang po kaya 'yon?"

Muling pagtatanong ni Vivian, dahilan para mabitin na naman ako  sa dapat sanang sasabihin ni Dra. Maga, lalong lumakas ang kutob na nararamdaman ko  Parang mayroon siyang alam na ayaw niyang ipaalam sa akin, nakapagtataka kasi na bigla siyang sumisingit sa tuwing bumabalik ang doktorang kaibigan ng tiyahin ko sa totoong pinag-uusapan namin. 

"Pwede naman, as long as maalagaan at magiging maayos ang lagay ni Athena at ng baby nila ni Enrique... So eto na nga..." 

"E bakit po pala hindi namin napansin o nahalata na buntis  si Athena?" Muling tanong ni Vivian.

"Ganito kasi 'yan it is really possible to go on the entire pregnancy without having any of the usual symptoms. Some mothers and moms-to-be  like Athena, who are 4-5 weeks pregnant feel no symptoms at all."

"Okay lang ba 'yun?" Muli niyang tanong.

"Yes, it is perfectly fine. Although it can be worrisome, there may be no cause for concern." 

"Okay na Viv?" Siyang tanong ko kay Vivian.

"H-Ha?" Iyon lamang ang tanging naisagot niya, halata sa mukha na kinakabahan siya. Ni hindi siya makatingin ng diretso at kahit malacas na ang aircon ay pinagpapawisan siya. 

"Baka pwedeng malaman ko na kung nasaan sina Tita Stacy at Troy kasi kanina mo pa ako ini-interrupt..."

"I-I'm sorry... I really didn't mean it, Athena. I'm really sorry," aniya at napakagat sa pang-ibabang labi niya.

"Do we need to know anything?" Halatang may pagdududa ang tono ng pananalita ni Enrique, tumayo ito mula sa sofa at marahan na lumapit kay Vivian. "What do we need to know?"

"N-Nothing ... I-It's nothing.... It's really nothing, I'm just curious about what pregnant women are going through. I'm just asking for information." 

"That's not it, we noticed earlier that you always interrupt Dra. Maga." Enrique seemed to return to where he had been, his usual self. You can't see any emotion on his face, every utterance of the words he uttered was emphatic, his voice is serious and authoritative.

"Leo, you may go... Pakibalik na 'to sa office ko, tatawagin na lang kita mamaya " ani Dra. Maga at iniabot ng chart sa nurse bago ito umalis. "So... nasaan na pala tayo?" 

"Vivian..." sambit ko,  nakayuko lang siya at inakagat ang pang-ibabang labi niya. "Please... Please kung ano man ang nalalaman mo, baka pwedeng sabihin mo na." 

"H-Hindi pwede Athena..." umiiling ito at para bang nangingingig ang boses niya. 

"Vivian, hija please sabihin mo na. Intindihin natin ang kalagayan ni Athena, mataas ang hormone niya, sensitive ang mga buntis. Plus, she had her anxiety. Kung ano man 'yan, just say it." Panghihikayat ni Dra. Maga.

Bumaha ng takot ang mukha niya, naging malungkot ang mga mata at nawala ang ningning nito. Nakayuko lang siya at mabigat ang bawat pag-hinga niya, pakiwari ko ay marami ang gumugulo sa isipan ni Vivian ngayon. 

"Vivian..."

"W-Wala ako sa posisyon para sabihin 'to para..."

"Para ano?" Siyang tanong ko.

"Para pigilan ang Dad ni Sky, Dad niya, at Lolo mo sa mga balak nito sa Dad mo."

"A-Ano?" 

"Athena, take it easy..."

"Athena, Athena, look at me..." wika ni Enrique at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Relax, take a deep breath baby..."

"R-Relax? P-Paano? Paano ako magrerelax? A-Ang P-Papa ko... A-Ang M-Mama ko... SABIHIN MO SA AKIN PAANO AKO MAGRERELAX ENRIQUE!?" Malakas na bulalas ko habang patuloy sa panginginig ang buong katawan ko, "sabihin mo sa.. akin... sabihin mo sa akin kung paano."

Tila dinaga ang dibdib at namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang tinuran niya. Tila may kung anong tumarak sa dibdib ko, hinahabol ko ang bawat paghinga ko habang patuloy sa pagragasa ang mga luha ko.

Naramdaman kong binalot ng mainit na mga bisig ni Enrique ang katawan ko habang nakabaon sa dibdib niya ang mukha ko. Sinusubukan niya akong pakalmahin sa pamamagitan ng marahang paghagod sa likod ko.

"G-Gusto ko nang umuwi, gusto ko na silang makita... Iuwi mo na ako Enrique, gusto ko na makita sila Papa at Mama. I-Ililigtas ko sila..." 

"Don't worry, uuwi na tayo okay? Mag-iimpake lang tayo. Uuwi na tayo, uuwi na tayo." Sinserong wika niya habang patuloy siya sa paghagod sa likuran ko.

VIVIAN

Nang makita ko na mag-break down si Athena, pakiramdam ko napakasama ko. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan na nagawa ko, bawat hikbi niya at tila kutsilyong dumudurog sa buong pagkatao ko. 

"I-I'm sorry..." Ito ang tangi kong nasambit. 

Hindi ko alam kung paano magsasalita o ano ang sasabihin, pakiramdam ko ngayon ay ako pa ang magiging dahilan ng pagka-trigger ng villain alter ni Athena. Pinili ko na lumabas na lang sa kwarto at saglit na iwanan sina Dra. Rina at Enrique na pilit pa rin pinapakalma si Athena. 

Inilapat ko ang likod ko sa malamig na pader habang mariing nakapikit ang mga mata ko at nakasabunot ang mga kamay sa sariling buhok.

"S-sorry... I-I'm sorry..."  

Right from the start ayoko talaga na ma-involve sa kung ano mang issues nila sa buhay. Ang hirap lang talaga na humindi lalo't alam mo sa sarili mo na mas kaya mo kaysa kanila. Akala ko nga, matatapos na ang lahat sa Zoe-Amara issue e pero hindi pa pala. Mas malaki ang kinahaharap niya ngayon, hindi ko maimagine na ang inaakala mong simpleng babae na walang problema ay mas marami palang dinadala.

Hindi ko sukat akalain na ang babae na minsang nagligtas sa akin mula sa tangkang panggagahasa ay may mabigat na hinaharap. Kaya nga kanina, sinusubukan ko na h'wag mapag-usapan ang tungkol sa nangyayari ngayon aa mansyon ng mga Yu.

The trial she was going through in life was too much. She can't tell a story but if you look into Athena's eyes or else you will change your status. Certainly even I, I can’t handle it.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro