CHAPTER 47

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


COURTNEY


I feel like I was stab forcefully with a blunt knife in the heart, I felt layers of unsettling emotion. A great sense of weariness sweeps over me sucking my energy with it. I felt a sting of melancholy and confusion...


"I'm fine," I whispered to myself as I pushed Tito Lorenzo's wheelchair. "Everything will be fine Courtney, that's okay, it really includes pain in life."


"Ayos ka lang ba hija?" Tito Lorenzo asked in a soft tone.


"A-Ayos lang po ako," I lied. "M-Maayos po ako." I felt my own tears forming but I wouldn't let it fall. Never would, never will..


"Hindi ka maayos hija, nararamdaman ko iyon. Kaya sige na, ilabas mo."


"A...A-yos lang po tito, h'wag po kayong mag-alala." my voice almost crack as I answered his response. I had to lie so I wouldn't feel sad. I don't want him to feel sorry for me. I don't want to be mukhang kawawa...


"Hija, hindi ka marunong magsinungaling."


"H-Hindi... H-hindi po ako nagsisinungaling Tito..." I said as I cried in a low moan.


"Ilabas mo hija, walang masama sa pag-iyak. Walang masama sa nararamdaman mo, parte ng buhay ang sakit."


And with that a great sob escaped from my mouth, I covered my face with my own shaking hands. Deep emotions stirs with no other outlet but through my long-lasting sobs, a complete hopelessness converted into tears that rain down my face at lightning speed takes over my whole.


"Iiyak mo lang hija, matatapos din ang lahat. Hija sige lang iiyak mo para kahit papaano maibsan ang sakit at mabawasan ang bigat na sumasakop sa iyo ngayon."


The pain was like needles that had been dipped in alcohol and had been jammed through my poor soul.


Ayoko nang isipin pa, ayokong maging malungkot, ayokong pangunahan ako ng emosyon ko. Pagod ako pero hindi ibig sabihin nun ay kailangan kong sumuko, kailangan kong ipaglaban ang nararamdaman ko sa mabuting paraan, sa paraan na walang masasaktan.


Alam ko naman na talo ako umpisa pa lang pero kahit papaano, alam ko sa sarili ko na lumaban ako, na... na ipinaglaban ko ang pagmamahal ko. Masaya na ako na mahalin si Troy at malaman na mahal niya rin ako, hindi man siya sa akin magka-anak at magpakasal. Masaya akong magpaparaya para kay Athena at Stella.


I took a deep breath as I wiped the tears from the corner of my eyes and from my cheeks. I honestly still feel the pain inside me, I just don't want to pay attention because it will only make it harder for me. I don't want to look miserable just because of what I found. That's not me, I can be happy even I'm in pain.


Muli kong hinawakan ang wheelchair ni Tito Lorenzo at nagsimula akong itulak ito hanggang sa makarating kami sa may garden area kung saan natagpuan ko sina Troy at Sky na animo'y parehong nakikipagtalo sa isang matandang lalaki. Kapwa sila nakatalikod kaya naman hindi nila nakita ang pagdating ko.


"Papa, anong ginagawa mo? Ikaw rin Anastasya?" Siyang tanong ni Tito Lorenzo sa lalaking naka- suot ng itim na amerikano. Puting-puti ang buhok nito pati na ang balbas at bigote niya, ngumisi ito at uminom muna sa wine glass saka lumapit sa amin.


"Kamusta na ang panganay ko? Masaya bang tumira sa basement?" May pangasar itong ngiti na nakapaskil sa mga labi.


"H'wag mong sabihing may kinalaman ka rin dito, Papa." Nanginginig ang boses ni Tito Lorenzo at may bahid itong galit.


"Ako ang utak Lorenzo, matigas ang ulo mo e. Kaya napilitan akong pahirapan ka, sabi ko naman sa'yo na ang ayoko sa lahat ay ang inuungusan ako at sinusuway ng sarili kong anak."


"Wala kang kwenta!" Sigaw ng tito na para bang nagpipigil ng galit.


"Talaga? Sinong mas walang kwenta sa atin? Ang gusto ko lang makasama kayo, ikaw, si Aileen, pati na ang apo ko. Pero ikaw ano ang ginawa mo? Inilayo mo sa akin ang sarili kong apo! Ipinagdamot mo siya sa akin! Naki-usap ako sa'yo Lorenzo. Nakinig ka ba? Apo ko lang ang gusto ko, matanda na ako Lorenzo. Gusto ko lang makasama ang nag-iisang apo ko habang humihinga pa ako."


"Gusto mo kasi ikaw lang ang magaling!"


"Mali ba na magpaka-ama ako sa'yo at kay Stacy ha Lorenzo?"


"Sinasakal mo kami Papa! Nasasakal na ang pamilya ko nang dahil sa'yo!"


"Wala ka lang talagang utang na loob Lorenzo, magandang buhay na ang ibinigay ko sa'yo tinanggihan mo pa. Hindi mo ako masisisi kung nagawa ko 'to sa'yo! Ginalit mo ako!"


Nagiging intense na ang nangyayari dito, away mag-ama, family issues. Sinusubukan ni Don Francisco at Ninong Edison na awatin ang Lolo ni Athena. Sina Tito Alejandro, Tita Aileen, at Troy naman ang umaawat sa galit na galit na si Tito Lorenzo. Kapwa mataas ang boses nilang dalawa, walang gustong magpakumbaba, walang gustong makipag-ayos.


"Lorenzo makinig ka pare, ginawa lang 'to ng Papa para makasama kayo ng pamilya mo." Sinserong wika ng Daddy ni Troy na kanina lang ay sobrang boastful.


"H'wag kang mangielam dito Alejandro! Isa ka pa! Pati 'yang anak mo, nilinlang ninyo kami. Akala namin mabuti kayo! 'Yun pala iipotan ninyo kami sa ulo!"


"Tito maniwala po kayo, wala po akong alam. Patawarin po ninyo ako, alam ko po na mali ang ginawa ko. Nagsisisi na po ako Tito,"


"Hindi kita pamangkin!" Malakas na sigaw nito habang sinusubukan na makatayo mula sa wheelchair.


"Walang kasalanan sina Alejandro pati na ang anak niya, maging sina Edison at Loreen Inosente silang lahat, ako! Ako ang sisihin mo! Kagagawan ko ang lahat ng ito, naging desperado akong hanapin kayo."


Ramdam ko ang mabigat na emosyon ng pangungulilala sa boses ng Lolo ni Athena, sobra din siyang nasasaktan sa mga nangyayari sa pamilya niya.


"Nawala ang lahat sa akin! Nawala ang mga pinaghirapan ko! Nabaldado pa ang paa ko, na-trauma ang anak ko. Ngayon, masaya ka na ba Papa?" Magkahalo ang sakit, poot, at pagkadismaya ang namuo sa boses ng Tito. "Ikaw ang ama ko pero dinala mo kami sa lugmok!"


"Tito Ronaldo, tama na po." Pag-awat ni Tito Alejandro sa Lolo ni Athena. "Tama na po,"


Don Ronaldo Aragon, he's the brain pala... 'Yung mismong lolo ni Athena ang pinaka-pinagmulan ng lahat ng 'to. He's the puno't dulo... But I can't blame him. He's lost and he only wants to be with Tito and Tito's family, I can understand his pain. He had his own reason that's why he end up doing this... making Tito Lorenzo's life miserable.


Athena's grandfather seems kind naman but he ended up being the bad guy because of his abandonment issue. And of course, I cannot blame Tito Lorenzo too, for moving away from his Dad's power, Tito also had a reason why he did it. He wanted to work with his own ability to give Aunt Aileen and Athena a good life. The only thing that I can say is...


The pain I feel now is nothing compared to what Athena is going through, I have no right to cry and complain.


Shame on me, for crying just because I found out that Troy got Stella pregnant. Shame on me for invalidating Athena's feeling, shame on me because I became selfish. Shame on me...


"This is a family matter, we need to talk about it on our own, without the Melendezes even the Yu's. H'wag na tayong mandamay, sobrang gulo na he. Pag-usapan na lang natin 'to sa bahay, yung tayo lang. Si Papa, ikaw, ako, kasama ang pamilya mo at pamilya ko.
Yung babae na mahiksi ang buhok at naka-suot ng green dress ang nagsalita. I can feel, base on her trembling voice that she's worried. "Umuwi na tayo Kuya Enzo, umuwi na tayo Papa, Ate Aileen." Lumapit siya sa kinaroroonan ni Tito at hinawakan ang kamay ng kuya niya.


"Maayos 'to Stacy, h'wag kang mag-alala." Ang Lolo ni Troy ang nagsalita.


"T-Tatawagan ko lang si Rina para maagang ma-discharge si Athena at ma-iuwi na siya ni Enrique dito."


"Discharge?" Takang tanong ni Sku


"Bakit siya madidischarge? Nasa ospital ba ang anak ko? Anastasiya sabihin mo! Nasaan si Athena?" mababakas sa bawat sigaw ni Tito ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya.


"Tito huminahon po kayo," wika ko at hinawakan siya sa balikat.


"S-Stacy... A-Ano... Anong nangyari sa anak ko? Ayos lang ba siya? Kamusta siya?" basag ang boses ng Mama ni Athena. Nanginginig itong lumapit sa babaeng tinatawag nilang Anastasiya at Stacy.


"H-Hindi ko masasa---"


"She's pregnant," siyang pagsabat ni Troy. Lahat kami ay napalingon sa kanya, blanko ang ekspresyon ng mukha niya. "She's pregnant," pag-uulit niya. Ipinihit niya pa ang ulo at saglit na minasdan ang katabi niya na si Sky.


"B-Buntis ang anak ko?" Magkasabay na wika ng mga magulang ni Athena.


"Yes... she's 4 weeks pregnant. And another thing bukod sa maselan ito ay she is also suffering from Dissiociative Identity Disorder." sabi pa ni Ms. Stacy.


"Oh God!" Tila nanghina ang Lolo ni Athena at muntik na itong bumagsak. Mabuti na lamang ay nasapo siya ni Noel at Tito Edison.


"Athena needs us," muling sambit ni Troy. "She badly needs us."


Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagssearch tungkol sa Dissiociative Identity Disorder at sabi dito sa internet...


Dissociative identity disorder (DID) is a mental health condition. Someone with DID has multiple, distinct personalities. The various identities control a person's behavior at different times. The condition can cause memory loss, delusions or depression. DID is usually caused by past trauma.


I never heard of that, ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa DID. May sakit palang ganun, bipolar disease, anxiety, depression, at ADHD lang kasi ang mga alam ko na mental disorder, that means may isa pang tao inside Athena. That thing really creep me out, it also gives me chills to my spine.


"In everything that happens in our lives as a family, Athena suffers the most..." sabat naman ng lalaki na may asul na mga mata. "I don't know the whole thing as far as I know, we are all to blame."


"A-Ayusin natin 'to..." Ms. Stacy started chewing on her lower lip, her eyes welled up with tears. "Tama si Elias, si Athena ang pinaka nahihirapan."


TROY


Lahat kami na nandirito ay tila panandaliang nawalan ng hininga, matapos namin na marinig ang totoong sitwasyon ni Athena mula sa Ninang Stacy. Wala akong masyadong alam tungkol sa mga psychology stuff but upon hearing the term "Dissiociative Identity Disorder". Nagkaroon ako ng ideya sa kung ano ang kinahaharap ng isa sa pinakamahalagang babae sa buhay ko. Minsang naikwento aa akin ng Mamita ko bago siya mamatay na ang Lola ni Athena na matalik niyang kaibihan ay may DID rin.


There's a heavy feeling inside my chest, a feeling that suffocates my entire well-being. I felt an incessant throb in my heart, telling me to kneel down and apologize for being so stupid and careless. I'm an awful human being, I don't deserve to be called as the father of Stella's child. I don't want him to grow up and then he will going find out that his father is a bad person. He will going to find out how fucked up his father is. I also don't deserve to be married to Athena because I planned to kill her father, I also once coveted her body. And even more I don't deserve to receive love from Courtney, I don't deserve to be loved because I'm a bad person


Masamang tao ako at iyon ang katotohanan na kailanman ay hindi ko matatakbuhan. Marami na akong nasaktan, marami na akong nasirang buhay, hindi ko nga alam kung ano pa ang purpose ko dito.


"Pare," Lumapit sa akin si Noel at inabutan ako ng stick ng sigarilyo. Umiling ako bulang pagtanggi.


Lahat sila ay nasa salas, masinsinan silang nag-uusap. Mas pinili ko na manatili rito sa labas habang kinakain ako ng konsensya ko.


Tinapik ni Noel ang kanang balikat ko at inakbayan ako sabay sabing "Ano ba ang DID? Kanina pa nila pinag-uusapan, n-no-nose bleed na nga ako e, wala kasi si Vivian. Wala tuloy magpapaliwanag sa aki--P-Pre joke lang!" Nanginginig itong lumayo sa akin nang samaan ko siya ng tingin at naka-akma ang kaliwang kamao ko na handa nang dumapo sa mukha niya. "Sabi ko nga magse-search na lang ako, mag-emote ka na dyan ulit." Wika niya saka sinindihan ang sigariyong kanina lang ay iniaalok niya sa akin. Inilagay niya ito sa bibig niya maya-maya ay kinuha nya gamit ang dalawang daliri at nag-buga ng apoy. "Alam ko ang nasa isip mo, nararamdaman ko. Maaring bobo ako academically pero sa tagal ng pinagsamahan natin, kahit magpa-quiz bee pa sila tungkol sa buhay mo. Masasagot ko 'yan,"


"Hindi ka nakakatuwa," seryosong saad ko.


"Hindi naman ako nagpapatawa, hindi ko pinangarap maging komedyante." Muli biyang isinubo ang sigarilyo sa bibig at muli ring kinuha ito at nagbuga ng apoy. "Pareho tayong nakokonsensya, malaki ang ambag natin sa nangyari sa buhay ni Athena. Basa ko na 'yan, kaya nga umiiwas na ako kay Vivian. Wala na akong mukha na maihaharap sa girlfriend ko, hindi niya deserve ang walang kwentang tao na gawa ko."


"Hindi nila tayo deserve, mga wala tayong kwenta. Vivian deserves better, Athena deserves better, Courtney deserves better..."


"Stella deserves better..."


Sabay naming nilingon ang isa't isa nang mabanggit niya ang pangalan ng ex ko na si Stella.


"Indeed..." mahiksing pahayag ko at iniangat ang ulo sa langit.


"Imagine pre," hinithit niya ang sigarilyo saka muling bumuga ng usok. "Ang gaganda at ang babait nila tapos tayo heto patapon. Tngina natin no? 'Yung tatay ko pastor, nanay ko naman relihiyosa, tapos heto akong anak nila. Bukod sa pasaway na nga demony* pa, I feel sorry for my parents because they had a child like me."


"Don't blame yourself, I brought you here to this problem. Kung tutuusin nga, madamay ka lang sa mga kalokohan ko."


"Troy, ginusto ko 'to. Hindi ako nadamay, kusa akong nagpadamay. Hindi kita kayang iwanan e kaya kahit sa impyerno pa 'yan, hindi kita iiwan."


Hindi ko inasahan ang mga salitang 'yon mula kay Noel, kilala ko siya bilang isang makalokohang tao, maingay, at nakakainis ang mga hirit minsan. Ito ang unang beses na naging sinsero ang mga salita niya.


Humarap ako sa kanya at tinapik ko ang balikat niya, "Salamat." Siyang sambit ko.


Tumango lang siya at saka itinapo ang sigarilyong hawak, inapakan niya rin ito bago nag-salita. "Kung maisipan nila na ipakulong ka, magpapakulong din ako. Hindi kita iiwanan, kalokohan ko ang kalokohan mo, kasalanan ko ang kasalanan mo."


"Troy, Noel,"


Pareho namin na nilingon ni Noel ang pababang si Sky mula sa loob ng mansyon. Mababakas ang labis na kalungkuta mula sa mga mata niya. Marahan ang paglakad niya papunta sa amin, nang makalapit siya ay tinitigan niya ako bago may namutawing salita mula sa bibig niya.


"B-Bakit hindi mo sinabi sa akin?" He sniffled quietly, tears threatening to spill from his eyes. "S-Sino... Sino ang ama?"


"Si Enrique," diretsahan kong sagot.


"H...Hindi, imposible siyang. Alam mo 'yon Troy, may nangyari rin sa amin ni Athena."


"Pero Sky, si Enrique ang naka-una sa kanya Kaya malamang, siya rin ang ama."


"He just fck Athena out of lust, hindi pwedeng siya ang ama. Mahal niya lang naman si Athena kasi may nangyari sa kanila e. Ako, kahit wala pang namamagitan sa amin. Mahal ko na siya, simula't sapul. Alam mo 'yun..." his bottom lip quivered, and his shoulders dropped in resignation."We make love, out of love. Out of LOVE!"


"Dude kalma," yinakap na siya ni Noel nang magsimula nang tumulo ang kanina pang nagbabadyang luha sa mga mata niya. "Tanggapin na lang natin, e paanong natin gagawin kung siya talaga ang ama?"


"H-Hindi pwedeng siya, hindi ako papayag. Hindi pwedeng siya ang kilalaning ama," aniya sa basag na boses. "Ako lang ang pwede, sa akin lang dapat ikasal si Athena. Ako lang ang pwedeng maging asawa niya."


"Pre, wala nga tayong magagawa. Siya ang naka-una kay Athena, kaya malamang siya ang ama ng pinagbubuntis ni Athena." Saad pa ni Noel na mas lalong nagpahagulgol kay Sky.


"Magpaubaya ka na lang Sky, wala naman tayong magagawa."


Liningon ko ang pamilyar na tinig mula sa likuran namin, pababa ito mula sa 4 na baitang na hagdanan.


"C-Courtney..."


"M-May... May bata nang involved e, acceptance na lang siguro." She paused for awhile as she looks at me. I could feel the tightening of her throat followed by a short intake of her breath. "A-Alagaan mo 'yung magiging anak ninyo ni Stella." Tears spilled over the sides of her eyes.


"C-Courtney... A-Alam mo na?"


She just nod as she mumbled incoherent things through her hands and choked on her sobs.


"I'm sorry Courtney..." That's the only thing that I can say.


I felt another incessant throb in my heart, telling me to apologize over and over agin for being so callous, stupid, and a fcking playboy. I feel ashamed for doing stupid things, for hurting both Athena, Stella, and Courtney's feeling. Tatlong babae ang nasaktan ko, tatlong beses akong nagkamali. Tatlong beses akong nagpadalos-dalos at kailangan kong pagbayaran 'yon. Marahan siya na lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay mo.


"M-Mahal na mahal kita Troy kaya mas pipiiliin ko na magparaya kaysa magalit kasi yung baby sa tyan ni Stella," umiling ito. "Wala siyang kasalanan, inosente ang baby niya. I want him or her to be happy, I want your child to feel the love and care of a complete family. Ayokong agawan ng ama ang bata, ayoko rin na pagdamotan siya dahil lang sa ako ang mahal mo. You need to love your child too and then eventually love Stella kasi 'yon ang dapat."


"Courtney mahal kita..." I said as I kisses the back of her hand.


"Masaya na ako doon Troy at natutuwa ako na malaman na ni-crush back mo ko kasi... kasi 3 years na akong may crush sa'yo e. Masaya na ako doon Troy, napasaya mo ako ng sobra pa sa sobra. Ngayon, panahon naman na siguro na ikaw naman ang sumaya."


"Masaya ako sa'yo,"


"H'wag mo akong piliin, si Stella pati na ang anak ninyo. Sila nalang ang piliin mo..." Humalik siya sa labi ko at yinakap ako ng sanadlaing segundo. At nang magkalas ay binitiwan niya na ang kamay ko.


"Courtney babawi ako sa'yo, h'wag mo lang akong iwanan."


"Hindi naman kita iiwan, gagawin ko lang kung ano ang tama." Tumungo siya sa kinaroroonan nina Sky at Noel, yumakap siya sa dalawa. Tinapik naman niya ang balikat ni Sky. Muli siyang humarap sa akin at yumakap. "Mauuna na ako," usal niya at kumalas mula sa pagkakayakap at lumakad na papalayo sa akin.


"Courtney..." Siyang tanging namutawi sa bibig ko habang nagbabadyang tumagasa ang mga maiinit na likido mula sa mga mata ko.


VIVIAN


Matapos akong makapaglinis ng katawan at makapagpalit ng damit ay agad na akong nagtungo sa parking lot kung saan nakaparada ang van ni Enrique. Dito na lang ako nagpalipas ng oras habang hinihintay sila, may isinagawa pa kasing isang laboratory test kay Athena. Mayamaya pa ay naaninag ko na silang papalabas, nakasakay si Athena sa wheelchair habang si Enrique naman ang nagtutulak.


Bumaba ako mula sa van para tulongan si Enrique na maipasok si Athena sa loob ng sasakyan. Sa driver seat umupo si Quen, katabi niya sa front seat si Athena habang ako naman ay namalagi sa unahan ng passenger seat.


"Are you excited to go home?" Siyang tanong ni Enrique nang makapasok siya sa sasakyan. Agad na niya rin na ipina-start ang van.


"Kung madadatnan ko pang buhay ang parents ko, Oo..." seryoso at direktang sagot ni Athena.


"Sigurado 'yan," pagsabat ko. "Hindi naman hahayaan ni Troy na may masama na mangyari sa kanila, ganun ka ka-importante sa kanya."


"Sana nga Vivian, sana maayos lang sila."


Nag-hari ang katahimikan sa buong byahe, pareho kasing tahimik na tao ang kasama ko. Si Athena na kung hindi mo kakausapin ay hindi magsasalita at si Enrique na bilang lang ang mga salita, pili lang din ang kinakausap. Lately lang siya naging madaldal, kapag tungkol kay Athena na ang topic.


Sa sobrang pagkaburyong ko ay pinili ko na lang na mag-soundtrip. Inilagay ko ang earphone sa magkabilang tainga ko, naghanap muna ako ng kanta na pupwedeng magpatulog sa akin at nang makahanap ako ay tinaasan ko ang volume saka ako humiga at pumikit sa passenger seat.


Hirap akong makatulog kahit na anong posisyon ng paghiga ang gawin ko kaya naman ay dumilat na lang ako at umupo. May isang oras na rin kami na bumabyahe, nararamdaman ko na ang dragon sa loob ng tiyan ko, hindi naman ako makadaing dito kay Enrique at nakakahiya. Kinuha ko ang shoulder bag ko, baka sakaling mag-over take si Enrique or magpa-gas man lang.


"We're running out of gas," pahayag ni Enrique. "Wait a minute Athena, I'll just look for a gas station." Wika pa niya sabay lingon sa akin. "Saglit lang 'to."


"Just go ahead, hindi naman tayo nagmamadali. I already texted Troy naman na pauwi na si Athena," wika ko.


May ilang minuto rin kaming naghanap ng gasoline station hanggang sa makakita kami. Nagpaalam ako kay Enrique na bibili lang sa malapit na convenient store habang nagpapagas ito. Si Athena naman ay nagpumilit na sumama, may bibilhin daw siya. Kaya naman itong si Enrique ay naglabas na naman ng tunataginting na pera, hindi ito kinuha ni Athena kaya naman ako na ang kumuha ng pera.


"Viv," ani Athena.


"Why girl?" Inihinto ko ang pagkuha ng malaking piattos at liningo ko siya nang maramdaman ko ang pah-angkla ng braso niya sa braso ko.


"Bigla akong nagcrave sa ice cream ay burger," mahinang sambit nito.


"O sure, bibili tayo. May burger machine naman sa labas at may ice cream dito. Anong flavor ba? Ako na ang maghahanap."


"Vanilla sana,"


"Vanilla?"


"Oo, I'm sorry Viv."


"No it's okay, dito ka lang ha. Buy everything you want, si Enrique naman ang magbabayad." Kinindatan ko pa siya na ikinatawa niya.


Iniwanan ko saglit si Athena sa section ng mga sitsirya para hanapan siya ng vanilla ice cream na gusto niya. Agad rin naman ako na nakakakita ng hinahanap ko pero hindi ito yung usual na naka-container.


"Kuya, pwede ba ako makisuyo?"


"Ano po 'yun ma'am?" tanong ng lalaki sa cashier.


"May kasama kasi akong buntis and she's having a craving for vanilla ice cream. May cone ba kayo na larger than the usual, like that..." Itinuro ko ang batang babae na katabi ko na ini-enjoy ang ice cream niya.


"Wala po e, iyan na po ang pinakamalaki na cone,"


"Ah ganun po ba... sige po pabili po ng dalawang cone."


"Php 50.00 po ang isa, total of Php 100.00,"


Matapos akong makabili ng dalawang large cone vanilla ice cream, lumabas na rin ako saglit para bumili ng 6 pieces na burger sa labas ng store. Maya-maya pa ay binalikan ko na si Athena kung saan ko siya iniwan Natagpuan ko siya sa katapan na drink section, may hawak siyang dalawang malaking delight at isang pack na yakult. Sa baba naman niya ay makikita ang shopping basket na puno ng mga malalaking sitsirya at mga biscuit.


"A-Athena..."


"I-I'm sorry hindi ko mapigilan, pakiramdam ko gutom na gutom ako e." Aniya na tila nahihiya, "I-Ibabalik ko na lang siguro 'to."


"No, babayaran natin 'yan. Kaya naman bayaran ni Enrique lahat ng 'yan, hindi ka naman niya matitiis."


Matapos namin na makapamili mula sa convinent store ay bumalik na kami sa sasakyan. Muli na kaming bumalik sa oagbyahe habanag nilalantakan ang mga pinamili namin. Abala ako sa pagkain ng nova nang madako ang tingin ko kay Athena na inihihiwalay ang burger mula sa bun. Pinagmasdan ko siya ng mabuti, matapos niya na ihiwalay ang burger ay itina-toppings niya ang ice cream sa burger at ang natitira ay ipinapalaman niya sa bun. Napapa-ngiwi na lang ako sa nakikita ko, pregnant woman had the worst craving talaga.


"You want?" Pag-aalok niya kay Enrique ng burger na may palamang ice cream.


"Let me have a bite," wika ni Enrique saka siya kumagat ng maliit sa burger. Ilang segundo niya itong nginuya saka nilunok, wala siyang ekspresyon kaya hindi ko alam kung nasarapan ba siya sa kinain niya.


"Masarap diba?" Siyang tanong ni Athena na may malaking ngiti.


"Y-Yeah..." mahiksing sagot ni Quen.


"Gusto mo pa?" tanong muli ni Athena.


"I'm fine, I'm still full." Mapait siya na ngumiti, confirmed hindi nga siya masarap. Nahiya lang 'tong Enrique na 'to na tanggihan si Athena.


"How about you Vivian?" Alok naman niya sa akin.


"Okay na ako dito sa mogu-mogu at nova," pinilit ko na ngumiti para hindi siya ma-disappoint.


"This is my new favourite," wika pa niya.


Muling naghari ang katahimikan sa buong byahe, abala kasi kami ni Athena na nilalantakan ang mga pagkain na binili nang bumaba kami sa convenient store kanina. Sa loob ng apat na oras namin na pagbyahe, tatlong beses kami nag-stop over at tatlong beses rin kami namili ng mga pagkain. Kusang-loob naman na nag-aabot ng pambayad ang kawawang Enrique.


"We're here," sambit ni Enrique nang makapasok ang van na sinasakyan namin sa loob ng lupain ng mga Yu.


Ang pigura ng papalabas na si Courtney ang una kong naaninag, galing siya mula sa loob ng mansyon. Nauna akong bumaba mula sa van, patakbo akong naglakad patungo sa kinaroroonan ni Courtney. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ako na papalapit sa kanya.


"Vi!!!" Excited niyang sabi at lumundag-lundag pa bago ako yakapin. "I missed you!"


"I missed you too!" Siyang wika ko bago kami magkalas mulas sa pagkakayakap. "Kasama ko sina Quen at Athena," ani ko at itinuro ko ang magkahawak kamay na sina Enrique at Athena na kakababab lang mula sa van.


"Athena!" masayang sigaw niya at patakbong bumaba mula sa front stait ng bahay para mayakap si Athena. Nang magkalas silang dalawa ay agad niyang hinila ang kamay ni Athena papalapit sa kinatatatayuan ko nang makalapit sila sa akin ay ang braso ko naman ang napagdiskitihan na hilahin ni Courtney.


Pumasok kami sa loob ng bahay na kung saan ay nadatnan namin ang grupo ng mga tanders na masinsinang nag-uusap.


"A-Athena..." Isang babae na tansya ko ay may nasa 40's na ang nagsalita. Nanlaki ang kulay kape na mata niya na at namasa ito. "Diyos ko anak ko!" Mangiyak-ngiyak niyang sabi, nagmamadali ito na lumapit sa amin at kaagad na yinakap si Athena.


"M-Mama..." nanginginig na sabi ni Athena nang yakapin niya pabalik ang babae.


"That's Tita Aileen, Athena's mom" bulong ni Courtney. "That man on the wheel chair is Tito Lorenzo, her father." Habang itinuturo ang lalaki na papalapit kay Athena, muli siyang tumuro sa isang matanda na lolo. "And that white-haired man in the tuxedo is his grandfather. Ang brain ng lahat ng nangyayari sa lahat ng 'to starting from---"


"I know, I already heard it from Troy." Siya namang pagpapahinto ko sa kadaldalan niya. Mukha kasing balak niya na ipakilala sa akin lahat ng nandirito.


Pinagmasdan ko ang mga magulang ni Athena na kasalukuyang nakayakap sa kanya ngayon, base sa nakikita ko masasabi ko na isa silang masayang pamilya. Nagkandaletse-letse lang nang mangielam ang Lolo ni Athena sa buhay nila. They really look like a happy family, gow I wish I had parents like her. Unfortunately, my parents were far different. Imagine how many weeks I was missing but no one even looked for me.


"Sobra ka naming na-miss ng Papa mo, kamusta ka? Anong nararamdaman mo?" sunod-sunod na tanong ng mama ni Athena.


"Ayos lang po ako, kayo po ang dapat kong kamustahin? Ano pong ginawa ng mga taong 'yan sa inyo? T-Tatawag po ako ng mga pulis para maipakulong sila..."


"Athena, Athena tama na. Tama na, ayos na kami ng Mama mo, hindi na mahalaga ang nangyari sa amin. Ang importante ngayon, kasama ka na namin." Siyang paki-usap ng Papa ni Athena.


"P-Pero P-Papa, kailangan nila pagbayaran ang mga ginawa nila sa atin, kailangan nila makulong. Sila ang dahilan kung bakit---"


"Shush anak, tama na. Hindi na kami magkakaso, nakapag-usap na kami. 'Yung mga nawala sa atin, hindi 'yon ang mahalaga ngayon. Pwede 'yon mapalitan, mga materyal na bagay lang 'yon." Muling sambit nang Papa niya.


"Athena, h'wag ka nang mag-alala. Ayos na ang lahat," sambit naman ni Dra. Stella habang papatayo.


"Apo ko," Tumayo mula sa mahabang sofa ang sinasabing Lolo ni Athena. "A-Athena, ikaw na ba 'yan? Ako 'to si Lolo Ando, pwede ba kitang lapitan. Gusto lang kitang yakapin, apo ko." Walang pag-aalinglangan na tumango si Athena at siya na mismo ang lumapit para yakapin ang Lolo niya. "Patawarin mo ako apo, hindi sinasadya ng Lolo na mangyari 'to. Ang gusto ko lang ay makasama kayo pati na mga magulang mo."


Dati-rati sa television ko lang nakikita ang ganitong tagpo, I find it really cringey kasi nga I'm longing for my parent's love perk kapag pala ikaw na ang naka-saksi pakiramdam mo anytime magbe-breakdown ka. Matapos ang sakit sa ulong gera sa pagitan ng bawat pamilya, nagtapos ito sa pamamagitan ng hug at forgiveness.


Iyon naman talaga ang mahalaga e, kapatawaran. At the end of the day, mas maluwag sa dibdib kapag marunong ka na magpatawad. Forgiveness is something we choose to do when we are ready to move on and when the love in our hearts speaks louder than temporary hate.


"Sana talaga wala ng hate noh?" Narinig kong wika ni Courtney at inangkla ang braso niya sa akin. "Tignan mo naman sila, mukha silang isang big happy family. I hope that if I could have my own family, I would be as happy as Athena's family now, minus the warlahan just the happy moment."


"With Troy?"


"How I wish..." ipinatong niya ang ulo sa balikat ko.


"But it's impossible, it's so impossible for us to get married. Especially now that I found out that Troy will have a child with Stella."


I feel like time suddenly stopped and my heart stopped beating for a while when I heard that coming from Courtney's mouth. I became speechless for a second


"You must be kidding..." I exclaimed in shock.


"I hope I was just kidding..." She removes her arms from mine, I heard her release a soft sigh. She looks at me with a pale smile. "Healing a broken heart is a recipe for which you are your own chef..."


"Are you okay?"


"I'am perfectly fine," she utters with a close-mouthed mouth. "After all, this is not about me Vi. This is about Athena, reuniting with her beloved family."


She's very selfless, she was already hurting but she still thought more of other people's happiness rather than her pain.


Nagkaroon ng maliit na salo-salo sa loob ng mansyon ng mga Yu, a small banquet that symbolizes the settlement and end of the three families ' argument.


"O e teka, wala pa sina Troy, Noel, at Sky dito," pag-puna ng Lolo ni Troy nang mapansin niya ang tatlo pang bakante na upuan.


"Nasa garden pa yata sila Don Francisco," wika ni Stella.


"Ako na po ang tatawag," pagpepresinta ko. "Excuse me po,"


My chest suddenly throbbed when I get up from my seat, I paused for a moment and felt myself. Feeling a seemingly strange feels from the inside but I choose to ignore. I don't want to think any negative things for now.


"Christian! Klark! Elmo!" Siyang pag-tawag ko sa mga second name nila. Sabay-saby sila na nilingon ako at maya-maya pa ay nagkatinginan. "Oo nandito si Athena!" Siya pang pag-sigaw ko.


Malinaw pa ang mga mata kaya kahit na nasa malayo ay kitang-kita ko kung paano kumurba sa isang matamis na ngiti ang mga labi ni Sky.


"Ó, shàngdì, zhè kěnéng shì wǒ cāi de." (Oh God, eto yata ang ibig sabihin ng kutob ko) Siyang bulong ko sa sarili.


Nagmamadali ito na umakyat sa apat na baitang na hagdanan, malaki pa rin ang ngiti niya at tila nagniningning ang mga mata niya.


"Is Athena really here already?" Tango lamang ako. Nauna siya na pumasok sa loob ng bahay nagmamadali pa nga at parang excited na excited siya.


"Wǒ bèi piánle! (Naloko na!)"


"Mukhang magtatagpo na ang magkaribal," Iyon ang unang bungad sa akin ni Noel nang makalapit siya sa akin. "Mabuti na lang wala akong karibal sa'yo, pa-kiss nga sobra kitang na-miss."


"Wǒ zhǐ huì tíxǐng nǐ, nǐ líkāile wǒ, huànle biérén." (Ipapaalala ko lang sayo na iniwanan mo ako at pinagpalit sa iba.) I utter as I slap him on his face. I turned around and walks away from him.


"Walang subtitle pre, bigla na lang akong sinampal."


"Bahala ka dyan," Narinig ko ang mga yabag ni Troy na sumusunod sa akin.

I admit, nang makita ko muli ang mukha ni Noel, sobrang tumalon ang puso ko sa sobrang saya. Muntikan na nga itong lumabas mula sa ribcage ko. Sobrang mahal na mahal ko ang lalaking 'yon, kahit pa sobrang babaero niya from the past. Kahit na walking red flag pa siya. Hay naku! Red is my favourite color, handa ako na maging flag pole para sa kanya. Handa akong maging toro or anything na related sa red.

I know that he did that on purpose, sila ni Troy sobrang secretive nilang dalawa. Hindi kami magkakatagpo-tagpo kung hindi rin naman siya kumilos. Kaya siguro niya ako iniwasan at hinayaan na sumama kay Troy para hindi ako madamay sa kung ano mang gulo na susuungin niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro