CHAPTER 48

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


ATHENA

Nang muli kong makasama ang mga magulang ko, pakiramdam ko ay nabuo ang pagkatao ko. Ang mga yakap nila ay ang tunayna nakapag-pasaya sa akin, ang pangungulila ko sa kanila ay napunan na. Pero kahit pa man pulos saya na ang nararamdaman ko, may puwang pa rin sa puso ko na tila nakakaramdam ngayon ng labis na kalungkutan.  

Iniiwasan ko itong isipin pero pakiramdam ko mentres na iniiwasan ko mas lalo itong nagpapapansin sa akin, lalo na nang ipatawag ni Lolo Francisco ang lalaking dahilan ng pagiging unease ko, si Sky.

"Athena here, you should try this. This is Stacy's favourite food, " iniabot ni Elias sa akin ang pinggan na may lamang buffalo wings. 

"Athena hate spicy food Ely," ani Tita Stacy, agad namang ibinaba ni Elias at inilayo ang buffalo wings sa akin.

"I'm sorry," paghingi ng paumanhin niya.

"Here, try this anak. You're baby needs to take healthy food para maging healthy din siya ha." Isinalin naman ni Mama sa pinggan ko ang cobb salad. Punong-puno ito ng kulay orange at green na gulay, may kasama rin itong beef at itlog. 

I was fine a while ago but after hearing his name and realizing that anytime we will finally meet after two weeks without communication. I was restless, my heartbeat got stronger and faster. My head right now keeps on pounding with tension, minous thoughts squirmed at the back of my mind right now.

"You okay?" hinawakan ni Enrique ang nanginginig kong kamay kanina pa. "You didn't even touch your food, what's wrong? Hindi ka ba nagugutom?

I looked at him and shook my head, "All is well, siguro nabusog lang ako dahil sa dami ng kinain natin kanina habang nasa byahe."

"Ikaw ba Enrique, sigurado ka na diyan kay Athena?"

Lahat ng nasa hapag ay natigilan sa pagkain nang magsalita ang Papa ni Sky, nang saglit ko siyang tignan ay seryoso ang mukha niya. Diretso ang tingin niya kay Enrique, gayon din si Enrique na tila nakikipaglaro ng patagalan sa pagtitig.

"Edison, ano ba 'yang sinasabi mo?" Ang Papa ni Troy ang nagtanong,

"Narinig ko mula kina Noel ang totoo, si Enrique raw ang ama ng batang dinadala ni Athena." Wika niya habang nakatingin pa rin kay Enrique. "Totoo ba?"

"That's right, I'm the father of Athena's child and I'm not ashamed of that." Mariin ang pagkakasabi ni Enrique sa mga katagang 'yon.

"P-Paano nangyari? Isn't Sky the one you love? Does that mean, you betrayed my son?"  Tila nag-aakusa ang Ina ni Sky, nang akmang magsasalita ako ay pinangunahan ako ni Enrique.

"Weren't you the first to betray Athena's family?" He said in an assertive tone as he returned the question to Sky's mother. "It's a tie,"

"Enrique," I said softly as I squeezed his hand under the table.

"If you’re asking if I’m serious about Athena, I’am. Actually, I want to marry her righr away. We are both at the right age as well, I can also pay a lot to get her DID treated." Wala kang mababakas na yabang mula sa tono niya, tila natural itong lumalabas sa bibig ni Enrique.

"Hijo, baka lang naman nakakalimutan mo na I am still alive, I am her grandfather, as well as her parents." Siya namang pagsabat ng Lolo ko.

"Hindi po Don Ronaldo, I respect you, as well as Mister and Mrs. Aragon."

The heavy feels that I keeps on bothering me intensified even more, the surroundings became very quiet and you can't even hear a single bird chirping or even the sound of a spoon hitting the plate.

"Elias, can you please hand me the sinigang? Thank you," It was Courtney who broke the silence.

"Sure, here." Elias handed the bowl of sinigang to Courtney.

"Ganito na lang, h'wag muna natin sigurong pag-usapan ang bagay na 'yan. Kakauwi lang ng anak ko, kaka-ayos lang ng gusot ng pamilya natin ceasefire muna siguro. Saka natin pag-usapan kapag napalipas na ang araw na ito, h'wag ngayon. Lahat tayo pagod, hayaan muna natin na makapag-pahinga ang lahat." Mahinadong saad nang mama, kita naman sa lahat na sumang-ayon sila. Maliban sa mga magulang ni Sky na hanggang ngayon ay mainit ang mga tingin sa akin pati na kay Enrique

"Mahal na mahal ka ng anak ko Athena, h'wag mo naman sana siyang saktan. Ang kasalanan namin ay hindi kasalanan ni Sky." Tila nagmamaka-awa ang boses ni Tita Loreen, kahit na sinabi ni Mama na h'wag pag-usapan ay mapilit siya.

"Alam ko po 'yun Tita pero h'wag po ngayon, pagod na po ako." Tumayo ako mula sa kinauupuan. "Excuse me po pero kailangan na po namin na umuwi. Tara na po Mama, Papa,"  Nang makatayo ako ay sumunod rin si Enrique sa ginawa ko.

"Pero Athena,  ang tahanan namin ay tahanan ninyo rin." Pagpupumilit ng Mama ni Sky.

"Salamat po sa pagpapatuloy sa amin pero may bahay naman po ang Lolo ko, doon na lang po muna kami. Maraming salamat na lang po sa lahat."

"Mabuti pa nga siguro," pagsang-ayon ng Lolo, agad din siya na tumayo. Ganon din ang ginawa nina Stella, Mama, Tita Stacy, at Elias.

Nang talikuran ko sila ay may isang inaasahang tao ako na nakatagpo, isang tao na tunay na nagpapatibok sa puso ko. Ang tao na simula pa man noong una ay siya nang minahal ko nang lubusan.

"Aalis ka na naman ng hindi man lang nagpapaalam sa akin,"

Nang magtagpo muli ang mga mata namin ay tila tumalon ang puso nito, gustong-gusto ko siya yakapin pero pinigilan ko ang sarili. Kailangan kong respetuhin ang ama ng anak ko, kung kinakailangan unahin ko ang kapakanan niya at kaligayahan, gagawin ko. Kahit na ang kapalit nito ay kaligayan ko, anak ko ang batang nasa sinapupunan ko. Hindi ko siya pwedeng biguin.

"Athena mag-usap tayo, nakikiusap ako sayo. Talk to me Athena, listen to me  for a moment. Even just for a moment, pagbigyan mo na ako." Nanginginig ang boses niya, tila nagpipigik siya na mabasag ang boses niya. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan na nababalot sa loob niya…

"I need to rest, napagod ako sa byahe."  Pagmamatigas ko saka akmang lalampasan siya ngunit pinigil niya ako sa pamamagitan nang marahang paghila sa kamay ko. "Bitiwan mo ako!"

"Mas mabuti siguro na mag-usap muna kayo anak para naman bago tayo maka-alis dito ay maayos ninyo ang dapat ayusin." Boses iyon ng Papa, siya na rin naman ang nag-utos. Ayokong suwaying 'yon,

"Mas mabuti pang sa garden kayo mag-usap," suhestiyon ni Vivian, agad ko siyang nilingon. "Ng kayo lang dalawa," wika pa niya saka saglit na sumulyap kay Enrique.

"Maghihintay kami sa sasakyan," wika pa ni Tita.

Pinagbigyan ko ang huling ni Sky na makapag-usap kami kahit sa sandaling oras, ayoko talaga sana pero hiniling na rin ng Papa na ayusin namin ang mga bagay na dapat ayusin. Dinala niya ako sa likod bahay kung saan matatagpuan ang garden nila at ang pool area. Mula nang makalabas kami ng mansyon hanggang rito ay hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko, hawak niya pa rin ito at mukhang wala siyang balak na bitawan.

"Say everything you want to say," wika ko nang makapasok kami sa malaking gazebo. "After nito, aalis na ako. Ito na ang magiging una't huli nating pag-uusap,"

He releases a deep sigh before speaking, "I miss you so much, I thought we would never meet again." He was looking straight into my eyes, as his voice, thick with tears
"Mahal na mahal kita," he said as he parted the hair that covered my face.

I feel like my heart get twisted, when I heard that from his mouth. My heart jumped when his skin touches mine. I couldn't speak seems like the words that I want to utter, strangled in my throat.

"Athena, I-I'am s-so-sorry…" He said with sadness in his voice, he was doing his best om holding his eyes in such a way that kept the tears inside the lids.

I didn't manage to speak, I wasn't able to make an eye contact eitheir. I just did listen to his weak sobs. I can't bear to see Sky look like this … he looks like hopeless and despondent. I feel like my conscience was eating me up, I felt like I had betrayed him and stab him one hundred timea. The guilt inside me suffocates my whole existence,

"Wala na ba tayong pag-asa?" 

My throat thickens, I really don't know how to answer his question, I don't want to hurt him anymore with whatever things that will came out from my mouth. Honestly, I also don’t really know the answer. May pag-asa pa nga ba kaming dalawa?

"S-Sky," I tried to speak.

"All right, speak up, Athena. I am ready to listen, I want to hear what you have to say. I want to hear your voice,"

Kung hindi mo kaya well let me say it for you, tandaan mong iniwanan ka niya noong panahon na kailangan mo siya. Tinalikuran ka niya at mas naniwala siya sa chararat na si Amara.

I felt my headache and the weakening of my knees, my heart rate also became strange. It becomes loud and rapid, I felt like I was going to fall so I held Sky's arm tightly.

"Athena! Athena! Ayos ka lang ba? Anong nangyayari sa'yo?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya, mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at hinapit ang beywang ko papunta sa kanya.

Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya habang mariin ang pagkakapikit sa mga mata ko.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa'yo,"

"Aba dapat lang!"

"Athena?"

Malakas ko siyang itinulak at natumba siya sa maliit na sofa, dahan-dahan siya na tumayo mula rito.

"Hindi mo mapapatawad ang sarili mo kapag may nangyaring masama sa akin, talaga ba? E iniwanan mo nga ako at tinalikuran noong mga panahon na kailangan kita, diba? Nasaan ka ba noon, nung mga panahon na pinagtutulungan nila ako at sinisisi sa kasalanang hindi ko ginawa? Nasaan ka Sky? Wala, kasi  isa ka sa mga sumisi sa akin ng mga panahon na 'yon." 

"A-Athena…."

"Iniwanan mo ako Sky…. INIWANAN MO AKO NA NAG-IISA!" 

"Maniwala ka sa akin, hindi ko sinasadya. Athena hindi kita kayang talikuran, nagugulohan din ako noong mga araw na 'yon."

My heart beats more quickly, my throath tightened, and my hands became shaky. Anger and hatred reign all over my body, it's not me anymore. Ava is already taking over  my whole being.

"Bakit naman ako maniniwala sayo? You promised me that you would never leave me but you did not keep it. You believe in Amara more than I do, don't you remember?"

"Maniwala ka Athena, naguguluhan ako ng mga panahon na 'yon. Hindi ko sinasadya, maniwala ka sa akin." Pagmamaka-awa niya, "That was my biggest mistake at pinagsisisihan ko na 'yon."

"Give me a reason to believe you," mahinang usal ko.

"Give me another chance, I will prove myself to you. Please… I am ready to be a father to your child, I'll do everything. I'am willing do everything just give me another chance."

Sky…

"Hindi, tama na ang isang beses na pagtalikod mo sa akin. Ginawa mo na nga ng isang beses, malamang kaya mo rin iyon na gawin sa ikalawa at marami pang beses."

Tinalikuran ko na siya, habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi ko at pinipigilan ang mga luhang nagbabadya.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at nang akma kong ilalapat ang mga paa ko pababa sa munting baitang ng hagdan ay muli kong narinig ang boses niya.

"Si Enrique ba? Si Enrique ba ang ipapalit mo sa akin? Si Enrique na katawan lang ang habol sa'yo at hindi ka naman talaga mahal."

Muli ko siyang hinarap at mabilis kong tinahak ang landas patungo sa kanya.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Wala kang alam Sky, mahal ako ni Enrique. Siya  lang ang nakasama ko noong mga panahon na kailangan kita, siya ang dumamay sa akin noong mga panahon na tinalikuran mo ako." Nanggagalaiting sambit ko. 

"Mahal rin naman kita, Athena."

"Pero tinalikuran mo ako noon,"

"Hindi ko 'yon sinasadya... Gagawin ko ang lahat para makabawi, Athena. Kaya kong gawin ang lahat ng kaya niya nang mas higit pa sa kaya niya, ako ang tunay na nagmamahal sa'yo at hindi siya." 

"May anak kami ni Enrique, tanggapin mo na. Tanggapin mo nang hindi tayo para sa isa't-isa,"

"Kaya lang ba sasama sa kanya kasi may anak kayo? Paano kung akin 'yan? Paano kung anak ko pala ang dinadala mo? Magkakaroon ba tayo ng tyansa? Sasama ka ba sa akin?"

"Kay Enrique ang batang nasa sinapupunan ko, tanggapin mo na lang." 

"Hindi, ipapa-DNA test natin ang bata pagkapanganak na pagkapanganak mo." 

"Ako ang ina, alam ko at ramdam ko kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko."

"May namagitan din sa atin!"

"Isa 'yong pagkakamali," tinalikuran ko na siya nang maramdaman ko ang oaghapdi ng mga mata ko at ang pagragas ng maiinit na likido mula rito.

"At 'yun inyo ng pinsan ko? Sinasabi mo bang 'yon ang tama? Tayo ang nagmamahalan Athena," 

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga salitang nanggagaling sa kanya, nagdire-diretso na akong naglakad papaalis sa garden. Naabutan ko si Enrique na naka-abang sa amin, mukhang napakinggan niya ang usapan namin ni Sky.

Lumabas na kami ng pamilya ko mula sa mansyon ng mga Yu, napagpashayan nila Mama na sa kotse ni Enrique ako sumabay. Sila naman ni Papa  ay sa kotse ni Tita Stacy asakay, at si Elias naman ang sasabay sa kotse ni Lolo. 

"Enrique, sundan mo na lang ang kotse namin para hindi kayo maligaw ha," habilin ng Lolo. "Ikaw Stella, ipinahanda ko na ang guest room. Doon ka na sa bahay ko magpalipas ng gabi,"

"H-Huling gabi po kasi ng lamay ni Sasha,  kailangan po ako doon." 

Ni Sasha? Si Asianna?

"A-Anong nangyari kay Asianna?" May pag-aalalang tanong ni Mama. 

"Nabaril ho siya…." 

"Diyos ko po!"  My mom howled in agony. 

Pakiramdam ko ay para bang tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko nang dahil sa narinig ko, muntikan na akong bumagsak sa may damuhan. Mabuti na lamang ay agad akong nasapo ni Enrique at marahang inalalayan papasok ng van. Sumakay si Stella sa kotse ng Tita Stacy, sila ang susundan namin para makarating kami sa pinagbuburolan ni Asianna.

Matagal nang nagtatrabaho si Asianna bilang assassin at hitman sa El Timur, mataas ang rango niya. Magaling siya at kailanman ay hindi pumalpak kahit madalas nanganganib ang buhay niya. Kaya papaanong mababaril siya ng ganoon kadali? Paanong sa isang iglap ay nawala ang buhay niya? Paano na si Tita Clara?

"Hey, I know you're not feeling well. Do you just want to take me home? So that you can rest," He said in a concerned tone.

"No, I want to see Tita Clara, I want to see Asianna…"

He reached for my hand that rested on my thigh, he held it using her right hand tightly and kissed it . While one of his hands was on the steering wheel of the car. Ganoon lang ayos namin habang lulan ng sasakyan, naghari ang katahimikan sa buong byahe. Halos alas-7 na ng gabi nang makarating kami sa St. Bernard chapel kung saan naka burol ang mga labi ni Asianna.

Nauna sila Mama na pumasok sa naturang chapel, nasa sasakyan pa  rin kami at nag-aalangan na bumaba. Nang maaninag ko  ang korona ng patay na nasa labas ng chapel ay para bang nadagdagan ang bigat na nararamdaman ko. Lalo pa ng makita ko mula sa bintana ng van ang litrato niya na nakalagay sa itim na tela, pati na ang "Justice For Asianna Mercado" na nakapaskil rin sa labas ng chapel.




















"Gusto mo na ba na lumabas?" Siyang tanong ni Enrique, tumango lamang ako. Nauna siya na lumabas sa sasakyan, maya-maya pa ay umikot siya para buksan ang pintuan at tanggalan ako ng seatbelt." 

Hawak kamay kami na pumasok sa chapel, agad akong napahinto nang maaninag ko ang puting kabao na nasa gitna ng chapel. Punong-puno ito ng mga bulaklak na may iba't-ibang kulay, sa gilid nito ay naaninag ko si Tita Clara na yakap-yakap ng Mama. 

"S-Sasha…" ito ang tanging nasambit ko nang makalapit ako sa kabao niya. Para bang sinaksak ako ng apatnapung beses nang makita ko siyang nakapikit aat nakahiga sa loob ng kabao. "Sasha, ang daya mo. Lagi mo na lang akong iniiwan, lagi ka na lang umaalis. Ngayon, umalis ka na naman tapos wala nang balikan, ang daya-daya mo talaga." Patuloy sa pagragasa ang mga maiinit na likido mula sa mga mata ko. Hindi ko na kinaya pa na tignan siya, kaya naman kahit masakit ay tinalikuran ko ang kabao niya at napayakap na lang ako kay Enrique. 

"She's in the better place now,"

Inalalayan niya ako paupo sa mahabang upuan at doon niya ako inupo. Si Stella naman ay lumapit sa akin at inabutan ako ng baso na may malamig na tubig. 

"May lead na ba kung sino ang pumatay?" Siyang tanong ni Enrique kay Stella. 

Matagal bago nakasagot si Stella, maigi niya muna akong tinignan bago nagshift ang tingin kay Enrique. Napansin ko na parang ayaw niyang sagutin ang tanong ni Enrique,

"I don’t know if I’m in a position to say this," saglit siyang napahinto. "Lalo na sa harap mo, Athena."

"Bakit? Anong problema?"

"Si Lorena Yu ang bumaril kay Asianna…." pahayag ng kararating lang na si Sarah na ikinabigla ko.

"My Aunt?" Pagkaklaripika ni Enrique.

"Oo Enrique, 'yung nanay ni Sky ang pumatay sa kanya." Siyang sagot naman ni Stella. "Nasaksihan ko kung paano niya pinatay at ipinatapon ang kawawang katawan ni Sasha… Hindi ko alam kung paano sasabihin e, n-natatakot ako…"

"Don't worry Stella, I will have Aunt Loreen arrested immediately." Tumayo ito mula sa kinauupuan, "I'll just talk to my lawyer, so we can file a case right away. Kayo na muna ang bahala kay Athena,"

"Sinubukan na namin, noong unang araw pa lang pero walang naniwala. Kahit sa police station, sinabihan kami na h'wag na magfile kasi wala kaming laban. Walang laban ang kaso ni Asianna," pahayag pa ni Sarah.

"I'll make a way," anito. Humalik siya sa akin bago lumabas ng chapel.

Hindi ako makapaniwala na naka-salo pa pala namin ang salarin sa pagkamatay ni Asianna, kaya siguro hirap na hirap akong harapin at kausapin si Sky. Kaya siguro, ang bigay ng pakiramdam ko noong nasa bahay nila ako. Muli akong tumayo at nagtungo sa tapat ng kabao ni Asianna.

"S-Sorry… h-hindi ko alam, wala akong alam. Hindi ko sinasadya na mahalin ang anak ng pumatay sayo…" 

May nalalaman pa siya kaninang ang kasalanan nila ay hindi kasalanan ni Sky chuchu. E kaya niya pala sinasabi 'yon may nagawa na palang krimen. Tamo pati si Asianna na nananahimik dinamay, kidnapper na nga mamamatay tao pa. Hindi na ako magtataka kung pati si Sky maging ganon din anytime, kaya kung ako sa'yo Athena. Hindi ko hahayaan na makalapit pa siya sa pamilya mo, kung ano man ang nararamdaman mo na 'yan para sa anak ng mamamatay tao na 'yon tanggalin mo. Tutal may dahilan ka na naman para gawin 'yon.

Matapos ang gabi na 'yon ay naging abala si Enrique sa pag-aayos ng kaso ni Asianna, dalawang linggo matapos na mailibing si Asianna ay agad nang napasakamay ng mga otoridad ang ina ni Sky sa tulong ni Enrique. Naging madali ang pagakaka-aresto  kay Lorena Yu matapos na ilabas mismo ni Storm Yu ang kuha ng cctv footage noong araw na pinatay si Asianna sa tapat mismo ng bahay nila.

Matapos ang dalawa pang buwan ay tila bumalik ako sa unang araw na pagtapak ko rito sa St. Magdalene, ang pagkakaiba lang ay si Enrique na ang kasa-kasama ko sa pagpasok. Araw-araw niya akong hinahatid at sinusundo sa eskwelahan, madalas pa rin naman kami na nagkikita nina Troy at ng iba pa. Mas lagi ko kang talaga kaming magkasama ni Enrique dahil halos 24/7 siyang nasa bahay ng Lolo, alagang-alaga niya ako pati na ang  tatlong-buwang gulang na anak namin sa sinapupunan ko.

-November 14, 2018-

"Totoo pala ang balita, buntis ka pala talaga Athena." Ang nakaka-inis na mukha ni Zoe ang bumungad sa akin paglabas ko nang classroom namin. 

"What do you want?" 

"Alam mo ba dinalawa ako ni Sky noong nasa ospital ako, he even drove me to my house."

"So? Anong gagawin ko?"

"Wala naman, I'm happy for you. Gusto ko pa nga na maging ninang ng baby ninyo ni Enrique,"

"No thanks, Zoe. Hindi kailangan ng anak ko ng malditang ninang."

"I'm proud to be maldita, e kaysa naman sa'yo na malandi. Imagine, nasikmura mong tuhugin ang mag-pinsan." Pangungutya niya pa, kinakailangan ko mag-pigil kahit na naiinis na ako alang-alang sa baby ko.

"Tapos ka na? Pwede na ba akong mag-lunch?"

"I'm not yet done Athena dear, may itatanong pa ako sa'yo. Paano mo nasikmura ang pagsabayin sina Sky at Enrique?" She asked bluntly with a smug look on her face.

"Hindi ko kailangang magpaliwanag sa'yo," 

"Oooh nagmamaldita ka na rin? Malandi na maldita pa, lahat yata ng kasamaan ng ugali nasa iyo na. Kawawa naman ang anak mo, demonyo ang nanay niy--AHH!" sigaw niya matapos ko siyang itulak sa sahig. "How dare you?"

"Ang dami mong sinasabi," wika ko saka ko sinabayan ng lakad papaalis. 

Maya-maya pa ay naulanigan ko ang tunog ng takong ng sapatos niya na papunta sa akin. Nakaramdam ako ng paghapdi sa anit ko nang hablutin niya ang buhok ko.

"AHH!" Siyang sigaw ko nang lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamy ko. 

"I will never accept defeat tandaan mo yan Athena!"

"Si Sky pa rin ba? Sayong-sayo na siya Zoe--Ahh! Bitiwan mo na ako!" Sinubukan ko na magpumiglas pero dahil nga sa nag-iingat ako na h'wag matamaan ang tiyan ko ay nahihirapan ako.

"No! Hindi pa ako nakakaganti sa best friend mo na si Amara. Dahil nga sa nakakulong siya, sa'yo na lang ako gaganti!" 

"B-Bitiwan mo ako!" Siyang sigaw ko pero tila bingi si Zoe at hindi ako pinakikinggan.

"Athena!" Boses ni Vivian ang siyang narinig ko, maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagbitiw ni Zoe sa buhok ko. Agad akong inilayo ni Courtney mula sa kanya. "Ano bang trip mo? Alam mong buntis si Athena tas sasaktan mo."

"The hell I care! First of all inagawan niya ako, nakipag-break si Sky sa akin. Second, muntik na akong mamatay that day nang saktan ako ni Amara."  Matigas na sabi ni Courtney, "bitiwan mo ako Vivian!"

"First of all din," wika ni Vivian na nakahawak pa rin sa braso ni Zoe. "Walang kinalaman si Athena sa paghihiwalay ninyo ni Sky, bakit hindi ang ex mo ang sisihin mo? Secondly, wala ring kinalaman si Athena sa ginawa ni Amara sa'yo. Dapat nga dinagdagan pa ni Amara e! Para magtanda ka na."

"Howa dare you?!" Akma itong sasampalin si Vivian ngunit kaagad naman niya itong napigilan. 

"How dare you too? H'wag ka ngang maghari-harian dito, college ka na Zoe at naturingan na senior namin pero immature pa rin 'yang ugali mo." Singhal ni Vivian na halatang nagpipigil nang inis.

"Whatever!" Saad pa ni Courtney na tila nang-iinis saka sinabayan ng irap.

"Keep rolling your eyes, you might eventually find a brain." Siyang sambit ko, parehong napatingin sina Courtney at Vivian na halatang nagulat sa sinambit.

"Whoooo!" Kantyaw ng mga estudyanteng kanina lang dinadaan-daanan kami habang nakikipag-away kay Courtney. 

"How dare you?! May utak ako no! Mas malawak pa kaysa sa inyo!" Sigaw pa niya na tila naiinis na.

"Okay fine sabi mo e," sarkastikong wika ni Vivian habang naglalakad papunta sa amin. "Tara na, let's not waste our time on him."

"Did you just call me a waste of time?" Nameywang pa itong si Zoe at mukhang gusto talaga ng gulo. 

"Sa'yo galing 'yab at hindi na sa amin," siyang saad ni Courtney. "Wala kaming time sa'yo sez,"

Tinalikuran na namin siya at hinayaan na lang na magdadaldal nang magdadaldal. Tumungo na kami sa cafeteria kung saan naghihintay sina Enrique.

"Bakit ang tagal ninyong tatlo? Lalamig na kaya ang pagkain," Panenermon ni Troy,

"May bobong abogada kasi na nanghamon ng away, balak ba namang saktan si Athena." Siya namang sumbong ni Courtney.

Nagmamadali naman na tumayo mula sa kinauupuan niya si Enrique at agan na ineksamina ang buong katawan ko. "Are you hurt?" Nag-aalalang tanong nito. " What hurts you? Please tell me, Athena."

"Ayos lang ako, h'wag kang mag-alala. Hindi naman ako nasaktan,"

"How bout our baby?"

"Ayos lng ang baby natin, h'wag ka nang mag-alala."

"E si Ava? did Zoe trigger her?"

"Mabuti nga hindi e, siguro nakatulong ang treatment at theraphy ko."

"Good," hinagkan niya ang noo ko at matapos ay ipinaghila ako ng upuan para maka-upo na ako at makapag simula na kami na kumain.

Kaming anim na lang ang parati na magkakasama tuwing lunch at tuwing uwian, madalas rin sila na dumadalaw sa bahay. Bukod kay Enrique ay madalas na si Vivian ang nakakasama ko, lalo na kapag nagpapa-treatment ako para sa DID ko. Hindi na madalas lumalabas ang alter no na si Ava, dulot ng treatment ko at mga gamot na iniinom. Si Courtney naman ay nakakasama ko sa tuwing kailangan kong ifullfill ang cravings ko dahil sa matinding paglilihi ko. Nasa first trimester na ako ng pagbubuntis ko, in 6 weeks malalaman ko na rin ang gender niya. 

"Magrest room lang ako," pagpapaalam ko, nang maramdaman ko na naiihi ako.

"Samahan na kita," pagboboluntaryo ni Courtney. 

"Oh sure," wika ko saka umangkla sa braso ni Courtney.

Mainit ang kwentuhan namin habang naghahanap ng bakanteng restroom. Nagtatawanan pa nga kaming dalawa dahil like as usual, marami siyang baon na jokes. Siya nga pala, nabanggit na rin sa akin ni Courtney ang pagpapaubaya na ginawa niya para kay Stella. Masaya na rin naman si Courtney para sa dalawa, ay mukhang naka move on na rin siya sa feelings niya.

Simula nang tuluyang maaresto ang Mama ni Sky, hindi ko na siya muling nakita pa. Kahit dito sa school, hindi na namin siya nakaksabay sa lunch. Sina Troy, Noel, at Enrique na lang din ang madalas namin na nakakasama. Si Amara naman ay nakalaya na last month pero hindi pa rin siya nakakapasok dahil naexpel siya ng another one month.

Nauna ako kay Courtney na lumabas mula sa cubicle, isang hindi inaasahang tao ang nakadaupang palad ko matapos kong makapaghugas at makapagpatuyo ng kamay. Seryoso niya akong tinignan mula ulo hanggang sa paa ko,  ilang beses niya rin iyong ginawa na parang ineexamine niya ako. Napansin ko ang pagtitig niya sa medyo maumbok ko ng tiyan. 

"So it's true Athena, you're really pregnant" Tumango lamang ako at nag-iwas ng tingin. "Are you pregnant with Enrique's child?" Muli, tango lamang ang tanging naisagot ko. "Pwede ba akong humingi ng pabor?"

"S-Sige, ano 'yun?" Nag-aalangang saad ko.

"Athena, do you have extra--Amara?" Laking gulat rin ni Courtney nang makita niya si Amara paglabas niya mula sa cubicle.

"Hi Coco," Mapait niyang bati na sinamahan ng isa pang mapait na ngiti.

"What are you doing here? Makakapasok ka na ba?" 

"No, pinatawan kasi ako ng expulsion kaya hindi na ako pwedeng pumasok sa school na'to. Kaya naman, hihinto muna ako sa pag-aaral at magtatrabaho na lang muna. Tinanggalan na kasi ako ni Daddy ng credit cards e," mapait itong tumawa. "Pero wait lang, itutuloy ko ang kwentuhan natin mamaya. Iihi lang ako," anito at nagmamadali na pumasok sa loob ng bakanteng cubicle. "Hintayin ninyo ako, kwentuhan pa tayo." Sigaw pa niya mula sa loob ng cubicle.

"Anong expulsion?" Siyang tanong ni Courtney.

"Pinatalsik siya sa school…"

She gasp out of shock, "Oh my God…" 

"Pakiramdam ko tuloy, kasalanan ko 'yun." I release a soft sight… 

"Don't blame yourself, ano ka ba? Wala kang kasalanana Aths," wika pa niya habang naghuhugas ng kamay sa sink. 

"She's right, gaga kasi ako e." Narinig kong sabi ng kalalabas lang na si Amara, nagtungo rin siya sa sink para maghugas. 

Nang makapagpatuyo na si Courtney ng kamay ay iniangkla niyang muli ang braso niya sa braso ko. Bago kami sabay na lumabas ng rest room, kasunod namin si Amara na pakiramdam ko ay nagpupumilit na kausapin namin, kwento siya ng kwento tungkol sa buhay niya noon sa kulungan. Tahimik lang ako na nakikinig, si Courtney naman bilang ugali niya na talaga ang pagiging matanong ay siya naman ang tanong ng tanong kay Amara.

"Amara!" Sabay na  sabi nina Noel, Vivian, at Troy nang makita nila si Amara na nakasunod sa amin. Si Enrique naman ay tahimik lang na gunagawa ng plates niya,

"Hello ViNoel! Hello Troy! Hello rin Quen!" Siya namang bati ni Amara, halata sa boses niya ang sakit nang mabanggit niya ang pangalan ni Enrique. "Sinusupladuhan mo pa rin ako hanggang ngayon Enrique," pagbibiro pa niya.

Binitiwan ni Enrique ang hawak niyang lapis saka hinarap si Amara na may blangkong ekspressyon. "After everything that happen, ano sa tingin mo ang irereact ko? You put Athena's life in danger."

"I-I know… Napag bayaran ko na naman na e, nakulong na ako. I suffer inside the prison for thirty nine days, thirty nine days." Mariin niyang sabi, "and now, pinatawan ako ng expulsion ng school. Hindi na ako makakapag-aral pa,"

"Well, you deserves it." Seryoso ang tono niya, direkta itong nakatitig kay Amara. 

"Enrique please," pananaway ko sa kanya. 

"Tama naman si Enrique, medyo harsh lang talaga ang dating pero that's the reality." Siya namang pagsabat ni Troy, "but anyways Amara. You're still one of my friend, so I'm wishing you a good luck."

"Same here!" pagsang-ayon naman ni Noel. 

"Lalo na ako," nag-thumbs up pa si Vivian.

"Change for the better AA," wika naman ni Courtney.

"I will," mapait itong ngumiti.

"Well, not me," matabang na wika ni Enrique.

"Enrique enough,"

"Dude, si Athena nga mukhang nakamove on na e. Mukhang nakapagpatawad na tapos ik--" 

"Shut the fck up Noel! Athena might forgive her but me? I won't," matigas nitong sabi. Tumayo pa siya at ipinagkrus ang mga braso, tinuyam niya rin gamit ito ang mga tingin. "I will forget that night Amara!" Umalingawngaw ang baritonong boses ni Enrique sa loob ng cafeteria. Naging sentro ng tingin ng mga estudyanteng kumakain ang pwesto namin, lalong-lalo na si Enrique. 

"Anong tinitingin-tingin ninyo dyan? Walang shooting dito, mind your own business." Ma-otoridad niyang utos sa mga nasa loob ng cafeteria, epektibo naman dahil kilalang basagulero at bully itong si Troy. 

"Quen please, h'wag dito. Lumabas na lang tayo, doon na lang natin 'to pag-usapan sa labas. Ayusin natin 'to sa walang tao, nakakahiya kung dito pa tayo gagaw ang eksena." Siyang pakikiusap ni Vivian.

"Why should I be ashamed? Was she embarrassed the day she told to everyone that it was Athena's fault, even though Athena didn't really done that thing to Zoe? Did she even feel even the slightest bit of embarrassment?" He is deadass serious base on his town but I cannot describe his entire expression because he wear his usual blank face. 

"Oo na!" She shouted as  she placed hee head in hier hands and sobbed with every sob she make, she let out a low whimper. "Kasalanan ko na! Ako na ang masama, ako, ako na ang nag-untog kay Zoe."

"Why are you crying? Are you in pain?" 

"Enrique please, tama na 'to." Siyang -awat ko kay Enrique. "Hayaan na lang natin si Amara na maging masaya, kalimutan na lang natin." 

"The trauma you endured is too much, Athena. I can’t bear to forget those countless night that I saw you crying on the side of the bed while hugging your knees."

"Pre tama na," narinig ko pang sabi ni Noel. Nang maka-tyempo ay inilabas na nila ang mainit ang ulo na si Enrique sa cafeteria.

"I-I'm sorry Athena, I-I'm sorry. I didn't mean it, it was an accident. N-Nagawa ko lang naman 'yun k-kasi... k-kasi akala ko makukulong ka. K-Kasi akala ko magagalit sayo si... s-si Enrique." Paliwanag niya habang patuloy sa paghikbi, agad ko naman siyang yinakap. "I-I'm sorry Athena..." 

"Shush... Okay lang 'yon, matagal na kitang napatawad. Napagsisihan mo na naman ang ginawa mo sa loob ng kulungan e,"

Dalawang buwan na ang lumilipas hindi ko na nga natatandaan na nangyari pala  ang bagay na 'yon kay Zoe, na nasisi pala ako  sa bagay na hindi ko ginawa. Dulot siguro ng treatment ito, may mga masasamang pangyayari ang nakalimutan na ng isip ko, mga pangyayari na nakasakit sa akin at dinamdaman ko ng sobra.

Naging tahimik na rin naman kasi ang buhay ko e, naging maayos ang Lolo ko pati na ang Papa ko. Nakakapagsimula na kaming pamilya ulit, may mga kaibigan akong gumagabay sa akin. Wala na rin namang nakakapagpa-trigger sa DID lalo't nag-aundergo ako ng psychosocial therapy. 

"Napatawad mo na ba ako, Athena?" 

"Oo naman, h'wag kang mag-alala. Ako na ang bahala na kumausap pa kay Enrique.

"Thank you Athena ha at pasensya na ulit sa ginawa kong damage noon." 

"That thing happen two months ago... Almost sixty days far from now, para sa akin matagal na 'yon." 

"Oo nga, saka isa pa kita naman namin na sobra ka nang nagsisi sa ginawa mo  H'wag mo na lang sigurong pansinin si Enrique, nag-overreact lang 'yon kasi sobra siyang nag-alala kay Aths." Siyang wika ni Vivian bago muling kumagat sa burger. 

"Alagaan mo siya para sa akin ha, h'wag mo siyang pababayaan, mahalin mo siya ng sobra pa sa ibinigay ko." Siyang habilin pa ni Amara, isa-isa niya kaming niyakap nang mahigpit bago siya tuluyan na magpaalam sa amin. Nagpatuloy na kaming tatlo sa pagkain  ng pananghalian, ilang minuto matapos umalis ni Amara ay siya namang pagdating ni Troy at Noel. Ang sabi nila ay ginusto daw ni Quen na mapag-isa muna at kung may magtatangka daw na kausapin siya ay dapat daw ako lang.

"Ituloy ninyo lang ang pagkain, hahanapin ko lang si Quen." Paalam ko sa kanila nang maubos ko ang nasa lunch box ko.

"Samahan na kita, Aths." Siya namang pagpepresinta ni Vivian.

"Hindi na," wika ko habang inilalagay ang lunchbox ko pati na ang Enrique sa isang pink na paper bag. "Ako na ang bahala," 

"Mag-iingat ka," wika ni Troy nang isukbit ko ang bag ni Enrique sa balikat ko at isukbit sa braso ko ang bag ko. 

"Opo Tatay," pabirong sabi ko. "Baka umuwi na rin kaming dalawa after ko mapakalma ang isang 'yon." Humalik ako sa pisngi ni Vivian at Courtney, pareho ko naman na yinakap sina Troy at Noel bago ako umalis. 

Isang lugar lang naman ang pupuntahan ni Enrique e, sa library. Kaya naman doon ako agad nagpunta at hindi naman ako nabigo, nakita ko siya na naka-upo at nakasandal sa isang shelf habang nagbabasa ng libro. Agad akong naglakad papunta sa kanya at nang makarating ay ibinagsak ko ang bag  sa harapan niya. 

"Mali 'yon," siyang bungad ko. 

"I know I'm sorry, hindi ko na uulitin. Naalala ko lang ang lahat ng nangyari sa'yo nang makita ko siya e." Sinserong wika niya habang nakatingala sa akin,

"It's okay, h'wag mo na lang uulitin. Just forgive her," wika ko at umupo sa tabi. Inakbayan niya naman ako at ipinahilig ang ulo ko sa kanyang balikat.

"I can forgive her but I will never forget it." 

"Ang importante naman e pinatawad mo si Amara,"

"Hindi naman kasi biro ang ginawa niya sa'yo, muntik kang makulong at mapahamak ang baby natin."

"Hayaan mo na, umuwi na lang tayo. Pagod ka lang e, para pare-pareho na tayong makapag-pahinga." Isang malapad na ngiti lang ang isinagot niya sa akin na sinabayan ng halik sa labi. 

Maaring may mga masasakit akong bagay na nakalimutan at pinilit ko na kalimutan. Ngunit may isang taong hindi ko yata kayang kalimutan sa kabila ng pagtalimod niya sa akin, sa kabila ng pagpatay ng sariling ina niya sa pinsan ko at pakikipagsabwatan ng mga magulang niya sa Lolo ko para pahirapan ang Papa ko. Kasabay ng pagpapatawad ko kina Troy at Amara pati na sa mga taong naging dahilan ng sakit at mga sugat ng nakaraan ko ay pinatawad ko na rin naman siya.

Si Enrique nga ang kasama ko pero si Sky naman ang hanap ng puso ko, hindi ko maikaila iyon. Mahirap dahil sobra ko siyang mahal, alam ko naman na mahal rin ako ni Enrique. Ang kaso lang, hindi ko talaga kaya na suklian iyon, si Sky ang nagmamay-ari ng puso ko. Nakuha ni Enrique ang buong pagkatao ko maliban sa puso ko, may siraulong tao kasi na nagkandado nito na hanggang ngayon ay hindi nagpapakita. Nadala niya ang susi ng aking puso sa kanyang pag-alis, pati na ang mga katagang iniwan niya sa akin noong huling nag-usap kami...

"Paano kung akin 'yan? Paano kung anak ko pala ang dinadala mo? Magkakaroon ba tayo ng tyansa? Sasama ka ba sa akin?"

Nakasiksik na sa buong sistema ko na si Enrique ang ama ng ipinagbubuntis ko ngunit hindi ko maikakaila kailanman na may parte sa akin na nagsasabi na baka si Sky nga ang ama dahil may namagitan rin sa aming dalawa.

Nang araw na 'yon ay walang alter na Ava na nangielam, walang alter na Ava na kumontrol sa pagkatao ko. Si Athena 'yon, ako iyon. 

Ako at ang pag-ibig ko para kay Sky.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro