CHAPTER 49

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


SKY

Matapos ang lahat nang nangyari, hindi ko alam kung may mukha pa ako na maihaharap sa mga tao, lalong lalo na sa pamilya ni Athena. Wala akong ibang choice kungdi ang iwasan na lang siya, tutal mukha naman na siyang masaya lalo na't kapag kasama ni Enrique.

Kanina lang dito sa loob library ay namataan ko si Enrique na pumasok, maya-maya ay si Athena naman. Gustong-gusto ko siya na lapitan sa totoo lang, gustong-gusto ko siya na yakapin pero mas pinili kong hindi gawin. Sabik na sabik na ako na mayakap at mahalikan siya pero wala akong magawa dahil hawak na siya ng iba. Hawak na siya ng sarili kong pinsan na simasabing nakabuntis sa kanya. 

Sinundan ko ng tingin si Athena sa pag-aakalang mapapansin niya pero bigo ako at nagdirediretso siya papunta sa kinaroroonan ni Enrique. Napasinghap na lang ako ng matanggap ko ang reyalidad na hindi na niya ako  mapapansin dahil una sa lahat, ako mismo ang unang umiwas. Pinagmasdan ko silang dalawa, kapag sila may ngiti sa mga labi. Para bang ang saya nila na magkasama, itsapwera na nga lang ba ako sa buhay niya? Nakalimutan na ba ako ni Athena?

"Sebastian, baka naman matunaw 'yan." Mahinang pangangantyaw ni Kenneth.

"Siraulo," mahinang usal ko, napakagat ako sa labi nang ma-realize ko na nakatingin ako sa babaeng pinapangarap ko. Pilit kong itinatago ang magkahalong sakit at kilig na nararamdaman ko.

"Sa pagkakaalam ko, nandito tayo para magreview dahil may exams tayo sa subject ni Sir Corpuz. Ang kaso lang 'yung isa nating kasama, mukhang iba yata ang gustong reviewhin." mahinang pagpaparinig ng isa ko pang kaklase na si Victor. 

"Atty. Sebastian Klark Yu, baka lang naman pwede ka pong mag-concentrate. Ikaw po ang pag-asa namin ni Kenneth, alam mo naman na bobong bobo kami." 

"Tapos na akong mag-review, kabisado ko na naman na 'yan." Siyang pahayag ko na ikinagulat nilang dalawa. 

"O e teka, ni wala pa nga tayo sa kalahati ng reviewer e." Siya namang  pagtutol ni Kenneth. 

Saglit kong tinignan ang reviewer, "Okay na 'yan. Hindi naman lahat 'yan lalabas sa exam e." Wika ko saka muling bumalik sa pagtitig kay Athena, kasalukuyang naka-akbay si Enrique sa kanya habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Enrique. "Dati rati, sa akin niya ginagawa 'yan. Ngayon, sa pinsan ko na…." mapait akong ngumiti. 

"Hindi ka pa naman sumusuko sa pagmamahal mo sa kanya diba?" Siyang tanong ni Kenneth, tango lang ang naisagot ko. "Go for it, gawin mo kung ano ang alam mong tama. Prove yourself, Sky."

"E paano kung wala talagang pag-asa? E paano kung tuluyan nang nahulog si Athena kay Mr. Poker face?" Siya namang pagkontra ni Victor.

"Imposible 'yan pakiramdam ko nga kaya lang naman siya sumasama kay Enrique kasi si Enrique mismo ang nag-uutos sa kanya. Kasi nga naniniwala itong si Athena na si Enrique ang ama ng anak niya, sa madaling salita…." Saglit itong huminto, "isinasaalang-alang ni Athena ang kaligayahan nya alang-alang sa ipinagbubuntis niya. Wala pa namang DNA test e, hanggat wala pang test na nangyayari. H'waga munang mawalanng pag-asa, tigilan mo na ang pag-iwas sa kanya. Ikaw lang din ang nasasaktan,"

"Oo nga, kita mo kanina pinagtitripan na naman siya ni Zoe pero hindi mo man lang pinigilan kahit kating-kati ka na." Tila panenermon naman ng isa pa naming kasama na si Edgar.

Nag-aalangan kasi ako  kanina kaya mas pinili ko na itext na lang si Courtney para matulungan si Athena kaysa ako mismo ang tumulong sa kanya. That was my mistake and I admit it, ang hirap lang talaga na lumagay sa posisyon ko. Nakaramdam din naman ako ng pag-aalala pero mas nangibabaw ang takot ko na baka hindi niya ako kausapin o di kaya naman, iwasan niya ako. Kaya hinayaan ko na lang na sina Viv at Court ang umawat kay Zoe. 

Walang kapatawaran ang ginawa kong pagtalikod sa kanya noon, alam ko 'yun. Idagdag pa ang ginawa ng mgmagulang ko sa pamilya niya lalong lalo na sa pinsan niya si Sasha. Hindi ko 'yun kasalanan pero kargo ko 'yun dahil sa nanay ko si Loreen Yu, ang siyang pumatay sa pinsan ni Athena.  Kaya maiintidihan ko kung hindi na niya ako mapapatawad pa, naiintindihan ko kung hind na niya ako mamahalin pa. Sinira ng mga magulang kong pamilya niya, at 'yun ang nakatatak sa isipan ko.

Narinig ko na ang bell, hudyat na tapos na ang pagrereview namin at kailangan na namin na makabalik sa classroom. A sandaling oras lang ay magsisimula ang ang examination namin para sa subject namin na Understanding Political Theory. Saglit kong binasa ang huling bahagi ng reviewer at nang makabisa ko na ay muli kong ibinalik ang atensyon sa kinaroroonan ni Athena, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko na siya nakita.

Bagsak ang aking balikat nang makapasok ako sa loob ng classroom, lahat sila ay abala sa pagsasaulo ng laman ng reviewer, samantalang ako? Si Athena ang laman ng isipan ko, sinubukan ko na saglit siyang isantabi. Kumuha ako ng reviewer at nagsaulo ng mga natitirang aralin na maaring kasama sa exam. 

Maya-maya pa ay dumating na ang prof namin na si  Sir Corpuz, nagsimulan na rin ang examination namin. Isang oras ang itinagal ng exam namin sa kanya, 100 item iyon at hindi multiple choice. Habang nag-eexam ay patuloy pa rin ang pag-sagi niya sa isipan ko, siguro kasi bukod sa mahal ko pa rin siya may isang bagay pa akong pinanghahawakan. Iyon ay ang patuloy kong paniniwala na anak ko ang dinadala niya at hindi kay Enrique. Naniniwala ako na na-misinterpret lang ni Athena ang nangyari.

"Sakit sa ulo!" Siyang reklamo ng nasa gilid ko na si Jay matapos ang madugong exam.

"Deserve ko talaga ng reward para sa sarili ko, magsa-shopping ako mamaya." Siya namang wika ni Krista na nasa may bandang likuran ko. "Ikaw ba Seb, anong plano mo?"  Tanong nito sa akin.

"Welp, magdedate kaming dalawa." Siya namang sabi ng papalapit na si Zoe,  umupo ito sa desk ko at nagpa-cute sa harapan ko. 

Ganito ang naging gawain niya sa loob ng dalawang buwan sa tuwing matatapos ang bawat klase namin, sa totoo lang minsan nga ay tinatakbuhan ko na siya at tinatakbuhan para lang hindi kaki magkaisap, she's sick and I'm tired of her and her shenanigans.

"Here we go again Zoe," I breath bitterly. 

"Alam mo ba babe, I had a hard time answering the exam kanina. As in sobrang hirap to the point na hindi na ako naka abot sa last part, 'yung may ennumeration." She said in a cringey-sweet voice while pouting. "Hindi mo na kasi ako nirereview gaya ng dati e, you're always with Kenneth and Victor. Inagaw ka na nga sa akin ni Athena dati, tapos ngayon sila naman ang aagaw sayo. Kailan ba kita maso-solo."

"Zoe please, wala akong panahon sa'yo." Isinukbit ko ang bag sa balikat saka sinabayan ng alis. 

Ilang beses ko pang narinig ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglabas ng building. Kung meron man akong gusto na maka-usap ngayon, hindi si Zoe 'yun. 

Uwian na rin naman kaya minabuti ko na mamasyal muna para makapag-freshen up,  sa isang mega mall ako pumunta. Noong una ay binalak ko lang na mag-window shopping ngunit habang tumatagal ay naeenganyo na akong bumili. Lalo nang makakita ako ng department store para sa mga baby, hindi ko alam kung bakit doon ako dinala ng mga paa ko. Basta nakita ko na lang ang sarili na may hawak-hawak na kulay pink na feeding bottle at pacifier . 

"Oh God," mahinang usal ko habang tinititigan ang mga gamit ng baby na hawak ko. 

"Athena here oh, ang ganda ng pink na bassinet," mula sa hindi kalayuan ay narinig ko ang isang matinis at babaeng-babae na boses ni Courtney.

Awtomatikong nilingon ko ang direksyon nila lalo nang marinig ko ang pangalan ni Athena. Nagtago ako sa isang shelf habang pinagmamasdan siya, sila…. Oo na siya, kay Athena lang talaga nakapako ang mga tingin ko. Bagay sa kanya ang suot niyang color blue at fitted na maternity dress, halata na rin ang maliit umbok sa tiyan niya.

"Hindi pa nga sure kung babae nga ang baby ko, bukas pa lang ako magpapa-ultrasound. Ewan ko nga dito may Enrique kung bakit nagmamadali sa pagpapapabili ng mga gamit ng baby." Aniya habang abala sa pag-galaw sa cover ng basinet..

"Ano ba feel mo? Babae ba 'yan o lalaki?" Tanong naman ni Courtney. "Pero feel ko talaga babae 'yan Aths, 'yung kay Stella nga nahulaan ko na lalaki e." 

"Babae or lalaki, sa akin pa rin naman siya manggagaling e. Kaya kahit ano mang gender nya, masaya na ako doon. Ang kaso si Enrique, gusto niya ng lalaki para may magdala ng apelido niya." 

Pakiramdam ko ay pinagsakloban ako ng langit ng marinig ko iyon mula kay Athena, hindi ko pa rin kasi tanggap na si Enrique ang kinikilala niyang ama ng anak niya  Hindi niya man lang naisip na baka ako talaga ang ama…

"Alam mo ako duda ako, alam mo naman na noon pa lang maka-SkyThena na ako e," wika ni Courtney.

"SkyThena?"

"Pinagsamang pangalan ninyo ni Sky,"

"Courtney…"

"Malay mo naman diba? Malay mo si Sky talaga ang ama, who knows?"

"Same thought Court, ikaw naman kasi Aths ang haba ng buhok mo

SkyThena…. Sky at Athena

Kumurba ang labi ko sa isang matamis na ngiti nang marinig ko pa na kino-consider ako nila Vivian bilang ama ng anak ni Athena, parang tumalon ang puso ko sa sobrang saya. 

"Viv," umiling pa si Athena.

"Sis, walang imposible." 

"Tara na siguro, bukas na lang siguro tayo bumili ng gamit ng baby ko. Sa ngayon, unahin muna natin ang lahat ng kakailanganin para sa demo teaching namin ni Courtney." Siyang wika ni Athena saka sinabayan ng alis. 

Ganon na lang ba talaga ang galit niya sa akin kaya ganon na lang din ang pag-iwas niya na mapag-usapan ako?

Napagpasyahan ko nang umuwi na lang muna, hindi na ako tumutuloy sa bahay ng parents ko. Ginamit ko na muna ang condo unit na malapit sa school, masyado kasing maraming ala-ala sa bahay e. Ayoko sana na kalimutan 'yon pero kailangan kong iwasan hanggang sa maging okay ako. Kinakaya ko naman mabuhay independently, simula kasi ng mag-18 ako hindi na ako nanghingi at dumepende sa magulang ko. 

Matapos ako na makapag-palit ng pambahay ay ibinagsak ko na ang katawan ko sa malambot kong kama at ipinikit ang mga mata ko, gusto ko na munang mahimbing at mapanaginipan ang isang buhay na kasama si Athena.

"Papa!"

"Papa!"

"Papa Sky!"

Isang maliit na tinig ang narinig ko mula sa hindi kalayuan, ltinig ng isang batang babae na tila tinatawag ako na "Papa". Patakbo itong lumapit sa akin habang may nakapaskil na malaking ngiti sa kanyang mga labi. Hindi na ito kagaya noong unang beses ko siya na napanaginipan, hindi na malabo ang mukha niya. Malinaw ko nang nakikita ang mahaba niyang buhok, matamis niyang ngiti pati na ang maningning niyang mata para siyang pinabatang Athena…

"Papa! Laro po tayo!" Siyang wika niya at inabot ang mga kamay ko. "Laro po tayo Papa!"

"T-Teka… nasaan ang Mama mo?"

"Nasa kusina po, nagbebake po siya ng cake para sa birthday mo…" aniya at nanlaki ang mga mata. Tinampal niya sariling bibig, "hala! I accidentally spilled the secret."

"Naku lagot ka kay Mama…" Isa pang bata na may mahiksing buhok ang lumapit  na may dala manika ang lumapit sa isang bata na mahaba ang buhok. Hindi ko maaninag ang mukha niya…

Ngunit nasisiguro ko na siya rin ang bata na tumatakbo noon unang beses ko silang napanaginipan na dalawa.

"Hon kasama mo ba ang mga bata," isang pamilyar na tinig ang narinig ko. Kilalang-kilala ko ang tinig 'yon, boses iyon ni--

"Sky! Bro! Sky! Huuy gising!" 

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na para bang may umaalog sa akin. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Kenneth na nakahawok sa kwelyo ng damit na suot ko at inaalog ako. 

"G-Gising na ako, gising na ako," pupungas-pungas kong sambit, tumigil na naman siya sa ginagawa niyang pag-alog  "Bakit ba ninyo ako ginigising?"

"Late ka na kaya, nagsisimula na ang first period natin."

"Ano? Oh God!"

Nagmamadali akong bumangon at nagpunta sa banyo para maligo. Mabilisan na ang pagligo at pagkuskos na ginawa ko, sinabay ko na rin ang pagsisipilyo habang nagsasabon ako. Nang makapag-banlaw ay dali-dali na akong nagpunas ng katawan at nagbihis ng uniporme. Nang maayos na ako ay isinuot ko na ang sapatos at kumuha na lang ako ng biscuit mula sa pantry. 

Isinakay ako ni Kenneth sa scooter niya saka kami nagmamadali na pumasok sa Magdalene. Kalalabas na lang ni Sir Defensor nang makarating kami sa tapat ng classroom namin, agad na rin kami na pumasok nang mamataan namin si Sir Corpuz na papunta sa classroom namin. 

"Pangalawang beses mo nang nalelate ngatong taon ah," puna ni Leslie nang maka-upo ako. "Anyari President?" 

"Personal problem," mahiksing sagot ko. 

"Good morning III-A!" Pambungad na bati ni Sir Corpuz nang makapasok ito sa classroom. Hawak niya ang mga test paper na sinagutan namin kahapon. Tumungo siya sa teacher's desk sa unahan at doon ay naupo. "I already have the result of your exam yesterday, I will call you one by one to get your test paper. Let’s start it with your classmates who got a perfect score…"

"Sigurado akong ikaw na naman 'yan," wika ni Lesmie nang saglit niya akong lingonin.

Ewan ko rin, hindi talaga ako nakapag-concetrate ng maayos dahil sa nakita ko kahapon kaya paano ako makakakuha ng perfect score? 

"Dalawa lang ang nakakuha ng perfect score, 100 out of 100. Sila ay sina…" Saglit nitong binasa ang dalawang papel na nasa kamay niya… "Mr. Russel Joe Tamayo Jr." Malakas na nagsi-palakpakan ang nga kaklase ko, naki-palakpak na lang rin ako. "At si Mr. Sebastian Klark Yu,"

"Sabi sayo e," Nilingon akong muli ni Leslie. 

Laking gulat ko nang marinig ko ang pangalan ko, hindi talaga ako nag-eexpect na makakuha ako ng kahit man lang 75 na passing score. Marahan akong tumayo at naglakad patungo kay Sir Corpuz para kuhanin ang testpaper ko.

"Congratulations Mr. Yu," anito nang iabot niya ang test paper aa akin

"Thank you po Sir," wika ko nang makuha ko ang test paper, bumalik na rin ako sa upuan ko. 

Nang matapos maipamigay lahat ng test paper ay umalis na rin si Sir Corpuz, ang natitirang 30 minutes niya ay ilaan na lang daw sa mga dapat namin na tapusin aa ibang subject. Si Zoe ang nakakuha ng pinakamababang score 10/100, noong kami pa kada nakakakuha siya ng mababng score ay nirereview ko siya at binibilhan ng gusto to cheer her up. Pero ngayon, imposible ko nang gawin 'yon kahit na gustuhin ko mam dahil nakakaramdam ako ng awa sa kanya. 

"Saan celebration natin?" Nakangising tanong ni Victor, hinila niya pa ang bakanteng upuan at doon ay umupo. "Bukod sa ikaw ang highest birthday mo pa ngayon," 

Birthday ko? 

"Anong date na ba ngayon?" Takang tanong ko, sumobra na nga ba ang pagkalutang ko at mismong araw ng birthday ko ay nakalimutan ko na.

"November 15 na po sir," sagot ni Kenneth na nakaupo sa desk ko. "O so anong plano? Si Sir Lee na ang huling prof natin tas balita ko pa hindi sya aattend kasi may demo teaching ang second year."

"Celebtate na tayo, free day naman natin bukas e. Isasama ko sila Dwayne, gusto mo isama mo pa sila Troy." Pagpupumilit ni Victor. 

"Pasensya na ha, I really hate celebrations e. Especially my birthday, lilipas din naman kasi ang araw na'to. Alam naman ninyo na 'yung dahilan, I never celebrate my birthday," Seryosong saad ko.

"Ay oo nga pala, pasinsya pasinsya ako'y nakalimot," Siya namang wika ni Victor.

I really hate my birthday kaya ayokong dumarating ang November, kasabay ko kasi na nagsecelebrate ang karibal ko kay Athena. Bukod sa karibal ko na siya sa pagbi-birthday, karibal ko pa rin siya sa pati na sa mga properties ng Lolo Joe, karibal ko sa pagiginh top notcher. Tinanggap ko naman 'yun e, tinanggap ko na karibal ko siya sa lahat. Ang pinakamasakit lang sa pagiging magkaribal namin ay ang katotohanan na mag-pinsan kami at ang katotohanan na iisang babae ang minamahal namin.

Hinintay ko lang na matapos ang huling period namin, may tatlong oras yata na puro tulog lang ang ginawa ko dahil hindi pumasok si Sir Lee. Paminsan-minsan ay ginugulo ako ni Zoe pero parang nag-ala Enrique ang pakikitungo ko sa kanya. Ini-isnob ko na ang pang pi-flirt na ginagawa niya. Nang matapos na ang last period namin ay lumabas na ako ng classroom namin aya agad na dumiretso sa school garden, bakante ito ngayon at walang nagp-P.E. Inasahan ko na wala akong tao na madadatnan pero mali ako,

Naaninag ko ang pigura ng isang babae na naka-upo sa damuhan, nakatalikod soya pero nakikilala ko ang likod niya. Nag-aalanagan ako na lapitan siya, mukhang abala kasi siya at parang may ginagawa siya. 

Maya-maya pa ay naaninag ko ang pagkuha niya sa cellphone, may idiniak sya saka itinapat sa tainga niya.

"Hello Quen?"

Kausap niya si Enrique…

"Oo nandito na ako sa garden, sige I'll wait… H-Huh? Ah sige… Ako na lang, take care." 

Halata ang pagkadismaya sa boses niya nang ibaba niya ang cellphone, narinig ko din ang malalim niyang pagbunot ng bunting hininga. Hindi na ako nakatiis na hindi lumapit, gusto ko siya na matulungan. Gusto ko na malaman kung ano ang iniisip niya… 

Nilakasan ko ang loob na lapitan siya sa paglalakad ay nakita ko ang pagtayo niya, unti-unti siyang humarap sa direksyon ko at nang magtagpo ang mga mata ko ay parang kabayo na naghurumintado ang puso ko. 

"Sky?/Athena…" magkasabay namin na sabi. "How are you?/Kamusta ka na?" Muli ay magkasabay naming sabi. Nang ngitian ko siya ay bigla  na lang siya na nag-iwas ng tingin.

"D-Do… Do you find this awkward?" Siyang tanong ko habang mas lalong lumalapit sa kanya. 

"N-No…" May pag-aalangan siya na sumagot. "I-I have to go, malelate na ako sa check up ko," sinubukan niya ako na lampasan ngunit  napahinto siya ng marahan kong hawakan ang braso niya. 

"Let's talk… Please…" 

"May appointment ako sa ob-gyne ko…* .

"I will accompany you, just talk to me please. Kahit hindi ka na mag-salita, pakinggan mo lang ako Athena."

"Sky nung… nung huli tayong nag-usap, nagkasakitan lang tayo diba?  Nasaktan lang kita,"

"I dont care, Athena. As long as nakakausap kita, as long as I can talk to you, I want to get hurt over and over again"

"Sky please wag mo 'tong gawin sa sarili mo," wika niya nang hindi man lang tumitingin sa mga mata ko.

"Kausapin mo ako Athena, bigyan mo ako ng tyansa na itama ang minsan kong pagkakamali. Hayaan mo ako na patunayan ang sarili ko,"

"Sky mahuhuli na ako sa appointment ko sa doktor, bitiwan mo na ako please."

"H-Hindi mo na ba ako mahal?"

"Sky…"

"Hindi mo na ba ako mahal Athena?"

"Please ayokong sagutin 'yan…."

"Mahal na mahal kita, mahal na mahal na mahal pa rin kita."

Nag-ukit sa lungkot ang kanyang mata, ang mukha niya ay nakakontra na para bang nagpupumilit na hindi umiyak. Sinusubukan niya na gumawa ng mga paraan para pigilan ang mga luha na nangingilid aa mga mata niya.

"P-Pinapangako ko Athena, hindi na kita guguluhin lalo kapag nalaman ko na na hindi mo na ako mahal. Bibigyan na kita ng kapayapaan, lalayo na ako sa buhay mo, sagutin mo lang sana ang tanong ko."

"Mahal kita Sky," mahinang usal niya na sinabayan ng malakas na hikbi. Hindi ito naging malinaw sa akin dahil mas narinig ko ang pag-iyak niya.

"Ano?"

"Mahal kita Sky, mahal na mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita!" She yelled as she burst out in tears. I immediately hugged her the moment I heard those words  that came from her mouth.  "My heart calls out for you and I hate my self from loving you Sky! I really hate myself!" 

"Shush! I love you Athena, I cherish you above everything else in my life."

I gently caressed her back as I kissed her head. I felt Athena's arms wrap around my body as  if she's responding to my hugs. It took us a few minutes to hug before we let go of each others body. I immediately wiped her tears -flooded cheeks with my hands. I couldn’t take my eyes off Athena's face, I think I can stare at her for another one thousand years.

"Totoo ba? Mahal pa rin ako?" Muking tanong ko, tumango siya habang kinukuskus ang mga mata niya. I locked her in my arms again, while she laid her hands on my shoulders.

I met her gaze, as I watched her eyes slowly flickered from my eyes down to my lips, I lean in closer to her until our noses touch each other. My heart is beating really fast, I tried to calm it but i'ts kinda pointless. I gently ran my finger thru her hair then he rested both of her hands on my cheeks. We are so closed from each other, I gazed on her twinkling brown orbs. My heart goes wild as I lean towards her  closer till her lips met mine.

Our bodies pressed together heatedly against each other, breathing heavily as our lips pressed together.  I could taste our shared breath, feel the thud of our combined heartbeat. I brush my thumb on her cheeks as I leaned closer to her and as I deepen the kiss.

ENRIQUE
I feel like I was stabbed with a knife over and over again when I saw the woman I love  kissing my own cousin right in front of me. It's my birthday today, I should be having fun with the woman I love. I was going to surprise her with the dinner date I prepared for the two of us but I seems  to be even more surprised from what I saw.

"Are you going to stop them?" Vivian asked with a glimpse of worryness in her voice.

"That would be pointless Vivian, hindi ko pwedeng pigilan ang nararamdaman nila. I already accept my defeat." 

"Pero magkaka-anak kayong dalawa, maatim mo ba na naging illetigimate ang anak ninyo ni Athena? Once na nagpakasal sila ni Sky?" Noel asked 

"Noel!" Vivian and Courtney shouted in unison. 

"I already think of that, wala naman akong magagawa. I need to accept, I need to sacrifice. The important thing is I did my part, I wont be having any regrets in the end."

"Isusuko mo na lang ang pagmamahal kay Athena nang ganun kadali?" It's Troy.

"It's not easy Troy still I have no choice, Athena can't love me…"

This is probably the punishment for my repeated rejection of Amara back then, I did reject her for 10 or 20 times. How heartless I am…

"So, ibig mo bang sabibihin sumusuko ka na?" Troy asked seriously.

"I never said that, giving up is not my thing. Even I got hurt, even I bleed, I will never give up my love for Athena." I said loudly as I walked towards where Athena and Sky were.

"Ikaw kasi Noel nagsuggest ka pa!"

"Anong ako? E si Troy ang huling nagtanong."

"Pipigilan ba natin sila?" 

"No Courtney, pabayaan natin sila na magkaharap-harap."

"Paano kapag nagsuntukan sila?" 

"Tsaka kami kikilos ni No--Courtney!"

I turned around behind me, I saw Courtney running towards me. I face Athena and Sky again, I caught them both in each other’s arms. Athena was the first to see me approaching, she immediately broke free from Sky's embrace.

"E-Enrique…"

"Enrique walang kasalanan si Athena, ako ang unang lumapit sa kanya." Sky said as he face me.

"I know,"

"Akala ko ba matatagalan ka sa meeting…"

"I actually lied since I'm busy preparing for a surprise dinner party for the two of us yet I was the one  who got surprise when I saw the two of you kissing passionately inside the school premises, alam ba ninyo na bawal 'yan?" I pause for a while before glancing on Athena. She looks like a scared-cat asking for help while looking at me. "Scared?" I asked with an authorative tone.

"Enrique please…" She begged.

"All I want now is for you to choose between  me and sky," 

"H'wag mo akong pamiliin please…"

"Why not?" 

"Enrique please wag mong pamiliin si Athena," Sky pleaded but instead of listening to him I choose to ignore my own cousin. 

"Bakit Sky? Kasi alam mong ikaw ang pipiliin niya at hindi ako. Ganon ka ba kakampante? Na porket ikaw ang mahal, ikaw na agad ang pipiliin, Sky tandaan mong ihanda lang sa'yo umiikot ang mundo." Diretso akong nakapagtagalog dala ng sakit na nararamdaman ko sa kaibuturan ko. 

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ba't iniwanan niya nga ako para sa'yo! Sa'yo siya sumama Enrique, ni hindi niya ako pinakinggan noong huling beses na nag-usap kami!"

"Ako nga ang sinamahan niya pero  ikaw naman ang iniisip ni Athena sa bawat oras na magkasama kami. Para lang akong hangin, hindi ba Athena?" I looked at her directly, she didn't speak even a single word. She's stayed in silence for a moment. 

"Athena?" 

"Tapos na ba kayong dalawa? Gusto pa ba ninyo na magsuntukan sa harapan ko? Sabihin ninyo lang at nang makapag-handa ako." Terror overtook her pretty face.

"Athena I'm sorry, I didn't meant to do this and to say those word. I just got trigger…" 

"Enough Quen…"

""I'm really sorry Ath--"

"I said enough!" I suddenly fell in silent when I heard Athena shout loudly, she took a deep breath before raising her head. "Pinapipili mo ako 'diba?" She pause for awhile and clench her jaw as she look heavenward. "Sige tutal nandito na rin nan tayo sa pilian, h'wag na natin pang saktan ang mga sarili natin."

Nakaramdam ako ng kaba at takot nang marinig ko ang sinabi niya, why did I even bother ask? I am fully aware and I always knew that right from the beginning, I was really a loser.

"H'wag mo nang sagutin, I was just shocked from what I saw… I really didn't mean."

"You've been a great friend to me for many months, and I treasure our relationship. Quen, thank you… thank you for everything…  For being a good friend, for being a shoulder to cry on, for being my knight in shining armor. Thank your for always being here beside me, everytime… everytime that I'm in danger or alone or needy. Thank you for all the effort, thank you for accepting me, my DID…" 

"Ofcourse Athena, I love everything about you."

"Thank you for loving me, Enrique…" Her voice became shaky and her eyes were swollen.  "I'm sorry, I really can't  teach my heart to love you. I-I really can't, hanggang ngayon napapatanong ako kung bakit… kung bakit ba sa dami ng pwede mong piliin na mahalin. Bakit ako pa?"

"Athena…"

"Bakit ako pa Quen? Ako pa na… na hindi ka kayang mahalin." The tears that had been looming over the corners of his eyes  finally ran downs to her cheeks.

I wholeheartedly accepts Athena's decision, in the first place. I know that I will never be chosen, she will never choose me.
He loves Sky very much and that's what I can't accept. 

"Sky, mahal kita. Hanggang ngayon mahal kita, hindi ko ikinakaila 'yon. Salamat kasi sa kabila ng poot at galit na namuo dito sa puso ko, natutunan ko pa rin na magmahal. Pagmamahal na ipinagkait ko kay Enrique, Mahal kita, sobrang mahal na mahal kita…  Isang beses na kitang pinili, ganon din si Enrique." She pause for a while to take a deep breath as she wipes both of her cheeks. "Kaya this time, hayaan ninyo ako na sarili ko naman ang piliin ko. Hayaan ninyo ako na mahalin ko naman ang sarili ko." She looks at me with  tears in her eyes. "Hindi ko ipagkakait sa'yo ang karapatan mo sa bata," and then she looks at Sky. "Pagbibigyan din kita sa hiling mo na DNA test."

"Athena…" Sky and I said in unison. 

"Ibig sabihin wala kang pinipili sa amin?" Sky asked in confusion.

"Pinipili ko ang kapakanan ko pati na ng anak ko, iyon ang importante sa akin ngayon." She said as she sniff, 

"Athena…" That was Courtney, she was still in shock dahil saksi siya sa nangyari. Saksi siya sa mga oras na walang pinili si Athena sa pagitan namin ng pinsan. She witness it all…

"I'm wishing you a good luck for the both of you," Athena said, she glances at me first and then at Sky. "I have to go, let's go Courtney."

Athena took Courtney's hand and then they left together. Pareho kami ni Sky na hindi  pa rin makapaniwala sa isinagot ni Athena. Pareho kami na hindi pinili, walang nanalo sa laban sa pagitan naming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro