FINAL CHAPTER

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


ATHENA

November 15, 2018, ilang buwan na ang lumilipas matapos ang araw na iyon.  ang araw na pinili ko ang sarili ko kaysa iba. Ang araw na mas pinili ko na isalba ang puso ko at magpahinga kaysa pumasok sa relasyon na hindi ko alam kung may patutunguhan nga ba. Napagtanto ko kasi na ilang beses na akong pumili na hindi kasama sa pagpipiliian ang sarili ko. Kaya naman napagdesisyonan ko na sa pagkakataon ito, ako naman. Napagbigyan ko na naman sila sa gusto nila noon, nakuha na naman nila ang gusto nila. Sana naman ay sapat na 'yon, gusto ko naman na magtira para sa akin. Gusto kong sulitin ang itinira nilang kakarampot na pagmamahal para sa sarili ko. Ngayon ay masaya na naman ang puso ko, mas pinrayoridad ko ang kapakanan ng anak ko na malapit ko nang iluwal sa mundo. 

Kahit na wala akong pinili sa pagitan ng dalawang lalaking naging parte ng buhay ko, patuloy pa rin sila na nanunuyo at nagmamahal sa akin. Sobra sila na nagsusumikap para muli akong ligawan, ipinapakita nila na karapat-dapat sila sa para sa akin. Ang kaso lang, buo na ang desisyon ko na walang piliin sa pagitan nilang dalawa.  

Napilitan na akong huminto muna sa pag-aaral  dahil sa pagbubuntis ko, nasa ikatlong trimester na ako, at huling buwan ng pagbubuntis. Maaring sa second week ng June ay makapanganak na ako. Pansamantala ko rin na inihinto ang theraphy ko para sa DID. Wala naman nang nakakapag trigger sa alter ko na si Ava dahil naging tahimik na ang buhay ko. Siya nga pala, napag-alaman ko na kambal na babae ang isisilang ko. Wala pang nakaka-alam nito bukod kay Vivian at parents ko. 

-June 5, 2019-

"Anak," ilang katok ang narinig ko mula sa pintuan, maya-maya pa ay bumukas ito at iniluwa ang Mama ko. "May mga bisita ka sa baba."

"Sino po sila Ma?" Inilapag ko ang libro na binabasa ko sa side table na nasa tabi ko saka marahan ako na tumayo at lumapit kay Mama . 

"Ang mga kaibigan mo nasa baba, kararating lang nila." Wika ni Mama saka niya ako inalalayan, masyado na kasing makali ang tiyan ko. Medyo nahihirapan na rin ako na kumilos kung kaya't kinakailangan ko na ng alalay sa tuwing kikilos ako. 

Nang makababa kami ng hagdanan ay namataan ko sina Enrique at Sky na parehong may dalawang bouqet ng pulang rosas, magkatabi sila sa puting sofa at kapwa may nakapaskil na malapad na ngiti sa mga labi nila.

Nagpaalam si Mama na kukuhanin lang ang cake na binake niya sa kusina, naiwan kaming tatlo dito sa living room

"Good morning Athena," magkasabay nilang bati. 

"Good morning too, anong ginagawa ninyo dito? Hindi ba dapat nasa school ka Sky at ikaw naman Enrique? hindi ba dapat nasa company ka at tinutulungan si Tito Enrico?" Siyang tanong ko na may kasama pang panenermon.

Nagkatinginan silang dalawa bago sumagot si Sky. Ngumiti ito at tumayo mula sa sofa, marahan itong lumapit sa akin at hinaplos ang maumbok kong tiyan.

"Gusto kasi namin ni Enrique na masubaybayan ka e, lalo ngayon na malapit ka nang manganak. Ang gusto namin habang nasa delivery room ka, nandoon din kami." Siyang wika ni Sky saka hinawakan ang kamay ko.

"Nag-pasa na kami ng note sa school, home schooling kami  ni Sky for three months hanggang sa makayanan mo na.  We're very much aware that you don't need us pero Aths, we care for you and for the baby." Siya namang saad ni Enrique.

"May mga responsibilidad kayo na mas importante kaysa sa akin," wika ko naman.

"Pero may responsibilidad din kami sa bata," si Sky ang sumagot.

"Sabi ko naman sayo Sky noon diba, hanggat wala pang DNA test na nangyayari. Hayaan ninyo muna ako na asikasuhin ang sarili ko,"  pangangatwiran ko pa.

"Hindi naman kami papayag ni Sky, with or without the DNA we will stay by your side. We are willing to become your child's father,"

"Oo nga naman, magkakaroon ng dalawang ama ang baby mo Aths, kahit na…" biglang lumamlam ang boses ni Sky. "Kahit na wala kang pinili sa amin noon,"

"Babalikan pa ba natin 'yan?"

"Hind na," anito habang napapakamot sa likod ng ulo niya. "By the way, flowers for you." Iniabot niya sa amin ang malaking bouqet ng ecuadorian roses, gayon din ang ginawa ni Enrique.

Pareho ko itong tinanggal at ipinaakyat sa kwarto ko kay Ate Bibing, ang mayordoma ng Lolo. Iniutos ko rin na ilagay ito sa dalawang bagong biling vase. 

"O anak, may mga bisita ka pala." Wika ng Papa na kalalabas lang sa movie room, kasunod niya si Chad at Elias na mga step-son ni Tita Stacy. 

"Bless po Tito," wika ni Sky nang makalapit ito at magmano, ganoon din ang ginawa ni Quen na sa una ay titingin-tingin lang. 

"Anong Tito? Bakit Tito? Papa, tawagin ninyo akong Papa. H'wag na h'wag kayong papasok dito kung Tito lang ang itatawag ninyo sa akin. Matapos ninyo ikama ang anak ko, tito lang ang itatawag ninyo? Hindi iyon makatarungan," wika ng Papa. Agad ko siyang pinandilatan ng mata, tumawa lang ito saka lumapit at yinakap ako. "Akala ko tatanda kang dalaga e, sobrang ilap mo kasi sa lalaki. Kita mo naman ngayon, dala-dalawa pa ang nag-aasam sayo." Pabirong wika niya.

"Si Papa naman, parang ewan."

Magaling na ang paa ng Papa matapos niya rin na dumaan sa physical theraphy sa tulong ni Nurse Cynthia na siya rin na theraphist ng Lolo ni  Enrique. Masaya niya akong tinanggap pati na ang pagbubuntis ko. Noong una ay nagalit siya ng malaman niya na may dalawang lalaki akong nakasama pero noong ipaliwanag ni Tita Stacy ang kalagayan ko ay natanggap niya na rin naman ng maluwag. 

Minabuti na rin ni Papa na makipag-ayos sa parents ni Sky at buuin ang nasira nilang friendship same kay Tito Alejandro na Daddy ni Troy. 

Saglit na nakipagkwentuhan ang papa kina Sky at Enrique, habang ako naman ay nakikinig lang sa usapan. Karaniwan ay mga boys things ang pinagkukwentuhan nila, sumunod ay ang high school life ni Papa na kung saan ay sipinagmamalaki niya na pareho sila ni Tito Alejandro na matinik sa chicks.

"Alam ninyo ba na 'yang si Athena, napakailap ng batang 'yan, si Troy at si Stella nga lang ang sinasamahan." Pagkukwento ng Papa,

"Totoo po, ako nga po ang namilit noon para kausapin niya lang ako e," natatawa pang sagot ni Sky saka tumingin sa direksyon ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay, "o Papa tignan mo, nananaray na naman." Ismo bata niyang sumbong. 

"Be good to them anak, isa sa kanila ang mapapangasawa mo. Sa oras na lumabas ang DNA test ng anak mo," 

"Wala nga pong pinili sa amin," kalmado ngunit bakas ang pagkabasg ng boses ni Enrique, napatingin ako sa kanya. Malamlam ang mga mata niya at mistulang dinadamdam pa rin ang nangyari noong nakaraang taon.

"Athena?" Siyang pagtawag sa akin ng Papa, dahan-dahan ito na tumayo saka lumapit sa akin. "Ano bang balak mo?"

"Pa, alam naman na nila po 'yon, mas kailangan ko pong protektahan ang anak ko."

"Ate, kailangan mo rin naman ng  makakatuwang mo  sa buhay. 'Yung sasamahan ka hanggang sa pagtanda mo," sabat ni Chad habang nilalantakan ang  brownies na pinagtulungan namin ni Mama na i-bake kagabi. 

"He's right," pagsang-ayon ni Enrique. "It doesn't matter naman kung sino ang pipiliin mo this time, if it's for the betterment of your child's life."

Napa-isip ako sa sinabi ni Chad at Enrique pero nanaig pa rin talaga ang pag-iisip ko na kung may pipiliin ako sa pagitan nilang dalawa, makakasakit  ako. And I don't want it to happen. Masaya na ako na mag-isa, kumpleto namin ako kahit walang lalaki sa buhay ko at walang masama kung magiging single mom ako.

"Mga hijo, mga hija, tara na at mananghalian." Siyang pagtawag ni Mama na kalalabas lang mula sa dining room. "Sku, Enrique, dito na rin kayo kumain."

"Opo Mama," nakangiting saad ni Sky habang nakatingin direkta sa akin.

Inaalalayan ako ni Enrique habang naglalakad patungo sa dining room, si Sky naman ang naghila ng upuan ko at tumulong sa akin na maka-upo sa hapag. 

"Uy nilaga!" wika ni Sky na tuwang-tuwa pa. Naka-upo siya sa may harapan ko. "Paborito ko po ito Mama, hindi ba Athena?" Tumitig siya sa akin saka malanding kumindat. 

"Ewan ko sa'yo," bulong ko saka kumuha nang kanin.

"Let me do that for you," wika ni Enrique na nasa tabi ni Sky. Kinuha niya sa akin ang panandok ng kanin at pinag-sandok ako, siya na rin ang naglagay ng nilaga sa pinggan ko. 

"Kumain lang kayo ng kumain, h'wga kayong mahihiya ah. Sky, Enrique, marami naman akong niluto na nilaga para sa lahat." Sambit pa ni Mama sa magiliw na tinig.

Nang mag-hapon na ay bumuhos ang malakas na ulan kaya naman inaya ni Mama na dito na magpalipas ng ulan ang dalawa. Si Papa naman ay inalok ang dalawa na dito na magtulog, dito na rin sila naghapunan. Dito kami kasalukuyang nakatira sa mansyon ng Lolo, American citizen na kasi siya at sa America na naninirahan kasama ang ikalawang asawa niya at ang anak nila na halos mas bata pa sa akin ng limang taon. Si Tita Stacy naman ay nasa Baguio kasama ang asawa niya  na si Ronnie at ang mga kapatid nina Chad at Elias na si Liezel at Cassandra. 

Masyadong malaki ang mansyon na may apat na palapag para sa aming tatlo nila Papa. Nag-presinta sina Elias at Chad para samahan kami dito sa bahay, katuwang sila ng Papa sa mga mabibigat na gawain dito sa bahay. Nasa unang taon sa kolehiyo si Elias, si Chad naman ay nasa ikaong taon na. Mabait sila sa akin at madalas sila ang nakakasama ko kapag kinakailangan na umalis ni Papa para ayusin ang negosyong ibinigay sa kanya ni Lolo. Siya  na kasi ang tumatayong Executive Vice President ng Titania Corporation habang si Mama naman ang namamahala sa Bake & Kiss na dating Taste of Sweet. 

Masyado na ang nangyari sa buhay namin sa nakalipas na mga buwan at taon, mga pangyayari na hindi inaasahan, mga pangyayari na nagparamdam ng saya, galit, kilig, lungkot, at takot. Hindi ko 'yun makakalimutan sa tanang buhay ko. Marami rin akong nakilalang mga bagong tao na naging parte ng buhay ko, naging kaibigan, kaaway, kaklase, at nakapalagayan ng loob sa hindi inaasahang pagkakataon.

Matapos ko na makapaglinis ng katawan at makapagbihis ay humarap ako sa salamin ng dresser ko, malaki na ang ipinagbago ng katawan ko. Lumaki na ang hinaharap ko, kasabay ng paglaki ng tiyan ko. Bumigat din ang timbang ko at nagkaroon ng laman ang dating payat na bahagi ko. 

"Mabuhay ka Athena," 

"Ava!?" 

"Salamat sa mahiksing panahon na hinayaan mo ako na makasama ka, magkikita tayong muli ngunit sa iba nang pagkakataon." 

"Hindi, ayoko na Ava…" 

"Hanggang sa muli, Athena…"

"Athena? Athena, sino ang kausap mo?"

Liningon ko ang nasa may pintuan ko na si Sky, bumabaha ng pag-aalala ang kanyang mukha.

"Bumalik ba siya? Bumalik ba si Ava?" Nagmamadali itong lumapit saka ineksamina ang katawan ko gamit abg tingin niya. "Nasaktan ka ba? Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" Sunod-sunod niyang tanong. 

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinitigan ang mga mata niya. "Ayos lang ako, h'wag kang mag-alala. Nagpaalam na si Ava, hindi  niya na tayo magugulo." 

Ikinulong niya ako sa mga bisig niya habang hinahaplos ang likod ko at hinahalik-halikan ang ulo ko. Saktong nadikit ang tainga ko sa kaliwang dibdib niya, ramdam ko ang sobrang bilis at lakas na pagtibok ng puso niya. 

"Hindi mo man ako pinili, mananatiling ikaw pa rin ang mahal ko Athena." Mahinang usal niya na dahilan upan humapdi ang mga mata ko at maramdaman ang mga maiinit na likido na nagbabadya rito. "Mahiwaga… Pipiliin ka sa araw-araw. Mahiwaga… Ang nadarama sa 'yo'y malinaw…." Pag-awit pa niya habang nakakulong kami sa bisig ng isa't-isa. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko at hinahagkan ito. "Mahal na mahal kita," bulong pa niya.

Sasagot pa sana ako ngunit hindi ko na nagawa nang maramdaman ko ang paghilab ng tiyan ko.

"S-Sky…" wika ko habang iniinda ang sakit.

"Athena bakit? Anong problema?" Siyang tanong niya

"Sumasakit ang tiyan ko…" sagot ko. Maya-maya pa ay nakaramdam ako na para bang may sumabog mula sa loob ko.  "M-Manganganak na yata ako… Ahh!"

"Teka lang baby ha!" Narinig kong wika niya nang kumalas siya mula sa pagkakayakap namin. Hinagkan niya ang tiyan ko saka ako binuhat na parang pangkasal, mabilis ngunit dahan-dahan niya akong inilabas mula sa kwarto ko at pababa ng hagdan. "Enrique! Enrique! Get the car out of the gate! Athena is about to give birth!" Malakas niyang sigaw habang pababa ng hagdanan.

SKY

Dali-dali kong binuhat si Athena palabas ng kwarto niya at pababa ng hagdanan nang makita ko ang likido na  lumabas mula sa suot niyang bistida. Kabado at may takot akong nararamdaman ngayon sa loob-loob ko ngunit pinilit ko na maging kalmado. Agad kong ipinahanda kay Enrique ang sasakyan, si Chad ang nautusan ko na kumuha ng mga gamit ni Athena at ng bata na nasa kwarto niya. Maingat ko na ibinaba si Athena na sa passenger seat, naroon sina Mama Aileen at Papa Enzo na siyang nagpapakalma sa kanya. 

"Mama ang sakit!" Narinig kong wika niya nang makapasok ako ay maka-upo sa driver seat. 

"Kalma lang anak ha, mawawala din 'yan  Huminga ka ng malalim sabay buga, okay? Gawin mo 'yun ng paulit-ulit," 

"Mama! Ang sakit-sakit po, ayoko na po." 

Agad kong minaneho ang sasakyan nang mabuksan nina Chad at Elias ang tarangkahan ng mansyon. Pinilit ko na pakalmahin ang sarili sa kabila  ng pag-aalala ko sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak ni Athena pati na ang mabigat niya na paghinga. Maya't-maya ko silang sinisilip mula sa salamin para matiyak na magiging maayos ang lagay ng babaeng mahal ko. 

"Hold on baby, you'll be fine." Narinig kong wika ni Enrique habang hawak ang kamay ni Athena.

Mabilis kaming nakarating sa St. Judes Medical Hospital, agad na isinakay sa stretcher  si Athena at dinala sa emergency room. Maya-maya pa ay ipinasok na siya sa delivery room, ibinalita ko na kina Troy at sa ibang mga kaibigan namin ang kalagayan ni Athena ngayon. Hindi nagdalawang isip sina Troy at Courtney na pumunta kaagad sa ospital. 

"Tito Lorenzo, Tita," boses iyon ni Troy na kararating lang. "Nasaan po si Ate? Kamusta siya?" 

"She's in the delivery room," si Enrique ang sumagot. "Hindi pa namin alam kung ano na ang lagay niya pero sana maayos lang siya."

"Sana naman okay lang si Athena pati na ang mga baby niya." That's Courtney.

Wait… Did I hear it right? Mga baby…?

"Mga baby? What do you mean Courtney?" Naunahan ako ni Enrique na makapag-tanong.

"H-Huh? Hindi ninyo pa ba alam? Last time na nagpa-ultrasound siya, twins na baby girl ang lumabas mula sa results."

Twins…. 

Magkakaroon ako ng anak na babae at kambal pa sila, magkakaroon kami ni Athena ng kambal. Hindi pa lang sila sigurado na ako nga ang ama ng bata pero ako, I'm  one hundred sure na ako nga ang ama. Anak ko 'yun at walang makakapigil na akin na i-claim 'yon. Isa man sa kambal o ang mismong kambal, anak ko sila. May higit sa kalahating oras na kami na naghihintay, naka-ilang kape na rin kami ni Enrique pero wala pa rin na doktor or nurse na lumalabas mula sa delivery room.

"Hello Dad? Yeah, she's still inside the operating room. You're on your way? Sige po,  I'll text you the address." 

Kausap ngayon ni Enrique ang tatay niya sa cellphone, ininform niya rin ito tungkol sa kalagayan ni Athena. Nagpaalam siya saglit para hintayin ang Papa niya, saktong pag-alis niya ay siya namang paglabas ng doktor.

"Kayo po ba ang kasama ng pasyente?" Siyang tanong ng doktor na nanggaling sa operating room.

"Kamusta na po ang anak ko? Maayos na po ba siya? Ang mga babies niya?" Sunod-sunod na tanong ni Mama Aileen. 

"Maayos na po siya, hindi po kami nahirapan sa pagpapa-anak sa kanya. Congratulation po, it's a healthy twin and both of them is a baby girl." 

"Thank you doc," 

"Mauuna na po ako," 

"Salamat po,"

Naghintay pa kami ng ilan pang minuto bago kami nakapasok sa isang private room kung saan namamahinga si Athena. Gising na siya at kinukuhaan ng bp ng nurse nang maabutan namin. Nanganak siya via normal and cesarean delivery dahil ang sabi ng doktor masyadong malaki ang ikalawang sanggol na inilabas niya kaya kailangan sya i-cesarean section.

"Mama ang sakit po pala manganak, ayoko na po. Hindi na po ito mauulit," mistulang bata ito na nagsusumbong sa Mama niya. Yinakap siya ni Mama Aileen para pakalmahin.

"Ayos lang 'yan anak, nakaraos ka na naman. Nailabas mo na ang kambal mo, malulusog sila anak," pagpapalubag loob ng Mama niya nang magkalas sila mula sa pagkakayakap.

"Nasaan na po sila? Gusto ko na pong makita ang mga anak ko." May ngiti sa mga labing sambit niya. 

"May naghahanap ba ng babies? Heto na sila!" Excited at ismo batang tumatalon habang papasok ng pintuan si Courtney kasunod niya ay si Troy ma may dalang mga gamit ng baby at dalawang nurse na karga-karga ang mga anak namin ni Athena. 

Nang makita ko ang dalawnag sanggol habang binubuhat ni Athena ay tila tumalon ang puso ko, humapdi ang mga mata ko, at nangilid ang mga luha ko. Ang gaganda nila, hindi mapag-kakaila na mga anal nga sila ni Athena, kamukhang-kamukha nila ang Mommy nila.

"Si Sky umiiyak o!" Kantyaw ni Troy nang makita niyang pinahid ko ang nangingilid na luha sa gilid ng mga mata ko. 

Nilingon naman ako ni Athena at matamis na nginitian saka sinignalan para lumapit. Naka-upo lang kasi ako sa maliit na couch at minamasdan sila. Agad naman ako na tumayo at saka lumapit sa bakanteng side ng kama na hinihigaan ni Athena.

"May naiisip ka na bang pangalan sa kanila, Aths?" Siyang tanong ni Courtney. 

"Alam mo ba noong bata ako, mahilig kami ni Asianna maglaro ng dress-up pati na ng barbie at kada maglalaro kami Annika ang lagi kong pangalan tapo siya naman si Ashanti. Kaya 'yon din ang gusto kong pangalan sa mga anak ko, Annika at Ashanti." Madamdamin niyang pagkukwento habang maluha-luhang nakatingin sa kambal niya."Siya nga pala Sky," ani Athena at lumingon sa akin. "Kailan mo balak isagawa ang DNA test?" 

"Nagtanong ako sa doktor kanina, pwede mo na daw isagawa ngayon ang DNA testing. Kaya tinawagan ko na si Tita Connie, she's in charge with the genetic testing mamaya lang nandito na siya." Saad naman ni Troy.  "Kailangan lang ng samples ninyo at ni Enrique pati na ng mga bata para malaman kung sino talaga ang ama sa inyong dalawa."

"Good evening family!" 

Tila lahat kami ay nawindang sa boses ng Daddy ni Enrique na si Tito Joseph, lahat kami ay napalingon sa pintuan na siya ang iniluwa. Magiliw siya na pumasom at nakipag-fist bump kay Troy at bumeso kay Courtney. 

"Sebastian! You're alse here man! Napaka supportive mo naman na pinsan sa Quen-Quen natin." Yinakap ako ng Tito na halatang clueless kung bakit naririto ako.

"Finally balae!" Magiliw niyang bati at nakipag-kamay sa parents ni Athena. "Jose Enrique Madgrigal Jr, college colleagues right?" Pagpapakilala nito, agad rin  siya na lumapit sa side ni Athena, "and ofcourse my  beautiful future daughter-in-law. Are they my grandchildren?"

"Opo tito, sila na po. Ito po si Annika," wika niya at ipinakilala ang tulog naming baby. "At siya naman po si Ashanty," pagpapakilala niya sa baby namin na gising na gising.

"Look at your babies Quen e, especially our little Ashanty, she looks like a female version of you. Look at her nose and her eyes," Nakangiting wika nito habang sumusulyap kay Enrique, ngumiti lang si Enrique at kakamot-kamot ang ulo na lumapit sa Papa niya.

"Dad please, this is embarassing." Pananaway niya sa sariling Ama, "I'm sorry everyone,"

"Hindi mo kailangan mag-sorry hijo, normal lang 'yan sa aming mga magulang ninyo."  Saad ni Papa.

"Oo nga naman Enrique, hayaan mo ang Papa mo na enjoyin ang apo niya,"  pagsang-ayon ni Mama.

"You see? They agree with me, let me be with my grandchildren even for just a moment. You are fully aware that I will only be here in the Philippines for a couple of weeks. Kaya son, hayaan mo na ang Papa mo."

Rinig na rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Enrique, knowing him since we grew up together. Ayaw na ayaw niya talaga ang napapahiya, his father and Quen is a complete opposite. Nakuha ni Quen ang ugali niya kay Tita Regina, ang namayapa niyang Mama. Pareho silang kalmado, laging naka-low energy, at tahimik, kabaliktaran ni Tito na sobrang out-going, hyper, at napaka-daldal. 

Saglit na nagpaalam ang Tito Joseph para gumamit ng banyo, sinakto naman ni Enrique sa pag-alis ng Papa niya ang paghingi ng tawad sa inasal nito.

"I-I'm really sorry for my father's attitude, Tito, Tita, I'll make sure na hindi na po 'yun maulit." Pag-hingi nito ng tawad sa mga parents ni Athena.

"No hijo, ayos lang. H'wag kang magsorry at hindi naman kailangan. Excited lang talaga ang Papa mo na makita ang mga apo niya, intindihan na lang natin. E mukhang galing pa yata siya sa malayo ah. Malamang 'yan ay namimiss niya lang na mag-alaga ng bata," Si Mama Aileen ang nag-salita. "Atsaka isa pa, Mama at Pala na lang ang itawag mo sa amin, tutal pareho naman kayo ni Sky na naging bahagi ng buhay ng anak ko. Kaya hindi na iba ang turing ko sa inyo,"

"Thank you po Ti-- Mama…" kumurba ang labi niya sa isang kalahating ngiti.

"Tita Ai, Tito Enzo, maputol ko lang po kayo saglit. Pasensya na po, nandito na po kasi ang magsasagawa ng DNA test nasa may lobby na po. Susunduin ko lang po sila," Pagpapa-alam ni Troy at sinabayan ng pag-labas.

"DNA test?" Takang tanong ng Papa ni Quen na kalalabas lang mula sa rest room. "Bakit kailangan ng DNA Test? Anong ibig sabihin nito Quen?"

"Dad…"

"Answer it! Bakit kailangan ng DNA test?"

"Dad calm down," 

"Answer it!" halata sa boses pati na ekspresyon ng mukha ni Tito ang pagkagalit na naging dahilan ng pag-iyak ni Ashanty. 

"Nurse, pakidala muna sila sa nursery." Pakiki-usap ng Papa ni Lorenzo sa nurse na halatang naging stuttered dahil sa nakita niya. 

"Tara na po Ate Nurse," wika ni Courtney saka sinamahan ang nurse papalabas.

"Anong alam ninyo na hindi ko alam?" 

"Dad…" muling bumunot ng malalim na buntong-hininga si Enrique… 

"Ganito po kasi 'ya--" Pagsusubok ni Athena na magpaliwanag, agad siyang nilingon ni Enrique.

"Let me handle this," anito saka humarap sa Papa niya. "Pa I raped her," pagsisinungaling ni Enrique.

"Enrique no…" Muling nilingon ni Enrique si Athena habang umiiling ito saka hunarap ulit sa Papa niya.

"I raped Athena kaya kinakailangan i-DNA test para malaman kung bunga ba sila ng kababuyan na ginawa ko kay Athena o bunga sila ng pagmamahalan nila ni Sky." 

"Enrique…." 

"Jose Enrique Madrigal! What did you just do? Ang saya-saya ko pang lumapit dito, ang kapal pa ng mukha ko na magpakilala sa mga magulang niya sa pag-aakala ko na wala kang ginawang kalokohan at maganda ang relasyon ninyo ni Athena."

"Dad I'm sorry, I just love Athena kaya ko nagawa 'yon." 

"Damn it Enrique!" Madilim ang mukha ng Papa ni Enrique, binabalot ito ng galit at pagkadismaya sa kaisa-isang anak niya. 

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang sinabi ni Enrique na dahilan, napa-isip din ako kung bakit isinaalang-alang niya ang sarili niya at ipinahamak. Masasabi ko na mahal niya talaga si Athena, handa niyang ipahamak ang sarili alang-alang sa bahaeng minamahal. 

"Lorenzo, Aileen, I'm so sorry sa ginawa ng anak ko. Tatanggapin ko kung ano man ang parusang igagawad ninyo sa kanya, handa ko siyang ipakulong maitama lang ang pagkakamali ni Enrique. Kaya ko rin bawiin ang mana niya, bilang parusa." Sinserong paghingi ng tawad ng Tito sa parents ni Athena.

"Hindi, walang makukulong. Pamilya na ang turing namin kay Enrique,"  wika ng Papa ni Athena.

"Tito hindi niya po ni-rape, may D.--" 

"Athena enough, sinabi ko lang ang totoong nangyari. I did raped you," 

"Tito, kasalanan po namin pareho. Wala pong rape na nangyari, hindi po namin siya ipakukulong at sana po h'wag ninyo na rin po siyang tanggalan ng mana. He deserves it, Tito." Siyang pagtatanggol ni Athena sa pinsan ko. 

"Pasalamat ka talaga Enrique, mabait si Athena pati na parents niya. Kung hindi, baka nasa kulungan ka na ngayon."

"Excuse me, nandito na po si Tita Connie…"

Matapos ang mainiti na diskusyon sa pagitan ng Papa ni Enrique ay ang DNA testing naman ang hinarap naming lahat. Nauna si Enrique na magpakuha ng saliva samples niya, sumunod ako, at ang huli ay ang dalawang baby namin na nasa nursery. Saksi kaming tatlo nila Athena sa isinagawang pagkuha ng DNA samples sa amin, lalabas ang resulta after 1-4 working days. Magkahalo ang excitement at kaba na nararamdaman ko, marami ang mga tanong na nasa isipan ko. Kagaya ng:

Paano pala kung hindi ako ang ama ng parehong kambal?

Paano na kami ni Athena?

Paano kung isa lang sa kambal ang anak ko?

Paano kami maghahati ni Enrique?

Ano 'yun by sched? 

ATHENA

Matapos kong makapanganak, akala ko tapos na ang kalbaryo ko. Akala ko lang pala, inaalala ko pa rin ang ginawang pang-aako ni Enrique sa  kasalanan na hindi naman niya talaga ginawa. Ipinahamak niya ang sarili niya sa Papa niya, sira rin pala talaga ang ulo niya minsan. Hindi siya nakapag-isip ng tama dahil sa akin. 

Siya nga pala, 48 hours lang ang itinagal ko pati na ng bata sa ospital at naka-uwi rin kami pagtapos. Dito na muna nagpapalipas ng araw sina Enrique, bukod sa katuwan ko sila sa pag-aalaga at pagpupuyat sa dalawang bata sa loob ng  dalawang araw, katuwang ko rin sila nila Papa at Mama sa gawain bahay pati na sa business. 

Kasalukuyan kaming nag-aagahan nang may isang inaasahang bisita ang dumating sa bahay. Mula sila sa DNA center at hawak na nila ang resulta ng DNA test ng kambal at nina Sky at Enrique. Lahat kami ay nagkatipon dito sa bahay, kasama si Troy na tumayong witness.

"Base po sa DNA analysis na ginawa po sa aming laboratory kina  baby Annika Beatrix Aragon at kay Mr. Jose Enrique Madrigal. The probability of paternity is… 0.00%, negative po…"

Kitang-kita sa mukha ni Enrique ang kalungkutan ng marinig niya ang resulta ng DNA test nila ni baby Annika. Hindi niya ito ipinahalata sa lahat, mapait itong ngumiti at tahimik na tinanggap ang negatibong resulta.

"Samantalang ang probability of paternity naman po nina baby Ashanty Beatrix Aragon at ni Mr. Madrigal ay 99. 99999%." 

Lahat kami ay nanlaki ang mga mata sa narinig namin, agad na napatayo at napatalon sa tuwa si Enrique. Patakbo siya na nilapitan ako at yinakap, 

"Ashanty is my child! She's my daughter, Athena…" mangiyak-ngiyak niyang sabi. Habang nakayakap siya sa akin at patuloy sa paghikbi, agad niya na nilapitan ang anak namin na si Ashanty na mahimbing ang tulog sa kulay purple na crib na si Enrique mismo ang bumili noong isang buwan. Magkahalo ang kaba at tuwa na nararamdaman ko ngayon, ang result naman nina Sky at ng kambal ko ang babasahin ni Ms. Connie ngayon.

"Napag-alaman po namin na sina baby Annika at baby Ashanty ay bi-paternal twins. Ito po ay nangyayari dahil sa isang rare phenomena na tinatawag na heteropaternal superfecundation. Wherein parehong nagfertilize ang dalawang sperm cell sa iisang egg cell. Kaya po very opposite ang resulta na nakuha nina Mr. Jose Enrique Madrigal at Mr. Sebastian Klark Yu. The probability of paternity po nina Mr. Yu at baby Ashanty ay 0.00% habang sina Mr. Yu at baby Anika ay 99.9999%."

Muli kaming nawindang sa narinig namin mula kay Ms. Connie, iisa ang ina ngunit magkaiba ang ama ng kambal ko. Sobrang rare daw ng pangyayaring ito ngunit hindi ko ito inantala.

Napagdesisyonan ko na walang piliin at walang pakasalan sa dalawa ngunit hindi ko ipagkakait ang pagiging ama sa kanila. Matapos ang dalawang buwan, bago namin mapabinyagan ang kambal ay pinapalitan namin ang apelido nina Ashanty at Annika. Mula sa pagiging Aragon ay isa nang ganap na Annika Beatrix Madrigal-Yu si Baby Nika at isa nang ganap na Ashanty Beatrix Madrigal si Baby Ash.

Maraming ang pangyayari na naganap sa buhay ko, mga hindi inaasahan na pangyayari na nagbigay aral sa akin pati na sa mga tao sa paligid ko. Maaring kakaiba ito kumpara sa buhay ng ibang mga kaedaran ko ngunit maituturing ko ito na milestone. Sa kalahating taon na pagtitreatment ay gumaling ako mula sa DID ko kasabay noon ay ang panganganak ko sa kambal ko.

Mula pa noong bata ako, hindi pa sumagi sa isip ko magiging bida o bibida ako sa isang kwento. Ayokong pag-agawan ng dalawang lalaki, ayoko rin maging bayani, ayaw ko rin na ituring ako na isang prinsesa. Ngunit lahat 'yon ay nangyari sa buhay ko, totoo pala na "Opposite do attract." Kung ano ang ayaw mo ay siyang nangyayari sa'yo, kakaiba nga lang ang nangyari sa akin na tila isang roller coaster. Mapapasigaw, makakaramdam  ka ng takot, makakaramdam ka rin ng pagka lumbay, makakaramdam ng kilig na tila may paru-paro sa loob ng tiyan mo. Minsan ko rin naramdaman ang pagsuko at kawalan ng pag-asa, yung akala ko na wala na akong malalapitan pero mali ako. Marami pala sila, sobrang rami pala ng tao na naniniwala sa akin. Ngunit despites sa lahat ng nangyari sa buhay ko, ang natitiyal ko na  pinakamahalaga bagay sa lahat ay ang mga aral na natutunan ko.

                   WAKAS

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro