CHAPTER 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


ATHENA

After I walked out, binuo ko na sa isipan ko na kailangan ko nang umuwi at lumayo sa mga kaibigan ni Troy but knowing Troy for so long hindi niya ako hinayaan. Inihatid niya ako sa bahay nila nang hindi nagpapaalam sa mga kaibigan niya.

"I'm sorry for what happened kanina," anito nang makapasok kami sa bahay.

"There's no need, hindi naman ako nasaktan," natatawa kong sabi.

"Zoe is really a spoiled brat," ibinagsak niya ang katawan sa sofa "Kaya niya nakuha si Sky kasi nga 'what Zoe want, Zoe gets' ka-umay,"

"I can feel it naman. Kaya nga hindi ko na pinatulan." umupo ako sa single sofa na katabi ni Troy.

"Pero alam mo Aths, napabilib mo ako sa mga hirit mo kanina. Nice one!" umapir ito sa akin.

"I wasn't called Ava Titania for nothing, ikaw ata ang nagturo sa akin non noh?" Muli kaming nag-apir ni Troy.

"That's my girl," nakangiti nitong sabi, "So, what's your plan? Gusto mo bang dumalaw sa Papa mo?"

"Sige, pero magbibihis muna ako. Ayoko magdala ng negativity kina Papa," tumayo ako mula sa kinauupuan at dumiretso sa hagdan paakyat ng kwarto ko.

"Okay, I'll change my clothes too." sumunod naman sa akin si Troy.

Sabay kaming umakyat sa taas at pumunta sa mga kwarto namin.

"I'm Sky's girlfriend, bawal mo siya agawin okay? He's mine."

"I'm Sky's girlfriend, bawal mo siya agawin okay? He's mine."

"I'm Sky's girlfriend, bawal mo siya agawin okay? He's mine."

"I'm Sky's girlfriend, bawal mo siya agawin okay? He's mine."

"I'm Sky's girlfriend, bawal mo siya agawin okay? He's mine."

Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang mga katagang binitiwan ni Zoe kanina. Right in front of everyone, right in front of Sky, right in front of me.

Sinungaling ako kung hindi ko sasabihin na nasaktan ako or nakaramdam ng pain, but I really need to forget and ignore it.

"Focus Athena focus, hindi ka pwedeng magpadala sa emosyon mo. Si Sky Yu? Mortal mong kaaway 'yan. Si Papa mo nasaktan dahil sa pamilya nila, remember that!" Pagpapaalala ko sa sarili ko.

Kumuha muna ako ng damit at pantalon bago nagtungo sa bathroom para maglinis ng katawan.

Habang patuloy pa rin ang paulit-ulit na pagpapaalala sa sarili ko na kaaway ko si Sky, at hindi ko siya pwedeng maging kaibigan.

"I'm Sky's girlfriend, bawal mo siya agawin okay? He's mine."

"I'm Sky's girlfriend, bawal mo siya agawin okay? He's mine."

"I'm Sky's girlfriend, bawal mo siya agawin okay? He's mine."

Habang patuloy ang pagpapaalala ko sa sarili na kalaban ko si Sky, patuloy rin ang pagpaflashback ng mga katagang sinabi ni Zoe.

"Pakielam ko kung boyfriend mo siya? Pagbuhulin ko pa kayo eh!" inis kong sabi habang nagbibihis.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.

"Maganda naman ako eh, mas maganda kesa kay Zoe." Confident kong sabi. "Nagpashort hair, short hair with matching bangs bangs na sampo lang ang hibla, eh hindi naman bagay, maputi lang siya pero mas maganda ako."

"Hindi daw magpapa-apekto, lokohin mo lelang mo Athena Valeen Aragon!"

"Ay pusakal!" Napahiyaw ako nang makita kong nakasilip si Troy sa may pintuan, tinawanan niya lang ako. "Siraulo!" pinandilatan ko siya.

"Galit na galit gusto manakit, ramdam na ramdam ko pagka-inis mo." Pagbibiro pa ni Troy.

"Che! Umayos ka nga, wala kang narinig Christian Troy, ha? Wala and that's final, kaladkarin kita pababa ng hagdan ninyo sige ka." pagbabanta ko pa.

"Sus! Akala mo naman talaga kaya akong saktan. Ako kaya ang nagturo sayo," pagmamalaki nito.

"I know ri--- AWW!" Siyang daing ko nang pisilin niya ang ilong ko.

"Ava Titania ba codename mo? Mas maganda ata kung Avang pango," tumawa ito nang nakakaloko.

Inirapan ko lang siya at itinuloy ang pagsusuklay. Si Troy naman ay humarap rin sa salamin saka inayos ang buhok niya.

"Nameet mo na si Courtney kanina diba?" biglang sabi nito

"Yeah, she's pretty and nice." sagot ko.

"Indeed…" mahiksing sabi niya.

"Gusto mo siya?" tanong ko nang biglang sumagi sa isip ko ang confession ni Courtney.

Nagkibit balikat lang si Troy, babaero ang isang 'to eh. Hindi kayang magtagal sa isang babae, gusto papalit-palit. Medyo nagtitino naman siya ngayon, sa ngayon. Delikads si Courtney sa isang 'to pero ewan, may iba akong nararamdaman. It feels like Troy feels the same way as Courtney.

"Hmmm… ilan na nga ba ulit ang naging girlfriend mo?" tanong ko.

"15? 16? I don't know. Hindi ko naman binibilang eh."

"E 'yung sineryoso mo?" tanong ko ulit.

"Hmmm… lemme think," ani Troy "Dalawa?" hindi pa siya sigurado aa sagot niya.

"Si Yvonne at Ciarra?" tanong kong muli.

"No, it's Emprezz and Yvonne and…"

Aba may pahabol pa, edi sana all gwapo.

"Tatlo pala, si Melissa yung isa,"

"Si Johanna hindi mo sineryoso?" tanong ko ulit, makulit ako eh. Pasensya na kayo ha?

"Alam mo naman na s*x lang ang habol namin sa isa't isa." Diretsahan niyang sabi, walang preno bibig niya.

"Oo nga pala, you court him kasi naiinis ka na sa pagsesend niya ng mag video na nagsasarili siya, tapos after a lot of s*x, you dumped her, napakagaling Troy," sarcastic kong sabi at nagslowclap pa.

"Well, it's not my fault na gwapo ako at malakas ang s*x appeal." pagmamayabang nito.

"Alam mong hindi 'yan totoo, babaero ka lang" pangbuyo ko sa kanya.

"Like what I've said Athena, it's not my fault." muli niyang sabi.

Hinarap ko siya at dinuro, "Hoy ikaw matanda ka na, 24 ka na. Magtino ka na, hindi laruan ang mga babae, okay? If you like Courtney, confess tapos magtino ka. H'wag ka nang timer, bur**at ka" panenermon ko pa.

"Alam mo kung magsalita ka para kang si Ate Trish, bawal mo kong sermonan, okay? Si Tricia Chrisel lang ang pwedeng gumawa nun kay Troy, at saka paano mo naman nasabi na I like Courtney, aber?" hinawakan niya ang kamay ko atsaka mahigpit na hinawakan.

"Pwede kitang sermonan kahit mas matanda ka sa akin at saka isa pa, sayo na nanggaling na gusto mo siya," I raised my right eyebrow and flustered a smug face on him.

"What? Wala akong sinasabi, iayos mo nga 'yang mukha mo!" sinundut niya ako sa noo sa pamamagitan ng isa niyang kamay.

"Kakasabi mo lang Troy!" pagpupumilit ko.

"Wala akong sinabi Athena, atsaka bilisan muna mag-ayos diyan. I'm sure miss na miss ka na ng Papa mo." pag-iiba nito ng topic.

"Yiee umiiwas, ayaw pag-usapan si Courtney." pang-aasar ko pa.

"O sige na, gusto ko na siya. Manahimik ka na, pwede?" biglang pag-amin niya.

"Ahhhh!" sigaw ko saka ako tumawa, "Napaamin ko si Troy! Napaamin ko si Troy!" masayang sabi ko, sana all makulay ang lovelife diba Courtney?

"Saya ka diyan? Parang bata amp*ta," natatawa nitong sabi.

"Ofcourse, wala ka kasing matatagong sikreto sa akin Christian Troy wa--" natigil ako sa pagsasalita nang makarinig kami ng ilang katok.

"Come in, bukas iyan." si Troy ang nagsalita.

Iniluwa ng pintuan si Ate Alice, isa sa mga kasambahay nina Troy.

"Sir, may bisita po kayo. Nasa baba po sina Ms, Courtney, Ms. Vivian at Ms. Amara."pagbabalita ni Ate Alice.

"Wushu! Meron ditong pasimpleng kinikilig. Yabang mo Troy, ikaw pa binibisita ng future girlfriend mo."

"Napaka-ingay mo Athena," sabi niya sa akin bago bumaling kay Ate Alice "Tell them to wait for awhile, serve them food okay?" uto nito.

"Masusunod po," sabi ni Ate Alice saka lumabas.

"Utusero"

"Daldalera"

"Kapre,"

"Dwende,"

"Kawayan"

"Pango!"

"Tabingi ilong"

"Malaki mata"

"Walang mata"

"Gasul"

"Babaero"

"Selosa"

"Wait, kailan ako nagselos?" takang tanong ko.

"Kanina, gusto mo ba imuestra ko sa'yo? Kung paano mo laitin si Zoe?"

Saglit akong napahinto nang bigla kong naalala ang mga sinabi ko tungkol sa buhok at kulay ni Zoe, napatampal na lang ako sa noo ko.

"See? Edi narealize mo." ani Troy

"Tara na puntahan na natin sina bebe Courtney mo sa ibaba," aya ko sa kanya pagtapos kong itali ng papony tail ang buhok ko at isukbit ang sling bag ko.

"O bat mo iniiba ang topic?" tanong niya, inuudyakan niya akong patulan aang pang-aasar niya. "Fight me Athenang pango at flat, fight me!"

"Troy!" sigaw ko dahil napikon na ako. He just hit me on my boiling point.

Tumawa siya bago nagsalita, "I got you there." pinitik niya ako sa ilong.

"Aww! Masakit iyon ah!" Reklamo ko.

"Tara na, puntahan na natin sila Vivian."

Sabay kami na bumaba ni Troy mula sa kwarto papunta sa sala, naabutan namin ang mga babaeng kaibigan ni Troy na nagmemeryenda.

"Athena!!!" masaya akong sinalubong ng yakap at halik sa pisngi ni Courtney.

"Hey!" bati ko rito at bumeso, bumeso rin ako kina Vivian at Amara.

"Pasensya na medyo biglaan, nagulat kasi kami nang bigla kang magwalk out kanina," paliwanag ni Vivian.

"Hala! Sorry napag-alala ko ba kayo?" sabi ko na medyo nagiguilty.

"No, hindi naman. Kaya lang kami nag punta dito kasi may sasabihin si Amara." si Courtney iyon.

"Huh? Bakit?" nagtataka ako kung anong meron at kailangan pa nila akong puntahan.

Tumayo mula sa kinauupuan niya si Amara saka lumapit sa akin.

"Athenaaa, I'm sorry…" maluha-luha niyang sabi at lumabi.

"Huy wag kang umiyak," nagulat ako nang makita ko ang mga luha na pumapatak sa mata niya, yinakap ko siya at sinubukang patahanin.

"I didn't mean to say that, masyado lang akong napush ni Zoe. I am sorry, I really didn't mean to say those things. Hindi ako masamang tao,"

"I know Amara… Please stop crying, wala kang ginawa."

"I'm really sorry Athena…Masyado lang talaga akong desperada na mapansin ni Enrique eh,"

Ohhh so she likes Enrique? Great.

"Shhh… I told you to stop crying. Wala na 'yon, saka ni hindi ko nga inisip yung mga sinabi mo eh." Kumalas ako mula sa pagkakayap saka ko pinunasan ang mga luha niya. "Tahan na okay?"

"Thank you," sabi pa niya.l na humihikbi.

"By the way, mukhang aalis kayo ah. Saan ba gala ninyo?" tanong ni Vivian.

"I'm going to visit my Papa, nasa ospital kasi siya." sagot ko naman.

"Hala, I'm so sorry to hear that." sabi naman ni Courtney.

"No, wala iyon. Sure naman ako na magiging maayos naman ang lagay niya." pahayag ko dahil parang nag-iba ang reaksyon ni Courtney at Vivian.

"Athena, nakalimutan ko yata yung phone ko sa kwarto mo. Iche-check ko lang," pagpapaalam ni Troy.

"Sure sige, pakipatay na rin yung aircon. Thank you," pakiusap ko pa.

"Kagabi nakalimutan mo rin daw patayin ang aircon sabi ni Ate Alice, ngayon nakalimutan mo na naman. Mag-memo plus gold ka nga," biro pa nito.

"Wait, you guys live on the same roof?" gulat na tanong ni Vivian.

"Technically, yes." sagot ko. "But it's a long story."

"To cut the story short, kinailangan kasi ni Athena ng matitirahan dahil sa nangyari sa family niya," si Troy ang sumagot,"Please excuse me," anito saka nagtungo sa taas.

Naiwan kaming apat dito sa sala, yung dalawa mukhang hindi pa makapaniwala na nakatira kami ni Troy sa iisang bahay.

"Athena, I'm sorry to ask you this but wala ba talaga kayong relasyon ni Troy?" si Vivian ang nagtanong.

"Meron," nakita ko ang pag-awang ng bibig nila at paglaki ng mga mata nila, even Amara. "Brother and sister relationship, pwede naman 'yon diba?"

"Woo! Kinabahan ako dun," biglang sabi ni Courtney na napahamak pa sa dibdib.

"Iyon lang naman ang pwedeng maging relasyon naming dalawa. Kuya ko siya, bunsong kapatid niya ako." sagot ko na ikinapanatag ni Courtney. "Nirerespeto ko ang feelings mo Courtney."

"Kung sabagay, o Courtney walang aagaw kay Troy ha. Baka gayahin mo si Zoe at Amara," buyo ni Vivian.

"No, why would I? Sobrang nice ni Athena, immature lang ang mag-iisip ng ganon. And Zoe is a complete definiton of that word," confident na sabi ni Courtney. "Oh... at ikaw rin pala." ngumiti ito at umakbay may Amara.

"Paka bitchesa mo Court," ani Amara

"Na ah, just stating the fact." saad ni Courtney.

"Alam mo Athena, mukha lang mabait si Courtney pero abot hanggang Mindanao ang kamalditahan niyan,"si Vivian iyon.

"True ba?" takang tanong ko.

"You heard it right, ako lang ang mabait sa grupo namin." confident na sabi ni Vivian.

"Objection! Ako yata ang angel ng grupo natin." pagkontra ni Courtney.

"Dahil iyon ang akala ng mga tao sa school natin. They haven't seen your true colors pa kasi Ms. Trina Courtney Mari Dizon," nagtaas pa ng kilay si Amara na kahit mugto ang mata ay binara si Courtney.

"Oh umiyak ka na lang," buyo pa ni Courtney.

"Please excuse me girls, mukhang kailangan ko nang umuwi. My Dad is calling na kasi. Thank you sa pafood Athena," pagpapaalam ni Vivian.

"Sasabay na rin kami ni Amara, may pupuntahan rin kasi kami. Mauuna na kami Athena," ani Courtney.

"Sige, ihahatid ko na kayo." siyang alok ko.

"Hay naku wag na, mas importante ang lakad ninyo ni Troy. Kitakits na lang bukas," bumeso sa akin si Vivian, ganun din ang ginawa nung dalawa.

"Ingat kayo ha," pagpapaalala ko.

"Takot si kamatayan kay Courtney, don't worry." hirit pa ni Vivian.

"Napakasiraulo talaga nitong si Vivian," reklamo ni Courtney, nagpeace sign lang si Vivian.

"Uyy Athena, sorry ulit…" si Amara.

"Wala na 'yun Amara, so… friends?" tanong ko,

"Friends," ngumiti ito at nagyakap kaming muli bago sila umalis.

Nang maka-alis sila ay siya namang baba ni Troy, at nag-aya nang pumunta sa ospital.

Habang lulan ng kotse ay tila nahagip ng mga mata ko mula sa kabilang kotse ang lalaki na tila kapostura ni Sky. Hindi ko na ito ipinaalam kay Troy, ayokong isipin niya na nag-aassume ako na sinusundan kami ni Sky.

"Hey, you okay? You look bad… masama ba ang pakiramdam mo." may pag-aalala sa tono ni Troy.

"Wala naman, don't worry. Siya nga pala, gaano katagal kaya tatagal si Papa sa ospital?" pag-iiba ko ng tanong.

"Siguro kapag nagising na siya, sabi ni Uncle Terrence naoperahan na daw siya kaninang 8am, ang kaso hindi pa siya gumigising," sagot niya .

"Troy, h'wag kang mag-alala ha. Pagkalabas ni Papa sa ospital, maghahanap na agad ako ng bahay namin na lilipatan, may sapat naman na ako na ipon mula pagkakarera eh. Ayokong maging pabigat kami sa pamilya mo," mahinahong sabi ko.

"Tsss, hindi mo naman kailangan eh. Alam mo na nag-iisa na lang ako sa bahay namin. Si Dad busy sa states, ang mom ko wala na, si Ate Trish at Ate Tara may kanya kanya nang asawa. Kahit kailan ninyo gustuhin na tumira doon sa bahay ko ay ayos lang. Remember that I made a promise? Hindi kita pababayaan diba? Pwede kong pakuin ang pangako ko sa iba…" marahan niyang itinitig ang mga mata sa akin at hinawakan ang kamay ko, "pero sa iyo hinding hindi ko magagawang pakuin iyon."

"Fine, fine, lumalabas na naman ang pagka-cheesy mo. H'wag mo nga akong pagpraktisan." tumawa siya saka binitiwan ang kamay ko. "If you like Courtney, tell her..."

Bago kami pumunta sa ospital ay dumaan muna kami sa isang flower shop para bumili ng bulaklak na Carnation, dumaan rin kami sa McDo para bumili ng makakain.

Mabilis lang ang byahe, walang traffic at madali kaming nakarating sa ospital. Nasa private room na ang Papa ko, doon siya inilagay para raw walang kahati

Magkababata ang mga tatay namin ni Troy. Noon ay mas may kaya raw ang pamilya ko kaysa sa kanila, ilang beses nabaon sa utang ang pamilya nila Troy at ang kwento sa akin ni Tita Rina, ang kapatid ng Daddy ni Troy ay ang Lolo Alfonso ko at Papa Enzo ko ang tumulong sa mga Melendez para makabangon. Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ng pamilya nila sa amin. Siguro, isa na rin iyon sa dahilan ng pagtulong ni Troy sa amin.

"Mama!" bati ko nang makapasok kami sa loob ng kwarto. Excited ako na makita ang Mama ko, naroon rin ang Tita Clara ko. Yinakap ko sila pareho.

"Troy, diba ang sabi ko h'wag mong dadalin si Athena dito." dismayado ang tono ni Mama.

"Teka Ma… Bakit po?" takang tanong ko.

"Pasensya na po Tita, alam ko po kasi na namimiss na po kayo ni Athena kaya sinamahan ko siya dito," sagot ni Troy.

"Kahit na! Hindi siya pwede dito. Delikado ang buhay ni Athena, baka balikan siya ng mga tauhan ni Edison Yu." litanya ni Mama.

"Tama si Aileen, Troy. Sige na, ilayo mo na si Athena dito." si Tita Clara iyon, nagtungo siya sa pintuan at binuksan iyon.

"T-Teka, hindi ko maintindihan." napatingin ako sa nakahigang ama ko sa hospital bed.

"Sumunod ka na lang Athena, hindi ka pwedeng pumunta dito." Si Tita Clara ang muling nagsalita.

"Sige na Troy, ialis mo na rito si Athena." utos ni Mama.

"Pero Mama…"

"Sige na, umalis na kayong dalawa!" nagtaas na ng boses ang Mama ko.

"Let's go Athena…" aya ni Troy pero hindi ko siya sinunod.

Patakbo akong yumakap sa nakahimlay na ama ko.

"Athena h'wag nang matigas ang ulo." si Tita Clara iyon.

"Tara na Athena," hinigit ni Troy ang braso ko at marahan akong inilabas mula sa kwarto.

Nagtataka ako kung ano ang nangyayari, hindi ko maintindihan. Bakit ako pinapalayo ni Mama? Bakit ayaw nila akong palapitin sa Papa ko? Ano ang nangyayari?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro