CHAPTER 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


SKY

I want to talk to Athena desperately, I followed all of her social media account without hesitating. Ewan, biglang nag-iba ang ihip ng mundo noong dumating siya at nagpakita sa akin ulit.

I badly want to talk to her…

Athena Valeen Aragon….

Ugh!

You're making me desperate…

"Bro, I have a good news," iyon agad ang ibinungad ni Troy nang dumating siya sa field. "Naalala ninyo si Athena?"

"Yeah, yung batang cute na iyakin." si Noel ang sumagot,

Si Enrique ay tumango lamang, what to expect?

"Anong meron sa kanya?" I asked.

"Well, she's a grown up lady now. And guess what, ipagpapatuloy niya ang pag-aaral sa school natin. I want you guys to welcome her sa squad natin." Troy is smiling from ear to ear.

"Well that's indeed a good news! New girl, new chic!" Si Noel na puro kamanyakan ang iniisip

"Baka gusto mong kumain ng alikabok Angeles! I won't let you touch her!" seryosong sabi ni Enrique.

Himala.

"Oo nga, magstick ka na kay Vivian, para tumagal kayo gaya nila Sky at Zoe, going strong na sila oh"

I was secretly smiling too, well she's my first love at it's been 5 years noong huli kaming nagkita. After hearing Troy's news about Athena, it's indeed a good news. Ang kaso, nabanggit si Zoe kaya bigla akong napa-isip.

"Bakit parang kanina pa tahimik ang Sky namin?" that's my brother, Storm.

"Kuya, Athena is here… nagtransfer siya sa school namin." I answered.

His eyes widened, "Really? Yung batang iyakin na pinipikon ninyo dati?"

I just nod.

"Wow, indeed a good news. Sure ako na lumaki siya na magandang babae. She's indeed pretty noon pa lang," nakangiting sabi ni Kuya

"She is…" mahiksing saad ko.

"Wait, diba crush mo siya?" pahabol na tanong ni Kuya.

"And that feeling is unchangable" I said.

"How about Zoe? Hindi pwede na magkagusto ka kay Athena habang may kayo ni Zoe. You need to make up your mind Sky. Be a man, hindi mo pwedeng hiwalayan si Zoe na walang definite na dahilan. And also, you know na sobrang brat iyon."

"Mabait naman si Zoe, minahal ko naman siya pero iba talaga kapag si Athena."

"Sky, you have to made up your mind. Hindi pwedeng dalawa, dapat isa lang. Mahal mo si Zoe, sure ka sa kanya. Mahal mo nga si Athena, mahal ka ba niya?" My brother said before he left me dumbfounded.

Maybe he got a point. It is battle of past and my present…

TROY

"Troy hijo, may ipapakausap sana ako sa'yo." nilapitan ako ni Tita Aileen, ang mama ni Athena matapos maisakay ni Tito Enzo sa ambulansya.

"What is it Tita? Anything po," sagot ko.

"Troy, pwede mo bang kupkupin muna si Athena? Ipinaalam ko na din iyan sa Daddy mo." pakikiusap ni tita.

"Sure Tita, anything for Athena. Wag po kayong mag-alala ako na po ang bahala sa kanya, aalagaan ko po siya." masayang sagot ko.

"Salamat hijo, at saka isa pa pala. H'wag mo sanang hayaan na makalapit si Athena sa ospital. Alam mo naman ang kalagayan niya, bukod sa mahina ang resistensya niya. Hindi pa kami titigilan ng mga tauhan ni Edison." litanya ni Tita.

Tumango ako, "Naiintindihan ko po,"

"Maraming salamat, alagaan mo ang magiging asawa mo. H'wag mo siyang pababayaan. Alam ko naman na, kahit na pinagkasundo lang kayong dalawa at ipinambayad utang lang namin si Athena asa Lolo mo ay mamahalin mo ang anak ko. Sa iyo ko siya ipinagkakatiwala dahil alam kong kapag kasama ka niya, ligtas ang anak ko. Nag-iisa lang si Athena , Troy. Ayokong magaya siya sa kakambal niyang si Aemie." pakikiusap nitong muli.

Isang yakap ang iginawad ko kay Tita bago ko puntahan si Athena na nasa loob ng isa pang ambulansya.
Matapos naming pumunta sa ospital ay iniuwi ko muna si Athena sa bahay, saka ako dumiretso sa headquarters ng mafia organization na pinamumunuan ng Lolo ko. Kailangan niya ng pahinga, alam kong nakakapagod ang mag-isip, nakakapagod ang posisyon niya ngayon. Ito ang kapalaran ng isang Athena Aragon, nakaguhit na ito sa mga palad niya.

"Ano na boss? Ano na ang susunod na hakbang?" tanong sa akin ng isa sa mga tauhan ko.

Sumimsim muna ako ng kape bago sagutin ang tanong ng tauhan kob"Wala pa, hintayin ninyo na lang ang signal ko.

"Basta sabihan mo lang kami kapag sasaktan rin yung babae ah, kami na ni Gabo ang bahala sa kanya," ngumisi si Miguel na tila nakakaloko at may kamanyakang iniisip.

"Gag! H'wag na h'wag ninyong gagalawin ang babaeng 'yon. She's fcking mine!" nakakapanggalit ang sa tingin ko'y iniisip nila.

"Chill Troy, walang gagalaw sa kanya. Alam namin ang lugar namin," ani Kelvin na isa sa mga kaibigan ko.

"Oo nga, masyado kang mainit brother," pagsang-ayon pa ni Matias matapos niting uminom ng alak mula sa wine glass

"Mabuti ang malinaw,"

"Sayang boss, maganda at makinis pa naman---"

"Troy ptangin!" naibuga ni Matias ang alak na iniinom niya. matapos siyang magulantang dahil sa putok ng baril.

"Gabo! Gabo! Tol gumising ka!"

"Bakit mo naman ginawa 'yon?" siyang tanong ni Kelvin na lalong ikinainis.

"Gusto mong sumunod ha Choi?" tinapunan ko siya ng matalim na tingin at itinutuk ko sa kanya ang baril na hawak ko.

"Bro, bro, easy ka lang!" awat ni Matias.

"Lima ang anak ni Gabo, Troy buntis pa ang asawa niya." si Kelvin.

"Babayaran ko, name their price,"

Normal na sa akin ang humawak ng baril, manakit at pumatay. Wala akong hindi kayang gawin. Kapag nandito ako sa head quarters hindi ako ang Troy na mabait at mapagbiro. Ako ang Troy na marahas at walang inuurungan, kaya kong pumatay ng higit sa isang daang tao.

"Miguel, Tenong, linisin ninyo na ang kalat. Palabasin ninyong nagpakamatay, tapos bayaran ninyo ang mga nakakita. Isa lang sa inyo ang kumanta, patay kayong lahat. Damay pati pamilya ninyo." maotoridad ang pagkakasabi ko. Ako ang boss dito, wala silang magagawa kungdi sundin ang utos ko.

"Hindi ko alam kung ano ang magiging reakyon ng lolo mo kapag nalaman niya ang pinagagagawa ng pinakamamahal niyang apo rito," sinamaan ko ng tingin ang babaeng nagsalita, si Bernice. Naninigarilyo ito habang may hawak na bote ng alak sa kanang kamay.

"Hindi niya kailangan malaman," seryosong sabi ko.

"Pwera na lang kung may magsusumbong," maarte itong tumawa.

"Bernice, shut up!" Kelvin tries to stop her pero matigas ang ulo ni Bernice at pinagpatuloy ang pambubuyo sa akin.

"Oh why my dear brother? Bakit ako matatakot sa isang Troy Melendez? Dahil ba sa kaya niya akong patayin. O c'mon, I'm your grandfather's wife, I have the authority." Bernice really try to provoke me pero hindi niya ako masisindak. "Kumpara sayo, I'm higher than you."

"You're just a mistress, at sa tingin mo ba hahayaan kita?" itinutuk ko sa kanya ang baril na kanina lang ay kumitil sa buhay ni Gabo.

"Sir Troy, excuse me po, si Ms. Athena po nasa kabilang linya,"

Nabaling ang atensyon ko sa sekretarya kong si Daisy, iniabot niya sa akin ang wireless na telepono, tinapat ko ito sa tainga ko. Nanatiling nakatutuk kay Bernice ang baril na hawak ko mula sa kanang kamay ko.

"Here we go, Troy will transform in 3.… 2…. 1…," sabi pa ni Bernice.

"Hello Athena,"

"Troy nasaan ka?" ang malambing na boses ni Athena ang tila nagpalambot sa kaninang bakal kong puso. Ibinaba ko na sa mahabang lamesa ang baril na hawak ko.

"Nasa org, maya-maya lang uuwi na rin ako. May gusto ka bang ipabili?"

"Wala naman, naiinip lang ako dito sa bahay."

Tumingin ako sa suot kong orasan, "Hmm… gusto mo ba mamasyal tayo? Mag-shopping tayo? Maaga pa naman,"

"Alam mo naman na wala akong hilig sa mga ganyang bagay."

"Tell me kung saan mo gustong pumunta at agad-agad rin nating pupuntahan,"

"Wala talaga Troy, medyo malungkot lang ako kasi si Papa at si Mama, saglit ko lang nakita."

"Pauwi na ako, gusto mo magmovie marathon tayo? Bibili ako ng popcorn, tapos sa Movie room mamili ka na ng panonoorin natin okay?"

"Sige, bye…"

That's the last word that I heard from her before she hanged up the phone.

ATHENA

Nang maka-uwi kami galing sa ospital ay patuloy ko pa ring iniisip kung bakit ganoon na lang ang reaction ni Mama nang makita niya ako. Hindi ba siya natutuwa? Bakit kaya niya sinasabi na babalikan ako ng pamilya ni Sky?

"Ituloy ko na lang kaya…" bulong ko saka ko binagsak ang katawan sa malambot na kama. "Si Sky lang naman ang gagantihan ko eh, para naman mapanatag ako…" dagdag ko pa… "Kaso KJ si Troy di niya ako papayagan kasi bestfriend niya ang isang 'yon hmmm…" tumayo ako mula sa kama saka paulit-ulit na nagpabalik-balik sa paglakad. "Ano bang magandang gawin?" animoy baliw ako na kinakausap ang sarili.

Sobra na ang pagkainip ko, hindi naman ako makalabas dahil dinagdagan ni Troy ang mga body guard na nakabantay. Siraulong 'yon, anong balak niya sa akin? Kapag weekends o kaya after school dito lang ako, bubulokin niya ako dito sa bahay. Ano siya sinuswerte

Naisipan ko na lang na magsocial media, malakas naman kasi ang wifi dahil walang gumagamit. Nakareceive ako ng friend request mula kina Courtney at iba pang nga kaibigan ni Troy. Meron akong 3,500 na friend request, 1,700 notificationa at 40 unread messages. Tamad ako magreply eh, pasensya na.

Amara Estrada(Is not interested)- accept

Trina Courtney Mari (Angel Courtney PH) - accept

Vivian Trinidad (only account)- accept

Noel Angeles( da pogi) - accept

Quen Madrigal (Enrique Jose Madrigal IV) - accept

"Sebastian Klark Yu…" usal ko sa buong pangalan ni Sky, pinindot ko ang profile niya, sa bawat pag-scroll ko ay puro tagged post ni Zoe ang nakikita ko, o di kaya naman ay mga picture nila na magkasama sa iba't ibang lugar…. "delete request," ani ko at pinanggigilan ang pagpindot sa delete request button. "Hindi ka bitter Athena Valeen okay? Ayaw mo lang ng toxic sa newsfeed. Magtwitter ka na lang."

Lumipat ako sa twitter, sila pa rin ang nakikita ko na nagfollow sa akin.

@itsmevivian-followback
@courtneydizon-followback
@amaralicious75-followback
@ampogininoel-followback
@enrimadrigaliv-followback

"@skyskysky…" usal ko nang mabasa ko ang username ni Sky, "nope, I won't and I will never." hinayaan ko na lang siya at inenjoy ko ang pagsscroll at pagreretweet hanggang sa may nagnotif sa akin. Isang dm o direct message, agad ko naman itong tinignan "@skyskysky," muling banggit ko sa username, napakamot ako sa likod ng ulo ko. "Ano bang trip nito?" ani ko habang binabasa ang message:

@skyskysky: hi?
@msathenaaragon: hi

Karupok naman Athena Aragon, ano? Kanina lang gigil na gigil ka tas ngayon apura reply. Baka gusto mong magpakipot mun.

@skyskysky: hru?
@msathenaaragon: k lang.
@skyskysky: good….please accept my friend request
@msathenaaragon: ayoko.
@skyskysky: why? i never had a chance to talk to you kanina kasi it seems like umiiwas ka…
@ms.athenaaragon: so?

Iyon na ang huling reply ko pagtapos ay nag-sign out na ako. Medyo naburyong ako kaya naman tinawagan ko na lang si Troy, na agad naman nitong sinagot.

Nasa HQ siya ng El Timur Mafia Org. Malay ko kung anong ginagawa niya doon. Siguro may iniutos ang tito niya. I was an intern sa org pero hindi na ako madalas makapunta. Nagstart ako noong 15 ako, kasi nga sobrang iyakin ko daw at kailangan baguhin ang attitude ko. Noong nag 18 ako last year medyo naglay low ako dahil madalas bumaba ang rank ko sa school. Nagtataka na rin si daddy, I used to cut class kapag may rumble o kaya naman undercover mission.

Napagdesisyonan ni Troy na kapag naka-uwi na siya ay manood kami ng movie para hindi na ako nabuburyong. Nagtungo na ako sa movie room para mamili ng movies na papanoorin, nasa isang libo yata ang cd na nadirito.

Paano ako makakapili? Pero infairness, sorted sila sa kani-kanilang mga genre. Maya-maya lang ay dumating na si Troy, may dalang popcorn at canned soda, meron din yatang nachos at ilang mga sitsirya.

"Nakapili ka na ba?" tanong nito habang ipinapatong sa nightstand ang mga dala niya.

"Hindi nga eh, sa dami nito hindi ako makapili. Alam mo naman na puro documentaries about psychology ang pinapanood ko noon eh." sagot ko habang napapakamot sa ulo.

"At alam mo ring hindi ko forte 'yan." sagot nito at napa-iling. "It's a 'no' tayo sa mga hilig mo,"

"Wow!" manghang sabi ko nang makakita ako ng complete series at movie ng anime na Fairy Tail. "Mahilig ka pala sa ganito. Ito na lang ang panoorin natin," Iniabot ko sa kanya ang cd ng Fairy Tail Movie na Phoenix and the Priesteries.

Agad niya naman itong isinalang at matapos ay magkatabi kaming nanood habang nakaupo sa isang malaking sofabed at kumakain.

We spend the rest of the night watching 5 different movies for 5 hours straight, halos 1 am na kami natapos at napagpasyahan na rin namin na sa movie room matulog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro