CHAPTER 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ATHENA

Nauna akong pumasok sa school kaysa kay Troy  ngayong araw, may aayusin daw kasi siya na importanteng bagay. Maganda na sana ang lahat dahil may pagkakataon ako na maging mag-isa nang biglang may nakasalubong ako na di kaaya-ayang nilalang na may lakas ng loob na harangan ang dinadaanan ko.

"Athena, can we talk?"

"Alis," tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Athena please,for a while lang, kahit 20 minutes lang."

"Ayoko," matigas kong sabi

Para na kaming naghaharangang daga sa ginagawa namin. Sa tuwing nag-iiba ako ng direksyon ay hinaharangan niya ito.

"15 minutes,"

"Ayoko,"

"10 minutes, please Athena,"

"I don't want, period."

"5 minutes last offer,"

"Ano ka si banker?  Ano bang trip mo sa buhay? Plano mo bang palitan si Kris Aquino bilang host ng Deal or No deal? Alis?"

"Please Athena,"

"Ayoko nga Sky! Bakit ba ang kulit mo? Gusto mo ba english? O sige, I don't want to talk to you!" tinaasan ko siya ng boses pero hindi siya natinag, nginitian niya lang ako.

Nag-aadik ba 'to?

"Ibang-iba ka na sa Athena na nakilala ko noon. Five years ago, you were the Athena na nakaka-inis kasi iyak ng iyak but now, you've change a lot. You are now the tough and unbreakable Athena,"

"Ang dami mong sinasabi, tumabi ka nga dyan! Dadaan ako!" pag-uutos ko.

"Athena please, just for a minute let me talk to you," hinigit niya ang kamay ko ngunit agad ko itong tinanggal mula sa pagkakahawak niya.

"Touch me once, I swear babaliin ko lahat ng buto mo sa katawan hanggang sa hindi ka na makatayo!" pagbabanta ko pam

"Ang tapang, I like it. I do admire brave lady like you," ngumisi pa siya.

Nakakaloko na talaga ang isang 'to.

"Hindi na ako natutu---" hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay bigla akong nakaramdam na para bang may humawak na mahigpit sa mga buhok ko. Hindi ko na maalala ang huling nangyari, nakita ko na lamang ang sarili ko na hinahalikan ang lupa

"Zoe!" siyang sigaw ni Sky.

"Touch my boyfriend one more time, hindi lang'yan ang sasapitin mo." sigaw ni Zoe, hindi ko alam kung dinuduro ba niya ako or ano ang hitsura ng panget niyang mukha. Basta ang alam ko lang, ramdam ko ngayon ang pagsakit ng mukha ko, ng pisngi, at ng ilong ko. Naramdaman ko rin ang marahas na pag-yapak ng sapatos ni Zoe sa likod ko.

"Zoe, why did you do that? Are you insane?" Galit ngunit nag-aalala lang ang tono ni Sky.

"She deserves it!"

"No!"

"She deserves it!"

"Stop saying that!"

"Inaagaw ka niya sa akin!"

Sa kasagsagan ng pagtatalo nina Sky at Zoe ay naramdaman ko ang mga kamay na hindi pamilyar sa akin. Unti-unti niya akong tinulungan na makalayo, pinagpag niya ang mga dumi na nasa mukha ko.

Si Enrique…

"Let's go…" mahina netong sabi saka ibinalot sa akin ang jacket na dala niya.

Hindi ko alam, para bang tumigil ang oras dahil nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad habang nakaakbay sa akin si Enrique, hindi ko alam kung saan rin ako dadalhin ng mga paa ko.

Maraming eskinita ang pinasukan namin hanggang da makararing kami sa isang lupain na puro puno, halaman, at isang maliit na bahay ang makikita mo. Bahay sa loob ng school?

"Let's go inside," muling sabi ni Enrique.

Tila may sariling buhay ang mga paa ko na sumusunod lamang sa mga iniuutos niya. Pumasok kami sa maliit na bahay, aakalain mong maliit lang ito sa labas pero napakalaki sa loob. Parang isang condo unit ito.

"Have a sit," ani Enrique, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya naman sinunud ko na lamang siya.

Umupo ako sa sofa, siya naman ay umupo sa lamesita na nasa harapan ko, may hawak siyang bimpo. Akma niyang ilalapat ang bimpo sa pisngi ko ngunit hinarang ko ito

"Let me do it," anito, wala akong nagawa kungdi hayaan na lang siya. "Next time, I don't want Zoe to touch  every single inch of you, I swear hindi nila magugustuhan ang gagawin ko." seryoso niyang sabi.

"H-Hindi mo 'to kailangang gawin," wika ko, habang pinapanood siya.

"Hayaan mo lang ako." anito saka pinagpatuloy ang pag-aalis sa mga putik at buhangin na na sa mukha ko. "Just let me do it for you. Just... just let me protect and save you."

COURTNEY

Vivian, Amara, and I were walking on the hallway, laughing while chitchatting nang may narinig kaming mga usap-usapan sa bawat students na dinadaanan namin. Lahat sila iyon ang topic, they even keep on peeking on their phone.

"Bakit kaya nila pinag-uusapan si Zoe?" tanong ko.

"I don't know, maybe she ranked 1 again overall."sagot ni Amara,

"Hindi pa nga tayo nakakapag pre-finals. Mid-term pa lang day" ani Vivian.

May isang schoolmate namin ang lumapit sa akin, "Ms. Courtney, nabalitaan na ba ninyo yung nangyari kanina?" tanong niya.

"No, tell me what happened?" takang tanong ko.

"Diba po may transferee dito? Yung babae po na kasama ninyo po kahapon?"

"Si Athena?" si Amara ang nagtanong.

"Not sure po pero baka nga po siya," sagot ng babae.

"What about her?" tanong muli ni Amara.

Iba ang kutob ko, ayoko lang magsalita at magreact ng OA. Iba na rin ang kabang nararamdaman ko.

"Si Ms. Zoe po may ginawang masama sa kanya kanina."

Nagpanting ang mga tenga ko sa narinig ko. At hindi ko napigilan na tumaas ang boses,

"Anong ginawa ni Zoe?"

"Uhm…"

"Ano?"

"Courtney, calm down,"

"No Vivian, tell me Leslie. Anong ginawa ni Zoe kay Athena?"

"E-Eto po…" iniabot ni Leslie sa akin ang cellphone niya.

Kinuha ito ni Vivian at pinanood. Nakita namin sa video ang pagsabunot ni Zoe at ang pag-ikot ng katawan ni Athena, bumagsak ito sa lupa. Matapos iyon ay dinuro at inapakan pa ni Zoe si Athena, si Sky naman ay pinipigilan si Zoe.

Nakaramdaman ako ng galit at pagka-inis. Kinailangan ko lang maging kalmado dahil alam ko na kapag hinayaan ko ang galit ko, wala rin akong pinagkaiba kay Zoe.

"Where is Athena?" iyon na lamang ang namutawi sa labi ko.

"Kinuha siya ni Enrique, hindi ko alam kung saan dinala." sagot ni Leslie,

"Kailan pa ito nangyari?" tanong ni Amara.

"2 hours ago po Ms. Amara, mga around 6:30" sagot ni Leslie.

Kanina pa pala, I peek on my wrist watch 20 minutes na lang at magsisimula na ang first class namin.

"May nakakita ba sa inyo kung saan dinala ni Enrique si Athena?" tanong ni Troy na kararating lang.

Umiling lang si Leslie.

"F*ck!" angil ni Troy at napahilamos sa mukha, "I shouldn't let her…"

"Let her what?" tanong ni Vivian,

"Go to school on her own," diretsang sagot ni Troy.

"We trust Enrique naman diba? I'm sure nasa safe place naman si Athena diba?" pilit na ngumiti si Amara.

"Kahit kaibigan natin, pwede nating pagdudahan. Lalo't tatahi-tahimik si Enrique, hindi natin alam ang takbo ng isip niya."si Vivian iyon.

"You got a point Viv, he's the main suspect," I saw him cracking his knuckles.

"Teka Troy, hindi tayo pwedeng magbintang. Enrique is our friend," si Amara iyon.

"Not until he lean his hand on Athena, Amara. I won't let him," si Troy iyon, halatang galit siya.

"Tama naman si Amara, Troy. Hindi tayo pwedeng magbintang agad, kaibigan natin si Enrique. And it seems that he is a nice guy since day 1," paninindigan ko.

"Are you saying that you trust that freaking Madrigal than me, Courtney?" tinapunan ako ng masamang tingin ni Troy.

"No… Ang sinasabi ko lang naman--" hindi niya ako pinatapos.

"Then you will coming with me, we will going to find Athena and that f*cking Enrique. Amara, Vivian magpatulong kayo kina Sky at Noel, sabihan ninyo na kailangan nating hunting-in si Enrique," ani Troy at hinigit ang braso ko.

"Troy, hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos!" sabi ko habang kasabay siyang tumatakbo.

Mabilis ang puso ko, this is the first time na para bang may something between us pero hindi ko pwedeng isipin kasi si Athena at Enrique nawawala. I need to become selfless for Athena.

Itinatak ko na sa puso ko na kung sino man ang taong malapit sa puso mo Troy ay magiging malapit na rin sa puso ko.

I love him, more than anyone else.

Ilang minuto na rin kaming naghihintay at naghahanap, hanggang sa maaninag namin ang pigura nila Athena at Enrique. Narinig ko na ang pagpapatunog ni Troy sa mga daliri niya, his face darkened too.

Galit na galit siya, mahahalata mo ito kahit hindi siya nagsasalita.

"Troy…"

"Courtney kapag lumaban si Enrique, ilayo mo si Athena please…"

"H-Huh?"

"Just do it Court, can I count on you?"

Napatango na lamang ako.

ATHENA

Kanina pa ako naka-upo sa sofa, halos mag-init na nga ang pwetan ko rito. Si Enrique naman ay hindi nagsasalita, madalas ay nakikita kong sumusulyap ito sa akin, kungdi naman ay nagbabasa ng libro.

"Do you want anything?" tumayo ito mula sa maliit na sofa.

"Wala naman," sagot ko.

"Coffee? tea? cake? Name and I'll buy it." muling tanong niya.

"May pasok ako na ako ng 9:10, first period namin. Aalis na ako," tumayo ako at akmang aalis.

"No, stay…" matigas na sabi ni Enrique. "Stay here,"

"Hindi pwede, mamaya na lang siguro."

"My pet died…" malungkot na sabi niya.

Huh? His pet died?

"It's crazy but I'm mourning about her death. She's a pusang kalye, her name is Kira…" nakita ko na tila nagingilid ang mga luha niya.

I walk towards him and hug him.

"Sana makatulong," I can feel that he also hug me back. "Enrique, I promise to mourn with you… pero kasi I think we need to attend our class…"

"Give me a second just…just 30 seconds…and then I will accompany you on your first class."

"No, no, hindi na kailangan…"

"Please Athena…"

"Fine… sige…"

Matapos ang 30 segundo ay tumayo na si Enrique, kumalas na rin siya mula sa pagkakayakap ko. Nauna ako na lumabas sa bahay dahil inilock niya muna iyon. Muli akong tumingin sa relo ko, 15 minutes na lang ang meron ako para makapunta sa room.

Minadali ko na ang paglalakad, sinabayan naman ako ni Enrique. May kalayuan rin ang lugar na iyon, pero sure ako na nasa loob lang iyon ng university. Astigin pero di ngayon ang panahon para mamangha.

Maka-ilang ulit akong tumingin sa relo ko, medyo naaaninag ko na ang building namin. Naaaninang ko na si….

TROY?

Tama si Troy at si Courtney…

Papalapit sila sa amin.

Teka…

sh*t….

"Troy!!/Enrique!!" sabay kaming napasigaw ni Courtney nang undayan ng sapak ni Troy si Enrique.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko kay Troy pero hindi niya di ako pinansin. Galit na galit ang hitsura niya.

"Anong balak mo kay Athena? Sumagot ka!" pasigaw na tanong ni Troy.

Si Enrique naman ay hindi nagsasalita, napahawak lang siya sa panga niya.

"Enrique may dugo!" nagpanic ako ng makita ko ang kulay pulang likido sa gilid ng labi niya. Nakaramdam ako ng panginginig at panghihina.

Mayroon akong Hemophobia or fear of blood, matic na hinihimatay ako kapag nakakakita ako noon.

Pilit kong inilagay ang sarili ko sa mabuting kalagayan, nilalabanan ko ang takot ko na 'yon pero….

"ATHENA!!!" ang pagsigaw nina Courtney, Troy at Enrique ang huling narinig ko.

COURTNEY

Nagkainitan kanina sina Troy at Enrique, natigil lang sila nang himatayin si Athena sa harapan nila. Ako ang pinagkatiwalaan ni Troy na magbantay kay Athena, ipinatawag kasi sila sa dean's office.

"She'll gonna be okay," sabi ni Nurse Mary na tumitingin sa kanya.

I sigh in relief. "Thank God,"

"Kailangan niya lang magpahinga for another 1 hour, pwede ka naman bumalik sa room if you wanted."

"No, I'll stay with her"

"You sure?"

"Yes po, ako nang bahala."

"If you insist, please excuse me I have to go," anito bago umalis.

Pinagmasdan ko ang nahihimbing na si Athena bigla kong naisip na siya ang mga tipo no Troy, maganda, mabait, astigin at matalino. Sino lang ba ako? Si Courtney na vlogger, wala pang napapatunayan.

si Courtney na tumutulong sa mga stray cats and dogs,

si Courtney na masaya…. outside

…Si Courtney na…  hindi magawang masabayan ang mga kapatid.

Si Courtney na never umakyat sa stage to receive a medal.

Compare to her, I'm nothing. Base sa mga post niyang picture online, she graduated valedictorian in elementary, overall rank 1 in junior and senior high school. Compare sa akin, I might have the beauty pero wala akong talino na gaya niya. Umaasa ako sa average na IQ na meron ako.

I already accepted that I will never be Athena. Siguro, I will just treat Athena as an inspiration.

I wanted to graduate with flying colors, kasi kahit gaano ako kakilala or kapopular among others, hindi magawang maging proud ng parents ko kasi they have a daughter na mahina ang utak.

"C…Courtney…"

"You're awake!"

"W-Where---"

"Infirmary, hinimatay ka kanina after seeing Enrique's blood. Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko.

"Okay na ako…" sagot ni Athena, nagulat ako nang bigla niyang punasan ang pisngi ko. "Bakit ka umiiyak?"

"Huh?" ginaya ko ang ginawa ni Athena, I also wipe my cheeks. May luha nga…

"You okay?" worried ang mga mata niya.

"Don't worry okay lang ako," muli kong pinunasan ang mga pisngi ko. "Wag mo kong alalahanin,"

"You can count on me, Courtney. I promise not to spill your secrets," ngumiti siya at sumandal sa pader na nasa ulunan niya.

"I just want to be you,"

Tinignan niya ako na para bang nagtataka.

"Kasi… Last night, bago kita i-add nagstalk ako sa profile mo sa facebook. And I saw na you are a consistent honor student, and you also have a proud parents…" Kinuha niya ang kamay ko at pinisil ito.

"Continue,"

"Hindi ako matalino, maganda lang ako," peke akong tumawa nang malakas.

"Stop faking it," seryosong sabi niya.

"Sorry…"

"I think you're brilliant…"

"I'm not… alam mo ba yung huling award ko na nasa top ako ay kinder pa, top 6 ata ako nun kasi binibigyan ko ng chocolate at kung ano-ano pa yung teacher ko kasi tanggap ko na bobo ako . Tapos yung mga award ko pang nung elementary is yung mga most cheerful, most honest, most generous, most attentive, kasi nagrerecitation ako kahit alam kong mali yung sagot," muli akong tumawa nang peke.

"I said stop faking it, maganda ka indeed. You are also smart, yung mga most na nakukuha mo? Iyon ang isa sa mga mahihirap na awards Court, that means you aren't just beautiful outside you are also beautiful inside. You have a good heart Courtney. Studying and going to school is not just about being brilliant or being the best in academics. You will also learn life lesson from others, friendship, forgiving, camaraderie, and such "

Nag-unahan na tila rumaragasang tubig sa waterfalls ang mga luha ko.

"Why are you crying?" natatawang sabi niya.

"I got overwhelm because of the compliment that I just… receive from you…" natawa na rin ako habang pinupunasan ang mga luha ko.

"I'm so proud of you Courtney…"  umusad siya papalapit sa akin saka niya ako yinakap. "I'm so proud of you..."

Having a friend like Athena, para kang nagkaroon ng sariling diyamante.

"A-Athena..."

"Lahat naman tayo may hardships at struggles at lahat nang 'yon pwede mong harapin at tapusin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro