CHAPTER 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 1


THURSDAY morning. Inaantok pa si Kyle habang inaantay ang pagbabalik ng kaibigan niyang si Jake galing California. Naka halumbaba siya habang nakaupo sa upuan ng viewing area kasama ang ibang nag aantay roon. Its only 5 am in the morning. He should be on his bed, sleeping, dahil ang pasok niya sa office niya ay 7 am.

Hindi niya naman dapat susunduin ito. Ngunit mapilit ito at gusto talagang magpa sundo sa kanya.

'He actually likes to annoy me'

Di niya lubos maisip kung bakit nag public plane ito. Alam niyang may sariling eroplano ang kaibigan, at iyon ang palagi nitong ginagamit kapag aalis ito patungong ibang bansa. Nawe weirduhan na siya sa kaibigan niya at kaunti nalang ay masasapok na niya talaga ito

Nag antay pa siya ng 20 minutes bago tumayo saka nagpasyang tawagan ang kaibigan. Ilang segundo ang lumipas saka nito sinagot ang tawag niya

"Hey J, saan ka na?" Tanong niya rito habang nakatingin sa labas

"Mag antay ka bro, kita mong marami pang pasahero"

"Geh, Dalian mo ang tagal tagal mo, may pasundo sundo ka pang nalalaman. Bakla ka talaga"

"Fuck you" mura nito saka pinatayan siya ng tawag

Nailing iling nalang siya ng patayan siya nito, pikunin talaga

Lalakad na sana siya ng may masanggi siyang bata. Nakasuot ito ng headphones at mukhang may hinahanap. Tumingala ito sa kanya, doon niya lang napansin ang itsura nito. The little boy reminds him of himself when he was young

"Hey kiddo" tawag niya rito

Napatingin ito sa kanya "Have you seen my mom?" Tanong nito sa kanya "I can't find her, there's a lot of people here" dagdag nito

Umiling siya "I don't know who's your mother and what she look like" wika niya rito "tell me what's her name then I'll help you to find her" dagdag niya

Nakamasid lang siya rito habang inaalis ang headphone na suot nito. Saka tumingala sa kanya "you sure?" Tanong nito, he nodded "you're not gonna kidnap me right?"

"Why would I do that? Do you think I'm a bad guy?"

"Yes" sagot nito

Napaawang ang labi niya dahil sa sinabi nito. 'What the hell'

"What's your name mister?" Tanong nito

"I'm Kyle Justin Park" sagot niya rito "you can call me kuya kyle or Mr. Park--"

"--Or daddy" putol nito sa sinabi niya "you're my father right? We're look alike, I'm the small version of you" dagdag nito "I'm Julien Kyler Park, I'm six years old. My mother's name is Celine Franco"

Nagulat siya dahil sa pinagsasabi nito. Di niya alam kung ano ang pinagsasabi ng batang iyon, kung paano nito nalaman ang pangalan ng ex niya. 'It must be other woman' kumbinsi niya sa sarili dahil alam niyang may kapangalan rin ang ex niya

"Are you kidding me young man?" Salubong na kilay na tanong niya rito

Umiling ito saka humawak sa kamay niya "let's find my mom, dad" wika nito saka hinila siya

He's speechless. Napatingin ulit siya sa bata habang hila hila siya nito. It's impossible for him to have a son dahil hindi niya naman kinakama ang mga babaeng nagiging fling niya. At isa pa, wala ring nangyari sa kanila ng girlfriend niyang si Celine noon. Kung magkaka anak man siya rito, dapat ang age na ng magiging anak nila ay around 11 or 12 years old. This kid is only 6 years old, at talagang hindi siya naniniwala na anak niya ito.

'I think, Red is his father or anak siya ng ibang kaapelyido ko'

Tahimik lang siya habang sinasamahan itong maghanap. Biglang tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon at sinagot ang tawag "Ne?" Yes?

"Nasaan ka na? May kasama ako, bro magugulat ka kapag nakilala mo, promise" wika ni Jake sa kabilang linya

Hinatak siya nung bata paliko dun sa kabilang daanan, "brad may kasama akong bata, bilisan mo na antagal tagal mo sa susunod wag ka na sa---" naputol ang sasabihin niya ng biglang bumitaw sa kanya ang bata saka tumakbo, sinundan niya ng tingin ito

"Mommy!" Masayang wika ng bata habang nakayakap sa nanay nito. Hindi niya masyadong makita ang mukha ng babae dahil nakaladlad ang blonde-ng buhok nito at naka side view

"Yo, KJ!" Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Nakita niya ang masayang mukha ng kaibigan niyang si Stephen. Kasama nito si Jake at Chester na madilim ang mukha sa di malamang dahilan. "Long time no see, Mr. Kill joy" sabi ni Stephen sa kanya saka umakbay ng makalapit ito

Tinanggal niya ang pagkaka akbay nito sa kanya "Kill joy my ass" aniya saka inirapan ito at tumingin kay Jake na nakalapit na sa kanila "Saan na yung sinasabi mong magugulat ako? Eto na ba yon?" Tanong niya saka tinuro sina Stephen at Chester

Natatawang umiling si Jake "Actually, kasama namin siya kanina. But something happened, kailangan niyang hanapin yung anak niya" paliwanag nito

"Tutulungan sana namin siya sa paghahanap" sabat ni Chester "Pero sabi niya wag na daw dahil baka maka abala siya samin" dagdag nito

"You'll be happy if you met her" sabi ni Stephen habang tinataas baba ang kilay

Napangiwi siya ng makita ang mukha ni Stephen "Itigil mo yan. Badtrip ako, kulang ako sa tulog" aniya

Napadako ang tingin niya dun sa pwesto ng bata at ng nanay noting may blonde-ng buhok. Wala na ang mga ito roon. Tumingin siya ulit kina Jake "Tara uwi" yaya niya sa mga ito "May pasundo sundo pang nalalaman, para kayong bakla" reklamo niya saka kinuha ang isang maleta ni Jake

"You should call Toffer" biglang sabi ni Jake sa kaniya habang naglalakad sila papuntang parking lot

Nangunot ang noo niya 'why would I talk to him? As far as I know, he's mad at me because I'm the reason why his sister died 12 years ago'

"For what?" Tanong niya "To apologized again for what I've caused to his sister?" Bitterness filled his voice.

Di naman siya sinisisi ni Toffer sa pagkamatay ni Celine. Accident happens all the time, yun ang sabi nito sa kanya. Pero alam niya mismo na sinasabi lang iyon ng kaibigan dahil ayaw nitong sisihin niya ang sarili niya. Pero hindi niya talaga maiwasan na hindi sisihin ang sarili niya dahil siya ang kasama ni Celine nung araw na iyon.

Umiling ito "That's not what I mean" sabi nito "what I mean is, you should call him and ask for an explanation"

"Explanation for what?" He asked nonchalantly.

Napabuntong hininga ito bago pumasok sa sasakyan niya "He lied to you" sagot nito. "ah, never mind. Sa kanya ka nalang mag tanong, gisingin mo ako kapag nasa Paradise Village na tayo" pagche- change topic nito saka sumandal at ipinikit ang mata

Habang ang dalawa ay nandun naka upo sa backseat at tulog na rin

Napailing nalang siya ng makita ang itsura ng mga kaibigan niya "Kaya pala nagpa sundo kasi gagawin akong driver, tch" aniya saka nagdrive "nice"

"KUYA bakit ba pinapapunta mo ako sa bahay ni President? Nahihibang ka na ba? Magka away kami remember?" Frustrated na tanong ni Celine sa kuya niyang si Toffer habang kausap ito sa telepono.

Rinig niya ang pagbuntong hininga sa kabilang linya "Princess, puntahan mo siya" sabi ng kuya niya. "he deserves to know that he has a child" mahinahong dagdag nito.

"He's not the father of my son, kuya" giit niya. "I don't even remember that I'd slept with him before" frustrated niyang dagdag saka napasuklay ng kamay sa sariling buhok.

"How would you know eh inoperahan ka nga sa utak 3 years ago" Di nito maiwasang hindi maging sarkastiko habang kausap siya "you've lost your memory. Isa sa mga memoryang yon ang kasama mo siya kaya di mo alam kung anong relasyon niyong dalawa" paliwanag nito.

Napabuga nalang siya ng hininga at hindi na nakipagtalo sa kapatid. Mas may alam ito kaysa sa kanya dahil buo ang memorya nito, di katulad niya na kulang kulang.

"Medyo malayo nga lang ang bahay ko sa bahay niya. Mga 8 blocks away I think? Well, you can ask the guard ng Paradise Village para malaman mo" wika nito "Naiintindihan mo ba ako Celine?"

"Oo" sagot niya saka umirap, di naman kasi siya nito makikita dahil wala naman ito sa tabi niya

"Good" sabi nito "Okay, I have to hung up now. Send my apologies to Kyle, and tell to my niece that I have a gift for him when I came back. Bye princess, big brother loves you" Paalam nito sa kanya.

"Cheesy" nakangiwing aniya, narinig niyang tumawa ang kapatid "Bye kuya. End your cheesiness, it's gross. Keep safe, love you" Paalam niya rito bago nito pinatay ang tawag.

Pagkatapos niyang operahan sa ulo 3 years ago. Tanging Kuya at magulang niya lang ang nagbabantay at na bisita sa kaniya. She surprised that she has a son. A cute little boy named Julien Kyler Park. Di niya alam kung bakit ka-apelyido nito si Kyle, sabi ng kuya niya ay siya na raw ang bahala kung paano niya malalaman.

Napabuntong hininga siya saka tumayo. Katutulog palang ng anak niya dahil napagod ito sa biyahe. Pupuntahan niya muna si Kyle saglit bago dumiretso pa grocery para mamili ng kakainin at gagamitin nila ng anak niya

Lumabas siya ng bahay. Habang naglalakad ay nakatanggap siya ng mensahe galing sa kaibigan niyang si Nathan

From: Nathan

You know where's my house right? Mula sa bahay ko, pag nalagpasan mo yung dalawa pang bahay dun na yung bahay ni Mr. Park. Kulay dark red yung kulay ng gate

--

Napatango tango siya, I see. She replied back.

To: Nathan

Got it, Thanks

--

Pagtapos niyang isend yun ay nagtuloy tuloy na siya sa paglalakad. Dapat pala ginamit niya yung e-bike ng Kuya niya para mabilis. Kaso malayo layo na rin ang nalakad niya kaya didiretso nalang siya.

Malawak ang Paradise Village, yun ang unang pumasok sa isip niya, maganda rin ang ambiance at may mga puno rin. May mga nagtataasang bahay, may cafe, clinic at mayron ring playground. Paniguradong matutuwa ang anak niya dahil may kalaro na ito.

Nang makarating siya sa bahay ni Kyle ay nag doorbell siya agad. Kaylangan niyang magmadali dahil mag go grocery pa siya.

Nagtingin tingin muna siya sa paligid habang inaantay na bumukas ang gate. Narinig niyang bumukas yon kaya tumingin siya sa nagbukas.

Bakas ang gulat sa mukha ni Kyle "What the--" di na nito naituloy ang mura dahil tinakpan niya ang bibig nito.

"Wag ka ngang mag mura, marinig yan ng bata" saway niya rito. May buhat kasi itong bata.

Gulat parin itong nakatingin sa kaniya

"Celine"

________
[Edited]
09/06/23

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro