CHAPTER 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 2

NAPABUNTONG hininga si Kyle habang buhat buhat ang anak na babae ni Harry. Sa kanya kasi ito pinabantay dahil manganganak nanaman ang misis nito. At dahil siya lang ang may pansamantalang free time sa kanilang magkakaibigan, sa kanya iniwan ni Harry ang dalawang bulinggit.

Sinabi niya sa sekretarya niya na hindi muna siya papasok for 1 week dahil nga sa magbabantay siya ng bata. Makulit ang dalawang bulinggit na pinabantay sa kanya, Alam na Alam niya iyon dahil saksi siya sa pagka stress ng kaibigan niya. 'At ngayon, ako naman ang maiis stress' -_-

Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Dustin para magtanong. Pagkatapos niyang makausap ito ay napatingin siya kay Hershey---yung batang buhat niya na nilalaro ang buhok niya. 'Bakit ba bigla ko nalang gustong magkaanak ng babae?' aniya sa isip habang hinayaan ang bata na laruin ang buhok niya. Ni wala nga siyang matinong girlfriend tapos gusto niyang magka Anak ng babae, how funny

Napakunot ang noo niya ng marinig niyang may nag doorbell sa labas. Tumayo siya saka tiningnan kung sino iyon. Wala naman kasi siyang ine expect na bisita. Kung kaibigan man niya yon, hindi gagamit ng doorbell ang mga yon at basta basta nalang susulpot sa harap niya

Binuksan niya ang gate. Bumadha ang gulat sa kanyang mukha. Natulos ang katawan ng makita ang taong nag doorbell kani kanina lang.

"What the--" di na nito naituloy ang mura niya dahil tinakpan nito ang bibig niya

"Wag ka ngang mag mura, marinig yan ng bata" saway nito sa kanya.

Gulat parin siyang nakatingin rito. Hindi siya pwedeng magkamali, si Celine ang nasa harapan niya. Alam na alam niya iyon dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. Si Celine lang ang babaeng may kakayahang patibukin ng mabilis ang puso niya. Kahit nag iba ang kulay ng buhok nito at naging matured tingnan, alam niyang si Celine yon.

"Celine" mahinang sambit niya ng pangalan nito

Ngumiti ito sa kanya "Hi Pres, long time no see" kaswal na bati nito sa kanya "Sabi ni Kuya puntahan raw kita and---" napakagat nito ang labi saka napatungo. Inintay niya ang karugtong ng sasabihin nito ngunit hindi na ito nagsalita

Doon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan ito at yakapin ng mahigpit. God knows how much he missed her. Di niya maiwasang hindi mapaluha dahil sa babaeng kayakap niya. "God, Celine" aniya saka hinalikan ito sa noo "I missed you so much" saka niya pinagmasdan ang maamong mukha nito

He's so happy na makita ito. He thought she's dead, he saw her coffin 12 years ago but it was closed. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harap niya ito ngayon.

Kumalas ito ng yakap sa kanya "Bakit ka naiyak? Hala iyakin ka na Pres" tanong nito habang pinupunasan ang luha niya.

He chuckled. "I'm not crying, I'm just happy to see you again. Celine" nakangiting aniya.

"To kyle, gay" biglang sabi ni Hershey saka kinurot ang mukha niya "a-aray fuc---" bago pa siya makapag mura ulit ay kinuha nito ang bata sa kanya at tinakpan ang bibig niya "sabi nang wag magmumura, kulit mo rin no" tumalim ang tingin nito sa kanya

Ngumiti pa rin siya kahit matalim ang titig nito sa kanya. Nilapitan niya ito ulit saka niyakap. "Namboboso ka ata Pres, bitaw" Ani nito ngunit di siya sumunod. Sa halip ay hinigpitan niya ang yakap rito "I need a lot of explanation, mula sa inyong dalawa ng kuya mo" aniya habang yakap ito. "you have no idea kung gaano ako kamiserable ng sabihin nilang namatay ka"

Napatingala ito sa kanya, mas matangkad siya rito kaya kaylangan talaga nitong tumingala sa kaniya. Hindi niya mabasa ang expression nito at hindi narin nagsalita.

"Don't leave me again, Celine" mahinang sabi niya at hinaplos ang mukha nito. "Di ko kakayaning mawala ka ulit" pagtutuloy niya.

-

"SO, HINDI mo 'to anak?" Tanong ni Celine kay Kyle, buhat niya ang batang karga ni Kyle kanina. Habang namimili sila ng mga pagkain at kakaylanganin nila ng anak niya.

Nakangiting umiling ito "Do I looked like the father of that kid?"

"Hindi. Kasi ang ganda nung baby" sagot niya at kinuha yung tatlong rolyo ng tissue "Saka di bagay sayo, pala mura ka kase" nakangiwing dagdag niya

"what the fuc---" binato niya ito ng dishwashing liquid na nadampot niya "aray naman!" Reklamo nito saka tiningnan siya ng masama

"Wag na wag kang magmumura kapag may kasama kang bata" saway niya rito at pinanlakihan ito ng mata "you're a bad influence, you know?" Saka niya ito inirapan

"I can't help it" dipensa ni Kyle "It will always be a part of me, sanay ako magmura---" naputol ang paliwanag nito nang sumabat siya.

"Not enough reason" aniya saka kinuha ang bote ng shampoo "Well, as far as I remember, di ka palamura before. Ngayon lang" dagdag niya

Maya maya ay tumahimik ito. Napansin niya ang titig nito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay "What?" She asked

Umiling ito. "Nothing" sagot nito "I just wondering why you can't remember our past" he suddenly mentioned their topic earlier "It saddened me you know. I mean-- we're in a relationship, tapos bigla mo nalang ako iniwan" humina ang boses nito na bakas rin ang lungkot.

Huminga siya ng malalim habang naglalakad sila "Look Pres, Half lang ng nakaraan ko ang naaalala ko. My childhood memories hanggang sa nag aral ako sa SSU" kwento niya rito "Si Kuya ang makakapag paliwanag sayo ng buong nangyari sakin. From the moment when I left up until now, I don't remember that 'we're' in a relationship before. Pero aalalahanin ko hindi para sayo, kundi para sa sarili ko" mahaba niyang litanya. Hindi niya na mabasa ang emosyon nito. Nakatingin 'to sa kanya pero parang malalim ang iniisip

"Okay na 'to" pagkuha niya sa atensyon nito "ikaw? May bibilhin ka pa?"

Umiling ito "wala na" sagot nito saka nginitian siya "Tara" saka nito tinulak ang shopping cart papunta sa counter

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas sila ng Grocery. Marami rami rin ang pinamili nila, tig dalawang malaking plastic bag

Habang nagda drive ito ay sinusubuan niya ng Ice Cream ang batang kasama nila. Siya rin ay nakain ng ice cream. Napatingin siya kay Kyle na seryosong nagmamaneho

"Gusto mo?" Alok niya rito

Tumingin ito saglit sa kanya "I can't, nagda drive ako" sagot nito.

"I'll feed you" aniya dahilan para gulat itong mapatingin sa kanya. Kahit siya ay nabigla rin sa sinabi niya, dapat hindi niya sasabihin yon pero lumabas nalang bigla sa bibig niya.

Kita niyang napangiti ito "okay"

Nag scoop siya ng Ice cream saka isinubo yun kay Kyle habang nagmamaneho ito. Celine felt like she had done it before. A flash of memory comes into her mind.

It was Kyle and her, walking towards the entrance of grocery store.

' "sa tingin mo makakain ko yan ng may buhat ako" inis na tanong ni Kyle sa kanya habang naglalakad sila palabas ng grocery

Inirapan niya ito "Anong gusto mong gawin ko? Subuan kita?" pilosopong tanong niya kay Kyle

"ano pa nga ba. Ang slow mo naman" sabi nito

Kumuha siya ng 2 plastic na kutsara, kay Kyle yung isa, tapos sa kanya naman yung isa pa. 'ano siya sinuswerte? Siya lang susubuan ko? Syempre kakain rin ako no' wika niya sa isip

Pinagshare-an nalang nila yung ice cream na binili nila.'

Nagulat siya ng may pumatak na malamig na likido sa hita niya "Ayy!" Nakita niyang tumapon ang Ice cream sa hita niya

"You're spacing out" sabi ni Kyle at inabutan siya nang box ng tissue

Napangiwi siya. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa pagkahiya. "Ah, yeah sorry" sabi niya nalang saka pinunasan ang likido sa hita niya

'My memory?'

.

AFTER ONE week, natanggap si Celine sa isang school bilang isang Pre-school Teacher. Ang anak niya namang si Julien ay sa SSU pinapasok ng kuya niya. Kuya niya na ang nag ayos ng requirements dahil biglaan ang pag uwi nila ng pilipinas.  Thankful siya dahil tinutulungan siya ng kapatid.

Nag ikot ikot siya sa loob ng classroom. Tinitingnan ang ginagawa ng mga estudyante niya. Natutuwa siya dahil kahit magtatatlong araw palang siyang teacher ng mga ito ay ayos naman ang pakikitungo ng mga bata sa kanya.

Tapos na ang klase at naglalakad siya papunta sa SSU. Kinuha niya ang cellphone niya at nagdesisyong tawagan ang anak. After ilang ring ay sinagot nito ang tawag niya.

"Asan ka na?" Tanong niya rito

"We're almost there mom" sagot nito

Napakunot ang noo niya, 'sinong kasama non?'. "We're? Sinong kasama mo Julien?"

Nagulat siya ng biglang may bumusina sa gilid niya. Napatingin siya at nakita ang sasakyan ni Kyle, nakasakay ron ang anak niya.

"I'm with dad, mom" sagot ng anak niya bago nito patayin ang tawag. Nakangiti ito sa kanya habang katabi si Kyle

'With his dad?'

________
[Edited]
09/06/23

HAZELEVIIIII




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro