CHAPTER 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 3

"Why did you call your Tito Kyle ng Daddy?" Tanong ni Celine kay Julien ng makauwi sila sa bahay ng kuya niya.

"Mom, sabi po ni Uncle Toffer si Tito Kyle ang Daddy ko, that's why I call him daddy" paliwanag nito

Napahilot siya ng sentido niya. Sumasakit ang ulo niya dahil sa kuya at anak niya. She didn't know why her brother told her son that Kyle was Julien's father.

"Mom, dad saw me at school. He was talking with his friend then he called me 'nong nakita niya ako" kwento nito at sumandal sa sofa. "I'm happy because he was there, he also told me na susunduin niya ako." Bakas ang saya sa mukha nito. She doesn't have a heart to remove that emotion on her son's face. "Please mom, don't get mad anymore. I just want to be with my Dad" pagmamakaawa nito.

Napabuntong hininga siya habang nakatingin sa nagmamakaawa nitong mukha. She knows that what happened earlier is not right. Hindi niya pwedeng ipaako kay Kyle ang responsibilidad bilang ama ni Julien dahil hindi siya sigurado kung ito nga ba talaga ang tatay nito. Kaylangan munang mabuo ng lahat ng memories niya bago siya makasigurado kung totoo nga o hindi.

She's suffering in amnesia for almost three years. The moment she woke up in coma four years ago, wala siyang maalala ni isa. It takes her a year to collect her lost memories one by one. And it was hard because she can't even remember her own son that time.

Her brother and parents didn't tell what happened to her before. They always saying 'one day, you will remember it all'. She hold on to that, but up until now she can't still remember the half of her past.

Naputol ang pag iisip niya ng may mag doorbell. Tumayo agad ang anak niya at tiningnan kung sino yon.

She went upstairs para magpalit ng damit. Napabuntong hininga siya ng maalala ang sinabi ng anak niya kanina. Kyle was his father and she have a huge doubt about that.

Ipinikit niya ang mga mata. "I'm scared" she whisper "I'm scared to know what happened to me on my past"

..

"SO YOU knew all along and you didn't  even bother to tell me?" Magkasalubong na kilay na tanong ni Kyle kay Alexander-- pinsan nina Toffer at Celine

Tumango ito "look, Toffee asked me to zip my mouth when we're talking about Pochi" he explained "Kahit gusto kong sabihin sayo, hindi pwede dahil pinakiusapan ako nina Tito Chris. Sila lang makakapag sabi sayo ng buong nangyari kay Pochi, konti lang ang alam ko at nasabi ko na yon sayo kanina"

Marahas siyang huminga ng malalim saka sumandal sa kotse. Sa garahe ng bahay niya sila ngayon nag uusap. Si Toffer nalang talaga ang makakapagsabi sa kaniya tungkol sa nangyari kay Celine. "Kaylan babalik si Toffer?" Tanong niya rito

Nagkibit balikat ito "Di ko alam. He's not answering my calls and messages. Magugulat ka nalang biglang susulpot yun. Kabute yun katulad ni Nathan" saka ito tumingin sa pambisig na relo "May itatanong ka pa ba?" Tanong nito.

Bigla niyang naalala si Kyler na sinundo niya kahapon "Si Kyler?" Tanong niya "Anak ko ba talaga siya?"

"Honestly, I don't know" sagot nito "Pochi had a boyfriend 6 years ago and I think that fucker was the father of her son. You must be wondering why Kyler looks like the small version of you, it's because her Ex was your cousin-- Ji hyuk" kwento nito sa kanya na ikinagulat niya

Di siya makapaniwala sa kinuwento nito. Si Ji Hyuk? Naging ex ni Celine? "Fucking Shit" Mahinang mura niya

Hindi niya alam kung anong gagawin niya pagkatapos ikuwento sa kanya ni Alex yon. Parang ayaw niyang paniwalaan na ang babaeng mahal niya ay nagka anak sa pinsan niya

That was double kill for him!

Tinapik siya sa balikat ni Alex "I have to go. Bibisitahin ko pa ang pamangkin ko" paalam nito bago umalis. Siya naman ay naiwang nakasandal sa sasakyan niya

Napahilamos siya ng mukha saka mahinang natawa "Balewala rin pala ang pagbalik niya" aniya bago lumabas ng garage.

Nakakailang buntong hininga na siya habang nakatambay sa labas ng bahay niya. Nasa isip niya pa rin yung sinabi ni Alex sa kanya

"Sino ba pwedeng tawagan para makipag inom?" Mahinang aniya saka kinuha ang cellphone

"Daddy Kyle!"

Napatingin siya sa gate, nakita niya si Kyler na naka dungaw sa gate. Nakangiti ito sa kanya "Dad can I come in?" Tanong nito.

Tipid siyang ngumiti saka tumayo "Tara dito" aniya saka sinenyasan ito na pumasok. Tumakbo naman ito saka yumakap sa bewang niya. Such a sweet kid

Magaan ang pakiramdam niya kapag malapit ito sa kanya. Maybe because Kyler is his niece. Pero kahit ganon, ayos lang sa kanya na tawagin siya nitong 'daddy'. Mas natutuwa siya kapag daddy ang tawag nito sa kanya.

"Ikaw lang mag isa?" Tanong niya rito

Tumango ito "tumakas ako kina mommy and Tito Alex. Don't tell them that I'm here dad. Mom will get mad again" wika nito

His brows furrowed "Mad again?" Nabahiran ng pagtataka ang boses niya.

Tumango ito. "Yes po, kahapon pinagsabihan po ako ni mommy na wag raw po kitang tawaging daddy." Sabi nito "I didn't know why mom is mad. Tito Tof said that you're my dad, that's why I'm calling you daddy. But mom disagree na tawagin po kitang daddy, Tito kyle nalang daw po ang itawag ko sa inyo" litanya nito

Bigla siyang nainis dahil sa sinabi nito. Bakit ba ginagawa iyon ni Celine sa kanya? Wala naman siyang maalala na kasalanan rito. Ito pa nga mismo ang may kasalanan sa kanya.

Napatingin siya sa wrist watch niya. It's already 4:30 pm. "What do you want to eat?" Tanong niya rito

"Can we take out Fries and Sundae? That's my favorite dad" Julien said while looking at him. Smile didn't leave his face.

"We have the same favorite ky" napangiting aniya saka ginulo ang buhok nito "Fries and sundae is the best!" Sabay nilang sabi saka nag fist bump

Inakbayan niya ito "let's go" saka sila sumakay ng motor niya "here, wear this" isinuot niya rito yung helmet. For safety purposes. Pagkatapos 'non ay pinaandar niya na ang motor at nagmaneho papunta sa fastfood.

He deserves a lot of explanation. At handa siyang maghintay kung kaylan ipapaliwanag ni Toffer ang lahat sa kanya.

..

"Julien baby where are you?"

Kanina pa nila hinahanap ang anak niya pero wala namang sumasagot. Nag usap lang sila ni Alex, pagkatapos 'non ay hindi niya na mahanap si Julien.

"Tingnan natin. Baka nasa labas lang si kyler" sabi ni Alex sa kanya saka lumabas

Sumunod nalang siya dito. Nag aalala siya sa anak niya, hindi pa naman nito kabisado ang buong lugar.

Napatingin siya sa pinsan niya nang biglang tumunog ang phone nito. Sinagot naman agad nito ang tawag "oh bro--ha? Ba't mo kasama?---Nasan kayo?--kanina pa namin yan hinahanap bago kasama mo lang pala---o sige sige sasabihin ko--bye"

Nangunot naman ang noo niya "sino yan?"

"Si Kyle" sagot nito "nasa kanya si kyler. Pinuntahan raw siya ng anak mo 'ron"

"Nasa bahay ni Kyle?"

Umiling ito "nasa fast food, nabili ng sundae and fries"

Nakahinga siya ng naluwag. Akala niya nawawala na si Julien.

"Sabi ni tita sa kanila raw muna si kyler for one month" biglang sabi sa kanya ni Alex habang naglalakad sila patungong bahay ni Kyle "Payag ka?" Tanong nito.

She nod "Na-miss nila panigurado si Julien. One year na din kasi nilang hindi nakikita ang apo nila. May inayos pa kasi kami bago nakauwi" paliwanag niya.

"Uhm" rinig niya ang paghinga nito ng malalim bago nagsalita "May naalala ka na ba? Kahit konti?" Tanong nito. Bakas ang pag aalala sa boses nito

"Meron kaso kaunti lang" aniya saka mapait na ngumiti "parang flash lang ganon"

"Ano naman yung nakita mo?"

Tumingin siya rito "curious ka?" Saka siya mahinang natawa

"Syempre naman pochi" sagot nito "di mo alam kung gaano naghirap yung isa jan makapag move on lang pero di natuloy" kwento ni Alex saka tumawa "bumalik ka kasi eh. Akala niya wala ka na. Gago rin kase yung ideya ng kapatid mo. Siya talaga yung may pakana ng 'Patay' kuno mo"

Di niya talaga alam kung bakit yun ang ideyang pumasok sa utak ng kuya niya at napapayag ang mga magulang nila. Kahit saang angulo, mali yung ideyang iyon dahil siya yung 'Patay' na tinutukoy.

"Di mo pa sinasagot ang tanong ko pochi" pagbabalik sa topic ng pinsan niya

"It doesn't matter, kuya Alex" aniya saka tumingin sa kawalan "hanggat hindi buo, hindi na mahalaga yun" pagtatapos niya

Nag landing ang tingin niya sa lalaking nakatayo hindi kalauyan sa kinatatayuan nila ng pinsan niya. Ramdam niya ang titig nito na ikinatahip ng puso niya

'Ano ba talaga ang role mo sa buhay ko, President Kyle?'

________
[Revised]
09/06/23

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro