CHAPTER 4

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 4

KYLE is still sleepy when he heard his phone ring. Pinilit niyang bumangon at kinuha ang phone saka sinagot ang tawag ng taong nang istorbo sa mapayapang tulog niya

"Who the fuck are you calling me at this fucking hour?!" Galit na wika niya ng sagutin ang tawag

"Si toffer 'to--"

"Fuck you! You freak! Tatawagan mo ako ng ganitong oras. It's only 1:37am! Gago!" putol niya rito

Inaantok pa siya gusto niya pang matulog

"We're not in the same country, Kyle" bakas ang sarkasmo sa boses nito "anyway, kilala mo naman na siguro si Kyler di ba?"

"Hmm, gago ka talaga" inaantok na tugon niya

"Can you do me a favor?"

He just 'hmm' as his answer to his so called 'friend'

Rinig nyang huminga ito ng malalim "Pwede bang jan muna sayo tumira ang kapatid ko"

Nawala ang antok niya dahil sa sinabi nito "come again?" Nagtaka siya bigla. 'Is he serious?'

"Si Celine, kung pwede jan muna sa bahay mo tumira" Ulit nito. "Kaylan ka pa naging bingi KJ".

He frown "why?-- I mean sure no problem" aniya "may I know what's the reason why you're asking me 'that' favor?" Seryosong tanong niya rito. He's well aware that Toffer is over protective of Celine. And asking him for a favor is the last thing he knows that came in Toffer's mind.

Baka pagtitripan nanaman siya ng kaibigan niyang sira ang tuktok. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi sa kanya ng Loko ang dahilan kung bakit kaylangang palabasin na 'Namatay' si Celine. 

Sinabi nito na mag-i-stay si kyler sa magulang ng mga ito. Aalis si Alex patungong Canada at walang kasama si Celine sa bahay nito sa Pilipinas. "Look, Kyle. I don't want her to be alone in my house. Hindi pa buo ang memorya ng kapatid ko, at ikaw ang naisip kong tawagan dahil isa ikaw sa mga may mahahalagang ala ala na nawala sa kanya. Ikaw lang ang makakatulong sa kapatid ko. She's in danger to be exact, may taong gustong pumatay sa kanya at hinahanap ko pa kung sino yon. Ipapaliwanag ko sayo lahat kapag nakauwi ako. For now, please take care of my sister" mahabang pakiusap nito

Huminga siya ng malalim "Arasseo" okay. Pagpayag niya.

"Sinabihan ko na ang kapatid ko na jan muna siya sayo titira" wika nito "by the way, pasabi kay Jacques siya na maglipat ng mga gamit ko pansamantala sa penthouse ko. Pwede na nila simulan ang pagre renovate"

"Tang'na mo, di mo ako alipin" wika niya rito "Baka nakakalimutan mong marami ka pang ipapaliwanag sakin"

Rinig niya ang pagtawa nito "I know, Bye fucker" saka siya nito pinatayan ng tawag

Umalis siya ng kama at inilagay ang cellphone sa bedside table niya. Saka bumaba pa-kusina para uminom ng tubig

'What the hell are you thinking?, James Toffer Franco'

_

MAAGANG nagising si Celine dahil susunduin ng kanyang mga magulang ang anak niya. Doon muna ito tutuloy dahil miss na miss na raw ito ng mga magulang niya

Ayos lang sa kanya dahil naiintindihan niya naman. Gusto niya rin sanang mag stay roon kaso may trabaho siya. Wala pang one month bago siya nagsimulang mag turo kaya iiwasan niya muna ang pag absent or take ng leave

"bye mom!" paalam ng anak kay Celine habang nakadungaw ito sa bintana ng mga magulang niya

She'll miss her baby boy

She wave back and kissed her son's cheek "Bye Julien. See you next month" aniya "I'll miss you baby, magpakabait ka kina daddy lolo ah"

"Yes po. Bye bye" saka umandar paalis ang sasakyan na sakay nito

Huminga siya ng malalim saka pumasok sa loob ng bahay. Aayusin niya pa ang gamit niya dahil sinabihan siya ng kuya niya na ngayon mismo ang araw kung kaylan ire-renovate ang bahay. Susunduin raw siya ng isa sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan nito at doon tutuloy pansamantala.

"Sinabi ko ng magche check-in or rent nalang ako bago ayaw. Busit ka kuya" badtrip na wika niya habang nilalagay sa living room ang mga gamit niya

Malapit lang sa SSU--school kung saan nag aaral ang anak niya--ang bahay ng mga magulang niya. Siya naman ay malayo ang eskwelahan na pinagta trabahuan mula sa bahay ng mga magulang niya at sa SSU.

Narinig niyang tumunog ang doorbell. Lumabas siya para tingnan kung sino iyon. Nagulat siya ng makita si Kyle na naka uniporme pantrabaho. Amoy na amoy niya ang Calvin Klein na pabango, at napakalinis rin nitong tingnan.

"Good morning" bati nito sa kanya

Di siya agad nakareact. Masyado siyang na-distract sa ayos nito. Ramdam niya na bumibilis na naman ang tibok ng puso niya katulad noong isang araw

Pumitik ito sa harap niya "My C, are you okay?" Tanong nito. Napatingin siya sa mukha nito, may naalala siya bigla

'Binuhat siya na parang isang sako ng bigas ng lalaking naka red cap. Di niya makita kung sino yon dahil di niya magawang lumingon paitaas. Nasusuka siya, yung kinain niya parang lalabas

Huminto ito saka iniupo siya sa isang red couch. Puno ng kulay pulang palamuti ang lugar. Medyo nahihilo pa siya dahil sa ginawa ng busit na lalaking yon

"Happy Valentines Day, My C"rinig niyang sabi ng isang kilalang boses

Napatingin siya sa nagsalita. Napa awang ang labi at nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sinong hudyo ang bumuhat sa kanya na parang sako ng bigas

"Kyle" mahinang sabi niya habang nakatingin rito

Hinawakan nito ang pisngi niya. Lumuhod ito para lang pumantay sa kanya. Nginitian siya nito ng pagkatamis tamis. Naka pulang coat, naka ayos ito ayon sa okasyon at amoy na amoy niya ang pabango nitong Calvin Klein

Bumilis ang tibok ng puso niya habang nakatitig siya rito. Binigyan siya nito ng kulay pink na rosas "for you--" sinadyang bitinin nito ang sasabihin

"My C"'
__

Napahawak siya sa sentido ng matapos ang ala ala na yon. Sumigid ang sakit sa ulo niya at mariing napapikit.

"your nose" rinig niyang sabi ni Kyle sa kanya. Napadapo ang kamay niya sa ilong niya, ng tingnan ang sariling palad ay may nakita siyang dugo roon.

'Shit!'

Biglang nagdoble ang paningin niya. 'My meds!'. Naramdaman niyang may pumangko sa kanya "I'll take you to the hospital" sabi ni Kyle sa kanya saka siya isinakay sa kotse nito.

Binigay sa kanya ni Kyle ang box ng tissue. Nawala na ang pagdo doble ng paningin niya. Ramdam niya ang pagbigat ng pakiramdam kasabay ng panglalamig. Halata ang pag aalala sa mukha ng lalaki habang nagmamaneho ito. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa pulsuhan niya habang ang isa naman ay hawak ang manibela

She looked for her meds. Inalis niya ang pagkakahawak ni Kyle sa pulsuhan niya at kinapa ang sariling bulsa. Nakahinga siya ng maluwag ng makapa ang lalagyan ng gamot niya roon. Kinuha niya agad iyon "water" sabi niya kay Kyle.

"I don't have water" sabi nito "coffee lang"

Sinenyasan niya ito na ibigay sa kanya ang kape na sinasabi nito. Inihinto nito saglit ang kotse saka kinuha sa backseat ang isang paper bag, kinuha ang coffee drink roon at inabot sa kanya "here" tinanggap niya iyon saka uminom ng gamot

Nanghihinang napasandal siya sa sandalan ng passenger seat. Simula ng umuwi siya ng Pilipinas at nang makasama niya si Kyle, palagi na siyang inaataki ng sakit ng ulo niya.

'Who are you for real Kyle? Why does my memory came back whenever I'm with you?'

DI MAIWASANG hindi mag alala ni Kyle sa kalagayan ni Celine. Dadalhin niya na dapat ito sa hospital kanina ng sabihan siya nito na wag ng ituloy dahil ayos naman na raw ang pakiramdam nito. Hindi dapat niya ito susundin pero sinabi nito na lagi raw iyon nangyayari tuwing may naaalala ito.

Curious siya sa mga naaalala nito. Gusto niyang malaman kung may naaalala ba ito nung panahong magkasama pa sila nito 12 years ago

"Mr. Park"

Napatingin siya sa bumanggit ng apelyido niya. Minsan naiinis siya kapag tinatawag siyang 'Mr. Park'. Bukod kasi sa ito ang tawag sa tatay niya, ma's lalo siyang kinukuwestiyon sa nationality niya

"Sir, ayos lang ba kayo?" Tanong sa kanya ni Rey---secretary niyang lalaki. Di siya natanggap ng secretary na babae dahil baka imbis na magtrabaho ay landiin lang siya. "nakakailang tawag na ako sa inyo Sir, mukhang malalim ang iniisip niyo"

"Don't mind me" sabi niya rito saka tipid na nginitian. "May appointment ba ako ngayon?"

Masyadong nape-preoccupied ang utak niya dahil kay Celine. Hindi na ito maganda para sa kanya

Tumango ito "Kay Mr. Aragon before lunch and kay Mr. Monterey 2pm" sagot nito "Sir, yung files na pinapapirmahan ng ibang department, napirmahan niyo na po ba?"

Kinuha niya ang file na sinasabi nito "here" sabay bigay niya rito. "You can go now"

Tumango ito saka lumabas ng office niya. Napasandal siya sa swivel chair niya at bumuntong hininga. 'Oh come on, Celine! Give my head a break!'

__

"What's with the appointment, J?" Tanong ni kyle kay Jake ng makaupo siya sa upuan. Nasa resto sila ni Brian-- one of his crazy friend

Kitang kita niya kung gaano ka-problemado ang kaibigan niya. Kilala niya ito, kapag ganyan ang itsura, malaki ang problema "spill the beans" wika niya rito

Bumuntong hininga ito bago magsalita " she's back, K" wika nito at bumuntong hininga ulit "she's back and we have a child" dagdag nito saka ipinatong ang ulo sa mesa "I don't know what to do, K. My father doesn't want her to be my wife, at hindi rin siya pumayag na makipag annul ako kay Ina"

"Do what you want to do" seryosong wika niya rito. "You don't need his consent. It's your decision to make, piliin mo kung saan ka sasaya. Baka nakakalimutan mong ikaw ang may sabi niyan sakin noon. Binabalik ko lang sayo" dagdag niya at uminom ng juice

Nagulat siya ng bigla itong tumayo "right! I need to go. Thanks K!" Sabi nito saka nagmadaling lumabas

'Gago rin ang isang yon'

Umorder nalang siya ng pagkain. Mag-i early lunch nalang siya tutal nasa Resto naman siya

Hours passed. Natapos na rin ang appointment niya kay Dustin Monterrey--one of his friend. Pauwi na siya ngayon sa bahay niya. Malayo pa lang ay kitang kita na niya si Celine dahil sa blonde nitong buhok. Nakatayo ito sa labas ng bahay niya

Nagtaka siya "Bakit nasa--" naputol ang sasabihin niya ng may maalala siya bigla "oh, shit!" Binilisan niya ang pagmamaneho. Nang mai park niya ang sasakyan ay lumabas siya agad para buksan ang gate na naka padlock

He looked at her apologetically "I forgot to give you my keys. I'm sorry"

"Uhm,, okay lang. You don't need to apologize" sabi nito saka tipid siyang nginitian "una ka na" dagdag nito at sinenyasan siyang maunang pumasok sa gate

"No, you go first"

"Ikaw na, bahay mo 'to eh"

"Ladies first. So, you go first" wika niya saka nginitian ito

Napatitig ito saglit sa kaniya, pansin niya ang pagpula ng pisngi nito, agad itong nag iwas tingin "fine" saka ito nauna sa kaniya

Natatawang napailing nalang siya saka niya ito sinundan.

"I'll wait until you remember our past, Celine"

______
[Edited]
09/06/23

HAZELEVIIIII

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro