Fourth Dream

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng



Fourth Dream

Marc Owen Santos.

Napabuntong hininga ako habang tinititigan ko ang ID na hawak ko. Ang gwapo ni Owen sa ID picture niya. Ang fresh niyang tingnan. Para siyang bagong paligo.

Ba't ganun? 'Di ba karamihan ng mga picture sa ID eh ang chachaka natin? Wala akong naging matinong ID picture. Kahit mga kaklase ko eh ganun din. Puro ang du-dugyot ng itsura namin. Pero bakit siya, fresh na fresh? Pino-photoshop kaya ito sa school nila?

Napabuntong hininga ulit ako at napadako ang tingin ko sa leather wallet na nakapatong sa lamesa namin.

Kanina, nung mapulot ko ang ID ni Owen, may nakita naman akong isang wallet na 'di kalayuan sa kinatatayuan ko. Nang buksan ko ito upang humanap ng identification nung nakahulog ng wallet na 'to, picture ni Owen ang bumungad sa akin.

So ngayon, nasa kamay ko ang ID at wallet niya. Dalawang susi na pwede kong gamitin para lapitan siya at makausap. Dalawang bagay na pwedeng maging dahilan para maging aware siya na may isang kagaya kong nag e-exist sa mundo. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Makakausap ko na siya bukas. Libreng-libre ako na lapitan siya. May dahilan ako para kausapin siya! Alam kong saglit lang 'yun. Pero kahit na!

Okay lang kaya na makipagkaibigan ako? Okay lang naman siguro. Hindi naman masama...

"Huy!"

"Ay, tipaklong!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang tapikin ako bigla ni Kuya sa balikat. Tiningnan ko siya nang masama.

"Kanina ka pa nakangiti diyan, beh? Ano, may jowa ka na?"

Inirapan ko siya. Bwiset na baklitang kuya ito. Kinikilig na ako, sukat naging kontrabida pa!

Minsan na nga lang akong kiligin nang GISING eh. Madalas sa panaginip lang ako nagkakaganito!

"Bago ang wallet mo?" tanong niya habang nakatingin sa hawak ko.

"Ah hindi. Napulot ko."

"Ay, talaga?" agad niyang inagaw 'yung wallet na hawak ko at binuklat ito.

"Uy, ano ba! Hindi sa'yo 'yan!"

"Ay beh, may dalawang libo oh!"

Agad akong lumapit at aagawin ko na sana 'yung pera kaya lang itinaas niya ito. Hindi ko maabot dahil ang tangkad niya.

"Ilang araw na natin 'tong pangkain beh!"

"Hindi pwede! Kilala ko ang may-ari niyan! Ibabalik ko 'yan! Akin na kasi!" Nakakainis si kuya!

"Nag-aaway ba kayong magkapatid?"

Pareho kaming napatingin kay nanay na kakapasok pa lang sa loob ng bahay.

"Ma, nakapulot si Angelique ng wallet! May dalawang libo!"

"Ibabalik ko 'yun!" mariin kong sabi.

Bakit ba niya pinag-iinteresan 'yung pera?! Alam kong ang hirap kumita ng pera, pero kasi hindi naman sa amin 'yun.

Tiningnan ko si Nanay. Nakatitig siya sa wallet. Naku naman! Biglang napabuntong hininga si Nanay.

"Angelo, ibalik mo 'yan kay Angelique. Hindi sa atin 'yan."

Iniabot ni Kuya sa akin ang wallet. "Ito na nga, bakla! Kikitain ko rin naman 'yan. Hmp!"

Napangiti ako at masayang kinuha 'yung wallet sa kanya.

"Angelique, na-contact mo na ba 'yung may ari ng wallet?" tanong ni Nanay.

"H-hindi po. Ibabalik ko na lang sa kanya bukas."

"I-text mo. Mamaya nababaliw na 'yun kakahanap ng wallet niya. O baka nabubulyawan na ng nanay niya," sabi naman ni Kuya sabay abot sa akin ng bente. "Magpa-load ka muna roon sa kanto."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko, "thanks kuya!" hinalikan ko siya sa pisngi. Napa-eew pa siya pero nakangiti rin naman siya. Agad akong tumakbo sa sari-sari store sa may kanto at nagpaload ng bente pesos.

Nang pumasok na ang load sa pipitsugin kong phone, dali-dali akong umuwi, nagkulong sa kwarto, at agad kong tiningnan ang cellphone number ni Owen na naka-indicate sa ID niya. Syempre isinave ko 'yun sa phone ko para may number na niya ako.

Ang swerte talaga ng araw na 'to!

Huminga muna ako nang malalim bago ko siya i-text.

~*~

'Hi Owen, napulot ko ang ID at wallet mo. Pwede ba akong makipag kita? Magkatapat lang ang school natin. Tas pwede rin bang makipag friends? :) ^_^ :D :p <3'

Binasa ko nang paulit-ulit 'yung itinype kong message. Hindi ko muna isinend. Parang ang over naman ata? Hindi kaya ma-creep out sa akin ang isang 'to?

Pero cute 'yung mga emoticons eh...

Ah alam ko na!

Binura ko 'yung itinype ko at nag-type ako ng bagong message.

'Hi. Ikaw po ba si Marc Owen Santos? Napulot ko kasi ang ID at wallet mo. Tatanong ko lang po sana paano ko maibabalik sa'yo?

Binasa ko ulit 'yung itinype ko. Mas okay na. Hindi creepy. Lagyan ko ba ng smiley face sa dulo? Eh! 'Wag na nga! Bahala na! Isinend ko na sa kanya ang message. At tinitigan ko ang phone ko.

One minute. Two minutes. Five minutes.

Ba't ang tagal niyang magreply?! Aba, five minutes na ah! Hindi ba siya nag-aalala sa wallet niya? Dalawang libo rin 'yun! Isa pa 'yung ID niya! Alam ko hindi siya papapasukin ng guard ng school nila pag walang ID!

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang tumunog ang phone ko.

Owen <3

Calling...

Wha—whaaaaat! Tumatawag siya! Teka, tumatawag siya! Oh my gosh! Totoo ba 'to?! Tumatawag siya!

Agad kong sinagot 'yung tawag niya habang nanginginig pa ang kamay ko.

"H-hello...?"

"Hey! Hello, this is Owen. Ako 'yung may ari nung wallet and ID na napulot mo," sabi nung boses mula sa kabilang linya.

Napalunok ako.

Si Owen nga 'to. Kilala ko ang tono ng boses niya. Ilang beses ko na 'tong narinig nung nakikipag kwentuhan siya sa mga kaibigan niya. Shaks! Kinikilig ako! Naririnig ko ang boses niya mula sa kabilang linya! Boses niya!

Kinakausap niya ako!

"A-ah o-po. Uhmm, ano, ah i-isosoli ko p-po bukas 'yung w-wallet...wallet mo. Magkatapat lang tayo ng school."

Ano ba, Angelique?! Ba't ka nauutal ha?! Bakit?! Umayos ka!

"Oh, thanks talaga! Thank you! Thank you! Akala ko nawala na 'yung wallet at ID ko. But uhmm, can I you ask a favor?"

"S-sige. Ano p-po 'yun?"

"Can we meet now? Kailangan ko kasi 'yung wallet. Hindi ako mapakali."

"O-okay lang po. Saan?"

"Nandito ako ngayon sa basketball court near our school. Alam mo ba 'yun? The one in front of the daycare center?"

"Ah o-opo alam ko 'yun. Sige, pupunta ako diyan ngayon."

"Okay! I'll wait for you! And thanks talaga ha? Big time!"

"O-okay lang!"

"Bye. Ingat ka."

"B-bye!"

In-end na namin pareho 'yung call. Huminga ako nang malalim. Hindi naman ako nananaginip ngayon 'di ba? Totoo ang nangyayaring 'to!

Dali-dali akong lumabas ng bahay. Ni hindi pa ako nakakapagpalit. Naka-school uniform pa rin ako. Pero kasi naman, excited ako.

Isa pa, wala naman akong matinong damit bukod sa school uniform ko.

Hindi ako nag-aksaya ng oras. Dahil ayoko siyang paghintayin, nag-tricycle na lang ako. Buti na lang at may naitatabi ako sa baon ko.

Ilang minuto lang ay nandoon na ako sa basketball court. Natanaw ko naman agad siya na nakaupo sa isa sa mga benches doon.

Ang init. Pero ang fresh niya pa ring tingnan. Nakaka-insecure ang isang 'to.

Pinunasan ko ng panyo ang mukha kong nagmamantika at inipit ko sa magkabilang tenga ang buhok kong magulo at saka ako naglakad papalapit sa kanya.

"Uhm, Owen?"

Napalingon siya sa akin at nginitian niya ako.

Ano ba 'yan?! Para akong matutunaw...

"Hey, ikaw 'yung nakapulot?"

Tumango ako at iniabot ko 'yung wallet at ID niya, "ito oh."

Bigla siyang bumuntong hininga. "Hay, thank you talaga. Kinabahan ako nung nawala 'to eh. Ang dami kasing importanteng cards na nandito. My parents would kill me! Thank you. You're a savior."

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Feeling ko namumula ako ngayon.

Shocks. Sana hindi niya mahalata. Sana hindi niya mahalataaaa!

Napangiti ako sa kanya ng awkward.

"W-wala 'yun."

"Ay wait!" sabi niya at binuklat niya ang wallet niya. Nakita kong naglabas siya ng isang libo at iniabot niya sa akin. "Here."

Napatitig ako sa perang iniaabot niya. Hindi ko ito tinanggap at tiningnan ko siya nang nagtataka.

"Para saan...?"

"Ah... kasi napulot mo 'yung wallet ko. Pang-thank you ko sa'yo."

Napalunok ako bigla. Alam kong masyadong sensitive pero—bakit parang nainsulto ako? Tinabig ko ang kamay niya na may hawak ng pera.

"Pagkakawang-gawa 'yung tawag sa ginawa ko. At libreng ibinibigay 'yun." Bumakas sa mukha niya ang pagkagulat matapos kong sabihin iyon.

"Oh. I—I didn't mean to offend you. I—I'm sorry. Akala ko kasi—'di ba usually–?" he trailed off.

Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti, "tsaka ka na lang din po magbigay ng pabuya kapag perang pinagtrabahuhan mo na ang ginagastos mo. S-sige alis na pala ako. May gagawin pa ako."

Nginitian ko ulit si Owen at naglakad na ako palayo sa kanya. At habang naglalakad ako pa-uwi, parang pabigat nang pabigat ang hakbang ko. Wow. Sinabi ko talaga 'yun? Ang galing-galing ko talaga! At dahil diyan, iiwasan na ako nun. Hindi na siya magpapakita sa akin. Mas lalo akong lumayo sa mundo niya. Good job Angelique! Nakakainis ang ginawa mo.

That night, hindi ako mapakali. Parang inaksaya ko kasi ang chance na makipagkaibigan kay Owen. Ba't ba hindi ko na lang basta tinanggihan 'yung alok niya? Ang dami ko pang sinabi! Pinangunahan na naman ako ng bibig kong walang preno at opinyon kong nakaka-ewan. Sana sinarili ko na lang 'yun.

Itext ko kaya siya? Kinuha ko ang phone ko at nagulat ako nang biglang tumunog ito. Pero mas nakakagulat na makita kong nag-flash sa screen ko ang pangalan niya.

Tinatawagan niya ako! Teka! Bakit? Bakit niya ako tinatawagan?! Napabangon agad ako, huminga ng malalim bago ko sinagot ang call niya.

Buti na lang at hindi pa pumapasok sina Nanay at Kuya sa kwarto namin!

"H-hello?" halos pabulong kong sabi. Para kasing biglang nawala ang boses ko sa sobrang nerbyos.

"Hey, it's me, Owen."

"O-Owen? B-ba't ka napatawag?"

"Gusto ko lang mag-thank you ulit sa'yo and I'm sorry if na-offend kita kanina. I swear, hindi ko talaga sinasadya 'yon. I'm really, really sorry."

Hindi ko napigilan ang paglawak ng ngiti sa mukha ko. Bakit ba siya ganyaaaaan?!

"O-okay lang. Wala ka naman masamang ibig sabihin. S-sorry rin."

"Alam mo, I forgot to ask your name. Ano ang pangalan mo?"

"Angelique."

"Angelique. Wow. Bagay sa'yo," I heard a hint of smile from his voice.

"S-salamat."

"So Angelique!" masigla naman niyang sabi. "Friends na tayo ha?"

"H-ha?"

"Friends na tayo. Well, uhmm, kung okay lang sa'yo?"

"O-oo naman!" sagot ko. "Okay na okay."

"Good, good. So talk to you next time?"

"O-okay."

"Good night."

"Good night!"

At in-end na namin ang call.

Nagpagulong-gulong ako sa kama.

Ay tinola! Tinola! Sinigang! Adobo!

Totoo ba 'to?! As in nangyayari ito sa reality? Hindi ako nananaginip? Totoo ba 'to?!

Ang hirap paniwalaan!

Pero totoo nga!

Buong gabi akong hindi makatulog. Ayokong matulog. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang mga nangyari. Parang sira akong nakangiti at kinikilig. Ilang beses na akong sinaway ni Kuya dahil hindi rin siya makatulog sa kakapapalit-palit ko ng pwesto sa kama. Ipinikit ko na lang ang mata ko pero hindi ko na magawang makatulog.

For the first time, tinamaan ako ng insomnia.

Siguro mga bandang alas-dos na ng hatinggabi nang makatulog ako. At pagmulat ng mata ko, umaga na. Kailangan ko nang pumasok ulit sa eskwela.

Pero may isang nakapagtatakang pangyayari—hindi ako nanaginip.

Bakit kaya?

Lutang ako nang pumasok ako sa school. First subject namin ay History at talaga nga namang nakakaantok ang subject na 'to. At dahil wala akong tulog, pilit kong nilabanan ang antok.

Pero hindi ko nagawa. Natalo ako. Hanggang sa napasubsob na lang ako sa desk ko at nakatulog.

~*~

Nasa may field ako ng school, malapit sa mga cherry blossom trees. Agad kong nilapitan si Caleb na nakasandal sa isa sa mga nakahilerang puno ng cherry blossom. Nakalagay ang kanyang kanang kamay sa dibdib at humihinga siya nang malalim.

Hindi ko maipinta ang expression ng mukha niya.

Inikot niya ang paningin niya hanggang sa mapadapo ito sa akin.

"Angelique?"

Bigla siyang ngumiti nang malawak. Nakita ko ang saya sa mukha niya.

"Uy. Ano ang problema mo?" tanong ko rito.

Hindi niya ako sinagot, instead dali-dali siyang lumapit sa akin.

At nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro