Third Dream

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Third Dream

"Dream traveler?" tanong ko kay Caleb habang nakakunot ang noo ko. "Ano naman ang ginagawa mo?"

"Obviously, nagta-travel ako sa mga panaginip!" sabi niya na parang ito na ang pinaka-obvious na bagay sa mundo.

"Teka, hindi ko pa rin gets! Naglu-lucid dream ka rin?"

Umiling siya. "Nope. Nagta-travel nga ako. Kaya nga dream traveler ang pakilala ko sa'yo at hindi lucid dreamer, 'di ba?"

"Teka, masyadong magulo ang usapan natin."

Nagkibit-balikat siya, "ikaw kaya ang magulo."

"Ibig sabihin, hindi lang itong panaginip ko ang napuntahan mo?"

"Tama! Marami na akong nakitang panaginip. May nakakatakot, may maganda, may malabo, meron ding censored!" sabi niya sabay taas-baba ng kilay niya at nakangisi nang malawak.

Kinunutan ko siya ng noo. Parang ayokong malaman kung ano ang censored na panaginip na nakita niya ah.

"Pero hindi ito lucid dreaming? Itong ginagawa mo?"

"Hindi nga sabi. Ang kulit mo rin 'no? Saan ka ba ipinaglihi ng nanay mo?"

"Eh kasi ang gulo talaga. Ibig sabihin, hindi ka aware ngayon na nananaginip ka? Ang kausap ko ngayon ay ang unconscious mind mo? Pero naalala mo ba ang lahat nang 'to pagkagising mo?"

Natigilan si Caleb at napabuntong hininga. Nilingon niya ulit ako at binigyan niya ako nang isang malungkot na ngiti.

"The thing is, Angelique, gising ako ngayon."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Tinalikuran ako ni Caleb at naglakad siya papunta sa may railings ng rooftop at pinagmasdan ang kabuuan ng panaginip ko.

"This is my life, Angelique," sabi niya sa akin. "Nakatira ako sa mundo ng mga panaginip. Ang lugar kung saan hindi ako nagigising at hindi ako natutulog. Walang katapusang paglalakbay lang ang nararanasan ko."

Natigilan ako sa sinabi ni Caleb. Walang katapusang paglalakbay? Habambuhay na pagtira sa mga panaginip?

"Wow," bulong ko.

Napalingon siya sa akin. "Wow? Ayun ang reaksyon mo?"

Nilapitan ko siya at sumandal din ako sa railings. "Oo. Ang saya kaya nun! Kung ako nga ang tatanungin, gagawin ko ang lahat para hindi na ako umalis sa panaginip ko."

Itinuro ko sa kanya ang kapaligiran na nagawa ko rito sa panaginip ko. "'Di ba ang ganda? Ang aliwalas? Ang peaceful? Walang gulo at walang paghihirap. Parang ito 'yung paradise ko. At sino ba naman ang hindi gugustuhing tumira sa paraiso?"

Napabuntong hininga si Caleb na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. At nagtataka naman ako sa reaksyon niya.

Hindi ba niya nage-gets kung gaano siya ka-swerte?!

"Iba pa rin ang reyalidad, Angelique. Dahil doon, tunay ang lahat ng nangyayari. Samantalang dito, kathang isip lang ang lahat."

Napasimangot ako, "kaya mo nasasabi 'yan kasi wala kang reyalidad na tulad ng sa akin. Hindi mo naranasan ang nararanasan ko ngayon. Hindi mo tuloy ma-appreciate kung gaano ka kaswerte."

"Angelique?"

Napalingon kami pareho ni Caleb sa tumawag sa akin at nakita namin si Owen. Ang Owen sa panaginip ko.

"Kanina pa kita hinahanap. Kain tayo ng lunch?"

Nginitian ko siya, "sige, sunod na lang ako sa baba."

"Okay!" He gave me a sweet smile at saka siya bumaba.

"Boyfriend mo in real life?" tanong ni Caleb nang makaalis na si Owen.

"Hindi. In real life, hindi niya ako kilala. Hindi ako nag e-exist sa mundo niya. Kaya nga mas gusto kong managinip eh."

Napatango si Caleb. "Ah...mas prefer mo ang peke."

Tiningnan ko nang masama si Caleb. "Wag kang makialam, dream intruder! Tsaka ituloy mo na lang 'yang paglalakbay mo sa mga panaginip! Kung huhusgahan mo ako, pwede ka nang lumayas sa panaginip ko!"

"Ayoko nga. Ang sarap ng sandwich dito eh. Isa pa, may cherry blossom! Umuulan din ng snow!"

Inirapan ko na lang siya at iniwan doon. Ayokong sirain ang mood ko at baka mamaya eh maging nightmare pa ang panaginip ko.

Bumaba na ako at dumiretso sa cafeteria. Syempre itinodo ko na ang imagination ko rito. Ang cafeteria ay parang buffet restaurant sa isang five star hotel. Lahat ng pagkain dito ay masarap. Lahat pang mayaman. Mga uri ng pagkaing never kong matitikman sa reyalidad.

Nakita ko sa isang table si Owen kasama sina Amanda at Lilian. Nilapitan ko naman sila.

"Nandiyan ka na pala!" nakangiting bati ni Lilian.

"Kanina pa nag-aalala itong si Owen na baka ipagpalit mo na siya roon sa cutie na kasama mo!" natatawa-tawa namang sabi ni Amanda.

"Uy! Ang ingay mo!" saway ni Owen sa kanya.

Napalingon ako rito at nakita kong namumula ang tenga niya. Nilingon niya rin ako at nagtama ang paningin namin. Nginitian niya ako na parang nahihiya siya sa akin.

"Upo ka," sabi niya sabay turo ng silya sa tabi niya.

Naupo naman ako.

"Alam mo, bagay talaga kayong dalawa!" sabi ni Amanda. "Owen, kailan ka ba magtatapat dito kay Angelique? 'Wag nang babagal-bagal. Baka maunahan ka pa!"

"Tss, 'wag mo kasi akong pangunahan!" sabi nito kay Amanda at mas lalo siyang namula.

Napangiti ako. Ang sarap naman sa feeling ng ganito.

"Mas prefer mo ang peke."

Nawala bigla ang ngiti sa labi ko. Nag-echo kasi sa pandinig ko ang sinabing 'yun ni Caleb.

Peke.

Oo, peke lang lahat 'to. Eh bakit ba? Masaya ako rito eh. Bakit kailangan niyang i-spoil ang nag-iisang paraan ko para makatakas sa reality?! 'Yung nag-iisang paraan ko para maging masaya ako kahit man lang sa panaginip!

Nakakainis!

Kailangan na talaga niyang lumayas sa panaginip ko!

I excused myself at lumabas ako ng cafeteria. Nagtungo ulit ako sa rooftop para kausapin 'yung dream trespasser na si Caleb. Kaya lang pagdating ko roon, wala na siya.

Napabuntong hininga ako at naglakad papalapit sa may railings ng rooftop. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng panaginip ko. 'Yung malawak na field, 'yung lanai, 'yung garden, mga halaman, at pati na ang hilera ng cherry blossom tree. Ang ganda.

May mga times na nandito lang ako sa rooftop at pinagmamasdan ang kapaligiran. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang gumawa nito. Nagawa kong ganitong kaganda—ganitong kaaliwalas ang mundo ng panaginip ko.

Kung pwede ko lang dalhin sina kuya at nanay rito eh.

"O, bumalik ka?"

Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong naglalakad papalapit sa akin si Caleb.

"Ayaw mo nang ka-bonding 'yung manliligaw mo?"

Nang makalapit si Caleb sa pwesto ko, sumandal siya roon sa railings.

"Kailangan mo nang umalis sa panaginip ko," diretsahan kong sabi sa kanya.

"O bakit naman? Ang sarap tumambay rito eh!"

"Eh ginugulo mo ako eh! Ang dami mong pinagsasasabi! Hindi ka welcome rito! Please lang, umalis ka na. 'Wag mong sirain ang nag-iisang magandang bagay sa buhay ko."

"Chill, Angelique. Wala akong gagawing masama sa panaginip mo. Tsaka isa pa, mas maganda kung nandito ako. May gwapo kang nakakausap maliban sa mga imaginary friends mo."

Inirapan ko siya. Nakakairita na. Imaginary friends? Nag e-exist din naman sila sa reality ko, bakit ba?!

"Hindi ka pa rin welcome rito!"

"'To naman oh! Ang gwapo-gwapo ko, pinagtatabuyan mo 'ko!" Nagpogi sign pa siya sa harapan ko habang nakangisi.

In fairness, ang gwapo niya nga. Killer smile. Pilyo looks. Pero nakakainis pa rin siya!

"Sige mag stay ka rito pero—!!"

"Sabi na eh! No one can resist my charm! Ibang klase pa rin ang kagwapuhan ko! Pang ilan ka na ba sa mga kababaihang nabighani sa lalaking nagpakita sa panaginip nila?"

Hinampas ko siya sa braso, "wag kang magbuhat ng bangko, ano ba?! Tsaka makinig ka nga muna!"

"O, ano 'yun?"

"Pwede kang mag-stay rito pero 'wag na 'wag kang makikialam sa kung ano ang itinatakbo ng panaginip ko. At 'wag kang mag co-comment. Ayokong pakinggan ang opinyon mo!"

"Yes ma'am!" nag-salute siya sa akin. "Pero may tanong ako sa'yo. 'Wag kang mag-alala, wala 'tong kinalaman sa panaginip mo."

Tiningnan ko siya at pinanliitan ng mata, "oh, ano 'yun?"

"Paano kung maging close kayo ni Owen sa reality? Maglu-lucid dream ka pa ba?"

Natigilan ako bigla sa tanong ni Caleb. Hindi ko alam ang isasagot ko. Paano nga kaya?

"E-ewan!" sagot ko sa kanya.

Tumango lang si Caleb. "Okay," tanging sagot niya.

Aba, himala, hindi nangulit. Mukhang tumutupad nga sa pangako niya!

"Sige Angelique, doon muna ako sa may mga cherry blossom trees. Mukhang maganda roon eh."

Naglakad na papalayo sa akin si Caleb. Hindi ko naman siya pinigilan dahil gusto ko ring mapag-isa. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at muli kong pinagmasdan ang kabuuan ng panaginip ko.

Kaso bigla ko ulit narinig na nagsalita si Caleb.

"Ah Angelique?"

Napalingon ako sa kanya, "ano na naman?"

Nagulat ako nang makita kong sumeryoso ang expression niya.

"Hindi ako naniniwalang itong panaginip na 'to lang ang tanging maganda sa buhay mo."

At bago pa ako makapag-react, tuloy-tuloy na siyang umalis.

~*~

Hay buhay, parang life.

Nakailang buntong hininga na ako. Buong araw na naman akong lutang. Nabato pa ako ng chalk ng teacher namin sa Filipino.

Hindi kasi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Caleb sa akin eh. Una, na hindi lang daw 'yung panaginip ko ang tanging maganda sa buhay ko. Ewan ko kung paano na nasabi ang bagay na 'yun samantalang hindi naman niya ako kilala. Hindi niya alam ang pinagdaraanan ko. Pero nung tiningnan niya ako, parang siguradong-sigurado siya sa sinabi niya. At hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang pakiramdam ko.

Ang isa pang hindi mawala sa isip ko ay 'yung tanong niya na kung makikilala raw ako ni Owen sa reality, maglu-lucid dream pa raw ba ako? Alam kong malabong mangyari 'yun. Pero paano nga kaya kung mangyari? Paano kung makilala ko siya in real life? Paano kung maging close kami at maging magkaibigan? Then eventually, mahulog sa isa't isa? Ayun na ba 'yung time kung saan ko masasabing... 'reality is finally better than my dreams'? Marahil hindi na nga ako maglu-lucid dream nun. Kaya lang, alam kong ma-mimiss ko ang lugar na binuo ko roon. Kaya siguro baka mag lucid dream pa rin ako pero hindi na ganoon kadalas. Kasi magkakaroon na ako ng reason para gumising sa umaga eh.

Nung uwian, nauna na akong umalis kina Amanda at Lilian. Assigned cleaners kasi sila ngayon eh at ako naman ay kailangang umuwi ng maaga dahil maglalaba pa ako.

Tatlong kanto lang ang layo ng bahay namin mula sa school ko. Mga 20 to 30 minutes na lakaran. Medyo malayo nga kung lalakarin. May tricycle naman pero mas pinipili ko ng maglakad kasi sayang sa pamasahe, 25 pesos kasi ang isa. Masyadong mahal.

Habang naglalakad ako, bigla akong may nakitang isang blue and white na card sa kalsada. Pinulot ko ito at doon ko lang na-realize na ID pala 'to.

ID ng Raver High all boys school.

ID ni Owen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro