2nd Thunder

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

2nd Thunder

Responsibility


"Hmm.."

"Pfft.."

Bakit iba ang amoy ng tandayan ko? Bakit iba ang bango? Ah...bet ko 'to pero bakit ang tigas? At parang may humahampas sa mukha ko'ng hangin? Teka...bakit parang may malambot na bagay ang dumampi sa noo ko?

Unti unti akong nagmulat ng mga mata.

"Good Morning, baby.."

"Good Morning, baby.."

"Good Morning, baby.."

"Good Morning, baby.."

Pumikit ulit ako dahil kung ano ano ang nakikita at naririnig ko at muling dumilat ng makarinig ng halakhak.

😮

😮

😮

😵

"WAAAAH!!! ANONG GINAGAWA MO DITO!!!"

Mabilis na inalis ko ang pagkakayakap dito at nawiwindang na tiningnan ito pero hindi maalis ang kamay niyang nakapirmi sa baywang ko.

"Omygod! Anong ginagawa ko dito?! Nasaan ako? Bakit magkatabi tayo? Waaaaah!"

"Dang, you're so cute.."

"T-Thunder.." di makapaniwalang tawag ko dito. Tumagilid siya ng harap sa akin at tinungkod ang siko sa kama habang ang isang kamay ay nakapirmi sa baywang ko.

"Hmm? Wala kang natatandaan?" ngising tanong niya na kinaputla ko.

Anong ginawa?

"Ginawa mo 'to.." bigla niyang hinalikan ang labi ko at ng ilayo niya ang mukha niya

"I will have you, Glendale Penelope. Starting today...you're mine"

Bigla akong naduwal at umikot ang paningin ko at mabilis niya akong nasambot.

"Omygosh! Omygosh Sissy!" sigaw nila Altea at hindi ko sila makita. Doble doble na ang paningin ko.

Biglang umangat ang paa ko dahil sa bumuhat sa akin.

"Ang lakas mo naman hihihi..ang bango mo paaaa"

"Shit, stop that baby.."

"Baby ako ngayon, karga karga ako hahahaha"

Bumuntong hininga ang taong bumuhat sa akin.

Isinakay niya ako ng kotse at di katagalan ay huminto at muling binuhat ako.

"Yey, karga ulit ang baby hehehe.."

Narinig ko ang pagtawa nito na kay sarap pakinggan

Naramdaman ko ang paglapag nito sa akin sa malambot na kama bumuntong hininga na naman. Medyo malabo ang paningin ko pero parang nakahawak siya sa sintido niya na tila namomoblema.

"Bluugh.." nabubuwal na napahawak ako sa lalamunan at tiyan ko at pinilit na makatayo

Inalalayan naman ako nito sa cr at doon ay sumuka ako ng sumuka. Matapos 'non ay walang pasubaling nilagyan ko ng toothpaste ang toothbrush na nakita ko habang natatawa.

Nagmumog ako at pagkatapos ay parang sira na humarap sa taong kasama ko at maluwag na ngumiti at umihip sa mukha nito.

"Fresh na si baby.."

"Pfft.." natatawang binuhat muli ako nito pabalik sa kama. Hinila ko siya sa tabi ko at sumiksik sa leeg niya. Ang bango niya nakakaadik. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at hinalikan ko ang leeg nito

"Shit this is torture.."

"Yah! Vampire si baby hahahaha"

"O...my...god!" mahinang usal ko at dumapo ang tingin ko sa leeg ni Thunder

😵

"Now, baby...do you remember how you molested me last night?"

😱

"M-Molested?!"

"You already saw the evidence.." ngising sambit niya pa

"T-Teka!" gulat na sabi ko sa'kanya.

Anong gagawin ko?!

"Bakit hindi mo 'ko pinigilan?!"

"You're irresistible.."

😲

"....." parang naputulan ako ng dila habang pinoproseso sa utak ko ang sinabi niya

"Now...let's talk about our responsibilities"

RESPONSIBILITY???

"You should take the responsibility of stealing a kiss from me and for doing this lovebites.."

"Huh?"

"And you're going to be my baby"

"E?!"

"You're so cute.." pinisil niya ang pisngi ko

😱

Bumaba ang tingin ko sa topless niyang katawan at napalunok.

At sa damit ko na ganon pa'rin kaya kahit papano nakahinga ako ng maluwag

"B-Bat ka nakahubad?"

"To give you more access."

😵

"Anooo?"

"Hahahahahahaha"

"Bakit mo 'ko hinayaan?" puno ng kahihiyang tanong ko dahil...waaah!

"I love spoiling my baby"

😵

"I really want to gobble you last night but I respected you.." nakangiting sambit niya na kinapula ng mukha ko

"Hm, now I want you to answer me honestly" biglang pagseseryo niya na kinalunok ko at lalo pa nang hapitin pa niya ako lalo sa'kanya.

"Do you usually drink? Going that kind of place?" puno ng kaseryosohang tanong niya at sinabit sa likod ng tenga ko ang ilang takas kong buhok.

Parang batang umiling ako ng maraming beses.

"P-pangatlong beses pero k-kagabi lang ako uminom"

"Good, don't go on that place without me. Do you understand?"

Wala sa sariling tumango ako. Kumalma ang mukha niya at marahang pumikit.

"Give me one hour to sleep and stay beside me.." inaantok at malambing na sambit niya.

Bakit...bakit hindi ko siya magawang itulak. Bakit gusto ko ang ganitong yakap niya? Parang...nakauwi ako sa isang komportableng tahanan sa yakap niya. Anong...nangyayari sa akin?

Pinakalma ko ang puso ko. Nararamdaman niya kaya? Nagulat ako ng itapat niya ang tenga ko sa tapat ng puso niya at piping napasinghap dahil...pareho ang lakas nito katulad sa akin. Bigla akong pinamulahan at pumikit ng mariin. Idagdag pa na topless siya.

Jusko.

Bakit biglang mala-roller coaster ang takbo ng buhay ko? Paanong napunta ako sa mga bisig ng taong 'to? Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil nararamdaman ko pa'rin ang lambot ng labi niya.

Omygod.

Ano na kayang nangyari sa mga lokreng kong kaibigan? Anong ginawa nila matapos kong nakawan ng halik ang taong nakayakap sa akin? Huli kong narinig ang boses ni Altea pero di ko na alam ang sumunod nangyari pagkatapos 'non.

Sigurado na uulanin ako ng tanong ng mga 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro