3rd Thunder

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

3rd Thunder
Thurston Syndrome

"BAKLAAAAAA!! OMG! OMG!"

Napapikit ako sa sobrang tining ng sigaw ni Rej, tinakpan ko ang tainga ko nang biglang may panibagong kamay ang pumatong sa tainga ko.

Nakita ko'ng nalaglag ang panga ni bakla habang namimilog ang mga matang nakatingin sa likuran ko.

"Hey, you're so ingay! Nakita mo na ba si Glenda-omygod!" napangiwi ako sa napaka oa na reaction ni Altea.

Dahan dahang inalis ni Thunder ang kamay niya sa tainga ko at lumipat ang isang kamay niya sa baywang ko at hinapit ako papunta sa kanya.

"Good Afternoon." pormal na bati ni Thunder sa mga kaibigan ko na hindi pa'rin nakakabalik sa wisyo

Ganyan na ganyan ako kanina, ang pangit ng reaction ko.

"G-Good A-Afternoon, Lord Thunder," mahinhin na bati ng dalawa at gusto ko sila pag untugin. Pwee silang dalawa as in pwee!

Tipid na tumango siya sa mga kaibigan ko at tumingin siya sa akin at ngumiti.

"I'll go ahead, baby,"

"E? Hehehe s-sige,"

Hinalikan niya ang noo ko na kinanganga ko. Tinanguan niya ang mga bff ko na laglag 'din ang mga panga. Pinasok niya ang mga kamay sa kanyang bulsa pagkatapos marahang guluhin ang buhok ko at naglakad palayo patungo sa mga kaibigan niya na hindi makapaniwalang nakatingin sa'kanya.

Sinampal ko ang pisngi ko.

"Ouch!"

"Ay gaga! Ako sasampal sayo you want?"-Rej

Sinamaan ko siya ng tingin, at malisyosa nila akong tiningnan.

Tumalikod ako at napalunok.

"Blooming ang besh namin ah? Look! Nakabagsak ang hair?" puna nila. Dahil lagi akong naka-ponytail.

Muli na naman ako'ng napalunok.

"Glendale, dude! Nandyan ka na pala!" nakasalubong namin si George.

"Oo, at hindi mo kailangan i-broadcast, dude 😅"

Nang makapasok kami sa room namin ay mabilis nila akong pinalibutan.

"Tell us! What happened?!"-Altea

"Omg! Anong feeling ng lips ni fafa Thunder? Soft ba? Ang hininga niya? Super fresh, bango at nakakaadik ba? Eh yung hug at buhat niya sayo? Nakakapanghina ba? Kamusta ang unang gabi?! Nag enjoy ka 'ba?! Magsalita ka!"-Rej habang niyuyogyog ang dalawang balikat ko.

Parang hihimatayin ako sa mga tanong ng baklang 'to! 😫

Waaaaah!

"Yung leeg mo may..."-George

Namula ako at napalunok. Nagkatinginan sila at sabay sabay na nagtititili!!

Ipinagpapasalamat ko na kami palang ang nasa loob ng room.

Kanina kasi...

"Thunder? T-Thunder.." mahinang niyugyog ko siya. Unti unti niyang dinilat ang mga mata. Nag iwas ako ng tingin bago pa ako muling matulala sa gwapo niyang mukha.

"Yes, baby?"

Namula ako sa pagtawag niya na naman sa aking 'baby' dahil naaalala ko ang pinaka-hindi ko malilimutang gabi sa buong buhay ko.

"B-Babangon na ko.."

"You hungry?"

"Uh...oo."

"I'll cook for you, what do you want to eat?"

Napatingin ako dito ng gulat.

"Marunong ka magluto?"

"Since I was six, nagluluto na kami." nakangiting sambit ni Thunder habang sinusuklay ang buhok ko ng malaki niyang kamay. Pakiramdam ko napakaliit ko sa mga bisig niya.

Mas lalo akong humahanga sa'kanya.

Bumangon siya, at nagsuot ng sando. Napalunok ako.

At nagulat ng bigla niya akong buhatin ng pa-bridal.

"Karga ko si baby.." nakangising sambit niya!! Hihimatayin ako sa mga nangyayari!

"T-Thunder b-baba mo si baby-ang ibig kong sabihin ibaba mo ko!"

😣

"Pfft~" ibinaba niya ako at inupo sa kitchen stools.

Maraming beses akong huminga ng malalim habang nakapikit at sa pagdilat ko.

"Waaah!" hiyaw ko dahil nakita ko siyang nakasandal sa ref habang nakakrus ang kanyang matipunong bisig habang pinanonood ako. Nakangiti siya ng nakakaloko!

"H'wag mo 'kong tingnan!"

Humalakhak siya at humarap na sa kusina.

Napanguso ako at hinawakan ang nag iinit kong pisngi.

Napatingin ako sa gilid at may nakitang salamin.

Napanganga ako nang makita ang napaka-haggard ko'ng mukha at magulong buhok!

Mabilis kong sinuklay ang buhok ko, bumaba ang tingin ko sa suot ko'ng dress na pinahiram ni Altea at binaba ang dulo ng palda. Abala ako sa pag ayos ng suot ko nang biglang may pumatong na malaking jacket sa katawan ko.

"Stand up."

Tumayo ako, isinuot niya ang jacket sa akin na lumampas sa suot kong dress at umabot ng lampas tuhod. Napakalambot at bango, amoy niya.

"T-Thank you.."

"My pleasure.." malambing na sambit niya at bumalik sa niluluto niya

Unti unti akong umupo.

Grabe, ang hot ni chef.

Ano ba 'tong iniisip ko?

Nang matapos siyang magluto ay pinaghain niya ako. Adobong manok ang niluto niya at may mainit na 'ding kanin.

Sarap na sarap ako kumain at napatigil ng marinig ang pagtawa niya.

Nakaramdam ako ng matinding hiya dahil punong puno ang bibig ko! Bigla akong nabulunan.

"Shit..I'm sorry.." alalang sambit niya at inabutan ako ng tubig na mabilis kong tinanggap at ininom. Pinat niya ang likod ko ng paulit ulit.

"O-Okay na...sorry"

Nagdahan dahan na akong kumain.

"Ako na maghuhugas.." presinta ko.

"Sure.." lumapit ako at sinimulan nang hugasan ang mga pinagkainan namin.

Sa gilid ko ay nakasandal siya sa ref habang hinahagis hagis ang apple na hawak niya at kinakagat.

"How's your exam?" biglang tanong niya.

"A-Ayos lang...salamat sa pagsauli ng id ko hehe paano napunta sa'yo 'yon?"

Dahil curious talaga ako at gusto ko ng confirmation.

"Nakaupo ako sa gilid mo.." muntik ko na mabitawan ang hawak kong plato.

Ibig sabihin nasaksihan niya yung pagwawala ko sa bus? Omygod.

"Oh..ha-ha" hilaw na tawa ko sa kahihiyan na naman

Sinulyapan ko ito at nakitang seryosong nakatingin sa apple niya at parang malalim ang iniisip.

"Lagi ka 'bang sumasakay?" tanong niya at kumagat muli sa apple niya. Napalunok ako dahil sa pag angat ng adams apple niya.

Mygod.

"Oo, pagkatapos ko mag out sa coffee shop diretso school na ako, marami kasing customers kaya late na late na akong nakakapasok..." sambit ko habang nakapokus na'lang sa paghuhugas.

"You're working student.." sambit niya sa nalaman niya sa akin.

"Kailangan e, mag isa na'lang kasi ako sa buhay, kailangan ko maging successful...sa hirap ng buhay ngayon mahirap makakuha ng trabaho lalo na 'kung walang tinapos.."

Hindi ko alam kung bakit komportable akong nagkukwento sa'kanya.

"Kailangan ko laging pumasok, kailangan ko'ng mapanatili ang scholarship ko at magtrabaho para buhayin ang sarili ko. Pagkatapos ng klase pumapasok ako sa mga sideline jobs ko...waitress, janitress, washer. Minsan kapag walang pasok nagtitinda ako ng banana que, kamote cue, kamote fries, french fries, gulaman, halo-halo, saging con-yelo, kwek-kwek, kikiam, at fishball...kung hindi mo na itatanong marami akong suki niyan hahaha"

Tumingin ako dito at bigla akong natulala nang makitang nakatingin at nakangiti siya sa'akin. Hindi ko alam kung guni guni ko lang pero parang kumikinang ang mga mata niya.

"You really are my wonderbaby.."

Mas lalo akong nagulat ng pumunta siya sa likod ko at niyakap ako.

"It must be really tiring for you.."

"A-Ah m-medyo.."

Naramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko. Bumaba ang mga kamay niya sa kamay ko at binanlawan ng tubig.

"H-Hindi pa ako tapos.."

"Ako na ang tatapos niyan.." malambing na sambit niya.

Maingat na pinunasan niya ang mga kamay ko at hinila niya ako papunta sa kwarto niya! Waaaaah!

"A-Anong ginagawa na'tin dito?"

"Relax, we're not going to make love, not now but...soon"

O___O

"When you're ready and I finally introduce you as my wife to Him.."

Lumakas ang tibok ng puso ko.

Thunder Thurston, anong ginagawa mo sa akin?!

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Gusto ko ang yakap niya. Gustong gusto ko na parang gusto ko umiyak.

At...naiyak na nga ako.

Nanlaki ang mata niya na kinatawa ko habang naluluha. Ang praning ko.

"W-Why are you crying?"

"Wala...ano bang gagawin mo?"

Tahimik na pinagmasdan niya ako at maya maya'y hinila ako ng yakap. Para akong hinehele ng yakap niya. Ipinikit ko ang mga mata ko.

It feels magically right. I feel...complete.

"Massage.."

"M-Massage?"

Nakita ko na'lang ang sarili ko na nakadapa ng higa.

"We used to massage our Mom" sambit niya habang dinadala ako sa langit ng masahe niya. Grabe ang sarap.

"Pati ng mga kapatid mo?"

"Yes...and our Dad too"

Nakakatuwa naman ang pamilya nila.

"Ang saya ng kompleto ang pamilya 'no?" di ko maiwasang malungkot

Napahinto siya saglit at nagpatuloy ulit.

"Masaya, pero mas masaya kung ako ang kasama mo bumuo ng pamilya, baby.."

Hihimatayin ako sa tagalog na sinabi niya!

"T-Teka...bakit ba ganyan ka?"

"What?"

"Kailan lang tayo nagkakilala...hindi pa na'tin kilala masyado ang isa't isa...bakit parang siguradong sigurado ka?"

"Turn around.." masuyong utos niya. Humarap ako ng higa. Humiga 'rin siya habang nakatukod ang isang siko.

"I already felt the Thurston Syndrome.." nakangising sambit niya

Thurston Syndrome?

Bumibigat na talaga ang mga mata ko, lalo pa sa pagsuklay niya sa buhok ko at hindi ko na mapigilan..

He kiss my forehead at tuluyan na akong pumikit.

"Sleep tight, baby...I'm watching you"

Huli kong narinig mula sa'kanya.

Nagising ako kinabukasan at may nakita akong nakatuping uniform sa tabi ko.

Akala ko pagmulat ko ay nasa tabi ko siya.

O__O

Ano ba 'tong iniisip ko!

Bumangon na ako at naligo. Kompleto na lahat ng kailangan ko. May mga undergarments na 'rin na sa tingin ko ay sa kapatid niyang babae na minsang bumibisita sa condo niya. Ganoon din 'daw sa mga kapatid niya kaya marami silang stocks.

Napahinto ako sa pagpupunas ng buhok ko.

Sa maikling panahon ang dami ko ng nalaman sa'kanya kahit na hindi ko tinatanong.

Namalayan ko na lang na ngiting ngiti ako sa salamin! Lumabas ako ng naka-bathrobe at nakita ko siyang may kausap sa cellphone at sobrang seryoso. Kunot ang noo niya. Nagtagis ang panga niya.

Napalunok ako sa hotness niya.

Di ko namalayan na kagat kagat ko na ang hintuturo ko.

Omaygod.

Ang landi ko.

"I'll talk to you later" paalam niya sa kausap niya nang makita ako.

"Ayos ka'lang?" tanong ko.

Sa halip na sumagot ay yumakap siya sa akin.

Umangat ang kamay ko sa likod niya at parang doon siya kumalma. Namula ako ng lumapat ang labi niya sa leeg ko.

Nakangiting lumayo siya sa akin habang ako ay nakangangang nakatingin sa'kanya.

"Beautiful.." sambit niya.

Napahilamos ako nang mukha ko.

"GLENDALE!!!" nagising ako sa reyalidad sa sigaw ng mga kaibigan ko.

Pulang pula ang mukha ko pakiramdam ko may nag iba sa akin. May nagbago.

Napangiti ako.

Parang ang...sarap mabuhay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro