1 | Her dream

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Zarriah Emmanuel

Mula sa aking kinauupuan ay kitang-kita ng aking dalawang mata kung paano kaladkarin ng mga bandido ang isang lalaki. Kahit malayo ay rinig na rinig ko kung paano magmakaawa sa mga ito ang kawawang lalaki. Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng makitang naglabas ng isang maliit na punyal ang isa mga bandido. Tuloy pa rin sa pagmamakaawa ang lalaki ngunit tila mga bingi ito na sa halip kaawaan ay nagtawanan pa. Mga walanghiyang nilalang!

Natigil ang tawanan ng mga ito ng biglang tumilapon ang punyal na hawak ng isa. Nakita ko kung paano magtinginan ang mga ito at nagpalinga-linga sa paligid. Bahagya akong napangisi sa nakita. Pansamantalang nawala ang atensiyon nila sa kawawang lalaki. Nakita ko naman itong dahan-dahang tumayo at mabilis na tumakbo palayo sa mga bandido. Muling nagkagulo ang mga ito.

Ganito lagi ang nasasaksihan ko sa tuwing pumupunta ako dito sa Anatoli. Ito kasi ang pinakamalapit na bayan sa Dytika, lugar ng mga mabababang uri ng tao gaya namin.

Napailing naman ako saka napagpasyahan nang bumaba sa punong kinauupuan ko. Tumalon ako sa isang malaking sanga at muling tumalon pababa sa lupa. May kung anong pwersa pa akong naramdaman sa aking paa kaya muntik pa akong matisod. Buti nalang at naibalanse ko ang mga paa ko.

"Akala ko pa naman matitisod kana!" Napalingon ako ng marinig ang isang pamilyar na boses nito. Napaingos ako bigla ng makita ang nakakairitang pagmumukha ng isang Caspian Holloweck. Ngumisi ito ng mapang-asar.

"Ano na naman bang problema mo, Casper?" medyo irita kong tanong dito saka inayos ang hood na suot ko saka ko siya tinalikuran. Bahala siya sa buhay niya. "Sungit" rinig ko pang sabi nito. Hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Caspian Holloweck is my childhood acquaintance. Hindi ko masasabing kaibigan ko siya kasi hindi naman. Hindi ko rin siya kaaway. Basta kilala ko lang siya simula noong bata pa kami. I also used to call him Casper, mas madaling bigkasin kaysa sa Caspian. He has an aeroportation ability. He can teleport using air or wind currents.

"Kahit kailan napakasungit mo talaga, Zarri! Pinanganak ka bang di sigurado sa buhay?" pang-aasar pa nito. Hindi ko ulit ito pinansin at binilisan na lamang ang lakad ko. Pero sadyang makulit ang mokong at sinundan na naman ako. Nanatili akong tahimik.

"Bakit ba ang sungit-sungit mo sa akin, Zarriah? Dapat nga matuwa ka pa kasi ako na mismo ang kusang lumalapit sayo, eh!" asar pang dagdag nito. Inis ko itong binalingan saka tinaasan ng kilay.

"Bakit sinabi ko bang lapitan mo ako? Nakakairita ka alam mo yun?" Bahagya itong natigilan sa sinabi ko. Agad kong iniwas ang tingin sa kanya saka muling naglakad.

Kailangan kong bilisan ang lakad para makauwi agad ako. Baka kanina pa ako hinahanap nila lolo't lola. At isa pa, para na din makalayo sa mapang-asar na si Casper.

"Zarriah Emmanuel! Hintayin mo ako!" sigaw nito sa likuran ko pero hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang hangganan. Isa itong tulay na nagdudugtong sa bayan ng Anatoli at Dytika.

"Aray! Waaah!" Napahinto ako sa paglalakad at nilingon si Casper sa likuran. Bahagyang nanlaki ang mata ko ng makita itong nakasabit sa sanga ng isang Vinetian tree malapit sa tulay. It's an enormous tree with snake vines covered around it's trunk. Dali-dali akong tumakbo pabalik upang tulungan ito.

"Anong nangyari sayo, Casper?!" halos pasigaw kong tanong dito. Nakasabit ito ng patiwarik sa puno.

"Tulungan mo ako, Zarri!" sa halip ay sagot nito. Napakurap-kurap ako at bahagyang natigilan. Paano? "Zarriah Emmanuel! Tulungan mo ako!" sigaw ulit nito.

Nakita kong tila humihigpit ang mga sangang nakapulupot sa dalawang binti niya. Ilang beses akong napalunok bago lumuhod sa lupa. Itinukod ko ang aking kanang kamay sa lupa upang pakiramdaman ito. Nang makaramdam ng kaunting paggalaw nito ay agad akong nagbungkal upang hanapin ang ugat ng puno. Hindi ako sigurado sa gagawin ko pero sana naman ay magawa ko. Nakakita naman ako ng medyo may kalakihang ugat at agad ko itong hinila paangat sa lupa. Nakita kong tila naapektuhan nito ang buong puno kasi nagsigalawan ang mga sanga't dahon nito.

Good job, Zarri!

"Zarri, anong ginagawa mo?!" nagtatakang tanong ni Casper sa akin. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa. Kahit kailan napakadaldal talaga ng lalaking ito. Nasa bingit na nga nang kamatayan nagawa pa ring mang-usisa. Kaya tuloy nabiktima siya ng Vinetian tree dahil sobrang ingay.

Hinigpitan kong muli ang hawak sa ugat at nakita kong mas lalo ring humihigpit ang kapit nito sa mga binti ni Casper. Napailing ako saka muling nag-isip. Pagkuwan ay napabuntong-hininga ako saka dahan-dahang iniangat ang mahabang sleeve ng suot ko.

Alam kong delikado ang gagawin ko pero wala akong magagawa. I was left with no other choice. Bahala na! Tiyak na pagagalitan ako ni Lola once na malaman niya itong gagawin ko.

Tiningnan ko muna si Casper at nang makitang hindi ito nakatingin sa akin ay sinagawa ko na ang plano ko. Muli kong iniangat ang sleeves ko hanggang sa lumantad ang isang kulay pulang marka na nasa bandang pulsuhan ko. Kinalma ko ang sarili saka hinayaang padaluyin ang isang pamilyar na pwersa sa aking mga ugat.

Naramdaman ko ang unti-unting paggapang nito patungo sa aking pulsuhan kung saan naroon ang marka.

Lihim akong napangiti ng makitang nagliwanag ang marka hanggang sa kumalat ito patungo sa sangang hawak ko. Hindi ko ito binitawan hangga't nararamdaman ko pa rin ang pwersang nanggagaling mula sa ugat ng Vinetian tree.

Kalauna'y tila humina ang pwersang ito hanggang sa makarinig ako ng isang impit na sigaw mula kay Casper. Nahulog na ito sa lupa. Nagsibalikan na rin sa dating pwesto ang mga sanga ng puno. Doon ko lang pinakawalan ang buntong-hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Nakaramdam rin ako ng sobrang panghihina.

Nakita ko naman si Casper na papalapit sa pwesto ko bago tuluyang mandilim ang paningin ko at mawalan ng malay.

Nang magising ako ay nakaramdam pa rin ako ng kaunting panghihina. Unti-unti kong iminulat ang mata ko at agad na bumungad sa akin ang kulay puting kisame. Doon ko lang napagtanto na nasa loob na ako ng aking silid. Dahan-dahan akong naupo nang marinig ang pamilyar na boses mula sa labas ng aking silid. Boses iyon nila lolo't lola at tila pinag-uusapan nila ang nangyari sa akin.

"Ayos na ba ang kalagayan niya, Amore?"

"Nagpapahinga na siya, Arthur..."

"Ano daw ba kasing nangyari?"

"Walang ibang sinabi ang batang Holloweck, Arthur. Nabanggit niya lang na tinulungan siya ng apo natin na makaalis sa pagkakalambitin sa isang puno malapit sa hangganan."

Nang marinig ko iyon ay muli kong naalala ang mga kaganapan kanina doon sa hangganan. Mula sa pagkaladkad ng mga bandido sa isang kawawang lalaki at ang pagkakasabit ni Casper sa puno ng Vinetian hanggang sa mawalan ako ng malay dahil sa ginawa kong paggamit ng marka ko.

Yes, I have a mark unlike the other people lived here in Dytika. Karamihan kasi sa mga tao dito ay may taglay lamang na ability, kagaya na lamang ni Casper. Wala silang marka hindi gaya ko.

Buong buhay ko ay inisip kong sinumpa ako kaya mayroon akong kulay pulang marka sa aking pulsuhan. Gabi-gabi ay lagi kong nakikita ang sarili kong umiiyak sa loob ng aking silid habang pilit na inaalis ang markang nakadikit sa aking balat. Ito din ang dahilan kung bakit lagi akong tinatago nila lolo't lola sa loob ng aking silid sa tuwing may ibang taong dumadalaw sa bahay.

Supposedly, I'm not belong here. Once na malaman nilang may marka ako, maaari itong magdulot ng kasamaan sa akin.

When I was already a teenage, doon lamang ako natutong makisalamuha sa ibang tao dito sa bayan ng Dytika. Pero lagi akong pinagsusuot nila lolo't lola ng mahahabang kasuotan upang matakpan ang marka ko. I hate this mark. I really hate it.

Everytime I saw this, wala akong ibang gustong mangyari kundi ang mawala ito. Ayoko nito. Ayoko ng ganito. Ayokong tanggapin ang reyalidad na wala rin akong pinagkaiba sa mga royal enchants na nakatira sa bayan ng Voreios. Most of them have a mark like me.

At sa tuwing nakikita ko itong marka ko, hindi ko maiwasang mamuhi sa sarili ko. I really hate myself for having this mark!


NAGISING ako dahil sa sobrang init na aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay nakabilad ako ng patihaya sa ilalim ng tirik na tirik na araw. Agad akong bumangon sa aking higaan. May mga namumuo ring pawis sa aking noo at ilalim ng aking ilong. Napakunot ang noo ko ng marinig ang nagsisigawan sa labas. Anong meron? Anong nangyayari? Mabilis akong tumayo at patakbong lumabas sa aking silid. Binuksan ko ang bintana na malapit sa pinto upang alamin ang nangyayari sa labas.

Bumungad sa akin ang mga taong nagsisipagtakbuhan. Nagkakagulo sila. Napuno ng sigawan at iyakan ng mga tao ang kalahating bayan ng Dytika.

"Bilisan niyo! Kumakalat na ang apoy sa buong bayan!"

"Nay! Huwag natin iwan si Itay!"

"Takbo! Baka maabutan tayo ng mga halimaw na iyon!"

Nagtatakang sinundan ko lamang ito ng tingin hanggang sa makalayo. Apoy? Halimaw? Anong ibig nilang sabihin?

Mula sa labas ay nakita ko kung paano mabilis na nilamon ng apoy ang mga kabahayan. Nanlalaki ang matang pinagmasdan ko ito habang isa-isang inuupos ng apoy ang bawat parte ng bahay. Marahil ay halos gawa sa nipa at kahoy ang mga bahay dito sa Dytika ay parang bula lamang na nilamon ng apoy ang mga ito. Binalot ng matinding takot ang aking puso. Mabilis akong lumayo sa bintana at agad na tinungo ang silid nila lolo't lola.

"Lolo! Lola! Gumising po kayo!" malakas kong sigaw mula sa labas ng silid nila. "Lolo Arthur! Lola Amore! Lumabas na po kayo! Kailangan nating makaalis dito!" dagdag ko pa kasabay ng malalakas na pagkatok sa kanilang silid. Nagulat ako ng bigla na lamang bumukas ang pinto dahilan upang mapaatras ako. Doon ko lamang nakita ang unti-unting pagkalat ng apoy sa buong silid nila lolo't lola. Habang ang mga ito naman ay mahimbing pa ring natutulog sa papag.

"Lolo! Lola!"

Huli na nang lumapit ako dahil mabilis na nilamon ng apoy ang papag kung saan sila mahimbing na natutulog.

"HINDI!"

Bigla akong napabalikwas ng bangon. Panaginip. Masamang panaginip! Subalit parang totoo ang lahat. Mabilis kong inilibot ang tingin sa aking silid at nakitang halos walang pinagbago. Doon ko lamang pinakawalan ang buntong-hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Hindi ko alam kung para saan ang panaginip kong iyon.

Agad kong kinapa ang aking noo at pinahid ang pawis na namumuo doon. Mabilis akong bumaba sa aking higaan at lumabas ng aking silid. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Nagsalin ako ng tubig mula sa banga at ininom iyon. Nakahinga naman ako ng maluwag ng tila gumaan ang pakiramdam ko.

Naglakad ako palapit sa bintanang malapit sa pinto saka ito binuksan. Tahimik at madilim na paligid ang unang bumungad sa akin. Liwanag ng buwan lamang ang tanging nagbibigay tanglaw sa kadiliman ng gabi.

Wala sa sariling napatingin ako sa pintuan ng silid nila Lola Amore at Lolo Arthur. Sila nalang ang tanging pamilyang natira sa akin. At gagawin ko ang lahat para sa kanila. Kapalit man nito ang sarili kong kaligayahan at... buhay.

KINABUKASAN ay nagising na lamang ako na nasa gitna ng isang madilim na kagubatan.
Takbo lamang ako ng takbo kahit di ko alam ang patutunguhan nitong daang tinatahak ko. Ang mahalaga ay makalayo ako sa mga halimaw na kanina pa humahabol sa akin. Wala akong pakialam kung magkatisod-tisod pa man ako. Kailangan kong makalayo sa kanila. Kailangan kong makaligtas. Hanggang ngayon ay rinig na rinig ko pa rin ang tinig ni Lola Amore. Napapikit ako ng mariin at mas lalong binilisan ang pagtakbo ko.

"Hayaan mo na kami, apo. Ang mahalaga ay mailigtas mo ang iyong sarili. Tumakbo kana hangga't may oras pa!"

"Alalahanin mo ang iyong sariling kaligtasan, apo..."

"Umalis kana, apo! Tumakbo kana!"

"Basta lagi mong tatandaan, mahal na mahal ka namin ng Lolo Arthur mo, Zarriah..."

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nararamdaman ko ang presensiya nila. Malapit na sila kaya mas lalo kong pinagbuti ang pagtakbo ko. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibinigay sa akin nila lolo't lola. They sacrificed their own life for me...

Takbo pa, Zarri! Huwag mong hahayaan na mahuli ka ng mga halimaw na iyon. Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko. Bawat hakbang ko ay siya namang pagbuhos ng aking mga luha. Babawi ako, lolo at lola... Igaganti ko kayo.

"Rrrwwrr!"

Agad na binalot ng kaba ang dibdib ko nang marinig ang pamilyar na huni ng mga halimaw. Ramdam ko na rin ang sobrang panghihina ng mga tuhod at binti ko pero patuloy lang ako sa pagtakbo. Takbo pa, Zarri! Bilisan mo pa ang pagtakbo!

"Rrrwwwrr!"

Napahinto ako bigla ng matisod ako at bumagsak ang katawan ko sa lupa. Sobrang sakit ng mga paa ko at nanghihina na. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Hindi pwede! Kailangan kong makalayo sa kanila. Hindi ko alam kung bakit nila ako hinahabol pero wala akong panahon upang alamin pa iyon.

"Rrwwwrr!"

Mula sa pagkakadapa sa lupa ay dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo upang tingnan ang nilalang na nasa bandang paanan ko. Napatitig ako sa mga mata nitong kulay pula. Agad akong binalot ng takot.

Muli na naman akong napabalikwas ng bangon. Hinihingal na sinapo ko ang aking dibdib ng maramdaman ang malakas na pagtibok nito. Panaginip na naman. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ganun ang mga pangyayari sa panaginip ko.

Pero sa lahat ng iyon ay isa lang ang napagtanto ko... It isn't just a dream. It's more likely a sign or a vision.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro