2 | Attack

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Zarriah Emmanuel

"Zarri! Zarri!"

Mabilis akong napabalikwas ng bangon ng marinig ang malakas na tinig ni Lola Amore na tinatawag ang pangalan ko. Agad namang sumalubong sa akin ang mukha nitong puno ng takot at pag-aalala.

Nagpalinga-linga ako sa buong silid ng makita ang unti-unting pagkalat ng usok sa bawat sulok. Muli na namang nanumbalik ang kaba at takot sa aking dibdib. Isa na naman ba itong panaginip?

Mariin akong napapikit at mabilis na kumilos. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Lola Amore at ako na mismo ang naunang lumabas sa aking silid habang hila ko ito. Binalot na ng usok ang pinakasala ng bahay. Nilingon ko si Lola Amore ng huminto ito saka pinihit ng sunod-sunod na pag-ubo.

"L-Lola..."

Ramdam ko ang panginginig ng kamay nito. Kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"Lola..."

Kahit hirap dahil sa sunod-sunod na pag-ubo nito ay nagawa pa rin nitong magsalita. Bawat sandaling lumilipas ay palakas ng palakas ang kabog sa aking dibdib.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung paano tinutupok ng apoy ang mga kabahayan sa labas. Napuno ng sigawan at iyakan ang buong bayan ng Dytika. Nagmistulang araw ang buong paligid dahil sa laki at mabilis na pagkalat ng apoy sa buong kabahayan.

Muli kong nilingon si Lola Amore. Hindi ko na napigilan ang paglandas ng sunod-sunod na luha sa aking magkabilang pisngi.

"L-lola..."

"Umalis kana, apo... Kailangan mong iligtas ang sarili mo..." mahinahong sabi nito sa akin habang hinahaplos ang magkabilang pisngi ko. Gaya ko ay umiiyak na rin ito. "Alagaan mo ang sarili mo, Zarriah... Mahal na mahal ka namin ng Lolo Arthur mo..."

Nang marinig ang pangalan ni Lolo Arthur ay muli na namang binalot ng kaba ang dibdib ko. Nagpalinga-linga ako sa buong bahay pero wala akong nakita ni anino nito.

"Si L-Lolo...?" nanginginig kong tanong kay Lola Amore. Nakita kong napapikit ito ng mariin. "Lola... A-Asan si L-Lolo...?" muli kong tanong sa kanya.

Umiling-iling ito. Magsasalita pa sana ito nang biglang may kumalabog ng malakas. Kasabay nito ang pagkasira ng pinto ng bahay. Ramdam ko na ang init na dumadampi sa aking balat mula sa pagkalat ng apoy sa buong bahay.

Napako ang tingin ko sa may pinto ng makita ang tatlong bulto ng nilalang na nakatayo doon. Agad naagaw ng atensiyon ko ang kulay pula nilang mga mata.

Ang mga matang iyon... Nakita ko na ang mga matang iyon sa panaginip ko. Naikuyom ko ang mga kamay ko sa kabila ng panginginig nito.

"Rwwrrr!" malakas na sigaw ng isang nilalang na nasa unahan. Ang mga mata nitong kulay pula ay nanlilisik na nakatuon sa direksiyon ko. Napaatras ako ng biglang may kung anong nahulog mula sa itaas. At pakiramdam ko ay tinakasan ako ng bait nang mapagsino iyon.

"L-Lolo... A-Arthur...?" halos pabulong na usal ko. Ang mga mata nito ay walang buhay na nakatuon sa akin. Butas ang tiyan nito at gula-gulanit ang damit na suot nito. "Lolo..."

"Rwwrrrr!"

Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay ko. Anong ginawa nila sa lolo ko? Nakita ko kung paano unti-unting tinutupok ng apoy ang bawat parte ng bahay namin pero tila manhid lamang ang katawan ko. Nakatuon lamang ang atensiyon ko sa walang buhay na katawan ni Lolo Arthur.

"Rwwrr!" muling atungal ng isang nilalang. Isang halimaw...

Napalingon ako kay Lola Amore ng maramdamang muli nitong hinawakan ang kamay ko. "Lola... si lolo..."

"Umalis kana, apo. Hindi ka dapat nila mahuli! Umalis kana! Iligtas mo ang sarili mo!" mariin nitong sabi sa akin.

Umiling-iling ako. Hindi! Hindi ko sila hahayaang maiwan dito.

"Lola, si Lolo Arthur..." umiiyak kong sabi sa kanya. Umiling-iling itong muli sabay hila sa akin sa likurang parte ng bahay na di pa naabot ng apoy. Nagmamadali niyang tinanggal ang sapin na nakadikit sa sahig at bumungad sa amin ang isang maliit na pinto.

"Lola?"

Muli nitong hinawakan ang kamay ko at matamis na ngumiti sa akin. "Sobrang saya namin ng lolo nang dumating ka sa buhay namin. Simula ng mamatay ang iyong ama't ina ay kami na ang nag-aruga sa iyo..." Muli nitong hinaplos ang mukha ko. "Mahal na mahal ka namin, apo... Ingatan mo ang iyong sarili para sa amin ng Lolo Arthur mo..."

Hindi na ako nakapagsalita pa nang mabilis ako nitong iginiya papasok sa maliit na pinto. Sunod-sunod na nagsituluan ang mga luha ko.

"Lola Amore... Ayoko----"

"Sshh... Umalis kana, Zarriah! Iligtas mo ang sarili mo, anak!" malakas nitong sigaw at halos ipagtulakan ako pababa sa maliit na pinto. Doon ko lamang napansin na isa pala itong hagdan pababa.

Ayoko man silang iwan ay wala akong nagawa kundi ang tahakin ang hagdanan pababa. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng hagdan na ito. Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko ng makita ang isang medyo may kalakihan na pinto sa pinakadulo ng hagdan.

Nang makita ang isang susi na nakasabit sa itaas nito ay agad ko itong kinuha at binuksan ang pinto.

Madilim na kagubatan ang bumungad sa akin pero nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo. Umaasa na isang bangungot lamang ang lahat ng nangyayari.

Pero sa bawat hakbang na ginagawa ko ay nagising ako sa katotohanan na hindi ito isang panaginip. Totoong nasusunog ang bayan ng Dytika at nasa bingit ng kamatayan si Lola Amore. Hindi rin isang panaginip na patay na si Lolo Arthur.

Binilisan ko lalo ang pagtakbo ko ng marinig ang pamilyar na atungal ng halimaw mula sa kalayuan.

Nasundan nila ako!

At ang katotohanan na maaaring pinatay nito si Lola Amore ay tila isang patalim na tumarak sa aking puso.

Nang mga sandaling iyon ay napagtagpi-tagpi ko ang lahat ng mga pangyayari. Ang mga nangyayari ngayon ay ang mga kaganapan na nangyayari sa aking panaginip.

Panaginip nga ba ang lahat ng iyon? O mga pangitain na maaaring mangyari sa hinaharap? At dahil doon ay isang bagay ang napagtanto ko...

I can see what happened in the past and what will happen in the near future... And only my vision can possibly answers all of that.

Sandali akong napahinto sa pagtakbo upang humugot ng lakas na kanina pa unti-unting nauubos. Nanginginig rin ang aking mga tuhod dahil sa labis na pagod.

Muli akong nagpalinga-linga sa paligid. At nang walang marinig na kahit anong ingay o kaluskos ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam kung saang lupalop na ako napadpad. Basta takbo lang ako nang takbo para sa aking sariling kaligtasan.

Pagkalipas ng ilang sandali ay muli kong inihakbang ang aking mga paa upang ipagpatuloy ang pagtakas. Pero agad ding napahinto ng mapansin ko ang isang tila isang pader mula sa kalayuan. Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa makalapit dito. At tama nga ang hinala ko. Isa itong pader na halos nababalot na nang mga damo.

Humakbang akong muli upang lapitan ito. Pero ganun na lamang ang kabang bumalot sa akin nang maramdamang tila hinihigop ako ng lupa pababa. Wala na akong ibang nagawa nang lamunin ako ng lupa hanggang sa purong kadiliman na lamang ang aking nakita.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro