4 | Realization

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Zarriah Emmanuel

“Peculiar? What do you mean?”

Pakiramdam ko ay bigla nalang nanlamig ang mga kamay ko habang hinihintay na sagutin nila ang tanong ko. Malakas ang kutob ko na tama ang aking naiisip pero hindi ko gustong paniwalaan. For the very first time in my life, nagawa kong pagdudahan ang instinct ko.

Naglakad papalapit sa aking kinahihigaan yung babaeng kulay puti ang buhok bago magpatuloy sa pagsasalita.

“People who are capable of doing extraordinary abilities and controlling their powers are called the Peculiars. We are sent here in academy to train and master our own powers and abilities...” seryosong paliwanag nito sa akin. “And to think that only a Peculiar can enter the barrier of the academy, and so you are.”

Anong ibig niyang sabihin? Na isa akong Peculiar like them?

And what barrier? May barrier na nakapalibot sa lugar na ito?

“B-Bakit kailangang may barrier and akademiyang ito?” naguguluhan kong tanong sa kanila.

“It's for everyone's safety, Zarri. The barrier is the first and temporary protection of the academy against the black chosen from Notos...” pagpapatuloy nito.

Wala akong ibang nagawa kundi ang mapaisip. Hindi ko maiwasang pakiramdaman ang sarili ko. Supposedly, dapat galit ako sa kanila. They're belong to royal families and they're an enchants for Pete's sake!

Ang mga kauri nila ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko, base pa sa kwento nila lolo at lola noon sa akin.

Pero bakit wala akong maramdaman na galit? Bakit? Ginamitan ba nila ako ng mahika para mawala ang galit ko sa mga kauri nila?

Sabay-sabay kaming napalingon sa may pintuan ng bigla na lamang itong bumukas. Iniluwa nito  ang isang matangkad at gwapo na lalaki na hinuha ko ay nasa mid-thirties na ang edad. Nakita ko pang binati ito ng apat at tinawag na 'headmaster'.

Nang tuluyan itong tumingin sa akin ay sunod-sunod ang ginawa kong paglunok. I was intimidated by his presence. Hindi ko din alam pero kinabahan ako bigla.

Pero sa halip na magbaba at mag-iwas ng tingin, sinalubong ko ang kulay berdeng mata nito na punong-puno ng emosyon at mensahe.

Sino siya? Bakit pakiramdam ko ay napakalakas niya?  He's a freaking headmaster of this academy, Zarri! Malamang na malakas ang taong iyan.

Pero pakiramdam ko ay parang may mali. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na may mali sa presensiya ng lalaking ito. Pinaningkitan ko ito ng mata at palihim na sinuri.

“How are you, Miss Emmanuel?” tanong nito gamit ang isang baritono at napakalalim na boses. Pakiramdam ko ay bigla nalang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok. Even his voice screams power and authority. Pero sa kabila no'n ay nawala bigla ang kabang nararamdaman ko kaninang pagpasok palang nito.

Tiningnan ko ito ng diretso sa mga mata bago sagutin ang tanong niya. “I'm feeling better now, mister. Thank you for asking and for your concern.”

Nakarinig ako ng singhapan sa bandang likuran ng headmaster pagkatapos kong sabihin iyon. Hindi ko rin inaalis ang aking tingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Who are you?  Gusto ko sana iyon itanong sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Nagsalubong ang kilay ko ng makita kung paano nito sinusupil ang ngiting gusto nitong pakawalan. Pilit nitong pinase-seryoso ang mukha pero nangingiti naman.

“Are you making fun of me? You can laugh as much as you can, Mister. Baka kung saan pa 'yan lumabas...” seryoso kong sabi dito habang salubong pa rin ang kilay.

At hindi ako nagkamali, dahil pinakawalan nito ang tawang kanina pa nito pinipigilan. Sinamaan ko ito ng tingin dahilan upang matigil ito sa pagtawa.

“Stop using that body, whoever-you-are. You can fool them but you can't fool me...” matigas na sabi ko pa dito. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas upang magsalita ng ganun.

I know something isn't right. Siguro dahil iyon sa instinct ko.

Nakita ko kung paano matigilan ang lalaking nasa harapan ko. Natatawang itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko.

“Fine! Hindi ko alam kung paano mo nalaman pero hayss...” nakasimangot na saad nito.

Tahimik na nakamasid lamang ang apat sa amin. Hanggang sa magpalit ng anyo ang lalaking nasa harapan ko. Mula sa pagiging 'headmaster' kuno ay naging isa itong matangkad at gwapong lalaki na kulay green ang mga mata. Kulot ang buhok nito at bakas sa mukha ang pagiging maloko.

A shape shifter!

Ang kaninang tahimik at nakamasid lamang na apat ay nagpaunahang lumapit doon sa lalaki at pinagpapalo-palo ito. Tawa naman ito tawa dahil sa kalokohang ginawa.

“You jerk! How could you fooled us again this time?! Walanghiya ka talagang lalaki ka!” naiinis na sigaw dito ni Riel habang patuloy pa rin sa pagpalo dito.

Kinurot naman ito sa tagiliran ni Erah dahilan upang mapangiwi ito. “Aww! Huwag mo akong kurutin, aww!”

“Hindi ka na talaga nagtino, Eno! Bagay lang 'yan sayo!” maktol naman ni Erah.

Ganun din ang ginawa ng dalawang lalaki. Hinawakan ng isa ang tainga nito samantala ang isa naman ay pinilipit ang dalawang kamay sa likod. Aray naman ng aray ang lalaki dahil sa ginawa ng dalawa sa kanya.

“Damn you, Apollo! Huwag mong babaliin ang mga kamay ko!” reklamo nito ng higpitan ni Apollo ang pagpilipit sa mga kamay nito.

“Feel na feel mo naman ang pagbati namin sayo! Akala pa naman namin na totoong si Headmaster Van talaga” Si Eron.

“Loko ka! May pa-yuko-yuko pa kami kanina sayo!” singhal naman dito ni Apollo.

I just stared at them. They'll look so very happy. Para silang mga kabataan kung mag-asaran. I wish I could be happy like them. I wonder how and when was my last laugh happened? Hindi ko alam kung magagawa ko pang tumawa pagkatapos ng mga nangyari sa buhay ko.

Nakagat ko ang sariling labi nang maramdaman ang panginginig niyon. They were killed merciless in front of me. Those lifeless eyes of Lolo Arthur... Ang pagsigaw at pagmamakaawa ni Lola Amore na iligtas ko ang sarili ko.

Ang sakit... Sobrang sakit!

Muli akong napahagulhol ng muling maalala ang lahat. They're monsters! They're all monsters!

“Zarri...” rinig kong tawag nila sa pangalan ko. Hindi ako sumagot o lumingon man lang sa kanila. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.

Binuhos kong lahat ng sakit at mabibigat na saloobin sa sarili ko. At sa pagkakataong iyon ay tanging pag-iyak na lamang ang aking nagawa upang ilabas ang lahat ng kinikimkim ko.

NAKASUNOD lamang ako kay Riel habang tahimik naming tinatahak ang napakahabang hallway papuntang headmaster office. Gusto raw akong kausapin ng totoong headmaster, hindi 'yung ginaya lamang ng isang malokong tao gaya ni Venom.

Matapos itong gulpihin ng apat kahapon dahil sa ginawang panggagaya sa katauhan ng headmaster nila ay nagpakilala din ito.

Venom Allister. Isang earth chosen. He can create a different kind of dangerous poison. He's also dangerous, just like his name, Venom.

Hindi ko mapigilang igala ang tingin sa buong hallway na nilalakaran namin. Maraming statue ang nakapalibot sa buong hallway. It's either a human statue or any creature na ngayon ko lang din nakita. I wonder kung totoo ba ang mga creature na iyon? 

“That's the statue of Solrhyme Videctus, a light enchantress. She's a keeper of both air and water chosen. She is also a legendary Peculiar back then...” mabilis na paliwanag ni Riel na huminto rin pala at nasa aking likuran ngayon.

Tinitigan kong maigi ang statue ni Solrhyme Videctus, ayon pa sa kwento ni Riel. Hindi ko rin alam kung anong nag-udyok sa aking lapitan ang estatwa nito at hawakan.

At pagkahawak na pagkahawak ko pa lamang sa estatwa nito ay sari-saring pangyayari ang nagsipasukan sa aking isip.

Malakas na sigawan. Mga walang buhay na  katawan ng tao na nakakalat sa buong paligid. May nananangis at nagmamakaawa para sa buhay nila.

“Hey! Are you okay?”

Mabilis kong binitawan ang statue at nagtatakang napaatras palayo dito. I saw something! Posibleng isang malungkot na nakaraan ang nakakabit sa statue na ito.

Digmaan... Isang malagim na digmaan ang aking nakita.

Tiningnan ko si Riel at bakas sa kanyang mukha ang labis na pagtataka. Umiling-iling lamang ako at muling bumalik sa nilalakaran namin kanina. Agad naman itong sumunod at hinabol ako.

“What happened? Ang weird mo masyado kanina...” pag-uusisa pa ulit nito.

Umiling-iling ulit ako at tipid na ngumiti. “Wala.”

Kung maaari ay ayaw kong ipaalam sa kanila ang kakayahan ko. Hindi ako pwedeng magpa-kampante. Mas mabuti kong ililihim ko na lamang sa sarili ko ang isang bagay na pwede nilang magamit laban sa akin pagdating ng panahon.

Hindi ako basta-basta pwedeng magtiwala sa kanila. Kahit papano ay mayroon pa ring agam-agam sa aking puso sa tuwing naaalala ko ang mga ikinuwento sa akin noon ni Lola Amore.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng headmaster building. Napalunok ako ng tatlong beses bago sumunod kay Riel. Bigla akong napatingin sa markang nasa pulsuhan ko at mabilis itong tinago. Hindi ko alam kung instinct ko ba or masyado lang akong nasanay na hindi iyon ipakita sa ibang tao.

Isa pa, hindi ko pa rin nakikita ang mga marka nila, kahit isa sa kanila. Siguro nasa tagong parte ng katawan nila nakaukit ang marka nila.

Unti-unti ko ring nagpagtanto na siguro isa rin ako sa kanila. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang tanggapin. Nitong mga nakaraang araw ko lamang nalaman ang kakayahan kong makita at makakita ng mga pangitain. Is it my hidden ability? O sadyang nagkataon lamang at epekto ng pagkakaroon ko ng marka?

Simula bata ay naniniwala ako na wala akong taglay na ability, hindi gaya ni Casper. Nakakagawa lamang ako ng mga imposibleng bagay dahil sa markang mayroon ako.

“Zarri?”

Napakurap-kurap ako ng mata ng marinig kong tinawag ang pangalan ko. Doon ko lang napansin ang masyadong malapit na mukha ni Riel at nawi-weirduhang nakatingin sa mukha ko. Mabilis naman akong umatras at agad nag-iwas ng tingin.

“Nasa pinakadulo ng pasilyong ito ang lamesa ni Headmaster Van. Hindi na kita masasamahan doon dahil mukhang kailangan na ako sa league namin...” sabi nito at mabilis pa sa alas kuatro na nagpaalam sa akin.

Wala akong ibang nagawa kundi sundan ito ng tingin. Napaisip naman ako sa sinabi nito. League? Anong ibig niyang sabihin? May mga samahan bang nabubuo dito sa akademiyang ito?

Napailing nalang ako at muling tiningnan ang pasilyong kailangan kong tahakin. Ayon pa kay Riel, nasa pinakadulo ng pasilyong ito naghihintay ang headmaster nila. Hindi ko rin alam kung bakit ako nito gustong makausap. Siguro naman ay papayagan na ako nitong makalabas sa lugar na ito.

Sana nga. Hindi ko rin nais ipagsiksikan ang sarili ko sa mga taong kagaya nila...

Hangga't maaari ay ayokong magtagal dito. Gusto ko nang bumalik sa bayan namin at ipaghiganti sina Lolo Arthur at Lola Amore. Pagbabayarin ko ang mga halimaw na iyon...

Humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago muling tinahak ang pasilyo. Hindi ko maiwasang tingnan ang mga nakasabit na malalaking frame sa bawat pader na madadaanan ko. Kagaya ng mga statue, halos mga human figure at creatures din ang makikita sa bawat larawang nakaguhit sa frame.

Pero ang higit na nakaagaw ng pansin ko ang pinakahuling frame na nakasabit malapit lamang sa office ng headmaster. Isa itong puting halimaw na nakatira sa tubig.

A freaking white Lernean Hydra with nine heads! Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang kaalaman na iyon. Basta bigla na lamang iyon pumasok sa isip ko.

Ilang minuto din akong nakatunganga sa harapan ng frame na iyon bago muling sumagi sa isip ko ang talagang pakay ko sa lugar na iyon. Damn! Kakausapin pa pala ako ng headmaster ng eskwelahang ito.

Huminga muna ako ng malalim bago binalak na buksan ang pinto. Hindi ko pa man nahahawakan ang seradura nang bigla na lamang itong bumukas.

Hindi ko pa rin maiwasang magulat. Wala sigurong mahirap na gawain sa lugar na ito. Lahat yata ng tao dito ay nakaasa na lamang sa kapangyarihan at abilities na taglay nila. Hindi siguro sila aware sa kasabihan na 'without their powers, they're nothing'.

Napailing nalang ako at pumasok na sa loob ng opisina nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro