5 | New home (Editing)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Zarriah Emmanuel

Bigla nalang akong napako sa akin kinatatayuan. Nasa harapan ko ngayon ang 'Headmaster Van' na sinasabi nila, ang tagapangasiwa ng Strange Academy. Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan o umimik man lang. Pakiramdam ko kasi ay biglang umatras ang aking dila at wala ako ni isang salita na maibigkas.

Lihim akong napalunok ng makita itong tumayo mula sa kulay gintong upuan nito. Base rin sa kasuotan ay masasabing kabilang rin siya sa mga royalties dito sa bayan ng Voreios.

Nang mag-angat ako ng tingin sa taong nasa harapan ko ay muli akong napalunok ng sunod-sunod. Lalo na nang sinalubong ako nito ng isang seryoso at walang kaemo-emosyon na tingin. Bigla akong napaiwas.

“How are you, Ms. Emmanuel?”

Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok nang sa wakas ay magsalita ito. Dahan-dahan ko siyang binalingan ulit pero hindi ko nagawang sagutin ang tanong nito.

Umayos ka, Zarriah! Hindi ka makakalabas dito sa lugar na ito kung mananatili kang tahimik! Lihim kong usig sa sarili ko.

Muli ko itong tinapunan ng tingin. Gaya kanina ay seryoso pa rin itong nakatitig sa akin habang naghihintay ng isasagot ko.

Alam kong napakasimple lang ng tanong nito pero bakit hindi ko magawang sagutin? Inaamin kong natatakot ako sa presensiya ng taong ito. He's so intimidating! Kahit hindi ko alamin at sabihin ay alam kong sobrang napakalakas niya. Mararamdaman iyon sa presensiyang taglay niya.

“A-Ahmm...”

“No need to answer my question. I know you're already okay, Ms. Emmanuel...” pagputol nito sa sasabihin ko. Muli akong umiwas ng tingin at lihim na kinagat ang aking dila.

Kailangan ko nang sabihin sa kanya ang pag-alis ko. Hangga't maaga pa ay kailangan ko nang lumayo sa mga taong gaya nila.

They're dangerous. Wala rin silang pinagkaiba sa ibang enchants. Ginagamit nila ang kapangyarihan para mapasunod ang isang tao.

Kinakabahan man ay naglakas loob akong magsalita upang pormal na mamaalam sa kanila. Kahit papano ay may respeto pa naman akong natitira sa sarili ko. Ginamot nila ako at binigyan ng makakain pero buo na ang desisyon ko. Babalik na ako sa bayan namin. Siguro naman ay wala na doon ang mga halimaw na pumatay sa lolo at lola ko.

“B-Bakit niyo po p-pala ako ipinatawag?” utal kong tanong dito nang hindi tumitingin sa mukha nito.

Binasa ko ang aking nanunuyong labi gamit ang dila bago magpatuloy sa pagsasalita. “G-Gusto ko ring pormal na magpasalamat. Maayos na ho ang pakiramdam ko at kailangan ko nang bumalik kung saan ako nanggaling... Wala po akong rason upang manatili pa sa lugar na ito.”

Lugar na masyadong delikado para sa taong kagaya ko.

Nakita ko namang napaangat ang kaliwang kilay nito. Hindi ko tuloy maiwasang pangunutan ng noo at humanga sa kanya at the same time. Kahit may edad na ay halata pa rin ang kagwapuhang taglay nito.

Ang lalim rin ng mga mata nitong kulay deep blue. Nakakalunod masyado kapag tititigan mo ng matagal.

“And what makes you think that I will let you?” seryosong tanong nito habang nakataas pa rin ang kilay. Mas lalo tuloy nangunot ang noo ko.

Anong ibig niyang sabihin? Hindi niya ako papayagang umalis?

“Alam ko po na masyado akong naging pabigat sa eskwelahang ito sa loob ng ilang araw. Pero kailangan ko na talagang bumalik sa bayan namin. Tiyak na hinihintay na ako doon ng lo—”

Napahinto ako bigla ng maalala sila Lolo Arthur at Lola Amore. Wala na sila... Patay na pala sila.

“No. I want you to stay here and be one of my student, Miss Emmanuel. Based sa kalagayan mo noong gabing nakita ka ng League of Alpha sa ilalim ng isang sacred tree, sigurado ako na posible ka nilang balikan ulit.”

Mabilis akong napailing dahil sa sinabi nito. “You don't know nothing.”

“Yes, I know everything, young lady. Alam ko ang lahat ng nangyari...” sagot nito na para bang alam na alam talaga nito ang lahat.

“If ever na bumalik ka sa lugar na iyon, wala ka na rin namang babalikan. Your grandparents are already dead, am I right?”

How? Paano niya nalaman iyon?

Pero hindi ko rin maiwasang mapayuko ako dahil tama ang sinabi nito. They're already dead. Kaya kailangan kong bumalik doon upang ipaghiganti ang kamatayan nila Lolo Arthur at Lola Amore. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko napapatay ang mga halimaw na iyon.

“I know what you're thinking right now, Zarriah Emmanuel. You can't kill them by yourself. Masyado silang malakas para kalabanin lamang ng basta-basta...” seryosong paliwanag nito.

Hindi ako nagsalita at hinayaan lamang ito na magpaliwanag. “You need to train and enhance your skills. You will surely needed our help, young lady. I know you will...”

Muli nitong pinagsiklop ang mga palad at tumingin sa akin ng seryoso. “So, accept my invitation and stay here to secure your own safety.”

Napaiwas ako ng tingin at pagak na natawa. Hindi ko alam kung anong masasabi ko. Paano niya nalaman ang lahat ng iyon?

“I'm not a headmaster for nothing, young lady” sabi nito na para bang nababasa niya ang tanong na nasa isipan ko. “So, don't be a hard-headed girl and just obey. As simple as that. You have nothing to worry about your needs kasi ang akademiya na mismo ang magpo-provide ng lahat para sayo...” pagpapaliwanag pa nito.

Pilit kong inaanalisa sa aking isip ang lahat ng mga sinabi nito. Yeah, he's right. Posible ngang balikan ulit ako ng mga halimaw na iyon. Pero hindi ako pwedeng magtago na lamang habambuhay at magpadala sa takot ko.

Gagawin ko ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nila Lolo Arthur at Lola Amore! Ako mismo ang papatay sa mga halimaw na iyon.

Hindi ko napansin na nakakuyom na pala ng mariin ang mga kamao ko. Napatingin naman ako sa lalaking nasa harapan ko at doon ko lamang napansin na kanina pa pala ito nakatitig sa kamay ko.

No, scratch that. Sa may pulsuhan ko.

Bigla akong kinabahan at mabilis na itinago sa aking likuran  ang kamay ko kung saan nakaukit ang kulay pulang marka.

Sh*t! Hindi niya pwedeng makita ang marka ko. Baka mas lalo lamang akong hindi makaalis sa lugar na ito.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at mabilis na nag-isip ng sasabihin. Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito bago pa maging komplikado ang lahat.

“A-Aalis na po ako. Maraming salamat po pero hindi ko magagawang tanggapin ang inaalok niyong imbitasyon...” kinakabahan kong sabi dito at mabilis na tumalikod.

Pero hindi pa man ako nakakalabas sa opisina nito nang muli akong napatigil dahil sa sinabi nito.

“You don't have to hide your mark from me, young lady. Nakita ko na ang markang iyan hindi ka pa man napapadpad sa akademiyang ito...” makahulugang saad nito.

Nagtatakang muli ko itong binalingan ng tingin. Anong ibig niyang sabihin?


HINDI ko alam kung ilang oras na akong nakatulala sa harapan ng isang kulay abong pinto. Ayon pa kay Miss Blair, ito raw ang magiging silid ko sa loob ng akademiya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakumbinsi ako ni Headmaster Van. Ang daming katanungan sa aking isipan na gusto kong masagot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro