Five

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

JOE


"Did you watch the live interview of Gibson? Ghad! He's really hot!"

"Oh! Nabalitaan niyo rin ba ang chismis na kumakalat ngayon? Binigay niya raw ang jersey niya sa isang fan!"

"Seryoso? Isang buwan na matapos ang laro nila hindi ba? Ngayon palang pinag-uusapan?"

I turned to my classmates who were busy chatting. They were in front of me so I could hear what they were talking about.

"Excuse me! Excuse me! Did I heard Gibson's name?"

Linapitan ni Quinn ang tatlong babaeng nag-uusap at mukhang dadagdag pa ang babaeng ito sa ingay.

"Omg, Quinn! Nakita mo ba 'yong post ng unknown girl? May nakakuha raw sa shirts ni Gibson!" sigaw ni Maeve kay Quinn.

"That girl was lucky! Ang hirap kaya lapitan ni Gibson!" Imogen complain.

"Naunahan ka Quinn. Sad hindi napunta sa'yo ang jersey ni Baby Gibsy. HAHAHA" dagdag pa ni Vain.

Binuksan ko ang natitirang lollipop sa pocket sabay na sinubo. Dumek-kwatro ako ng upo at pinagmasdan sila.

Imogen, Vain and Maeve are the famous gossip girls trio in the campus. Kilala sila dahil sa mga impormasyong nakakalap nila na hindi alam ng iba. Para silang Hyenas-- dada nang dada at hindi nauubusan ng sasabihin. Mag-ingat din sa kanila because they like to sneak on people. Kesyo away pa 'yan, confession, or even scandal hindi sila magpapahuli at ivi-video ang lahat. Still, I think there we're still good on them. Isa sila sa kilala sa larangan ng make up. Palagi silang nominated at nananalo sa mga contest sa ibang schools. It's crazy pero sa kanila ako natuto ng pag-aayos though hindi kasing OA ng mga full pack foundation nila buhat-buhat nila araw-araw.

Umaarteng napatakip ng bibig si Quinn. "Omg. Hindi na ba gumagana ang powers ninyo? Isang babae lang at hindi niyo na mahanap? My ghad!"

Napansin kong nahiya at napayuko sandali ang tatlong babae sa biglang pagsigaw ni Quinn.

I saw Quinn suddenly crossed her arms. "Well, kilala ko ang babaeng nakakuha sa jersey ni Gibsy." said Quinn. She caught the attention of all my female classmates inside. They all approaching her.

"Yes, you're all right! Nasa akin ang jersey ni Gibsy." pag-amin ni Quinn. Nagkagulo ang lahat at halata sa kanila ang kilig at pagka-inggit kay Quinn. "But..."

Napailing na lang ako sa pagtataas na naman ng sarili ni Quinn, hindi na ako nakinig at inilipat na lamang ang tingin sa bintana saka ko tinanaw ang mga estudyanteng naglalaro ngayon sa open field.

It's already 10AM in the morning pero nandito at tambay pa rin kami sa room dahil sa kadahilanang hindi pa nahahanap ang P.E teacher namin ngayon ng mga iilang boys namin sa klase na nagprisinta sa pagha-hunt daw sa mala miss universe naming teacher.

"Nasa akin nga ang jersey pero hindi ako ang nakakuha. May isang taong nakasalo sa jersey... It's her! It's PJ!"

I felt nervous when I heard my name from Quinn, I slowly turned to them and I felt the bullets of their eyes aiming at me.

I glare at Quinn na ngayo'y ngiti-ngiti pa sa akin.

Aish. Dinamay pa talaga pa talaga ako ng babaeng ito! Nananahimik ang tao, e!

"Shit! Akala ko ba hindi ka attracted sa ganoong uri ng mga lalaki, Joe? OMG! AHHH!" tumili ng napakalakas si Maeve at niyugyog-yugyog nito sina Imogen. Naglundagan ang lahat habang tili nang tili sa loob.

Argh! Yes. I admit na ako nga ang babaeng nakakuha sa jersey nitong kinababaliwan nilang si Gibson.
Quinn blackmailed me so I did nothing but join her at the fan meeting they launched for their beloved Gibson. Hindi ko naman inaasahan na sa dinami-rami ng babae sa loob, sa akin pa nag-landed ang  maasim na amoy na jersey ng lalaking iyon, mabuti na lang talaga. Natakpan ang mukha ko ng damit at nakailag sa mga video ng mga tao sa paligid noon.

"Hindi ko naman alam na bet na bet mo rin si Baby Gibsy! Ikaw ah, Joe!"

What?! Urgh. Aanhin ko ang kutong lupang iyon? Mamatay pa ako sa amoy na dala no'n!

Napa-atras ako ng upo ng mapansin ko silang sabay-sabay na muling lumingon ang ulo sa pwesto ko.

Before they could get close to me, my classmate's loud screams caught the attention of the crowd.

"Magbihis na kayo! May P.E tayo! Kita-kits sa open stadium bleachers!"

These girls suddenly make face when they heard the news. Bumulong-bulong sila na parang bubuyog ngayon sa pagkadismaya. Nagkawatak-watak na rin ang kaninang magkakasamang mga babae. Walang ganang lumabas ang iilan sa room.

"Psst!"

Lumingon ako sa narinig ko. Nakita ko sa kabilang pintuan sina Maeve, Imogen at Vain. I kept my mouth from laughing when I saw Imogen racing her eyebrows while pointing her both eyes into mine. Para bang sinasabi nitong 'hindi pa kami tapos'. Natawan na lang ako. Hay, mga babae talaga.

"Sayang hindi ka na hot seat! HAHAHA." ani Quinn na lumapit ngayon sa akin.

I rolled my eyes. "Tsk. Sorry but someone just saved me." I said saka ako tumayo.

Lalabas na rin sana ako ng tumigil ang mga paa ko. Lumingon ako kay Quinn. "I know you are the one who cause the sudden uploaded of video."

Quinn form a smile in her face. "Yeah. I know, hindi naman kita maiisahan. But don't worry hindi naman litaw ang face mo 'diba? I'm not doing anything, okay?" she said as she crosses her legs.

I gave her a smile too. "Inuunahan na kita, Quinn. Huwag ako ang pag-tripan mo." I said and continue to walk outside.

"I just did that to tease those girls! Joe!" narinig ko pa ang malakas na pagtawag ni Quinn sa akin pero nagpatuloy na lang ako sa paglabas.

"Hi po, Ate Joe!" some students suddenly greeted me while I was walking in the way. Dumeretso ako sandali sa locker at kinuha ang P.E uniform ko. Iniwan ko na rin ang bag ko dahil alam ko namang sweat time ang mangyayari mamaya.

Mabilisan ang ginawa kong pagbibihis sa CR. Nang matapos na ako ay agad akong tumakbo papunta sa open field stadium kung saan nakita kong nakaupo na ag iilang kaklase ko sa bleachers.

"You looking for something?"

I heard Quinn voice behind me. I felt her arm wrap around my neck. Sinamaan ko ito ng tingin at naglakad papalapit sa iba.

"Are you mad, Joe? Urgh! Sorry!"

Hindi ko na inabala pang lingunan ang pag-aalburoto ni Quinn at tahimik na umupo sa bleachers.

Inikot ko sandali ang tingin ko sa mga kaklase ko ngayon na nandidito. My eyes was looking for someone... I am looking for Elli. Hindi kasi ito pumasok sa nagdaang subjects namin kanina, meaning hindi ko pa ito nakikita. Maayos naman ang nag-daang araw nito sa klase that is why I notice, this is the first time he cut classes.

"Oh! Nandiyan na si Boy transferee."

I heard the whispered of a male classmate of mine, I followed his gaze and saw Elli's frowning face walking towards in our place. He sat quietly on the very first stairs.

Although I was still mad at him, I somehow felt pity of him. I rarely see anyone talking to him in class. Laking pasalamat ko na lamang dahil may nakakasama ito sa ibang section.

"Joe! Can you give me just one letter to sing a song?" umupo sa tabi ko si South sabay akbay sa akin. Nag-angat naman ang tingin ko sa dalawang sina Ronan at North na nagka-akbayan rin habang nakatayo ngayon.

"Guess the answer, Joe! Faster!" sigaw pa ni South.

"Ano na naman ang kalokohan ito, South?" iritable kong sabi.

"Just give a letter, Joe!" tatawang-tawa pang singit ni Ronan.

Umirap ako. "I don't know!"

Nagulat ako ng bumitaw si South at umakbay din sa dalawang unggoy. Napailing na lang ako ng bigla silang magkantahan.

"Y, Y, Y---- Delilah! Y, Y, Yyyyy Delilah!"

I thought that others were going to stop these three monkeys but I was wrong, almost everyone went along and sang the chorus.

"Forgive me, Delilah. I just couldn't take anymore!---" Quinn stop singing the last line when we all heard a sudden clearing of throat. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagkanya-kanyang upo ng lahat.

"Looks like you are all having fun," Ms. Revilla said. "Well then. Lalo nating i-eenjoy ang oras na ito! Let's go and play baseball!" Ms. Revilla suddenly announced.

Halos lahat ng mga kaklase ko ay nagpo-protesta sa biglaang sambit ni Ms. Revilla na walang pasabi man lang sa amin.

"Ma'am! Wala pa po tayong proper game riyan!" someone of my classmate shouted.

"Opo ma'am! Wala na po kaming energy!" sigaw din nina Imogen.

"Masisira po ang ka-gwapuhan ko sa init!" South suddenly complain. I glare at him na ngayo'y binabatukan ang kambal nitong si North.

Most of my classmates disagree about what Ms. Revilla just said. Hindi ko rin naman kasi sila masisisi dahil totoo namang halos wala pang background ang mga kaklase ko sa larong binanggit. Tho for me, I somehow knows most of the game.

Kaka-approved pa lang din kasi ang larong ito last month kaya karamihan sa mga estudyante wala pang alam or experience man lang.

"Game, Ma'am! Magbibilang na po ba kami?" unang tumayo ang dalawang si Ronan at North. Sus. Magyayabang na naman ang dalawang unggoy.

Umiling si Ma'am. "Not yet, hihintayin pa natin ang ibang section na makakalaban ninyo," Ms. Revilla said.
"For now, tumayo na kayong lahat at pumunta na sa open field, diyan lang sa tabi ng stadium." itinuro ni Ms. Revilla ang nasa gawing kanan ng stadium. Kung nakatayo ka sa pinaka-gitna ng stadium--- sa west part lang ang walang mahabang bleachers, ginawang open part ito para sa nga ibang sports na lalaruin.

We're about to walk down when I saw Coach Davis together with Denver running towards on us.

"Good morning, Ms. Revilla." napangiwi ako ng marinig ko ang biglang paghinhin ng boses ni Coach Davis sa harapan ni Ma'am. Is he trying to make a move?

"Woah. Sir, may balak po ba kayong pormahan si Ms. Revilla? Wala po kayong pag-asa!" singit ni Ronan dito habang tawa nang tawa.

Tinapon naman ni Denver ang walang laman na mineral water nito kay Ronan. "Gago. Wala rin naman kayong pag-asa."

"Hoy, ikaw boy singit! Pasalamat ka nagpipigil ako sa'yo ngayon!" duro naman ni Ronan kay Denver.

"O' bakit? Takot ka? Wala ka pala, e!" Denver replied.

I saw Ronan nodded. "Hindi! Ayoko lang dumikit sa nakakadiring pawis mo sa makinis kong kutis!"

Sabay na nakatikim ng batok sa'kin itong maarteng si Ronan at hinampas naman ni Coach si Denver.

"Ano pala kailangan niyo, Coach?" nagtanong na si Ms. Revilla.

Napangiwi ulit kami ng makitang nahihiyang hinawakan ni Coach ang leeg nito. Eh? Sa tanang training kong kasama si Coach ngayon ko lang nakitang humarot ito, ang corny!

"Kung hindi mo sana mamasamain, kukunin ko muna ang alaga kong si PJ. Isasabay ko siya dito kay Denver sa training dito." Coach answered.

Napa-awang naman ang bibig ko sa gulat. Lumingon ako kay Denver na ngayo'y kinikindatan pa ako ng unggoy. Shocks. Ayokong kasama ang lalaking ito!

Bago pa makatango si ma'am ay malakas na akong sumigaw ng, "Ma'am! Hindi pwede!"

I look around on my classmates and I am all aware that they we're all looking at me. Yeah. Even this Elli is now staring at me.

"Yes, Ms. Murillo?" Ms. Revilla said.

"I... I mean. Hindi po ako pwede ngayon! Gusto kong turuan ang mga kaklase ko sa mga nalalaman ko sa baseball. I... I think they need me." I said, stuttering.

"Napakabait mo naman pala talagang bata, Joe. Pero as the Coach said it's about your training. Besides, we have Ronan and North they both also have background on playing this game," Ms. Revilla replied. "... I don't think hindi magugustuhan ng mga kaklase mo. They also want to support you, right?" she added and I saw all of my classmates agreed. Some even say. 'You should train, Joe' 'Kaya na namin ito! Kami pa.'

In the end. I ended up being pushed down on the bleachers by these three monkeys.

Napanguso na lang ako at hindi na inabala ang pag-akbay at paggulo sa buhok nitong si Denver.

"Okay! Get up, already! Let's go!"

I just silently looked at my classmates walking away from me. I gave a sharp glare enough to feel my annoyance towards on the three monkeys: South, North and Ronan. Urgh!

Iniwas ko na ang tingin ko at hindi na pinasadahan pa ng tingin si Elli.

Naiwan ako sa field kasama sina Coach at Denver.

"Coach---"

Coach Davis stopped me from what I was saying. He then gave us signals to sit first for a moment in the bleachers. Sumunod kaming dalawa ni Denver sa kanya.

"I really wanted to talk to the both of you today. I want to tell you na na-moved ng maaga ang swim meet ninyong dalawa," Coach said. Nagkatinginan naman kami ni Denver. "Kung sabi dati ay sa September, ginawa ito ngayon sa August." he continue.

"But, hassle 'diba? I mean the second week of August will probably be our exam." I said.

Coach nodded. "Yes, so you'll have barely enough time to practice this July. But, I don't want you to give all of your time in this 'meet'. Kailangan pa rin ang academics ninyo lalo na ikaw, Joe. Since na-practice ko na rin kayo ng maaga, gusto ko sa mga susunod na araw or vacant time ninyo kayo mismo ang mag-train sa sarili ninyo. I  am confident enough to the both of you. I know you'll satisfy everyone on your game." Coach said.

"So! Without further a due. Let's start!" Coach suddenly shouted and release a loud sound of whistling.

Ganado namang tumayo at nagtatalon si Denver. "Game!" he shouted.

"20 laps! Game!"

"What!" malakas kong pagsigaw ng marinig ko ang biglang sinabi ni Coach Ang.

"No to complained! Start running!" ani pa ni Coach Davis. Hindi na ako nakareklamo pa ng hinila na ako ni Denver at marahan ng nagtata-takbo sa field.

"Aish! Heto na talaga ang pinakahuling sasalihan ko." I complained.

Denver laughed. "Talaga? Paano kung ikaw mapili sa marathon?" aniya.

"Huwag kang advance. May Amara pang nagmamasid sa'kin." I said.

"Hindi naman 'yon mananalo sa'yo, the best ka kaya!" Denver replied.

"Aish! Hindi na nga naalis sakit ng paa ko, e!"

Denver suddenly stopped running and he worriedly looked at me. "Paa mo? Sumasakit 'yan?"

"Yeah." tipid kong sagot at nagpatuloy sa pagtakbo.

Sumabay muli sa'kin si Denver sa pagtakbo. "Sumasakit na pero nakakatakbo ka pa rin? Paano kung lumala 'yan? Nasabi mo na ba kay Coach 'yan?" he said.

"No. Ikaw lang ang nakakaalam, saka pwede huwag kang OA riyan. Gagaling din ito."

"Ipa check-up mo 'yan. Maganda na ang nakakasigurado." he murmured.

Denver and I turned our heads when we heard loud screams from my classmates in the open field.

"Mukhang nagkakasiyahan ah." Denver commented.

I nodded. "Yeah." I simply agreed and continue running.

Ilang minutong lumipas ay walang tigil ang pagtakbo namin ni Denver, wala ring tigil ang malalakas na tawanan na naririnig ko mula sa mga kaklase kong naglalaro ngayon--- hindi malayo sa amin.

I am now running beyond my speed. I wanted to finish the 20 laps pero nakaka-sampu pa lang ako, I looked at Denver na nagpahinga sandali sa bleachers kasama si Coach. Hindi na nakapagpigil kaya mag-isa na naman akong tumatakbo ngayon.

I'm used to it tho. Eating alone, sleeping alone and running alone. Sino ba ang magta-tiyagang sabayan ako sa walang-kwentang takbo ng aking buhay.

"Joe! Hoy, Joe!" lumingon muli ang ulo ko kina Coach, sinesenyasan akong bumalik.

"Napano?" I asked Denver. Napansin kong hawak ni Coach ang telepono at mukhang may kausap.

"Ewan. Inom ka muna." tinapon sa'kin ni Denver ang isang mineral bottle. Binuksan ko ito at nilagok ng mabilis.

"Okay." ibinaba ni Coach ang hawak nitong telepono at tumingin sa amin. "Saka na muna 'yan, may emergency akong kailangan puntahan. Sige na, magpahinga na kayo." he said saka na kami tinalikuran.

Napa-palakpak naman sa saya si Denver. "Nice! Tara panoorin natin mga kasama mo!" Hindi na ako naka-angal pa ng hilain na naman ako ng unggoy na 'to.

When we arrived at my classmates' place I immediately looked for Elli's figure. Nakita ko itong tahimik na naka-indian seat katabi ang dalawang lalaking kasa-kasama nito. Looks like ang section ng kasama nito ay ang kalaban ng section namin sa laro.

"Gago, South! Tirahin mo ng maayos!"
Denver suddenly shouted at South for not being able to hit the ball.

Saglit na lumingon si South kay Denver at nag-middle finger dito. Kumindat naman ito sa'kin sabay sumaludo. "Para sa'yo 'to, Joe!" South shouted sabay pakitang gilas sa pag-hampas ng hawak nitong baseball bat. Nagtawanan ang lahat---kasama na ako ng biglang mabitawan ni South ang bat. Ang yabang kasi! HAHA

"Last strike, South!" anunsyo ni Ms. Revilla dito.

Muling pumuwesto ng maigi si South at kita ko ang mahigpit na paghawak niya sa bat. Ilang sandali lang ay malakas na binato ng nagsisilbing pitcher dito sa batter na si South.

"Aish! Ang galing mong tumira sa mga babae pero sa bola hindi mo matira-tira!" reklamo pa ni Denver ng hindi ulit makuhang tirahin ang bola ni South.

Hindi ko namalayang may kamay ng nakapalupot sa braso ko. "Oh, anong ginagawa niyo dito?" pagtatanong ko kina Imogen, Vain at Maeve.

"Shh. Kailangan ka namin sa laro, Joe. Heto," inabot sa'kin ni Vain ang isang pares ng baseball gloves. "Tie ang game natin. Kailangan maka-score pa tayo ng isa para manalo. Ikaw na lang pag-asa namin, Joe." anila at hinila ako papalapit sa mga kaklase kong bungisngis ang mukha sa init.

"Last volunteer! Sino pa ang isang ilalaban ng ABM?" Ms. Revilla called our section.

Maeve was about to raise her hand when a man preceded us and pushed another man closer to Ms. Revilla... Its Elli.

Wait. That guy who pushes Elli was somehow familiar. Where did I saw him before?

"Simone?" I suddenly uttered his name. Yes. He is Simone, ang lalaking napagkamalan kong si Elli noon.

Why do I get a feeling that they know each other?

"Game!"

I went back in reality when I heard the sound of a whistle. Pinagmasdan ko ngayon si Elli na seryosong nakatayo sa home base habang hawak ang baseball bat. I gaze on the score board at 2-2 pa rin ang results. Aish mukhang kina Ronan at North lang nanggaling ang score ng section namin ah.

We waited for the pitcher to throw the ball. Hindi nagtagal ay diretso na nitong itinapon sa direksyon ng Home base na si Elli. Hindi na kinailangan  pang pumangalawang tira dahil sa unang bola pa lamang ni Elli ay tumama na ito sa bat na nagpakawala ngayon ng napakalakas na paglipad ng bola sa ere.

Tila tumigil ang takbo ng oras. Lahat kami ay sinundan ng tingin ang bolang nakalabas na sa fences.

"Takbo na, Ellian!"

Malakas na sumigaw si North at Ronan. Ibinalik ko ang tingin kay Elli na ngayo'y unti-unting ibinaba ang bat na hawak nito at mabilis na tumakbo. Ito na ang huling laro na kailangang maipanalo ni Elli. He needed to reached the 1st base, 2nd base, 3rd base and lastly in the home run for him to got another point 'run'

Everyone of my classmates was cheering for him. Naghiyawan at nagsisistakbuhan ang lahat kay Elli ng makarating ito sa home base na naging resulta ng pagkakuha ng pangatlong puntos na ikinapanalo nila.

After the game I immediately walked away from the crowd because those monkeys will most likely pull me again.

Since, it was already vacant I decided to hang out in the Council Room first where I knew I would see Maia inside.

Gaya ng normal na buhay ko dito. May mga iilang kumakaway at bumabati pa sa akin sa bawat daan na tatahakin ko sa loob ng campus.

Nang mamataan ko na ang kwarto ay agad kong pinihit ang doorknob at pumasok sa loob.

"Anong ginagawa mo dito?" I heard Maia's voice. Lumingon ako sa kanya na ngayo'y nasa bookshelves at may kung anong trabaho na naman ang inaatupag.

"Wala. Dito na---"

"Here. Wala kang magawa? Dalhin mo na muna 'yan sa Library." Maia cut my words and instructed me to bring these books that was already in my hands.

"Pumunta ako dito para nagpahinga hindi ang utusan mo." I replied.

"Please? Ang dami ko pang tambak na papeles na kailangan basahin. Sige na, bukas na bukas pagdadalhan kita ng caldereta ni mama." aniya at mabilis akong pinagtulakan papalabas ng silid.

"Argh!" I exclaimed in frustration. Pasalamat ka talaga hindi ko tatanggihan ang caldereta ni Tita Dianne. Naku!

Dumaan ako sa likuran ng building kung saang may bakal na hagdanan at pintuan na naka-konekta sa Library Room. Piling tao lang ang nakakadaan dito dahil may bantay pa sa loob nito. Luckily, malakas ako do'n.

Inakyat ko na ang hagdanan bitbit ang anim na makakapal na libro. I was right in front of the door when I heard a loud noise.

Dala ng kuryosidad ko ay palihim akong yumuko sa ilalim at nakita ko ang dalawang lalaking kasa-kasama ni Elli sa ibang section, hawak nila sa leeg ngayon ang isa pang binatang pumuputok na ngayon ang labi sa dugo.

"Tangina! Sinabihan na kita itapon mo sa ibang parte ang bola kanina! Natalo tuloy kami sa pustahan!" galit na sigaw ng lalaking may bangs sa mukha. He tried to punch the man but he was stopped when a sudden voice entered the conversation.

"Tigilan mo na 'yan."

I was moved out when I saw Elli standing in front of them. Seryoso ang mukha niya pero mababatid mo pa rin ang pagtitimpi ng inis nito.

"Pare, huwag ka nang makielam dito. Tinuturuan ko lang ng leksyon ang tangang ito." sagot pa ng lalaki sabay na sinuntok muli ang binata. Ngayon ko lang napagtantong ang dalawang nang-aapi ngayon ay sila rin ang mga kasa-kasama ni Elli.

The other man was about to punch again when Elli restrained his fist.

Napatakip ako sa gulat ng malakas na sinuntok ni Elli ang lalaki at inilahad ang kamay nito sa binatang kanina pa nanlalambot sa sakit ng katawan.

Nang nakatayo na silang dalawa ay agad namang rumesbak ang isa pang lalaki at malakas na sinuntok si Elli.

"Huwag ka sabing makielam, Pare!" aniya kay Elli at muling itong sinuntok.

I notice the eyes of Elli na sinulyapan sandali ng mga flower pots na nakahilera ngayon sa kanyang harapan.

"Ano? Ipaglalaban mo 'yan, sa ganito namin?" the guy said as he pulled out a sharp knife in his pocket.

I shook my head. No. What is he thinking? That knife was fake! He's trying to trick you, Elli!

Wala sa sarili kong binitawan ang libro at humawak sa railings ng hagdan. Without thinking twice, I jumped in front of them and stopped Elli from what he was planning to do.

But I was too late. The pot was already broken by hitting in my own head.

Nanlalaki ang mata ko ng maramdaman ko ang likidong bumababa sa'king leeg. Nangnginginig ko ito hinawakan at halos mahulog ang puso ko ng nakitang may dugo na sa kamay ko.

"Phoebe."

I couldn't even look at the person who called my name because my body finally fell to the floor... But I'm sure, that was Elli's voice.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro