Six

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

JOE


I slowly opened my eyes as I heard a relentless murmur around me. It takes a second to see my own eyes clearly on where I was right now.

"Omygosh! Joe is alive!"

Bumungad agad sa'kin ang mukha ni Hedi na nasa gawing kanan ko, nakatikim naman ito ng batok kay Nola. "Gaga ka ba, sa tingin mo kamamatay niya 'yan?"

"Joe? Are you all right? I... I mean your wound." I looked at Quinn who's in my left side. Her voice and eyes, say one thing. She's worried... About me.

"What?" I asked confused.

I raised my hand then I touched the strange thing that rested on my head. I sat on the bed in shock.

"I've been hurt?" I asked.

They all nodded.

"I---" I stopped talking when it finally sink in on what just happened.

"Hindi na ba masakit, Joe?" asked North whom standing on the side of Nola.

I was about to shook my head when I felt something painful. Napadaing ako sa left side ng ulo ko.

"Omygosh! It's bleeding again! Get Binx and Finn, Nola!" sigaw ni Quinn at mabilis na umupo sa tabi ko.

"Where did I got hit? What part of my head?" I asked Quinn whom I looking to.

"In the upper part of your ear, Joe." Quinn answered as she observed the bend in my head.

"Mabuti na lang talaga at hindi malalim ang sugat na natamo mo, kaagad na naagapan nina Binx at Finn." dagdag pa ni North.

Dumating naman ang isa pang lalaking may hawak ngayon ng isang tray ng pagkain, bakas sa mukha at buhok naman nito ang pagsabak sa gulo.

"Shit! Mukha na akong na-harassed sa mga lecheng tao sa labas!" Ronan complained, nang mahagip nito ang mga mata ko ay mabilis niya akong nilapitan. "Tangina. Ayos ka na ba, Joe?" he asked.

I nodded saka ko ginulo ang buhok nito. "Ayusin mo nga sarili mo." I said.

Inilibot ko sandali ang tingin ko sa paligid at nag-angat ng tingin sa wall clock ng Infirmary Ward.

"It was already 3 Pm? Did I slept too long?" ang nasabi ko na lang.

Tumango si Hedi. "Yes and some of our teachers already visited you here."

Muli akong nakarinig ng yabag ng paa paparating sa kinaroroonan namin. Nakita ko si Hedi na kasama ang dalawang sina Binx at Finn.

Tumayo si Quinn at pinalitan naman nito si Binx. Binuksan ni Finn ang puting cabinet sa tabi ko at kinuha ang isang puting benda.

"Stay still, Joe." Binx said while touching my head. She slowly removed the cloth from my head and when it was removed there was a blood stain on it.

"You really need to check your ears up in the hospital." Binx added.

"I will." iyon na lang ang sinagot ko.

"Do you want us to help you, Joe?" asked Quinn.

I shook my head as an disagreement. "No, I can handle myself."

Hindi na muna ako kumibo at hinayaang si Finn na bigyan ng gamot ang sinasabi nilang sugat na natamo ko sa teinga habang si Binx ay pinalitan ang benda nito. Thankfully, Binx has a background training in this kind of field. Isa siya sa mga volunteer dito sa Infirmary kapag hindi nakakapasok ang nurse while Finn, his family own a pharmacy store so he knows some of the drugs here.

Sandali kong sinulyapan ang mga taong nakapaligid sa'kin ngayon. North, Nola, Hedi, Finn, Binx, Ronan and Quinn are all here with me. Have they all been stayed by my side? Didn't they leave me?

"Did you all just worry about me?" bigla na lang lumabas iyon sa bibig ko.

I looked at them.

"Really, Joe? Of course! who will not worry about the person who fainted while her head was bleeding?" Quinn said.

"Ano ba kasi ang trip mo at humarang harang ka sa gulong 'yon, look what just happened to you." North said.

Sinang-ayunan naman siya ni Hedi. "Yes. Did you also know that Coach Davis found out about what happened? He's mad. Really." dagdag pa nito.

Napayuko na lang ako sa hiya. Urgh. Nababaliw ka na talaga, Joe! Feeling mo ba nasa movie ka at ikaw ang super hero? Bakit mo ba kasi ginawa 'yon!

Bakit! Bakit!

I stopped myself from tweaking my own hair and frowning of my face.

I... I did that because... I don't want Elli to hurt someone. I did that because I knew what would happen to Elli. He can be suspended and the worst will be expelled. Ayos na sa akin ang nangyari at least alam kong magagawan ko ito ng paraan lalo na't sangkot na ako sa gulo. I'll be a witness and I will stand to Elli.

"Don't do that again, Joe. That was dangerous."

Nag-angat ang tingin ko kay Quinn na may pag-alala sa kanyang mukha. Napangiti na lang ako sa bawat-isa sa kanila na nandirito. "Salamat sa inyo."

"Woah. Narinig niyo ba 'yon? Tangina, dapat narinig ni Denver at South ang sinabi ni Joe. HAHAHA" paghalakhak ni Ronan.

Binatukan naman siya ni Nola. "Aish. Lumayas ka na nga dito. Kairita ka, e 'no." saad ni Hedi.

"Ayoko nga! Ang dami tao sa labas! Jusko nakaabang lahat sila sa'tin lalo na riyan kay Joe." ani Ronan.

"May mga estudyante sa labas?" nagtatakang tanong ko. "Sandali, na saan pala ang dalawang sina South at Denver?" I asked again.

Even before they could speak, we suddenly heard a loud bang on the door of the Infirmary, Nola quickly looked at the source of the noise.

"... And what are you three doing here?" bungad na tanong ni Quinn sa tatlong sina Maeve, Vain at Imogen na halatang hingal na hingal sila sa pagtakbo.

"Kinaladkad ni Denver itong si Ellian! Gosh! Pinagsusuntok na ngayon ni Denver itong si Boy transferee!" Imogen exclaimed. Maeve showed me a live video of Denver and Elli that is now crowded by a few students in the open field.

"... At anong pumasok sa Denver na 'yon para pagsuntukin itong si Ellian?" I heard North asked.

"Maybe because of what happened to Joe? Kalat na kasi ang nangyari kanina sa buong campus." Vain answered.

"Hey! What are you doing, Joe!"

Hindi ko na nilingunan pa ang malakas na pagtawag sa'kin nina Quinn at Hedi nang tumayo agad ako at naglakad sa papalapit sa pintuan ng Infirmary. Pagbukas na pagbukas ko sa pintuan ay bumungad sa'kin ang mga estudyante na naka-abang nga sa paglabas ko.

I calmly close my eyes for a second and heaved a deep sighed.

"Pakiusap, padaanin niyo ako!" malakas kong pagsigaw sa lahat, nagkatinginan ang bawat isa sa kanila ngunit ilang sandali lang ay nahawi ang daan.

Ngumiti ako sa lahat ng estudyante sa'king harapan at nagpasalamat.

Matapos noon ay agad na kumaripas ang mga paa ko sa pagtakbo, diretso ang mga mata ko sa daan at hindi inaabala ang mga estudyanteng napapalingon, napapasilip sa bintana ng bawat silid.

Habang patuloy ang pagtakbo ko ay hindi ko mapigilang hindi hawakan ang ulo sa pagkirot. Aish. Mamaya ka na lang sige na!

I stopped running for a moment, I held on tightly to the pole when I saw  Denver punching Elli, I even saw South trying to stop Denver. Napapaligiran pa rin sila ng iilang estudyante sa harapan ng mismong main building dito.

Aish. Ano ba Denver!

Sa kabila ng nararamdaman kong pagkahilo ngayon ay nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Habol ang hininga akong tumigil at humakbang ang mga paa ko papalapit sa kanila.

I was able to grab the attention of the students around but it was as if the two--- Denver and Elli had their own world who kept exchanging punches in their faces.

Bago pa muling makasuntok ulit si Denver sa lalaking nasa lupa ay mabilis ko nang pinigilan ang kanyang kamao.

"Denver stop." I said in a serious tone.

Gulat na lumingon sa'kin si Denver. "This fucking man hurt you, Joe!" sigaw pa ni Denver at marahas nitong binawi ang kamao niya sa'kin.

Nagpatuloy pa rin si Denver at kinuwelyuhan si Elli. "You see that? You just hurt my friend. My fucking friend, Joe." Denver said to Elli.

"Pare, tama na!" South tried again to stop Denver pero sadyang malakas ang pangangatawan ni Denver. Hindi matinag-tinag.

I glanced at Elli and our eyes suddenly met. Tumitig ako sa kanyang mga mata, nagbabakasakaling may mahagilap man lang na kahit anong emosyon, pero wala.

"I said stop it, Denver!" isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko sa paligid, "... And stop taking videos! Please!" I shouted to the students around us today who are constantly taking pictures and videos.

"Did just Joe shouted at us?" a 10th Grader girl who was in the crowd  spoke up, dahil sa pagsingit nito nagsimula na ang bulungan ng mga tao.

"Omg! Pinapakita na ba ang tunay na kulay ngayon ni Joe?"

"Woah. Hindi ko naman akalain na magagalit si Joe sa ganitong bagay?"

"Does the kind and pretty Joe just transform as a bitch?"

"J-Joe."

Tumingin ako kay Denver na ngayo'y nagawa nang bitawan ang leeg si Elli. "I'm sorry, Joe... I---I didn't mean to---" I stopped Denver from talking.

"Just please. Get lost... All of you." mariing wika ko at seryosong tiningnan ang mga tao sa'king paligid. Halata sa kanila ang pagkagulat sa ginagawa ko ngayon. Alam ko, sarili ko nga ay hindi ko rin maintindihan.

"Please." the last thing I said as I put my head down, naramdaman ko na lang ang mga yabag ng paang papalayo na ngayon sa kinatatayuan ko.

"Wow."

Umangat ang ulo ko ng marinig ko ang boses nito. Elli was now standing two steps away from me. Kami na lang dalawa ang natira ngayon.

Wala sa sarili akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang nagdurugong mukha at labi. "Ayos ka lang ba, Elli? Tara dadalhin kita sa---"

Napahinto ako ng biglang tinabig ni Elli ang kamay ko.

"Magpapasalamat na ba ako sa'yo ngayon?" he suddenly said.

"Ano bang pinagsasabi mo."

His lips form a sudden smirk. "Pwede ba? Hindi ko hiningi ang tulong mo. What? Are you now expecting something from me?" patuloy pa nito.

Napa-atras ako ng isang hakbang mula sa kanya. "Ganito na ba ang tingin mo sa akin ngayon?"

Hindi siya nagdalawang isip na tumango. "Yes. Sino ka ba? Kung makaasta ka sa harapan ko ngayon, kilalang kilala mo ako. The fact that you're just the mere girl I met 2 years ago."

Napatango na lang ako. "So you did remember me? You really did but just a 'mere girl' Wow."

"... And oh. I did want something from you." ang sabi ko pa kahit sa totoo lang ay wala naman. Hindi ba niya nahahalata na naiinis na ako sa kanya ngayon. Wala ba talaga siyang pakielam!

"Nakikita mo ba 'to? Yes this." I added as I pointed out my head with some bandage in it. "Wala ka bang balak sabihin?"

Bahagya itong natawa. "I really don't get you." wika niya at nagsimula na itong tumalikod sa akin.

Ihahakbang pa lamang niya ang kanyang mga paa ng malakas ko itong sinigawan ng, "Bakit ba ang hirap sa'yo gawin ang isang bagay na alam lahat gawin ng tao, Elli!"

"'Sorry' that's all I want to hear from you! 'I'm sorry I hurt you' 'I'm sorry I didn't say goodbye to you then' 'I'm sorry I just came back' Is it hard to do that? Or you just really don't care?" hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nilabas lahat nito ang kabobohan ng bibig ko.

Napalunok ako ng dahan-dahan siyang humarap sa akin. "You know what? You sound like a desperate and bitter person. If you're mad at me, I don't care. Just please, huwag mo nang panghawakan ang dati. Nakalipas na ang nakaraan, hindi na natin mababalikan pa. Hinding hindi na." My eyes widened as I heard that from him.

"... And don't call me, Elli. Ellian is my name." he then now, started to walk away from me again... with that, he left me with a lot of questions in my mind.

"Maybe tomorrow na natin pag-uusapan ang documentary na gagawin ninyo. I am expecting in this class. Please be ready and cooperate on your partner." anunsyo ni Ms. Monteverde and Ethics teacher namin. "... And oh, please see me at the office Mr. Sy." patuloy pa ni Ma'am habang tuon ang atensyon nito sa mga papel na inaayos nito sa table.

"Sino pong tinutukoy niyong, Mr. Sy?" pagtatanong naman ni North.

Natatawa namang nagtaas ng kamay si South. "Ma'am! Iyong matalino po ba o iyong gwapong Sy?" pagbibiro ni South.

Sandaling inayos ni Ma'am ang kanyang makapal na salamin. "Ang gwapong Sy na malapit nang bumagsak... Kilala mo na siguro 'diba, South?" patama ni Ms. Monteverde sa kanya at nagtawanan naman ang mga kaklase namin.

"Burn baby burn!" sigaw ni Imogen sa klase.

"Nakain ka ng sarili mong linyahan 'no, South? HAHAHA" paghalakhak ni Ronan sa harapan ni South ngayon.

"You too, Ronan. See me at the office pag-usapan natin ang pagsuot mo ng white t shirt. Study the proper wearing of our schools' uniform." pahabol pang sabi ni Ma'am na nasa tabi na ng pintuan. Sa pagtingin nito sa kanyang orasan ay siya ring pagtunog ng bell hudgat na naman ng uwian.

"Ano pare? Sabay na tayo? HAHAHA" biro naman ni South kay Ronan na inaakbayan na ngayon.

"Leche ka kasi e, gago!" iritableng saad ni Ronan dito. Hinayaang na lamang siyang tangayin papalabas ni South at sumabay sa mga kaklase kong nagsisiunahan sa paglabas.

Nababagot akong napahikap. Niligpit ko na ang mga libro sa table ko at mabilis na nilagay sa bag, bago ko pa maisakbit ang bag sa katawan ko ay agad na hinatak ito ni North.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano na naman?"

Nginusuan lang ako ni North na para bang may tiningnan ito sa likuran ko.

Naramdaman ko ang daliring kumalabit sa'kin sa likod. Humarap ako dito at, "I'm hungry! Let's eat!" singit ni Quinn sabay na pumulupot sa braso ko.

"Ayoko." I said.

"Please? It's Hedi's treat! Ililibre niya tayo sa ice cream parlor nila riyan!" Quinn said.

"Oh, ano pa inaantay niyo diyan? Tara na!" swabeng-swabe namang pumasok si Nola sa silid. Animo'y nahawi ang daan at ibinigay sa kanya ang space. Jusko. Takot na takot ba talaga sila kay Nola?

"Joe. Pagbigyan mo na ang babaeng iyan." ang sabi naman ni North na tinutukoy ngayon itong si Quinn na kung maka-nguso, akala mo kasing amo ng aso.

I rolled my eyes as I sighed. "Fine. Sasama---"

Inunahan ko na si Quinn sa pagsigaw.

"But! Kailangan ko munang puntahan si Coach nang mag-isa. Magkita na lang tayo sa labas." dagdag ko pa at sinenyasang ihagis na ni North ang bag ko sa'kin.

'Maghihintay kami sa'yo, Joe!' 'Huwag mo kaming bombahin ah!' I heard Nola and Quinn shouted as I got out of the room. Napailing na lang ako habang may baliw na ngiting gumuguhit sa labi ko. Minadali ko na ang pagtakbo  papunta sa gym kung saan alam kong oras ng training ng mga iilang basketball players ni Coach.

I was about to leave at the hallway when I saw a familiar figure walking in front of me. I glanced at it for a moment but my feet continue to run.

May pagkabalimbing din naman pala ang paa ko. Nakarinig lang ng kung anong tunog na bumagsak sa sahig, tumigil. Urgh!

Kinakabahan akong lumingon at nanlaki ang mata kong nakaharap din siya sa akin. Sabay pa naming tiningnan ang pen na nasa sahig.

Since I was closer to the pen I was the one who voluntarily picked it up. I looked up at him. "Here, Ellian." I said as I gave the pen to him. He was about to say something when I immediately ignored him and continue to run.

Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng kahit anong sakit. Nasaktan ako sa sinabi nito noon pero anong magagawa ko, hindi mo mapipigilan ang bibig kapag punong-puno na. I accepted his rants but I knew in myself that I had done nothing wrong. As far as I remembered, I became good friend with him. From Ellian.

A week passed by quickly. I spent all those days practicing at our upcoming Denver swim meet, I also included running for a few hours on the field.

After the training, I follow the preparations for our Midterm Exam which was announced recently and the test will be in the third week of August. Thankfully, ahead of the swim meet to be held in the second week of August, I will still have plenty of time for the Exam.

Sa loob rin ng ilaw ramdam na ramdam ko rin ang pag-ilag ng mga iilang estudyante sa'kin; sa tuwing dadaan ako sa hallway, sa pagkain ko sa cafeteria o kahit saan man ako sa lupalop ng campus damang-dama ko ang mga mata nilang nangungutya. Maybe because they can't get enough about what happened before in the open field. I'm all aware what is happening right now, matunog ngayon ang pangalan ko but I don't care. It's really not a big deal on me
because I will make sure after the swim meet my name will be more resonant.

"Oh! Hello, Joe!"

Pagdating ko sa gym ay bumungad na agad ang bati sa akin ni Coach Jeff na kasama ngayon ni Coach Davis. Pinasadahan ko ng tingin ang mga iilang basketball players na nagwa-warm-up.

Kinawayan naman ako ni Coach Davis. "Naparito ka?" he asked.

Dali-dali kong kinuha ang isang white folder sa bag sabay na inilahad kay Coach ito. "Apology letter po! Pasensaya na po sa pinasukan kong gulo noong nakaraang araw!" paghingi ko ng paumanhin at yumuko sa kanyang harapan.

I heard him laugh, just a moment later he tapped my shoulder so I looked up to him.

"Ikaw talagang bata ka. Pati ba naman iyon iniisip mo? Ang importante ngayon magaling ka na." aniya na may ngiti sa labi.

Hindi ko na rin napigilan ang ngumiti dito. Alam kong naging mahirap din sa kanya ang nagdaang araw, siya ang nagsilbing magulang ko sa check-up sa'king nakuhang sugat sa teinga, wala kasi akong lakas na sabihan ang dalawang magulang ko sa nangyari, ayoko na rin abalahin pa si Lolo dahil may katandaan na rin ito. Si Coach Davis na rin ang humingi ng pasensya sa nangyari. Nang dahil kay Coach Davis walang gusot na nangyari. Nanatiling normal ang takbo sa campus, pwera na lang sa dalawang binatang nag-cause ng gulo.

"Siguraduhin mo lang mauu---"

Hindi ko na pinatapos si Coach Davis sa sasabihin nito, "Opo! Sisiguraduhin kong makukuha ko ang gold medal! Sige po, Coach! Mauna na po ako! Pakibasa na lang po ang nakasulat diyan!" paalam ko dito at kumaripas na nang takbo papalabas.

Hinihingal akong napatigil, wala sa sarili akong napangiti habang tinatanaw sina North, South, Ronan, Nola, Quinn, Hedi at Binx na kumakaway ngayon sa kinatatayuan ko.

"Joe! Dali!" they all shouted at the same time.

I waved back and smiled at them.

Inilapag ni North at Hedi ang may sampung malalaking baso ng ice cream sa round table na pinapalibutan naming lahat.

Nag-angat ng tingin si South sa kanila na nakaupo sa gawing kanan ko. "Yah. Ang sabi ko Mint chocolate chip. Ba't chocolate chip?" South complained.

Binatukan ko siya. "Ang arte mo, ikaw na nga nililibre!"

"Bakit ang dami naman? Mauubos ba natin lahat 'yan?" salita naman ni Ronan na prenteng nakataas ang dalawang paa sa table.

Nakatikim si Ronan ng hampas kay Nola. "Matuto ka namang mahiya, hindi mo ito lugar, gago."

"Nga pala, na saan ang partner mong si Finn? Missing in action ngayon ah." tanong ko kay Binx.

Binx looked at me. "Ewan ko, sawa na rin akong bumuntot-buntot do'n"

Umakbay naman si Ronan sa kanya. "Woah. Iniiwan mo na boyfriend mo ngayon, Binx? HAHAHA"

"Sira ka ba?! Lalaki gusto no'n!" narinig ko pa ang pagsigaw ni Binx dito.

"Here, Joe! Pinuno ko 'yan ng chocolate bar! Ubusin mo lahat iyan ha!" ngumingiting namang inilapag ni Hedi sa'kin ang isang chocolate flavored ice cream.

"Halata nga, Hedi. Napaka-unfair mo talaga!" bigkas ni South dito.

"Bakit? Inggit---"

"Hello guys!" putol ni Quinn kay Hedi na kakapasok lang sa loob hatak-hatak ang isang lalaki sa likod niya.

"Oh, Denver. Dito pare!" sigaw ni South sa kasama ni Quinn.

Umusog kami ng kaunti para makaupo itong si Denver sa tabi ni South.

"Iniiwasan mo ba ka-gwapuhan ko ngayon pare? 'Di ka na pumapasok ah." rinig kong tanong ni South kay Denver.

Itinigil ko ang pagkain at binitawan ang kutsara saka tumingin sa kanila.

"Wala. Busy sa training." Denver said. Tinapunan niya ako ng tingin pero agad din itong umiwas.

Napakunot-noo ako. Hindi naman ako nangangain ng tao pero kung makaiwas kala mo lalapain ko ng buhay! If Denver felt guilty and sorry about what he just did before kausapin niya ako ng maayos, dumadagdag pa siya sa stress na dala dala ng braincells ko.

"Fuck bakit umuulan? Wala akong payong!" reklamo ni Ronan.

Sabay-sabay kaming napatingin sa labas at pinagmasdan ang unti-unting pagbuhos ng ulan.

Napadukot naman ako sa paldang maramdaman ko ang pag-vibrate nito.

In excitement, I suddenly hit my hand in the table and stood up. I grabbed my bag and immediately went outside.

"Joe! Umuulan!" Sigaw ni North sa'kin na nasa tapat ng pintuan ng shop at mukhang hinabol pa ako.

"Ayos lang ako! May sundo ako ngayon!" pabalik kong sigaw kay North at nagpatuloy sa pagtakbo.

Ginamit kong panangga na muna sa ulo ko ang bag habang tinatahak ng mga paa ko pabalik sa campus.

Nang makarating ako sa harapan ng school ay kaliwa't kanan ang paglinga ng ulo ko sa paghanap ng sasakyan ni Mama.

Mom just texted me, she was here waiting for me that is why I immediately run away from them.

Mabilis akong napatakbo ng makita ko na ang puting kotse ni Mama sa tabi ng campus gate. Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ay nakuha ko pang ngumiti dito.

Pero ang kaninang malawak kong ngiti ay unti-unting nawala ng tuluyang bumaba ang bintana ng sasakyan ni Mama.

"Oh, Joe! Magpayong ka nga!" sigaw ni Mama, "Honey! Iabot mo nga muna kay Joe ang payong sa tabi mo." utos ni Mama kay Tito Allan na nasa tabi nito sa front seat.

The backseat window also opened and saw my 1 year old half sister. Kinurot ko ang pisngi nito, "Hello, baby Cale."

"Sumakay ka na dito, Joe. Lumalakas na ang ulan." bigkas ni Mama pero mabilis ko itong inilingan.

"Ma, hindi pala ako makakasama, may projects pa akong aasikasuhin." nakuha ko pang mag-sinungaling kahit may ngiti pa sa labi ko.

"Ganon ba? Sayang naman. Treat ng Papa Allan mo sana ang dinner." sagot ni Mama.

"Sa susunod na lang po ako, Tito Allan!" sabi ko naman kay Tito

"Osige hija, next time ha? Buksan mo na ang payong at baka mauwi pa 'yan sa sinat." tumango naman ako kay Tito Allan at binuksan ang payong.

"Joe! Mauna na kami." hinawakan naman ni Mama ang kamay ni Cale at kumaway sa'kin. "Cale, say goodbye to your ate Joe." natatawa namang ngumiti ang bata sa'kin.

Tanging pilit na ngiti na lamang ang ibinigay ko sa kanila habang tahimik na pinagmamasdang ang sasakyang papalayo na sa kinatatayuan ko.

Mabilis kong pinahid ang bumagsak na luha sa'king mukha. Hanep ka rin ulan, no? Mapanakit ka talaga.

I nodded as the words Elli spoke to me came back in my mind.

He is right. We can never go back in those time. I will never be able to bring back the happy family I once had. No longer. Never.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro